wikang pambansa, opisyal at panturo
TRANSCRIPT
Wikang Pambansa
Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at
pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng
isang bansa.
Wikang Pambansa
Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng
mamamayan ng isang bansa.
Wikang Pambansa
Ayon sa Saligang Batas ng Biak na Bato
-Ang Tagalog ang magiging opisyal na
Wika ng Pilipinas.
PagpiliPagpili Konstitusyon ng 1935, Artikulo
XIV, Sek. 3• "Ang Kongreso ay gagawa
ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa mga na
umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nag
tatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at
Kastila ang patuloy ng gagamiting mga wikang
opisyal".
Walong Walong Pangunahing Pangunahing
Wika sa BansaWika sa BansaTagalogCebuanoIlokanoHiligaynonBikolSamar-Leyte o WarayPampango o KapampanganPangasinan o Pangalatok
PagpiliPagpili Suriang Wikang
Pambansa (SWP)• itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas Pambansa Blg. 184 (binuo ng Saligang Batas Pambansang Asamblea)
•Pinili ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika.
PagpiliPagpiliDisyembre 30, 1937
•Pinili at ipirinoklama ng
Pangulong Quezon ang Tagalog
bilang batayan ng bagong
pambansang wika.
Manuel L. QuezonAma ng Wikang Filipino
Unang Presidente ng Komonwelt ng Pilipinas“Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ng bansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit na kamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahat” – halaw mula sa kanyang talumpati sa Malakanyang.
PagpiliPagpili1940
•Ipinag-utos ang pagtuturo ng
Wikang Pambansa sa lahat ng
pampubliko at pribadong paaralan
sa buong bansa.
Bakit pinili ang Tagalog Bakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa?bilang Wikang Pambansa?
Ang Tagalog ay malawak na ginagamit sa mga pag-uusap ng mga Pilipino at marami din sa bansa ang nakakaintindi ng
wikang ito.
Bakit pinili ang Tagalog Bakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa?bilang Wikang Pambansa?
Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at
hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
Bakit pinili ang Tagalog Bakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa?bilang Wikang Pambansa?
Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinaka mayaman at
ang pinaka maunlad at malawak. Higit na
mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong
wikang Awstronesyo.
At pinakahuli ay ang Tagalog din ang wikang
ginamit noong rebolusyon at ng mga katipunero kung saan
ang salik na ito ay mahalagang elemento
sa kasaysayan ng Pilipinas.
Hunyo 4, 1946- Ipinagkaloob ng mga
Amerikano ang ating kalayaan, ang Araw ng
Pagsasarili ng Pilipinas. Ipinahayag din na ang
wikang opisyal ng bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570.
1959- Ibinaba ni Kalihim Jose B. Romero ng
Kagawaran ng Edukasyon ang KAUTUSANG
PANGKAGAWARAN BILANG 7.
Saligang Batas ng 1973- Ang Batasang
Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa
paglinang at pormal na adapsyon ng Wikang
Pambansa na tatawaging FILIPINO.
1987-Pinalabas ni Lourdes
Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at
Isports ang Kautusan Blg 52 na nag-uutos sa paggamit ng
Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay ng Ingles na
nakatakda sa patakaran ng edukasyong bilinggwal.
Artikulo 14 Seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987 “ Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nalilinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig
sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang
wika’’.
Wikang Opisyal
Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang
mga mamamayan at ibang bansa sa
daigdig.
Wikang Opisyal Bago maging opisyal ang isang
wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang malaman kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng
gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at at
nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng ibat' ibang
salik.
Wikang Opisyal• Ayon kay Virgilio Almario ang wikang
opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa
opisyal na talastasan ng pamahalaan.
Paano naging wikang opisyal ang Paano naging wikang opisyal ang Wikang Pambansa?Wikang Pambansa?
Batas Komonwelt blg. 570 •Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika simula Hulyo 4, 1946
Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3)
•“Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang
Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika.”
Paano naging wikang opisyal ang Paano naging wikang opisyal ang Wikang Pambansa?Wikang Pambansa?
Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7)• “Ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles…”
Wikang PanturoWikang Panturo
Ang wikang panturo ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal
na edukasyon.
Wikang PanturoWikang Panturo
Ito ang wika ng talakayang guro-mag-
aaral na may kinalaman sa
mabisang pagkatuto dahil dito nakalulan
ang kaalamang matututuhan sa klase.
Wikang PanturoWikang Panturo
Ito ang wika sa pagsulat ng mga
aklat at kagamitang
panturo sa mga silid aralan.
Wikang PanturoWikang Panturo Sa pangkalahatan ay
FILIPINO at INGLES ang mga opisyal na
wika at wikang panturo sa mga
paaralan.
Mother Tongue- Based Mother Tongue- Based Multi-Lingual EducationMulti-Lingual Education
Sa K to 12 Curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging
opisyal na wikang panturo mula Kindergarten
hanggang Grade 3.
Wikang PanturoWikang Panturo
19 na WikaTagalog
Kapampangan Pangasinense
Iloko Bikol ChavacanoCebuano Ybanag IvatanSambal Aklanon Kinaray-aYakan Surigaonon Hiligaynon Waray Tausug Maguindanaoan
Maranaw
Wikang PanturoWikang Panturo
Ang mga wika at dayalektong ito ay
ginagamit sa dalawang paraan:
A) Bilang hiwalay na asignatura B) Bilang wikang panturo
Wikang PanturoWikang Panturo
Ayon kay DepED Secretary Brother Armin Luistro, FSC “Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang
baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-
kultural”
Ilan pang mahahalagang batas Ilan pang mahahalagang batas tungkol sa Wikatungkol sa Wika
Proklamasyon Blg. 19 (Agosto1988)• Idineklara ang pagdiriwang ng
Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto kada taon.
Proklamasyon Blg. 1041 (Enero 1957) idineklara naman ni Pangulong Fidel
V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika
Ilan pang mahahalagang batas Ilan pang mahahalagang batas tungkol sa Wikatungkol sa Wika
Memorandum Sirkular Blg. 59 (Disyembre 1996)
•Nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi na ng kurikulum na
pangkolehiyo, ayon sa CHED. Nag atas ito ng pagsasasama sa mga kurikulum ng siyam (9) na yunit ng Filipino sa mga kolehiyo at
pamantasan.