ano ang filipino

2
Ano ang Filipino? Sa unang dinig o tingin ay tila napakadaling sagutin nito. Ano nga ba ito? Napaisip tuloy ako. Halos araw-araw ko rin itong inaaral at sinasalita pero tila wala pa rin itong tiyak na depinisyon para sa akin. Napakalawak kasi ng sakop nito. Kung bilang asignatura’y para itong History na inaaral din yung kasaysayan. Pwede rin naman siyang Values dahil sa mga aral na turo nito. Ang maganda rito ay yaong praktikal ito. Hindi siya yung tipong inaral mo ng pagkahirap-hirap tapos hindi mo rin pala gagamitin. Kadalasan kahit Pilipino na tayo’y hindi pa rin natin alam yung kultura natin. Kailangan pa natin ng asignaturang ito upang ipaalala sa atin ang tunay na tayo upang hindi natin malimot ang sariling tayo. Kung sa wika nama’y mas lalong mahalaga ito. Minsan pa nga’y ni sariling wika’y hindi kayang salitain. Alam mo, kahit akala mong alam mo kapag hindi mo ito ginagamit ay nakakalimutan mo rin, ganun ang wikang Filipino. Naiinis nga ako sa sarili ko kung minsan dahil may mga salitang ginagamitan ko pa ng “Google Translate” dahil hindi ko alam ang katumbas nito sa Filipino. Sa tingin ko’y ang Filipino ay ang pagkakakilanlan natin. Kapag inalis natin ito’y parang inalis na rin natin ang kasaysayang nananalaytay sa ating mga ugat. Kapag inalis natin ito’y baka tuluyan ng malimot ng mga susunod na henerasyon ang pagiging Pilipino. Baka kulang na lang at maalis ang salitang “Philippines” sa mapa dahil hindi naman na ito bansa. Ang bansa’y may sariling pagkakakilanlan at kung aalisin natin ang Filipino’y inaalis din natin ang ating bansa. Ang haba ng sagot ko baka tinatamad na kayong basahin ito. Ito na naman ako, ano nga ba ang natutunan ko? Simple lang, magpakatotoo ka lang. Kung maarte ka, sige lang basta wala kang dalang perwisyo. Kung maldita ka, sige lang basta ba’y wala kang inaapakang iba. Ilabas mo lang ang tunay na ikaw basta’t nasa tamang lugar ka. Siguro ito yung tinatawag na “attitude,” dapat alam mo yung tiyempo. Mali naman siguro yung habang buhay kang maldita dapat ilugar mo naman. Medyo magkasalungat yung mga binaggit ko pero nakuha niyo naman yung punto ko diba? Hindi ko alam kung tinatamad akong mag-isip pero sa katunayan ay wala akong masabing mali. Siguro may mga pagkakataong nagrereklamo ako dahil mahirap pero hindi naman lahat ay madali diba? Siguro may mga pagkakataong natatakot

Upload: theodoreestrada

Post on 14-Dec-2015

11 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

essay

TRANSCRIPT

Page 1: Ano Ang Filipino

Ano ang Filipino? Sa unang dinig o tingin ay tila napakadaling sagutin nito. Ano nga ba ito? Napaisip tuloy ako. Halos araw-araw ko rin itong inaaral at sinasalita pero tila wala pa rin itong tiyak na depinisyon para sa akin. Napakalawak kasi ng sakop nito. Kung bilang asignatura’y para itong History na inaaral din yung kasaysayan. Pwede rin naman siyang Values dahil sa mga aral na turo nito. Ang maganda rito ay yaong praktikal ito. Hindi siya yung tipong inaral mo ng pagkahirap-hirap tapos hindi mo rin pala gagamitin. Kadalasan kahit Pilipino na tayo’y hindi pa rin natin alam yung kultura natin. Kailangan pa natin ng asignaturang ito upang ipaalala sa atin ang tunay na tayo upang hindi natin malimot ang sariling tayo. Kung sa wika nama’y mas lalong mahalaga ito. Minsan pa nga’y ni sariling wika’y hindi kayang salitain. Alam mo, kahit akala mong alam mo kapag hindi mo ito ginagamit ay nakakalimutan mo rin, ganun ang wikang Filipino. Naiinis nga ako sa sarili ko kung minsan dahil may mga salitang ginagamitan ko pa ng “Google Translate” dahil hindi ko alam ang katumbas nito sa Filipino. Sa tingin ko’y ang Filipino ay ang pagkakakilanlan natin. Kapag inalis natin ito’y parang inalis na rin natin ang kasaysayang nananalaytay sa ating mga ugat. Kapag inalis natin ito’y baka tuluyan ng malimot ng mga susunod na henerasyon ang pagiging Pilipino. Baka kulang na lang at maalis ang salitang “Philippines” sa mapa dahil hindi naman na ito bansa. Ang bansa’y may sariling pagkakakilanlan at kung aalisin natin ang Filipino’y inaalis din natin ang ating bansa. Ang haba ng sagot ko baka tinatamad na kayong basahin ito.

Ito na naman ako, ano nga ba ang natutunan ko? Simple lang, magpakatotoo ka lang. Kung maarte ka, sige lang basta wala kang dalang perwisyo. Kung maldita ka, sige lang basta ba’y wala kang inaapakang iba. Ilabas mo lang ang tunay na ikaw basta’t nasa tamang lugar ka. Siguro ito yung tinatawag na “attitude,” dapat alam mo yung tiyempo. Mali naman siguro yung habang buhay kang maldita dapat ilugar mo naman. Medyo magkasalungat yung mga binaggit ko pero nakuha niyo naman yung punto ko diba?

Hindi ko alam kung tinatamad akong mag-isip pero sa katunayan ay wala akong masabing mali. Siguro may mga pagkakataong nagrereklamo ako dahil mahirap pero hindi naman lahat ay madali diba? Siguro may mga pagkakataong natatakot ako sa inyo Ginang Domingo ngunit lahat naman ng tao’y nauubusan din naman ng pasensya, hindi ba? Kung sa asignatura’y talagang gusto ko ang estilo niyo ng pagtuturo. Hindi ko mailarawan basta ang alam ko’y gusto ko ang pamamaraan niyo. Nakapagpapatawa ito na hindi kailangang may nilalait at ginagaya. Hindi ko mahiling na bawasan ang paghihigpit sa grado kasi ang dami niyo pang pinautang sa amin na hindi pa namin nababayaran. Ang dami niyo na ring binatong tsansa na hindi namin nasalo. Ito na lang siguro, kung kaya niyo pang magturo’y wag muna kayong magretiro. Alam kong kung minsa’y nakakapagod pero kailangan pa naming mga bata ang mga katulad ninyo.