barangay

15
Aralin I: Paraan ng Pamamahala

Upload: jetsetter22

Post on 03-Jul-2015

222 views

Category:

Documents


8 download

TRANSCRIPT

Page 1: Barangay

Aralin I: Paraan ng Pamamahala

Page 2: Barangay

Ang ating bansa ay may sarili nangparaan ng pamamahala at masasabingmaayos na kalagayang panlipunan noonpa man. Hindi nga lamang ito nakilalakaagad dahil pampamayanan lamang angsistemang umiiral noon. Ibig sabihin nito,sa bawat lugar o tribo ay may kani-kaniyang sistema at walang pambansangpamhalaang matatawag.

Page 3: Barangay

Kilalanin rin natin ang mgakasingkahulugan ng mga sumusunodna mga salita sa kahon upang higit namaging madali para sa atingmaunawaan ang araling ito.

Page 4: Barangay

batas – alituntunin ng kagandahang-asal opamantayang kinikilala at sinusunod sa isang komunidad naipinatutupad ng mga namumuno rito.

teritoryo- lawak ng lupang pag-aari ng isangpamahalaan o mamamayan

tagapagpatupad- kapangyarihan ng pinunong ipatupado ipagawa sa mga mamamayang ang nagwang batas.

Page 5: Barangay

tagapagbatas – kapangyarihang ng pinunong gumawao lumikha ng batas na makakatulong sa kaunlaran ang mganagawang batas.

tagahukom- kapangyarihan ng pinunong maglitis ohumatol sa sinumang nasasakuoang lumabag o nagkasala sabatas

Page 6: Barangay

Ang Barangay…

Page 7: Barangay

Ayon sa kasaysayan, may isang bangkangMalay na dumating sa Pilipinas. Balangay ang tawagsa bangkang ito. May paniniwalang sa bangkang itosumakay ang mga unang taong nakarating sa atingbansa. Sinasabi na ang bangka ay nakakapagsakayng 60-90 katao. Sakay ng bangka ang isangpamilyang binubuo ng mga magulang, mga anak,kamag anak, at mga alipin. Pumili sila ng panahanansa kapuluan at nagsimulang magtatag ng isanglipunan.

Page 8: Barangay

Balangay

Page 9: Barangay

Mula sa lipunang ito natatagang isang uri ng pamahalaan natinawag nilang barangay.

Barangay ang tawag sapamahalaan ng mga unangPilipino.

Page 10: Barangay

Sa kalagayang panlipunan ng mga

unang Pilipino, ang bawat barangay ay may

sarili at malayang pamamahala kaya’t

walang matatawag na hari o pinakapinuno

ng lipunan. Ang bawat barangay ay may

kani-kaniayang pinuno at batas na umiiral.

Page 11: Barangay

Datu ang tawag sapinuno ng barangay.

Raja o Lakan namanang namumuno sa higitna malaking barangay.

Page 12: Barangay

Ang datu ang nagsisilbing tagapagbatas,

tagapagpaganap at tagahukom.

Siya rin ang itinuturing na punong militar sa

pamayanan.

Katulong ng datu ang matatandang

kasapi ng barangay.

Page 13: Barangay

Sa pagpili ng datu, tinitignan ang lakas,

tapang, at tatag ng loob ng isang tao upang

matiyak ang kakayahan nitong ipagtanggol ang

kanyang barangay sa mga kaaway.

Ang pagiging datu ay maaaring mamana.

Kapag ang datu ay namatay na walang anak na

babae o lalaki, ang mga tao sa barangay ang

pipili ng bagon datu ngunit siya ay dapat na….

Page 14: Barangay

pinakamayaman, pinakamakisig,

pinakamatapang, at pinakamatalino.

Sapagkat ang datu ang pinakamataas,

iginagalang siya ng lahat. Makakaasa siya sa

paglilingkod ng mga alagad sa panahon ng

digmaan, paglalayag, pagbubungkal ng

lupa, pangingisda at paglalayag.

Page 15: Barangay

Magkahalong lupit at kabutihan ang uri ng

pamamahala ng datu. Dahil sa kanyang

kapangyarihan, maaari niyang ipatapon ang isang

alagad o kunin ang ari-arian nito. Sa kabilang

dako, nagpapamalas din siya ng kabaitan at

pakikipagkapwa sa mga nasasakupan. Lagi niyang

ipindarama sa kanyang mga alagad ang

kahalagahan ng pagtulungan at pagkakaisa.