ikaapat na markahan modyul 3 pagbabahagi sa kahalagahan ng
Post on 05-Oct-2021
162 Views
Preview:
TRANSCRIPT
1.
Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 3
Pagbabahagi sa Kahalagahan ng Pag-aaral at
Pagsusulat ng Sistematiko kaugnay ng
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
7
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Zest for Progress
Zeal of Partnership
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
2
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Roselyn M. Duloguin
Alma Mei I. Villaganas
Editor: Archie Mae P.Collamat
Juluis A. Enguito
Tagasuri: Naser M. Dacula
Tagalapat: EPS Florencio R. Caballero, DTE
Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
OIC, Schools Division Superintendent
Visminda Q. Valde, EdD
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Raymond M. Salvador, EdD, CESE
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Juliet A. Magallanes, EdD
CID Chief
Florencio R. Caballero, DTE
EPS – LRMDS
Josephine L. Tomboc, EdD
EPS – Filipino
3
Alamin
Magandang umaga kaibigan! Maligayang pagdating sa bahagi ng modyul na ito. Ako
ay nagagalak na makasama ka para lakbayin natin ang nilalaman ng modyul na ito
at binabati kita na maayos mong natapos ang unang dalawang bahagi ng ikaapat na
quarter.
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang obra mestra sa Panitikang Pilipino.
Naisusulat ang sariling tula sa anyong korido na nagtatalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.
Sa modyul na ito, matutuhan mo ang pagbahagi sa kahalagahan ng pag-aaral at
pagsulat ng sistematiko kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-
aaral ng Ibong Adarna. F7PSIVa-b-18 ;
• Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na
impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong
Adarna . F7PU-IVa-b-1
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito.
Kaya’t hali na kaibigan, kung handa ka na, simulan na natin ang paglalakbay
upang mas malinang ang iyong kaalaman at mas mapaunlad ang iyong kakayahan
sa aralin na ito. Simulan mo na!
4
Balikan Panuto: Ibigay ang kahulugan ng korido.Isulat sa mga kahon ang salitang may
kaugnayan nito.
SSSSSSSSSSSSSSSS
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Anong katangian ng korido ang nagsasaad sa kahalagahan sa pag-aaral
nito?
2. Aling panahon ng kasaysayan lumaganap ang korido? 3. Anong uri ng panitikan napabilang ang korido?
4. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga korido? 5. Paano nakatutulong sa mga mag-aaral ang pagbabasa ng mga korido?
Tuklasin
A. Isulat ang salitang tama kung ang pahayag ay nagsasaad ng
kahalagahan sa pag-aaral ng Ibong Adarna at isulat ang salitang
mali kung hindi.
____ 1. Pagpakita sa pinagmulan sa isang lugar.
_____2. Ang mga mensahe ay maaring gabay sa makabagong panahon
korido
3
Aralin
5
_____3. Kapulutan ng aral sa buhay. _____4. Nagpapabatid sa mabuti at makatarungang pamumuno
_____5. Nagsasaad ng pagiging politiko.
B. Lagyan ng tsek(√) ang kahon kung ang pahayag ay nagsasaad ng impormasyon sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna,
at eks(x) naman kung hindi.
Ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay maaring hinango sa kwentong-
bayan sa mga bnsang Europa.
Lumaganap ito sa panahon ng mga Hapon.
Sa mga koridong nilimbag sa Pilipinas ang Ibong Adarna ang higit na kilala sapagkat ang sipi ay naipagbili sa perya at isinasagawa tuwing
kapistahan ng bayan-bayan.
Naiugnay sa relihiyon at pananampalataya ang paksa ng Ibong Adarna.
Naiuugnay ito sa paghihimagsik ng mga Pilipino sa panahong
lumaganap ito.
Suriin
Sa bahaging ito , mababasa mo ang iilang impormasyon sa Kaligirang kasaysayan
ng ibong Adarna at kahalagahang naidudulot sa pagbabasa at pag-aaral nito.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna Ayon sa Kay Pura Santillan- Castrence (1940) ang kasaysayan ng Ibong Adarna
ay maaring hango sa mga kwentong-bayan ng iba’t ibang bansa sa Europa, tulad
ng Alemanya, Denmark, Romania, Australia, Finland, Indonesia at iba pa.
Kung uugatin ang kasaysayan ang tulang romansa ay nakilala sa Europa noong
panahong Middle Ages. Tinatayang noong 1610 mula sa bansang Mexico , ito ay nakarating sa Pilipinas na ginamit namang instrumento ng mga Espanyol upang
mahimok ang mga katutubong yakapin ang relihiyong katolisismo. Masasalamin sa
akda ang mga natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal, mataas na
pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya, mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang, paggalang sa mga nakatatanda, pagtulong sa mga
nangangailangan, pagtanaw ng utang na loob,mataas napagpapahalaga sa puri at dangal ng mga kababaihan,pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap sa
mga pagsubok ng buhay, at marami pang iba. Ang akdang ito ay tinangkilik din ng ating mga ninuno sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sapagkat ito ay
nagdulot din noon ng kasiyahan o kaaliwan sa kanila.
Sa katunayan, ang akdang Ibong Adarna ay itinuturing na panitikang pantakas
o (escapist) sa pagkat ang mga Pilipino na sakbibi ng hirap at sakit noon dahil sa kahirapang kanilang nararanasan bunga ng paniniil ng mga Espanyol ay
6
pansamantalang nakatatakas sa kanilang tunay na kalagayan sa sandaling mabasa o mapanood ang akdang ito at mailagay ang
kanilang sarili sa pakikipagsapalaran sa ni Don Juan na siyang pangunahing
tauhan sa akda.
Kahalagahan:
Umiinog ang kwento ng akdang Ibong Adarna mula sa pagkahimbing ng tulog ng Haring Fernanado nang napanaginipan niyang may masamang mangyayari sa
kanyang bunsong anak na si Don Juan. Simula noon naging matamlay na ang hari
at nawalan ng sigla hanggang siya ay tuluyang nagapo ng isang matinding karamdaman.
Walang manggagamot at uri ng gamot ang maaring maging lunas sa sakit ng hari kundi ang awit ng isang makapangyarihang ibon na matatappuan sa puno
ng Piedras Platas sa bundok ng Tabor. Dahi dito nasusubok ang kakayahan ng tatlong prinsipe na makuha ang ibon upang magamot at mapagaling ang amang
hari.
Unang sumubok ang nakatatandang anak na si Don Pedro subalit nabigo
siya at naging bato. Sumunod naman si Don Diego nabigo rin at naging bato. Sunod ang bunsong anak na si Don Juan, pero bago ito umalis humingi ito ng basbas ng
amang hari bilang sandata sa kanyang paglalakbay. Naibalik niya sa pagiging tao ang dalawang kapatid at matagumpay na nahuli ang Ibong Adarna dahil na rin sa
payo ng isang ermitanyo. Subalit pinagtaksilan ito ng kanyang mga kapatid, pinahirapan at muntik nang mamatay. Talagang ang katotohanan ay di
mananatiling makatago kailan man. Ibinunyag ng Ibong Adarna ang katotohanan sa
pamamagitan ng napakagandang awit nito. Gumaling ang hari at pinarusahan ang dalawang magkapatid.
Ang patuloy na pagbabasa at pag-aaral sa koridong Ibong Adarna ay
nakakatutulong sa pag-unlad ng sariling pananaw sa buhay, nakapagpapatibay sa relasyon ng pamilya dahil ang mensaheng hatid nito ay kapulutan ng aral sa buhay
, nakatutulong sa iyo habang kayo’y tumatanda kung nakakasalubong ng mga iba’t ibang karanasan, masasalamin dito ang kultura at tradisyon at pananampalataya ,
maging gabay ng mga kabataan sa makabagong panahon, nakatutulong sa mabuti
at makatarungang pamumuno pati ang pagsasabuhay sa kasaysayan. Bilang isang mag-aaral tulad mo nakatutulong ito sa pagpapatibay ng sariling paninindigan, at
makapupukaw ng konsensiya sa pagkikilala sa kung ano ang tama at mali ,mabuti o masama.
Pagsulat - Ito ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaring magamit
na mapagsasalin ng mga nabuong salita,simbolo at ilustrasyon ng isang
tao. ( Bernales,et al.,2001) - Isang komprehensib na kakayaahang naglalaman ng wastong gamit,
talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan,retorika at iba pang elemento.(Xing at Jin, 1989)
Sistematiko - iisang sistema o paghanay ng mga patakaran, isang pag-aayos ng
mga salita o mga bagay sa loob ng isang pahayag.
7
Pagyamanin
A. Basahin ang mga pahayag na napapaloob sa kahon.Gayahin ang grapiko
sa sagutang papel at isulat ang iyong sariling pagpapahalaga nito sa kabilang kahon.
Pahayag kahalagahan
B. Batay sa iyong nabasang mga iilang impormasyon sa kaligirang
pangkasaysayan, ayusin ang mga sumusunod na impormasyon sa pamamagitan ng paglagay ng bilang 1-3 sa loob ng bilog kung alin
ang una at sunod na mga impormasyong nabanggit.
A.
B.
C.
Pagsunod sa payo ng mga
magulang at nakatatanda.
Pagsasabi ng katotohanan
Ang Ibong Adarna ay maaring
hango sa mga kwentong-bayan sa
iba’t ibang bansa sa Europa tulad
ng Alenamya, Denmark at iba pa.
Tinangkilik ang Ibong Adarna ng
ating mga ninuno sa panahon ng
mga Espanyol.
Masasalamin sa akda ang mga
kaugalian at pagpapahalaga ng
mga Pilipino at ang matibay na
pananampalata sa Poong
Maykapal.
8
Isaisip
Tandaan: Hindi lang umiikot ang mga pagpapahalagang dulot sa pag-
aaral ng akdang Ibong Adarna sa kabuuan, kundi nagdudulot din ito sa pagpapahalaga sa pamilya, sa sarili, sa kapwa at sa pamayanan o sa
bayan.
A. Pagmasdang mabuti ang mga imahe, ilarawan ito, sabihin kung kung saan
umiikot sa pagpapahalagang dulot ng bawat imahe. Isulat sa ulap ang sagot..
Paglalarawan Naapektuhan
https://www.graphicsfactory.com/Clip-Art/People/black-and-white-african-
american-family-cartoon-vector-clipart-413164.html
https://www.freepik.com/premium-vector/happy-girl-graduate-university-black-
gown-white-background-illustration_7114253.htm
____________________
___________________
____________________
___________________
___________
_____________________
__________________
_____________________
__________________
___________
_____________________
__________________
_____________________
__________________
___________
9
http://ordialeslilian.blogspot.com/2016/08/ang-pakikipagkapwa-at-ang-golden-
https://pxhere.com/en/photo/1142403
B. Batay sa iyong nabasang kaligirang pangkasaysaya ng Ibong Adarna at ang napag-aralang mong unang bahagi ng akda, Ibahagi mo ang mga detalye sa
kaligirang pangkasaysayn at ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna sa grapikong nasa ibaba. Isulat ang sagot sa kahong nakalaan.
Ibong Adarna
Kaligirang
Pangkasayan
__________
_____________________
__________________
_____________________
__________________
10
Tayahin
A. Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Bilugan ang titik na
tumutugon sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna.
1. Nakawiwiling pag-aralan at basahin ang akdang Ibong Adarna dahil ito ay….
A. May hari at reynang namamahala.
B. Kapupulutan ito ng mga aral sa buhay. C. Magagaling ang mga tauhang prinsipe
D. Kapupulutan ito ng yaman.
2. Aling pag-uugali ang ipinabatid ni Don Juan nang bago siya umalis para hanapin ang Ibong Adarna ay humingi muna siya ng basbas sa amang
hari? A. Ang pagiging matatakutin.
B. Ang pagiging mapangarapin.
C. Ang pagiging mapagkumbaba. D. Ang kapana-panabik na pangyayari.
3. Anong kultura ang ipinakita sa pagpupursigi ni Don Juan na mahuli ang
ibong makapagpagaling sa sakit ng hari at mahanap ang nawawalang mga kapatid?
A. mapagmalaki sa kakayahan
B. mapagmahal sa kapwa at sa kaharian C. umasang siya ang mamuno sa kaharian
D. mapagmahal sa magulang at kapatid
4. Alin sa mga sumusunod ang makasusukat sa tibay ng loob at pananampalataya?
A. Mahihirap na pagsubok sa buhay ,pagtitis at pagpapakasakit. B. Mabubuting pamumuno sa nasasakupan
C. Ang pagiging matapat sa tungkulin
D. Ang pagsunod sa utos at payo ng mga magulang.
5. Ano sa palagay mo ang makapagpatibay sa relasyon ng pamilya? A. Pamamalakad sa nakatatandang kapatid.
B. Pagsunod sa mga magulang. C. Pagpapatawad, pagtutulungan at pagbibigayan.
D. Papapayo, pagsunod sa utos at pagtulong sa kapwa.
11
B. Alin-alin sa mga pahayag sa loob ng kahon ang dapat alalahanin o tandaan sa sistematikong pagsulat ng mga impormasyon?
Kumuha lamang ng Limang (5) pahayag na sa palagay mo ay magagamit
sa sistematikong pagsulat ng mga nasasaliksik na mga impormasyon. Isulat ang pahayag sa nakalaang bilang sa susunod na pahina.
•Pagsasaayos ng mga ideya sa loob ng pangungusap.
•Pagbubuod ng talatang pinagkukunan ng impormasyon.
•Wastong gramatika at baybay ng mga salita.
•Makatotohanang impormasyon.
•Nakawiwili at nakaakit na mga pahayag
•May pinagbabatayan sa pinagkukunan ng impormasyon.
•Paglalagay kahit saan sa mga nasaliksik na mga impormasyon
•Pagkilala sa nagmamay-ari o pinagmulan ng mga
impormasyon
1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________
4. _______________________________________________________________
5. _______________________________________________________________
12
Karagdagang Gawain
Panuto: Magsaliksik ng dagdag na mga impormasyon tungkol sa kaligiran pang kasayan ng Ibong Adarna sa internet, sa mga aklat o ano mang babasahin,
Pagkatapos isulat ito ng patalata. Alalahanin ang wastong pagsasaayos ng mga pangungusap, wastong gramatiko, baybay at bantas. Gamiting gabay ang rubriks
na makikita sa ibaba bilang gabay sa iyong pagsagot sa gawain.
___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
13
Pamantayan Puntos Marka
Akma sa paksa ang pagpapahayag ng sariling
pananaw/opinyon/argumento.
5
Malinaw na naipapahayag ang sariling
pananaw/opinyon/argumento hinggil sa napiling
napapanahong isyu.
5
Maayos na naisulat sariling
pananaw/opinyon/argumento ayon sa mga bahagi
nito.
5
Nakahihikayat at nakapagbigay-linaw ang kabuoan
sa pagsusulat ng sariling
pananaw/opinyon/argumento.
5
Kabuoang Puntos 20
5 – Napakahusay 2 – Di-gaanong Mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-Mahusay
3 – Katamtaman
14
Susi sa Pagwawasto
TUKLASIN: A.
1.mali 2.tama 3.tama 4.tama 5.ma
B. 1.√ 2.× 3.√ 4.√ 5.×
ISAISIP :
A.(napektuhan)
1. pamilya 2. sarili 3. kapwa 4.Pamayanan/
bayan
PAGYAMANIN: TAYAHIN B. a. 1 A. 1. b
b.2 2. c c. 3 3. d 4. a
5. c B. 1. Pagsasaayos ng mga ideya sa loob ng
pangungusap. 2. Wastong gramatika at baybay ng mga salita.
3. Makatotohanang impormasyon
4. May pinagbabatayan sa pinagkukunan ng impormasyon
5. Pagkikilala sa nagmamay-ari o pinagkukunan ng impormasyon.
15
Sanggunian
[Smiling child in a crowd]. Accessed December 2020.
https://pxhere.com/en/photo/1142403.
“Ang tao bilang panlipunang nilalang.” Accessed December 2020. http://ordialeslilian.blogspot.com/2016/08/ang-pakikipagkapwa-at-ang-
golden-
Black and white African American family cartoon vector clipart. Accessed December
2020, https://www.graphicsfactory.com/Clip-Art/People/black-and-white-
african-american-family-cartoon-vector-clipart-413164.html.
Del Castillo, Rowena, Ortega, Katrina Paula, and Diaz, Sarah. Filipino 7: Panitikang Filipino. Philippines: Lexicon Press, Inc., 2014.
Happy girl graduate of university in black gown on a white background illustration. Accessed December 2020. https://www.freepik.com/premium-
vector/happy-girl-graduate-university-black-gown-white-background-
illustration_7114253.htm.
16
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer
One night I had a dream. I dreamed
that I was walking along the beach
with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets
of footprints – one belong to me and
the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I
noticed only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
And the LORD replied “My son, My
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the
sand, because it was then that I
CARRIED YOU!
I think that I shall never see
A poem lovely as a tree.
A tree whose hungry mouth is prest
Against the earth’s sweet flowing
breast;
A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.
Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.
top related