tc november-december 2008

15
Vol. XXIII No. 05 NOVEMBER-DECEMBER 2008 NEWS: EDITORIAL: LITERARY: Word War P250 SIS fee ibabalik May digma sa Alingasngas Page 2 Page 3 Page 10 A nila, hindi magagawang mabuhay ng Pilipinas kapag wala ang bansang Estados Unidos. Isa ang Amerika sa mga bansang pangunahing pinaglalagakan ng lakas-paggawa ng ating bansa. At bilang kapalit, dito naman nila inilalagak ang mga surplus o sobra-sobrang komoditing ipinoprodyus nila. Hindi rin syempre mawawala ang mahigpit na ugnayan ng dalawa sa usaping militar. Kung susuriin sa kabuuan, malawak na aspeto ng pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino ay sinasaklawan ng Estados Unidos – mula pulitika, ekonomiya at maging sa kultura. Ang anumang tangkang pagbalikwas ng isa sa nasabing aspeto ay maituturing na matinding struggle para sa isang malakolonyang gaya ng Pilipinas. (sundan sa pahina 8) Illustration: Paul Divina

Upload: pol-divina

Post on 30-Mar-2016

330 views

Category:

Documents


21 download

DESCRIPTION

The Catalyst is the official student publication of the Polytechnic University of the Philippines (PUP)

TRANSCRIPT

Vol.

XXIII

No.

05

NOVE

MBE

R-DE

CEM

BER

2008 NEWS:EDitorial: litErary:

WordW a r

P250 SIS fee ibabalik

May digma sa Alingasngas

Page 2 Page 3 Page 10

Anila, hindi magagawang mabuhay ng Pilipinas kapag wala ang

bansang Estados Unidos.

Isa ang Amerika sa mga bansang pangunahing

pinaglalagakan ng lakas-paggawa ng ating bansa. At bilang kapalit,

dito naman nila inilalagak ang mga surplus o sobra-sobrang komoditing

ipinoprodyus nila. Hindi rin syempre mawawala ang mahigpit na ugnayan

ng dalawa sa usaping militar. Kung susuriin sa kabuuan, malawak na

aspeto ng pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino ay sinasaklawan

ng Estados Unidos – mula pulitika, ekonomiya at maging sa kultura. Ang

anumang tangkang pagbalikwas ng isa sa nasabing aspeto

ay maituturing na matinding struggle para sa isang

malakolonyang gaya ng Pilipinas. (sundan sa pahina 8)

Illustration: Paul Divina

02 03

VOL. XXIII No.05 November - December 2008 November - December 2008 VOL. XXIII No.05

2nd flr. Charlie del Rosario Building,

PUP Sta. Mesa, Manila Telefax: 7167832 loc. 637

Send your comments, suggestionsand messages to

[email protected], Visit us online at

www.pupthecatalyst.deviantart.comText KATA and send to 2299.

MEMBER :Alyansa ng Kabataang

Mamamahayag (AKM-PUP), College Editors Guild of the Philippines

(CEGP)

Editor in ChiefJoyce A. Llanto

Managing EditorKimberly Anne B. Salas

Associate EditorsMa. Fatima Joy B. Villanueva

Joannes R. Alonsagay

News Editor Mark P. BustargaFeatures Editor

Joshua M. ManataLiterary EditorJeric F. Jimenez

Community Editor Melanie M. MoyoCulture EditorCristina Puso

Graphics EditorEdrick S. Carrasco

ArtistsShirley Tagapan

Paula Renee M. ReyesPhotographers

Grace F. GonzalezRichard ReyesLay-out Artist

Paul Nicholas M. Divina

Junior Staff WritersMa. Quey Ann Eliza A. Solano

Jewel O. AlquisolaJaniz L. de Belen

Monica M. PresnilloNarisa Caranto

Ramoncito G. FelarcaAngelie Marie F. GardoseMaria Karol P. Hernandez

Fitz Gerald T. RomeroMarlon Peter N. Bermudez

Christzaine SaguinsinHerbert D. Montecer

Gerald VillanuevaAleczar Chelsie R. Serrano

Junior ArtistsMaybelle GormateFrancis B. BiñasKeizer Rosales

Editorial Board2008-2009

“A potent agent of change”

orda r

Gamit na gamit na naman ang media sa larangan ng digmaang pandaigdig. Hindi

lamang isyu ng kung sinong may salarin sa pagsiklab ng kasalukuyang giyera sa pagitan ng mga bansang Israel at Palestine ang pinagdedebatihan sa ngayon, kung hindi pati kung anong media company at sinong media practitioner ang nag-uulat ng katotohanan. Kung pagaganahin ang search engine ng internet, mababasa doon ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa Israel-Gaza War. Ngunit imbes na maliwanagan ay lalo lamang maguguluhan ang mga mambabasa’t manonood dahil sa paiba-ibang balitang ipinapakalat ng mga ito.

Ayon sa isang artikulo na isinulat ng nagngangalang Habib Battah, isang freelance journalist at media analyst na nakabase sa Beirut at New York, sa kagustuhan daw ng mga mainstream media sa bansang Amerika na balansehin ang balita ay hindi nito naipapakita ang tunay na bilang ng mga napapatay sa Palestine kumpara sa Israel. Dahil sa tantos, mahigit 700 Palestino na ang nasasawi samantalang wala pang 50 ang sa mga Israeli. Ngunit sa mga ulat ng NBC at ABC, malalaking news company sa Amerika, madalas lamang inilalagay ang katagang “people killed” imbes na itala ang tunay at saktong bilang ng mga Palestinong biktima ng giyera. Isang artikulo

naman sa The Washington Post ang naglabas ng litrato ng dalawang ina, isang Israeli at isang Palestino. Iyong Israeli, balisa dahil sa kaguluhan sa kanilang bansa. Samantalang iyong Palestino, buhat-buhat ang kanyang isang anak na patay at isa pang anak na sugatan. Nais ipakita ng dalawang litrato na parehong naghihirap ang mga mamamayan sa dalawang bansa, ngunit hindi pinalitaw na higit na maraming paghihirap ang dinaranas ng mga Palestino– kabilang na ang mamatayan ng mga kaanak.

Bukod sa pagpupumilit na balanse umano ang mga Amerikanong mamamahayag, pilit din nilang sinasabi na sila’y tumutugon sa elemento ng time at space. Ayon pa sa artikulo ni Battah, karamihan sa mga inilalabas na video footage ng MNSBC, isa pang media outlet sa Amerika, ay hindi kumpleto. Marami sa mga ito ay edited at kadalasan inihahalo sa ibang balita na hindi naman kasinghalaga ng giyera upang makarami ng balitang iuulat. Ngunit ang pagtugon sa sinasabing elemento ng time at space ay nagsasakripisyo sa kalidad ng balitang inilalabas nila.

Kung susuriin, ang sinasabing pagtalima ng mga media institution sa mga elemento ng balita gaya ng pagiging balanse at pagtugon sa time at space ay palusot lamang ng mga Amerikanong mamamahayag. Hindi naman kasi maitatanggi na ang bansang Estados Unidos ang nasa likod ng panggigiyera ng Israel sa Palestine. Isang matibay na patunay nito ang pagkaalis ng boses ng mga Palestino sa balitang inilalabas ng mga Amerikano. Napakahalagang impormasyong kinakailangan sa pagbabalita ang pahayag ng mga biktima o saksi. Subalit sa panig ng mga Amerikanong mamamahayag, tila lagi itong nawawala. Karamihan sa mga mamamahayag nito ay nakabase lamang sa Israel kung kaya’t hindi nito

nasasaksihan ang mga tunay na kaganapan sa Palestine. Nagiging resulta tuloy nito ang pagganda ng imahe ng Israel at pagkakaroon ng masamang reputasyon ng Palestine. Wala ang isang panig ng balita, ibig sabihin ay otomatikong hindi ito balanse.

Kung gaano makapangyarihan ang Estados Unidos para masuportahan ang

bansang Israel, ganito rin kalakas ang pamahalaan nito upang maniobrahin ang media para pagtakpan ang lumalalang pang-aabuso ng mga Israeli sa karapatang-pantao ng bansang Palestine. Mabisang instrumento ang media upang makapagpropaganda. At sa lagay ng propaganda sa Amerika, tila itim ang kulay nito.

W

“Ngunit ang pagtugon sa sinasabing elemento ng time at space ay nagsasakripisyo sa kalidad ng balitang inilalabas nila.”

Illustration: Francis Biñas

02 03

VOL. XXIII No.05 November - December 2008 November - December 2008 VOL. XXIII No.05

12 lider-estudyante kinasuhan ng AFPLabindalawang lider-estudyante ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na tinatawag ding “PUP 12” ang kinasuhan ng robbery, direct assault at serious physical injury noong Oktubre 2008.

Tinukoy ang PUP 12 sa pamamagitan ng pagdikit ng mga larawan ng mga estudyante sa formal complaint ni Corporal Jerry Alfon, isang ahente ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Pinangalanan ang apat dito na sina John Paulo Austero, kasalukuyang pangalawang pangulo ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral; Henry Enaje, dating student regent; Rodolfo Beltran, Jr. ng NNARA-Youth; at Ardhie Gasapos ng Anakbayan, pawang mga lider-estudyante ng mga organisasyong kabilang sa SAMASA Alliance.

Ang isa ay kinilalang si Joseph Fajardo ngunit hindi ito nagtugma sa pangalan ng nasa larawan. Dahil mali at hindi nagawang pangalanan

ang ibang nasa litrato, abswelto na ang walo sa naturang kaso.

Ang mga kaso laban sa PUP 12 ay isinampa ni Alfon bunsod ng insidente noong Agosto 29. Matatandaang apat na intelligence officer ng AFP, kabilang si Alfon, ang nahuling nasa loob ng pamantasan at naniniktik umano sa mga lider-estudyanteng nagpoprograma ng araw na iyon kung kaya’t inaresto ng estudyante ang mga ito.

Ayon naman kay PUP Student Regent Ma. Sophia Prado, paraan lamang ng estado ang pagsasampa ng kaso sa mga lider-estudyante upang sila’y takutin at pahintuin sa pakikipaglaban.

“Nasa ibang anyo na ang pananakot at pandarahas ng estado ngayon sa pamamagitan ng AFP. Sinasampahan ng mga bogus na kaso ang mga lider-estudyante dito sa PUP. Isang pagpapatunay lamang na nababahala na ang rehimen

sa patuloy na lumalaki at lumalakas na bilang ng mga napapakilos na PUPian dahil na rin sa mga isyung sumasapul sa kanilang mga interes,” ayon kay Prado.

Pinanawagan din ni Prado ang pakikiisa ng buong komunidad ng PUP, sa pangunguna ni Dr. Guevarra at pag-aksyon para sa PUP 12 at lalu’t higit, para sa academic freedom sa pamantasan.

Nang kapanayamin naman ng The Catalyst si Attorney Fernando Peña, chief ng Legal Office, sinabi niya na ang pagbibigay ng legal advice ang naitulong ng administrasyon, partikular ng kanyang opisina, sa PUP 12.

“Kung may mga tanong sila regarding legal matters, I give them legal advice. Kung may mga affidavits sila na kailangang ireview, but up to that extent lang. Hindi pwedeng makialam ang PUP dahil they are being sued in their own personal capacity,” aniya.

Samantala, kasalukuyang ididinig ang naturang kaso sa sala ni Fiscal Querubem Garcia ng Manila City Hall.

Hinainan ng 90 araw na suspensyon ng Sandiganbayan si PUP President Dante G. Guevarra at maging sina Vice President for Administration Augustus F. Cesar at Accounting Division Chief Adriano Salvador, September 3.

Ito’y kaugnay ng kinakaharap nilang kaso na 12 counts of graft na isinampa nina Prop. Zenaida Pia at Cresenciano Gatchalian noon pang Pebrero 1, 2002.

Kaalinsbay nito, nagpetisyon naman ang tatlong opisyales ng Motion for Reconsideration upang mapigilan ang naturang suspensyon na tatagal ng 90 araw.

Ang 12 counts of graft ay may kinalaman sa umano’y iregular na paggasta ng pondo ng unibersidad noong 1989 kung saan vice

president for finance pa lamang si Pres. Guevarra. Kabilang dito ang umano’y overpricing sa pagpapagawa ng walong paaralan na nagkakahalaga ng P20.91 milyon; ang umano’y sobrang pagbabayad para sa terminal leave benefits ng yumaong PUP President Nemesio Prudente; ang umano’y unauthorized payment fees at honoraria sa public works; ang sobrang pagbabayad umano sa mga biniling lupa; at ang umano’y pagkawala ng P10.65 milyon para sa mga mangungutang at iba pa.

Taong 2006 pa nang magkaroon ng mosyon upang hilingin sa Sandiganbayan ang pagdinig ng agarang pagsuspinde sa tatlong opisyales ng PUP.

Maaari nang i-refund ang P250 Developmental Fee o mas kilala bilang Student Information System (SIS) Fee matapos ang naganap na Board of Regents (BOR) meeting noong Disyembre 15, 2008.

Ito ay bunsod umano ng iregularisayon dahil sa walang konsultasyon na naganap sa mga estudyante bago pa man ito ipatupad.

PagbabasuraAyon kay PUP Student

Regent Ma. Sophia Prado, ipinag-utos ng BOR at Commission on Higher Education Chairman Ronnie Angeles ang pagrefund sa P250 SIS fee dahil sa kawalan ng konsultasyon sa mga estudyante bago ito ipinatupad.

“Nakasaad sa Student Handbook na ang bawat polisiya at sistema na ipapatupad ng unibersidad ay dapat dumaan sa konsultasyon ng mga mag-aaral lalo na’t ito’y mayroong kinalaman sa kapakanan ng mga estudyante,” aniya. “Matingkad na matingkad yung pagsasawalang-bahala sa boses ng mga estudyante

P250 SIS fee ibabalikSa utos ng BOR

lalo na sa mga ganoong klaseng pagtingin. Estudyante ang naging katasan ng kita kesahodang natatapakan yung interes nila.”

Bukod sa walang konsultasyon, isa pang dahilan ang walang malinaw na papeles na makapagpapaliwanag kung ano nga ba ang SIS.

Matatandaan na nagsimula ang P250 developmental fee noong unang semestre at bahagi nito ang SIS na sa kalauna’y ginawa na nilang SIS fee. Ito diumano’y para mapabilis ang enrolment at maging sistematiko at kompyuterisado ang pagsasaayos ng mga records ng mga first year student.

Sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na proseso kung papaano maibabalik sa mga estudyante ang P500 na SIS fee para sa dalawang semestre.

Sinabi din ni Prado na patuloy niyang hinihingi sa administrasyon ang special order kung saan masisimulan na ang pagbabalik sa mga freshmen student ng P500. Ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa ito umano

ibinibigay dahil nais pa ng administrayon na maghabol sa BOR para hindi matuloy ang refund.

P300 PE uniformKasabay nito, nauna

nang ipinag-utos ng BOR ang refund ng P300 P.E. uniform na sinimulang singilin noong enrolment ng ikalawang semestre. Bunsod din ito ng walang konsultasyong naganap at hindi aprubado ng BOR.

Ngunit ayon kay Business Regulation Office Director Randolph Alcantara na magsisimula ang pagre-refund kapag nakuha na nila ang summary ng lahat ng nagbayad. Hinihintay pa di umano nila ang mga estudyante na bumibili pa ng P.E. uniform.

Nananawagan naman si Prado na, “Ang mga estudyante ay dapat tumulong, makisangkot lalo sa usapin ng refund, tama iyong pagtindig sa tama. At higit sa lahat, makipagtulungan ang kapwa mga estudyante sa hindi pagsang-ayon sa mga dagdag-bayarin dahil para rin iyon sa kanila.”

Joannes R. Alonsagay

Guevarra, iba pang opisyales hinainan ng suspension

Jeric F. JimenezChristzaine Saguinsin

Ma. Fatima Joy B. Villanueva

OY! OY! OY! OY! OY! aizha Mavizhazha llaveMarvin Pamplinaroberto legaspi

Giselle MonsaludJeanilyn lajaraNery aspili

Maaari lamang na magtungo kayo sa The Catalyst office upang i-claim ang inyong mga premyo sa nakaraang Mabini Sessions II literary contest. Hanggang pebrero 28 lamang maaaring kuhain ito.

Junk Cha-ChaIto ang panawagan ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang ibasura ang Cha-Cha noong Disyembre 12 sa lungsod ng Makati. (Kuha ni Kimberly Dela Cruz)

04 05

VOL. XXIII No.05 November - December 2008 November - December 2008 VOL. XXIII No.05

Isang Mechanical Engineering student mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Taguig ang nanguna sa nakaraang ME Board Examination.

Nakuha ni Bryan Philip R. Ondoy ang average na 91.95% na nagbigay sa kanya ng karangalan upang manguna sa lahat ng estudyanteng kumuha ng naturang pagsusulit sa buong Pilipinas.

Samantalang nakuha naman ni Edward C. dela Mines ng PUP Main

Campus ang ika-10 puwesto sa average na 88.90%.

Kaugnay nito, nakamit din ng PUP ang 82% passing rate na naging dahilan upang maideklara ang unibersidad bilang third top performing school sa bansa.

Sinabi naman ni Dr. Amelita Laurente, direktor ng PUP Taguig, na nakapasa lahat ng 17 estudyante mula sa kanilang sangay sa naturang board exam.

Nang hingan naman ng komento si Dr. Manuel M. Muhi, dekano ng College of Engineering, sinabi nito na, “Since kahit saang branch ng PUP na nag-ooffer ng Engineering ay may isang curriculum na sinusunod at pinatutupad, isa itong malaking karangalan na dito sa main campus nagmula ang curriculum. Besides, mga student naman ang pursigido.”

Umani ng parangal ang mga manunulat ng The Catalyst sa ika-apat na Gawad Emman Lacaba, ang taunang paligsahan sa literatura ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), sa nakaraang Lunduyan ’08 noong Okt.25-29 sa Condora, Damortis, La Union.

Ito’y matapos makuha ni Jeric F. Jimenez ang unang gantimpala sa Pagsulat ng Tula at Pagsulat ng Maikling Kuwento. Samantalang naiuwi rin nina Edrick S. Carrasco ang unang gantimpala at Joyce A. Llanto ang ikalawang gantimpala sa Pagsulat ng Sanaysay.

Ang naturang paligsahan ay taun-taong idinadaos ng CEGP bilang pag-alala kay Emmanuel Lacaba, isang manunulat at martir sa panahon ng Martial Law. Ito’y ginaganap sa Lunduyan, ang taunang kumbensyon

ng CEGP-Luzon.Kaugnay nito,

naging matagumpay ang Lunduyan ‘08 sa p a k i k i p a g t u l u n g a n ng Lorma Highlights, publikasyon ng Lorma College, bilang host publication kung saan ito ay nilahukan ng 27 publikasyon mula sa Luzon.

Maayos ding inilunsad ang iba’t ibang programa tulad ng class room discussion at forum kung saan tinalakay ang kasalukuyang suliraning kinahaharap ng bansa at maging ang gampanin at kasalukuyang kalagayan ng campus press.

Ginanap din sa naturang kumbensyon ang CEGP-National Capital Region Congress kung saan nahalal si Rowena Cahiles, dating editor in chief ng The Catalyst, bilang bagong Chairperson ng CEGP-NCR.

TC wagi sa Gawad Emman Lacaba

Jewel O. Alquisola

Marlon N. Bermudez

Joshua M. Manata

PUPian nanguna sa ME board

PUP- Technical School is now College of Technology (CT).It was after the approval of the PUP Board of Regents (PUP-BOR) on the proposal presented by its college director, Dr. Mely M. Padilla on its meeting held last December 7.

The said college is offering six diploma programs with three-year curriculum. Among the six short courses approved by the board

were the Information C o m m u n i c a t i o n Management Technology (ICMT); Computer Engineering Management Technology (CEMT); Electrical Engineering Management Technology (EEMT); Mechanical Engineering Management Technology (MEMT); and Electronics C o m m u n i c a t i o n s Engineering Management (ECEM).

Vice President for

BOR approves College of Technology

Info Drive ng CMO BN sa CT, ipinatigil

Student Services Juan C. Birion said during the meeting that students who intend to enroll in the CT need not take the PUP College Entrance Test (PUPCET). They should, instead take the PUP Scholastic Aptitude Test (PUPSAT).

The College of Technology is now the 17th college of PUP and located at the NDC compound.

Kimberly Anne B. SalasMarlon N. Bermudez

Mark P. Bustarga

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay tahanan ng mga mahuhusay na mag-aaral. Muli itong napatunayan nang makamit ni Leomar Velez ng College of Accountancy ang ika-siyam na pwesto sa Certifed Public Accountant board exam, Oktubre 21, 2008.

Nakuha ni Velez ang 91% na ranking tulad ng anim pa niyang ka-tie na sina Raymund Christian Sayco Ong

Alumni ng COA 9th Placer sa CPA Board exam

Abrantes (Ateneo de Davao), Teejay Tamayo Bana (Jose Rizal University) Apple Amatorio Canaya (UP Visayas-Iloilo) Jessica Madriaga Delos Reyes (Adamson University) at si Melody Jade Figuera Quilana (University of Northern Philippines).

Tinatayang 2, 442 ang nakapasa sa nasabing licensure exam mula sa 6, 663 na kumuha ng nasabing board exam.

Pinigil ng mga miyembro ng SAMASA Alliance ang isinagawang “Info Drive Forum” ng Civil Military Operations Battalion sa College of Technology noong ika-11 ng Disyembre dahil umano sa ilegalidad ng aktibidad.

Sa naganap na forum, sinubukang hingian ni Jan Paulo Austero, pangalawang pangulo ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM), ng permit na nagpapatunay na pinayagan silang maglunsad ng aktibidad doon alinsunod sa joint statement nila Dr. Dante Guevarra, PUP President, Dr. Juan Birion ng Vice President for Student Services (VPSS) at Krishna Ayuso, pangulo ng SKM.

Pinagtitibay nito ang umiiral na Memorandum of Agreement sa pagitan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Department of National Defense at National Police

Commission noon pang panahon ni Pang. Fidel V. Ramos na nagbabawal sa kahit anong elemento ng kapulisan o militar na makapasok sa loob ng 50 metro mula sa PUP.

Ayon sa Memorandum of Agreement, dapat ay may pahintulot ito ng PUP President o di kaya ng direktor ng mismong kampus na pagdarausan ng aktibidad, taliwas sa ginawa ng CMO kaya’t napilitan silang lisanin ang lugar.

Nang tuluyan ng tinigil ang forum ay nagsagawa ng maikling programa sa ibaba ng College Of Technology Building ang mga iskolar ng bayan para ipaalam sa mga estudyante ang paglabag sa batas na ginawa ng CMO Battalion.

Pinaliwanag dito ang mas papaigting pang militarisasyon sa mga pamantasan. Kasama pa dito umano ang walang tigil na paniniktik ng mga

miyembro ng ISAFP na nagbabanta sa mga buhay ng mga lider-estudyante sa pamantasan. Binigyang diin sa programa ang sinapit ng PUP 12 na pagharap sa kasong Assault, Robbery at Serious Physical Injury na isinampa sa kanila nakaraaang Oktubre nang pilit nilang kunan ng impormasyon ang mga nahuling ISAFP na naniniktik sa mga lider-estudyante sa loob ng PUP.

“Klaro naman na nakasaad sa joint statement na ‘…guarantee without fear of interference and intervention or repression from the State, or any of its agencies and instrumentalities’ na nagpapakita ng ilegalidad ng ginawa nila” saad ni VPSS Dr. Juan C. Birion Sinabi rin ni Dr. Birion na wala silang natanggap na kahit anumang request letter, dagdag pa niya na dapat nilang idaan sa

proseso kapag gagawa sila ng activity sa loob ng pamantasan dapat umanong pirmado ito ng Dekano ng kolehiyo ng pagdadausan ng aktibidad at pormal na ipapaalam ito sa Office of the President. P a g t a t a p o s naman ni Krishna Ayuso Tagapangulo ng SKM “Malinaw ang hindi pagsunod ng administrasyon

sa pinirmahang joint statement. Sa kabila nito, nagawa pa ring makapasok ng mga militar sa loob ng ating pamantasan. Isang pagpapakita lamang na patuloy ang pagtarget ng mga militar sa PUP, hindi lamang para sa tinatawag nilang info drive kundi pati na rin sa pagpapakalat ng black propaganda hinggil sa mga aktibista.”

04 05

VOL. XXIII No.05 November - December 2008 November - December 2008 VOL. XXIII No.05

S inasabi na ang at ing henerasyon ngayon ay panahon nang pagsibol ng mga makabagong teknolohiya. Pangunahin sa mga ito ay ang

computer na isang malaking tulong sa pagpapabi l i s ng isang gawain ng tao. Subal i t kung i to ay gagawing kasangkapan hindi para pagsi lbihan ang mga estudyante kundi para i to’y pagkakitaan, maaaring magdulot i to ng hindi mabuti sa unibers idad.

“Ang mga ganitong usapin ng dagdag-bayarin ay manipestasyon lamang ng tumitinding komersyalisasyon sa PUP. Inuunti-unti na ng administrasyon ang pagkokomersyalisa sa mga state colleges and university gaya ng PUP.”

Kamakailan lamang, sa desperasyon ng administrasyong Guevarra ay ipinatupad nila ang paniningil sa mga freshmen student ng developmental fee kung saan siningil sila ng P250 para sa naunang dalawang semestre. At sa pagpapasimula ng dagdag-bayaring ito, simula na rin ng unos para sa mga bagong iskolar ng bayan.

SiS: isang porma ng KomersyalisasyonKasagsagan ng unang semestre ng unang

ipinatupad ang paniningil sa mga freshmen ng dagdag-bayarin na developmental fee, nagkakahalaga ito ng P250. Isang bahagi nito ang Student Information System (SIS) na naglalayong pabilisin diumano ang pagproseso ng enrolment mula sa admission, registration, assessment hanggang sa pagbabayad. Layunin din nitong maging sistematiko at computerized ang pagsasaayos ng opisyal na rekord ng estudyante gaya ng profile, class schedules at maging kanilang mga grade. Hindi tulad ng dati na umaabot ng ilang araw bago matapos ang pagsasaayos ng kanilang mga papeles sa enrolment, ayon sa SIS, kaya nitong makapagproseso sa loob lamang ng isang araw.

Matatandaan na sinimulang singilin ang mga estudyante ng P250 matapos maaprubahan sa naganap na Board of Regents meet noong ika-7 ng Mayo sa pangunguna ng dating Commission on Higher Education (CHEd) Chairman Romulo Neri at Dr. Dante Guevarra, sa kabila ng pagtutol ni Student Regent Sophia Prado.

Apat na taong proyekto ang SIS at kada taon ito babayaran ng administrasyon. Sa unang taon, ipatutupad ang SIS sa 15 kolehiyo sa PUP Main Campus at San Juan Annex, sa ikalawang taon nito ay sa Graduate School, Open University at Laboratory High School, sa ikatlong taon ay sa 17 branches at extensions ng PUP. Sa huling taon ng pagpapatupad nito’y ang pagbibigay ng Pinnacle, ang supplier ng source code, ng pagmamay-ari ng PUP sa mga yunit ng SIS. Ang P250 na nalikom ay gagamitin para sa pambayad at

pagpapanatili sa system.Binubuo ang SIS ng pitong components na

ipinapakita bilang modules. Ilan sa modules ay ang Admission para sa pagsasaayos ng application ng mga bagong estudyante, Student Module na nakapaloob ang accounts, personal information, schedule at grades sa mga nakaraan at kasalukuyang subject, announcements mula sa University Administration, Enrollment kung saan nakapaloob ang registration at assessment, ang Faculty Module na maaaring magpasa ang mga propesor ng kanilang grade sheets, Registrar management Module, ang pagsasaayos ng mga rekord tulad ng students’ information, bagong datos ng mga estudyate at curricular offerings at ang huli ang Cashier Module ay ang pagbibigay ng official receipt at examination permit.

Ayon kay Alberto Guillo, Information and Communications Technology Center (ICTC), Director, hindi raw muna sila makapaglalabas ng mga dokumento ukol sa SIS dahil hindi pa nila natatapos ang sarbey na naglalaman ng evaluation of satisfaction ng mga estudyante. Sa panayam din ng TC at SKM, hindi rin daw umabot sa kanya na refund na ang desisyon ng University Board kundi deferred dahil walang umabot na certification na ire-refund na ang P250.

Sa 10-Point Agenda towards the vision of PUP as a Total University ni Dr. Guevarra, nakapaloob ang proyektong ito sa over-all

strategy ng Information and Communications Technology.

Kahit sa usapin ng pagpapataw ng Honorable Dismissal, kung saan ang incomplete, withdrawn at dropped ay itinuturing na 5.00 o failing grade sa kautusan ni Prof. Melba Abaleta, University Registrar. Subalit, malinaw na nakasaad sa Student handbook “14.3.1 An Honorable Dismissal is issued by the Univeristy Registrar to a student who voluntarily withdraws from the University for purposes of transferring to another school”. Sa mga naganap din na dayalogo, sa pagsangguni kay Atty. Fernando Peña, Chief, Univeristy Legal Counsel, ang incomplete ay pansamanatalang ibinibigay sa estudyante na hindi pumasa dahil hindi nakapag-comply sa requirement ng kanyang subject at maaari itong makumpleto sa loob ng isang taon. Ang withdrawn, kung ang isang estudyante ay kusang nag-drop ng subject at naghain ng dropping form na hindi lalagpas ng dalawang linggo bago ang final examination; maituturing withdrawn din kapag ibinagsak ng propesor ang estudyante dahil lumagpas ito sa bilang

ng absences.Ang SIS ay hindi nalalayo sa

usapin ng pagkokomersyalisa ng ating unibersidad. Unti-unti ng isinasabuhay ng ating unibersidad ang polisiya ng rehimeng Arroyo, ang Long Term Higher Education Development Plan (LTHEDP) kung saan ito ay nakapailalim sa Higher Education Modernization Act (HEMA) ng CHEd. Sa basbas ng rehimeng Arroyo, sa darating na 2010, layunin ng programang ito ang pag-abandona ng gobyerno sa pagbibigay ng pondo sa Maintenance and Other Operating Expenditures (MOOE) na sakop ang pambayad sa kuryente, tubig, maging ang panggastos sa pagsasaayos ng mga pasilidad. Dahil malayang nakakagalaw ang SIS sa PUP, nagiging ugat ito ng iba’t ibang bayarin na tanging mga estudyante ang pumapasan.

iba pang dagdag-bayarinMalaki ang papel ng SIS lalo na

sa usapin ng mga dagdag-bayarin. Nito lamang pagpasok ng ikalawang semestre, umusbong ang isa pang bayarin, ang pagpapabayad ng PE Uniform na nagkakahalaga ng P300. Sapilitang pinagbabayad ang mga estudyante kahit na mayroon na silang uniporme o hindi man nila ito magagamit sa kanilang PE classes. Dahil marami ang bumatikos sa sapilitang

06 07

VOL. XXIII No.05 November - December 2008 November - December 2008 VOL. XXIII No.05

“Pinipili ng mga estudyante na dito mag-aral dahil sa mababang matrikula at nananatili pa rin ito sa P12 kada yunit. Subalit maaaring sa mga ilang panahon ng kanilang pananatili, hindi na kayanin pa ng kanilang mga magulang ang mga bayarin sa PUP.”

Illustration and Page design: Edrick Carrasco

pagpapabili ng PE uniform, napagdesisyunan sa naganap na dayalogo sa pagitan ng administrasyon at lider-estudyante na ibalik ang P300 sa binayad nilang PE uniform. Ang dagdag-bayaring ito ay hindi aprubado at hindi dumaan sa ligal na proseso.

Subalit hindi pa malinaw kung ano at paano ang magiging proseso sa pagre-refund ng P300. Sa panayam kay Director Randy Alcantara, Business Regulation Office, “wala pang proseso ang pagre-refund ng PE Uniform. Sa January 26 pa lang mapa-finalize ang summary list ng mga bumili”.

Maliban pa sa PE uniform, obligado rin na magpunta sa Landbank branches ang mga estudyante upang doon magbayad ng kanilang tuition fee at kasama sa babayaran ay ang P25 service fee charge na hindi direktang mapupunta sa unibersidad.

“Hindi na nga kailangang pumunta sa school, tipid nga sa pamasahe, kaya lang ang laki naman ng binabayaran namin sa bangko. Ang taas tuloy ng tuition fee namin,” pahayag ni Philip ng CCMIT.

Bukod dito, kinakasangkapan din ang SIS upang tuluyang sikilin ang mga karapatan ng mga estudyante. Dahil sa SIS, malayang nagagawa ng administrasyon na ipatupad ang mga anti-estudyanteng polisiya. Gaya na lamang sa kalagayan ng mga estudyante sa ROTC at CWTS. Maraming estudyante ang dumulog sa opisina ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral at Student Regent matapos malamang na sila ay naka-enrol sa ROTC kahit na ang kanilang pinili ay CWTS. Dahilan ng administrasyon ay puno na raw ang programa para sa CWTS.

SiS, i-refundHindi rin maiwasan ang ilang reaksyon ng

mga estudyante sa abala na naranasan nila mula

noong ipatupad ang SIS.

“Hindi masyadong nakatulong ang SIS, sabay-sabay yung pag-enrol kaya natagalan kami. Pila uli pila yung sistema. Sayang yung oras namin na sana ay natapos na agad kami sa

pag-enrol, tsaka mabigat pa rin sa bulsa yung P250. Ang bagal nga magproseso dahil traffic via online. Nakakalito yung mga hakbang kaya may mga impormasyon na nagkakamali sa pagproseso. Dapat talagang i-refund ang P250.” pahayag ng isang estudyante sa Cooperatives.

Subalit dahil sa marami ang mga bumatikos partikular na ang mga lider-estudyante, sa huling BOR Meet noong Disyembre 15, napagdesisyunan na i-refund ang bayaring siningil mula sa mga estudyante. Umani ng iba’t ibang pangunguwestyon ang SIS sa kadahilanang hindi isinaalang-alang ng administrasyon ang pagkonsulta sa hanay ng mga estudyante na maaapektuhan ng bayaring ito. Dagdag pa sa iligalidad nito, walang malinaw na mga dokumento gaya ng kontrata. Malinaw din na ang proyektong ito ay kukunin sa

bulsa ng mga estudyante. Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw kung ano

at paano ang magiging paraan ng pagbabalik ng mga binayaran ng mga estudyante dahil kinukumpleto pa lang ng administrasyon ang listahan ng mga nakapagbayad na.

Iginiit ni Student Regent Prado na agarang ibalik ang mga binayad ng estudyante, dagdag na rin dito ang mga nalikom niyang reklamo na mula rin sa mga estudyante. Humihingi na rin si SR Prado ng Memorandum na nagpapatunay ng pagre-refund ng lahat ng binayaran sa ilalim ng SIS. Sa panayam din kay SR Prado, “Marapat lamang na ibasura ang SIS maging ang mga inuugat nitong dagdag-bayarin. Ibalik ang P500 na siningil noong dalawang semester, ang binayarang P300 PE uniform.

Mali na ang mga iskolar ng bayan ang magpasan

na dapat ay a d m i n i s t r a s y o n

ang tumutugon. Kung kaya, sa lalong

Kimberly Anne B. SalasAngelie Marie F. GardoseFitz Gerald T. Romero

madaling panahon, tigilan na ang mga bayaring nagpapahirap sa atin at ang tuluyang pag-abandona ng gobyerno sa edukasyon.”

Pinangunahan ng SKM at Student Regent ang panawagan na ibalik ang mga iligal na binayaran ng mga estudyante dahil hindi ito nagbubunga ng magandang epekto sa unibersidad. “Kung gusto ng administrasyon na mapaunlad ang PUP, hindi dapat na ipapasan ang ikauunlad nito sa mga estudyante, lalo na kung sa usapin ng mga bayarin, tayong mga iskolar ng bayan ang aako ng responsibilidad na ito. Ang dapat, mismong si Dr. Guevarra ang manguna na igiit sa gobyerno na magkaroon ng mataas na badyet para sa edukasyon ng kabataan. Lalo na dito sa unibersidad natin, marami pang dapat mas pagtuunan ng pansin. Ang pagsisilbi sa mga estudyante ang pangunahing prayoridad at hindi ang pagpapasulpot ng mga bayarin na nagpapahirap sa atin,” pahayag ni Jan Paulo Austero, Student Council, Vice President.

Sa matagal na panahon, nakilala ang PUP bilang paaralan ng mga Iskolar ng bayan. Ibig sabihin, kalakhan ng mga estudyante dito ay nagmula sa pamilya ng mga maralita, manggagawa o magsasaka. Pinipili ng mga estudyante na dito mag-aral dahil sa mababang matrikula at nananatili pa rin ito sa P12 kada yunit. Subalit maaaring sa mga ilang panahon ng kanilang pananatili, hindi na kayanin pa ng kanilang mga magulang ang mga bayarin sa PUP.

Hindi masama ang maghangad ng pag-unlad sa ating unibersidad lalo na kung ito ay para sa kapakanan ng mga iskolar ng bayan. Hindi ang mga makabagong teknolohiya ang inaayawan, mali lamang na pagkakitaan o huthutan ang mga estudyante para lamang maisakatuparan ito.

06 07

VOL. XXIII No.05 November - December 2008 November - December 2008 VOL. XXIII No.05

Xmas wishWalang magagarang kotse at bahay ang makahihigit sa kahilingin ng sambayanang Pilipino na tuluyan nang ibasura ni Gloria ang pangarap niyang Cha-Cha.

OustalaHindi na kailangang tumingala sa kalangitan upang

humiling sa mga bituin. Ibinaba na ito ng sambayanan upang ipakita ang desperasyon sa matagal na nilang

minimithing pagbaba sa puwesto ni Gloria.

He is Ninoy Hindi na kailangan pa ng isang Ninoy para muling dumagsa sa lansangan ang sambayanan. Dahil ang

mamamayan ay galit na sa pamahalaang Arroyo at mga alipores nito.

ManiniktikWrong timing sa paniniktik ang intelligence officer na ito ng Armed Forces of the Philippines. Nag-aalab ang damdamin ng mga raliyista. Ni siya’y hindi nakaligtas.

Children’s CarolMabahala ka na Gloria. Kahit bata’y nananawagan na sa agaran mong pagbitiw sa puwesto.

Chacha: Teachers’ Enemy #1Sa lansangan na ang tungo ng kaguruan. ’Di tulad sa silid-aralan, tunay na aral ang mapupulot sa lansangan.

Dancing queenDinaig na ni Gloria si Mark Herras. Siya na ang Bad

Girl ng dance floor. Wala siyang kasinghusay sa paghataw ng Cha-Cha.

Martsang BayanImbes na magtungong Divisoria at SM ang mga tao upang damhin ang espiritu ng Pasko, sa kalye ng Ayala sila nagtungo. Ang mapatalsik si Gloria ang higit na makakapagpaalma sa buhay ng mga Pilipino.

Patuloy pa rin ang pagnanais na pasayawin ng Cha-Cha ang bansa sa kumpas ni GMA. Ngunit pagal at paltos na ang talampakan ng mamamayan sa ritmo

ng kasinungalingan at tyempo ng pansariling interes ng iilan.

ni Joannes R. Alonsagay

Kuha nila: Joannes R. Alonsagay, Grace Gonzalez, at Kimberly dela Cruz

Ano nga bang

magagawa

niya sa isang

krisis na sa

kabuuan ay

bunsod ng

galaw ng

ekonomiyang

hiwalay sa dikta ng

sinumang

indibidwal?

mortgages na umabot sa $400B batay sa

tantya ng mga ekonomista. Patunay nito ang

pagkalugi ng Fannie Mae at Freddie Mac,

dalawa sa pinakamalalaking kumpanya ng

home mortgage loans, at ng Bear Stearns,

Merril Lynch, at Lehman Brothers, tatlo sa

pinakamalalaking pampinansyal na institusyon

sa EU. Nangangahulugan lamang na ang

pagkaganid at patuloy na pagnanais ng

Imperyalista-EU na patuloy kumita gamit ang

sobra-sobra nitong kapital ang naglagay sa

bansang Amerika sa kasalukuyang malubhang

krisis na kinahaharap nito ngayon.

Ayon kay Paul Quintos, isang labor

economist at executive director ng

Ecumenical Institute for Labor Education and

Research (EILER) at isang London School of

Economics (LSE)-trained economist, ang krisis

pampinansya na nagmula sa EU ay tatama

sa ekonomiya ng buong mundo. At bilang

halimbawa, tila nagsimula na ang matinding

epektong hatid nito sa bansang Pilipinas.

Ang Pilipinas sa gitna ng krisis

Sa kasagsagan ng nagaganap na

krisis, naganap noong Setyembre 2008 ang

Philippine Economic Briefing sa Makati, kung

saan ayon kay Pang. Gloria Macapagal-Arroyo

ay magagawa ng Pilipinas na tumayo sa gitna

ng nagaganap na krisis pampinansyal.

“The recent challenges we face are

broadly external but they, nevertheless,

require strong, decisive and targeted action

internally,” ani Arroyo. “The heights to which oil

and other commodity prices have risen were

unexpected and the depth of the financial

market turbulence in the US is still unknown.

Against this backdrop, the best buffer we have

to external vulnerability is our own domestic

internal strength.”

Ngunit taliwas sa pagmamalaking ito ni

Pangulong Arroyo, ayon kay Quintos, ang

nasabing krisis higit sa lahat ay magdudulot ng

malawakang pagkawala ng hanapbuhay sa

mga Pilipino. Patunay nito ang pagpapabalik

sa mga OFW mula sa iilang bansa gaya ng

Taiwan at South Korea.

Ayon naman sa IBON Foundation, isang

institusyong nagsasagawa ng pagsasaliksik

sa mga sosyo-ekonomikong usapin, ang

mga patakarang pang-ekonomiya mismo ng

gobyerno ang dahilan kung bakit direktang

naaapektuhan ang Pilipinas ng nasabing krisis.

Ito’y dahil lubos na nakasandig ang ating

bansa sa usaping exports, financial investment

at pautang sa EU.

Samakatuwid, ang kalagayan ng buong

mundo ay hindi kailanman maihihiwalay sa

dominasyon ng mga imperyalistang bansa.

Ang kasalukuyang pandaigdigang krisis ay

sapat na para ipaliwanag na ito ay hahantong

sa isang malaking pagbabago na sa bandang

huli ay papabor sa mga malakolonya at third

world na bansa. Sa madaling salita, ang krisis

na ito ang magiging dahilan ng pagbagsak

ng imperyalismo sa daigdig, pangunahin na

ang Estados Unidos.

Amerika. Paano niya magagawang iaahon ang

kanyang bansa mula sa kinasasadlakan nito sa

ilalim ng kasalukuyang krisis pampinansyal na

kinakaharap nila? Ano nga bang magagawa

niya sa isang krisis na sa kabuuan ay bunsod

ng galaw ng ekonomiyang hiwalay sa dikta

ng sinumang indibidwal?

The Very Great Depression

Bansagan man ng mga ekonomista bilang

“systemic financial meltdown”, “financial

tsunami”, “tipping point in the world economy”

o maging “the Very Great Depression in the

making”, ang kasalukuyang krisis sa esensya ay

hindi maitatangging nagsimula nang tumama

sa ekonomiya ng buong mundo.

Sinasabing ang kasalukuyang krisis ay mas

malala pa kung ihahambing sa naganap na

“The Great Depression” na tumama noong

1930 at pumutok nang magkaroon ng dotcom

bubble o sobrang suplay sa electronics. Kung

noong Great Depression ay sa electronic

products nag-invest nang sobra-sobra ang

mga kapitalista, ang kasalukuyang krisis ay

ibinunga ng sobrang stocks para sa pabahay at

nagdulot ng tinatawag na real estate bubble.

Ang mga pinansyal na institusyon ng EU ay

nagsimulang mag-alok ng mababang interes

para sa home mortgage loans kahit pa sa mga

taong kumikita lamang ng maliit na halaga

at walang kolateral na ibinibigay kapalit ng

nasabing pautang. Ang ganoong sistema

ay nakilala bilang “subprime mortgages” na

nagsimulang umusbong sa mga institusyong

pampinansyal ng EU mula 2001.

Upang hikayatin ang iba pang bangko para

sa subprime mortgages, ang mga pautang ay

dumaan sa prosesong “securitization” kung

saan pinagsama ang mga home mortgage

loans at ipinagbili bilang bonds at securities

na tinawag na collateralized debt obligations

(CDO’s). Ang mga ito’y ginarantiya ng mga

insurance companies at ipinagbili sa mga

bangko, financial investment houses, at mga

kompanya dahil inasahan ng EU na malaki

ang magiging balik nito sa kanila.

Sa pagpasok ng huling bahagi ng 2006,

ang mga umutang sa subprime mortgages

ay nagsimulang hindi makabayad ng

kanilang mga amortizations. Bilang epekto,

nalumpo nang husto ang mga bangko at

financial investment houses na may hawak

ng mortgages at CDO’s. Sa kabuuan,

nagbunga ito ng pagkalugi kaugnay ng mga

Mark P. Bustarga

Ma. Quey Ann Eliza A. Solano

Illustration:Maybelle Gormate,

Keizer Rosales

Paul DivinaPage design:

Paul Divina

Ang kasalukuyang

pandaigdigang

krisis ay sapat na

para ipaliwanag

na ito ay

hahantong sa

isang malaking

pagbabago

na sa bandang

huli ay papabor

sa mga malakolonya at

third world na

bansa.

Kung tutuusin, ang yamang taglay ng Pilipinas, pangunahin na

ang lakas-paggawa at ang kabuuang likas na yaman na taglay

nito- mga yamang pinakikinabangan ng mayayamang bansa, ay

makasasapat na para tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.

Kaya’t kabalintunaang sabihing hindi kayang mabuhay ng Pilipinas

mag-isa dahil mas nararapat na itanong kung kakayanin ba ng Estados

Unidos na mabuhay nang wala ang isang saganang malakolonya

gaya ng Pilipinas. Samakatuwid, ang katangian ng EU bilang isang

imperyalistang bansa ay siya rin mismong dahilan na titiyak sa pagbagsak

nito. Manipestasyon nito ang kasalukuyang matinding krisis pampinansya

na kinahaharap nila, na higit sa lahat ay nagsisimula nang yumanig sa

buong mundo. Isang krisis na maaaring malabo nang masolusyunan, kahit

si Obama na bagong halal na tagapamuno ay mabibigong ipagpatuloy

ang markadong pamamayagpag ng Imperyalistang Estados Unidos

bilang makapangyarihan sa buong mundo.

Si Obama bilang Superhero

Makasaysayan kung ituring ang

pagkapanalo kamakailan ni Barack Obama

bilang ika-44 na pangulo ng bansang Amerika.

Una, bilang unang Aprikano-Amerikano na

naihalal sa isang bansang nangalipin sa

mga kalahi niya. At ikalawa, ang markadong

pakikilahok ng mga kabataan at iba pang

sektor ng kanilang bansa na noo’y pinagkaitang

makibahagi sa eleksyon. Sinasabi ring sensitibo

sa kultural na pagkakaiba si Obama, ang ina

bilang puti at ang ama bilang itim. Sa ganitong

usapin inaasahan ng sambayanang Amerika

na lulugar siya sa kasaysayan, na magsisilbi

para sa lahing pinagmulan niya.

Ang pagkapanalo ni Obama, una sa

lahat ay nagbukas ng matinding hamon

para sa kanya, hamong hindi lamang mula

sa sambayanang Amerikano kung hindi pati

mula sa maraming bansang nasasakop nito

kabilang na ang Pilipinas.

“If there is anyone out there who still doubt

that America is a place where all things are

possible; who still wonders if the dream of our

founders is alive in our time; who still questions

the power of our democracy, tonight is your

answer.” Ang pahayag na ito ni Obama

noong araw na opisyal siyang idineklarang

bagong pangulo ng Amerika ang nagpatindi

ng pag-asa ng sambayanang Amerikano na

lilikha siya ng kaibahan mula sa pagdausdos

ng prestihiyo ng EU sa ilalim ng pamumuno ni

George Bush.

Inaasahan na bibigyang prayoridad

ni Obama ang serbisyong panlipunan at

seguridad sa halip na ipagpatuloy ang

pagiging paladigma nito, gaya ng madugong

digmaang inilunsad ng naunang pangulo nito

sa Iraq at Afghanistan.

Lingid sa kaalaman ng marami, sa likod

ng pagkapanalo ni Obama ay nakakubli

ang anino ng mga negosyante mula sa

Wall Street, isang lugar na kumakatawan sa

mayayamang indibidwal at pinansyal na

institusyon sa Amerika. Gaya ng palasak na

kasabihan, ‘ang bawat inihahalal na pulitiko

ay dapat na nagsisilbi sa mga taong nagluklok

sa kanya’. Mapagtagumpayan kaya niya

ang pagsusulong ng interes ng mayoryang

mamamayan na sumuporta sa kanya laban

sa interes ng iilang makapangyarihan at

mayayamang tao ng kanyang bayan?

Higit sa anupaman, nananatili ang hamon

kay Obama bilang bagong tagapamuno ng

10 11

VOL. XXIII No.05 November - December 2008 November - December 2008 VOL. XXIII No.05

Nilalamon ng matinding sikat ng araw ang kanyang matang nanlilisik na waring bolang apoy, sa pagal niyang mga sigaw, nanunuot ang

pawis sa kanyang noo at umiindayog ang dugo niyang kumukulo. Sa bawat salitang kanyang pinakakawalan tumitimo iyon sa lupang kanyang ipinaglalaban, bumabaon sa kalangitan ang mga suntok ng kanyang kamao habang sinasaksak ng paulit-ulit ang kanyang puso.

“Viva! CPP! NPA! NDF!”“Viva! CPP! NPA! NDF!”

Sinasabayan ng kanyang yabag ang mabilis na pintig ng kanyang puso, alam niya kung ano ang kanyang isinisigaw, nakatakip ang kanyang mukha at bibig, sa saliw ng mga palak-pak inaaninag na niya ang salitang karit at maso bilang sandata sa pagsulong ng kanyang pinaninindigan – ipinaglalaban.

“Ngayon pang-aalis ang ate mo papunta sa ibang bansa dumito ka muna sa bahay, Larry.”

“Hindi ko mapapromise yan Nay. Marami kasing gawain sa school”

“Yan ka nanaman diyan sa sinasabi mo eh, puro ka na lang gawain sa school. E. puro bagsak naman mga subjects mo. Ano bang sinasabi mong Gawain?”

Hindi na nagawa pang makipagtalo ni Larry sa kanyang ina, hindi niya magawang maipaliwanag ang kanyang kalagayan, ngunit paano nga ba niya maipaliliwanag sa isang simpleng salita o sa maikling talata ang kanyang ginagawang paglaban para sa kanilang mga karapatan.

“O. ano, may problema ka no? sa Nanay mo nanaman ba yan? Alam mo, masanay kana hindi lahat ng mga magulang eh proud na aktibista ang kanilang anak.”

Itago man ni Larry ang papausbong niyang luha, hindi niya iyon maitatago kay Sally, alam na alam ni Sally kung ano ang nararamdaman ng kanyang kaibigan.

“Sa tagal ng pinagsamahan natin wala ka ng maitatago. Nga pala, sa susunod na buwan pupunta kami sa kabilang bayan baka gusto mong sumama.”

“Hala delikado don ah’ di ba aakyat pa yon’ sa kabilang bundok? Alam ko maraming mga militar don.”

“Wag kang mag-alala para naman ito sa masa, marami na raw kasing nagkakasakit sa bayan na iyon mag-memedical mission lang kami.

“O. bat ka ganyan makatingin may dumi bako sa mukha?” Wala lang mas maganda ka pala kapag nakalugay yang buhok mo.”

“Nambola ka nanaman. Muntik ko ng makalimutan may sasabihin ka sakin diba, nung isang linggo pa yun”

Matapos ang tagpong iyon kasabay din noon ang pagtatapos ng mga araw at linggo, sa pagdaan ng mga panahon, pakiramdam ni Larry buong-buo na ang kanyang pagkatao. Oras na lamang ang hinihintay niya habang nakaupo sa pasamano, kinakabisado ang tulang kanyang ginawa at ineensayo ang kantang kanina pa niya binibigkas, kinakabahan siya, dahil ito ang pinakaunang beses na siya’y manliligaw sa pinakamatalik pa niyang kaibigan.

“Ito ang pinakaunang beses na gagawin ko to’ aaminin kong kinakabahan ako, pero sana tanggapin mo…” nauutal na pagsasalita ni Larry sabay abot ng papel na naglalaman ng pormal panliligaw nito kay Sally. Matapos basahin ni Larry ang tula, siya nama’y umawit, sa pag-awit nito naaalala niyang lahat ang mga pinagdaanan nila ni Sally, mula sa paglipa’t-lipat ng kolehiyong pag-oorganisahan, at sa mga sikretong kanilang pinagsaluhan, habang binibigkas niya ang bawat linya, hindi niya mapigilang umiyak.

-Sumibol sa isang panahong marahas… bawat pagsubok ay iyong hinarap at hanggat layay

di pa nakakamtan buhay moy laging laan, namumukadkad at puno ng sigla tulad moy rosas sa hardin ng digma at di maiwasang sa iyo ay humanga ang tulad kong mandirigma… ako’y nangangarap na ika’y makasama taglay ang pangakong iingatan kita ang ganda mong nahubog sa piling ng masa hinding hindi kukupas at di malalanta, gaya ng pag-big na alay ko sinta… - isa ito sa mga linya sa isang revolutionary song na kinanta ni Larry. Panaghoy ng kanilang mga hininga ang bumuo

sa loob ng silid na iyon, at mga haplos ng halik at hawak sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan, alam nilang dalawa hindi lamang pananabik ng laman ang kanilang nadarama. Sabay silang umigtad pagkatapos umindayog ang apat na sulok ng kama. Inayos ni Sally ang butones ng kanyang kamiseta, ngunit sa bawat pagpasok ng butones sa butas siya namang pag-agos ng maliliit na butil sa gilid ng kanyang mga mata.

“Pano. Aalis na muna ako. Sana maintindihan mo, wag kang mag-alala mag-iingat naman ako…”

“Panghawakan mo sana yang sinabi mo alam mo naman na mainit ka rin sa mga militar ngayon.”

“Nako wala yun. takot lang nila.”Sa mga sulat sila nagkabalitaan, nang isang araw,

nabahala si Larry nang biglang pumalya si Sally sa pagpapadala ng sulat, dumaan ang maraming araw hanggang sa nakatanggap ang pamilya ni Sally na siya raw ay patay na, umiiyak siyang kinausap ni Aling Lerma “Nakita yung bangkay niyang nakabitin ng patiwarik, sinunog siya dahil nakalbo pati ang mahaba’t maganda niyang buhok, hindi na siya makilala dahil sa matinding pagkawasak ng kanyang mukha… ang sabi pa ginamit pa siya, dahil may nakitang bakas ng likido sa sahig. Mga hayop sila hindi pa sila nakuntento ipinasok pa sa ari ng anak ko ang tubo ng kurtina. Natatakot kami Larry sa maaaring gawin nila pati sa iyo, nung matagpuan ang bangkay ni Sally may nakasabit na karatulang -Ipagpatuloy ang pagpatay sa mga NPA ng kanayunan-”

Nagpatuloy si Larry sa kanyang buhay kolehiyo, hindi man niya aminin nababakas sa kanyang mga mata ang labis na pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang kasintahan. Isang araw, dahil sa sobrang bigat ng kanyang dinadala, mag-isa niyang hinimod ang pader na parang baliw, pinipilit niyang hindi iparinig sa mga taong naroon sa silid ang kanyang pagtangis, paunti niyang inuntog sa pader ang kanyang noo, paunti siyang humagulgol, ngunit kahit hindi nagsasalita ang pader, ramdam na ramdam na nakikisalo iyon sa kanyang pagdurusa.

“Hindi madali yon Larry... alam kong galit ang nararamdaman mo at gusto mong gumanti kaya ka pupunta doon, pupunta tayo doon. Oo. Para pumatay ngunit para ipagtanggol ang kapwa natin Pilipinong pinagsasamantalahan ng mga nasa kapangyarihan. Buong pagkukumbinsing tinitigan ni Levi si Larry. “Buo na ang desisyon ko” tugon niya habang iniiwasan ang tingin ng kaibigan.

Habang binabagtas ng gulong ng sasakyan ang kalsada, halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Larry, nariyan ang takot na mamatay, pangamba na maiwan nito ang kanyang mga magulang, ngunit naaalis lahat ang takot at pangamba sa tuwing naaalala nito ang mala-hayop na pagpaslang kay Sally.

“O. Heto tulong ko sayo, mag-ingat ka don. Larry tandaan mo ang mga sinabi ko, wag mo sanang daanin lahat sa galit, kontrolin mo yang emosyon mo” pag-aalala ni Levi sa pagpapaalaman nila ng pinakamatalik niyang

kaibigan.“Tiyak ko kahit saan man naroon ngayon si Sally.

Masaya siya, dahil paninindigan mo ang isang bagay na lubusang magpapatibay sa yong paglilingkod, tiyak ko masayang-masaya siya, dahil ipagpapatuloy mo ang labang pinagbuwisan niya ng buhay...”

“Hindi ko pipigilan ang sarili kong hindi manakit ng tao, nasusuklam ako sa mga gumawa noon kay Sally. Sisiguraduhin kong mahuli ko man ang isa sa kanila, ipararanas ko rin ang ginawa nila, higit pa sa ginawa nila, higit pa.” bulong ni Larry sa kanyang sarili

Pagdating doon, magiliw siyang sinalubong ng mga lalaking armado, wala siyang kakilala, lahat sila’y may hawak na baril, sumisimbolo ng digmang kanilang isinusulong. Naging masaya ang unang buwang pamamalagi ni Larry, hanggang sa isang araw nakahuli sila ng Militar, sugatan ito galing sa isang ingkwentro, hindi niya mapigilan ang himutok sa kanyang dibdib, pinagbubugbog niya ito, pinagtatadyakan, mababakas mo sa kanya ang matinding galit.

“Tama na! Tama na!” pagmamakaawa ng Militar, hanggang isuka nito ang pulang likido at dilat ang matang humandusay sa sahig. Para siyang nabunutan ng tinik, ng malaking tinik sa dibdib. Ngunit ang tinik na iyo’y panandaliang nabunot nang makatanggap si Larry ng sulat mula sa kanyang mga tiyahin, brutal na pinaslang ang kanyang mga magulang pinagbabaril sila ng mga lalaki, “Ang bali-balita pa Larry wag ka sanang mabigla ikaw ang hinahanap nila, Larry” hagulgol ng isa niyang tiyahin habang nagkukwento. “Mga hayop sila,

wala silang awa pwersahang hinalay ang yong ina, walang awa nilang tinanggal ang kanyang ari, ibinilad pa nila sa kalsada, pinagbabaril pa sila ng malapitan,” Isinalaysay din ng kanyang kaibigan kung paano isa-isang natagpuan ang kamay, ulo, at hita ng kanyang mga magulang.

Ubos na ang luha ni Larry kung ilalarawan ang hitsura niya ngayon. Lumipas ang mahabang panahon, kasabay ng mabilis na paglipas noon gayon din ang pagnanais niyang makaramdam ng pagmamahal. Nakahanap si Larry ng makatutuwang nito sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay bilang hukbo.

“Ngayong pormal na ang relasyon natin Ina hindi na tayo kailangan pang magtago sa ibang mga kasama”

“Natatakot ako Larry hindi sa sasabihin ng mga tao kundi sa nararamdaman mo, baka nabibigla ka lang. Gaano ka nakasisiguro na hindi pampalipas oras lang ang nararamdaman mo para sa akin.”

Hindi nila mapagkasya ang namamawis nilang katawan sa apat na sulok ng kama, pinagsasaluhan ang pag-ibig na kakarampot, Habang sabay silang umiigtad at nararamdamang nasa loob sila ng iisang katawan, alam nilang dalawa na sa bawat halik, yakap at pag-aapuhap sa mga pagmamahal na yumayakag sa kanilang puso. Matindi ang pagpapakahulugan nila sa pag-ibig.

“Masaya kaba sa akin. Larry…” pagsasalita ni Ina sa pinaka-maliit na tinig niyang magagawa, magkayakap pa rin ang hubad nilang katawan. “Oo. Masayang masaya. Ina” “Mahal mo ba ko” pangungulit ni Ina “Oo. Iniibig kita sa muling pagsikat ng araw at sa paglubog nito, pinapagaan mo ang loob ko, kahit sa pinaka-korning mga salita ilalarawan ko ang labis na pagmamahal sa iyo…” Akala ni Larry doon na matatapos ang lahat ng kanyang pagdurusa, ang

“Habang sinasabayan ng kanyang yabag ang mabilis na pintig ng kanyang puso, alam niya kung ano ang kanyang isinisigaw."

Jeric F. Jimenez

10 11

VOL. XXIII No.05 November - December 2008 November - December 2008 VOL. XXIII No.05

Sa dangdang ng gabiAnonymous

isa...

Ilan pa ba silang pasasabugin niyo ang mukha.ilan pa ba silang babaklian niyo ng braso,puputulin ang leeg, paa at mga kamay.ilan pa ba kaming ibabaon niyo ng buhay,sunogo tadtad ng mga bala?

dalawa...

Ilan pa ba Heneral, Korporal,ilan pa ba kaming paiinumin niyo ng ihihahampasin ng latigobibigwasan, kukuryentihin at itatapon sa tubig na matigas?

tatlo...

Ilan pa rin bang Birhen ang inyonghuhubaran at gagahasain sa harap ng mganagmumurang kabaong.marami na silang lumuha habang inyongbinabayo!

apat...

Marami man kayong bawian ng ningningng buhayhinding-hindi niyo mapipigilan ang apaw ng aklasanang lagablab, ikot, pilantik.Nang Epikong Bayan.

lima...

Kasalanan bang abutin ang mga talagamit ang marahas na sigwa ng mgabulalakaw?kasalanan bang ituring na panginoonang dampa ng mga hudyo atgula-gulanit nilang gora?

anim...

Hayaan niyong anurin ng lasonang tapyas na nilang mukhaat panaghoy sa kahong bartolina.

pito...

Marami pa silang tutumba na walangkalabanlaban.Marami pa silang mabubuwal,ngunit magpapatuloy ang siklab ngiisang pakikibaka

walo...

Rebolusyon

Hacienda Magdalena(pasintabi sa mga linya ni Antonio Jacinto ng Angola, Timog Aprika)Prop. Rogelio L. Ordoñez

Sa malawak na lupaing iyon ay bihirang umulan pawis ng aming noo ang dumidilig sa tubuhan.

Sa malawak na lupaing iyon matataas na ang mga tubodugo ng aming katawanang katas ng tubong iyon.

masdan mo: puputulin na ang mga tubodudurugin at gigilinginhanggang maging kayumanggisintingkad na kayumanggi ng mga sakada.

tanungin mo ang nagliliparang ibonang nagluluksuhang agosat malakas na hangin sa kaparangan:

sino ang gumigisingbago magbukang-liwayway?sino ang nagbabanat ng buto?hanggang halos sumuka ng dugo?sino ang mga kamay sa paggapas?ang sapin-sapin ang kalyo at pilat?sino ang sunog ang balat ng braso’t mukhasa tindi ng sikat ng araw?sino?sino ang nag-aalaga sa mga tubosa mga palayan at manggahan?sino?at ano lamang ang kabayaran:alipusta at paghamakpanis na lugawkapirasong galunggongdamit na basahansingkuwenta pesosat gulping katakut-takotkapag umangal at nagdabog!

sino ang nagkakandakuba sa trabahomay maibili lamang ng kotsemansiyon at babae ang asenderoat makapagliwaliw pasa hongkong, amerika at europa?sino?sino ang nagpapayaman sa mga dayuhanang nagpapalaki sa malabutetenilang tiyan?sino ang tagaktak ang pawishabang nagkakamot lamang ng bayagang puting dayuhan?tanungin mo ang nagliliparang ibonang nagluluksuhang agosat malakas na hangin sa kaparangan…sino?at sila’y sasagot:putang-ina n’yoooooooooohacienda magdalena!nababanaagan na naminang isang madugong bukang-liwayway!

Kaluluwang LigawLarry Biseño

…Sa gabing ito, aking iluluwal ang tulang sasampal sa mga lobo,mga lobong nanaksil at dumura sa prinsipyonghumasa’t humubog sa kanilang pagkatao.

sa gabing dagat lagalag, – nangangamba.aking susumbatan at hahabiin ang natitira nilang kahihiyan.

Ikaw, taas noong nakatiim ang kamao habangdumaraan ang himagsik ng sambayanan.tuluyang nanawa’t tumalikod sa tianod ng itim na dagat.nagkunwang iniibig ang bayan, ngunit ngayo’ypangunahing sumasakal sa kapwa mamamayan,

nananamantala’t nang-aapi, gamit ang talinong- minana sa Lansangan.Sing’ kapal ng balat ng baboy ang iyong mukha.tuluyan mong tinalikuran, tinapaka’t kinalimutanang nauna mong paninindigan.akala mong di mananagumpay ang baga sa puso ng mga abaNagkakamali ka.balang araw, ika’y haharap sa bandilang iyongPinagtaksilan.sa pagkakataong iyon, luluha ang mapanglawna buwan, didilat ang maningning na galitng mga bituin.habang imumunstra ang pagsambulat sa sahig ng iyong dugo’tlaman.

Ito’y iyong tandaan, kami ang buwan, araw, bituin at kalangitansa amin ang lupa, hangin, tubigkami ang magtatagumpay.

Hanggang daigdig. Magbago, dulot ng bagasa puso ng mga tao.kaming sumisigaw, at taas kamaokaming kayakap sa gabi ay masang-apiat malamig na halik ng pangarap saPatag na Kabundukan.

buong akala niya hindi na siya muling mawawalan ng mahal sa buhay.

“Edi yun mga kasama kailangan natin ng mga taong ipadadala sa kabilang bayan para gamutin ang mga naroon. Pero delikado dahil mainit tayo sa lugar na yon. ”

“Bitawan nyo ko mga Putang Ina niyo! wag!” “Wag kang maarte gusto mo rin naman to. umm... uh...

uh..” “Putang Ina niyo! Baboy! Baboy kayong lahat! Pwe!” Nagpresinta si Ina na siya na ang pumunta sa

kabilang bayan, hindi pumayag si Larry ngunit si Ina desididong pumunta, subalit ang desisyong iyon ang nagdulot sa kanya sa labis na kapahamakan. Sa pagkahuli sa kanya dinala siya sa isang kampo, doon walang araw na hindi siya ginagahasa, paulit-ulit, hindi na mabilang kung ilan silang lalaking nagpapapalit-palit sa pagpatong sa kanya. Dumating ang panahong ang ginagamit sa kanya para gahasain ay hindi na ari ng lalaki kundi hawakan ng martilyo, paulit-ulit, hindi siya makasigaw, dahil sa mahigpit na pagkakatali sa kanyang bibig. Hindi rin niya magawang manlaban dahil sa sobrang sakit ng sunod-sunod na pagpapaso

sa kanyang dibdib ng mga baga ng kahoy. Hampas ng latigo sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, at malalakas na palo ng martilyo sa kanyang ulo, hita at daliri.

“Sabihin mo kung saan mga kampo ng mga NPA na tulad mo!.” Halos matanggal na ang kanyang mga braso sa dami ng mga pasa, pudpod ng nilalangaw na sugat ang kanyang mukha hindi mo na maaaninag na nakakabit ang kanyang ilong, hanggang sa dilat ang mata ni Inang humandusay sa sahig na lay-lay ang kanyang dila. Hindi pa nakuntento hiniwa pa nila ang kanyang tiyan at inumpisahang ipakain sa asong ulol ang kanyang mga laman-loob.

“Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas! Mabuhay!Mabuhay ang Nagkakaisang Prente! Mabuhay! Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan! Mabuhay!”Habang sinasabayan ng kanyang yabag ang

mabilis na pintig ng kanyang puso, alam niya kung ano ang kanyang isinisigaw, nakatakip ang kanyang mukha

at bibig, sa saliw ng mga palakpak inaalala ni Larry ang mga salitang iniwan ni Ina, ni Sally at ng kanyang mga magulang, ang yakap, halik at pagmamahal na inilaan ng mga ito, sa pangyayaring iyon, lumuluha ng dugo ang kanyang mga mata, nagniningas sa galit, habang binibigkas ang bawat salita ipinapaputok ang baril na kanyang hawak hindi niya alintana ang mga natutumbang tao dulot ng balang kanyang pinakakawalan.

“Mga Putang Ina niyong mga Militar! Nagpapagamit kayo sa mga naghahariharian! Maglingkod kayo sa sambayanan! Hindi sa mga pasistang nagsasamantala sa kapwa niyo Pilipino!”

Putok ng mga baril, alingawngaw ng mga bala at matinding kidlat mula sa bitak-bitak niyang mga mata. Pumapalakpak ang kanyang mga daliri habang nasisilawan ng bandilang pula, binabakbak ng kanyang mukha ang naninilaw at nag-aalab na pulang silangan.

“...[M] alapit na ang [K] alay[a]an!”

Isang taas kamaong Pagpupugay sa lahat ng mga manggagawa sa KOWLOON West na masikhay na nag-

alay ng kanilang panahon upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Muli nitong pinatunayan na sa sama-samang pagkilos ng mamamayan makakamit ang ating mga hangarin. Hinding-hindi kayo nagkamali sa inyong mga ipinaglalaban. Ipagpatuloy ang walang humpay na pagsisilbi para sa sambayanan. Ipagpatuloy ang matimyas na pagmamahal para sa bayan. Itaas natin ang porma ng ating paglaban sa mas mataas na antas ng Pakikibaka!

Kabalikat niyo kaming mga iskolar ng bayan! Pagpupugay sa inyo!

Mga Kasama! HANGGANG SA TAGUMPAY!

12 13

VOL. XXIII No.05 November - December 2008 November - December 2008 VOL. XXIII No.05

Maybelle Gormate

Edrick S. CarrascoNursery Crimes

Wanted: Konsensya

Chicksigoat, Goatiechicks Francis B. Biñas

Kasagsagan noon ng bakasyon. At dahil abala ang lahat para sa Pasko at Bagong Taon, minabuti

muna ni Ted na magpakaburges at mamasyal muna sa mall. Mall hopping sa SM Mall of Asia. Para “in”.

Pumasok siya sa isang department store. Nagsukat ng ilang gamit.

TED PYLON: Wala namang bayad ang magsukat. (pangisi-ngisi habang nag-aastang mayaman)

Masyado atang nalibang si Ted. Dumungaw siya sa labas at napanganga ng makita ang isang babaeng hawig ni Eva Fonda. Pantasya ng bayan. At dali-daling lumabas si Ted para habulin ang babaeng Eva-look-alike. Nang biglang… Toot toot toot toot toot. May nag-alarm sa exit. Nakalimutan pala ni Ted hubarin ang sinukat niyang sinturon. Lumapit ang Manager.

TED PYLON: (Nagpapawis)

MANAGER: Shoplifter! Guard! Hulihin yan.

TED PYLON: Wala po kong ginagawang masama! Hindi ko po sinasadya.

Bago pa man matapos si Ted sa pagmamakaawa ay agad na siyang kinaladkad ng guard at hinarap ito sa manager.

MANAGER: Bayaran mo yang ninakaw mo ng higit sa doble kundi papasuotin kita ng plackard na yun. (sabay turo sa plackard na nagsasabing “ako ay isang shoplifter, wag pamarisan”

Matapos magtatlong isip ni Ted kung babayaran ang sinturong sinukat, naisip niyang wala pala siyang pera dahil isa lamang siyang hamak na mahirap, (ouch, truth hurts) kaya bandang huli ay ginawa na lamang niya ang inaalok ng Manager.

TED PYLON: (umiiyak) huhuhu. Bakit ganun. Sinturon lang ang ninakaw, napagkamalan pa, pero ganito na ako kung ituring. Samantala iyung iba, kaban ng bayan ang ninanakaw pero hindi nakukulong. (ouch ulit)Walang nagawa si Ted kundi magmukmok. Pero bumalik ang pagka-agit ni Ted. Nakataas kamao habang

gumagala sa mall suot ang plackard.

Pag-uwi ni Ted ay natulog siya agad at pag-gising niya’y umaga na pala. Isang masamang panaginip lang pala ang nangyari. Hindi pa rin siya makaget-over kaya balik na lang siya sa dating gawi. Pinagtripan ang mga propesor na mukhang shoplifter.

Dahil sa nangyari, nangako si Ted na hindi na magmo-mall. At hindi na rin magpapantasya kay Eva Fonda.

Case no. 10 series of 2008WANTED: Prof. Amelia NuguidEcology

Noong una akala namin masipag siyang propesor tapos nung kinalaunan parang napapansin namin na pahirap na ng pahirap ung pina pa project niya. Ayos lang naman sana yung pinapagawa niyang project, kaso lang kasi my mga OJT kami at masyadong hardcore yung pinapagawa niya. At sa tuwing may pagsusulit kami ay hindi pang estudyante yung presyo, eh tatlong piraso ng bond paper na tinupi lang ay nagkakahalaga na ng limang piso. Kumikitang kabuhayan talaga siya. At meron pang pinapabayaran na fifty pesos bawat isa para daw sa handout, magagamit daw namin para sa exam kahit may libro na man kami. Binigyan din niya kami ng reporting, ok nga yun para matuto din kami kahit papano, kaso lang hindi na siya nagtuturo, kung sino yung reporter siya na yung parang propesor tapos siya nakaupo lang hindi na siya nagpapaliwanag. sana lang mataas yung grade na ibigay niya dahil masakit na din sa bulsa yung mga requirements niya.

TED PYLON: Tsk Tsk Tsk kaya kayong mga nananamantala sa mga estudyante! at kayong nagnanakaw sa kaban ng bayan! (outch, truth hurts) magtago na kayo! (sabay hampas ng sintoron).

Hindi nito napansin na nasa likod lang pala niya ang manager.

MANAGER: Hoy Ted! halika nga rito saan mo nanaman yan kinuha ha! Shoplifter ka talaga! (sabay batok kay Ted Pylon)

TED PYLON: Outch it hurts...

TED PYLON’SShoplifter edit ionHalf Man, Half Marble from Romblon

Kumembot Expose’

12 13

VOL. XXIII No.05 November - December 2008 November - December 2008 VOL. XXIII No.05

Ayusin. Para mas lalong mapadali at maintindihan ng mga estudyante. Ayusin ang mga proseso na dapat isaalang-alang sa pag-eenrol o pagbabayad ng mga estudyante.

-Allan ,BOA 1-6D

Ayusin. I wanna be positive. Dapat nating palawakin ang SIS upang mas mapadali ang proseso sa pag-eenrol ngunit dapat may kaukulan o katumbas ang mga binabayad ng estudyante upang ito’y maging kapaki-pakinabang.

-Niño ,BAPR 1-2N

Ayusin. Kadalasan mali ang mga information sa grades at minsan mabagal ang pagloloading ngunit hindi kami pabor sa P250 na dagdag-bayarin. Dapat per year lang.

Sa iyong pananaw, dapat bang ayusin ang Student Infornation

System (SIS) o i-scrap na ito?

–Menche ,HRDM 1-2DNahirapan akong mag-enrol dahil yung password ayaw tanggapin, kaya ayusin.

–Monaliza ,BSA 1-18D

Ayusin. Mas madali, di na kailangang pumunta ng PUP para sa enrollment kung nasa ibang lugar. Pati iba-ibang maling info.

–Darwin ,BSREM 1-1

Ayusin. Dahil hindi sapat ang serbisyong ibinibigay ng SIS sa mga estudyante na nagbabayad ng malaking halaga at kadalasang maraming nagiging problema ang estudyante sa paggamit nito. Dahil sa kakulangan ng pagbibigayng impormasyon dito.

–Mhara ,B0A 1-6D

Abolish. Ibalik na lang ‘yung mano-mano dahil sa tagal ng hirap. Kasi

may mga subject na di nae-enroll.

–Jinky ,BSCHEM 1-2Abolish. Imbes na bumilis parang bumagal pa ito.

–Rosh ,BSCHEM 1-2

Okey naman siya kahit maraming bumabatikos. Para sa akin okey siya kasi para sa ibang taga-province mas lalong napadali sila, kaya ok lang.

-J.M., BC 1-1

Ayusin yung process tapos sana kaya nung server nila na ma-enroll ang mga estudyante nang sabay sabay. Hindi ‘yung nagkakatrapik sa enrollment.-Mary Ann ,HRDM 1-1N

Abolish. Ang laki kasi ng binabayaran. Dagdag miscellaneous fee naming. Kaya nga sa PUP kami para can afford namin.

–Janelie ,HRDM 1-1N

Register once by typing KATA (space) REG (space) AGE, COURSE, YR. & SEC. then send to 2299.Text KATA (space) Q1/Q2 (space) Your Answer (space) NAME, Yr.& Sec. then send to 2299.P2.50 lang ang bawat padala. Bukas sa lahat ng subscribers ng anumang network.

Next month’s questions:

1.Ano-ano sa tingin mo ang magiging epekto ng financial crisis sa US sa mga bansang mala-kolonya nito tulad ng Pilipinas?2.Anong masasabi mo sa digmaang nagaganap sa Gaza sa pagitan ng mga israeli at palestino?

1.Anong masasabi nyo sa pagiging compulsory ng P300 PE uniform sa mga freshmen student noong enrolment samantalang second semester na at karamihan sa kanila ay may sarili nang PE uniform?2.Sa tingin nyo ba ay totoong may sakit si Jocjoc Bolante o ginagawa niya lamang itong palusot para mataksan niya ang fertilizer scam issue?

This Month’sQuestion:

Q1 1) gRabeh nMan ung Admin, ang mhAL kaya tas bigLaan pa, naGu-Lat na nga lang aq ng kSama na un sa bina-yaran ko e ginagamit ko na ung PE ni ate.

-Pau, Marketing, 639276432***

2) Dba sabi sa student handbook na bwal ung ganung COMPULSO-RY?.. tsktsk. Sila na nga gumawa nun tas sila pa rin ung lumala-bag.

-Anjo, ME 4-irr639209763***

3) Bumili na rin ako e kailangan daw kc sa PE namin. Pero dapat sna ndi required un. kea nga d2 q ngAral e kc mura tas andami pa

ring binabayaran.-Wildknightsadota

BOA639184456***

Q21) Hehehe. Artistang-artista lang talaga siya. It’s so obvious that he did it pra maAwa ung tao sa kanya. HaleRr.. siya nga hindi naawa sa kinurakot nilang fund para sa farmers a. hmp.

-pretty_gurl ng 6th floor

639159884***2) Isang malak-ing palusot lang un. Pinagtatakpan lang niya ung mga pinag-ga3wa nila dati ni Ar-royo. Payback time na ngaun kaya humanda na joc2.

-Brianboi, COABTE639227648***

Ang Kapatiran ng Tal ino at Galing (KATAGA) PUP Honors Society ay isang organisasyon ng mga iskolar sa PUP, i to’y i t inatag ni Bro. Eddie Vi l lanueva.

Dating Kapatiran ng Tal ino at Git ing (KATAGI) ang ngayo’y KATAGA nagsisi lbi i to sa interes ng mga iskolar sa PUP, naglulunsad i to ng iba’t ibang proyekto katulad ng taunang seminar na PUPian ako kaya’t kaya ko, KATAGA Month, Scholars Leadership Enhancement Training (SLET) at ang Outstanding Scholar of the Year Award (OSYA) na nagbibigay ng parangal sa mga natatanging mag-aaral ng PUP.

Ang kasalukuyang tagapayo nito ay si Prop. Merl i ta M. Tamayo, naglulunsad din ang KATAGA ng mga leadership training na lubusang

KATAGA PUPKapatiran ng Talino at Galing

makatutulong sa lalo pang pag-unlad ng mga iskolar.

Nananati l i pa r ing tangan ng KATAGA ang hangarin nitong pagsi lbihan ang mga iskolar sa pamamagitan ng mga ini lulusad nitong mga aktibidad.

Kasalukuyan pa r ing ibinabanyuhay ng KATAGA ang bisyon nitong maglingkod sa mga mag-aaral ng PUP.

Ang opisina ng KATAGA ay matatagpuan sa Unang palapag ng Charl ie del Rosario Bldg. (dating unyon ng mga mag-aaral). Para sa inyong kabatiran tumatanggap na ang KATAGA ng mga nominasyon para sa OSYA, maaari ninyong isumite ang inyong mga nominasyon sa opisina ng KATAGA, makukuha ang mga forms sa nasabing opisina o di kaya’y sa inyong mga kagawaran.

face to

face

Richard R

eyes

14 15

VOL. XXIII No.05 November - December 2008 November - December 2008 VOL. XXIII No.05

Sour Cream Society

Ma. Fatima Joy B. Villanueva

Palipad hangin

Joyce A. LlantoMayroong maliit na mall malapit sa amin. Isang sakay lang ng tricycle at andun ka na. Kapag sumakay ka naman ng FX galing sa kanto,

mararating mo ang isa sa mga pinakamalaking mall sa bansa, ang SM North EDSA. Isa pang sakay ng dyip mula sa kanto, may isa na namang mall kang mapupuntahan. At mula sa bayan, sakay ka pa ng isang dyip para naman marating mo ang SM Fairview. Anong esensya ng pagkukuwento ko nito? Wala lang. Gusto ko lang bigyang-diin na kung saan-saan na pala nagsusulputan ang mga mall. Para lang itong mga kabute. Sobrang bilis itong tangkilikin ng mamamayan. Samantalang sobrang dami rin ng Pilipino ang lubog sa hirap.

Noon, at siguro magpahanggang ngayon, humaling pa rin ang mga kaklase ko sa Gateway. Gawain nila pagkatapos ng klase, at kahit hindi pa tapos ang klase, ang tumambay sa mall na nakatirik sa Araneta Center. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit gustong-gusto nila roon samantalang napakaliit naman ng espasyo nito kumpara sa ibang mall. Ni wala nga masyadong amusement place doon kung kasiyahan naman talaga ang habol nila. Maliban pa rito, puro signature clothes, bags, shoes at kung anu-ano pa ang tinitinda sa Gateway. In short, pangmayaman. Hindi ito akmang pamilihan para sa mga iskolar ng bayan na katulad nila.

Ayon sa diksyunaryo, ang shopping mall ay gusali o hanay ng mga gusali na mayroong mga yunit ng retail store na pinagdurugtong ng daan upang madaling makalipat ang mga tao mula sa isa patungo sa isa pang yunit. Ang kasaysayan ng mall dito sa Pilipinas ay sinimulan ni Henry Sy Sr., kilala bilang pinakamayamang tao sa buong Pilipinas at may-ari ng SM Prime Holdings. Nagsimula si Sy nang ipinatayo niya ang kauna-unahan niyang tindahan ng sapatos sa Carriedo noong 1946 na tinawag niyang Shoemart. ‘Di kalaunan ay hindi na lamang sapatos ang itinitinda niya rito. Lumaki ang negosyo niya hanggang paupahan na niya ang ibang yunit nito para pagtindahan ng iba pang paninda. Sa ngayon, mayroon nang mahigit 30 sangay ng SM mall sa loob at labas ng bansa. Bukod kay Sy at sa pamilya nito, nariyan din ang pamilyang Ayala na nagpatayo rin nang chain of malls. Iyong Glorietta I, II, III at IV sa Makati, Festival Mall sa

Alabang, at Trinoma sa North EDSA, Ayala ang may-ari noon. Ang Robinson’s chain of malls ay pagmamay-ari naman ng pamilyang Gokongwei. Hindi pa nabanggit dito ang iba pang mall sa ibang panig ng Pilipinas na pagmamay-ari rin ng mga mayayamang tao. At itong mayayamang taong ito ay kadalasang pinakamakapangyarihan din sa mga kanya-kanya nilang lugar. Ika nga, galing silang lahat sa uring pambansang burgesya at malalaking burgesya kumprador.

Sa totoo lang, ang mall ay isang epektibong instrumento upang palaganapin ang kulturang popular (popular culture). Ayon kay Rolando Tolentino, awtor ng mga libro at artikulo hinggil sa panitikan, kulturang popular at media, ang kulturang popular ay kultura ng panggitnang uri. Ito ang handang tanggapin ng nakatataas na uri bilang lehitimong kultura o ang kanilang puwedeng ibaba at nang magkaroon ng malawakang kolektibong karanasan kumpara sa puwesto sa tuktok ng tatsulok. Ang kulturang ito ang nais i-adapt ng mahihirap na tao dahil ito ang kaisipang nagpapaniwala sa kanila na sila ay cool at in. Panandalian nilang nakakalimutan ang realidad na sila ay naghihikahos. Sa mayayamang negosyante, ang kulturang ito naman ang nais nilang palaganapin dahil alam nilang madali itong yayakapin ng masa. Na sa kalauna’y magiging paraan naman upang higit pa silang kumita kapag tinatangkilik na ng mamamayan ang kanilang komoditi.

Tulad ng mga nagaganap sa isip ng mga kaklase ko, hindi nila namamalayan ang kanilang pagpupumilit na makibagay sa antas ng pamumuhay ng mga upper class. Ang uri ng mga tao na namimili at may kakayahang bumili sa Gateway ay iyong mga panggitna at nakatataas sa usapin ng ekonomiya. Sa realidad, hindi naman talaga kaya ng isang iskolar ng bayan ang mga presyo ng paninda sa mall na ito. Kung makakabili man siya, tiyak na malaking

kabawasan ito sa buwanan niyang baon. Kaya nga tawang-tawa ako sa mga nagpupumilit makainom ng kape sa Starbucks. Ipagsasapalaran nila ang ilang araw nilang pambaon para lamang masabing nakainom ng mamahaling kape at naianunsyo pa ang pangalan nila sa counter.

Tanda ko pa nga nang minsang magbalik-bayan ang tiyahin ko rito sa Pilipinas. Iyong kaibigan niya, sobra-sobra ang pagmamalaki sa tita ko ng mga naglalakihang mall dito. Na kesyo raw may iba’t ibang classes pa ang mga mall, may class A, B, C at kung anu-ano pa. Pero hindi naman namangha ang tita ko. Bigla lang niyang naitanong na kung bakit daw ba sobrang dami ng mall sa Pilipinas samantalang mayorya ng mga Pilipino ay mahihirap at hindi naman talaga kayang makabili ng mga paninda nito.

Ang tiyak lang namang nakakakuha ng ganansya rito ay iyong mga mayayaman. Dahil nababaliw na ang mga mamamayan sa pagtangkilik sa mga mall, milyones na rin ang pumapasok na kita sa mga negosyanteng ito araw-araw. Ayon nga sa istadistika, milyon ang taong pumapasok at namimili sa malalaking mall gaya ng SM Mall of Asia tuwing Sabado’t Linggo. Kaya tiyak din ang lalong pagyaman ng mga katulad nila Sy, Ayala at Gokongwei. Samantalang ang mga mahihirap, hindi alintana na napagsasamantalahan na pala sila. Sa aspeto ng kultura sila nililinlang at sa aspeto ng ekonomiya naman sila tuwirang naaapektuhan.

Sinulat ko ito hindi dahil sa bitter ako na hindi pa ako nakakapamasyal sa MOA. At hindi rin ako bitter dahil sa ipinatayo ang mga mall na ito para sa mayayaman. Bitter ako dahil kinakasangkapan ang mga ganitong bagay para linlangin ang mga naghihirap. At iyong mayayaman, nananamantala na, ang tingin pa rin sa kanila’y cool at dapat tularan. Mall lang ‘yan. Mabubuhay tayo kahit wala niyan.

Mall tour

Do the math

Naimbento ng isang Babylonian noong 1800 BC ang algorithms para makapagkalkula ng mga numerical problems. Naimbento

ang mga simpleng equation at nagkaroon ng mga formula. Tanda na rin ito ng pagtaas ng antas bagong kaalaman ng panahon na iyon. Isang dagdag agwat sa kaalaman ng mga mayayamang mangangalakal o dugong bughaw sa mga hamak na alipin lamang.

Bilang isang pangunahing asignatura noong elementarya, nagkaroon ako ng malalim na interes sa Math. Pero hindi lang talas ng utak ang kailangan dito. Sabi ng Math teacher ko noon, maaaring alam ko ang basic operations pero magagamit ko lang daw ng mahusay ang Math kapag marunong ka ng simple logic ng pag-aanalisa ng word problem. Iyon din kaya ang paalala ng Math teacher ni Gng. Arroyo noon? Mamamaximize lamang niya ang pagkasangkapan sa Kongreso at Senado kung nakapanig sa kanya ang mga namumuno nito at mayorya ng kabilang dito.

Maagang bahagi ng taong ito nang mapatalsik si Joe de Venecia sa Kongreso at Disyembre naman si Manny Villar sa Senado. Madaling idahilan na bahagi ito ng pamumuno ng mga pulitiko. Walang permanenteng kaalyado. Lahat ay maaaring maging kaibigan o kaaway depende sa pangangailangan. Kung saan higit makikinabang, doon papanig. Kahit ano pang pagtatakip nila kung bakit nagkaroon ng mga palitan ng pwesto, hindi maitatanggi na Charter Change ang duduluhin

nito. Tutuparin nito ang panalangin ng isa niyang alipores na mapaabot ang termino ni Gng. Arroyo ng 2010 and even beyond. O di kaya, hindi man mismong siya ang mapanatili sa Malacañang, nakapwesto na rin ang mga galamay ni Mrs. Arroyo upang protektahan siya laban sa mga kasong maaari niyang kaharapin.

Maaari ring magamit ang ChaCha upang makapagdeklara ng batas militar. Ngayon pa nga lang, nagawa na ng rehimeng ito na magdeklara ng EO 464, CPR, OBL 1 at OBL 2. Makailang pagkilos patungong Mendiola ang sinalubong ng paghataw ng mga pamalo ng mga pulis at maruming tubig ng mga bumbero. (Buti pa sa mob, nangunguna ang mga trak ng bumbero. Bakit kaya pag may sunog, ang tagal nilang dumating?) Marahas na nga ngayon, ano pa kaya sa susunod sa panahon na may ChaCha na?

Isa pang maaaring epekto ng ChaCha ay ang lalung pagkalugmok ng ekonomiya ng ating bansa. Papalawigin nito ang karapatan ng mga dayuhan, hindi lamang mag-invest, kundi magmay-ari ng mga kompanya sa bansa. Isang sampal sa kakayahan ng mga Pilipino na magpatakbo ng sarili nating industriya at isang malakas na suntok sa hanay ng mga manggagawa sa ating bansa. Lalong pang-aabuso sa lakas-paggawa, kapalit ang cheap labor ang makukuha ng mga nanay at tatay nating manggawa.

Ganito na kaganid at tuso ng mga namumuno sa ating bansa sa ngayon pero bilang mga

kabataan, bilang mga PUPian, may kaya tayong gawin para magbago ang lipunan. “Gagamitin ang karunungan, mula sa iyo, para sa bayan.” Mismong ang PUP hymn ang nagsasabi na dapat nating ialay ang karunungan natin para sa pagsusulong ng isang radikal na pagbabagong panlipunan. Makatarungan ang gagawin nating paglahok sa mga kampanya kontra ChaCha.

Aanhin ba natin ang taas-noong pagsasabi na I am PUPian kung hanggang sa mga klasrum at forum lamang natin ito naipapakita. Hindi naman natin isinsabuhay ang esensya ng pagiging PUPian, mga kabataang may diwang palaban. Dapat lamang na irehistro natin ito sa mga lansangan dahil dito natin mas mapapaabot sa malawak pang sambayanang Pilipino ang mga hinaing ng mga kabataan. Oo, mainit at nakakapagod pero higit na may kabuluhan ito kaysa sa magkibit balikat na lamang

Kung alam mong tama ka, dapat may ginagawa ka. Dahil kung mananahimik ka lang, wala kang ipinagkaiba sa mga hindi nakaaalam. Mas malala ka pa nga dahil ang pananahimik ay pagtulong pa sa mga nagsasamantala at ang sumisikil sa kalayaan.

Walong porsyento ang peti-burgesya, kabilang ang mga kabataan at mga propesyonal, na kailangang makonsolida laban sa ChaCha at kay Gloria. Kung makakatulong pa natin ang 75% na magsasaka, 15% na manggagawa at isang porsyentong mamamayan na kabilang sa pambansang burgesya. Higit itong mapagpasya upang durugin ang isang porsyentong naghahari-harian at nagpapakasasa na mga panginoong may lupa at mga nagmamay-ari ng malalaking kumpanya sa bansa. Kapag nangyari ito, paniguradong ang tagumpay ng sambayanan ay abot-kamay.

ng isang manggagawa ay ina-identify niya sa kagalingan ng burgis. Kaya nga ang kapitalistang konsepto nila ng pag-unlad at pagtatagumpay sa buhay ay pilit na itinuturo at ipinapamukha sa atin gamit ang Maalaala at ng mga kagayang programa para tularan natin sila at hindi natin makita ang pagsasamantala nang sa gayo’y hindi tayo maghangad ng pagbabago sa lipunan at hindi natin makita ang pagsasamantala nang sa gayo’y hindi tayo maghangad ng pagbabago sa lipunan at huwag magkaroon ng dambuhalang rebolusyon. Ikinukulong na lang tayo sa ganitong kamalayan. Ganito rin ang paraang ginagawa nila sa larangan ng popular nating kultura gamit ang showbiz at konsumerismo. Halimbawa, kung sa Mc Donald kumakain si Sharon Cuneta at sa Jollibee naman sina Sarah Geronimo at Aga Mulach (sabi sa komersyal, kahit hindi naman talaga sila doon kumakain) dapat ikaw din, o kung bench ang brief ni Dingdong Dantes, dapat ganun din ang sa atin, kung ang Shampoo nina Piolo, John Llyod, Bea at Chris Tiu ay Clear, dapat sayo rin, ang alak ni Anne Curtis ay Ginebra (kahit hindi naman talaga) dapat ganun din iniinom mo, o kung nakahavaianas ang mga taga La Salle at Ateneo tsinelas mo din dapat ganun, nagpatangos ng ilong si ganun, nagpalaki ng dede si ganire, nagpadagdag ng pwet si ganito, dapat tayo din, nagpalaki ng titi si ganun, kay Dr. Pie Calayan, na irritate, namaga! naimpeksyon! sayo din? Ganito ang ginagawang paghubog sa atin ng paligid ngayon. Kaya nga hanggang sa mga programa ng telebisyon at pati na rin sa mga pelikula lantaran nating makikita ito. Sapagkat ang mga ito’y mabisang instrumento ng ideolohikal na paghuhubog ng ating mga iniisip at ninanasa. Sa pamamagitan ng hegemonya ang pagkontrol ay hindi nakikita’t hindi mukhang personal na mapanira. kinokontrol ang ating pag-iisip ng sa ganoo’y maging normal at lehitimo sa atin ang mga pangyayari sa araw-araw ng hindi nagiging kapuna-puna. Sa malaon ay nililigaw ang mga progresibong

14 15

VOL. XXIII No.05 November - December 2008 November - December 2008 VOL. XXIII No.05

Ang Unzipped ay bukas sa lahat ng estudyante o kawani ng PUP. Ipadala lang

ang inyong mga sanaysay sa THE CATALYST office.

Nito lamang nakaraang buwan ng Oktubre ipinalabas sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya

(MMK) sa channel 2 ang kwento ng buhay ng isa sa mga nanalo sa Pinoy Dream Academy na si Bugoy, sa programa ng MMK inilahad ang istorya ng kanyang buhay kung papaanong mula sa mahirap na pamilyang nabubuhay lamang sa pagsasaka ay nagkaroon ito ng pagkakataon sa pamamagitan ng tiyaga at sipag (kasama na ang pangarap) na magtagumpay din ito sa buhay na punong puno ng problema at paghihirap na tila ba wala nang katapusan. Ganito din ang kwento ni Apl d Ap ng Black Eyed Peas noon sa kaparehong programa at ng mga kagayang palabas sa mga istasyon tulad ng Channel 7 na meron namang Magpakailanman na nagsasalaysay naman ng kwento ng buhay nila Rochelle Pangilinan ng Sex Bomb, Elma Muros (na todo komersyal pa ng Tide nang ma-interbyu ni Mel Tiangco) at ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao, tulad ni Bugoy sila din ay nagsimula sa buhay mahirap bago naabot ang rurok ng tagumpay sa buhay. Ang mga paulit-ulit na pagsasadula ng ganitong uri ng palabas sa telebisyon ay sintomas na hindi na lamang sa atin basta-basta ipinanonood ang istorya ng buhay nila at ng iba pang nangarap, yumaman at nagtagumpay, gusto nitong bigyan ng representasyon ang ating espasyo sa telebisyon, higit sa lahat nilalayon nitong magbigay aral at ituro ang magiging panuntunan natin sa buhay, at ang mensaheng gustong iparating nito sa mga manonood ay: kahit mahirap, yumayaman, basta’t matiyaga lamang (kaya dapat pamarisan). Ganito ang turo sa atin ng namamayaning kaisipan ngayon tungkol sa pag-unlad at pagtatagumpay. Na sa pamamagitan ng sari-sariling pagkayod ay giginhawa din ang buhay. Narito ngayon ang lohika ng liberal at indibidwalistang pananaw sa pag-unlad: kanya-kanya, hindi sama-sama. Kaya kung meron mang problema ang isang indibidwal (panlipunan gaya ng kahirapan) ang sagot ay laging hinahanap sa pamamagitan din ng pagkakanya-kanya, laging personal at pribado. Sa esesnya, ang liberalismo ay kakambal ng kumpetisyon kung saan sarili lagi-lagi ang mahalaga, isa sa mga katangian ng kapitalistang kultura. Kung babalikan

natin ang aral ng palabas makikita na ang itinuturo nito’y gayahin natin ang kanilang ginawa. Yun nga lamang ay para lang ito sa iilan at habang ganito ang parating gagawing aral ng mga palabas sa atin ng telebisyon ay walang pundamental na magbabago sa istruktura, ipinakalimot sa atin ng telebisyon at ng mga programa nito na ang kahirapa’y isrtuktural na problema ng lipunan na nangangailangan ng panlipunang solusyon, hindi ng personal at indibidwal na pamamaraan lamang. Sa ganitong paraan ay posisyon lang ng iilang indibidwal sa istruktura ang nagbabago, hindi ang mismong istruktura ng lipunang naglalagay at naglulubog ng maraming tao sa kahirapan. Nananatili’t nagpapatuloy ang namamayaning sistema ng lipunan sa ilalim ng ilusyong pinagsisilbihan natin ang ating mga sarili.

Sa isang lipunang makauri hindi lahat pwedeng maging Nora Aunor, Bugoy, Apl d Ap o Manny Pacquiao, hindi pantay-pantay ang pagkakataon. Hindi lahat ng masipag at nagsisikap ay nagtatagumpay, may nang aabuso, at hindi lahat ng mayaman ay nagsikap, nagtiyaga at nagmula sa hirap, marami dito’y nagsamantala at nagsasamantala hanggang sa kasalukuyan. Kaya bagaman nagbibigay ng inspirasyon sa atin ang Maalaala at Magpakailanman, sa huling pagsusuri’y mapanlinlang ang iilan sa mga kwento nito. Kakikitaan ito ng mga ideyang mapagpalya sa kahirapan. Ang mga kwento rito’y hindi talaga nagbibigay ng aral at solusyon, naghahatid ito ng ilusyon.

Maikukumpara natin ito sa pagpapaliwanag ni Antonio Gramsci tungkol sa hegemonya sa ating kultura. Sa pamamagitan ng hegemonya ang mga pagpapahalaga’t kaisipan ng mga kapitalista’t burges (mga naghaharing uri sa lipunan) ay naipapasa’t naisasalaksak sa mga taong laging nasa laylayan lamang ng kapangyarihan. Gamit ang mga ideolohikal na aparato ng estado para sa pagsasamantala at dominasyon hinuhubog ang ating mga iniisp, kinikilos pati mga pagnanasa’t pinapangarap ayon sa interes ng mga nasa kapangyarihan na siya ring nagpapanatili sa kasalukuyang kaayusan ng istruktura. Nagiging ”common scence values” ng lahat ng tao ang mga values ng mga burgis at kapitalista kung kaya’t ang kagalingan

Telebisyon, Hegemonya at Kapitalistang kultura

Binging Headset

Ni Underground Boyband

Ni Sherren Que Fabian

pwersa tungo sa landas ng eskapismo, pagkalimot sa problema at ilusyon.

Punto ng kritikong si U.Z Eliserio sa kanyang ”Ang mga nasa posisyon sa telebisyon” noong nakaraang taon sa Pinoy Weekly, inilalagay tayo ng istruktura ng kapitalismo sa posisyon ng kahinaan at dahil dito’y nawawala tayo sa posisyong itakda ang ating kapalaran at kinabukasan. Nililikha ng pinanonood ang mga nanonood. Papalapit na ang eleksyong 2010, naririyan na naman ang mga komersyal ng mga pulitiko sa telebisyon na akala mo’y totoong makatutulong sa pagbabago sa ating kalagayan. Alalahanin natin ang political Ads dati ng suicidal collective member na si Prospero Pichay (tumakbong senador pero gusto namang buwagin ang senado) at maiintindihan natin ang kahungkagan nito. May batang magsasabi: “Pangarap kong kumain ng masarap at masustansya”, tapos may drayber na magsasalita: “Pangarap kong mawala kong mawala ang kotong sa lansangan” at tsaka ngayon lalabas si Pichay at idedeklara: “Pangarap kong tuparin ang mga pangarap niyo” kitam! Sa istruktura ng pulitika at ekonomiya ng lipunang Pilipino, gaya ng sinabi ni Eliserio, hindi tayo ang nasa posisyong tumupad ng ating mga pangarap. Kailangang wasakin ang istruktura at palitan ito ng bago. Isang lipunan na kung saan ang pag-unlad ng isa’y pag-unlad din ng lahat, lipunang hindi minamanipula ng media at ng industriya ng showbiz ang paniniwala ng mga tao na ang daan sa pag-unlad ay ang pag-aartista, pagsulat sa Wish ko lang o pagsali sa Wowowee o Eat Bulaga. Lipunan ding mas importante at pinahahalagahan ang kapwa tao kaysa sa tubo.

Hilig kong pakinggan ngayon ang kanta ni John Lennon na Imagine. Punto niya’y dapat nating baguhin ang mundo... naaalala mo paba? ano ang tagline ng isang bagong Shampoo ngayon sa komersyal? Its time to make change! Hindi lang ng Shampoo. Pati ng lipunan at ng mundo.

Isang batang nakaheadset ang nabilhan ko ng mentos sa kanto ng Teresa.

Second anniversary namin ni Anna. Ayos! Siya na talaga ang sole survivor ng buhay ko dahil siya lang ang nakapagtiyaga sa mga kabulastugan ko.

Music lover si Anna kaya alam ko na perfect gift para sa kanya ang isang mp3 player. Hard-earned money ang ipambibili ko dito; sama-sama na ang mga napamaskuhan, pera mula sa tiniis na gutom, at konting mga kickback tuwing may utos si Lola. Hindi ako marunong mag-ipon noon, pero natuto bigla dahil kay Anna.

Ito na nga ang espesyal na araw, nasa bag ko ang isang kahon na nakabalot ng spongebob gift wrapper (favorite cartoon character niya), at nasa loob nito ang 1 gb mp3 player na nilagyan ko na ng mga kanta. Alas-siyete y medya ng umaga ang unang klase namin at natulala ang buong E505, ang aming room, nang marinig ang matinding tili ni Anna sa pagkasorpresa.

Niyakap niya ako ng isang yakap na hindi pa niya nagawa sa dalawang taon naming pagsasama. Siyempre, umalingawngaw ang katagang, ”kiss” sa klase. Pero tablado sila, hindi kami P.D.A.

Astig talaga ang pakiramdam nang napasaya ko nang ganun si Anna. Simula nung oras na ibinigay ko ’yon, hindi na nawala ang mp3 sa watch pocket ng kanyang blouse, o kaya’y sa bulsa ng kanyang pink na bag. Sa bahay, nakasuot sa tainga niya ang headset ng mp3 habang naglalaba, nagwawalis, nakahiga sa sofa, at tuwing nagta-type siya ng thesis. Ginawa niya rin ’tong sleeping pills. Sa byahe, kahit gaano kalakas ang sounds ng patok, wala siyang pake, basta siya, may sariling mundo. Sa eskwela, habang nagrereview, kumakain, nakatambay, at kahit anong gawain, parang umbilical cord na niya ang aming ”engagement mp3”.

Overwhelmed ako sa appreciation niya sa aking regalo, pero mukhang may side effect. Nung minsang nakatambay

kami sa South Wing, habang nakayuko, nagpapahinga at ako’y kumakain ng sandwich na baon niya. Naisip kong magtanong bigla, “Anna, may chance bang iwan mo ako?” At sumagot siya ng isang confident na… “OO!” Halos malunok ko ang malaking piraso ng kinagat kong sandwich nang marinig iyon. Nagulat siya, at saka tinanggal ang headset. Ang dinig pala niya, ”Anna, may Heinz ba ang baon mo?”

Wirdo rin talaga ’tong si Anna. Hiniram ko sandali ’yung mp3 niya, at nailing ako nang makita ang malalalim na gasgas sa gilid nito. Imbes magalit natuwa ako, dahil sinadya pala ang mga gasgas na ’yun. ”Im Anna”, ito ang isinulat niya gamit ata ang kanyang cutter. Lupet! Ang dahilan ng loka, darating din ang panahon na magagasgasan din ’yon, inunahan lang niya para raw may art.

Pauwi na kami noon. Huminto ako sa isang tindahan para bumili ng yosi. Kasama ko si Anna. Nagpaalam siya na tatawid sandali para tanungin sa mga thesis groupmates, na naghihintay ng jeep na pa-Cubao, kung kailan sila magpapa-consult. Sabay sa pagsindi ng Marlboro, nagsigawan ang mga tao, ”Yung babae!” Paglingon ko sa kalye, humaharurot na palayo ang isang Mazda3. At si Anna,

nakahandusay na. Hindi ako nakalapit agad. Mula sa aking kinatatayuan, nakita ang unti-unting pagkalat ng kanyang dugo sa semento.

Wala akong masabi.Dalawang buwan na ang lumipas

mula nang mangyari ang trahedyang sinapit ni Anna. Hindi pa rin ako nakalilimot sa iniwan niyang masasayang ala-ala. Hindi ako nawalan ng candy, chewing gum o yosi sa’king bibig upang magkaroon ako ng dahilan na hindi magsalita. Pagbaba ko sa kanto ng Teresa, bumili ako ng mentos sa isang bata. Nangamba ako nang makita ang pobreng bata pero nakaheadset. Sosyal na bata, walang tsinelas pero may pinakikinggan mula sa kung saang player. Nang kukuha na siya mula sa bulsa, inilabas niya muna ang isang player at saka dumukot ng barya. Nanginig ako nang makita ang itim na mp3 player na mayroong nakaukit na ”Im Anna” sa gilid.

16

VOL. XXIII No.05 November - December 2008

Pina-CNAyaanBuwan ng Agosto, 2005 nang

buuin sa pagitan nina Pang. Dante Guevarra at ng Unyon ng mga Kawani sa PUP (UNAKA-PUP) ang tinatawag na CNA, isang kasunduang nagsusulong ng mga karapatan, benepisyo at pribilehiyong dapat matamasa ng bawat empleyado ng PUP. Matapos itong mabuo, inakyat ito sa Board of Regents (BOR) kung saan ito’y inaprubahan. Ngunit makalipas ang mahigit tatlong taon ay hindi pa rin ibinibigay ang mga nakapaloob sa naturang kasunduan, ayon kay Emmanuel Dindo Bautista, pangulo ng UNAKA-PUP.

“Sa part ng mga kawani, mahirap na hindi pa rin ibinibigay ‘yung mga benepisyong nakapaloob sa CNA. Dumaan na ito sa BOR at naaprove na nila ito pero ngayo’y wala pa rin. Pinakalayunin ng CNA ang kahit bahagya’y makatulong ito sa lumalalang krisis pangkabuhayan kapalit ang katiyakan sa mataas na antas ng edukasyon sa ating unibersidad,” ani Bautista.

Noong April 19, 2007 naman nang buuin ang CNA sa pagitan nina Guevarra at ng Unyon ng mga Guro sa PUP (UGPUP). Ito naman ay nagsusulong ng benepisyo para sa kaguruan ng PUP.

Ayon kay UGPUP Pres. Wilfredo San Juan, nilalaman ng naturang kasunduan ang regularisasyon at promosyon ng mga guro. Kasama na rin ang resolusyong may kaugnayan sa seguridad sa patas na pagtuturo at pang-

H indi biro ang papel na ginagampanan ng mga guro’t kawani sa ating lipunan. Hindi man nila sabihin, bakas ang hirap at responsibilidad na

kanilang pinapasan sa araw-araw, hindi nalalayo ang magkaibang tungkulin ng mga ito upang maitayo ang de-kalidad na edukasyon. Ngunit sa kabila ng kanilang sakripisyo, hirap at pagtitiis sa lalo pang ikauunlad ng PUP patuloy pa ring ipinagkakait sa kanila ang Collective Negotiations Agreement (CNA), ang sana’y magbibigay ng kanilang mga karapatan bilang manggagawa ng unibersidad.

akademikong kalayaan. Maging ang paglilimita sa 40-45 estudyante lamang kada silid at pati na rin ang pagsasaayos sa mga pasilidad upang masiguro na maayos na nakapapagturo ang mga guro.

Saklaw din ng CNA, ayon pa kay Prop. San Juan ang mga benepisyong tulad ng leave privileges, legal services ng mga kawani, sports facilities para sa mga empleyado, assistance para sa mga retired employee, pangkalusugan at security service, pagkakaroon ng r e p r e s e n t a s y o n ng UGPUP sa iba’t ibang komite ng unibersidad, pagkakaroon ng access sa mga dokumento at ang d e m o k r a t i k o n g pakikilahok ng mga kawani sa pagpili ng mga opisyal ng unibersidad.

Ngunit sa kabila ng malinaw na hangarin ng CNA na mabigyan ng tamang benepisyo at pribilehiyo ang mga guro sa unibersidad sa pamamagitan, hindi pa rin ito inaaprubahan ng BOR.

Pagkaantala“Kung sana’y mga benefits

lang ang hinihiling nila madali ’tong mabibigay. Pero humihiling pa sila na magkaroon ng representative sa pagpili ng mga bagong opisyales sa university. Hindi na iyon sakop at iba na dapat ang umupo sa mga ganoong usapin,” ayon kay Atty. Fernando Peña ng University

Legal Office nang kapanayamin ng The Catalyst ukol sa hindi pagkakaapruba ng CNA ng mga guro sa BOR.

Tinutulan naman ni Prop. San Juan ang naturang aksyong ito ng BOR at sinabing nakasaad sa Labor Code, section 3, paragraph 2 ng Philippine Constitution na: “They (workers) shall also participate in policy and decision-making processes affecting their rights and benefits as may be provided by law.”

Ang Resolution No. 24Ayon naman kay Prop. Roceller

Luciano, chairperson ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-PUP), ang pagkaantala ng pagpapatupad ng dalawang CNA ay maaaring ibinunga ng pagbabawas ng gobyerno sa badyet ng PUP.

Bukod pa rito, mariin ding t i n u t u t u l a n ng CONTEND ang Salary S t a n d a r d i z a t i o n Law 3 o Resolution no.24 na inihain ni House Speaker Prospero Nograles noong Set. 16, 2008. Maaari umanong lalong hindi mapatupad ang CNA ng mga guro’t kawani kapag ito’y

maipasa. “The provision will not provide

the lower-and middle-level government personnel sufficient increases in compensation to keep pace with the rising cost of living. This will provide a mere P6, 000 increase over a four-year period-that’s too little of an increase over too long period of time,” ayon sa manifesto of unity na inilabas ng CONTEND-PUP.

Nakasaad din sa naturang manipesto na nagkakahakagang P1,800 lamang ang itataas sa suweldo ng isang simpleng empleyado sa loob ng apat na taon, samantalang 100% ang itataas

sa suweldo ng mga matataas na opsiyales ng gobyerno. Isang patunay na hindi patas ang isinusulong ng Resolution no.24.

Kinakailangan ng isang pamilya ang P858 kada araw bilang daily cost of living kaya naman nananawagan din ang CONTEND ng P9, 000 salary increase para sa mga guro ng state universities and colleges (SUC’s), maging sa mga guro ng mga pampublikong paaralan sa elementarya at hayskul.

Ang Patuloy na PaggiitSinabi ni Prop. San Juan na

ang BOR ang nagdefer sa ilang probisyon ng CNA ng mga guro, lalo na iyong mga nagsusulong ng demokratikong karapatan ng mga ito. Ngunit malaki sana ang papel na magagampanan ni Pres. Guevarra upang ito’y higit na maisulong.

“Malaki rin ang partisipasyon ni Pres. Guevarra sa pagpirma ng implementasyon ng CNA ngunit puro lamang ito pagpirma at walang puspusang pag-aksyon mula sa kanya,” aniya.

Itinuturing ng bansa na ang lakas-paggawa’y esensyal na sangkap sa pag-unlad. “The State affirms labor as a primary social economic force. It shall protect the rights of workers and promote their welfare,” nakasaad sa State Policies, section 18. Ang Konstitusyon ng Pilipinas na mismo ang nagsasabing kailangang ipagkaloob sa mga manggagawa ang anuman nilang pangangailangan lalo pa’t dumaan sila sa wastong hakbang.

Ang mga guro’t kawani ang pangunahing kabalikat ng mga iskolar ng bayan upang matuto’t mahasa ang kanilang mga kakayahan. Ngunit sa ganitong kalagayang ipinagkakait sa kanila ang kanilang mga demokratikong karapatan, hindi malabong dumating ang panahong turuan na nilang sumigaw sa lansangan ang kanilang mga mag-aaral dahil maging sila’y pinagkakaitan.

“Pinakalayunin ng CNA ang kahit bahagya’y makatulong ito sa lumalalang krisis pangkabuhayan kapalit ang katiyakan sa mataas na antas ng edukasyon sa ating unibersidad.”

Jeric F. JimenezMonica M. Presnillo

Ramoncito G. Felarca

Illustration: Francis Biñas