bakit mahalagang tangkilikin ang wikang pilipino

2

Click here to load reader

Upload: ranin-manilac-melissa-s

Post on 25-Nov-2014

914 views

Category:

Documents


19 download

TRANSCRIPT

Page 1: Bakit Mahalagang Tangkilikin ang Wikang Pilipino

Makikita natin sa mundong ito na lumalaki na ang pangangailangang matuto tayo ng wikang Ingles. Patuloy na lumiliit ang mundo dahil sa dumadaling paglalakbay sa pagitan nga mga bansa at patuloy na dumadami ang ibayong kalakal na pumapasok sa ating bansa. Dahil dito, nakalagay na sa mga isipan ng mga Pinoy na marapat lamang na hasain na natin ang pananalitang banyaga. Gayunpaman, sa konteksto ng lumiliit na mundo at lumalagong ibayong kalakal, higit pang mahalaga na pagyamanin nating ang kaalaman natin sa wikang Filipino. Tumitingkad ang pangangailangang maging hiyag tayo sa sariling wika , hindi lamang upang mangusap, ngunit dahil ang ating wika ay sisidlan ng ating mga pagpapahalaga, kasaysayan at kultura- mga bagay- bagay na hindi nahuhuli ng payak na pagsasalin sa ibang wika. Kung tayo’y makikitao sa ibang lahi at kultura, ang ating pagpapakilala sa sarili at sa bayan ay maaayon sa mga ito. Ito nga ay nagpapahayag na makikilala talaga ang ating identidad dahil sa wika.

Wikang Filipino ay talagang nagiging isang simbolo ng pagiging ganap na malaya ang ating bansa mula sa mga dayuhang sumakop sa atin. Mahalaga ang papel na ginagampanan nito sa buhay nating lahat. Walang taong makapagsabi na ni minsan ay hindi siya gumagamit ng kahit ano mang anyo ng wika. Lahat ng uri o antas ng tao sa mundong ibabaw ay ginagamit itong kasangkapan sa iba’t ibang larangan; pang-ekonomiya, pampulitika, pang-edukasyon, panrelihiyon at panlipunan. Sa wika din nasasalamin ang mga adhikain, pangarap, saloobin, damdamin, kaalaman, pilosopiya, paniniwala, moralidad at karanasan ng bawat isa. At binubuo ng wika ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian, at kinagawian ng mga nagsisilbing pundasyon ng ating kultura. Sa tulong ng wika, ang isang tao’y makapamumuhay nang maayos at maigagapang niya ang kanyang sarili sa kanyang kapaligiran. Ang ating wika talaga ay nagpapalawak at nagbubuo ng ating pagkatao.

Lahat ng mga nangyayari sa buhay ng kamalayan ng tao ay tiyak na may kinalaman ang wika ditto. Tayo nga ay may kanya kanyang ibat ibang hibla ng buhay na kapagka hinabi sa isa ay mabubuo ang isang malaking katotohanan. Magkakaiba man tayo, may komon na bagay na nag uugnay sa atin. At ito ay ang ating wika.

Kilalanin natin ang ating sarili. Kilalanin natin ang ating wika dahil kung wala ito ang landas na ating tinatahak ay puros kabiguan.