ap 7 lesson no. 33-a: mga ideolohiya na lumaganap sa pilipinas

2
Lesson 33-A: Mga Ideolohiya na Lumaganap sa Pilipinas Ideolohiya – ito ay ang kalipunan ng mga paniniwala na pinaniniwalaan ng isa o pangkat ng mga tao. Dito binabatay ng pamahalaan ang paraan ng kanyang pamamahala sa ideolohiyang sinusunod nila. Antoine Destutt de Tracy – Siya ang nakabuo ng salitang “ideology”. Iba’t-ibang Ideolohiya na Lumaganap sa Pilipinas: 1. Demokrasya – Nagmula sa salitang “demoskratus” na ibig sabihin ay pamamahala ng mga tao. Ito ay isang uri ng ideolohiya na pinamamahalaan ng sangkatauhan. Sa ideolohiyang ito, may nagaganap na free elections. 2. Komunismo – Nagmula sa salitang Latin “communis” na ibig sabihin ay “pandaigdigan”. Ayon sa ideolohiyang Komunismo, lahat ng tao, Mayaman man o mahirap ay pantay-pantay. Kontrolado ng pamahalaan ang produksyon. Communist Party of the Philippines – Ito ay ang pangunahing partidong komunista sa buong Pilipinas. Ito ay itinatag noong Disyembre 26, 1968, kasabay na ikapitongpu’t-limang kaarawan ni Mao Zedong. Si Jose Maria Sison ay ang lider ng partidong ito. Si Jesus Lava ang naging unang secretary ng Communist Party of the Philippines. Ang pangunahing ideyolohiya ng partidong ito ay Communism-Marxism-Leninism. 3. Sosyalismo – Nagsimula sa salitang Latin “sociare” na ibig sabihin ay “pagbabahagi o share”. Ayon sa ideolohiyang Sosyalismo, kontrolado ng mga Mamamayan ang mga negosyo at pagbabahagi ng pantay-pantay ang mga yaman ng isang bansa. Philippine Democratic Socialist Party – Ito ay itinatag noong Mayo 1, 1973 sa pangunguna ni Norberto Gonzales. Nanguna rin

Upload: jmpalero

Post on 10-Feb-2017

458 views

Category:

Education


52 download

TRANSCRIPT

Page 1: AP 7 Lesson no. 33-A: Mga Ideolohiya na Lumaganap sa Pilipinas

Lesson 33-A: Mga Ideolohiya na Lumaganap sa Pilipinas

Ideolohiya – ito ay ang kalipunan ng mga paniniwala na pinaniniwalaan ng isa o pangkat ng mga tao.

Dito binabatay ng pamahalaan ang paraan ng kanyang pamamahala sa ideolohiyang sinusunod nila.

Antoine Destutt de Tracy – Siya ang nakabuo ng salitang “ideology”.

Iba’t-ibang Ideolohiya na Lumaganap sa Pilipinas:

1. Demokrasya – Nagmula sa salitang “demoskratus” na ibig sabihin ay pamamahala ng mga tao. Ito ay isang uri ng ideolohiya na pinamamahalaan ng sangkatauhan. Sa ideolohiyang ito, may nagaganap na free elections.

2. Komunismo – Nagmula sa salitang Latin “communis” na ibig sabihin ay “pandaigdigan”. Ayon sa ideolohiyang Komunismo, lahat ng tao, Mayaman man o mahirap ay pantay-pantay. Kontrolado ng pamahalaan ang produksyon.

Communist Party of the Philippines – Ito ay ang pangunahing partidong komunista sa buong Pilipinas. Ito ay itinatag noong Disyembre 26, 1968, kasabay na ikapitongpu’t-limang kaarawan ni Mao Zedong. Si Jose Maria Sison ay ang lider ng partidong ito. Si Jesus Lava ang naging unang secretary ng Communist Party of the Philippines. Ang pangunahing ideyolohiya ng partidong ito ay Communism-Marxism-Leninism.

3. Sosyalismo – Nagsimula sa salitang Latin “sociare” na ibig sabihin ay “pagbabahagi o share”. Ayon sa ideolohiyang Sosyalismo, kontrolado ng mga Mamamayan ang mga negosyo at pagbabahagi ng pantay-pantay ang mga yaman ng isang bansa.

Philippine Democratic Socialist Party – Ito ay itinatag noong Mayo 1, 1973 sa pangunguna ni Norberto Gonzales. Nanguna rin ang partidong ito sa pag-aalsa ng mga Pilipino noong EDSA Revolution noong 1986.