abe international business college

12
ABE International Business College Malolos Branch SY:2011-2012 (Written Report) Ipinasa ng Group 1: Leader: Mhyca M. Castillo Members: Antonio Apolonia Mark Allan Bergonia Ralph Alfred Dela Cruz Charmaine Bustamante Jocielyn Cabral Ipinasa kay: PAGBABAS

Upload: mhycam

Post on 08-Mar-2015

308 views

Category:

Documents


8 download

TRANSCRIPT

Page 1: ABE International Business College

ABE International Business CollegeMalolos BranchSY:2011-2012

(Written Report)

Ipinasa ng Group 1: Leader: Mhyca M. Castillo Members: Antonio Apolonia Mark Allan Bergonia Ralph Alfred Dela Cruz Charmaine Bustamante Jocielyn Cabral Ipinasa kay: Elaine Dela Cruz Mrs. Nora Reyes Nica Emma Jones Lim Instructress Charlotte Nicolas Fatima Pagdanganan

PAGBABASA

Page 2: ABE International Business College

*Pagbasa - ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng aktor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo.

TATLONG SALIK NG PAGBASA

1.Uri ng Bokabularyo Talasalitaan (Kinds of Voc.)2. Balangkas at istilo ng Pagpapahayag3. Nilalaman o Paksa ng Binabasa (Content / Subject Matter)

IBA’T IBANG PATERN O URI NG PAGBASA

1. ISKANINGUri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles. Dito, ang mahalagang salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board Examination, pagtingin ng winning number ng lotto.Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang bumabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa partikular na impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang ganitong pamamaraan sa pagbasa ng mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa paghahanap ng numero ng isang taong nais makausap.2. ISKIMINGIto ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa.Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagwa ng isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang

Page 3: ABE International Business College

kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon.3. PREVIEWINGSa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa. May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga sumusunod:a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang nakasulat ng italik.b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.c. Pagbasa sa una at huling talata.d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan suri o basa.f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.

*Proseso at Katangian

1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.

2. Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa.

3. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.

4. Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan.

*Teorya

1. Teoryang Bottom-upAyon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap

Page 4: ABE International Business College

ng teksto,bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto.Ang proseso ng pag- unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (botom) patungo sa mambabasa (up) kaya nga tinawag itong bottom-up.

2. Teoryang Top-downAng pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Geatalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon sa proponent nito, ang mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto.Tinatawag din itong teoryang inside out o conceptually-driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananawa sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya ng mga palagay at hinuha na kanyang iniuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.

3. Teoryang InteraktibAyon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamtit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ang interaksyon, kung gayon, ay may dalawang direksyon o bi-directional.Masasaing ang teoryang ito ay isang pagbibigay diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang proseso at hindi bilang produkto.

4. Teoryang IskimaAyon sa teoryang ito, bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatwid , bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaring binabasa niya lamang ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, masasabing ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng

Page 5: ABE International Business College

komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proses ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

INTERAKTIBONG PROSESO NA PAGBASA

  Ang lpagbasa ay isang gawaing pangkaisipan at ang gawaing ito ay

mailalarawan bilang isang proseso. Ayon kay William Gray (sa Bernales, et al:2001), may apat n hakbang sa pagbasa: a.       PERSEPSYON. Ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa. b.      KOMPREHENSYON. Pagpoproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinapahayag ng simbulong nakalimbag na binasa. Ang pagpoprosesong ito ay nagaganap sa isipan. Ang pag-unawa sa tekstong binabasa ay nagaganap sa hakbang ito. c.       REAKSYON. Sa hakbang ito, hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa. d.      ASIMILASYON. Sa hakbang naming ito, isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman at/o karanasan. Upang mailarawan pa ang higit ang prosesong ito, pansinin nating ang ilan sa mga paglalarawan sa pagbasa na inilahad ni Badayos (2000): a.       Ang pagbasa ay walang kahingiang imposible para hindi ito maisagawa sa isang mambabasa. b.      Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip. Utak ang ginagamit sa pagbasa at

hindi ang mga mata na tagahatid lamang ng mga imahen o mensahe sa utak. Sa mga bulag, pandama ang pumapalit sa mga mata nang ang mga imaheng mula sa Braille na kanilang binabasa ay makarating sa utak upang maiproseso.

 c.       Ang epektib na mambabasa ay isang interaktib na mambabasa. Sa pagbadbasa, ang isang mambabasa ay nakagagawa ng iteraksyon sa awtor, sa teksto at sa kanyang sarili mismo. Kung siya ay interaktib sa kanyang pagbabasa, epektib siyang mambabasa.d.      Maraming iba’t ibang hadlang sa pag-unawa, bukod pa sa mga hadlang sa pagbasa. Hindi dapat ipagkamali ang isa’t isa. Halimbawa, ang i.q. ay maaaring maging hadlang sa pag-unawa, kahit pa nababasa ng isang tao ang isang teksto.

Page 6: ABE International Business College

e.      Ang magaling na mambabasa ay sensitib sa kayariang balangkas ng tekstong binabasa.f.        Ang mabilis na pag-unawa sa teksto ay makapagpapabilis sa pagbasa.

Limang Dimensyon ng Pagbasa

1. UNANG DIMENSYON – Pang-unawang Literal

A. KAHULUGAN (MEANING) a.Pagpokus ng atensyon sa mga ideya at impormasyong maliwanag nasinabi ng babasahin.b.Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirang kahulugan ng salita, opagkuha ng kahulugan nito ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.c.Pagsasalin ng kaisipan ng may-akda sa sariling pagkaunawa ngbumabasa.

2. IKALAWANG DIMENSYON – Interpretasyon

A. Kahulugan (Meaning)1.Pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap kung kuwento at mga taludtodkung tula2.Pagkuha ng malalim na kahulugan, bukod sa mga nakuha nang literal nakahulugan3.Pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga salita sa hindi tuwirangsinasabi sa aklat.4.Paglalahad ng tunay na kaisipan ng may akda kasama pati ang mgaimplikasyon at karagdagang kahulugan nito5.Pagkilala sa tunay na hangarin at layunin ng may akda6.Mabigyan ng kahulugan ang kaisipan ng may akda7.Makilala at mabigyan ng kahulugan ang mga pamamaraan sa pagsulat atpaggamit ng mga tayutay8.Pagbibigay ng kabuuan ng kwento na hindi malinaw na ipinahahayag ngmay-akda

Page 7: ABE International Business College

3. IKATLONG DIMENSYON –Mapanuring Pagbabasa (Critical Reading)

A. Kahulugan (Meaning)

1.Pagbibigay-halaga sa katumpakan ng pagbasa2.Tiyakin ang kaugnayan nito sa isang partikular na suliranin.3.Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa:a. Katangian (Trait)b. Kabuluhan (Significance)c. Katumpakan (exactness)d. Pagkamakatotohanan (Truth)4. Pagbibigay ng sariling reaksyon tungkol sa mga kaisipang natutuhan otungkol sa akdang nabasa.a. naibigan o di naibigan sa pananaw ang akdab. sang-ayon sa kababasang akdac. makakita ng mga kaisipang nakagugulo ng damdamin o kaya’y nakakapag palubag loob.

4. IKAAPAT NA DIMENSYON –Aplikasyon ng mga Kaisipang Nakuha sa Pagbabasa

A. Kahulugan (Meaning)

1.Malaman ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa sa karanasan ngbumabasa.2.Maragdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili3.Pagpapahalaga sa ibang tao, pag-unawa sa daigdig na kanyangtinatahanan at ang mga bagay sa mundo na nagpapakilos sa tao upangsiya’y mag-isip, makadama at umasal ng kanyang ikinikilos.

5. IKALIMANG DIMENSYON –Pagpapahalaga (Appreciation)

A. Kahulugan (Meaning)

Page 8: ABE International Business College

1.Pagdama sa kaganadahan ng ipinahihiwatig ng nilalaman ng kuwento2.Pagbasa upang matugunan ang bisa ng sikolohiya ng pamamaraan ngmay-akda o ang masining na elemento nito.3.Madama ang mga damdamin o kaisipang likha ng guniguni o mgadamdamin ng mga tauhan sa kanilang pakikipagtunggali, pagpupunyagi atpaghihirap.4.Maipahayag ang mga damdamin (kasiyahan, kagalakan, kalungkutan,pagkabigo, pagdakila o ang kabaliktaran nito) ayon sa pamamraan ng may-akda sa kanyang:a. mabisang pagpapahayagb. pamamaraan ng pagbibigay ng mga katangian ng mga tauhan

Pasko: Dalawang Interpretasyon nina Sonia a. Alberto at Rolando A. Bernales

Pasko: Dalawang Interpretasyon

nina Sonia a. Alberto at Rolando A. Bernales

1.Pasko na naman, Inay…Disyembre na, Inay.Ilang araw na lang at Pasko nang muli.Sandaling panahon pa’y magsasaya na naman sila…Sila Inay, sapagkat sa ati’y Pasko’y di dumaratal.May bago na naman silang damit,Ang sa atin ay heto, luma’t gula-gulanit.Masasarap, malilinamnam, kanilang pagkain…tuyo, sinangag, kamatis lamang ang sa atin.May palitan pa sila nga mga regalo.Sabihin mo ‘nay, sila lang ba ang may Pasko?

Disyembre na, Inay.Ilang araw na lang at Pasko nang muli.Ngunit sila lamang ang magdiriwang.Sila lamang ang makadarama ng Kapaskuhan.Nauunwaan ko, ang Pasko’y di lamang bagong damit, masarap napagkain, regalo o parol na nakasabit.Nagtataka lang ako kung ba’t may nakalalamang.Akala ko ba, tao ay nilikhang pantay-pantay.Ngunit ngayon, tayo ay nagdadalamhati.Sabihin mo ‘nay, Diyos ba’t may pinipili?

2.Wala Tayong Pasko, Anak…Disyembre na nga anakngunit…hindi tayo magpapasko ngayon(sabagay, kahit kalian nama’yhindi pa tayo nagpasko!)

tulad nang datiluma ang ating damitpag-asa ‘ata nati’y gulanitdin a maitagpisa damdaming parol ang lambot.Noche Buena…wala!Hapunan nga natin mam’ya’ypinoproblema ko pa.Saan pa ako magdidilehensyang pagkaing marangya?

Page 9: ABE International Business College

Sabi ng lola mo“Pasko’y para sa lahat”pero ngayo’y nagtatanong ako,tulad mo,ang “beinte singko” ba nati’y…Pasko?

Ilang araw na langPasko na raw.Sa akin nama’yPasko’y di dumaratal!ang Pasko’y raw ay pag-ibig.Paano iibig ang pusong minanhid

ng tiyang kumakalam?Ang Pasko raw ay pagbibigay.Paano magbibigayang palad na nagyelo sa lamig,nainip sa init ng palad na makinis?Nagtataka rin ako, anak.Pantay-pantay nga raw ang tao,pero ba’t sila lamangang may masayang Pasko.Hindi ko nais isipingDiyos ay may pinipilingunit ngayonako’y nalilitobakit may marangya,bakit tayo ganito?Bakit sila Masaya,samantalang tayoumiiyakkahit na kung Pasko?!Nalathala sa “The Filipino Teacher”Tomo XLIV, Blg. 7, 1989Bookman Publishing House