tc august 2008

7
Vol. XXIII No. 03 AUGUST 2008 NEWS: EDITORIAL: on ancestral domain cha-cha Memorandum of Agreement WAR Armed Forces of the Philippines Gen. Hermogenes Esperon Diversion tactics Peace talks bombings Dibuho: Shirley Tagapan //Page design: Paul Divina Moro Islamic Liberation Front terrorism (sundan sa P. 4) M uli na namang iindak sa pagsayaw si Pang. Gloria Macapagal-Arroyo. Sa senyales ng gobyernong Amerika, buong-giliw na niyang iniangat ang kanyang kanang paa. Samantalang umiindayog na ang kanyang kaliwang paa habang umiigting ang labanan sa pagitan ng AFP (Armed Forces of the Philippines) at MILF (Moro Islamic Liberation Front). Sumasayaw na ng Cha-cha ang Pangulo. At ito’y hindi sa saliw ng kaunlaran sa bansa, kung hindi sa musikang siya mismo ang lumikha nang pasiklabin niya ang kaguluhan sa Mindanao. At FEATURES: Ang laban ng mga katutubo para sa lupaing malaya (Pahina 8) Ipinagkait na Patrimonya 4 na ISAFP members nahuli Matapos tiktikan ang mga estudyante terrorism Civilian casualties Terror US vention inter oplan bantay laya Sablay na Seguridad Sa saliw ng Giyera Cha-cha Ang kapritsong hangarin sa likod ng sigalot sa Mindanao

Upload: pol-divina

Post on 01-Feb-2016

280 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

The Catalyst is the official student publication of the Polytechnic University of the Philippines (PUP)

TRANSCRIPT

Page 1: TC AUGUST 2008

Vol.

XX

III N

o. 0

3A

UG

UST

200

8 NEWS:EDitorial:

on ancestral domain

cha-chaMemorandum of Agreement

WARArmed Forces of the Philippines

Gen. Hermogenes EsperonDiversion tactics

Peace talks

bom

bing

s

Dibuho: Shirley Tagapan //Page design: Paul Divina

Moro Islamic Liberation Frontterrorism

(sundan sa P. 4)

Muli na namang iindak sa pagsayaw si Pang. Gloria Macapagal-Arroyo. Sa senyales ng gobyernong Amerika, buong-giliw na

niyang iniangat ang kanyang kanang paa. Samantalang umiindayog na ang kanyang kaliwang paa habang umiigting ang labanan sa pagitan ng AFP (Armed Forces of the Philippines) at MILF (Moro Islamic Liberation Front). Sumasayaw na ng Cha-cha ang Pangulo. At ito’y hindi sa saliw ng kaunlaran sa bansa, kung hindi sa musikang siya mismo ang lumikha nang pasiklabin niya ang kaguluhan sa Mindanao.

At

FEaturES:

Ang laban ng mga katutubo para sa lupaing malaya

(Pahina 8)

Ipinagkait na Patrimonya4 na ISAFP

membersnahuli

Matapos tiktikan ang mga estudyante

terrorismCivilian casualties Terror

US

ventioninter o p l a n

bantay laya

Sablayna

Seguridad

Sa saliw ng

GiyeraCha-chaAng kapritsong hangarin sa likod ng sigalot sa Mindanao

Page 2: TC AUGUST 2008

02

VOL. XXIII No.03 august 2008

Astang Pang. Gloria Macapagal-Arroyo na naman si PUP Pres. Dante Guevarra matapos

dagdagan ang bilang ng mga guwardiya sa unibersidad. Tulad ni PGMA na nagbibigay ng pinakamalaking subsidyo sa militarisasyon, malaki ang iniukol ni President Guevarra para sa pagdaragdag ng bilang ng mga guwardiya upang masiguro ang umano’y seguridad daw ng mga iskolar ng bayan. Subalit sa mga nagaganap, tila hindi ata nakatutugon sa mga kaganapan ang naging hakbang na ito.

Noong Agosto 29, apat na miyembro ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang nahuli ng mga mag-aaral ng PUP matapos na tiktikan ang mga lider-estudyante na nagpoprograma sa Popeye. Ayon sa mga nakasaksi, isang mama ang walang pahintulot na kumuha ng litrato ng mga ito. Nang komprontahin ng mga estudyante, nagpakilala itong dating mag-aaral ng PUP. Ngunit nang hanapan ng ID, wala itong naipakita kung kaya’t napilitan ang mga estudyante na kunin ang kamera na ginamit nito. Kalauna’y nakilala itong si Nestor Estoesta. Nang magtangka itong tumakas, isang lalaki naman na nakilalang si Emmanuel Belmonte ang nilapitan nito at sabay na tumakbo

patungong ROTC (Reserved Officer Training Corps) Office. Sina Estoesta at Belmonte ay dinala sa Security Office matapos mahuli ng mga mag-aaral.

Dagdag ng mga saksi, habang hinuhuli ng mga mag-aaral ang dalawa, isa pang hindi nakilalang lalaki ang nakita na nasa akto ng pagbunot ng baril at nagbanta na papuputukan ang mga estudyante kung hindi ibibigay ang kamera. Nang mapansin umano nito na marami pang mga mag-aaral ang handang sumugod sa kanya, tumakas ito papalabas ng unibersidad.

Samantala, isa pang lalaki ang dinala sa Security Office matapos mahuling umaaligid sa labas ng naturang opisina. Ayon sa mga nakasaksi, tumakbo ito

palabas ng unibersidad nang habulin ng mga estudyante at doon ito nabugbog ng mga tricycle at pedicab driver matapos m a p a g k a m a l a n g magnanakaw. Nakilala naman itong si Jerry Alfon.

Ang ikaapat na lalaki ay nahuli matapos na basta-basta na lamang pumasok ng Security Office habang

nagaganap ang interogasyon kina Estoesta at Belmonte. Ayon sa mga estudyante, tinanong pa nila kung ano ang pakay nito sa nasabing opisina. Sinabi umano nito na may ibibigay lamang siyang CD kay Security Office

Chief Leandro Coquilla. Ngunit nang hanapin ng mga estudyante ang sinasabing CD, naiwanan daw umano nito ang ibibigay. Nakilala itong si Jose Raduban.

Ang lahat ng lalaking nahuli ay malinaw na umaming mga miyembro ng ISAFP.

Sa naganap na dayalogo sa pagitan nina President Guevarra at ng mga mag-aaral, sinabi ng pangulo ng unibersidad na wala siyang alam sa pagpasok ng mga intelligence officer sa loob ng pamantasan. Ngunit ayon kina John Michael Panganiban at Alaine Mark Zamora, mga tagapangulo ng Anakbayan at League of Filipino Students, maraming sibilyan ang maluwag na nakakapasok sa bisinidad ng unibersidad dahil mismong mga guwardiya ang nagpapapasok sa mga ito.

Kung susuriin, mayroong umiiral na kasunduan na nagsasabing bawal ang presensya ng mga militar sa mga unibersidad at paaralan sa loob ng 50 metro. Nakasaad ito sa Enrile-Sotto Accord na pinirmahan noon pang panahon ng Batas Militar. At kung ganito ang sistema na malayang nakakapasok ang mga militar sa PUP, malinaw na mayroong nilalabag na batas ang pamunuan ng pamantasan.

Bukod pa riyan, tila hinahayaan lamang ng administrasyong Guevarra ang malayang paniniktik ng mga ito sa mga lider-estudyante ng unibersidad. Hindi maikakaila na ang pagsubaybay sa mga kritiko ng pamahalaan, maging estudyante man ito o galing sa ibang

2nd flr. Charlie del Rosario Building,PUP Sta. Mesa, Manila

Telefax: 7167832 loc. 637Send your comments, suggestions

and messages to [email protected], Visit us online at www.thecatalyst.tk.

Text KATA and send to 2299.

MEMBER :Alyansa ng Kabataang Mamamahayag

(AKM-PUP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP)

Editor in ChiefJoyce A. Llanto

Managing EditorKimberly Anne B. Salas

Associate EditorsMa. Fatima Joy B. Villanueva

Joannes R. Alonsagay

NewsMark P. BustargaJeric F. Jimenez

Gerald VillanuevaAleczar Chelsie R. Serrano

FeaturesCristina B. Puso

Joshua M. ManataLiterary

Siena Catherine B. FarparanCommunity

Jeff Mike Smith V. SuleCulture Editor

Melanie M. MoyoArtists

Edrick S. CarrascoShirley Tagapan

Paula Renee M. ReyesPhotographer

Grace F. GonzalezLay-out Artist

Paul Nicholas M. Divina

Editorial Board2008-2009

“A potent agent of change”

sektor ng lipunan, ay bahagi ng Oplan Bantay Laya II (OBL II) na ang pangunahing layunin ay ubusin ang mga lumalaban sa gobyerno. Tila malayang nakagagalaw ang kamay ng pasismo sa unibersidad na pakana ng gobyernong Arroyo.

Wala nang saysay ang maraming bilang ng mga guwardiya sa PUP. Nagagamit lamang silang makinarya upang makapasok sa pamantasan ang mga taong makakapagpahamak sa buhay ng mga iskolar ng bayan. Hindi maipagkakatiwala sa rami ng mga tagapagbantay ang seguridad ng mga estudyante kung hindi ito’y nasa tunay na hangarin mapaglingkuran ang mga mag-aaral. Marapat na umaksyon ang pamunuan ng Security Office at administrasyong Guevarra. Maglingkod kayo sa mga iskolar ng bayan.

Sablay na seguridad

“Tila malayang nakagagalaw ang kamay ng pasismo sa unibersidad na pakana ng gobyernong Arroyo.”

Dibuho: Maybelle Gormate

Page 3: TC AUGUST 2008

03

august 2008 VOL. XXIII No.03

Apat na lalaking nakilala umanong mga miyembro ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang hinuli ng mga lider-estudyante ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) matapos tiktikan ang mga ito, Agosto 29.

Nakilala ang apat na sina Nestor Estoesta, Emmanuel Belmonte, Jerry Alfon at Jose Raduban, pawang mga miyembro ng ISAFP.

Ayon kay Jan Paulo Austero, pangalawang pangulo ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM), una nilang nakita ang isang lalaki na kumukuha ng litrato ng mga lider-estudyante habang nagsasagawa ng programa ang SKM at Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) sa Popeye.

“Agad sinita ng mga kasamang naroon ang lalaki pero bigla itong naalarma. Wala siyang maipakitang ID kung siya ba ay totoong alumnus ng PUP. Kinuha ng mga lider-estudyante ang camera. Doon namin nalaman na may kasama pa pala siyang isa pang lalaki dahil sabay silang tumakbo papuntang ROTC (Reserved Officer Training Corps) Office. Nakilala iyong dalawa na sina Estoesta at Belmonte,” ani Austero.

Matapos mahuli ay agad dinala ang dalawa sa Security Office upang imbestigahan ngunit tinanggi ng mga ito na sila ay miyembro ng ISAFP.

“Namamasyal lang kami kasi ang saya niyong tignan kaya namin kayo piniktyuran,” pahayag ni Estoesta.

Ngunit ayon kay Autero, inamin din nito na sila ay miyembro ng ISAFP nang dalhin na sa Presinto 8.

Kaugnay nito, ang isa pang lalaki na si Alfon ay nahuli matapos bugbugin ng mga tricycle at pedicab driver nang tumakbo ito papalabas ng unibersidad.

“May dumating pang isang lalaki na back up nung dalawa. Pilit niyang hinuli iyong iba pang lider-estudyante na nanghuli kina Estoesta at Belmonte. Pero nang kuyugin na siya, tumakbo siya palabas ng unibersidad at doon siya binugbog ng mga tricycle at pedicab driver matapos mapagkamalang magnanakaw,” pahayag ni Austero.

Ang huling lalaki na nakilalang si Sta. Maria ay nahuli nang pumasok ito sa Security Office habang nagaganap ang imbestigasyon sa tatlo pa.

“Sa kalagitnaan ng imbestigasyon ay may dumating pang kasamahan ang mga ito na pawang magsasagawa ng reinforcement para sa pagpapalabas ng mga naunang nahuli. Nakilala namin siyang si Raduban na maghahatid daw ng CD kay Coquilla pero nang hanapin sa kanya iyong dala niyang CD, sinabi nito na naiwanan daw niya ito,” ayon kay Ma. Sophia Prado, PUP student regent.

Sinabi naman ni Krishna Ayuso, pangulo ng SKM,

na wala umanong maibigay na kongkretong paliwanag si Leandro Coquilla, chief ng Security Office, kung paano nakakapasok ang mga intelligence officer ng AFP sa loob ng unibersidad.

“Ang paliwanag lang nila ay [baka] mga OJT ng Variance (ahente ng mga guwardiya sa PUP). Ito’y sagot na walang kasiguraduhan. Pero kung titignan, mas sinisinsin pa nilang inspeksyunin ang mga lider-estudyante sa pagpasok sa PUP samantalang itong mga hindi mukhang estudyante ay madaling nakakapasok,” ani Ayuso.

Dagdag nito, dapat na talaga umanong mag-ingat ang mga estudyante ng PUP dahil sa pagpapabaya ng pamunuan ng unibersidad.

“Positibong nakilala ang mga ito bilang mga intelligence na naniniktik sa mga progresibong organisasyon sa PUP. Hindi na natin masiguro ang seguridad ng mga iskolar ng bayan dahil maging ang Security Office ay hindi nababantayang mabuti kung sino-sino ang mga pumapasok sa PUP,” aniya.

Samantala, nilinaw ni Dr. Dante Guevarra, pangulo ng PUP, sa isang panayam sa ABS-CBN na hindi kinidnap ng mga estudyante ng unibersidad ang mga miyembro ng ISAFP. Ito’y taliwas sa ipinalabas ng naturang istasyon na ang mga mag-aaral pa umano ang nang-argabyado sa mga ito.

4 na ISAFP members hinuliMatapos tiktikan ang mga estudyante

Patuloy pa ring iginigiit ng mga guro at kawani ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ang agarang pagpapatupad sa Collective Negotiation Agreement (CNA) magpahanggang ngayon.

Ayon kay Dindo Emmanuel M. Bautista, pangulo ng UNAKA-PUP, nakasaad sa pinirmahang CNA na nararapat lamang na ipagkaloob na sa kanila ang mga benepisyong kanilang hinihiling dahil sila umano’y dumaan sa tamang proseso.

“Ang pagtitiyak ng administrasyon ng PUP sa pagbibigay ng benepisyo at pagpapatupad sana ng CNA ng mga guro at kawani ay tiyak makakatulong kahit bahagya sa lumalalang krisis sa kabuhayan, na siya namang magtitiyak sa mataas na kalidad ng edukasyon sa ating pamantasan,” ani Bautista.

Kaugnay nito, ang CNA ay

isang kasunduan na pinirmahan sa pagitan nina PUP Pres. Dante Guevarra at UNAKA-PUP dalawang taon na ang nakakaraan na naglalayong ibigay ang mga karapatan, pribilehiyo, at mga non-monetary benefits sa mga guro at kawani ng PUP. Ito’y nakasalig sa Public Unionism o E.O 180.

Sinabi naman ni Rosellier Luciano, pangulo ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-PUP), na nagkaroon umano ng personal na alitan sa pagitan ng unyon at ng administrasyon na maaaring dahilan kung bakit naaantala ang pagpapatupad sa CNA.

“Hindi dahilan ang pagkakaroon ng personal na alitan ng administrasyon at ng unyon upang hindi ipatupad ang CNA. Damay rin sa usaping ito kaya hindi maipatupad ang CNA ay ang budget ng PUP, ito kasi ang kumokontrol sa lahat ng bagay sa ating pamantasan,” pahayag ni Luciano

Dagdag pa nito, napapanahon na umano upang gumamit ng pressure politics dahil waring naging symbolic lamang ang pagpirma ni Guevarra sa pag-apruba ng CNA.

Bilang protesta, nakatakda umanong magsuot ang mga kawani at guro ng ID na maglalaman ng kanilang panawagan upang ipatupad ang CNA.

Timor-Leste President Horta bumisita sa PUP

CNA ipatupadHiling ng kawanihan at kaguruan

Pansamantalang ibinasura ng Board of Regents (BOR) ang panukala ni PUP Pres. Dante Guevarra para sa mga panibagong dagdag-bayarin sa unibersidad noong nakaraang BOR meet, Agosto 28.

Hindi sinang-ayunan ng BOR ang pagpapatupad ng P150 English placement fee at dagdag na P30 sa kasalukuyang P20 scannable fee upang maging P50.

Ayon kay PUP Student

Panukala sa dagdag-bayarin na-defer

Bumisita ang pangulo ng Timor Leste na si Jose Manuel Ramos-Horta sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) noong Agosto 12 bilang bahagi ng kanyang five-day visit sa bansa.

Naging layunin ng kanyang pagbisita ang isang kasunduan para sa academic cooperation at training ng mga Timorese kung saan 100 estudyante mula sa Timor ang papag-aralin sa PUP.

Bukod sa PUP, napili rin ang Unibersidad ng Pilipinas at De La Salle University sa pagpapadalhan ng mga estudyante.

Ayon kay Filemon V. Viduya, punong patnugot ng PUP News, isang karangalan na mapili ang PUP sa hanay ng UP at DLSU dahil itinuturing na isa sa mga outstanding university ang PUP pagdating sa usapin ng akademya.

Sa panayam ng TC kay Alain Mark Zamora, LFS-PUP Chairperson, “tunay na kahanga-hanga at dapat ipagmalaki ang PUP. Ang kahusayan na humubog ng mga de-kalibreng graduates, maging dayuhan ay kinikilala ito. Napakasakit isipin na ang husay ng ating pamantasan ay hindi maitatagos dahil sa mababang badyet. Sukdulang ilako ang edukasyon hindi lang sa kapwa PUPian pati na sa dayuhan.”

Kimberly Anne B. SalasAngelie Marie F. Gardose

Regent Ma. Sophia Prado, ito ay bunga ng walang dokumentong naipakita si President Guevarra noong nakaraan nilang pagpupulong.

Sinabi rin ni SR Prado na marapat lamang na hindi naaprubahan ang mga ito dahil porma lamang ito ng komersyalisasyon.

“Ang mga mag-aaral na mababa ang high school English average ang kukuha nito na hindi dapat. Kitang-kita na ito

ay porma ng komersyalisasyon dahil inaadya ang mga mag-aaral na linangin ang mga kagalingan nila sa ingles para maging mga call center agent lamang pagka-graduate.” ani Prado.

Dagdag pa niya, maging ang scannable fee ay na-defer dahil hindi sapat ang dokumento upang gawing P50 at ipatupad sa lahat ng mga kurso.

“Napatunayan na ang malaking pagkakamali sa pagpapatupad ng scannable fee partikular sa College of Accountancy na sa mismong pagsasalang na sa scannable machine ay nagkamali pa kaya’t minano- mano na lamang,”

aniya.Inilahad din niya na dahil

bago si CHEd Chairman Ricaforte kung kaya binubuhay ang mga ganitong dagdag-bayarin.

“Baka sakaling makalusot. sinusubukan ng mga itong buhayin. Na-defer lamang ang mga ito ibig sabihi’y isasantabi muna ang usapin pansamantala kung kaya’t dapat manatili pa rin tayong mapagbantay.” pagtatapos ni Prado.

Jeric F. JimenezJeric F. Jimenez

Marlon Peter N. Bermudez

Dianne N. Sta. AnaJewel Alquisola

Sina Office of the Student Services Assistant Director Jimmy Dollaga at University security offi-cer Jay Telan habang dinadala sa Security Office ang isa sa apat na intelligence agent (kaliwa). Ang larawan ng apat na intelligence agent na sina Raduban, Estoesta, Belmonte at Alfon (clockwise).

PiGlaS.

Kuh

a ni

Yan

o Ja

zul

Page 4: TC AUGUST 2008

04-05umanong umatake at nagpaulan ng mga bala ng howitzer ang Philippine Marines sa mga komunidad na binabasehan ng MILF sa barangay Baguindan at Tipo-tipo proper sa Tipo-tipo, Basilan. Inatake rin ang mga pinusisyunan ng MILF na bahagi ng hinihinging maibalik na lupaing ninuno na may signipikanteng populasyong Moro. Ang walang pakundangang pang-aatake ng mga puwersa ng AFP at ang pagkadismaya ng mga pwersang Bangsamoro sa pagkakapigil ng pirmahan ng MOA-AD ay nag-udyok sa ilang tropa ng MILF na ipaglaban ang posisyon nila sa ilang bayan sa North Cotabato.

Kinumpleto ng MILF ang pag-atras mula sa 15 baryo sa loob ng tatlong araw. Pero dahil sa tuluy-tuloy na pagtugis ng AFP, ang ilang pwersa ng MILF sa pamumuno ni Ameril Umbra Kato ay naobligang bumalik sa pinakaabante nilang madedepensahang posisyon bilang pag-iingat. Para

pagtakpan ang pananalakay ng AFP, pinalalabas nito sa midya na “lost command” lamang ang mga pwersa ni Ameril, bagay na pinabubulaanan ng MILF.

Bukod pa sa pagpapadala

Cha-chaNaudlot na kasunduan

Noong ika-5 ng Agosto, nakatakda sanang pirmahan ang binuong

Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) sa pagitan ng gobyerno at MILF. Nilalaman ng naturang kasunduan ang pagbabalik umano ng lupaing ninuno ng Bangsamoro at pagbibigay sa kanila ng mas makabuluhan at mapagpasyang awtonomya sa ilalim ng bubuuing Bangsamoro Juridical Entity (BJE). Ang mga lalawigang maisasama sa BJE ay ang Lanao del Sur, North Cotabato, South Cotabato, Sarangani, Zamboanga peninsula, Sulu at maging ang Palawan. Ngunit isang araw bago sumapit ang Agosto 5, ipinatigil ng Korte Suprema ang nakatakdang pirmahan na gaganapin sana sa Putrajaya, Malaysia.

Ayon sa mga ulat, palihim na pinasahan ni Gen. Hermogenes E s p e r o n , presidential adviser on the peace process, si Gov. Emmanuel Piñol ng North Cotabato ng kopya ng MOA-AD bago ang Agosto 5. Ito ay upang pigilan ng gobernador ang nakatakdang pirmahan. Si Gov. Piñol ay nagmula sa pamilya ng mga panginoong may lupa (PML) na nagmamay-ari ng hekta-hektaryang lupain sa Mindanao at nakikitang pangunahing humahadlang sa pagbawi ng lupaing ninuno ng

August 2008 VOL. XXIII No.03

ng pamahalaan ng libu-libong puwersa ng militar sa Mindanao, ginagamit din ng gobyerno ang Reform Ilaga Movement, isang armadong grupong kontra-komunista at kontra-Moro, para maghasik umano ng dagdag kaguluhan.

Kamakailan lang nang hilingin ng militanteng grupo na Anakpawis sa pamahalaan ang agarang pagdisarma sa Ilaga. Ayon kay Anakpawis partylist Rep. Rafael Mariano, ang revival ng naturang grupo ay magbubunsod lamang ng pagbuhay sa mga pagkakasangkot nito sa mga pang-aabuso tulad ng ginawa noong 1970’s na naging daan ng malawakang paglabag sa karapatang pantao.

Nabatid na ang Ilaga ay pinamumunuan ng convicted Italian priest killer na si Roberto Manero. Siya ang sumunod na lider mula sa founder nitong Feliciano Luces alyas “Toothpick” na umatake sa isang Muslim village sa Cotabato noong 1970.

Maliban pa rito, ang Ilaga ay pinaniniwalaang inaarmasan at pinakakawalan umano ng pamilyang Piñol at iba pang malalaking pulitikong anti-Moro sa maraming lugar sa Mindanao upang magbunsod ng kaguluhan at magtulak sa MILF para higit pang lumaban.

Sulsol ng USKinukuwestiyon ng marami

ang presensya ni United States Ambassador Kristie Kenney sa gaganapin sanang pirmahan ng MOA-AD sa pagitan ng MILF at gobyerno. Naniniwala ang mga kritiko ng pamahalaan na hindi totoong walang alam sa nilalaman ng kasunduan ang naturang ambassador at naroon ito upang saksihan ang pagpirma sa MOA-AD na aprubado ng mismong bansa na pinagmulan ni Kenney–ang US.

Malaki raw ang interes ng Amerika sa Mindanao kung kaya’t nais pahupain ng US ang nagaganap na giyera sa lugar ng mga Moro, maging ito ma’y sa paraan ng pag-apruba sa MOA-AD o sa

Background: Paula M. Reyes // Dibuho: Maybelle Gormate , Paul Divina

pagpapahina sa puwersa ng MILF. Dahil sa malalaking dayuhang minahan, plantasyon at iba pang negosyo nila sa Mindanao, pinaniniwalaan na interesado ang US sa eksplorasyon ng langis at iba pang likas na yaman sa Mindanao-Sulu-Palawan. Nais din umanong magtatag ng base militar ang US sa rehiyon upang mapangalagaan ang interes nito sa usapin ng pangongolonyal.

Patotoo raw rito ang madalas na pagbiyahe ni Ambassador Kenney sa iba’t ibang lugar sa Mindanao para bisitahin ang mga puwersang militar ng US at kamustahin ang samu’t saring interes ng US sa isla. Isa pang dahilan ng madalas niyang pagpunta roon ang mahigpit na pakikipagkonsultasyon niya sa US

Institute of P e a c e

( U S I P )

k a u g n a y ng Philippine Facilitation Project nito. Partikular na layunin ng proyektong ito ang pagsubaybay at pag-impluwensiya sa takbo ng pakikipag-usapang pangkapayapaan ng Pilipinas sa MILF para umayon sa interes ng US ang anumang kahihinatnan nito.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagdami ng mga casualty sa giyera sa Mindanao. Parehong nababawasan ng puwersa ang MILF at AFP. Hindi pa riyan kabilang ang mga sibilyang namamatay at ang 160,000 Pilipino, Moro man o

Kr i s t iyano,

Ang kapritsong hangarin sa likod ng sigalot sa Mindanao

Sa saliw ng

AtGiyera

na apektado ang kabuhayan dahil sa walang humpay na kaguluhan. Samantalang ang mga tao sa Malacañang ay hindi pa rin nananawa sa pagsusulong ng Cha-cha na makapagpapalawig sa termino ng Pangulo. Patuloy pa rin sa pag-indak si PGMA, kapareha ang pangulo ng Amerika. At isinasabay nila ang pagsayaw sa tugtuging nagpapahirap at pumapatay sa napakaraming Pilipino.

Joyce A. Llanto

sinasabing sinadya ng Pangulo ang disenyo ng kasunduan sa MILF upang ito’y mabigo”“

mga Moro. Sa pamamagitan nito, umapila sa korte si Gov. Piñol at tuluyang kinatigan nang maglabas ng restraining order ang Korte Suprema.

Dahil sa naudlot na kasunduan, nagalit ang grupong MILF at pinapili si PGMA sa pagitan nila at ng pamilyang Piñol. Ayon sa MILF, kahit hindi pirmahan ang MOA-AD ay panghahawakan nila ang binitawang salita ng gobyerno. Sa huli ay kinatigan ng Pangulo ang desisyon ng Korte Suprema.

Ang pagpapatuloy ng Cha-chaSinasabing sinadya ng

Pangulo ang disenyo ng kasunduan sa MILF upang ito’y mabigo. Batid umano ng gobyerno na babangga ang MOA-AD sa konstitusyon, batas

at korte ng bansa at tiyak na mag-uudyok ng matinding pagsalungat mula sa hanay ng mga a n t i - B a n g s a m o r o at mayayamang pamilya sa Mindanao na naganap nga sa pangunguna ni Gov. Piñol. At dahil imposibleng maisulong ang kasunduan sa kasalukuyang uri ng pamahalaan, s a s a m a n t a l a h i n

umano ni PGMA ang kaguluhan sa Mindanao upang isulong ang panibagong Charter Change (Cha-cha).

Balak umano ng Malacañang na isalang sa Cha-cha ang pederalismo para resolbahin ang kaguluhan sa Mindanao.

Sa isang g o b y e r n o n g pederalismo gaya ng sa Amerika, hahatiin ang bansa sa iba’t ibang estado kung saan ang bawat isa ay mayroong sariling pinaiiral na batas at patakaran. At kung ganito ang iiral na uri ng gobyerno sa Pilipinas, posible nang magkaroon ng sariling estado ang mga Moro na hindi sasalungat sa konstitusyon ng bansa.

Sa inisyal, iniatras na ni Rep. Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro ang panukala niya sa Kongreso ukol sa Cha-cha upang hindi na ito magamit pa ng pamahalaan para maitulak ang pederalismo. Sa Senado, binawi naman nila Sen. Panfilo Lacson at Sen. Rodolfo Biazon ang kanilang pirmang nag-eendorso sa panukalang pederalismo. Dahil dito, nililigawan na umano nang husto ngayon ni PGMA ang malalaking pulitiko para suportahan ang pederalismo. Pinapangakuan na niya umano ang mga ito na mapapahintulutan silang makapagbuo ng sariling kaharian sa kani-kanilang rehiyon sa pamamagitan ng Cha-cha.

Kunwa-kunwariang giyeraat ang Ilaga

Noon pang Agosto 1 nang magsimulang umatras sa kanilang mga pinuwestuhang lugar sa Mindanao ang MILF. Ito ay alinsunod sa kasunduang tigil-putukan na bunsod naman

ng mahigpit na kahilingan ng International Monitoring Team sa pamumuno ng Malaysia. Pero dahil sa umano’y traydor na pag-

atake ng AFP at mga pribadong pwersang paramilitar, naantala ang lubusang pag-atras ng MILF.

Walang pakundangan

Noon at kasalukuyang

kalagayan ng Bangsamoro

nakikitang tanging paraan ng mga

Bangsamoro upang mawakasan

ang lumalalang kahirapan sa

hanay nila.Sa kasalukuyan, nananatiling

pinakamahirap na rehiyon ang

Autonomous Region of Muslim

Mindanao (ARMM) sa bansa dahil

sa lalong tumataas na bahagdan

ng mga mamamayang walang

trabaho, mababang antas ng

edukasyon at pinakamalalang

kalagayang pangkalusugan.

Ito’y manipestasyon ng patuloy

na pag-abandona sa kani la

ng gobyernong

Pilipino.

Mahigit 11 taon na ang

nakakaraan nang

magsimula ang usaping

pangkapayapaan sa pagitan ng

pamahalaan at ng MILF. Ngunit higit

pa sa bilang na ito ang taon ng

pakikipaglaban ng mga Bangsamoro

(katutubo ng Mindanao) o Muslim

para sa lupaing ninuno at mga

batayang karapatan nila.

Taong 1968 nang sumiklab ang

Jabidah Massacre kung saan 60

kabataang Muslim ang pinatay ng

mga militar. Ito ay matapos nilang

subukang ihayag ang kanilang mga

hinaing sa Malacañang ukol sa

pagpapabaya ng pamahalaan sa

mga Bangsamoro. Dahil dito, higit

na naniwala ang mga ito na hindi

kailanman magsisilbi ang gobyerno

para sa kapakanan nila.

Taong 1976 naman nang buuin

ang Moro National Liberation Front

(MNLF) kung saan orihinal na nagmula

ang MILF. Layunin ng pagbuo nito

ang pangunguna sa armadong

pakikibaka ng mga Muslim upang

mabawi ang kanilang lupaing ninuno.

Ang pagbawi sa lupaing ninuno ang

Page 5: TC AUGUST 2008

VOL. XXIII No.03 August 2008

06

H i g h - t e c h n o l o g y equipment and gadgets for administration, faculty and students.

-Marvin, ABE IV-irreg

Maayos na lider ang kailangan ng PUP, ‘yung uunahin ang pangangailangan ng mga estudyante bago ang ibang bagay.

-Kois, MK 3-1S

Mga bagong gamit o lab equipment para sa kolehiyo ng Agham.

-Bik

Proper drainage, like ngayong umuulan, bumabaha. Tsaka CR

kasi laging sarado.-Ralph, BAPR 2-2D

Para po sa akin, kailangan pa po ng PUP nang mas mataas na budget para po natutugunan ang mga pangangailangan ng bawat estudyanteng nag-aaral.-Sanny Belle Rogan, BOA

2-9D

Budget. Mataas na budget talaga. Kasi ‘pag may mataas na budget, magiging efficient ang pag-aaral at pagtuturo ng teachers. Hindi malilimitahan ang talento at kakayahan ng estudyante at teachers.

Yung facilities dapat magamit nang libre at maiiwas yung income generating projects na minsan ay mga propesor ang gumagawa na ‘di naman masisisi dahil nga kulang ang budget.

-Yohan, ABTA 1-1

Sana magkaroon ng isang responsableng mamumuno sa PUP. Iyon bang siya mismo ang mag-iinitiate ng mga karapatan nating mga estudyante, hindi yung pulos pagpapaganda lang ang ginagawa sa labas ng university.-anonamemo,CLL stude

Ano sa tingin mo ang kailangan pa ng PUP bukod sa mga imprastraktura?

1.Sa tingin mo magkano ang ginastos ng Admin-istrasyong Guevarra para sa pagpapagawa ng administrative wing sa 2nd floor, south wing?2.Sang-ayon ka ba sa memorandum of agreement sa pagitan ng gobyerno at MILF para sa tinatawag na ancestral domain?

This Month’s Question:

1) hmm, cgur0 kya ng ipaay0s ang fcilities s c.A,paairc0n airc0n nlng xa s opis hbang ang mga skolar ng byan ay ngttyaga s mliit n klasrum @ wla ni 1 electrc fan.dusa men!daammn.

-zmE, BSS I-1 , 639219245***

1) nd,sa tngn q,”MEM0 OF WAR”ang gnawa nla,nd 1 png bansa ang solusyon sa peacè!Msyadong maln0urish ung M0A.Parang ang nangyari 2loy i buhay ng mga in0cnte ntng kababayn s MIN.Ang nagng sakripsyo pra mpgtkpan lng ang datng isyu !ABZTEFG!

-ya0ng yaan,BSIE1-1639212186***

Q1

Q2

2) d eh kc s tingen q d ren su2n0d jan yang mga milf n yan, mga wlang tama kc sila!-JAMES RIOS,BAPR 2-2N

639216978***

Other comments:- Sna po my mga news corespondence kau s mga brnch or campuses ng pup.4 nstance po s dorm rate w/c was ncreased by 50%.db news to?

-639213742***

- Aba.,sept. n wla p rn ung handbook?ung dting 15pes0s ngng 45 n nga pr0 nsan n?pano nmin mllman ang mga school policies kng d nmin mbbsa un,tzk tzk

-639219245***

Register once by typing KATA (space) REG (space) AGE, COURSE, YR. & SEC. then send to 2299.Text KATA (space) Q1/Q2 (space) Your Answer (space) NAME, Yr.& Sec. then send to 2299.P2.50 lang ang bawat padala. Bukas sa lahat ng subscribers ng anumang network.

Next month’s questions:1. Sang-ayon ka ba na malayang nakakapasok ang mga militar sa ating pamantasan?2. Anong masasabi mo sa mga pulitikong nagpapasaring na ng kanilang pagtakbo sa 2010 Presidential election?

Ted Pylon’s

intel edition

Isang munting pag-intindi sa tinatawag nilang Postmodern

Abalang-abalang nagkakalikot si Ted Pylon ng bagong camera niya na may super zoom at powerful lens.

TED PYLON: *Click!* Wow! Linaw men. Makapagpicture nga dito sa main gate.

Sound effects: WapaAak! Kablag! Boom!

TED: Ohmen! Anong nagaganap?

Dahil likas sa kanya ang pagiging tsismoso, dali-dali siyang lumapit sabay labas ng kanyang press ID at camera. Nakibalita siya sa isang estudyante na nakiki-usyoso din.

TED: Kuya, anong nangyari dito?

Estudyante: Uy! Si Ted! Papiktyur naman tayo oh. Isa lang. Idol kasi kita eh. Hehehe.

Agad namang pumose si Ted kasama ng estudyante para magpakuha ng litrato. Abot-tengang ngiti ang estudyante sa picture nila ni Ted nang makita nya ito.

TED: Oh yan ha, pinagbigyan na kita. Hehe. Ano ba talaga nangyari dito?

Estudyante: Yung mga manong kasi, nahuling kumukuha ng picture ng mga lider-estudyanteng nagsasagawa ng programa sa Popeye. Nung tanungin nila kung para saan, ‘di naman masagot nung mama. Di naman yun estudyante dito eh.

TED: Naku! Di rin naman press yun. Walang school ID o press ID. Tsk tsk. Pano nakakapasok yung mga yun ng campus. Di kaya mga ahente ng militar yun?

Estudyante: Mga intelligence agent nga ng AFP. Naniniktik ng mga estudyanteng

pinaglalaban lang naman yung karapatan ng sambayanan at higit sa kapwa nila estudyante. *Sabay taas-kamao* Oha! Kaya picture muna ulit tayo. Please. Dito naman sa cellphone ko, Ted!

Ngumiti at umakbay agad si Ted sa estudyante at nagpalitan pa sila ng pwesto. Nagsilapitan ang iba pang estudyante at nakipicture na rin sa dalawa. Tumalon-talon sila para matyempuhan sa ere ang kanilang mga posing. Maya-maya, nalaglag mula sa estudyante ang ID nito. Nakasaad doon na ito’y miyembro ng Student Intelligence Network. Natulala pareho sina Ted at ang estudyante. Maya-maya’y kumaripas na nang takbo ang estudyante na intel din pala habang nakangisi.

TED: Owsyet. *Tulala*

Case No.8 series of 2008WANTED: Prof. Sylvia Basilian, College of Languages and Linguistics

Nais po naming ireklamo ang aming prof. na si Sylvia Basilio sa paniningil ng P10 para sa isang hand out at P5 para sa isa pang hand outs. Dito daw po ibabatay ang aming midterm. Bukod pa doon, siningil din niya po kami ng P70 para sa film showing. Ayos lang po yung paniningil niya nito ngunit sa mga ibinabayad naming ito ay wala pa kahit isang naibibigay sa amin si Mam.

Tinanong na namin siya about this matter pero hindi niya kami sinagot.-ABE 2nd yr. students.

ni Underground Boyband

Nalilito ako kung paano iintindihin ang diskursong ito. Multidisciplinary daw ika nga ang sabi nila sa paksang ito.

Ibig sabihin ay pinag-uusapan ito sa maraming larangan ng pag-aaral gaya ng sining, pilosopiya, sosyolohiya, arkitektura at marami pang iba. Ang hirap intindihin, parang buhok na kulot at gulo-gulo. Naiintriga ako sa tinatawag nilang “postmodern”. Iyon na raw ang ating panahon (beyond modernity).

Ayon sa kanila wala na raw “grand narrative”, wala nang iisang sentro ang lipunan (center less) kaya wala na ding iisang kahulugan ang mga bagay bagay gaya ng kung ano ang totoo, mabuti at maganda. Tama tayong lahat at tama ang lahat ng diskurso. Ang kumukontra sa mga ganitong konsepto ay sinasabing mali. Tanong ng isang manunulat, “kung tama tayong lahat bakit pa tayo nagtatalo-talo? Hindi na raw uubra ang mga malawakang paraan ng pagpapaliwanag sa problema ng lipunan. Kailangan daw buwagin sa pamamagitan ng dekonstruktibong pagbasa ang mga sinasabi ng istruktura at ng mga institusyon (halimbawa agham) para mailantad at maipakita na ang mga sinasabi nito’y ginagawang kasangkapan ng mga nasa kapangyarihan para mapagsilbihan ang kanilang sarili at maka-uring interes. Punto ng mga postmodernong kritiko,“hindi na mapagkakatiwalaan angsiyensya”. Tanong nila, “kung talagang neutral at obhetibo ang agham bakit hindi nito naalis ang mga batayang problema ng tao sa modernong lipunan gaya ang kahirapan?”(lalo lang lumala ang kahirapan kahit nandiyan na ang agham at teknolohiya) Hindi naman ginamit ang agham at teknolohiya para makatulong sa tao. Dagdag pa nila, mas lalo lamang pinalala ng siyensya ang problema sa paligid kagaya halimbawa ng pagkasira ng kalikasan at pagkakaroon ng “climate change”. Saan ginamit ang agham? Sa kanilang pagsusuri, hindi na natin maaaring iasa ang ating mga katotohanan at paniniwala sa sinasabi ng agham. Malawakan itong ginagamit ng mga nasa kapangyarihan para magsulong at mapaglikuran ang kanilang mga pulitikal, kultural at ekonomikong interes. Samakatuwid ang obhetibong realidad na pingangalandakan din ng siyensya ay bias sa mga nagdedefine nito na siya ding nakikinabang

sa kasalukuyang kaayusan, wala nang totoo, ang lahat ng totoo’y konstruksyon lamang ng lipunan. Ang mga social totality ng bawat sistemang panlipunan ay bias sa mga interes ng grupo ng mga taong nagsusulong nito. Sa lipunan natin itinatakda ng iilang mayayaman ang standard ng pamumuhay maging ng kagandahan na sila lang ang makaka abot nito at tatawagin nila itong excellence, ituturo nila sa atin ang kanilang sariling values at tatawagin nila itong ethics, ipapakilala rin nila ang kanilang sining sa atin bilang timeless and universal at sasabihin nila itong classics, ipapataw nila ang kanilang sariling konsepto ng katotohanan at tsaka nila itong tatawaging siyentipiko. Sa ganitong bagay nagrereact ang mga postmodernist. Sabi nga ni Lyotard, “let us wage war on totality, let us activate difference”. Wow! Mukhang mapagpalaya! Ako din nama’y nasasakal din madalas ng lipunan, ang hirap sumabay sa uso, sa sinasabi at idinidikta ng lipunan. Paano ako magiging ako si ako?

Malalim ang sinasabi nila. “Attractive” ang kanilang teorya, kritikal ang kanilang pagsusuri. Para raw sa mga naisasantabi ( gaya ng mga kababaihan, minorya at mahihirap) ang pulitika ng mga postmodernist kaya lagi silang nagdedeconstruct ng mga social totality. Yun nga lamang ay may mapanganib tungkol dito. Kung ang sabi nila’y wala na daw obhetibong totoo, ang lahat ay konstruksyon lamang ng lipunan. Kung gayon, paano pa tayo kikilos para baguhin ang ating kalagayan?. Wala na ring “grand narrative” kung ganon, gaya ng binanggit kanina. Liliit na ang lahat ng malalaking usaping panlipunan, lalabo ang puno’t dulo ng pinaggalingan ng mga bagay-bagay kagaya ng problema natin sa bigas at pamasaheng pagkataas-taas ng presyo, militarisasyon sa kanayunan at maging sa kampus at marami pang iba. Ito ang magiging problema sa tinatawag nilang “postmodern” kapag pinaniwalaan natin ito nang husto. Pinaliliit nito ang malalaking usaping pambayan at panlipunan dahil para sa kanila wala na sa gitna ng lipunan ang kontradiksyon. Nasa gilid-gilid na lang daw ito.

Halimbawa, sabi ni Jun Cruz Reyes, ang usapin ng uri ay ginawa na lamang “gender

Kumembot Expose’Half-man, Half-marble from Romblon

(sundan sa P.7)

Page 6: TC AUGUST 2008

07

August 2008 VOL. XXIII No.03

Ramdam na ramdam ko ang hirap ng buhay ngayon, nawalan ng trabaho si Tatay at si Nanay tumigil sa trabaho niyang pangangatulong dahil humina ang katawan. Madalas na rin

akong hindi pumasok sa mga klase ko dahil walang–wala talaga kaming pera.Hindi ko na nga alam kung makakapagpatuloy pa ako ng pag–aaral.

Sa mga oras na ito, ayoko nang umuwi ng bahay dahil sa tuwing gagawin ko ito, nakikita ko lang si Nanay na mahinang–mahina ang katawan, si Tatay na bakas na bakas sa mukha ang kawalang pag–asa at sa mga kapatid kong hindi ko na alam kung may maaliwalas pang kinabukasan na naghihintay sa kanila. Sa mga ganitong pagkakataon tanging pag–iyak na lamang ang ginagawa ko.

Alam kong nararamdaman mo rin ang hirap nang buhay, mula sa pagtaas ng presyo ng langis, bigas at iba pang pangunahin mong pangangailangan. Alam ko ring nanggagalaiti ka na sa mga nangyayari, yun bang pakiramdam na para kang nasa hawla na hindi man lamang makapagaspas ang mga pakpak. Isa ka ring bilanggo sa sarili mong sistema, isa ka ring bilanggo sa sistemang hindi ikaw ang nagpapabulok.

Patuloy kang binubulag ng sistemang mayroon ka ngayon. Pinapasan mo ang iba’t ibang dagdag bayarin tulad ng P250 developmental fee at P800 energy fee. Subalit sa tuwing nanakawan mo ng sulyap ang bawat kuwarto ng PUP, tumatambad sa iyong mata ang sira-sirang upuan, kulang-kulang na electric fan, at masuwerte pa nga kung may pinto ang silid na pinagkaklasehan niyo. Hindi pa rin napapalitan ang mga typewriter na 20 taon nang ginagamit, ngunit sa tuwing titingin ka sa paligid mapapansin mo ang magarbong postura ng PUP na pinagkagastahan ng P20 milyon. Tunay na hindi natutugunan ang

mga pangunahin mong pangangailangan. Tunay na hindi ramdam ang kaunlaran.

Hindi mo rin mapigilang tumiim ang kamao habang umaalingawngaw nang paulit-ulit sa iyong tenga ang kinasangkutang anomalya ng Pangulo mong si Arroyo tulad ng P321 M Jose Pidal scandal, P536 M Diosdado Macapagal Blvd, P728 M fertilizer scam, P700 M IMPSA at $329 M NBN-ZTE deal. Subukan mo ngang ibulong sa iyong sarili kung nakatulong ba sa iyo ang mga ito, mga proyektong pinasok ni GMA subalit hindi mo lubusang napakinabang. Mga perang galing sa iyong bulsa ngunit nawala na parang bula.

Sa mga panahong gaya nito, hindi na maaari pang wala tayong gagawin, hindi na maaari pang ika’y umupo na lamang at hintaying wala ka nang makain. Hintayin na lamang ang mga susunod pang pagnanakaw na gagawin ng mga nasa kapangyarihan. Hintaying wala nang isaing ang iyong ina, hintaying mawalan ng trabaho ang tatay mo, hintaying tumigil ka din sa pag-aaral dahil wala na silang panustos sa iyo.

Kung akala mong wala ka nang magagawa, nagkakamali ka, dahil kapag ginawa natin nang sama – sama ito mas matindi pa sa kutsilyong unti – unting hihiwa sa kahirapang nadarama natin, mas matindi pa ito sa truncheon at tubig na ipinantatapat nila.

May magagawa ka pa, hindi na maaari pang magbulag – bulagan ka na lamang at maging sunud – sunuran sa mga nangyayari.

Halika’t sumama sa mga pagkilos – magmobilisa kasama ng mga kaklase mo, lahat tayo. Sama – sama. Iisa ang hangaring kumawala sa tanikala ng kahirapan. Tumikim ng tagumpay dulot ng sama-samang pagkilos – pagmomobilisa. Dahil ikaw, ako, tayo, ang pangunahing nahihirapan.

Sagot sa KahirapanPersona Non Gratta

Katulad ng mga hindi inaasahang pagdating ng mga “kahon” sa harap ng bahay namin, biglaan din ang naging pagdating ng tatay ko. June 24, 2008. Walang handaan. Walang

kahit na ano. Pero gaya ng nakasanayan, higit na nakaagaw ng atensyon naming lahat ang maliit na kahong dala pa niya mula Saudi Arabia - ang balikbayan box. Ang pinagkaiba nga lang, mas maliit na ang kahon kumpara sa dati.

Sa ikalawa at huling pagkakataon, muli kong isusulat sa tipak na ito kung paano inilarawan sa akin ng simpleng balikbayan box ang realidad ng lipunang Pilipino. At muli, nais kong iaalay ang sulating ito para sa tatay ko. Siya na kabilang sa tinatawag nilang mga “bagong bayani” o mas kilala bilang Overseas Filipino Workers (OFW’s). Sapagkat higit sa anupaman, siya ay bahagi rin ng mas malawak na bilang ng uring-pinagsasamantalahan na ipinaglalaban at pinaglilingkuran ko.

Matagal na rin mula nang bansagan ang mga kagaya niyang OFW bilang mga bagong bayani ng ating panahon. Sa ganitong usapin, iniisip ko tuloy kung nararapat nga ba sa kanila ang ganoong katawagan. Dahil sa esensya, tila ang pagbabansag ng karamihan sa ganoong pangalan ay ginagawa lamang kasangkapan upang kunsintihin ang kanilang pagpapaalila sa mga banyaga. Hindi namin kailanman maitatanggi ang laki ng tulong na naidulot sa amin ng pangingibansa ng tatay ko. Ngunit sa malalim na pag-analisa, ang tunay na isyu sa paksang ito ay ang nananatiling kawalan ng alternatibo sa pagbibigay ng hanap-buhay sa sambayanang Pilipino. Sino bang nagnais na umalis sa sariling bayan kapalit ng matamis na pangako sa ibang bansa? Gaya ng inaasahan, sa banding huli, lagi tayong naiiwan sa mga pagkakataong wala tayong pagpipilian. At ang masakit na katotohanan, ang pangingibang-bayan ang iniisip ng karamihan bilang tanging paraan upang maabot ang pinapangarap na pag-alwan ng kabuhayan.

Ngunit para sa mga katulad namin, taliwas sa inaasahan ang lahat ng mga nangyayari. Dalawang buwan na ang inilagi ng tatay ko sa Pinas. At dahil nandito siya kasama namin, wala kaming sapat na kitang pupuno sa mga pangangailangan namin sa araw-araw. Kinailangan naming magbawas ng luho, o mas minabuti naming pansamantalang tanggalin muna ang mga luho at iba pang bagay na hindi kailangan. Mahirap amining sa ganitong punto ay hinihiling ko nang muling mangibang-bansa ang tatay ko. Gaya ng nasabi ko, wala na kaming pagpipilian. Kasalukuyan niyang inaayos ang lahat ng kailangan niya para muling makaalis ng bansa. Ngunit dahil nasa proseso pa siya ng pagpapagaling ng kaniyang karamdaman, mukhang matatagalan pa bago siya uli makaalis. Kaya marahil, matagal-tagal pa ang kailangan naming tiisin para pumila sa NFA rice dahil sa mahal nang bigas, na kailangan namin

maglakad kaysa sumakay dahil sa mahal nang pamasahe, at higit sa lahat kailangan naming bawasan ang pagkain namin sa isang araw dahil sa mahal nang mga bilihin.

Bukod dito, apektado din ang pag-aaral ko. Kaya noong naalala ko iyong nakaraang editoryal ng The Catalyst kung saan tinalakay sa nasabing sulatin ang pagtanggal ng pondo ng gobyerno sa MOOE o Maintenance and other Operating Expendtitures ng mga state universities and colleges, hindi ko maiwasang mapaisip sa magiging kalagayan ko at ng mga kapwa ko Iskolar ng Bayan. At dahil isa ang PUP sa lubhang maaapektuhan, hindi na malayong mawala na ang konsepto ng libreng edukasyon. Hindi ko tuloy sigurado kung makakapasok pa ako sa susunod na semester. Baka mapilitan akong mag-full time sa pagtatrabaho, o kung kakayanin ay pagsabayin ang dalawa. Biro nga ng kaibigan ko, bakit hindi ko daw subukang “gumimik” sa Malate o di kaya’y magbenta ng “gramo”. Natawa na lang ako sa nasabi niya. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko habang gumigiling sa entablo at inaabutan ng pera, o mapasok sa kulungan sa ganitong murang edad kung sakaling mahulihan ako. At siguro, mas matutuwa ako kung gigimik ako hindi sa Malate kundi sa lansangan bilang entablado ko. Hindi man ako abutan ng pera, hindi naman malayong ako naman at ang mga kasama ko ang magkukulong sa mga maysala kung bakit naghihirap kami at ang sambayanang Pilipino sa kabuuan.

Ngayong matatapos na ako sa isinusulat ko, nalulungkot pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang balikbayan box. Nasabi ko dati, darating ang panahon na sa pagbalik ng tatay ko ay tiyak kong wala na siyang lilingunin pa sa ibang bansa. Mukhang nagkamali ako, o marahil hindi pa siguro ito ang panahong iyun. Ngunit kagaya nga ng nauna kong sinabi, mukhang matatagalan pa bago uli makaalis ng bansa ang tatay ko. At bilang kapalit, ang kapatid ko namang fresh graduate ang nagbabalak umalis ng bansa. Kumbaga, ang kapalit ng pananatili ng tatay ko kasama namin ang siya namang pag-alis ng isa uli naming kapamilya.

Iiniisip ko tuloy, ilang pa kayang kahon ang darating sa harap ng bahay namin? At marahil, hindi pa ito ang huling pagkakataong magsusulat ako tungkol sa balikbayan box.

Jeric F. Jimenez

Balikbayanbox (Part 2)Espasyo

Mark P. Bustarga

POSTMODERN(mula P.6)

Ang Unzipped ay bukas sa lahat ng estudyante ng PUP. Ipadala lang ang inyong mga sanaysay sa TC office.

issue”. Naaawa tayo sa mga babaeng hindi nakakapagpinta kasi nag-aasikaso ng asawa at anak. Nakakaawa naman talaga. Kung bigyan kaya ng katulong? At kung makapagpinta na, hindi na ba nakakaawa ang mga taong naglilinis ng kanilang kuko, nagkukulay ng kanilang buhok, naglalaba ng kanilang damit at pati na rin ang nagtatanim, nagtitinda at nagluluto ng kanilang kakainin? Kung ganon ang depinisyon na ng mapang-api ay hindi na ang sistema kundi ng opposite sex na lamang. Pwede rin naman. Kaya lang hindi dapat

doon natatapos ang pagsusuma, dagdag ni Reyes. Ganito din ang ginawa sa usapin ng rape. Ang usapin ng panggagahasa ay ginawa na lamang problema ng ginahasa at nanggahasa, kinalimutan na na ito’y karahasan laban sa mga kababaihan at higit sa lahat ito’y usapin ng sistema ng patriyarka. Sa arena ng ating kulturang popular, halimbawa ang kahirapan at kagutuman ay maitatawid na ng masa sa pamamagitan ng panonood ng telepantasya at telenobela, kasi ang kahirapan ay naging personal na problema na lang ng bawat indibidwal at pamilya. Kulturang popular ito na inihahain sa masa na bunga rin ng “postmodern” chuva nila.Ginagawa na lamang tayong abala ng kapitalismo sa panonood ng deal or no deal, diosa at survivor! Lumalabo at lumiliit ang puno’t dulo ng mga problemang panlipunan natin. Walang problema, kasi walang maglulutas ng problema. Ito ang problema ng mga postmodern, ayaw nilang tignan at harapin ang problema. Imbis na komprontahin ang problema, mas tinatanggap na lang nilang “ganyan talaga wala na tayong magagawa dyan”. Hayaan na lang nating ganyan. Idaan na lang natin sa inom.

Hindi ko matatanggap ang ganitong klaseng pangangatwiran. Mahirap kapag naging ganito ang mga kumakalat na konsepto. Kanya-kanya na tayo, bahala ka na sa buhay mo, okey lang na may problema (halimbawa, tumataas ang presyo ng langis o bigas) naka-havaianas naman ako eh. Mas maganda tsinelas ko sa’yo. Sa STARBUCKS kami nagkakape ng friends ko, doon kami tumatambay mga chipangga kayo! Ganito na lang siguro ang magiging problema natin ngayon. Ano ang tatak ng damit mo, ng tsinelas mo (havaianas ba yan o Rambo?) kapuso ka ba o kapamilya? Ako HBO. Magpakabit na rin kayo ng cable. Kung hanggang ngayon wala ka pa ring e-mail o friendster account, di ka pwedeng tawaging ganap na tao. Ganito na lang ang magiging paraan natin sa pagbibigay ng kahulugan ng buhay. Ang lahat ng ito’y nangangahulugan na hindi natin kailangan ng malalaking pagkilos (dahil maliliit na lang ang ating problema). Hindi na natin kailangan ng malalaking galit, kasi kapag malaking galit ang meron tayo, mga malalaking pagkilos ang kailangan natin. Rebolusyon yun! Kaya nga hindi dapat tayo basta-basta na naniniwala sa lahat ng mga sinasabi ng mga kagaya ni Foucault, maliliit na bagay lang naman ang tinatalakay niya. Tinutunggali ng mga postmodernong palaisip ang konsepto ng mga kolektibong pagkilos, para kasi sa kanila’y “lost cause” na daw ito, ibig sabihi’y wala nang saysay. Hahayaan na lang natin ang problema? Walang problema? Hindi ito totoo? Isipin ko na lang wala ito? Just free your mind.

Problema nga ito. Dapat nating malaman na ang mga nagpapakalat ng ideyang ito ay walang iba kundi ang mga taong tumatalikod na sa posibilidad na lumaya ang tao sa mapang-aping istruktura ng lipunang maka-uri, lipunan ding mas mahalaga ang tubo kaysa sa kapwa tao. Para sa kanila, ang tanging huling larangang natitira sa pakikipaglaban ay subjectivity o ang sarili. Wala nang saysay na ihain mo sa masa ang malawakang naratibo ng pakikibaka laban sa kagutuman, kahirapan, imperyalistang dominasyon, korapsyon at pyudalismo. Isipin mo na lang na malaya ka, hindi na mahalaga ang sinasabi ng paligid, ang mahalaga’y paano mo ito binabasa at naiintindihan para sa sariling kapakanan mo.

Sa totoo lang kahit andyan pa ang SM, telepantasya at telenobela sa ating kulturang popular, mas matindi ang krisis ngayon. Niloloko lang nito ang masa. Sobrang taas ng presyo ng bigas, ng iba pang bilihin, ng gamot, ng gasolina, ng pamasahe, maraming aktibistang dinudukot at pinapatay, dumaranas ng grabeng krisis ang bayan dahil sa naglubog sa atin sa pagkakautang, ang US (asahan mong gagawa na naman ng gyera yan). Sa tingin ko’y hindi pa ito ang panahon ng postmodernismo. Marami pang sisingilin ang bayang ito sa modernismo. Pag ganun na ang lipunan nati’y hindi na problema sa sikmura ang pinoproblema natin. Pinakakalat lang sa akademya ngayon ang kaisipang ito para pahinain ang mga kilusan dito at maghain ng isang senaryong okey lang ang buhay ngayon tutal naman champion naman parati si Manny Pacquiao sa boxing. Abangan natin sya sa December, lalabanan niya si Dela Hoya, champion ang Pilipino sa bilyar, pinakamagaling ang Pinoy sa kantahan (Charisse Pempengco) at nakikita mo pa ang crush mo sa friendster. Panlilinlang ang lahat ng ito. Dito ko mapapahalagahan ang ilan sa elemento ng kaisipan ng kritikong si Slavoj Zizek. Sa isang panayam niya sa Democracy Now!, sinabi niya na kailangan nating buhayin ang konsepto ng malaki, dambuhalang kolektibong mga aksyon, na sa pagkakaunawa ko gaya ng sinabi ng isang kritiko itanggi man ni Zizek, ito ang rebolusyon.

Ang postmodernismo ay kaakibat pa rin ang pangkalahatang sistema ng kapitalismo. Konsumeristang lipunan din ito kung saan mas mahalaga pa rin ang tubo kaysa kapwa tao. May problema ba rito o wala? Hahayaan na lang ba nating ganito o babaguhin natin ang lipunan? Laban o Bawi? Deal or No Deal? Manood na lang kaya ako ng I.T.A.L.Y.?

Page 7: TC AUGUST 2008

08

August 2008 VOL. XXIII No.03

Katutubo at lupaTulad ng pagpapahalaga ng

bawat Pilipino sa kanilang tirahan, matagal nang laban ng mga IP ang pagpapanatili sa mga kinagisnan nilang tirahan. Tinatawag itong lupaing ninuno o ancestral land. Ito ang nagsisilbing hangganan ng kanilang teritoryong sakop kung saan mayroon silang sariling gobyerno at kulturang pinagyayabong.

Kabilang na sa teritoryong ito ang lahat ng likas na yaman sa himpapawid, katubigan, mga hayop o halaman at maging mga maaring makuhang mina sa ilalim ng lupa. Sistemang kumon ang ipinaiiral sa pagmamay-ari ng lupa sa loob ng mga tribo na ito. Ibig sabihin, walang pribadong pagmamay-ari. At dahil dito, walang konsepto ng pagpapatitulo ng lupa ang mga IP na siya namang sinamantala ng gobyerno, ilang pribadong indibidwal at mga dayuhang bansa para kamkamin ang lupaing matagal na pinangalagaan ng mga katutubo.

Katutubong yaman,dahuyang pakikinabang

Sa usapin ng yamang-mineral, ikatlo ang Pilipinas sa may mayamang reserba ng ginto sa buong mundo at pang-apat sa tanso. Hindi nakapagtatakang maraming kapitalistang bansa ang nagkakainteres dito, mula pa lamang sa mga Kastila, Amerikano at maging sa kasalukuyang gobyerno.

Sa sabwatan ng pamahalaan at naglalakihang dayuhang kompanya, nakapagpasa ng mga batas na magsisilbing ligal na pananggalang nito sa paghuthot ng yaman ng bansa partikular na sa mayayamang lupain ng mga IP.

Ilan sa mga batas na ito ay ang Public Act of 1902 at Mining Act of 1905. Ipinatupad sa pananakop ng mga Amerikano, pareho itong nagbibigay ng karapatan sa mga dayuhan na magmay-ari at maglunsad ng pagmimina sa bansa.

B i l a n g p a g b u b u k a s

ng ating bansa sa kawig ng liberalisasyon o free trade sa industriya ng pagmimina, ipinatupad ni Pangulong Ramos ang Republic Act 7942 o ang Philippine Mining Act of 1995. Layunin ng batas na ito na lalong pagtibayin ang pagmamay-ari ng estado sa mga lupain at mineral at magdesisyon sa paggagamitan nito. Ipinatupad diumano ito upang makasabay sa pandaigdigang pamilihan. Ngunit kung sisipatin, kasama sa mga probisyon nito ang pagpayag sa 100% dayuhang pagmamay-ari sa mga kumpanyang mina sa bansa, ang pagkakaroon ng 10 taong tax holiday o hindi pagbabayad ng buwis at maging ang pagbibigay libreng tubig na ginagamit sa pagmimina. Mga patunay na higit na nakikinabang ang mga dayuhan kaysa sa ating pamahalaan.

At ang malala, iniisang tabi ng mga batas na ito ang dapat na pagkonsulta sa mga katutubo ng paggagamitan ng lupang kanilang pag-aari, alinsunod na rin sa Indigenous People’s Rights Act (IPRA). Ikinukonsidera ang lupain ng mga IP bilang mga public o eminent domain. Samakatuwid, ang pagpapasya sa paggagamitan ng lupang ito ay nasa kamay ng gobyerno.

PagkaubosHalimbawa ng pagkamkam sa

lupaing ninuno ng mga IP ay ang naganap sa Nueva Vizcaya (NV). Isa itong mayamang agrikultural na lugar kung saan humigit-kumulang 40 uri ng citrus ang tumutubo at maaani doon. Dahil diumano sa pagpapalawig ng free trade, pinasok ito ng isang malaking dayuhang kompanya, ang Oxiana Philippines Inc. ng Australia, upang magsagawa ng eksplorasyon.

Bilang epekto, “literal na napapatag na

ang mga kabundukan,” pahayag ni Alfie Haban, tagapagsalita ng Kabataan para sa Tribung Pilipino-PUP (Katribu-PUP). “Nagiging sanhi ito ng erosyon ng lupa at mga flash floods. Ang mga residente ng mga barangay doon na mga Ifugao, Ibaloi at Kalanguya ay maiiring nagpoprotesta sa ganitong pagmimina. Ito daw ay labag sa kanilang lokal na ordinansa na nagdeklara na ang bahaging sinakop sa pagmimina ng Oxiana ay nakalaan na upang maging watershed ng pataniman ng citrus”.

Sa halip na panigan, pandarahas ang naging tugon ng pamahalaan sa pamamagitan ng militarisasyon. “Kung saan may eksplorasyon ng pagmimina yung mga dayuhang kompanya, mataas ang militarisasyon. Isang pagpapakita lamang na ginagamit talaga ng gobyerno ang military upang protektahan ang dahuyang interes. At iyon ang nasaksihan ng aming grupo (Katribu) noong pagpunta namin doon,” pagsasalaysay ni Haban.

Hindi lamang ang kanilang kabuhayan ang inuubos ng pagmiminang ito, maging ang mga buhay ng mga orihinal na nagmamay-ari nito ay inuubos din. Umabot ng 90 na mga katutubo ang biktima ng political killings na naitala noong taong 2007 ng Karapatan, isang organisasyon na ipinaglalaban ang mga karapatang pantao at karapatang sibil. At mahigit 24 lider ng iba’t ibang tribong nakatira doon ang nahaharap sa tangkang pagsasampa ng kaso sa kanila dahil sa pagpigil sa pag-usad ng eksplorasyon ng Oxiana.

Ipinaliwanag din ni Haban na hindi sila umaayaw sa pagmimina doon. “Walang masama sa pag-unlad, pero kung hindi nakikinabang ang mga mismong tao doon, partikular na ang mga katutubo, wala rin itong saysay,” aniya.

Defend PatrimonySa nagaganap na

pambubusabos sa NV, nag-organisa ang mga taong-simbahan at mga

lokal ng

komunidad, kasama ng mga IP, upang buuing muli ang alyansa na Defend Patrimony mula sa dating pangalan nito na Task Force Nueva Vizcaya. Inangkop ang pangalan ng pinakamalawak na alyansa sa layunin nitong tutulan ang talamak na liberalisasyon sa pagmimina at isulong ang karapatan ng IP sa lupang ninuno at sariling pagpapasya.

Ayon kay Haban, sa pagsusulong ng karapatan ng mga IP, nararapat lamang na ibasura ang lahat ng bumabangga dito lalo na ang Philippine Mining Act of 1995. “Sa higit 10 taon na pagpapatupad dito, nagdulot ito ng lubos na pambubusabos sa mga katutubong Pilipino at pagkasira ng kalikasan. Marapat rin na huwag pahintulutan ang mga naglalakihang dahuyang kumpanya na mag-explore at exploit sa sarili nating bansa. Sa halip, dapat isulong ang pagkakaroon ng industriya ng pagmimina - mula explorasyon, pagpoproseso, pagdedevelop ng mga mineral

hanggang sa pagbebenta.”

Kung kaya’t nananawagan ang Defend Patrimony at Katribu na suportahan ang kampanya upang maibalik sa mga katutubo ang kanilang lupaing ninuno. “Ang isyu ng pambansang minorya ay isyung nasyunal pa rin. Isa itong laban ng buong lahing Pilipino. Nararapat lamang na ipagtanggol

natin ang lupang talagang pag-aari ng ating bansa. Tutulan, labanan at patalsikin natin ang pagsasabwatan ng rehimeng Arroyo at mga dahuyang kumpanya sa pag-agaw sa yaman na mayroon ang Pilipinas,” ayon pa kay Haban.

Ang sapilitang pagkamkam at pagsasapribado ng kanilang lupaing ninuno ay panghihimasok sa kanilang kinagisnan. Katumbas na rin ito ng pagsira at pambabastos ng kanilang sistemang pamumuhay, identidad, kultura at mahigpit na ugnayan sa isa’t isa bilang isang tribo. Sabi nga ni Haban, “ang lupa ang kanilang buhay, kunin mo ito sa mga katutubo at para mo na rin silang pinatay”.

Maiuugat pa sa panahon bago ang pananakop ng mga Kastila o ng mga Muslim sa Mindanao ang mayamang kasaysayan ng mga katutubo o indigenous people (IP) dito sa Pilipinas.

Kadalasang matatagpuan ang mga IP sa mga bulubundukin at liblib na bahagi ng bansa. Naninirahan sila sa mga lugar na malapit sa ilog, dagat, bundok at kung saan sagana ang likas-yaman. Dito sa Pilipinas, 12% ng populasyon ay binubuo ng mga IP, ayon sa datos ng National Statistics Office, taong 2001. Nahahati ito sa walong mayor na grupo at mahigit 40 pang etnolingwistikong grupo.

PATRIMONYAIpinagkait na

Ang laban ng mga katutubo para sa lupaing malaya

Ma. Fatima Joy B. Villanueva Dibuho: Francis B. Biñas at Shirley Tagapan

“Ang isyu ng pambansang minorya ay isyung nasyunal pa rin. Isa itong laban ng buong lahing Pilipino. Nararapat lamang na ipagtanggol natin ang lupang talagang pag-aari ng ating bansa.”