where do broken hearts go? (lakes)

36
Of Lakes “Masain ka na namang aki ka?” (San ka na naman pupuntang bata ka?) Nilingon ko si Lola at matamis na ngumiti sa kanya. “Duman sana po sa lawa, lola. Mauli sanaman tulos ako.” (Dun lang po sa lawa lola, uuwi din naman po ako agad) niyakap ko pa siya para may effect, baka kasi hindi ako payagan. “Purupirmi ka nas nang yaon duman, ano bang piggigibo mud’man?” (Lagi ka na lang nandun, ano bang ginagawa mo dun?) tanong ni lola, habang binalatan ang buyu para sa nganga niya. “Masiram ang paros duman lola” (Masarap ang hangin dun lola) “Pan-o na pag nag abot sa mama mo igdi? Dai man ninda aram kung hain ‘to, dai na ko makakalakaw duman ta gurang na ko, Madrid” (Pano pag dumating ang mama mo dito? Hindi naman nila alam kung saan yun, hindi na ko makakalakad papunta doon dahil matanda na ko, Madrid) Nginitian ko lang si lola. “ ‘La, hindi yan. Kung maabot man sinda, yaon na ko igdi. Promise” (‘La, hindi yan. Kung dadating po sila, nandito na ko) “O siya sige. Maghali ka na. Mag-uli kang amay ha, dai ka magpadiklum. Dai ka magrani sa tubig ta baad mahulog ka” (O siya sige. Umalis ka na. Umuwi ka ng maaga ha, wag ka magpagabi. Wag kang lumapit sa tubig at baka mahulog ka) “Iyo po. Thank you la. Mwahhhh” (Opo) Nakangiti akong umalis pagkatapos siyang halikan. Mag-aalaskwatro na ng hapon at gawain ko talagang pumunta sa lawa tuwing ganitong oras. Tinatiyaga kong lakarin ang limang minutong madamong daan papunta dun. Bitbit bitbit ko ang sketchpad kong binaybay ang daan. Nung una kong punta dito, kasama ko pa ang kuya ko nun, ay inabot kami ng kalahating oras. Pero sa loob ng apat na taon na araw araw na pagpunta ko dito, gamay na gamay ko na ang daan na ‘to.

Upload: erica-borja

Post on 12-Jan-2016

76 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Where do Broken Hearts Go?

TRANSCRIPT

Page 1: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

Of Lakes

“Masain ka na namang aki ka?” (San ka na naman pupuntang bata ka?) Nilingon ko si Lola at matamis na ngumiti sa kanya.

“Duman sana po sa lawa, lola. Mauli sanaman tulos ako.” (Dun lang po sa lawa lola, uuwi din naman po ako agad) niyakap ko pa siya para may effect, baka kasi hindi ako payagan.

“Purupirmi ka nas nang yaon duman, ano bang piggigibo mud’man?” (Lagi ka na lang nandun, ano bang ginagawa mo dun?) tanong ni lola, habang binalatan ang buyu para sa nganga niya.

“Masiram ang paros duman lola” (Masarap ang hangin dun lola)

“Pan-o na pag nag abot sa mama mo igdi? Dai man ninda aram kung hain ‘to, dai na ko makakalakaw duman ta gurang na ko, Madrid” (Pano pag dumating ang mama mo dito? Hindi naman nila alam kung saan yun, hindi na ko makakalakad papunta doon dahil matanda na ko, Madrid)

Nginitian ko lang si lola. “ ‘La, hindi yan. Kung maabot man sinda, yaon na ko igdi. Promise” (‘La, hindi yan. Kung dadating po sila, nandito na ko)

“O siya sige. Maghali ka na. Mag-uli kang amay ha, dai ka magpadiklum. Dai ka magrani sa tubig ta baad mahulog ka” (O siya sige. Umalis ka na. Umuwi ka ng maaga ha, wag ka magpagabi. Wag kang lumapit sa tubig at baka mahulog ka)

“Iyo po. Thank you la. Mwahhhh” (Opo)

Nakangiti akong umalis pagkatapos siyang halikan. Mag-aalaskwatro na ng hapon at gawain ko talagang pumunta sa lawa tuwing ganitong oras. Tinatiyaga kong lakarin ang limang minutong madamong daan papunta dun. Bitbit bitbit ko ang sketchpad kong binaybay ang daan. Nung una kong punta dito, kasama ko pa ang kuya ko nun, ay inabot kami ng kalahating oras. Pero sa loob ng apat na taon na araw araw na pagpunta ko dito, gamay na gamay ko na ang daan na ‘to.

Gustong gusto kong ginuguhit yung lawa dun, lalo na yung paglubog ng araw na kitang kita dun, kaso nakukulangan ako. Hindi ko makuha ng perpekto, pinakita ko na kay lola at sinabi naman niyang maganda pero may kulang talaga. Kaya’t araw araw mula nun, pumupunta na ko sa may lawa hangga’t hindi ko nakukuha ng tama. Pangako ko sa sarili ko na hindi ako titigil hangga’t hindi ko nararamdaman ang satisfaction.

Wala namang ibang pumupunta doon kasi walang ikabubuhay sabi ni lola. Wala daw isda dun, walang kahit ano. Kaya ‘Sinumpang Lawa’ ang tawag sa lawang iyon. Wala namang nababalitang kakaibang krimen kaya pinapayagan ako ni lola pumunta mag-isa, tsaka sino ba naman kasing ibang isasama ko? Siya? Haha.

Page 2: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

Nakarating na ko sa may lawa. Lumakad ako papunta sa puno na madalas kong upuan pero nagulat ako dahil may lalaking nakaupo dito.

“Ay tekla!” napadulas ako kaya’t napaupo. Ang sakit, yung pwet ko.

Nakita ko siyang nagtanggal ng earphones niya, tumingin sa’kin at. . . . . . tumingin. Ay gentleman si kuya. Dahil mukhang hindi niya ko tutulungan, tinulungan ko na ang sarili ko.

Lumapit ako sa kanya, tumingala lang siya sakin ng nakakunot ang noo. Mukhang foreigner si kuya, sobrang puti na mamula mula, matangos ang ilong at kulay asul ang mata.

“Who are you? That’s my place” sabi ko sabay turo sa kinauupuan niya.

Pero inirapan lang niya ko at binalik ulit ang earphones niya. Hindi ba siya nakakaintindi ng English? Patay, e bukod sa English, Filipino at Bicol lang ang kaya kong salitain.

“Hadaw man ta dai nagtataram ini? Pan-o ko daw ni mapapahali?” (Bakit naman kaya hindi nagsasalita to? Pano ko naman kaya mapapaalis ‘to?) Di ko na inabalang hinaan ang boses ko dahil una, naka earphones naman siya, malamang di niya ko maririnig at pangalawa hindi naman niya ko maiintindihan.

“Do you have any proof that this place is yours?”

“You understand Bicol? Or English only, please?”

Kinunutan niya lalo ako ng noo. Ang sungit naman nito. Nakiupo ako sa tabi niya at biglang tumaas ang kilay niya.

Tinuro ko gamit ng nguso ko yung puno na sinasandalan niya. Tiningnan niya ang nginunguso ko.

“O see? Now you know? That’s mine. You see that Madrid there. That’s me. It’s there since. . . ” nagbilang ako mula nung inukit ko yan “. . . five years ago”

“So you’re saying, because of this crap, you own this whole place?” nakataas na kilay niyang tanong. Bigla kong nainggit sa kilay niya, para kasing inahit sa sobrang ayos.

“No, not this place, just that tree” turo ko sa puno sa likod niya.

“I own this place. . .” natulala ako sa sinabi niya. Seryoso? Siya ang may-ari nito? “ . . . and that includes this tree”

Napanguso na lang ako at sumimangot.

“If you want I can bring the title of this land”

“Hin –” Hindi na ko nakatapos dahil madaling madali siyang tumayo at umalis habang hawak hawak ang cellphone niyang tumutunog.

Page 3: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

Hayst. Nilingon ko ang punong sinasandalan ko, may hinanap ng kusa ang mga mata ko at napangisi ako pero agad ding napalitan ng lungkot.

Buntong hiningang tumayo ako at umuwi sa amin.

Tinanong ako ni lola pagkarating kung bakit daw ako nakasimangot, pero sabi ko wala lang. Hanggang kinagabihan yun pa din ang iniisip ko. For 5 years yun ang naging sanctuary ko, tapos sa isang iglap dahil sa gwapong yun, wala na? Nakakainis naman! Ano ng gagawin ko? Saan ako makakahanap ng panibagong lugar, kaso dun lang naman ang gusto ko.

Baka naman pwede siyang mapakiusapan na share kami? TAMA! Kakausapin ko siya bukas, sana nga nandun siya. Kahit anong mangyayari kakausapin ko siya!

KINABUKASAN, hindi na ko tinanong ni lola pagdating ng alas kwatro ng hapon ng makita niya akong nagmamadaling lumabas ng bahay. Narinig ko na lang na sumigaw siya ng ‘INGAT!’ pagkalabas ko ng gate namin.

Lord, sana po andun siya at sana po mabait siya. Huhuhu.

Nagmamadali akong pumunta sa lawa, di ko na pinansin ang dadaanan ko at tumakbo na lang ako ng mabilis. Nang malapit na ko sa lawa, mas binilisan ko pa ang takbo pero sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko ata napansin na may nakausling sanga sa dadaanan ko kaya napasubsob ang mukha ko.

“AHHHHH!”

“ARE YOU ALWAYS THAT CLUMSY?!” nagulat ako sa biglang nagsalita, inangat ko ang tingin ko at syempre siya yung nakita ko.

Galit siyang lumapit sakin at inalalayan ako patayo. Nakatiim bagang niya kong pinasadahan ng tingin.

“Are you always that grumpy?” nakangiti kong tanong. Pasweet, specifically. Mukha kasing anytime, ihahagis niya ko sa lawa e.

“Ni hindi ka ba marunong mag-ingat?” balik tanong niya na nakakunot na lang ang noo.

“Marunong ka palang magtagalog?” mangha kong tanong.

“Tss. Are you hurt?”

Pansin ko lang ha, parang walang nasagot kahit isa sa mga tanong namin. Pero, oo nga, am I hurt? Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakahawak pala sa magkabilang braso ko at chineck ang sarili ko. Kinapa kapa ko yung mukha ko kasi malamang ito yung napuruhan buti na lang kunting gasgas lang kasi makakapal na tuyong dahon ang napagbagsakan ng mukha ko.

Page 4: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

“Ay thank you lord, hindi mo po hinayaan masira ang peys ko. Thank you mga tuyong dahon” tinap tap ko pa ang mga dahon sa harapan ko.

“Tss. You’re weird” Ay may kasama nga pala ko –na kunot na kunot na naman ang noo.

“Tss. You’re so. . . . sungit” inirapan ko siya, at bumaling naman sa lower part ng katawan ko. “Ito lang ang pinakamalalang damage na nakuha ko, gasgas sa tuhod” medyo dumudugo kasi. “pero sobrang layo sa bituka.” Nginitian ko ulit siya.

Lumayo na siya sakin at umupo dun sa puno ko. Ay ang taray, nang-iiwan. Lumakad ako palapit at umupo dun sa katabing puno, yung inupuan ko din kahapon at tiningnan siya.

Nasandal siya sa puno habang nakapikit at nakataas ang kanang tuhod. Ang gwapo. Uminit ang pisngi ko sa naisip ko. Ito yung itsurang kapanga pangarap ng sangkababaihan e. Artistahin! Ganun ba ko kaswerte at nakatagpo ako ganitong nilalang dito sa lugar namin?

Ay. Napaatras ako kasi may papel na sumundot sa ilong ko. Ang tagal ko atang natulala sa kagwapuhan ng lalaking ito.

“Ano yan?”

Nilingon niya ko. “Titulo ng lupang ‘to”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. “OH MY GOD! BINIBIGAY MO BA SAKIN ‘TONG LUPANG ‘TO?” nag-init ang pisngi ko bigla “Uy grabe ka! An- ano yung ano –yung puno lang naman yung ano. . yung gusto ko, bakit . . ano. . .hindi mo naman . . .ano kailangang ibigay sakin . . . tek. . . ”

“Are you nuts? Why would I do that?” natawa siya na punong puno ng sarcasm.

Nag-init lalo ang pisngi ko sa sinabi niya at napapikit ng mariin. Ang bobo mo Mads, ang bobo bobo mo. Kung di lang mas lalong nanakahiya, inuntog ko na ng paulit ulit yung ulo ko sa puno e, kaso mas maganda atang tumalon ako sa lawa at magpakalunod.

“Sorry na. Kasi naman parang ano . .inaalok mo. Aish! Sorry okay, tumigil ka na nga sa kakatawa!” Nakakainsulto na kasi yung tawa niya. Ang dating kasi nung tawa niya sa kin e ‘ANG TANGA TANGA MO NAMAN HAHAHAHA’

Simangot ako sa sobrang ligayang tao sa harap ko. Ayaw ko na. Di ko na siya crush! Di ko pa nga narerealize na crush ko siya naglaho na kaagad. Hmpf.

Maya maya humupa din yung tawa niya. “GOD! T’was my first time laughing since I arrived at this forbidden land! Whooo!”

Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya pala wagas siya tumawa ngayon kasi naipon.

“Bakit?” tanong ko bigla. May kunti pa siyang tawang lumingon sakin.

Page 5: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

“What?”

“Bakit ngayon ka lang nakatawa?”

Hindi ko na lang siya kinulit nung hindi niya ko pinansin at balik sungit mode ulit siya.

Ilang minutong tahimik lang kami. Sa sobrang awkward, kinapa ko yung sketch pad ko. Magdo drawing na lang ako. Teka, bakit parang wala.

“Ay kaloka!” di ko pala dala. Sa kakamadali ko siguro kanina.

“What is it this time?” masungit na naman niyang tanong.

Inirapan ko na lang siya at sumimangot. “Yung sketch pad ko naiwan ko”

“Why aren’t you leaving then?”

Napaawang yung bibig ko sa tanong niya. Grabe, ang sama ng ugali. Pero siguro ito na yung oras na kailangan ko siyang kausapin. Bigla akong kinabahan kasi mukhang mahirap mapaamo ‘tong isang ‘to. Nasalo ata niya lahat ng kasungitan nung nabuksan ang pandora’s box. Lord, please.

Huminga ako ng malalim. “Gusto sana kitang makausap”

Nagtaas lang siya ng kilay kaya nagsalita na ulit ako. “Alam ko naman na ikaw ang may-ari, hindi mo na kailangan ng ano . . ng titulo” bigla namang uminit ang pisngi ko sa nangyari kanina “. . kasi halata namang mayaman ka. . . At konsensya mo na yun kung nagsisinungaling ka man. Pero ano pwedeng favor? Pwede bang wag mo kong paalisin? Naging routine ko na kasing pumunta dito, nasa sistema ko na, parte na ng buhay ko tong lawang to. For 5 years this place was my haven at ano . . this is where I find peace kaya please, kung hindi niyo pa naman gagamitin, pwede bang makishare sayo?” tumitig ako ng diretso sa kanya.

“What do I get in return?” taas kilay niyang tanong.

Umaliwalas ang agad ang mukha ko sa sinabi niya at sa lang ang pumasok sa isip ko. “PAPALIGAYAHIN KITA!” Nung nakita ko ang gulat na mukha niya dun ko narealize. . . “Ah sht! That’s. I mean. . .ano. . .ang ibig kong sabihin papasayahin ganun papatawanin. Kasi ano ang sabi mo diba, hindi ka pa nakakatawa maliban kanina. . .Kaya yun.” Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Ang bobo ko.

“You cussed” amuse na amuse pa niyang sabi.

Napapikit ako ng mariin. “Sorry po sa nasabi ko Lord. Di na po mauulit.” Tinampal tampal ko yung bibig ko.

Napamulat na lang ako nung naramdaman ko ang paggalaw niya. Nakita ko na siyang nakatayo sa harapan ko at nakapamulsa.

“Leave”

Page 6: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

Nalungkot ako sa sinabi niya, biglang nalaglag ang balikat ko. Di ko pala siya mapipilit.

“That’s your tree, right? I’ll take this one.” Turo niya sa puno na kinalalagyan ko. Nung nagsink in sakin lahat, napatayo agad ako at niyakap siya ng mahigpit.

“OHMYGOODNESS! THANK YOU!!!”

BITBIT ang sketchpad kong tinalon talon papuntang lawa. Nagha hum pa ko ng leron leron sinta sa sobrang saya. Mabait din pala yung masungit na yun. Akala ko kahapon na ang huling punta ko dun. Pagkadating ko, akala ko nandun na siya. Kibit balikat akong umupo na sa pwesto ko, baka di yun darating, at binuksan ang sketch pad ko.

Iginuhit ko ang mga ibon na lumilipad sa ibabaw ng lawa. Masyado na kong lulong sa pagguhit nang makaramdam ako ng kiliti dahil sa mainit na hininga sa pisngi ko. “Interesting”

Marahas pa kong napaatras at napatili, nung nakita ko siyang nakangisi agad kong hinampas ang sketch pad ko sa kanya. “Nakakainis ka! Bakit ka ba nanggugulat!? Mamamatay ako sa sakit sa puso sayo!”

“May sakit ka sa puso?” kunot noo niyang tanong.

“Wala”

“Seriously? Tell me, honestly”

“Are you still in love with me?”

Tinaasan niya ko ng kilay.

“Looking into my eyes, oh honestly ~” kinanta ko ng nakangiwi para magets niya. “Ang slow mo naman”

“I’m not. I just don’t get your humor”

“Sus, ang sabihin mo wala kang humor”

“What did you say?” Ayan na. Nagsungit na naman.

“Wala.” Sabi ko na lang, baka bigla akong palayasin nito. “Ay teka pala” sabi ko ng may naalala ako bigla. “Anong pangalan mo? Lagi na lang, ito, nito, siya ang pantukoy ko sayo sa isip ko”

“Edvard”

“Pangporenjer. Taga saan ka ba?”

“Canada”

Page 7: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

Kaloka, one liner sumagot. “Eh bakit ka nandito?”

Napansin kong biglang dumilim ang aura niya. “I don’t even know”

“Ah, so mas gusto mo sa Canada? Tapos pinilit kang pauwiin dito?”

Tiim bagang lang siya at hindi ako pinansin. “Hindi naman pangit dito, nung una kong punta dito, I fell in love with the place. Parang ang gaan gaan sa aura, walang problema, walang polusyon, you’ll just sit at ang kapaligiran na ang bahalang magtrabaho para sayo, sila na ang bahalang mag-alis ng problema mo.”

“I would rather solve my problems by myself than be stuck here” napatingin ako sa mukha niyang nakatingin sa kabilang dulo ng lawa.

Nagkibit balikat ako. “Kanya kanya naman tayong trip sa buhay e” Ibinaba ko yung sketch pad ko sa tabi ko at sumandal ng maayos sa puno. Ipinatong ko ang kanang binti ko sa kaliwang binti at prenteng umupo.

“Wait, you mean, you’re not from here?” naramdaman ko yung titig niya sakin.

“Yep. Galing akong Manila”

“That explains your accent, then.Hindi ka tunog probinsyana”

“Bakit marunong kang magtagalog?”

“They usually talk in Filipino in Canada, and every year we visit Philippines so that’s it”

Napatango tango ako sa sinabi niya. Nag-iisip pa ko ng itatanong nang bigla siyang nagsalita. “Akala ko ba papaligayahin mo ko? Bakit puro ka tanong?” nakangisi siya habang nakatingin sakin habang ako pakiramdam ko tinalo ko pa ang apple sa sobrang pula ko.

“BAKIT BA ANG GREEN MINDED MO!?” halakhak lang niya ang narinig sa buong paligid, sa sobrang lakas nagsialisan pa tuloy yung mga ibon.

“You’re the green minded one. I was just asking.”

“Mukha mo!” tawa pa rin siya ng tawa.

KINABUKASAN, naabutan ko siyang nakaupo na sa puno na katabi nung akin. Kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko ang matangos niyang ilong, seryoso siyang nakatingin sa cellphone niya. Dahan dahan akong lumapit, napapangiwi ako sa ingay ng mga tuyong dahon na inaapakan ko pero hindi siya natitinag. Pwedeng nagpapanggap siyang di ako naririnig o di lang talaga dahil sa pagkatutok niya sa cellphone niya. Nakalapit na ko ng hindi pa rin niya napapansin. Dumungaw ako sa gilid niya para sana gulatin siya kaso nang makita ko ang babaeng tinitingnan niya namangha ako.

Page 8: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

“Sino siya?”

“FCK!” Napatumba siya sa paglayo sakin sa sobrang gulat kaya napatawa ako sa sobrang epic ng mukha niya. Tawa ako ng tawa na tipong naiiyak na ko.

“That’s not funny! You scared the hell outta me!” halata ang sobrang galit sa tono niya kaya napatahimik ako.

“Sorry” kagat labi kong sabi at kiyemeng umupo sa may puno ko.

Naramdaman ko namang bumalik siya sa kinauupuan niya. Rinig ko ang paulit ulit niyang paghinga, kinakalma ang sarili.

“Sorry ulit”

Naguilty ako lalo, ni hindi man lang sumagot. Sungit talaga nito.

Binuklat ko na lang ang sketch pad ko at nagdrawing na kung ano ano pero wala akong mabuo. Puro sketches, linya at scratch lang ang laman. Kaya nung di ko na napigilan, bumaling ako sa kanya na nakatingin sa cellphone niyang hawak hawak niya ng mariin.

“Sino siya? Sino yung magandang babaeng tinitingnan mo? Girlfriend mo?”

Matagal na katahimikan ang bumalot samin dalawa, nakatingin pa din ako sa kanya habang titig na titig siya sa picture. Akala ko nga hindi niya ko sasagutin.

“She’s my ex”

Napaawang ang bibig ko sa intensity ng pagkakabanggit niya ng ‘ex’.

“Na mahal mo pa”

Nag-igting lang ang mga panga niya at hindi nagsalita.

“Anong nangyari? If you don’t mind me asking. Kung ayaw mo namang ikwento, ok lang din” hindi ulit siya kumibo. Gusto ko ng tumigil kaso walang preno yung bibig ko. “Kaya ba ayaw mo dito kasi andun siya? Napilitan ka bang makipaghiwalay sa kanya kasi pinipilit kang pumunta dito?”

Napakagat labi ako sa galit na ekspresyon ng mukha niya. “Sorry”

“That’s what I thought that will happen.” Nag-igting ulit ang mga panga niya. “I thought I’ll be the one to leave her, I don’t want to leave her but she left me instead.”

Ilang minutong huni ng ibon at ingay ng mga insekto lang ang naririnig sa paligid bago siya uli nagsalita.

“I was about to tell her, I should leave. Pumunta ko sa bahay nila, only to find the love of my life making out with her neighbor. Fck!”

Page 9: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

Napanganga ko sa sinabi niya. Mak-making out? Yung kiss yun diba? Di ko alam kung bakit biglang uminit yung pisngi ko sa sinabi niya. Bakit ako pa yung nahiya?

“Then?” tanong ko, hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.

“I left”

Mas nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. “HA?!” Hindi ko pinansin ang pagkunot ng noo niya. “UMALIS KA NA LANG? YUN NA YUN? TEK-TEKA, NAKITA KA BA NIYA?”

“Shh, don’t shout!”

“NAKITA KA BA NIYANG – NAKIKIPAG- ANO- BASTA YUN! ?”

“No.” Kunot noo niya sabi. Agad akong napapalo sa noo ko habang sinasabi yun.

“No? Hindi niya alam? Edi iniwan mo siya dun ng walang paalam?”

“Wait. Why do I feel like you’re accusing me for something. Hey, she fcking cheated on me!”

“Sure ka?” taas kilay kong tanong at mas lalo pang tumaas nung hindi siya makasagot. “Yan ang hirap kapag hindi mulat ang mga kalalakihan sa romance stories e, hindi kayo aware na madaming pwedeng mangyari. Tsk tsk. Malay mo, pinilit lang siya nung lalaking halikan siya, malay mo may valid reason siya kaso hindi mo nalaman kasi umalis ka without letting . . . her explain. Iniwan mo siya dun. . sa lugar na yun ng mag-isa, thinking she did something wrong, thinking it was her fault pero ang hindi mo alam, nangungulila siya sayo, hindi mo inisip na baka nasasaktan din siya, hindi mo inisip na baka mahal na mahal ka niya” ramdam kong may bumara sa lalamunan ko at may tumulo ng luha sa mga mata ko na agad kong pinahid. “Ano ba yan!? Bat ba ko naiiyak, ikaw kasi e!?”

Kinalma ko ang sarili ko, tiningnan ko siyang nakatingin din pala sakin. “Call her. Let her explain. Wala namang mawawala e. Kung iniisip mong masasaktan ka, hindi ka pa nasasaktan ngayon? Don’t let your pain and anger eat you. Wag mong hayaang lumubog siya. I – I gotta go”

Dali dali akong tumayo at umalis.

PUPUNTA ba ko? Baka kasi galit yun sakin. Pero diba mas lalong dapat pumunta ko para magsorry? Haharapin ko na naman ang busangot niyang mukha. Di ko alam kung bakit ang sungit sungit ng taong yun. Tatlong araw pa lang kaming nagkikita pero naipakita niya na ata sakin lahat ng kasungitan niya sa katawan.

Sa huli napagdesisyunan ko pa din pumunta. Magsosorry lang. Dahan dahan ang lakad ko baka kasi sakaling magbago pa isip ko, hindi pa huli ang lahat. Naabutan ko siyang palakad lakad sa tapat ng mga puno namin habang hawak hawak ang labi niya. Galit ba ‘to? Mukhang galit nga. Tatalikod na sana ko nang magtama ang aming mga mata. Mabilis akong tumalikod.

Page 10: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

“Madrid!” Napahinto ako, bumilis ang tibok ng puso ko, unang beses niyang tinawag ang pangalan ko. Lord, wag niyo po sanang hayaang maihagis niya ko sa lawa. Please, panigurado baka isumpa ‘to ng buong angkan namin at forever maging sinumpang lawa ‘to.

Naramdaman ko na ang kamay niya sa balikat ko at dahan dahan akong iniharap sa kanya. Pumikit ako ng mariin at pinagdaop ang mga kamay ko. “Edvard, sorry na. Di na ko uulit, sorry sa mga sinabi ko kahapon, di ko na uulitin, di na ko mak-”

Niyakap niya ko. Nasa likod ko ang dalawang kamay niya at sobrang lapit niya sakin. Nakatulala lang ako sa leeg niyang kitang kita ko.

“Thank you” dahan dahan niya kong nilayo at bumungad sakin ang nakangiti niyang mukha. Hinila niya ko papunta sa puno ko at pinaupo ako samantalang umupo naman siya sa harap ko.

Okay. Hindi ata si Edvard ang nasa harap ko ngayon. Isa ‘tong batang nag-aabang na kwentuhan ng bedtime stories.

“I called her, last night. I. . I told her what happened.” Ngumiti siya ng malapad. “She didn’t cheat on me. She said that bastard forced her. She told me when she found out I left, they became an item because she was so hurt and said sorry a lot of times and she said she still loves me so she broke up with him”

Napangiti din ako ng sobra. “Kayo na ulit?”

“Well – not . .”

“Hindi pa din? Bakit?” naiirita kong tanong.

“Because obviously, she’s there and I’m here” a-matter-of-factly niyang sabi.

Napakunot lalo ang noo ko. Ang sarap niyang bigwasan. “Porke nandun siya at nandito ka di mo na siya mahal? Anong kalokohan yan?” Inis na inis na ko.

“Hey, are you mad? Why are you mad?”

Gusto ko mang tawanan ang tarantang mukha niya, mas nananaig ang inis ko. “Eh nakakairita kasi yang rason mo! Uso na ang skype ngayon, naka iphone ka pa, madami ng social networking sites na makakapag communicate sa inyong dalawa. Bakit –bakit di pa kayo nagkakabalikan?!”

Natawa sya sa sinabi ko. “Chill okay. It’s not because of LDR. We both decided to take things slowly, when I go back there we’ll talk. It’s not that easy, Mads, our relationship was stained. Kahit na hindi naman nangyari, or hindi totoo yung akala ko, we were both hurt. We have to build ourselves again. Hindi na kami ang issue dito but ourselves, hindi porke nag-usap na kami okay na, baka mas lalo lang kaming magkasakitan at hambambuhay naming ipapamukha sa isa’t isa yung mga kamalian namin”

Hindi ako nagsalita. Nginitian ko siya. “Very well said” Natawa lang siya sa sinabi ko.

Page 11: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

“Kelan ka ba babalik ng Canada?”

“Wait, pinapaalis mo ba ko?” ayan na naman yung kilay niya.

“Nagtatanong lang eh”

“I don’t know. My grandma wants me here. Kagabi ko lang nalaman na she was diagnosed with breast cancer, stage 4” napasinghap ako sa sinabi niya. “I’m her favorite grandson, she wants me here so I’ll stay here.”

“So, dito ka mag-aaral?”

“Yep. Oh, by the way. Are you still in highschool?”

“College na ko this coming school year”

“Great! San ka mag-aaral?” Ang hyper naman nito.

“Bakit?” taas kilay kong tanong. “Sa Ateneo De Naga siguro. Dun lang ako nag-exam, inaantay ko na lang yung result.”

Tumango tango siya. “Then I tell my mom. Is it that far from here?”

“2 hours na byahe”

“Let me know about your schedule”

At puno ng tanong tungkol sa kolehiyo ang topic namin ng araw na yun.

ISANG buwang ganun ang routine naming dalawa. Yung dating alas kwatrong usapan naging alas tres, hindi naman na ko pinipigilan ni lola dahil tapos na ako sa mga gawaing bahay ng mag oras na yun. Minsan ako ang nauuna, minsan siya. Pero ang madalas na nangyayari, pang aalaska niya sakin. Hindi na siya masungit, pero sobrang mapang-asar niya. Hindi na nga ko nakakapag drawing kasi lagi siyang nanggugulo. Tuwing pinagsasabihan ko siyang manahimik dahil nagdo drawing ako, lagi niyang sinusumbat sakin na ‘What? I allowed you here and in return papaligayahin mo ko, right?’ Nakakainis, diba? But lately, okay na lang sakin. Nasanay na ko.

Kaya ngayon, hindi ko na dinala ang sketch pad ko kasi alam kong di ko din naman magagamit. Naabutan ko siyang nakaupo sa puno na katabi nung akin at nakaheadset. Nakapikit siya at pagakalapit ko naramdaman ko ang mabagal niyang paghinga. Bat tulog ‘to? Pinagmasdan ko ang mukha niya at mukha siyang puyat na puyat. Ano kayang pinaggagawa nito kagabi? Siguro kausap na naman yung ex niya.

Dahan dahan akong gumalaw para sumandal sa puno. Ang wrong timing naman, kung kelan ko hindi dala ang sketch pad ko tsaka naman ‘to tulog at malamang sa itsura niyang yan e matagal pa ang

Page 12: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

itutulog niya.Kaya napagdesisyunan kong bumalik sa bahay at kunin ang sketch pad ko. Tinanong pa ko ni lola kung bat daw ang aga ko pero sabi ko naiwan ko lang yung sketch pad.

Pagkabalik ko, isang kunot na kunot noong Edvard ang naabutan ko. Ano ‘to namali ng tulog? O ng gising?

Magsasalita pa lang ako nang unahan niya na ko. “Bakit ngayon ka lang?”

“~Dumating sa buhay ko~” pakanta kong balik kaso mukhang mali ata talaga ang gising.

“It’s 3:30 already, you’re 30 minutes late”

Naupo muna ko bago sumagot. “Sungit naman nito. Tsaka, excuse me lang ah, kanina pa ko nandito kaso tulog na tulog ka. Binalikan ko lang ‘to para may gawin kasi mukhang may ihahaba pa tulog mo” angat ko sa sketch pad na hawak hawak ko.

“Tss.”

Inistretch ko ang mga binti ko at namalayan ko na lang na bumigat ang hita ko at sa mukha niya na nakapatong yung sketch pad ko.

“H-huy! Alis ka diyan!” Inalog alog ko pa yung hita ko para matanggal yung ulo niyang nakahiga sa lap ko.

“I’m sleepy. Pahiga lang” nakapikit niyang sabi at ipinatong ang braso sa noo niya.

“Eh pano ko magdodrawing? Huy”

Kaso wala, di na ko pinansin. Ginawa pa kong unan ng walanghiyang ‘to.

Hirap na hirap akong kumilos para maghanap ng tamang pwesto sa pagdodrawing. Nang wala talaga, buntong hininga kong nilapag yung sketch pad ko sa tabi ko. Bumungad sakin ang napakagwapo niyang mukha. Hindi ako fan ng mga gwapo para maging boyfriend. Okay na sakin yung mediocre basta mahal ko at mahal ako. Ang swerte swerte siguro ng ex niya, ang bait kasi ng taong ‘to, halata ding sweet at mapagmahal, hindi naman siya masasaktan kung hindi diba, impulsive nga lang pero pwede na. Ang gwapo gwapo kasi e, mukha din namang di babaero kasi hindi naman niya ko nilalandi. Puro pang-aasar lang ang ginagawa niya at sa huli magsosorry siya. Mula nung una hindi siya nagpakita ng interes. Di ko alam kung nakakatuwa ba yun kasi ibig sabihin hindi ako kagusto gusto o nakakatuwa kasi hindi siya nangte take for granted. At nagkaroon ako ng bagong kaibigan.

Tiningnan ko ulit ang mukha niyang maamo. Napakaexpressive ng features niya ang gandang gawing model. Hmmm, speaking of model. Kinuha ko ang sketch pad at lapis ko at sinimulang gumuhit ng isang gwapong nilalang na tulog na tulog. Alas singko na halos ng matapos ako sa pagdodrawing sa kanya, nilapag ko ang sketch pad ko at tiningnan siya. Magigising na ba ‘to? Hinayaan ko na lang muna siyang matulog at pumikit din. Nakakaantok yung hangin.

Page 13: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

Napamulat ako na madilim na ang paligid.Nakatulog pala ko, at mukhang tulog pa din tong lalaking to. Malamang alas sais na, kinakabahan na ko kasi hindi ako sanay na umuwi ng ganitong oras dahil alas singko ang uwi ko, kaso tulog na tulog pa si Edvard. Hindi ko na rin maramdaman ang hita ko sa sobrang manhid.

Dahan dahan kong tinapik yung pisngi niya. Nakaharap na siya sa tiyan ko ngayon. “Huy, Edvard. Huy, gising naaaaa.”

Nagwrinkle lang yung ilong niya tapos natulog ulit. Hay, no choice. Tinapik ko na siya ng malakas at sumigaw na. “EDVARD!”

“Fck”

“Aww!” napahawak ako sa ulo ko sa sakit. Nagkauntugan kaming dalawa dahil sa biglang tayo niya e nakadungaw ako. “Ang sakit. Huhuhu. Arayyyyyyy”

“Damn!” napahawak din siya sa noo niya. “Okay ka lang? Sht, I’m sorry. Nagu- BAT KA BA KASI NANGGUGULAT?”

“GINIGISING LANG KITA! Huhuhu, masakit” pakiramdam ko nayanig ang buong sanlibutan sa pagyaning ng utak ko.

Lumapit na siya sakin at hinawakan yung ulo ko. Bigla naman akong kinilabutan sa paghawak niya. “Sorry, does it hurt so bad?”

“Mawawala din ‘to. Uwi na tayo. Gabi na o, malamang hinahanap na ko ng lola ko”

Mukhang dun lang siya natauhan at tiningnan ang paligid. “Fck, sorry. Why didn’t you wake me up?”

Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Ang tagal mo magising, nakatulog din ako”

“Sorry. Damn. Sorry.” Paulit ulit niyang sabi. Nilahad niya yung kamay niya sakin para makatayo ako. Namamanhid pa din yung buong paa ko pati yung ulo ko masakit. Ang tigas siguro ng bungo nito, hindi niya na iniinda yung ulo nya, samantalang sakin masakit pa din.

“Sa may san ba sa inyo? Ihatid na kita”

“Wag na, mapapalayo ka pa siguro” sa kabilang side kasi siya dumadaan.

“Do you think I’ll let you walk alone at this hour? No. Don’t be silly. I’ll explain to your lola what happened para di ka mapagalitan”

“Bahala ka nga”

Tahimik naming nilakad pasamin. May flashlight naman yung Iphone kaya hindi kami nahirapan sa paglalakad.

Page 14: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

Pinag-iisipan ko pa kung papapasukin ko siya sa bahay o papauwiin, kaso nakakahiya naman. Baka naman uhaw na siya o gutom na din.

“Masakit pa ba ulo mo?” umiling lang ako.

“Yun na bahay namin”

“It’s huge”

“Sa lolo’t lola ko yan” Nakita ko si lolang palinga linga sa balkonahe namin. Bago pa ko makapasok sa bahay nakasalubong ko na si Pay Piring na may dala dalang flashlight.

Kita ko sa mukha niya ang pag-aliwalas ng makita ako. “Yaon na su maku apo mo.” (Andito na yung apo mo) sigaw niya. “Ba, laog na. Kas bag-o ka pa pighahanap ni lola mo. Hahanapun taka na kuta. Sya, mainot na ko” (Ba, pasok na. Kanina ka pa hinahanap ni lola mo. Hahanapin na sana kita. Sige, una na ‘ko) Nagpasalamat ako bago siya umalis. Pumasok na kami ng gate.

Napakagat ako ng labi. “ ‘La”

Kahit mahina ang boses ko agad siyang napalingon sakin at tumakbo palabas. Tumakbo din ako para salubungin siya kasi baka madapa. “ ‘La, wag kang tumakbo, baka madapa ka” sabi ko habang nagmamano.

“Sain ka hali ha? Hadaw ta ngunyan ka pas na nag-uli! Kas bag-o pak ta pighahalat, inapod ko na pati si Pay Piring para hanapun ka!” (San ka galing ha? Bakit ngayon ka lang umuwi? Kanina pa kita inaantay, tinawak ko na si Pay Piring para hanapin ka!)

“ ‘La sorry po, nakatulog po kami” napangiwi akong bumaling kay Edvard na nagkakamot na ng batok niya.

“ Magandang gabi po” lumapit siya para magmano din, nahihiya pa nga siya. “Ako po si Edvard Johnson, kaibigan ko po si Madrid. Pasensya na po , ako po yung may kasalanan di po siya makaalis dahil sakin, nakatulog po kasi ako”

“Johnson? Maku apo ka ni Felidad? Ki isay kang aki? Ki Amelia?” (Apo ka ni Felidad? Kaninong anak ka? Kay Amelia?”

“Iyo po” (opo)

Nagulat ako sa kanya. Unang beses ko siyang narinig mag Bicol. Pinipigilan kong ngumiti, halata kasi yung accent niya, halatang pilit yung pagbiBicol niya.

“Nasasabutan mo palan ako. Mana digdi kita mag-ulay sa laog” tumalikod na si lola at tinawag si Manay (Ate) Bising para maghain ng pagkain.

Sinabayan ako ni Edvard sa paglalakad at bumulong “Ano daw?”

Page 15: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

Natawa ako ng mahina. “Trying hard. Naiintindihan mo daw pala siya. Dun na daw tayo mag-usap sa loob”

“Pan-o kamo nagkabistuhan?” (Pano kayo nagkakilala?)tanong ni lola nang nasa lamesa na kami. inabot niya kay Edvard ang Natong.

Tiningnan ko si Edvard para malaman kung naintindihan niya ba yung tinanong ni lola kaso mukhang sa ulam siya nakatuon. Kita ko ang curiousity sa mukha niya habang tinitingnan ang ulam.

“Dai ka pa nakakakan kaan?” napansin din siguro ni lola ang ginagawa ni Ed. (Hindi ka pa nakakakain niyan?)

Uminit ang pisngi ni Edvard sa tanong ni lola. “Ah, ano po yun? Di- ko po naintindihan”

Nagkatinginan kami ni lola at sabay na tumawa. “Akala ko naman marunong ka talaga mag Bicol”

“Hindi pa po. Isang buwang pa lang naman po ako dito”

“Hindi ka pa ba nakakabakasyon dito, noon pa?”

“Ang naalala ko po, oo, isang beses po when I was 5, I guess, tapos saglit lang din po ata”

Tumango tango si lola.

“Kumain ka na, gabi yan na may gata. Laing ang tawag diyan sa Manila. Masarap yan” nakangiti kong sabi.

“But if you don’t want, ipapahanda ko kay Bising –”

Nahihiyang pinutol ni Edvard ang sinasabi ni Lola. “Naku hindi na po.” Nilagyan niya yung plato niya ng ulam at kumain. Pinanood namin siyang ngumuya at nakita namin siyang ngumiti.

“Hmmm. Masarap nga po” tsaka naging magana siyang kumain. Mukha namang totoo, haha pero kung napiilitian siya edi bahala siya.

“Alam mo bang, 5 din si Madrid ng pumunta yan dito? Naku, dinaldal niya ng dinaldal lahat tao dito, e tagalog magsalita, aliw na aliw sa kanya mga taga rito. Pati ang lola mo.”

Pareho kaming nagulat ni Ed. “Talaga po?” tanong niya, “Di nga ‘la?” tanong ko.

“Iyo. Lagi ka ngang sumama sakin pag pinupuntahan ko si Fely. Eh kaso nitong huli e hindi na kami nakakapagkita, kamusta na nga pala ang lola mo, ijo?”

“Unfortunately po, lola. May cancer po siya ngayon, stage 4. She’s at home, resting”

“Susmaryosep. Totoo ba yan? Pwede ko ba siyang madalaw sa inyo?”

Page 16: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

“Oo naman po. Sigurado po matutuwa yun”

Halos silang dalawa lang ang nag-uusap. Akala ko hindi na uungkatin ni lola yung nangyari kaso akala lang pala. Nasa sala kaming lahat habang nagpapahiran nang magsalita si lola.

“Sa lawa ba kayo nagkakilala?”

“Opo, ‘la” sagot ni Edvard. Kinabahan ako ng tingnan ako ni lola. Bumaling siya kay Edvard ng nakangiti.

“Salamat iho sa pagsama sa apo ko doon. Parte na ng buhay niyan na pumunta doon, napakakulit laging pumupunta mag-isa dun, hindi ko naman mapigilan at. . . at matanda nako, alangang habulin ko yan e uugod ugod na ko” tumawa sila pero pilit lang akong tumawa “At buti ngayon e medyo kampante na ko na may kasama siya doon. Dati kasi kuya niya ang lagi niyang kasama e ngayon. . O siya siya, lumalalim na ang gabi baka hinahanap ka na sa inyo, ipapahatid na kita kay Jose sa may inyo”

Kinawayan ko siya habang palabas ng bahay.

“Apo, wag na sanang maulit ito. Buti nga at hindi ko pa natatawagan ang mama at papa mo, wag ka ng umulit dahil baka sa susunod e matawagan ko sila dahil sa nerbyos”

HINDI kami nakapunta sa lawa ni Edvard ng kinabukasan noon. Pumunta kasi kami sa kanila, ang laki pala talaga ng bahay nila. Magbestfriends pala si lola at lola niya, kaso hindi na nakapagkita dahil madalas silang paalis alis dito at hindi nagkakatyempuhan. Nung malaman ni lola Fely na ako yung batang kinagigiliwan niya ay tuwang tuwa siya. “Naku ang ganda ganda ng bata, bagay na bagay kayo ng apo ako” buti na lang kumukuha ng juice si Edvard nung sinabi niya yun.

Kanina pa kaming alas nwebe ng umaga nandito at wala pa atang balak maghiwalay ang dalawang matanda. Nasa balkonahe kami, nakahiga ako sa duyan habang nagbabasa ng ‘Candy Mag’ na sa kapatid niya daw na 10 years old (ngayon ko lang nalaman na may kapatid siya), habang kanina pa siya tutok sa cellphone niya.

“Anong oras na?” tanong ko habang nagbabasa pa din.

“Ala una”

Inilapag ko Magazine sa may coffee table at tumagilid ng higa paharap sa kanya. Nakadekwatro pa siya.

“Anong ginawa mo?”

“Playing”

Psh. Tumayo na ko, pupunta na lang ako kay Ellie, yung kapatid niya para makipag-usap kesa naman dito sa kuya niyang hinatak pa ko palabas tapos maglalaro lang pala.

Page 17: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

“O san ka pupunta?” sa wakas binitawan din niya cellphone niya.

“Kay Ellie. Dun na lang ako, inistorbo mo pa pag-uusap namin, di mo naman pala ko papansinin” nakairap kong sabi.

“Sungit. Sorry na. Dito ka lang” hinawakan niya ko sa braso at pinunta sa duyan nila. Humiga ako kaso nagulat ako nung humiga din siya.

“Huy! Malaglag tayo!” sabi ko sabay tayo kaso pinigilan niya ko.

“Di yan, pagdalawahang tao ‘to” Alam ko, ang laki kasi ng duyan nila kaso. . . .

“E, makita tayo nila tita” tukoy ko sa mommy niya, nameet ka na din ang mga magulang niya at nakakahiya kasi kanina pa nila ko binibigyan ng knowing smile.

“So?” kinuha niya sa bulsa niya yung iphone niya. “Selfie tayo”

“Vain ka pala” natatawa kong tanong.

Nagselfie lang kaming dalawa, iba ibang pose. “Tama na, ang dami na niyan e” natatawa kong sabi habang tinatakpan yung mukha ko pero siya pindot pa din ng pindot “Huy!” nakacapture niya yung nakanguso kong mukha kaya napasimangot ako. “Burahin mo yun!”

Tawa siya ng tawa habang nilalayo sakin yung phone niya. “Ayoko nga, ipoprofile pic ko nga yun. Ang gwapo ko e”

“Nakakainis ‘to” nakasimangot kong sabi. “Pahiram nga ng phone mo, patingin ng mga pictures natin”

“No. You’ll delete it”

“Hindi nga. Parusahan mo ko pag binura ko, tsaka konsensya mo na yun pag kinalat mong pangit kong mukha”

“Who said you’re ugly? You’re beautiful” nakangiti niyang sabi habang nakatingin sakin.

“Kilabutan ka nga” Binigay niya sakin yung iphone niya at saka umunat “Ano ba!? Wag ka malikot, malaglag tayo sabi”

“You’re sooooo noisy. Shut up. I’ll sleep. 623743 password niyan. ” tamo ‘to tutulugan na naman ako.

“Ang haba ng password mo”

Tiningnan ko yung mga pictures namin, grabe ang dami. Natatawa ko sa mga itsura namin. Nung nareach ko na yung pinakauna, aalisin ko na sana kaso nacurious ako. Gusto ko ulit makita picture ng ex niya o kaya picture nilang dalawa.

Page 18: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

Inisa isa ko na din lahat. Wala na kong nadaanang selfie niya. Puro kuha ng ibang tao. Akala ko pa naman vain siya. Napahinto ako sa isang picture ko na nakatigilid habang nagdodrawing. Kelan ‘to? Ito ata suot ko nung Friday ah, biglang kumalabog ang puso ko. Kainis!

May mga pictures ko pa akong nadaanan, puro stolen, lima siguro the rest mukhang downloaded na lang na mga pictures niya. Hanggang sa di ko na matap, ayaw ng gumalaw. Tapos na? Asan na yung picture ng ex niya? Tinry ko pa hanapin kasi baka nasa ibang folder kaso wala talaga. Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko. Nakita ko yung messages. Gusto kong tingnan, kaso diba parang invasion of privacy na yun. Ayokong makialam.

Hoy, Madrid Corpuz, masama yang iniisip mo.

Namatay yung iphone sa sobrang tagal kong tumitig. Binuksan ko tapos lumabas yungpagtatypean ng password. Ano ngang password niya? Patay di ko na maalala. Ang haba naman kasi nun. 6. . .2 . . .tapos. . . 3 . . tek- teka, familiar tong key na to ah. Ito din yung start ng password ko sa facebook. Kung di ako nagkakamali may 4 din siyang sinabi. Nanginginig kong tinap sunod na naiisip kong numbers. 7. . . 4 . . . Omy, please wag sanang mabuksan. . . 3. . . at tumambad sakin ang home ng iphone niya.

“Oh my God” bigla kong sabi.

623743- MADRID. A-ako ba yung. . . password niya?

Naramdaman kong gumalaw siya at humarap sakin. Nilingon ko siya at nakita kong gising siya.

“I like you, Madrid”

“AHHHHHH” Pareho kaming nahulog sa duyan. “Ang sakit, yung pwet ko”

“Oh what happened?” nakita kong lumabas ng bahay yung mommy niya.

“Nothing ‘mmy, we both fell” nakatingin niyang sabi sakin, uminit bigla yung pisngi ko.

“Ok lang ba kayo? Are you hurt, Madrid?”

“Ok lang po ako tita, medyo masakit lang po yung pwet. Salamat po”

“Oh, okay. Sa loob ba kayo kakain ng meryenda o ipapadala ko na lang dito sa labas?” nakangiti niyang tanong.

“We’ll eat here ‘mmy”

Pinanood kong pumasok ng bahay si Tita Amelia para lang maiwasang tumingin kay Edvard na nakatingin sakin.

“I just said I like you, nilaglag mo na ko” natatawang sabi niya habang tinatayo kami pareho.

“Nalaglag din naman ako ah” nakairap kong sabi sabay pagpag ng pwet ko.

Page 19: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

Hinarap niya ko gamit ang dalawang kamay niya. “Good. We both fell, then” makahulugan niyang sabi.

“A-anong. . .” dumating na yung meryenda namin.

“Can you give us a chance?” napaubo ako sa biglaan niyang tanong , pinilit kong nguyain ng mabilisan yung palitaw. Taranta niya kong pinainom ng juice. Nung okay na ko, tiningnan ko siya.

“WHAT?! Pano yung ex mo?”

“Anong pano siya?”

“Diba. . . diba mahal mo yun?” lito kong tanong. Bumuntong hininga siya. “Sa tingin mo ba aaminin kong gusto kita kung mahal ko pa siya?” naasiwa ako sa tinging binibigay niya sakin.

“Edvard”

“Is it so hard to accept that I moved on? Hindi ko na siya mahal, Mads, that’s it.”

“Ganun na lang kadali yun?” nakayuko kong tanong.

“Does moving on required time?” balik tanong niya sakin.

“Madrid, apo, mana mauli na kita” (Tara, uwi na tayo) nakita kong lumabas si Lola kasabay nila tita at Ellie, tumayo na din ako. Pero bago ako umalis, nilingon ko si Edvard.

“Hindi ganun kadaling magmove on, Edvard. It’s not.”

ISANG linggo akong hindi pumunta sa may lawa, hindi din naman siya nagpaparamdam sakin, at naiirita ko kasi nasasaktan ako. Alam mo naman talaga hindi ka niya gusto diba? Anong inaarte mo diyan? Natanggap ko na kahapon ang sulat na nakapasa ako sa Ateneo de Naga. Dalawang linggo na lang pasukan na. Dun kaya siya papasok? Ano kayang course niya? Baka mag fine arts ako, o kahit anong related sa arts. Mataas ang grade ko, pasok pang business courses kaso ayoko nun, malamang ganun ang kunin niya diba? Arghhhh!

Di ka kasi naniniwalang gusto ka niya, tas ngayon hinahanap hanap mo?! Ang imposible kasi. Isang buwan. Sa loob ng isang buwan nakalimot na siya? Bakit ganun? Bakit ang bilis?

“Madrid” napatayo ako sa kama para tingnan si lola. “Po?” tanong ko.

“Mana” (Tara) Ang seryoso ng mukha niya. Andiyan ba siya? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Aligaga akong tumayo. Anong sasabihin ko sa kanya? Paalisin ko ba? Tatanggapin?

Page 20: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

Pagkalabas ko ng kwarto at nakita kung sino ang nag-aantay sakin sa sala ay kumalabog ng mas malakas ang puso ko.

“Madrid”

“Ma, Pa”

Nakaupo kami ngayon sa sofa. Katabi ko si lola at kaharap naman si mama, samantalang si Papa ay nasa gitnang upuan. Nakatingin ako sa paa ko habang pinagdidikit sila at pinaghihiwalay ng paulit ulit.

“Nay, kamusta naman po si Madrid dito?” tanong ni Mama kay Lola. Anak niya si Mama.

Hinimas ni lola ang buhok ko. “Ayos naman, sobrang bait at napakamasunur- ”

“Buti naman at hindi na matigas ang ulo” Naramdaman ko ang pagbara sa lalamunan ko sa sinabi ni Mama. Napangiti ako ng mapait habang nakayuko.

“Sasama ka samin sa Manila bukas, Madrid” napaangat ang tingin ko sinabi ni Mama.

“P-po?”

“Aayusin na natin ang passport at visa mo, sasama ka na samin sa Rome, inaayos na namin ng papa mo ang paglipat mo dun”

Rome.

Mas lalong naging mapait ang ngiti ko. Dadalhin nila ko sa Rome. Hindi pa nila nakakalimutan.

“Ayoko po.” Mariin kong sabi.

“Madrid” saway ni papa sakin.

“Bakit niyo po ako kinukuha?” mapait kong tanong sa kanila. Naramdaman kong humawak sa braso ko ang kulubot na mga kamay ni lola.

“Of course! Yun na ang matagal na plano namin, it has been 5 years -”

“Opo, 5 years na. Malamang po kaya niyo pa kong mawala ng 5 more years at limang taon pa ulit hanggang -”

“Madrid” mahinahong pigil sakin ni lola.

“5 years niyo na kong napabayaan Ma, bakit di niyo pa lubus lubusin. No, hindi po ako sasama. . . .sa Rome. Hindi ko po iiwan si kuya.” hirap na hirap akong sabihin ang bansang pagdadalhan sakin.

Page 21: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

Isang malakas na sampal ang lumapat sa kaliwang pisngi ko at dun na naglabasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

“Sasama ka sa Rome. . . . .Para sa kuya mo”

Mapait akong ngumiti habang umiiling. “Hindi yun para kay kuya Ma, para yun sa konsensya mo. Para ibaling sakin ang pagkukulang mo. No, MA! HINDI AKO SASAMA!”

“MADRID”

Tumakbo ako ng mabilis. Tila alam ng mga paa ko kung san siya pupunta. Maya maya lang ay natunton ko na ang lawa. Nilapitan ko ang punong katabi ng akin, hinanap ng mga mata ko ang isang magulong ukit. ‘ROME’ at umalingawngaw sa paligid ang paghagulhol ko.

“KUYAAAAAA” niyakap ko ang punong pagmamay-ari ng kuya ko.

Naramdaman ko ang kamay sa balikat ko, “Madrid?” puno ng pag-aalala ang boses at mukha niya. Ni Edvard.

Inalis niya ang pagkakayakap ko sa puno at niyakap ko. Mas lalo akong humagulhol sa init ng yakap niya. Dun ko unti unting naramdaman na walang yumayakap sakin ng ganito mula ng mawala si kuya. Dahil sa yakap niya bumalik sakin ang katotohanang mag-isa lang pala ako. Matagal akong umiyak, nakakatulong na pampakalma ang marahan niyang paghagod sa likod ko.

Dahan dahan akong bumitaw sa kanya. Kahit na ang sinag ng buwan na lang ang nagbibigay ng aninaw para makita ko siya, malinaw sakin ang pagtatanong sa mukha niya. Ipinilig ko ang mukha ko at binaling ulit ang tingin sa puno. Hinimas ko ang apat na letrang magulong nakaukit dito.

“Kuya ko ang nag-ukit nito. Ang pangit diba?” natatawa kong sabi. “Kung ako magaling magdrawing, siya hindi. Sa pagsasayaw, pagkanta, at pag-arte sya magaling. Isang taon lang ang pagitan naming dalawa kaya sobrang close namin, dalawa lang pati kami. Matagal na kaming nakapunta sa lawang ‘to, 10 pa lang ata ako nun. Ang punta lang naman kasi namin nun dito ay para magbakasyon kaya lagi kaming pumupunta dito. Dito kami naglalaro, nagkukulitan, natutulog. Hindi kami pwedeng umalis ng Bicol ng hindi kami napapadaan dito.” Napangiti ako nang maalala ang kakulitan naming dalawa ni kuya.

“Tapos, isang araw sinabihan kami nila Mama na dito daw muna kami kay lola titira kasi pupunta silang ibang bansa. Napromote si Papa, at bilang isang supportive na asawa, gustong sumama ni Mama. Ayaw niyang mahiwalay kay Papa, kasi sobrang mahal niya. Nalungkot kami syempre, kasi mahihiwalay kami pero pangako naman ni Papa na kukunin nila kami after 1 year. Naging okay lang kami ni kuya, dito kami nag-aral pareho, lagi kaming pumupunta dito, ayaw sumama ng iba naming kaibigan kasi natatakot sila. Sinumpang lawa nga kasi ang tawag dito, alam mo ba?” tiningnan ko siya na marahan lang tumango sakin. Binalik ko ulit ang pagtetrace sa nakaukit dito.

Page 22: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

“They showered us with gifts. Laging magaganda ang laruan namin, PS4, gameboy, malaking doll house, name it and we have it. Naiinggit nga samin yung iba e. Kaso, hindi na kami natutuwa, dumating ang isang taon, Christmas nun, kausap namin sila, excited kami ni kuya kasi isang taon na, makakasama na namin sila. .” pumiyok ako sa huling sinabi ko. “kaso ang sabi nila, hindi pa daw. Nalungkot ako, pero alam kong mas nalungkot si kuya para samin dalawa. Kaya kinabukasan nun, inukit niya ‘to dito. Sabi niya kasi mukhang hindi na daw siya aalis dito, di na daw kami kukunin nila mama at papa, dito na raw siya. . .” nagbara ang lalamunan ko at naramdaman kong lumapat ang kamay niya sa likod ko, napahagulhol ako “. . .dito na raw siya mamamatay”

“Bata pa ko nun, di ko iniisip ang mga ganun bagay. Inukit ko lang ang pangalan ko kasi ginagaya ko siya tapos sabi niya pag inukit ko daw yung pangalan ko, akin na yung puno” sabay tingin ko sa katabing puno. “Tumawag ulit sila mommy, siya yung kumausap. 1st year high school na siya nun, kakasimula lang ng pasukan. Tinanggap niya ng hindi na matutupad yung pangako nila mama sa’min, kaya naging malamig siya kila Mama at Papa tuwing tumatawag sila. Saglit niya lang din akong pinapakausap sa kanila, baka daw kasi kung ano ano sabihin sakin nila Mama para paasahin ako, pero sinusuway ko si kuya, di niya alam tinatawagan ko sila Mama pag wala siya. Ako na rin yung humihingi ng sorry para sakanya kila Mama. Pero yun nga, isang araw siya ang kumausap, hindi ko alam kung anong sinabi ni Mama o ni Papa sa kanya, nagulat na lang kami nung sumigaw siya na. . . Na hindi daw siya aalis kung hindi ako kasama” hindi ko ininda ang alat ng luha kong nalalasahan ko.

“Pagkatapos nun, tumakbo siya. Hinabol ko siya” humagulhol na naman ako sa iyak. Hindi ko kaya.

“Shhhh, don’t push yourself, too hard. Take adeep breath” sinunod ko ang sinabi ni Edvard.

“Hinabol ko siya kasi alam kong dito siya pupunta, natakot ako. . . natakot akong may mangyaring masama sa kanya. Pero, ako. Ako pa pala yung magiging dahilan. Edvard, kasalanan ko,” bumulusok ulit ang luha ko ng maalala ko ang buong nangyari. “Kung hindi ko siya sinundan, hindi ako matatalisod at hindi ako didiretso sa lawa, hindi niya sana ako ililigtas, Edvard. Kung sana ako na lang yung nalunod, pero niligtas niya ko e. Namatay siya dahil sakin, kasalanan ko. Edvard”

“It’s not your fault” paulit ulit na sabi sakin ni Edvard.

“Kasalanan ko! Namatay siya dahil sakin! Dahil sakin!” hinagod lang niya ang likod ko at inalo ako ng inalo. “Hindi ako pumunta dito matapos yun, pinagbawalan ako sabi ng doctor. Natrauma kasi ako.Kaso, gabi gabi niya kong dinadalaw sa panaginip ko. Tulungan ko daw siya, wag ko daw siyang iiwan, wag ko daw siyang pababayaan, gabi gabi yun. Kaya napagdesisyunan kong bumalik ulit. Bumabalik ulit sakin yung mga pangyayari, para akong binabangungot pero live, pero wala akong pakialam. Kung yun ang paraan para makabawi ako kay kuya gagawin ko. Kaya mula araw araw, kahit may pasok pumupunta ko dito, mula nun hindi niya na ko dinalaw ulit sa panaginip ko. Tatlong taon, bago nawala ang sakit na dala ng lugar na ‘to sakin. Tatlong taon bago ako makapag move on sa kasalanang nagawa mo.”

Page 23: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

“It’s not your fault. It’s a brother’s instinct to protect his sibling. Kung samin mangyari ni Ellie yan, I would definitely do what your kuya did. And for sure, hindi ka sinisisi ng kuya mo”

“Alam ko. Alam kong hinding hindi ako sisisihin ni kuya. Pero sila Papa, lalo na si Mama, alam nilang kasalanan ko. That was 5 years ago, Ed. 5 years at hindi pa nila nakakalimutan, they haven’t move on. Kaya bakit ikaw? Bakit ang bilis, bilis, bilis? Naiinggit ako, naiinggit ako sayo kasi ang bilis e. BAKIT SILA HINDI NILA MAGAWA? BAKIT HINDI NILA KO MAPATAWAD? BAKIT?!” Parang walang kaubusan ang luha sa mga mata ko. Katumbas na siguro to ng apat na taon na hindi ako umiiyak ng tungkol dito.

Naramdaman ko ulit ang mahigpit niyang yakap kaya’t napahagulhol din ako.

“Pagod na pagod na ko Ed. Hindi ko na alam kung anong dapat kung gawin para mapatawad sila. They still hate me. They want me to go to Rome” nanigas siya sa pagkakayakap sakin. “Gusto pa nila kong parusahan, Ed. Gusto nilang ipamukha sakin na dun nila nabuo si kuya, na dun nagsimula ang buhay ni kuya na tinapos ko. Ayoko, hindi ko kakayanin. Baka dumiretso akong Madrid para magpakamatay” sabi ko sabay pagak na tawa

Humigpit ulit ang yakap niya sakin. “I won’t let you do that”

Tahimik ulit na bumagsak ang panibagong mga luha sa mata ko. “Hindi ko kaya, Ed. Hindi ko kaya” sabay ng panghihina ko ang pagdilim ng pangingin ko.

“MADRID!” lumingon akopara tingnan kung sino ang tumatawag.

“KUYA!” Natutuwa kong sabi. Kinawayan niya ko, kinawayan ko din siya ng madaming beses kaya natawa siya. Nahawa din ako sa pagtawa niya.

“Habulin mo ko Madrid, dali!” nagsimula na siyang tumakbo, ihahakbang ko na sana ang mga paa ko nang nakita ko ang lawa sa tabi niya. Naestatwa ako habang pinapanood siyang tumakbo sa gilid nito. Huminto siya at pinamaywangan ako, “Bakit di mo ko hinahabol? Dali!”

Hindi pa din ako gumagalaw.

“Ayaw mo na bang makipaglaro sakin”

“Wag diyan kuya.” Bulong kong sabi, na sarili ko lang ang pwedeng makarinig pero narinig niya.

“Bakit? Dito naman talaga tayo naglalaro ah”

“Sa iba na lang. Wag. . .dito”

“Ayaw mo ba talaga?”

Umiling ako ng dahan dahan. Akala ko lalapit siya sakin, pero hindi din siya gumalaw. Ngumiti siya sakin, at kumaway.

Page 24: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

“Kung ganon, aalis na ko. Ayaw mo na palang makipaglaro sakin” nakangiti niyang sabi at unti unti siyang humakbang patalikod patungo sa lawa.

“KUYA WAG! KUYA GUSTO KO! GUSTO KONG MAGLARO! WAG LANG DITO, KUYA HALIKA DITO” humakbang ako palapit, ngumiti pa din siya habang kumakaway, patuloy lang ang paghakbang.

“Wag mo kong susundan. Tama na, Madrid. Oras na para umuwi. Mahal kita” nakita ko ang pagpatak ng luha niya bago siya tuluyang kuhanin ng lawa.

“KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA”

“Madrid, mag-iingat ka palagi”

“MADRID”

Napabukas ang mata ko, malabo ang paningin ko, nasilaw ako sa ilaw na unang nakita ko, ramdam ko ding basang basa ang pisngi ko.

“KUYA! KUYA! KUYA!” Pinikit ko ulit ang mga mata ko. Gusto ko ulit bumalik, gusto kong makita si kuya, gusto ko siyang iligtas.

“Madrid! Anak” Naramdaman ko ang pagyakap sakin. Si Mama, umiiyak siya. Humahagulhol siya habang yakap yakap ako. Pareho na kami, parang nagpapaligsahan kung kanino ang mas malakas.

“Si kuya ma. Patulugin niyo ko. Patulugin niyo uli ako. Ililigtas ko si Kuya ma! KAILANGAN KONG MATULOG MA”

“Shhh, shhh. Anak, wala na ang kuya mo anak, wala na” Hindi lang niya sakin sinasabi yun, pati sa sarili niya. “I’m so sorry anak. I’m sorry. Patawarin mo ko sa pagkukulang ko sa inyo ng kuya mo. Sa pgakukulang ko sayo. Dapat nandito ako, nandito dapat kami ng Papa nung panahong walang wala ka na. I’m so sorry anak. I’m sorry” Basang basa na ang mukha ko sa pinaghalong luha naming dalawa.

“I’m sorry” paulit ulit niyang sinabi hanggang samay naramdaman akong kirot na tumutusok sakin at nanlabo agad ang paningin ko.

NAGISING akong may mabigat na nakadantay sa kamay ko. Tiningnan ko kung ano yun. Sino pala. Ang bigat talaga ng ulo ng taong ‘to. Madami sigurong laman. Hinaplos ko ang buhok niya, mukha siyang puyat na puyat. Naalimpungatan ata siya at agad napatingin sakin.

Ngumiti ako. “Nung una hita ko, ngayon braso ko naman ang tinutulugan mo”

Page 25: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

“Madrid! You’re awake” nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Pero mas nagulat ako ng nabasa ang leeg ko. Pinilit kong iangat yung ulo niya pero mas hinigpitan niya ang yakap niya. “Ed, are you crying?”

“I was scared, Mads. Natakot ako na baka. . . baka sumuko ka. Thank God”

Hinimas ko lang ulit ang buhok niya at inalo siya. “Shhh. Ngayon pa ba ko susuko kung kelan ok na?”

Lumayo siya sakin at nakayukong nagpunas ng luha. “Edvard iyakin”

Di niya pinansin pang aasar ko. Umupo siya sa hospital bed at hinawakan ang kamay kong may mga swero. “I didn’t know na may pinagdadaanan kang ganun. Nalulungkot ako na pinagdaanan yun ng babaeng mahal ko pero natutuwa pa rin ako because it made you a very strong woman. You made me love you more, Madrid” mataman niya kong tiningnan. Nailang naman ako at ramdam kong pumula ang pisngi ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko at nilapit niya ang mukha niya sakin. “I love you” sabay halik niya sa pisngi ko na palagay ko mas lalong pumula. Umalingawngaw ang tawa niya sa buong kwarto. “God, thank you for letting me meet this wonderful, beautiful, blushing lady in front of me”

TATLONG araw pala akong tulog kaya ganun na lang ang pag-aalala si Edvard. Dalawang araw pa bago ako magising bago ako nakalabas ng ospital. Pinacheck up kasi ako nila Mama, nag-aalala kasi sila kung bakit sobrang tagal kong tulog, negative naman lahat, ang sabi ng doctor ay pagod lang daw ako physically at emotionally. Nakausap ko na din sila Mama at Papa. Nag-iyakan na naman kaming tatlo. Nagdaos kami ng misa sa may lawa kasama ang ilang kamag-anak at pamilya nila Edvard. Tapos na ang misa at nauna na silang lahat, umihip sakin ang malakas na hangin na parang niyayakap ako.

Pumikit ako ng mariin. I’ll forever love you, kuya. Di na ko mag-isa. I wish masaya ka na din.

Maya maya lang totoong yakap na ang naramdaman ko. Nilingon ko ang yumakap sakin na sinalubong ako ng halik sa labi.

“I’ll miss you”

Napangiti ako. Oo, kami na. Hindi ako ang niligawan niya kasi alam niyang mahal ko din naman daw siya. Habang nasa ospital palang pala ko e nagpaalam na siya kila Mama at niligawan niya na ang mga ito. Napaoo naman niya agad sila kaya, ayun, kamin na.

“Wag kang OA”

“You’ll go to Rome” nakapout niyang sabi.

Page 26: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)

Pupunta din kaming Rome, pero bakasyon na lang. Kukunin namin ang mga gamit nila Mama at Papa don, napagdesisyunan nila dito na kami tumira. 2 weeks lang naman kami dun kaya malelate ako sa pagpasok. Pupunta din kasi kaming Madrid, gusto kasi nila Papa na bumawi sakin.

“2 weeks lang akong mawawala”

“Tsss. Lang? Hindi ka sana araw araw dumikit sakin para hindi torture ang 2 weeks.”

“Ang kapal mo” natatawa kong sabi. “Babalik naman ako e. Hindi tayo break ha! Pag nalaman kong nambababae ka dito babaliin kita. Sinabi ko na kay Ellie na bantayan ka.”

“Is there any more Madrid Corpuz here?” Bumuntong hininga siya “As much as I want you by my side. Your parents need you, and as much as I want you to need me, I know that right now, you need them. Balik ka Ba, ha”

“San mo natutunan yang Ba? At opo babalik ako”

“Naalaala kong tawag sayo ni Pay Piring dati. I asked mom what it means. She said, it’s form the word padaba meaning mahal o iniiningatan.”

Nag-init naman ang pisngi ko. Ang sweet ng boyfriend ko. “I love you, Ba. Babalik ako”

“I love you too. I’ll wait for you”

Pagkauwi namin sa bahay, bumungad agad sakin ang larawan na nakaframe. Papalubog na ang araw, may lalaking nakatayo sa lawa ang kumakaway at nanonood ang dalawang taong magkaakbay habang nakaupo. Sa gilid ay isang matandang babae at lalaki ang nakatayo at nakamasid. At isang matandang babaeng nakasungkod sa tabi nila. It's kuya waving at us, Mama and Papa with lola standing while watching him and Edvard and I. Now, looking at it, kuntento na ko. Wala ng kulang. I feel complete.

Page 27: Where do Broken Hearts Go? (Lakes)