candy story rebound

89
“Anne, I love you so much” ”I love you too, Enzo” Ang ganda ganda ng pinapanood ko. Feel na feel ko yung scene ng mga bida.Kakakilig. Maayos na sana ang lahat kung hindi lang nilipat ni kuya sa basketball channel. Lagi na lang ganun tuwing nanonood ako. “Kuya! Bakit mo nilipat? Kita mong nanonood ako.”Bwisit talaga yang basketball na yan kahit kailan. “Ang baduy naman kasi ng pinapanood mo Denise. Koreanovela.” Tumawa pa sya ng nakakaasar. Ang pangit na ‘toh. Ang sarap ganutan. “Eto ang maganda.” Sabay turo nya sa tv. “Basketball” “Tingin mo manonood ako nyan?Ayoko yan!” Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko. Makatulog na nga lang. “Dumaan nga pala si Yuan kanina, hinahanap ka. ” ang tamad talaga ‘nun lagi na lang sumisigaw. Maya-maya naman, nagvibrate yung phone ko. May nagtext. > Denise, dumaan ako jan sa inyo knina kya lng wla ka. Sa2bihin q lng . Bkas na po ung flight q. Tke care.I will mz u. -Yuan > Ok. Take Care. God bLess. Si Yuan , kaibigan ko yan.Kaklase ko sya noon sa Plainfield Elementary hanggang sa nagkahiwalay na kami ng school. Ako sa Brayden Johnson High School at sya sa St.John Academy. Ayos naman sya. Mabait, God- fearing, matalino,at mala- angel yung mukha...and my long time crush. Ayyy!!! Krrringgg! Alarm clock. 5:30 na.Pasok na naman sa school. Nagready naman na ako. Naligo,nagbihis ,basta yung normal na ginagawa bago pumasok sa school. Nagbreakfast din naman ako. Rice, as usual,at egg na sunny side-up.My favorite. Oops, it’s 6:30.Time to go to school. “Ate,alis na ako” yan si Ate Mye. Actually, kapatid sya ni Mama kaya lang bata pa daw sya kaya ‘ate Mye’ na lang. CLose din kami ng tita ko na yan. “Ok.Ingat. Teka,hindi mo na hihintayin si Daryll?” si Daryll nga pala ang bunso kong kapatid. “Naku, hindi na. Nagpapagwapo pa yun. Bukas pa matatapos. Tsaka dadaan pa ako sa simbahan.” “Ah...sige pala. Lakad na.” sabi ko nga eh,lalakad na ako. On my way to school,dumaan muna ako sa tindahan ni Manong Bert para bumili ng juicy fruit. Naubusan na kasi ako. Si Manong Bert ay kapatid ng lolo ko so parang lolo ko na din sya. “Den-Den,eto na ang’ bagol gam’ mo. Anong grade mo na ba?” Tumawa na lang ako.As usual,mali na naman ang pronounciation nya sa ‘bubble gum’ at tinatanong na naman nya kung anong grade ko. Eh halos araw araw na nya iyon tinatanong eh. “3rd year high school na po, Manong.” --7 a.m na ako dumating sa school. Nagsimba muna ako saglit. Nakasabay ko naman si Leah papasok sa school. Si Leah matagal ko nang kaibigan yan.Kaklase ko din sya. Ang ingay ng mga estudyante at yung mga teachers parang busy for some reasons. Bakit kaya? “Leah,anong meron? Bakit hyper ang mga yan?” “Hindi mo alam? Hindi ka ba nakikinig ng announcements?” “Hindi.Kaya nga nagtatanong ako eh.” “Ngayon ipapakilala yung varsities ng B.J high. ‘Lam mo yun, volleyball,soccer,at ang pinakaaabangan ng lahat...basketball.Excited na nga din ako.” Excited din sya? “Leah, correction lang ha. Hindi ako kasama sa mga nag- aabang sa basketball.” “Ay. Oo nga pala. Pasensya na, tao lang.” Mukhang ako lang naman ang hindi excited sa araw na ito. Sumugod na sa gym yung mga kaklase ko noong narinig na turn na daw ng basketball team. Bakit ba ganun na lang ka-big deal ang Sports team? Lalo na yang basketball na yan. Ganoon nga siguro kapag foreigner ang owner. American pa. Kaya big deal yung sports. Hindi ako sumama sa mga kaklase ko. Doon ako tumambay sa garden malapit sa room namin. Naupo ako doon at binunot-bunot ko yung mga damo. Wala lang, 1

Upload: riellest

Post on 08-Apr-2015

583 views

Category:

Documents


8 download

TRANSCRIPT

Page 1: Candy Story Rebound

“Anne, I love you so much””I love you too, Enzo”

Ang ganda ganda ng pinapanood ko. Feel na feel ko yung scene ng mga bida.Kakakilig. Maayos na sana ang lahat kung hindi lang nilipat ni kuya sa basketball channel. Lagi na lang ganun tuwing nanonood ako.“Kuya! Bakit mo nilipat? Kita mong nanonood ako.”Bwisit talaga yang basketball na yan kahit kailan. “Ang baduy naman kasi ng pinapanood mo Denise. Koreanovela.” Tumawa pa sya ng nakakaasar. Ang pangit na ‘toh. Ang sarap ganutan.“Eto ang maganda.” Sabay turo nya sa tv. “Basketball” “Tingin mo manonood ako nyan?Ayoko yan!”Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko. Makatulog na nga lang.“Dumaan nga pala si Yuan kanina, hinahanap ka. ”  ang tamad talaga ‘nun lagi na lang sumisigaw.Maya-maya naman, nagvibrate yung phone ko. May nagtext.> Denise, dumaan ako jan sa inyo knina kya lng wla ka. Sa2bihin q lng . Bkas na po ung flight q. Tke care.I will mz u. -Yuan> Ok. Take Care. God bLess.Si Yuan , kaibigan ko yan.Kaklase ko sya noon sa Plainfield Elementary hanggang sa nagkahiwalay na kami ng school. Ako sa Brayden Johnson High School at sya sa St.John Academy.  Ayos naman sya. Mabait, God-fearing, matalino,at mala-angel yung mukha...and my long time crush. Ayyy!!!

Krrringgg! Alarm clock. 5:30 na.Pasok na naman sa school. Nagready naman na

ako. Naligo,nagbihis ,basta yung normal na ginagawa bago pumasok sa school. Nagbreakfast din naman ako. Rice, as usual,at egg na sunny side-up.My favorite. Oops, it’s 6:30.Time to go to school.“Ate,alis na ako” yan si Ate Mye. Actually, kapatid sya ni Mama kaya lang bata pa daw sya kaya ‘ate Mye’ na lang. CLose din kami ng tita ko na yan.“Ok.Ingat. Teka,hindi mo na hihintayin si Daryll?” si Daryll nga pala ang bunso kong kapatid. “Naku, hindi na. Nagpapagwapo pa yun. Bukas pa matatapos. Tsaka dadaan pa ako sa simbahan.”“Ah...sige pala. Lakad na.” sabi ko nga eh,lalakad na ako.On my way to school,dumaan muna ako sa tindahan ni Manong Bert para bumili ng juicy fruit. Naubusan na kasi ako. Si Manong Bert ay kapatid ng lolo ko so parang lolo ko na din sya.“Den-Den,eto na ang’ bagol gam’ mo. Anong grade mo na ba?” Tumawa na lang ako.As usual,mali na naman ang pronounciation nya sa ‘bubble gum’ at tinatanong na naman nya kung anong grade ko. Eh halos araw araw na nya iyon tinatanong eh.“3rd year high school na po, Manong.”--7 a.m na ako dumating sa school. Nagsimba muna ako saglit. Nakasabay ko naman si Leah papasok sa school. Si Leah matagal ko nang kaibigan yan.Kaklase ko din sya.Ang ingay ng mga estudyante at yung mga teachers parang busy for some reasons. Bakit kaya? “Leah,anong meron? Bakit hyper ang mga yan?”“Hindi mo alam? Hindi ka ba nakikinig ng announcements?”

“Hindi.Kaya nga nagtatanong ako eh.”“Ngayon ipapakilala yung varsities ng B.J high. ‘Lam mo yun, volleyball,soccer,at ang pinakaaabangan ng lahat...basketball.Excited na nga din ako.” Excited din sya?“Leah, correction lang ha. Hindi ako kasama sa mga nag-aabang sa basketball.”“Ay. Oo nga pala.  Pasensya na, tao lang.”Mukhang ako lang naman ang hindi excited sa araw na ito. Sumugod na sa gym yung mga kaklase ko noong narinig na turn na daw ng basketball team.  Bakit ba ganun na lang ka-big deal ang Sports team? Lalo na yang basketball na yan. Ganoon nga siguro kapag foreigner ang owner. American pa. Kaya big deal yung sports.Hindi ako sumama sa mga kaklase ko. Doon ako tumambay sa garden malapit sa room namin. Naupo ako doon at binunot-bunot ko yung mga damo. Wala lang, trip lang. tiyak magagalit yung hardinero kapag nakita nya yung pinaggagawa ko. Mula sa kinanauupuan ko ay naririnig ko pa ang sigawan ng mga tao sa gym. OA ha. Matagal-tagal din ako nandun tapos bigla na lang may nagsalita sa likod ko.“Oi, hindi dapat kinakalbo yung garden? Bakit mo ba ginagawa yan?”  hoy may pangalan ako no! and it’s not ‘oi’“Wala. Gusto ko lang.” Sabi ko naman habang nakatingala sa kanya. Tapos Umupo sya sa tabi ko.“Bat hindi ka pumunta sa gym? Nandoon lahat sila.”

“Ayoko dun. Mamaya na lang kapag volleyball na. Hindi naman ako interesado sa basketball.Pati sa mga players.  Walang kwenta yun. I hate

basketball. ”

“Talaga? Bakit naman?”

“Basta. May reason kung bakit.” “Alam mo,ayos naman ang basketball eh---” Hindi na nya natapos yung sasabihin nya dahil pumito si Sir Mike na nandoon malapit sa locker room.Sa pagkakaalam ko,coach sya ng isa sa mga sports team ng B.J.H.S.

“V-jay Radley Rivera, halika nga dito. Kung saan-saan ka nagsusuot.  Captain  ka pa naman.” Sumisigaw pa si Sir kasi nga malayo sya. Bakit hindi na lang kaya sya lumapit kaysa nagsisisigaw sya.“Tawag na naman ako, buong pangalan pa.Sige Denise, una na ‘ko.” Tumayo na sya at naglakad na.Ako naman, nakatayo na rin doon.“Teka, Captain ka? Ng ano?” Tumango naman sya tapos hinawakan yung damit nya na tipong pinakikita sa akin yung nakaprint doon at sinabing...“Yup.  Captain ball  ako...ng basketball.” Nagsmile naman sya tapos tumakbo na dahil pumito ulit si Sir .

Ang tanga ko talaga. Naka pang- basketball  pala sya. Bakit ba hindi ko napansin yun?   Naka black  and green na jersey sya.Tapos nakalagay doon yung logo ng school at yung name ng team.‘warriors’ .

Sya pala ang  captain. Nyay! Kakahiya. Ininsulto ko yung sport nya. Napikon kaya yun? Well, anong magagawa ko.  Ayoko naman talaga ng basketball.

Sino nga ba yung kausap ko na’yun? Well, sya si V-jay Radley Rivera. Bukod sa  captain sya ng basketball (na ngayon

1

Page 2: Candy Story Rebound

ko lang nalaman), classmate ko din pero hindi kami close.Sikat sya sa school palibhasa basketball player.Crush ng bayan.Doon sa ‘bayan’ hindi po ako kasali dahil I can’t imagine myself admiring a basketball player. Medyo suplado rin minsan.Ahmm...ano pa ba? Wala na. That’s all I know.

Hindi naman kami nagklase kanina dahil nga sa varsity thing na yun. Nanood sila sa gym at ako?kinalbo ko yung garden.

Habang papalabas sa gate,nakita ko si V-jay. Nagsmile sya sa akin kaya  ngumiti na rin ako. Ngiting pilit.

Pag-uwi ko sa bahay,nagsoundtrip na lang ako dahil wala naman kaming homework. Hindi na ako nag-attempt manuod ng tv dahil tiyak naman na ililipat ni kuya sa basketball channel.  Nakatulog na nga siguro ako habang nakikinig sa iPod, dahil ang sunod na nalaman ko, umaga na pala.

Nagriring yung phone ko.

Mama calling...“Hi Ma. I’m fine. I know pupuntahan ko nga sya mamaya. Yeah.promise.”

That’s my mom. Kahit na malayo sya, she still calls me just to check if I’m fine. Especially sa mga araw na tulad nito. Pumasok naman na ako sa school. Dumaan muna ako sa simbahan. This time, kasama ko si Daryll at Kuya Darren.

Maaga pa ng dumating ako sa school. Napatingin naman ako sa basketball court,kaya may naalala ako. Bigla naman

dumating si Leah.

“Oi, ang lalim ng iniisip mo dyan.” “May naalala lang ako.” Nakatingin pa rin ako sa basketball court.“Ang tagal na rin pala ‘noh?” Tumango naman ako.Alam ko naman alam nya kung ano yung naalala ko na yun. “Tara nga,lakad tayo”

Naglakad-lakad  nga kami ni Leah.Panay naman ang tira nya ng jokes. Para naman ngumiti ako dahil parang byernes santo daw ang mukha ko. Effective naman yung jokes nya kahit paano.Nakafocus naman ako sa lessons namin. Kahit na medyo lumilipad yung isip ko paminsan-minsan. Nung breaktime,naupo lang ako doon sa may malaking payong at nagchew ng juicy fruit.  Si Leah naman ay wala dahil may meeting yung club nila kaya solo flight ang drama ko.

“Denise.”

Nasan ba yun? Tumingin ako sa gilid at sa likod ko pero wala naman. Yun pala nasa harapan ko na. Si V-jay. Ang hilig manggulat nito.

“Ikaw na naman?  Ginulat mo ko  ha. Bigla ka na lang nasulpot.” Tumawa naman sya tapos umupo sa tapat ko.“Sorry po. Ang layo ng tingin mo eh kaya hindi mo ko napansin. May problema ka ba?” “Ha..ano...wala.” at kung meron, hindi ko rin naman sasabihin sayo.“Alam mo kung kailangan mo ng kausap, pwede naman  ako.”“Ok lang ako. Thanks anyway.”“Sigurado ka?” Yung tingin naman nya ay parang nagdududa pa.

“Oo nga.”  Kulit ah.

Tumango ako tapos inalok ko naman sya ng juicy fruit. Tinanggap naman nya tapos nagblow sya ng bubble. Pinapatunog pa nga nya ng malakas. Hanga naman ako dahil ang kaya ko lang ay  yung simpleng bubble.Nagkwentuhan naman kami tungkol doon sa last subject namin. Nagalit kasi si Ms. Guevarra. Katakot nga yun eh. Parang kakainin kami. Nagring naman na yung bell kaya bumalik na kami sa room.

Noong uwian na, bumili muna ako ng juicy fruit doon sa labas ng school.Tinawag naman ako ni Leah at niyaya akong sumabay sa kanila pero tumanggi ako. May dadalawin pa kasi ako.“ Ok lang. Wag na. Baka magtagal ako ‘eh.”Sure ka ha?"   tumango naman ako.”Sige pala. Bye na. Ingat ka. ”

Umalis na sya at ako naman naglakad na rin. Dumaan muna ako sa flower shop at bumili ng bulaklak para kay Dustin. Dumeretso naman ako sa Holy Cross Cemetery kung saan sya nakalibing. Naupo ako doon sa damuhan. Nilagay ko yung flowers at sinindihan ko yung candle.“9 years na rin, Dustin. Ang tagal na. Miss na miss na kita.” Hindi ko naman napigilan yung luha ko. Sabagay ok lang naman. Wala din namang ibang tao dito. Nagsasalita pa rin ako doon. Nagkwekwento kay Dustin tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa akin.

In the corner of my eye, may nakita akong sapatos.  Kinabahan ako, baka

kung sino na yun. Dahan-dahan akong lumingon.

“Denise.” Nagbuntong hininga naman ako. Hay....si V-jay lang pala. Na naman?“Tinakot mo ko dun ah. Anong ginagawa mo dito?” Tumayo na din ako.“Sorry, sinundan kasi kita. ” Nyay.stalker! “Kanina kasi sa school, napansin ko, something’s wrong with you.” Tumingin lang ako sa kanya tapos ibinalik ko yung tingin ko doon sa lapida.

“Dustin Lorence Mendoza?”"Who is he?"\;?“Kapatid ko sya.Actually, twin brother ko. ”

Tumingin ulit sya sa lapida.Tingin ko binabasa nya yung mga nakasulat doon. Yung dalawang kamay nya ay nasa bulsa nya.“Death day nya pala  ngayon. Now I know the reason why you’re sad."“Oo.eto nga yung reason.”“Ok lang bang itanong kung ano yung nangyari sa kanya?” “Ah..ano..” sasabihin ko ba o hindi? Sabagay, hindi na rin naman maibabalik si Dustin kung itatago ko. Baka makatulong din naman kung ishare ko. “Sobrang close kami ni Dustin.He’s my twin brother, savior, and best friend in one.  He passed away 5 years ago. Sobrang lungkot ko ‘nun. Kasali sya sa isang basketball team. May game sila noon then naaksidente sya. Tumama yung ulo nya sa semento. Nawalan sya ng malay. Noong  dinala namin sya sa hospital. Ang sabi internal bleeding daw. Then, after 15 hours, nagclot yung blood sa utak nya kaya nawalan ng oxygen dun. Dahilan kung bakit sya namatay. At yun

2

Page 3: Candy Story Rebound

din ang reason kung bakit biglang nawalan na ako ng gana sa basketball...” Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Sunud-sunod na.“Sorry.” Pinunas nya yung luha ko ng panyo nya. “I’m sure, hindi nya gugustuhin na i-hate mo ang basketball.”“Kung iisipin mo OA di ba?  Pero narerefresh kasi sa utak ko  yung mga nangyari noong araw na ‘yun. Lalo na kapag nakakakita ako ng basketball game or yung mga bagay na related ‘dun. I just hate the feeling. Ayoko na maramadaman ulit yung mga naramdaman ko nung time na yun. Kung hindi naman  dahil sa basketball, buhay pa sana ngayon si Dustin. ”“Hindi kita masisisi dyan. Pero ‘lam mo, basketball is awesome...Malalaman mo din someday..“ Sabi mo lang yan dahil basketball player ka. Favorite sport mo kaya nasabi mo na it’s ‘awesome’.“it’s like love.”

Hindi ko naman na pinansin yung sinabi nya. Napansin ko kasi na madilim na. Inayos ko na yung flowers at kinuha ko na yung bag ko. Inalis ko yung mga tuyong dahon sa paligid ng pangalan ni Dustin. Dapat kanina ko pa ginawa kaya lang nalimutan ko. Pagkatapos noon ay tumayo na ko.“V-jay, uuwi na ako. Baka hinahanap na ako sa bahay. Ikaw ba?”“Uuwi na rin. Sabay na pala tayo. San ba ang sa inyo?”“Westview.”“Tamang tama pala. Tara na.”

Naglakad na kami noon. Medyo nakakatakot nga dahil gabi na. Konti lang yung ilaw at walang mga tao sa paligid. Idagdag mo pa yung fact na nasa libingan

kami.

Paglabas sa gate ng Holy Cross Cemetery, Nagkwentuhan na kami. Si V-jay naman patingin –tingin sa lupa, magsasalita, tapos titingin sa akin at ngingiti paminsan-minsan. Binigyan ko na naman sya ng juicy fruit at pinatunog na naman nya. Kainis talaga.Bakit hindi ako marunong nun? Sa bahay naman, pinapasok ko sya pero hanggang terrace lang. Nandoon din sina kuya Darren at Daryll kaya pinakilala ko naman. Hindi na rin daw sya magtatagal dahil may homework pa.“Thanks ha.” “No problem. Basta ‘wag ka na malungkot. I’m sure masaya na sya kung nasan man sya ngayon,kaya dapat ganun ka rin sa kanya.” Tumango lang naman ako sa kanya.

Sinamahan ko naman hanggang sa gate. Nagtataka lang ako kung bakit pakanan sya.Dapat pakaliwa eh.

“Ei, bakit dyan ka pupunta? Pabalik yan ah./”“Alam ko. Dito ako papunta kasi dito daan pauwi sa amin.”   “Ha? Eh saan ba ang bahay nyo?” sabi ko naman.

“Sa Freemont.”   Ha? Sa Freemont? 5 na  kanto na ang lumampas bago ang bahay namin. Akala ko naman mas malayo yung kanila.“Sana pala hindi mo na ako hinatid napalayo ka pa.”“Ayos lang yun.Basta ikaw.Bye, Denise. Goodnight.”   Basta ako? Anong meron? Naglakad naman na sya ‘nun,malamang pauwi sa kanila. Ako naman, sinarado ko yung gate at pumasok na sa loob.

Maggagawa pa kasi ng homework. Mag-10 p.m. na yata ako natulog. May nagtext pa nga sa akin eh. >Ei, Denise. Good nyt po. Swit dreams...  –V-jay.>Nyt2.

Nagreply naman ako pero maikli na lang,konti na lang load ko eh at tsaka inaantok na rin ako. Naisip ko lang, kakaiba ang araw na ‘to not just because it’s Dustin’s death day. Hindi lang ako makaapinawala na kasama ko kanina  ang team captain ng basketball team ng Brayden High. It’s just so unusual. Hindi rin nagtagal, nakatulog na ako.Napasarap yata ang tulog ko kaya nandun si ate My. Inaalog-alog nya ako para magising.

“Ms.Denise Lauren Mendoza. Gising na po. Tatanghaliin ka na. ”

Bumangon naman na ako. Ginawa ko yung daily routine ko. Masaya naman kasi Friday na. Walang pasok kinabukasan. Kasabay ko  si Daryll papasok sa school. Humihingi pa nga sya ng advice para dun sa nililigawan nya. Ako naman, todo bigay ng payo nga kahit ako mismo ay walang alam tungkol sa mga ganung bagay.

Ordinary day lang naman ngayon. Noong lunch, kasabay ko sina Leah at yung iba pa naming kaibigan. Natakam ako doon sa babae na nasa kabilang table na kumakain ng pork barbecue at kanin kaya tumayo ako para bumili.

Pagdating ko dun sa tindahan, last two pieces na lang kaya binilisan ko yung lakad. Swerte ko naman at may nakauna

pa sa akin na lalaki. Binabayaran na nya yung barbecue. “Ate, wala na po talaga kayong barbecue?!Paborito ko pa naman ‘yun.”“Kare-kare na lang.Masarap din yan. Bagong luto pa.”“Allergic po ako sa peanut butter eh.Ang konti naman yata ng luto nyo ngayon. Malas ko naman.” Sabi ko na parang bata na inagawan ng candy.  Disappointed talaga ako. Kanina pa ako natatakam sa barbecue eh.

“Ganun ba? wala na talaga eh. Huling piraso na ‘to. Nabili na nya. ” Sabay turo nya dun sa lalaki kaya tiningnan ko.

Nyek. Si V-jay pala.  Hindi ko napansin na sya yun dahil naka-ball cap sya. Kapag swerte ka nga naman. Sya lagi ang nakakatapat ko.Nakatingin pa sya sa akin nun. Oh my gosh. Ang cute nya pala talaga lalo na kapag naka-cap. But still, that’s not enough para mapabilang ako sa ‘bayan’.Natigilan nga ako eh, buti na lang nagsalita yung babae sa tindahan.

“Oh, V-jay, ito na barbecue mo.” Inabot nya na yung barbecue at kinuha na ni V-jay.“Denise, sayo na lang itong barbecue oh.Pipili na lang ako ng iba.” Ganun? Kakahiya naman.“Ha? Wag na. Ako na lang ang pipili ng iba. Sayo na yan eh. Nabayaran mo na.”“Yun lang ba? Sige na,iyo na yan.Libre ko na sa’yo.” Ngumiti naman sya.“V-jay!!! Dalian mo. Magsisimula na yung meeting.”  Anong meeting naman ‘yun?“Sige pala Denise. Una na ‘ko. Bye.” Sabay kinuha nya yung kamay ko at binigay yung barbecue. Pagkatapos ‘nun ay tumakbo na sya.

3

Page 4: Candy Story Rebound

“V-jay!” Lumingon naman sya pero medyo malayo na sya. “Salamat.”Tumango lang naman sya tapos tumakbo na ulit.

Ako naman, pumunta na sa table at kumain na.  Medyo nakakakonsensya pala kapag yung kakainin mo ay parang inagaw mo lang pero kinain ko pa rin . Ang sama noh?

Last subject, Social Studies, wala kaming ginawa. Paano, wala namang teacher. Nasa seminar daw. Mabuti naman ‘noh dahil ang dami magpasulat ‘nun. Nag-ingay na yung mga kaklase ko,palibhasa walang teacher. Ako naman,ngumunguya ng juicy fruit doon. Pagkakataon na ‘toh dahil walang teacher. Bawal kasi talaga.

Sinusubukan ko nga paputukin ng malakas yung gum tulad ng ginagawa ni V-jay pero hindi ko talaga magawa. Kainis, ang hirap. Busyng busy ako sa pagtry tapos may narinig na lang akong tumatawa.“Hindi ka marunong? Ang dali lang ‘nyan eh” May pagkamayabang din naman pala ‘to.Lumapit sya at umupo sa katapat kong upuan. Itinaas pa yung paa nya sa upuan nung isang classmate namin. Feeling nya nasa bahay sya.“Akin na, penge ng gum. Tuturuan kita.”Binigyan ko naman ng gum, tapos maya-maya lang pinaputok na nya ng malakas. Nagtinginan nga yung ibang kaklase namin. Yung iba naman, deadma lang. Tinuro nya sa akin kung paano ‘yun. Kung titingnan mo, sisiw lang pero ako nahihirapan. Nakailang try yata ako. Nakasampu yata ako bago ko mapatunog

ng malakas.

“Yay. Marunong na ‘ko.” After 50 years.“Oh di ba? Madali lang.” Heck no! Napagod nga yung dila ko.Pinaputok ko ulit tapos malakas yung tunog. Practice lang. Baka makalimutan ko eh.

Nag-ring naman na yung bell. Uwian na. Dumaan muna ako sa locker ko tapos nakasalubong ko si Daryll. Mamaya pa daw sya uuwi, ihahatid daw nya kasi si Gwen. Yun yata yung nililigawan nya.

Malapit na ako sa gate ‘nun nang biglang may tumawag sa akin. “Denise.”  Si V-jay, tumatakbo na naman.

Tumigil naman ako sandali hanggang sa makarating na sya sa lugar ko.“Bakit? ”   Sabi ko naman.Sabay na kaming naglalakad ngayon.“Uuwi ka na ba?”   “Oo.”“Bakit? May gagawin ka?” Ay.Ang daming tanong nito.“Wala naman. Friday eh.”“Tama pala. Samahan mo naman ako sa Mall.” Bakit ako pa? Tsaka Mall? Anong gagawin sa mall? “Sa mall? Bakit? Bakit ako?” Tiningnan ko naman yung bag ko kung may pera pa ako.“May bibilhin lang tsaka maglilibot na din. Tska, basta, gusto lang kita makausap ng mas matagal. Sige na oh...please? ”

Ano namang pag-uusapan namin?

Let me think. Friday naman ngayon, konti lang homework. Kaya lang wala akong pera.

“Sige, basta ba ililibre mo ko eh.” Ay.ang kapal ko!--“Of course.”

 Ok lang naman kina lola dahil Friday nga.Hala sige...gagala muna ang lola nyo.

Sumakay na kami sa jeep papunta sa Mall. Hindi naman pwedeng lakarin yun eh. Ang layo kaya.

Una naming pinuntahan...KFC. Syempre, para kumain. Ano pa bang ginagawa ‘dun? Wala naman problema sa akin kung doon kami kumain, paborito ko yata yung KFC.“Denise, ok lang ba dito tayo? Paborito ko dito eh. ” Paborito din nya dito?

Umoo naman ako.Hindi ko na sinabi na paborito ko din dito. Baka sabihin pa, gaya-gaya ako sa kanya.

Umorder naman na kami. Fried chicken, syempre. Dalawa nga yung kanya eh. Nagulat nga ako pero sabi nya hindi pa daw sya naglunch. Naubusan na ng time dahil sa basketball practice. See?

basketball na naman!  

Pagkatapos kumain,nagpahinga sya saglit. Nabusog yata. Maubos ba naman yung dalawang fried chicken. Nakakatawa nga yung itsura nya.“Saan mo paborito kumain?”“Ahmm...actually,KFC” hindi kita ginaya ah!“Anong laman ng purse mo?” bakit ka interesado? Naka naman. Bading pa yata ‘to.  “Hindi naman ako nagdadala ng purse. Ang dala ko lang naman lagi eh cp, panyo, pera tsaka gum.Yun lang.Kasya

naman sa bulsa ang mga yun.”

“Alright then...” Alright then what? Bakit bitin?!

Umalis na kami sa KFC at pumunta kami sa sa Sports Authority. Bumili sya ng knee & elbow pad doon. Nawala daw yung kanya eh may game sila bukas. Nagtingin-tingin lang naman ako doon. Napansin ko na may katulad dun yung ball cap nya. Malamang doon nya din yun nabili.

Next stop, pet store.“Pet store? May bibilhin ka din dito?” “Oo, food para kay Milo.” Sino naman yun? Pinapakain na pala ngayon ang pagkain ng hayop ang chocolate drink. Mapakain nga ng darak yung ovaltine. "Pet namin. Pomeranian sya. Makilala mo rin sya one day. Ipapakilala ko sa’yo.”  Waah! Aso. Ayoko nga. Takot ako sa aso. Kinuha na nya yung dog food at binayaran na sa cashier..200 pesos na para sa pagkain ng aso? Ang mahal naman. Yung aso namin, tira-tira lang ang kinakain eh. Sa bagay, Pomeranian dog yung kanya,yung sa amin askal lang.

Sumakay kami ng jeep at bumaba sa doon sa kanto. Hindi naman kasi nadaan ang jeep sa lugar namin kaya naglakad pa kami tuloy. Hinatid nya ako kahit may kalayuan yung kanila sa amin. Gabi na daw kasi at maraming sira-ulo sa daan. Bahala nga sya, hindi naman ako yung mahihirapan sa paglakad.

Sa bahay naman, papasukin ko daw sabi Kuya. Ewan ko ba dun. Pinakilala ko naman kay Ate Mye at Lola Martha.  Nagmano pa sya kay Lola. Kailangan ba talaga yun?Nasa bahay din nga pala yung

4

Page 5: Candy Story Rebound

boyfriend ni Ate Mye. Si Kuya Ryan.

“Denise...yung parents mo nasaan?” ooh right. I forgot to mention that.“Ah... Yun ba? Nasa U.S. ,sa Chicago.Medyo matagal na rin sila doon...basta long story.” Eh talaga namang long eh. Saka ko na lang iexplain.

Nagkwetuhan naman yung mga boys. Syempre, basketball stuff na naman.  Hindi rin nagtagal ay umalis na sya. Hindi ko na sya hinatid sa gate.Hanggang sa terrace na lang. “Thanks.” “For what?”“Sa pagsama mo sa akin sa mall.”   Nyek. Para yun lang.“Ah...wala yun. Ako nga dapat magpasalamat. Dalawang beses mo ako nilibre sa pagkain ngayong araw.” Tumawa naman ako ng konti. Libre nya ang  lunch and dinner ko.Haha! Wala bang breakfast?“Ok lang yun.Sige pala, good night.” “Sige. Bye. Ingat na lang.”

Nagsmile na naman sya tapos umalis na. Nilock naman nya yung gate. Buti naman naisip nya yun kundi ako pa ang gagawa ‘nun.

Pagpasok ko ng bahay , nakaabang sila lahat sa akin.

“Uyy,Denise ha! Jackpot ka...paano na si Yuan?” Sabi ni ate Mye. Si Kuya Ryan naman nakangiti lang doon.  Jackpot? Hindi naman ako nataya sa lotto ah.“Dalaga na itong apo ko.” Ayy..3 years ago na po.“Den, di ba si V-jay yung team captain ng Brayden?Nanliligaw ba sayo? ”   sabi

naman ni kuya.“Oo at hindi.”

“Boyfriend mo na?” at may nalalaman pang pagtayo si Daryll. Oa ha!“Sira.Lalo namang hindi. Ano ba yang mga sinasabi nyo? Masyado nyo agad binibigyan ng meaning.” Sabi ko naman na medyo naasar.“Sagutin mo na ate.”Hindi naman sya advance mag-isip eh noh?“Ayos sya. Pasado na sa akin.” Pasado? At Kailan pa nagkaroon ng test?“Sa ak in din” Talagang duet pa.“Hindi po sya nanliligaw.OA Kayo.” Hay naku. Nakakaloka. Umakyat na ako sa taas. Naligo na at naggawa ng homework. Naisip ko naman, iba ang feeling ko sa araw na ‘toh. Masaya na ewan.

Weekend. Wala naman masyadong nangyari. Saturday, naglinis kami ng bahay.Lagi naman. Ewan ko ba kay lola, tipong magnifying glass yata yung mata nya pagdating sa dusts. Nagpunta din kami sa grocery store para mamili ng mga kailangan sa bahay. Sunday, sumimba lang kami.  Tumawag nga din pala sina Mama .As usual, kumustahan blues. Kay Daddy, nagmano lang ako at konting kumusta. Hindi naman kasi kami close.

Noong kinagabihan, may tumawag din sa akin. Hindi ko kilalang number pero mukhang galing ibang bansa kaya sinagot ko naman.

“Hello?” “Hey,Denise. Si Yuan ‘to.”“Yuan!!!"masyado yata akong naexcite.Ok,Denise. Calm down. “I mean Yuan...bakit napatawag ka?”.

“Ang lakas ‘nun ah. Well, i just called para kamustahin ka.” “Ok naman ako dito,awa ng Diyos ehbuhay pa.Ikaw? Ang ganda siguro dyannoh?” “Yeah, maganda. Pero ang lungkot. Next week na yung surgery ko.” Oo nga pala, pumunta sila dun para sa heart surgery nya. Ang yaman di ba?“Ah, talaga? I’ll pray for you then.”“Thanks,Denise. Bye na pala. I just wanted to hear your voice. Liligawan kita pagbalik ko. Bye.”

Pagkatapos ng tawag na yun, nakatulog na rin ako. Wish ko lang, nagbibiro sya dun sa sinabi nya.

Next day, Monday.Alam nyo na kung anung meron.

Pasok na naman sa school kaninang umaga. May choice ba ‘ko? Inannouce na

next week na daw yung periodical tests. Pahirapan na naman ‘to. Gagawa ka na ng projects,mag-aaral ka pa para sa tests. Kainis naman. Nagparinig pa yung teacher namin na may mga honors daw na kapag hindi nagtino ay baka mawala sa honor roll. Malamang isa na ako dun. Kailangan ko na palang mag-aral. Mahirap na. Sigurado, bubungangaan ako ni Lola kapag nawala ako sa honor roll.

Sa  Social Studies , tinawag ako sa office. FYI, hindi ako na-office. Tinawag lang talaga ako dahil may pinakikibigay yung principal sa kapitbahay namin na dating teacher. Dahil doon, mga twenty minutes akong nawala. Pagpasok ko sa room, bigla na lang nagsalita si V-jay.“Mam, si Denise na lang pala yung partner ko.”

“Yan, tama pala. Ok, you two are partners.”   Naku naman, sa dinami dami ng kaklase ko, bakit sya pa. Wala na bang choice?

May sasabihin pa sana ako kaya lang  pumunta na si Mam dun sa may table nya. At yung sasabihin ko, parang wala na lang sa kanya.

“Ok, quickly. Go with your partners. “

Naku.Patay na. Ako na naman ang gagawa ng trabaho. Asar naman kapag lalaki ang partner mo.

Umupo na si V-jay doon sa upuan na katabi nung sa akin. Ako naman medyo nakasimangot at nakahalumbaba pa.“What’s wrong Denise? Ayaw mo kong partner?Huwag ka mag-alala. Tutulungan naman kita eh.” Yeah right. Nakaasar pa yung pagkakasabi nya.

Tumingin sya sa harapan tapos nagsalita ulit pero mahina lang.“Hindi ko naman yata hahayaang mahirapan yung prinsesa ko.”  Tapos tumingin sya sa akin. What’s that suppose to mean?

“Anong sabi mo?”

“Ha? Wala.”  Wala daw. Narinig ko eh.

Prinsesa? Ako ba yun?

 Asa ka pa,Denise.Inexplain na ni Miss  Romero  yung gagawin namin sa project. Yung project namin ay about Roman Empire.  Ipapakita daw namin sa project na yun kung ano ang mga natutunan namin and

5

Page 6: Candy Story Rebound

chuva. Yung kapartner ko naman, busy sa pakikinig sa instructions ng teacher.Yun na lang ang naintindihan ko dahil bigla bumuhos yung malakas na ulan. Kainis naman. Kung kailan pa ako walang dalang payong.

Noong uwian na, sumakay naman na ako ng tricycle.Naglakad pa rin ako hanngang sakayan kahit umuualan.Bahala na kung magkasakit.Alangan naman hintayin ko  pa tumila eh mukhang bukas pa titila yun. Marami pa akong gagawin na projects.Pagdating ko sa bahay, basang-basa ako. Galit na galit nga si Lola  sa amin ni Daryll. Basang basa din kasi sya gaya ko. Ayaw na ayaw pa naman nya na nagpapaulan kami dahil baka daw magkasakit kami.  Naligo na ako at nagawa na ng projects.

Pagmulat ng mata ko kanina, sikat na ang araw. Rise and shine, Denise. Pero pagmulat ko, Ouch! Ang sakit ng ulo ko. Bumangon na ako at naligo na. Wala akong balak umabsent. Malapit na ang tests, hindi ko pwede mamiss yung mga notes. Tsaka, masakit lang naman yung ulo ko, mawawala din ‘toh mamaya.

Nagklase kami noong umaga. Hindi naman masyado masakit yung ulo ko. Nawawawala tapos babalik ulit. Pagkatapos ng lunch doon na talaga sumakit. Nag-init na din yung katawan ko noon. Feeling ko,may sakit na talaga ako. Lagot ako nito kay Lola. Medyo umuulan pa rin pero ang kaibahan  ngayon may dala na akong payong.

Hindi na ako nakaconcentrate sa klase. Nakaupo lang ako doon at kunyaring nakikinig.Ok pa naman,wag lang ako

mapapansin ng teacher dahil papauwiin ako ‘nun kapag nalaman na masama ang pakiramdam ko.

Sa Social,pinapunta kami sa kanya-kanyang partner para makapagplano para sa project. Umupo si Leah malapit sa akin dahil yung partner nya ay yung katabi ko. Maya-maya lang, lumapit na rin yung partner ko. Sana lang hindi nya mapansin na masama ang pakiramdam ko. “Simulan na ang project. Kelan ba due? ”At Ako pa ang tinanong eh sya yung nakikinig kahapon.“Denise, ok ka lang ba? Namumutla ka ah.”    Oh no!“Masakit ang ulo nyan. Ang kulit.Ayaw pang umuwi.” Umiral na naman ang pagkasalida nya.

Hinawakan naman ni V-jay yung noo ko.“Ang init mo ah. Nilalagnat ka. ” “Patingin.” Hinipo din ni Leah yung noo ko. Bakit ba parang yelo ang kamay ng mga tao ngayon?“Ang lamig ng kamay nyo.  Hindi po ako nilalagnat. Hindi pwede. Madami pa akong kailangan gawin. Homeworks, mag-aral para sa tests at tsaka etong project. ” “Uunahin mo pa ba yung school work kaysa sa sarili mo? “ Oo naman.“Tsaka hindi malamig yung kamay namin. Ikaw yung mainit.” “Gusto mo dalhin kita sa nurse?”   OA naman yun. Bibigyan lang ng gamot dun.Mas gugustihin  ko pang umuwi na lang sa bahay.“Naku wag na po. Waste of time yun. Magsimula na tayo sa project.”   Sabi ko naman tapos napahawak ako sa ulo ko dahil biglang umikot na naman yung paningin ko.

Hindi yata ako narinig nung partner ko dahil bigla na lang syang tumayo at lumapit sa teacher namin na nasa kabilang side. Hindi ko alam kung anong sinabi nya doon.

Maya-maya lang lumapit na sya. Pinasok nya sa bag nya yung notebook at libro nya. Ano namang gagawin nya? Kanina lang nagyayaya na maggawa na ng project tapos ngayon aalis na sya. Wala pa kaming naggagawa ah. Ang weird ng lalaking ‘to. Maya-maya lang nililigpit na rin nya yung gamit ko. What is he doing?“Hoy, teka lang. Anong ginagawa mo? Bakit mo niligpit? Wala pa tayong naggagawa.”  Naku, hihimatayin na yata ako dito.“Dahil ayaw mo pumunta sa nurse, ihahatid na kita sa inyo para makapagpahinga ka na. Nagpaalam na ako kay Mam.” Bakit ba sya masyadong concern ?

Hindi naman na ako kumontra. Sa ngayon ay gusto ko na rin umuwi dahil parang ang bigat na talaga ng pakiramdam ko.  Si V-jay na ang nagdala ng gamit ko. Nilabas ko yung payong ko sa bag dahil umuulan na naman. Wala naman akong balak magpaulan ulit at baka  sa halip na lagnat lang ay kung ano pang sakit ang masagap ko.

Naglakad na kami papalabas ng school. Giniginaw nga ako eh. Isa lang ang payong at si V-jay ang may hawak. Ako lang ang pinapayungan nya noon. Nakakakonsenysa naman.“Igitna mo kaya yung payong para meron ka din.” sabi ko naman sabay inilipat ko yung payong sa gitna para meron din sya. Ang bait ko yata ngayon. “Hwag na ako. Mas kailangan mo, wala

naman akong sakit." Sabi nya sabay tinapat nya na naman yung payong sakin. This time, umakbay sya sa akin. Hindi na talaga ako mababasa sa lagay na ‘to. Nakatulong din dahil nabawasan yung pagkaginaw ko.

Sumakay na kami sa tricycle. Buti naman ‘noh. Dahil hindi ko na yata kakayanin maglakad pauwi sa amin.“Denise, ok ka pa ba? Konting tiis lang ah. Malapit na tayo sa inyo.”  Siguraduhin mo lang.

Tiningnan ko sya at seryoso naman mukha nya. Parang natatakot na ewan. Mukhang seryoso nga. “Oo, o...k pa ‘ko.” Kahit hindi dahil ang ginaw na talaga. Naghalukipkip na lang ako  dahil wala naman akong dala na kahit anong jacket or something.

Maya-maya lang nasa bahay na din kami. Nadatnan namin doon si Lola na nanonood ng tv. Mexican Telenovela yata. Nagulat pa nga sya at maaga ako ngayon. Noong sinabi ni V-jay na nilalagnat ako. Nagbunganga na sya. “Sinabi ko na sa’yo na wag kang magpapaulan. Iyan tuloy ang nakuha mo. Naku, ang batang ito talaga.Tsk tsk tsk”  sabi nya habang umiiling pa sya doon.

Hindi naman ako nag-react. Una, kasalanan ko naman talaga. Pangalawa, masakit talaga yung ulo ko. Pangatlo, gusto ko na magpahinga.

Pumunta na ako sa kwarto ko at nagpahinga na. Nakatulog na ako kaya hindi ko na alam yung mga nangyari. Madilim na noong nagising ako. Ginising kasi ako ni Lola para kumain at uminom ng gamot. Alas- 8 na yata yun.  May dala

6

Page 7: Candy Story Rebound

pa syang soup at kung anong tinapay. Dinner in bed? Chineck din naman ni Lola yung temperature ko. 38.5 daw. “Naku. Ang taaas ng lagnat mo.Kain ka muna at inumin mo itong gamot.”

Habang humihigop ako ng soup na ngayon ko lang natikman at hindi ko alam ang tawag pero masarap,  salita na naman ng salita si Lola. Hindi ko na daw pinansin yung kasama ko kanina. Matapos daw akong ihatid, hindi man lang daw ako nagpasalamat. Nasaan na daw yung manners ko. Sabi ko naman, saka na lang ako magpapasalamat. Sabi nya din na wag na daw akong pumasok sa school bukas at magpahinga daw muna. Naubos ko naman na yung soup kaya uminom na ako ng gamot at natulog na ulit. Balot na balot ako noong natulog ako dahil  sa sobrang ginaw.

Paggising ko kaninang 9am.  mas maayos na yung pakiramdam ko. Hindi na sya katulad ng kagabi. Bumangon naman ako at bumaba sa kusina. Nagugutom na din kasi ako. Wala naman akong balak magpakaprinsesa dito.

Pagbaba ko sa kusina, may pagkain na nakatakip na doon sa mesa. May note pa si Lola para sa akin. Wala naman akong naintindihan sa sinulat nya kundi ‘ako’ at ‘palengke’pero gets ko na naman kung anong ibig sabihin nya doon.

Kumain na ako doon ng oatmeal. Napansin ko naman yung nandoon sa tabi ng oven. May bouquet doon at may papel na nakafold. Nakasulat sa labas ay ‘Denise’. Malamang ako yun di ba so binasa ko na.

Denise,   Musta na? I hope you’re feeling better now. Eto na po yung project natin. I worked on it last night. Ano sa tingin mo? Ayos na ba yan?. Dadaanan ko nga pala ‘to mamayang breaktime para maipasa na. May extra pts. daw kasi yung unang tatlong pairs na magpapasa. Sana pasado yung pagkakagawa ko. Just do the final touch. Get well soon. See you later.                      V-jay Radley   

Aww. Ginawa na nya yung project namin. Infairness ha. Ang ganda. At talagang may bulaklak pa ako. Binasa ko naman yung mga caption ng pictures doon sa poster. Nakalagay na rin doon yung pangalan naming dalawa.Ayos! Kaya lang, wala naman yata dapat doon yung pangalan ko. Sya lang naman kasi ang gumawa nun. After all, hindi pala ako yung gagawa ng lahat ng work. Sya pala.

Dumating na si Lola galing palengke. Ako naman ay nahiga sa sofa habang nanood ng tv. Kung anu-anong pambatang palabas ang pinanood ko. Maya-maya lang, may kumatok sa pinto.

Sino pa ba ang inaasahan na dadating?

Pinapasok ko naman sya at pinaupo. Hinawakan nya yung noo ko. Check up ba ito?“Kamusta ka na?” “Eto mas ok na kaysa kahapon. Ayos yung project. Ang ganda.”  Ngumiti lang sya doon sa sinabi ko.

Tinawag kami ni Lola Martha at doon na sya pinakain ng lunch. Sinigang na baboy

ang ulam namin. Ang sarap. Habang nakain kami, nagkwentuhan din sila ni Lola tungkol sa nangyari kahapon. Nagtagal pa pala sya kagabi dito sa bahay. May sinauli din syang t-shirt kay Lola. Pinahiram daw kasi nabasa yung polo at tshirt nya.

“Lola, nasaan yung soup na kagaya nung kagabi? Ano po ba yung tawag doon? Ang sarap ah. San nyo po yun natutunan?”Nagtawanan naman silang dalawa.“Anong nakatatawa?” Wala naman akong nakakatawang sinabi ko ah! Nagtanong lang naman ako.“Wala naman. Nagustuhan mo ba talaga yung soup?” “Oo nga po.” “Si V-jay ang nagluto noon eh.”  Weh? Nagluluto sya?  Hindi bagay.

Di ba?Ngumiti na naman sya doon. Ang cute nya talaga lalo na kapag ngumingiti sya. Tumayo naman na sya dahil malapit ng magtime. Binigay ko na yung project namin para maipasa na. Hanggang sa terrace ko lang ulit sya inihatid. Nakailang hakbang na  sya noon kaya lang may naalala ako. Tinawag ko sya kaya lumapit ulit.“V-jay...ahh..ano...ahh..ano kasi” Bakit ba ako nauutal?Kainis naman.“What?” “Ano kasi...gusto ko lang magpasalamat sa paghatid mo sa akin kahapon. Tsaka doon sa soup, akalain mong nagluluto ka pala”ngumiti naman ako ng kaunti.” sa flowers, at dito sa project. Nakakahiya naman sayo , hindi na ako nakatulong.” Pero mas nahihiya ako sa ginagawa ko ngayon.

“Wala ‘yon. Anything for you.” Huh?“Umalis ka na nga.” Napangiti na lang ako tapos ay tinulak ko sya. “Bakit hindi ka na lang kaya magtricycle para mas mabilis. Ang hilig mong maglakad.” Napansin ko lang ah.“Sumasakay lang ako kapag malayo yung pupuntahan. Mas gusto ko yung maglakad. Exercise na rin. Nakakapag-isip isip ako. At tsaka mas enjoy.” Ganun?“Ah. Ok. Maglakad ka na pala. Baka malate ka pa. Ingat ha.”“Thanks. Sige po. Pagaling ka ah.” Ngumiti na naman sya at nagsimula na maglakad.“Enjoy” may pahabol pa ako eh no?

Ako naman ay pumasok na sa loob ng bahay. Medyo nakapag-aral din ng konti para sa periodical test. Pero mas marami pa rin yung oras na ginugol ko sa panonood ng tv. Yung flowers na binigay nya ay dinala ko sa kawarto ko.

Wednesday. Pumasok na ako sa school. Wala naman na akong lagnat o kahit anong sakit. Sa totoo lang, ang saya ko nga ngayong umaga eh. Hindi ko lang kung bakit. Maybe I woke up on the right side of my bed.

Pagdating ko sa room namin, busy na naman ang mga tao. Busy sa pagdadaldalan. Lagi naman eh. May mga ilan din na bumati sa akin. Si Leah naman namiss daw nya ako. Madrama din yun minsan eh. Nagtaka lang ako nung may nakita akong bag sa upuan ko. Tinanong ko yung mga tao dun. Yun nga daw. May new assigned seats daw kami. Tinuro sa akin kung saan yung sa akin. Napansin ko naman yung bag na nandun sa katabing

7

Page 8: Candy Story Rebound

upuan. Kilala ko yung bag na yun ah! Bakit ba lagi akong napapatapat sa kanya?

Sa bahay naman, ayun, birthday ni Ate Mye. Nandun yung mga co-worker nya sa banko at nagcecelebrate.Nagtext naman si V-jay nung gabi. Wala daw syang magawa.Hindi pa nakuntento at tumawag pa. Nagsasayang yata ng load.“Hey Denise, may sasabihin lang ako.”“Huh? Eh bakit hindi mo na lang tinext?”“Wala lang, gusto ko lang ako talaga magsasabi sa’yo.”  Ganun din naman sa text ah!“Ano ba kasi ‘yun?”“Thanks.” Yun lang? “I’m so happy.”“Ganun? Bakit naman?” sabi ko naman. Medyo napatawa naman ako nun. Ang weird. ‘Thanks , I’m so happy’ normal lang naman yun sa tao.“Wala lang. You’re making me happy.Basta.Sige po. Baka nakakaistorbo na ako. Sweet dreams.” Nyek. Masaya ka tapos basta lang? May mental problem ata ‘to ah."Hey ano nga?""gusto mo talagang malaman? Well...I think the basketball game has started".“Ahh..sige. Goodnight.”   yun na lang sinabi ko.Hindi ko naintindihan yung sinabi nya e. Friday. Yehey! Last day of the week na. Nakasabay ko sa lunch si V-jay. Nalibre na naman ako pero this time, yung drinks lang. Nakabili na kasi ako ng pagkain ko.

Noong P.E naman namin ay excused muna daw ako dahil baka mabinat. Naupo lang ako sa bleachers at nanood habang ngumuya ng juicy fruit.Nagmumukhang kambing na nga siguro ako sa kakanguya eh. Si V-jay? Ayun, kung ano-ano yung

ginagawang basketball  moves na hindi ko alam yung tawag. Hindi naman kasi ako nanonood ng basketball. Titingin sa akin paminsan at ngingiti tapos ishu-shoot yung bola. Nagpapahanga ba sya o ano? Dahil kung oo, effective dahil napapahanga nya ako.

Nagring na yung bell kaya ako naman ay bumaba na doon sa bleachers. Sa gitna na nga ako dumaan para mabilis. Ang hirap din pala dumaan doon kapag nagmamadali. Nagsala tuloy yung paa ko kaya napaupo ako. Ang lakas nga eh.Ang sakit tuloy ng puwet ko. Nakakahiya nga yun. Agaw eksnena pa ako. Maya-maya ay may naka-offer na kamay doon. And guess whose hand it was?

Natigilan na naman ako noon kaya nag-snap sya.“Ei, kamay mo na. Hindi mo naman balak umupo dyan hanggang mamaya  di ba?”

Inabot ko na yung kamay nya at inalalayan nya akong tumayo.  Dumaan pa sya sa boys locker room para magpalit at ako naman ay dumeretso na sa room namin. Pinilit kong magfocus sa lesson pero hindi ko magawa.  Nadidistract kasi ako dito sa katabi ko. Ewan ko ba.Noong uwian na, dumaan ako sa locker para kuhanin yung mga books. Alam nyo na...exams na next week kaya mag-aaral muna ako. Wala munang gala.

Si V-jay naman nakisabay sa paglakad pauwi. Kumain pa nga kami ng fishball habang naglalakad. Kung anu-ano naman ang pinagtatatanong nya sa akin habang naglalakad kami. Kwento pa ng kwento tungkol sa experiences nya sa basketball.

Like I care  about basketball? Hindi ko na namalayan na nandoon na pala kami sa bahay.

Hanggang sa gate na lang sya dahil may practice sila ng basketball. Ano ba yan? Exams na pero basketball pa rin? Papasok na sana ako sa loob ng bahay, pero hinawakan nya ako sa braso. Inabot nya sa akin yung bag ko. Oo nga pala,sya ang may dala. Napatawa at napailing na lang ako ‘nun. Ang engot ko talaga.Pati ba naman bag ko nakalimutan ko pa. Sya naman ay natawa na lang din. Ang cute nga nya tingnan noon eh. Umalis  na rin sya at ako pumasok na at naaupo sa terrace. Maya-maya naman may bumatok sakin. “Aray!!!” wala na naman magawa sa buhay nya itong si Kuya. Ako na naman ang napapagtripan nya ngayon.

“Lola, ano po ba kasing pinapakain nyokay Denise? Tingnan nyo parang sira, nakatulala tapos nakangiti. Ano kaya yun? Parang nakadrugs.”“Masaya lang yung tao.“ masaya nga lang ba ako?Pumunta na ako sa kwarto ko at nag-aral na. Ganun din noong weekend. Pinasadahan ko yung mga notes ko para naman may alam ako pagdating ng exam. Hindi naman  ako study freak. Grade-conscious lang siguro. Ayoko naman na puro palakol ang makita ko sa report card ko dahil baka ako ang palakulin ni Lola Martha.

Exams week. Maayos naman ang kinalabasan. Yung Math eh medyo madugo pero pasado pa rin naman. Weakness ko na talaga yun. Si V-jay naman na akala mo ay pabasketball basketball lang ay may ibubuga din pala

pagdating ng exams. Yung iba naming kaklase gaya pa rin ng dati. Nagtratransform into giraffes kapag may test. Pahabaan sila ng leeg sa pangongopya. Yung iba naman akala mo ay matalino, matalinaw naman pala.

 Sa lahat ng nangyari noong week na yun, pinakaayaw ko na siguro yung nung tumawag si Mama. Nanakaw daw yung passport nila at ayaw silang payagan sa trabaho. Which means, hindi na naman sila makakauwi dito sa Pilipinas. Halos 10 years ko na silang hindi nakita ah.Nagkaroon pa kami ng konting arguement tungkol doon pero sa bandang huli ako rin ang nagsorry. But deep inside, masama pa rin yung loob ko.

At hindi lang ‘yun. Si kuya lilipat na ng school kaya magdodorm na sya. Ibig sabihin nun, hindi na sya titira sa bahay. Mawawalan na nga ako ng kaagaw sa remote ng tv, mawawalan din ako ng adviser. Kahit laging aso’t pusa kami nun, mahal ko yun. Nawala si Dustin. Ngayon naman si kuya ang lalayo.

Badtrip naman ako ng mga nagdaang araw. Ikaw ba naman ang umasa na makikita mo na yung mga parents mo after all those years, tapos biglang hindi pala matutuloy, hindi ka naman ba masasaktan? Minsan tuloy, naisip ko na hindi naman talga kami gusto nina Mama makita. Mukhang hindi naman sila gumagawa ng paraan. Kahit naman hindi kami masyadong close ng mga magulang ko, gusto ko pa rin naman silang makita. Idagdag mo pa si Kuya na lilipat sa ibang college. Doon pa sa malayo. Kailan ba makukumpleto ang pamilya namin? “Denise, ok ka lang? anong problema?” sabay kaming naglalakad papunta sa

8

Page 9: Candy Story Rebound

cafeteria.

“Wala.” Pinipilit kong pigilin yung luha ko. Nakatingin ako nun sa lupa habang naglalakad.. Ayokong umiyak ngayon at tsaka wala akong dalang panyo.“Wala? Eh kulang na lang, Ibuhos mo yang luha na kanina mo pa pinipigil dyan. Come on, Denise. Sabihin mo naman sa akin. Hindi ako mapakali na ganyan ka.Dali na ... makikinig ako.”

This time, nakaharap na sya sa akin. Hawak nya yung dalawang balikat ko. Nakatingin pa rin ako sa lupa noon. Pinipigil ko talaga yung luha ko kaya lang hindi ko na nagawa. Tuluy-tuloy na yung pagtulo.Hinawakan nya yung chin ko at inangat nya yung mukha ko.“Sina Mama at Daddy, hindi na naman sila uuwi. Lagi na lang ganun. Mas pinipili pa nila yung trabaho nila. Si kuya, lilipat na sya sa dorm. Parang lalo silang lumalayo sa amin. Sa akin. ” Ok. Umiiyak na talaga ako ngayon. Hindi ko na talga mapigilan. Pinunasan nya yung luha ko at niyakap nya ako.“Don’t worry, magkikita din kayo hindi nga lang suguro ngayon. I’m sure there’s a reason. God has a plan. Yung kuya mo naman, alam naman natin na mas ok ang aral dun sa lilipatan nya. Mas makakabuti yun sa kanya at sa inyo.” Lalo naman akong umiyak sa sinabi nya. Sa bagay may point din sya.

Umiiyak pa rin ako doon. Narealize ko na lang na magkayakap pa rin pala kami. Gumalaw naman ako kaya inalis na nya yung pagkakayakap nya. Binigay nya sa akin yung panyo nya kaya pinunasan ko naman yung mata ko.“Wag ka ng umiyak. Nandito lang naman ako, hindi kita iiwanan.”  I wish.

“Ako na lang ang bibili ng pagkain. Hintayin mo na lang ako doon sa may payong.” Oh, thanks. Ayoko naman magpakalat kalat sa school na ganito yung hitsura  ng mata ko. Daig pa yung namurder eh!

“Ok.”

Pumunta naman na ako doon sa payong. Maya-maya rin ay dumating na si V-jay dala yung pagkain. Kumain na kami doon sa may payong.

Wala pa rin ako sa mood noong time na yun. Kakaiyak ko lang at hindi naman ako yung tipo na parang pagkatapos eh wala lang. Nakatungo ako nun ng napansin ko na may nakatitig sa akin. Tiningnan ko nga sya ng masama.

“Ano bang pwede kong gawin para maging ok ka? Do you like music?”

“Err...yeah. I love music.”

“Talaga?”   then bigla syang tumayo. “Dito ka lang muna.” Tapos ay tumakbo sya papunta doon sa isang room. The heck? Bigla na lang tumakbo.

Umupo lang ako doon dahil alam ko naman na in any moment eh babalik pa yun.Nung bumalik sya ay may tangay na syang gitara. Ewan ko kung saan nya yun nakuha. Nakita ko na lang na may nakasulat doon sa gitara na V-jay Radley.May gitara sya?“Marunong ka maggitara? Kailan pa? Sinong nagturo sa’yo? Mahirap ba?” Hindi naman sunud-sunod yung tanong ko di ba?

“Whoa. Ang dami ‘nun ah. Isa –isa lang. Marunong ako maggitara, since grade 6 . Walang nagturo sa’kin. Self study lang. Mahirap sa una pero ganun talaga. No pain, no gain.”  Hmm..oo nga naman.

“Anong gusto mong kanta?” Ano nga ba?  Wala ako sa mood mag-isip ng kanta ngayon.“Madami. Depende sa mood ko.”

Tinitigan lang nya ako ‘nun. As in titig talga na tipong binabasa nya ako. Ang weirdo. Parang natutunaw na ako nun kaya binaling ko yung tingin ko sa kabilang direksyon.

Maya-maya lang, nagsimula na syang tumugtog.“Denise, this  one’s for you.”

 Nangingilabot na ako nun. Bumilis nga yung tibok ng puso ko.Your sky seem so cloudyI can barely see a single starYour eyes become tearyAnd found yourself hiding in the darkYou are not aloneSomeone’s here to play your songTake my handWe’ll fly to the skyClose your eyes im at your sideTomorrow’s gonna be just fine

Tumutugtog pa  rin sya nun.Ako naman, nakikinig lang. May hidden talent naman pala eh. Ang ganda ng boses nya.Ang sarap pakinggan. I’ve never heard him sing before.Everything’s been bitterLike there was no reason to smilePieces of dreams have been shatteredAnd you feel like you’re being left behindYou are not alone

Someone’s here to play your songTake my handWe’ll fly to the skyClose your eyes im at your sideTomorrow’s gonna be just fineTake my handClose your eyesTake my handClose your eyesTake my handClose your eyesWe’ll flyTake my handWe’ll fly to the skyI’ll save you from this lifeI’m at your sideTomorrow’s gonna be just fineNatapos na rin yung kanta nya. Ano bang masasabi ko? ‘Wow’ siguro. Swak na swak sa mood ko ngayon yung song. Lalo na yung last verse. Parang na lift-up yung spirit ko. Hindi ko malilimutan yung mata nya na yun habang kinakanta yung huling part.Nakatitig sya sa akin ‘nun.Naiyak pa nga ako. Ewan ko nga kung bakit. Buti na lang nasa akin pa rin yung panyo nya.“Nice voice. Ngayon ko lang nalaman na kumakanta ka pala.”“Kumakanta nga ako. Pero I only sing for those who are special to me.”oh...ganun pala yun.

Nilalaro nya doon yung  gitara at nagsalita ulit. Nakatingin sya doon sa kamay nya sa gitara. Tapos tumingin sa akin.“Dun lang para sa mga mahal ko.”

Dumating naman si Leah kasama pa si Ashley, kaibigan din namin.“Hoy, kayong dalawa. Bakit naman kayo nagsosolo dito?”“Wala lang. Dito na kami napadpad eh.” Umupo din naman sina Leah at Ashley

9

Page 10: Candy Story Rebound

doon sa bench.

“V-jay, marunong ka maggitara? Sample naman oh.” sabi ni Ashley“Ha? Sige, pero kayo yung kumanta ah. Tutugtog lang ako.”

Naalala ko naman yung sinabi nya kani-kanina lang.’ I only sing for those who are special to me.Ang laki talaga ng sira nya. Kung ako lang ang magaling kumanta, ipapaalam ko yata sa lahat ng tao.Nagbell naman na kaya pumunta na kami sa classroom. As usual, may klase na naman. Kaasar pero ayos lang naman. May binasa kaming story sa Filipino. Nagkataon naman na napili ako ng teacher na bumasa. Medyo mahaba nga yun at tagalog na tagalog pa. Pagkatapos kong bumasa eh nagpalakpakan yung mga kaklase ko. Todo palakpak pa si V-jay.Binatukan ko nga.Parang tanga eh.Kailangan ba talagang ganun kalakas ang energy nya?

5:00,nagring na yung bell. Uwian na....kaya lang ako hindi pa.  May meeting kasi ang members ng school newspaper.  Katatapos lang kasi ng Linggo ng Wika at papalapit naman ang Intams. Big deal daw kasi yun kaya maglalabas ng issue ng The Scribe. Yun yung pangalan ng newspaper.

Kung anu-ano pa nga yung mga pinagsasabi ng teacher eh kaya lang hindi na ako nakinig.Isa lang din naman ang babagsakan noon eh. Gusto lang nya na yung writing piece namin ay start pa lang attractive na. Syempre naman. Kaya nga kami napasok dito sa newspaper na ito dahil ‘creative writers’ kami so malamang alam na namin yun. Yung

kanta naman ni V-jay kanina eh hindi ko makalimutan.Kainis. Pati nga sya eh nakikita ko kahit saan ako tumingin. Kahit nakapikit ako.Isn’t it freaky?

Sinimulan ko naman na yung article ko.Sasabihin ko pa ba kung tungkol saan? Wag na. Hindi naman ganun kahalaga.  Noong natapos yung meeting na yun, halfway done na ako sa paper ko. Hay, buti naman para hindi ko na masyado problemahin yun this weekend. 

Noong pauwi na ako, habang naglalakad ako papunta sa gate ay napakanta na lang ako. Ewan ko ba. Ang saya ko na parang ewan. Kanina lang, halos parang pasan ko na ang mundo tapos ngayon, may nalalaman pa akong pagkanta-kanta.

Dahil medyo nasa dulo yung library, ang dami ko pang madadaanan bago ako makarating sa gate. Noong nasa tapat na ako ng gym, marami-rami din tao doon. May mga lalaki pa nga na nag-aappear doon. Bakit kaya?

Shh...Denise...mind your own business.

Hindi naman na ako naki-isyoso sa kanila dahil baka mapagkamalan pa akong chismosa, kaya tuluy-tuloy lang yung paglakad ko. May narinig naman akong sumisigaw. Ang lakas din naman ng taman nun. May pasigaw-sigaw pa sya dito sa school.

“HINDI NA PALA AKO SASAMA. KAYO NA LANG. MAY LAKAD PA AKO.”

Lumingon naman ako pero hindi ko nakita yung mukha. Nakatalikod kasi sya

at  tumatakbo ng paatras. Ang tawa ko siguro kapag nadapa yun.

Tumuloy na naman ako sa paglakad dahil medyo gumagabi na rin. Nandoon na ako sa labas ng gate at bigla na lang akong napaatras ng may humila sa bag ko sa likod. Waaah! Holdaper. Hindi naman ako nag-aral ng taekwando kaya yung una kong naisip yung ginawa ko.

Sinampal-sampal ko sya at ginanutan ko. Hindi ko na masyado nakita yung mukha dahil busy ako sa ‘self-defense’ ko.

“ARAY, Aray, aray. “ tuloy pa rin ako sa sarili kong version ng taekwando.

“Teka nga lang!!! Denise!!!”  sabay hawak nya sa dalawang balikat ko.Tapos inalog pa ako.

Napaatras na lang ako bigla nang makita ko yung mukha nya. Ang cute ng holdaper ah!“Nyay. Ikaw pala. Akala ko holdaper na. Bakit mo naman kasi hinila yung bag ko?!”“Eh pasensya na, hindi ko naman sinasadya na hilahin yung bag mo. Ang bilis mo maglakad eh.” at Ako pa pala ang may kasalanan ngayon!“Ang sakit mong manampal ah. Yun ba yung self defense mo? Para namang makakatulong yun kung holdaper nga ako.”  “Eh bat hindi mo na lang kasi ako tinawag.”

Hinawakan ko naman yung pisngi nya at medyo ibinaling ko para mas makita ko yung nasampal ko. Ang pula ng pisngi nya. Malakas nga siguro yung

pagkakasampal ko.

“Sorry.”

“Ok lang.” sabi nya habang hawak pa rin yung pisngi nya. Nasaktan nga yata talaga.

Sabay na kami naglakad pauwi. Sya ay nakabasketball uniform pa. May game pala sila kanina versus Pilot Highschool at sila ang nanalo. Nag ‘congrats’ na lang ako, dahil hindi ko naman napanood. Kelan pa ba ako nanood ng basketball? Bagay din naman sa kanya yung uniform. Ang cute ngang tingnan eh..

Lumampas na naman sya sa kanto na dapat sana ay sa kanila. Ihahatid na daw nya ako dahil gabi na daw. Sa isip-isip ko naman, eh kahit naman maaga pa hinahatid din nya ako. Mahirap na daw at baka mamaya ay tunay na holdaper na yung humila ng bag ko. Oh, ngayon naman may bodyguard na ako. Say nyo?“Anong gagawin mo bukas?” sabi nya habang nakatingin sa lupa.“Wala,Saturday eh. Tapos naman na yung exams at mga projects.Manonood na lang siguro ako ng tv.” Spongebob Squarepants ang palabas. “Bakit?”“ Pwede ba kitang sunduin bukas?" What? Bakit naman?“Ha? Ano naman gagawing natin?” “Eat? Maybe watch a movie. Something fun.” Eat?watch a movie? hindi ba parang...“Parang date?” oh gosh. Sinabi ko ba talaga yun? Ang malisyosa ko naman.“Parang ganun na nga.  

Dahil nasa tapat na kami ng bahay ‘nun, napa ‘ok’ na lang ako. First time ko

10

Page 11: Candy Story Rebound

lalabas kasama ang isang guy. Wala naman siguro masama kung subukan ko ‘di ba?

Ngumiti naman sya dun sa sagot ko. Hindi na sya pumasok sa loob dahil gabi na rin daw. Nakatayo lang ako doon sa harap ng gate habang pinapanood ko syang maglakad. Hinintay ko naman na makalayo sya ng kaunti bago ako pumasok sa loob ng bahay. Bago sya lumiko ay lumingon pa ulit pero mabilis lang.

Dumating si Kuya Ryan at may dala pang Andok’s kaya sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Tinuloy ko naman yung sinusulat ko para sa school paper pero hindi ko pa rin natapos. Nahiga na ako doon sa kwarto ko. Nagsoundtrip ako gamit yung ipod ko. I just felt like listening to music. Ok, to be specific, love songs po. Ilang sandali pa lang ay nagvibrate naman yung phone ko.

“Hello?”  si V-jay yung tumatawag.“May nakalimutan akong sabihin kanina."

‘Ano ba kasing gagawin natin?’‘Saan ba tayo pupunta?’‘Anong plano mo? ‘

Ang dami kong tinanong sa kanya at ang haba ng sagot nya.“Basta..” Oh di ba? Ang haba?“ Siguraduhin mo lang na ayos yan ah.” Kung hindi...kung hindi...basta!

“Syempre naman. Sunduin na lang kita ng 6 a.m.” Ang aga naman yata nun!

“ANO? Ok ka lang? Baka hindi pa sumiskat ang araw nun ah.”

Tumawa naman sya.

“Binibiro lang kita,Denise. Susunduin kita ng  1:30? Ok ba yun sayo?” “Ok yun.” Mas ok kaysa 6 am.“Sige pala, I’ll pick you up at 1:30. Sweet dreams.”

“ok.Ikaw din. Bye.” Then I hang up.8:30 na ako nagising. Ano bang date ngayon?August 24. Due na pala ng bed sheet ko. Kailangan na pala palitan. Naglinis muna ako ng kwarto tapos tumulong  kay lola sa paglinis ng bahay. Nagpaalam naman ako sa kanya na aalis ako mamayang tanghali at pumayag naman sya. Si kuya naman, ngayon din umalis papunta sa new dorm nya. Mag-aayos pa daw kasi sya ng gamit doon. Malungkot talaga ako dahil aalis sya pero life must go on. May lakad pa ako mamaya.

Naghanda na rin naman ako para sa ‘date ’namin ni V-jay. Naka blouse lang ako at jeans. Parehong padala nina Mama. Pati yung rubber shoes ko galing din sa kanila. Hindi na ako naglunch dahil late na rin naman akong nagbreakfast. Eksatong 1:30 ng dumating si V-jay. Aba, On time ah! Todo ngiti pa. May dala pa syang kung ano para kay lola. Nanggaling daw kasing Baguio yung Mommy nya. Eh paano naman yung para sa akin? Haha. Just kidding. Syempre

meron din.

Napansin ko naman yung suot nya. Naka t-shirt din sya tapos ripped jeans. Then, naka ball cap.In fairness ha,magaling syang pumorma. Bagay sa kanya yung suot nya. It’s because he’s tall and

handsome.

Ugh. Let’s pretend I didn’t say that.

 Nagpaalam naman na kami kay Lola Martha. “Mag-iingat kayo ha. Wag kayo magpapagabi.”“Opo, sige po. Mauna na po kami.,”

Naglakad pa kami ‘nun hanggang sakayan ng jeep pero ayos lang naman. Sanay naman ako ng ganun. Nakasakay na kami ng jeep at hanggang ngayon, wala pa rin akong idea kung saan kami pupunta. Maitanong nga.“San tayo pupunta?”“Denise, bago yung tunay na date natin, sa Community Center muna tayo ha? May gagawin lang ako dun. Ngugutom ka na ba? Kung nagugutom ka na kakain muna tayo.” “Hindi. Busog pa nga ako eh. Sige, Community Center muna tayo.” Ito naman. may sinabi ba akong gutom ako? Wala naman di ba.Ano naman kayang gagawin nya community center?

Para nga pala sa mga hindi nakakaalam, yung  community center ay isang buliding para sa recreational activities. Madalas doon ang mga teen agers especially yung mga athletes. May lugar din doon para sa mga social gatherings.

So, meron doon mga court para sa tennis, badmiton, basketball, volleyball, at mga iba pang sport. May swimming pool nga din doon eh. Matagal na rin ako hindi napapadpad doon sa lugar na yun.

Maya-maya lang, nandoon na nga kami sa community center.  Marami nga din

tao dun. Sa pagkakaalam ko, mga taga-ibang lugar ang mga yun. Ang dami nga din babae doon na bumabati kay V-jay. Nagpapacute pa yung iba. Sya naman, Tumatango lang sa kanila at tuloy pa rin kami sa paglakad papunta sa loob.

“Hi V-jay. Good Luck sa game. Galingan mo ah.”

“Oo nga V-jay. Kahit taga Oakton kami, Sa Freemont kami kampi. Yun kasi yung team mo eh.” Sabi nung babae na akala mo ay may bulate sa tiyan. Hindi mapakali eh.

Tama ba namang balewalain yung team ng lugar nila? Iba rin ang style ah. Napairap na lang ako pero hindi naman nya yun nakita.Teka,did she just say ‘game’? Anong game ‘to?

Nandoon na kami sa tapat ng pinto papasok sa tapat ng gym. Sumilip ako sa pinto at nakita ko na maraming tao dun. Mga naka basketball uniform. Nakita ko din na may refery. Teka...Teka...Is this a...“basketball game? Naman, V-jay! Alam mo naman na ayaw ko nyan.” nasisiraan na ba sya? Bakit nya ako dinala dito?“Denise, sorry. Hindi ko agad sinabi sa’yo dahil alam kong hindi ka sasama.”Nakakainis sya. Alam naman nya yung reason kung bakit ayaw ko ng basketball tapos ngayon, dadalhin nya ako sa isang game?!!

  “Hindi ako manonood. Dito na lang ako sa labas,hihintayin na lang kita dito.”

Pumunta naman ako sa tabi dahil nakaharang kami doon sa pinto.

11

Page 12: Candy Story Rebound

Humawak sya sa dalawang balikat ko.

“Championship na namin ‘to. Thsi game is not as big and important katulad ng sa school pero mahalaga rin sa akin ‘to.Manood ka na oh,kahit ngayon lang.Para sa akin,please?..Luluhod pa ako dito kung gusto mo.” Naku ha. Luluhod pa sya. Baka isipin ng mga tao, nagliligawan pa kami dito.

Aba at lumuhod nga! “Please?”

Oh sya, makapayag na nga para tumayo na rin ang mokong na ito.“Sige na nga. Pero ngayon lang to ah!” “Thanks.”

Pumasok kami sa loob at humanap ng mauupuan. Nakita ko naman si Leah kaya doon na ako tumabi. Dahil nga player sya...syempre doon sya sa court at kami... mga audience.

“Dito ka muna ah, magpapalit lang ako ng uniform.Sorry ulit.Enjoy the game.””Sabi nya tapos ay tumakbo na sya papunta doon sa locker room.

“Ano bang date ngayon?”

“August 24 po. Bakit?”“ La lang. imamark ko yung calendar. September 4, nakita kong magkasama si Denise Lauren Menodoza at V-jay Radley Rivera.Bakit ka nga ba nandito?”

“Ano pa? eh di manonood ng game.”“Aba! At kelan ka pa nanood simula ng nawala yung kambal mo?”

“Ngayon  lang. Nagmakaawa si V-jay eh.”

“Hmmmm....naku! May naaamoy ako. Tsk tsk tsk..iba, iba talaga. May- -“

Hindi na nya natapos yung sinasabi nya dahil nagsalita na yung announcer. Magsisimula na yung game kaya yung mga babae doon sa likod ay nagsigawan na. Diyos ko,halos mabingi na ako.

Nagsimula na nga yung game. Freemont Falcons vs. Oakton Eagles. Black and white yung uniform ng falcons. Nakaprint doon sa likod nya ay RIVERA 46. As usual.Unang nakascore ang Eagles. Konting sandali lang, umisocre na rin ang Falcons. At dahil yun kay V-jay. 1st and 2nd round lamang na ang Falcons. Waah.!Rounds nga ba yung tawag? Narinig ko lang sa boxing yun eh.

Nahabol pa rin naman yung kabilang team. Sila nga yung nanalo nung 3rd round. Nakakakaba nga dahil natumba si V-jay nun. Akala ko nga tatama na rin yung ulo nya. Pero nagsign naman sya na ok daw sya. Noong 4th round naman, naka 3-point shoot sya.Tumingin pa nga sa akin at nagwink. Nakita nga yata ni Leah kaya tinukso tuloy ako.

Bandang huli, sila din ang nanalo.  Falcons- 96,Eagles- 85.So, Freemont Falcons ang champion. And to my relief, natapos yung game na walang nasaktan. Hayy, buti naman.Dahil kung meron, hindi na talga ako manonood ulit. Himala nga dahil naintindihan ko yung game. Paano ba naman kasi, kay ano nakasentro yung atensyon ko. Kay you-know-who.

Nagtatalon nga yung team nila doon. Ang saya-saya nga nila. Lumapit sya sa akin at nag’congrats’ naman ako. Binigay ko pa

nga yung tubig na hawak ko dahil mukhang nauhaw sya. Si Leah naman, nanunukso pa rin doon. Ang laki ng problema nya.

Nagpunta na sya doon sa boys locker room. Para daw magshower at magpalit ng damit. Pagkatapos ‘nun ay nagpaalam na sya doon sa mga teammates nya. Si Leah naman ay umuwi na.

San kaya yung sunod?Sumakay na ulit kami ng jeep. Sa mall naman kami pumunta. Kumain muna kami sa  dahil nagugutom na daw sya. Ako din naman gutom na. Doon nya ako dinala sa Max's.  Sabi ko nga wag na lang doon. Alam nyo na..medyo mahal kasi.

"Wag mo isipin yun. Pinag-ipunan ko 'to." ganun? out of his own pocket?

May dumating naman na dalawang babae sa table namin. I think isa sila sa mga  cheerleaders sa school namin. Parang kulang nga eh. Ang alam ko tatlo silang  magkakasama lagi.

“Oh, Hi V-jay. Do you want to eat with us?”

“Can’t you see? I’m already eating. At tsaka, if you don’t mind, may kasama na ako.” Sabay tingin nya sa akin.

Ang sungit naman.

Tumuloy lang sya sa pagkain ‘nun. Kung makikita mo lang yung mukha nung babae, nakakatawa sya. Umirap lang sya tapos ay umalis na din.

“Wag mong pansinin ang mga yun.mga

KSP kasi.” KSP? as in Kulang Sa Pansin or Kulangot Sa Pader?

Natapos na kami kumain ‘nun. Dinala naman ng waiter yung bill. Hindi ko na nga tiningnan e. Nauna syang tumayo at inoffer pa yung kamay sa akin.

“Masyado ka naman. Kaya ko pang tumayo ng hindi ako inaalalayan. but thanks anyway.”

Ngumiti lang sya sa akin. The ‘killer smile’ again. *Sighs*. I hate it  but I love it at the same time.

Naisipan namin na manood ng movie kaya nagpunta kami sa movie theatre. Yung movie na pinanood namin, hindi naman pure love story pero may halo din.  Almost 2 hours din yung movie. Gusto nyo bang ikwento ko yung movie? Wag na. Hindi ko rin naman masyado naintindihan eh. Nadidistract kasi ako dito sa katabi ko.

Pagkatapos nun, naglakad lakad pa kami around the mall.. Nagpunta din kami sa arcade at naglaro.Para nga kaming mga 4 years old dun eh.Kanina pa na sya yung nanlilibre. Kaya this time, ako naman ang nanlibre. Nilibre ko sya ng dippin’ dots. Favorite ko kasi yun, eh hindi pa daw nya yun natikman.Yun yung ice cream na parang maliliit na holen. Ang cute noon eh,ang sarap pa.Nakabili din naman ako ng dalawang blouse sa bench tapos sya naman ay ball cap. Ang hilig nya dun eh.

Tuloy pa rin kami sa paglakad nang may nakita akong bata na may suot na t-shirt na katulad na katulad ng kay Dustin. Pinagmasdan ko sya habang papunta sya doon sa palaruan. Maya-maya lang,

12

Page 13: Candy Story Rebound

hinatak na naman nya na naman yung kamay ko. Pumasok kami doon sa tindahan ng silver accesories.

“Bibili ka?” tanong ko sa kanya. Hindi siguro ako narinig dahil hindi sya sumagot.

“Miss, ayun nga po.” Tinuro nya yung bracelet na may palawit na ....heart? Nyay! Bakit pangbabae?

Tinanggal nya sa lalagyan tapos isinuot nya sa wrist ko.

“There, it’s perfect for you. Ikaw naman, pili ka para sa akin.” Ok? Ako ba magbabayad nito? Dahil kung oo, lagot. Dahil 90 pesos na lang ang natitira sa pera ko.

“Ako naman magbabayad.” Sabi nya sa akin. Nabasa nya yung utak ko? Since sya naman yung magbabayad, pumili na rin ako. Sa dami ng pagpipilian, dun ako bumagsak sa susi yung palawit. Parang mali no? dpat kasi  kapartner ng susi ay something na may lock. But anyway, yun ang pinakamaganda doon kaya yun na lang. Pinakuha din nya doon sa sales lady. Nagpatulong pa nga sa akin na isuot ko sa kanya. Tsaka ko lang napansin na pareho pala yung chain.

“Miss, magkano ‘to? Both.”sabi nya sa sales lady.

“450 po,Sir.” Sabi nya ng sales lady.  “200 yang sa’yo, yung sa kanya 250.”

Nagulat naman ako dun. 450 na para sa dalawang bracelet? Ang mahal naman.Tapos mas mahal pa yung sa akin kaysa sa kanya.

“V-jay, wag na kaya. Mas mahal pa itong sa akin eh. Nakakahiya naman.”

“Hindi. Bigay ko yan sayo. Tsaka di bale, mas ... naman kita eh.” Ano daw? Hindi ko masyado naintindihan eh. Bwisit naman kasi yung isang lalaki. Sa dami ng babanggain sa mundo, ako pa ang napili. Napa ‘ouch’ na lang ako nun. At kung hindi rin naman sya bastos, ehP umasta pa na parang walang nangyari.

“Pare, wala man lang bang sorry?”

“Sorry for what? Aksidente lang yun. Hindi ko kailangan magsorry.Sya naman yung nakaharang dyan ah!” Aba! Ang panget na to. Ang yabang. Kung hindi lang mas matangkad sa akin to, sinampal ko na eh.

“Kahit na. Babae sya at nasaktan mo. At tsaka hindi sya nakaharang. Ikaw yung di tumitingin sa dinadaanan mo. Are you gonna say sorry to her or You want me to make you feel sorry?”tahimik lang ako dun na nakikinig sa kanila. Natakot yata yung higanteng yun sa mga sinabi nya kaya nag-sorry na din.Asus. Yun lang naman pala ang katapat nya. Ang yabang pa nya. Duwag naman pala.

Matapos yun ay tinapik lang sya ni V-jay sa balikat. Then, binayaran na nya yung mga bracelet.Dahil gumagabi na, habang nagpunta sya sa Sports Authority, ako naman nag C.R. naiihi na kasi ako. Nag-usap kami na magmeet na lang doon sa may National Bookstore.Malapit kasi yun sa exit.

Pagdating ko dun, eh nandoon na nga sya. May dala pa nga sya na kung ano na

parang unan. Hindi ko naman na tinanong kung ano yun.  Pagod na rin kasi ako.Sumakay na kami nun sa jeep. Nakangiti na naman sya nun sa hindi malamang dahilan. Parang sira.

Pagbaba namin ng jeep, maglalakad pa dapat kami hanggang sa amin. Kaya lang, sumakay na kami ng tricycle. Napagod din ata sya. Naupo pa kami doon sa tapat ng game  namin. Wala naman kasing tao sa bahay.Si Daryll lang. May pinuntahan  yata sina Lola. Sina kuya naman,nandoon na siguro sa bago nyang dorm.Pinakita  naman nya sa akin yung dala-dala nya na nasa paper bag. Tumawa ako ng malakas nung makita ko yun. Hindi naman kasi kapani-paniwala.

“Stuffed toy? Mahilig ka pala dyan.” Sabi ko naman habang tumatawa pa rin ako. Sino ba naman mag-aakalang mahilig ang isang V-jay Radley Rivera sa stuffed toy.

“Sino naman nagsabing akin ‘to? Para sayo ‘to Remembrance.. "Seryoso talaga sya nun kaya tumigil na ako sa pagtawa.

Binigay na nya sa akin yung stuffed toy. Medyo malaki din yun pero hindi naman yung super laki. May maliit na card pa dun na nakasulat yung date at kung anu-ano pa.

“Thanks. Hindi mo naman sinabi kaagad. Sana pala bumili rin ako ng para sa’yo.”

“Ok lang naman kahit wala ako.” Tumigil sya tapos tinawag ako.

“Denise..”

“Hmm?”

“Sobrang saya kayo ngayong araw na ‘to.” Ows? Hindi nga?

“Ako din eh,  enjoy ako.”

“Mas lalo ako. Nanalo kami kanina, tapos kasama pa kita.” Touch naman ako dun sa sinabi nya. That was more than enough to make me smile.

Tumayo na ako at tumayo na rin sya.

“Ano nga palang tingin mo dun sa laro namin kanina?”

“Galing! Nanalo nga kayo di’ba? Congrats! I had fun.”

“Talaga? It helped na nandoon ka.”Nagsmile lang naman ako sa kanya at niyakap nya ako.

Tuwang-tuwa talaga sya eh noh?

“Thanks,Denise.” Sabi nya habang nakayakap sya ng mahigpit.

“V-jay, hindi na ako makahinga.” Sabi ko naman kaya inalis na nya yung pagkakayakap nya.

"Sige pala, lakad ka na. Gabi na din eh.”

“Oo nga, una na pala ako. Alagaan mo sya ha. Bigyan mo ng pangalan.” Sabay turo nya sa hawak ko na stuffed toy.

“Oo naman. Thanks dito ah. Wala naman akong nabili para sa’yo. Ito na lang remembrance ko..Ingat ha. ”

Humarap ako sa kanya then...

13

Page 14: Candy Story Rebound

I kissed him on his cheeks.

Nagulat nga yata sya sa ginawa ko. Ako rin eh. Kaya ngumiti na lang ako at pumasok na ako sa loob ng bahay. Matapos ng ginawa ko eh Wala naman na akong sasabihin no.

Naglinis na ako ng katawan at nagpahinga na. Ang sakit nga ng paa ko dahil sa kalalakad namin. Buti na lang talaga nag rubber shoes ako. Hindi ko naman inalis sa kamay ko yung bracelet. Yung stuffed toy, katabi ko pa sa pagtulog.

Nagvibrate naman yung phone ko.

> Tnx Denise.. Dis is the beSt day ever...Swit dReams.

Magrereply sana ako kaya lang check op na ako.Asar naman. Bakit naman kaya sya nagpasalamat? Ako pa nga dapat magpasalamat sa kanya eh. Halos libre nya lahat yung kanina.Over all nag-enjoy naman ako sa date na yun. Maniniwala ka bang nanood ako ng basketball? Ang arte ko no? Si V-jay lang pala makakapilit sa

akin.  Maaga ako pumasok ngayon sa school. Ang saya ko nga daw sabi ni Ate Mye. Suot ko din yung bracelet na bigay nya.

Nagkwekwentuhan kami doon ni Leah. Nalaman nya kasi yung tungkol sa date na yun. Dahil close naman kami, kwinento ko na sa kanya. Asungot naman yung intercom at bigla na lang sumingit.

‘The following students, please come to the LMC,Denise Lauren Mendoza...blah-blah-blah..please come to the LMC’

Pagdating ko sa LMC, nandun na yung ibang members. Pinapasa na yung mga article nila. Waah! Ngayon na nga pala due ‘yun. Hindi pa ako tapos. Nakalimutan ko na. Kailangan na kailangan na daw yun sabi ni Ms. Anyayahan kaya ako ay nag-ala Darna dahil halos lumipad na ako papunta sa room namin para kunin yung kalhati ng article ko. Hand-written na lang since wala naman na akong  time para magtype. Bakit ko naman kasi nakalimutan pa yun!Grabe,madalian na nga lang talaga ang article na yun.  Buti na lang gifted ako pagdating sa writing at natapos ko in 15 minutes.

Pasalamat sila. 

Sa P.E naman. Volleyball Unit kami ngayon. Sa gym naman kami kaya hindi nakakaitim ‘to. Naka P.E uniform kami ngayon. Nang naglaro girls to girls daw muna. Yung mga boys, nasa bleachers lang. Nanalo naman yung group namin nina Leah. Sunod naman ay halo-halo na yung boys and girls sa team.

“Ei, ang cute mo sa P.E uniform.Bagay sayo, ang ganda mo lalo.”

“Sus!Bolahin daw ba ako. Oh dali na game na.” sabay binato ko sya ng bola.Kaya lang nasambot naman nya.

Ngumiti lang sya noon at nagsimula na kami maglaro. Sya sa kabilang team. Hindi naman nya sineryoso yung laro. Parang wala lang sa kanya. Tawa lang sya ng tawa doon. Ayaw nyang iserve ng maayos. Sya tuloy ang pulot ng pulot ng bola.  Kailangan na yatang dalhin sa mental.

“Mr.Rivera, mukhang masyado ka ngang  masaya ngayon ah!Pay attention to the game!!!” Sabi ng P.E teacher namin.

“Opo,Mam.”sabi naman nya habang tumatawa-tawa pa.

Sinerve naman nya ng malakas. Sobrang lakas naman ngayon na nakarating na yung bola sa kabilang side. Tapos, tawa pa rin sya ng tawa.

“Pare, nkatira ka ba? Para kang baliw.”

“Kapareho ba yun ng inlove? Kung oo, baliw nga ako.”sabay tingin nya sa akin at sabay iwas din ng tingin ko.

Ano naman yun? Naku ha. Inlove ba sya sa a--

Yan ka na naman Denise. Dream on!

Kinabukasan, panay ang paalala ng mga teachers tungkol sa exams. Wala! Puro pressure na lang.

Nagsimula na naman ang kalbaryo ko dahil sa Math na yan. Nakinig naman ako sa lecture pero hindi ko pa rin nakuha.  Naiinis nga ako dahil kapag kasabay

yung teacher eh nasasagutan ko naman ng tama. Tapos kapag ako na lang, mali na lahat. Dahil nga tiyak na makakasama daw yung sa test eh sineryoso ko ang pag-aaral during breaktime dito sa ilalim ng payong. Ibang usapan na kapag bumagsak ako.

Nanahimik ako dahil nga binabasa ko yung book tungkol sa lesson namin. Argghhhh!!!Sumasakit ang ulo ko sa corollaries na ito. Noong pinanganak yata ako eh isinumpa ako ng mathematics kaya ganito na lang ako kabobo pagdating dito. Nag-try akong magsagot ng ilang problems pero out of five eh dalawa lang yung naitama ko.

“Ugh! Ang hirap naman nito. Dumudugo na yung utak ko.” 

“Kailangan mo ng tulong?” 

Lumingon naman ako bigla  kaya yung buhok ko ay napahampas sa mukha nya. Anak ng tokwa! Bigla-bigla namang sumusulpot ito.  Hindi ko na alam kung saan nanggagaling eh.

“Your hair smells good.” Nag-sniff pa sya sa buhok ko. Parang aso naman ‘to. Sumisinghot-singhot kasi eh.

“Ano,kailangan mo ng tulong?”  tumabi naman sya sa akin. Napansin ko din na may dala syang bola.

“Oo.As in kailangan ko talaga.” Magaling naman sya sa math. Malamang eh kayang kaya nya ‘to. Tiningnan nya yung book ko at sinabi ko na nahihirapan ako sa part na yun. Ni-ready ko naman yung papel para i-jot down yung mga ituturo nya.

14

Page 15: Candy Story Rebound

“Sige, kita na lang tayo mamayang labasan. May practice kasi ako ngayon eh.” Nginitian lang nya ako. Nakakaloko. Akala ko pa naman tuturuan na ako! Basketball talaga oh. Asungot!

So ayun nga. Nagpunta na sya sa practice nya. Ako naman eh pumasok na sa room at naghintay na lang ng next class. Noong labasan eh may message ako nung binuksan ko yung phone ko.

>and2 ko sa gym. Punta ka d2.

Eh di punta naman nga ako sa gym.  Dala-dala ko pa yung mga books ko na pagkabigat-bigat. Kailangan ko kasi pag nag-aral ako mamaya. Pagpasok ko sa gym eh wala namang tao. Ako nga lang yata nandun eh.

“Denise,dito!”   nandoon pala sya sa maliit na office ni Sir Mike. Pumasok naman ako doon. Mukhang nag-aayos sya ng mga files eh....habang nanonood ng tv. Ngayon ko lang  nalaman na may tv pala dito sa office ni Sir Mike.

“Bakit dito?”

“inutusan akong mag-ayos ng files ni coach. ” tapos kinuha nya yung book ko.

“Dito ka ba nahihirapan? Ganito lang yan...” tapos inexplain na nga nya.  Hindi ko naman dinemand na tulungan nya ako  dahil nakita ko naman may ginagawa nga sya. Pero ayos lang naman daw dahil madali lang iyon.Maayos naman ang pagkakapaliwanag nya kaya unti-unti ko ng naintindihan. Habang tinturuan ako eh hindi nya maiwasan manood ng tv. Hindi na ako nagtaka eh. Basketball kasi ang palabas.

“Oh..try mo ‘to sagutan.” Tinuro nya yung problems doon sa book. Nagulat naman nung narinig ko yung tiyan ko. Nag-growl eh.

Nyikes! Nakakahiya. Halata mo na natatawa na sya pero pinipigil lang.  Ngumiti na lang sya at biglang tumayo.

“Bibili muna ako sa labas. Ano bang gusto mong kainin?”   “Kahit ano na lang. Kaw na bahala.” Sabi ko na lang.

“Ok. Pabantayan lang nung game.” Sabay tinuro nya yung tv. Wala naman akong nasabi dahil  ang bilis nya lumabas.

Tinuloy ko yung pagsagot dun sa mga problems. Once every minute or two eh na-glance ako sa  tv. Kahit labag sa kalooban ko eh binantayan ko na rin yung game. Naiinis nga ako dahil hindi ko naman masyadong naiintindihan. Pano ko naman ieexplain sa kanya yung mga nangyari.

Patapos na ko dun sa sinasagutan ko nang dumating sya. Alam ko na agad kung saan sya bumili. Chicken Joy kasi tapos may bubuyog na pula.

“Anong nangyari?” 

“Nung umalis ka, natapos naman yung second round.  38-43. Noong 3rd round, nagtie sa 60.”Tumigil naman ako sa pagsasalita. Paano naman kasi eh nakatingin lang sya sa akin nun habang ako...i’m trying my best to explain kung anong nangyari sa epal na basketball

game yun. TApos sya nanakunot yung noo na para bang hindi nya naiintindihan yung sinabi ko.

"Eeh! Wag na nga. "

“What? Anong bang ‘round’? Baka naman ‘quarter’’ because round is for boxing.” Tawanan daw ba ako? Malay ko sa basketball na yan! Hindi naman ako mahilig dyan.

“Whatever. Pareho na rin yun. Wala akong alam dyan.”

Kumain naman kami nun. Nanonood pa rin sya ng basketball habang chinecheck yung mga sagot ko. Ako naman, inayos ko na yung mga files na dapat sya ang gumagawa. Kaya lang ,tinutulungan nya ako sa lessons kaya parang bayad ko na rin. Maya’t maya nga eh tinatawag ako at sinasabi kung anong move yung ginagawa ng mga players. Lay-up daw yung ganun, blind pass yung ganito, free throw dahil ganun.  At kung anu-ano pa. I don’t know why he started telling me all those stuff. Basta sabi  lang nya...

“it might help you in the future.”Next day.Lunch. Naglalakad ako papuntang cafeteria para kumain. Maya-maya lang kasunod ko na pala si V-jay. Kaya ayun, sabay na nga kami papuntang cafeteria. Habang naglalakad kami, bigla na lang may lumapit na babae. Nagulat na lang ako ng bigla nyang hinalikan si V-jay sa lips. It was a smack. Tapos nun ay nagsmile yung girl at tumakbo na papalayo. Ayos din ah! Agaw eksena.

Kung makikita mo yung hitsura ni V-jay  eh parang nashock talaga. Kahit naman

ako eh nashock din doon sa ginawa nung babae. Pati nga yung mga tao sa paligid eh napa ‘whoa’.

“Geez...She’s  so random!” sabi nya yun habang pinunas nya yung labi nya. Halatang nalagyan ng lip gloss eh.

“Yeah. Totally random. Kilala mo ba yun? Ninakawan ka ng halik ah.” I couldn’t believe that girl.

Hindi naman nya sinagot yung tanong ko hanggang sa nakarating kami sa cafeteria. Tintukso sya nung mga barkada nya na nakakita nung “Kissing Scene”

“Pare, kamusta naman yun. Ninakawan ka ng halik ng crush mo.”

“Oo nga pare. Sya na yung gumawa ng first move. Sisiw na para sa’yo. Pwedeng pwede mo ng diskartehan.”

Ahh!!! Magsitigil nga kayo. Hindi ko gusto yung mga naririnig ko. Yung babae na yun pala ang crush ni V-jay. Ano ba naman yan. Masyado naman yatang aggresive.

But I admit...she’s pretty.

 Bigla na lang nag-init yung mukha ko ‘nun. Nawalan na ako ng gana sa pagkain. At hanggang sa matapos yung araw na yun eh parang tuluyan na akong nawala sa mood.

Friday.Nagtake kami ng kung anong-test ngayon. Assesment test yun. Half day nga kami dahil dun eh.Ganun kasi kapag may assesment test. Parang pahinga na siguro yon habang yung mga teachers eh nagchecheck.Usually pumupunta kami sa

15

Page 16: Candy Story Rebound

mall or kumakain somewhere kasama ang mga kaklase.

Nakaupo na naman ako doon sa may malaking payong at may chewing gum na naman. Biglang may humawak sa dalawang balikat ko. Diyos ko. If you don’t see me tomorrow that means I died because of heart attack.

“Denise, tara,sama ka sa akin.”

Kinuha nya yung bag ko na nakalapag sa bench at hinila  nya ako palabas ng gate. Sana lang hindi sya nagmamadali no. Ang bilis nyang lumakad.

Sumakay kami sa tricycle noon. Hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta. Medyo malayo siguro, dahil nagtricycle kami. Kahit naman papaano ay kilala ko na sya. Natatandaan ko na sinabi nya dati na  mas gusto nyang maglakad.

“Oh, bakit nagtricycle ka yata ngayon? Saan ba kasi tayo pupunta?”

Tumingin lang sya sa akin at ngumiti. Ano namang ibig sabihin noon? That didn’t even answer my question.

Maya-maya lang, huminto na yung tricycle. Bumaba na kami at nakita ko naman yung address plate sa tabi ng gate.

RIVERA3248 Freemont

Bahay siguro nila ito. Ano ba ‘to?Mansion? OA! Binuksan nya yung gate at pumasok na kami.  Namangha naman ako dahil garden pa lang ang ganda na. Ano pa kaya sa loob?

“Bahay nyo?”

“I think so” Naku ha! Hindi ka pa sigurado. Baka mamaya hindi sa inyo ‘to. Tresspassing pa tayo.

“Anong gagawin natin dito?”

“Nandito sina Daddy ngayon. Ipapakilala kita sa kanila.”

Pagpasok namin, mas lalo pa akong namangha. Ang ganda kasi. Nakita ko doon sa living room  yung mga displays. May mga figurine ng airplane at maliliit na flag from different countries. Siguro mahilig silang magtravel or something.Pagtingin ko naman sa kabilan side, may mga pictures naman doon. May lalaki doon na sa tingin ko ay tatay nya. Kahawig kasi eh.

“That’s my dad. He’s a pilot. Minsan lang syang nandito dahil kung saan-saan yung byahe nya. ” Wow. Pilot.Astig! Sabi ko na nga ba yun ang tatay nya.

That explained everything. Kaya naman pala may mga eroplano at flags from different countries. Piloto naman pala. Pinakita din nya yung picture ng Mommy nya at yung kapatid nyang babae na mas bata sa kanya.

“At eto naman, baka hindi mo kilala eh ako.” Makakalimutan ko naman ba ang mukhang yun?

“Sino ba yan? Ngayon ko lang nakita ang pagmumukhang yan ah.” Niloko ko naman sya.

“So may kapatid ka pala no? magkahawig din kayo eh.”

Tumango naman sya at ngumiti. Hinila nya ako at ililibot daw nya ako sa bahay. Ang ganda ng pagkakaayos ng bahay. Elegante pero homey pa rin. Nakita ko din yung kwarto nya. Ano sa tingin nyo ang hitsura? Ano pa, eh di basketball ang theme at parang hindi kwarto ng lalaki sa sobrang ayos. May mga bola pa nga na may autograph.Yung ‘Bryant’ lang ang familiar sa akin.  Madami din syang collection ng jerseys, and ball caps. Meron din syang laptop doon.

Napansin ko naman yung parang jewelry box na transparent. May mga wrapper ng juicy fruit. May sayad ba ‘to ? Itago daw ba ang basura?

“Ei, ano to?”

“Gum wrapper.” Oo nga naman, Denise. Gum wrapper nga naman.

Itatanong ko pa sana kung bakit nakatago yun kaya lang hinila na naman nya ako papunta sa next room. Napipikon na ako ah. Kanina nya pa akong hinihila.

Akala ko ba nandito yung Daddy niya? Eh kanina pa kami naglilibot dito, wala naman akong ibang nakita kung hindi yung isang ale na maid yata nila. May isang room pa doon na hindi na ako nakapasok. Nandoon daw yung mga aso nila at hindi pa daw nya napapaliguan kaya next time ko na lang daw tingnan. Hindi naman ako disappointed dahil hindi naman ako interesado mameet yung mga aso nila. Baka mapatili ako dun ng di oras.

Ang last part ng bahay na pinuntahan namin ay yung backyard. May deck sila

doon at nandun pala yung buong family nila. Papalabas pa lang kami noon nang napatigil naman ako. Tiningnan ko si V-jay noon. Nakatingin na naman sya sa kin at nakangiti pa. Ano bang nasa isip nya ngayon? Ewan ko.Hindi ko rin alam. Ang weird nga nya nitong mga nakaraang araw.For some strange reasons, bigla na lang akong kinabahan. Maybe because his parents look tough? I don’t know. Dahil nakatigil ako doon sa may pinto, hinila na naman nya ako. At talagang nakangiti pa sya. Talagang hindi nauubusan eh.

“Daddy, Mommy, si Denise po.”

“G-good afternoon po. Mr. and Mrs. Rivera” Oh my god. Natutuyuan ako ng laway. Hindi ko alam ang sasabihin ko dito.

“Good Afternoon din. Naku,masyado naman formal.Tita Racquel na lang.”

“Right hija, ako naman, just call me Tito Vic.Feel at home ok.”

“Ok po.”

“Sa wakas, nakilala ka rin namin. We’ve heard so much about you.” Naku ha.Nakakatakot ‘to.Are they investigating me or something? Lumapit naman yung batang babae. Actually, hindi na sya ‘bata’ eh. Medyo dalaga na.

“Hi, ok lang bang Ate Denise ang itawag?”  Tumango naman ako at nagsmile. Kilala na rin nya ako. Tsk,Tsk.

Iba na ang sikat.

16

Page 17: Candy Story Rebound

“Reese nga pala.”  Parang sya yung babaeng version ni V-jay ah.

Tinawag naman na kami sa mesa para kumain. Ang daming ngang nakahanda eh. Parang fiesta. At may barbecue pa. Favorite! Kumain naman na kami noon. Ang magkatabi ay yung parents nila, tapos si Reese, ako, then si V-jay. Pabilog yung table, pero feeling ko ako pa rin yung nasa pinakagitna. Nakakailang nga eh. Lahat sila ineentertain ako. Idagdag mo pa na si V-jay nilalagyan pa ako ng pagkain sa pinggan ko. Hello? Meron naman po akong sariling kamay.

“Anak,babalik na nga pala ang pinsan  mo from the states.”

“Talaga po? Eh di mabuti. When?”

“Bukas ng tanghali.”

Out of place naman ako. Hindi ko alam yung pinag-uusapan nila. Oh well, it’s none of my business.

Inutusan naman si V-jay ni tita Racquel na kuhanin yung dessert sa loob ng bahay.

“Denise, ginugulo ka ba ni V-jay? Sabihin mo lang,at tuturuan ko ng leksyon.” Sabi ni Tito Vic.

“Hindi po. Mabait naman po yun. Mahilig nga lang manghila.” Sabi ko naman.Tapos ay biglang nagtinginan sila ni Tita Racquel at tumawa.

Para saan kaya yun?

“Ganun talaga sya since maliit pa sya. Kapag hinihila ka nya,that means, masaya sya kapag kasama ka. Ganoon talaga sya. Sa akin pati. Especially kay tito Vic mo.” May ganun?

Bumalik na si V-jay dala yung dessert. Bigla naman iniba ni Tito Vic yung usapan. Ayaw nyang malaman ni V-

jay?!?

Pagkatapos namin kumain, nagyaya naman si Tito Vic na doon daw kami sa family room dahil umiinit na.  Ang dami din nilang DVD doon. Collection daw nila. Ang dami naman yata nilang collection.

Parang nagkaroon na rin ng talkshow dahil sa kwentuhan at gag show dahil patawa ng patawa si Tito Vic. Pagod na nga ako sa kakatawa. Si V-jay naman, ay hindi umalis sa tabi ko. Dapat lang no. Dinala-dala nya ko dito tapos iiwan nya lang ako. Mukhang napagod na rin sya sa kakatawa at nakahawak pa sya sa tiyan nya. Nawala naman na yung pagkailang at kaba  ko at napalitan ng enjoyment. They are not really as tough as I thought before. Ok nga sila eh. Ang sayang kasama.

Hinatid naman ako nina V-jay sa bahay. Kasama pa nga si Reese eh.

“Ei, hindi mo pa nasabi sa akin yung tungkol sa parents mo.”

“Ah.oo nga pala no. Nurse sila pareho. 10 years ko na nga sila hindi nakita eh. Kagaya ng iba,nandoon sila para mabigyan kami ng mas magandang furure.Ang last  na nakita ko sila eh yung

namatay si Dustin. Hindi na nga naabutan nina Mama na buhay sya eh. Sayang. Tapos, ayun, hindi pa naman kami madala nina Mama doon dahil nga yung mga papeles na kailangan pa ayusin. Sabagay, ayoko rin naman pumunta doon. Ayun ang drama ng buhay ko... Ang lungkot no? Parang api. Pwede nang pang telenovela. Ikaw may drama ka rin ba sa buhay mo?"

Ang konti lang sinabi ko no?

“Ako? Wala naman. Hindi naman ako api. Ako pa yung mabait sa api.”

Ewan ko ba kung seryoso sya sinabi nyang yun. Nakangiti din kasi sya eh.

“Wala daw?! Meron eh. Ate Denise, may drama din yan. Nga pala, I like your bracelet. ”sabi naman ni Reese.

“Thanks. Paano mo naman nasabi na madrama?”

“Simple lang naman. May pinsan ako, solong pinsan ko yun sa father side.. May sakit sa puso. Kawawa nga yun eh. Lagi syang tinutukso kasi lampa sya. Tuwing mapapahamak sya, to the rescue agad ako. Sabi kasi ng lola ko, I should always protect him as much as possible and I should give way to him as much as I can. And share what I have,as well.Kaya kung meron akong something na gusto nya, binibigay ko. Ako lagi yung nagpaparaya para sa kanya. ”

“Sobrang bait mo naman pala. Eh bakit kailangan ganun?”

“Ayaw nila na masaktan yung feelings nya kasi nga may sakit sya sa puso. May

favoritism din pero ayos lang sa akin.Naawa rin kasi ako. Hindi naman nya nagagawa yung mga bagay na pwede at kaya kong gawin Limited yung kanya. Ako naman, sa tingin ko normal ako kaya ako na lang naggpapalamang.”

“Ahh...” yun na lang yung lumabas sa bibig ko. Speechless na ako.Para ngang gusto kong umiyak dahil sa story eh pero pingil ko na lang.

Pero ang bait naman nya sobra. Kung ako nga, hindi ko yata kaya gawin yun para sa kapatid ko eh. Sa hitsura nya, parang wala lang naman sa kanya yun. Kakaiba rin eh noh?

“Kuya, who told you you’re normal?” sabi naman ni Reese habang tumatawa  kaya ginulo ni V-jay yung buhok nya.

“Shut up, Reese." Binuksan ko naman yung gate nun para makapasok na.

"Hold on. Wait. Ate Denise, have you seen those gum wrappers doon sa kwarto ni Kuya?"   Pinigilan naman ako ni Reese. Natatawa pa sya na parang ewan. Si V-jay naman sinisiko sya.

"Err...yeah. Para saan ba yun?"

"Well, ang corny. But kuya's keeping those gum wrappers because they're from you." tawa na ng tawa si Reese. Ang sama naman ng tingin ni V-jay sa kanya pero biro lang naman yun.

"Totoo ba yun?"  Nagkamot pa sya sa

17

Page 18: Candy Story Rebound

ulo. Sumagot sya pero hindi nakatingin sakin ng diretso.

"Uhmm....yea." Napangiti naman ako nun. "sige na Denise, hihintayin ka namin makapasok sa loob.”

“Ok. Bye Reese. Nice meeting you.”

“Ate, punta ka ulit sa bahay ah.” nag-nod lang ako.

“Thanks sa paghatid. Ingat kayo sa pag-uwi ha.” Tinapik ko naman sa balikat si V-jay.

“Good night Denise!” Tumango lang naman ako at pumasok na sa loob ng bahay.

Noong gabing yun, nagkaroon pa ako ng time para magmuni-muni. Bigla na lang nasagi sa isip ko si V-jay.  Kakaiba rin yun e. He is...well...something.Katulad ng normal na araw ko, school tapos bahay. Aral tapos tambay sa harap ng tv o kaya naman computer.

Si V-jay naman, normal din siguro. Busy pa rin sa basketball. Minsan makulit,minsan naman eh seryoso. Kung minsan naman, napaka weirdo nya kaya hindi ko na maexplain. But there is really something about him that is making me weak.

Weekend. Walang pasok. Hay..ang sarap matulog. Nagising na ako pero medyo nagkakapit pa yung mga mata ko. Pero, kapag ganito, asahan mo na may istorbo.

May kumakatok sa pinto ko. Kung makakatok pa akala mo ay katapusan na

ng mundo.

“Ate! Gising na. May naghahanap sa’yo sa baba.”

 Speaking of the devil. Himala yata ngayon at nauna nagising sa akin si DAryll. Eh tulog mantika din yun eh.

Sino namang yang nasa  baba? Ang aga aga, istorbo.Bumangon na ko. Nagtooth brush at naghilamos lang tapos ay bumaba na ako. Alas-10 na rin pala. Hindi na maaga.

“Good Morning,Denise.” Akala ko ba nasa states sya?

“Yuan?” Well, ang saya...my crush is back.

Tumayo at binigay sa akin yung flowers na dala nya.May chocolate pa nga eh. Malamang galing pang states yun. Ganun din kasi yung pinadadala nina Mama. Ang pinagkaiba lang ,nasa lalagyan na korteng puso yung dala ni Yuan.

“Thanks,Anong ginagawa mo dito?”

“Dumadalaw lang. “

Bigla naman pumasok si Kuya Darren. Nandito si Kuya! YAy!At may kasama pa.

Si V-jay??? What in the world is he doing here?

“Oh, nandito ka rin?”  kakshock ‘to ah.

Nagsmile lang naman sya sa akin. That ‘killer smile’ again.

Help!!! PArang gusto sumakit ng ulo ko. Hindi ko gusto ang scenario na ito. Si V-jay tapos si Yuan.May flowers at chocolate. Gusto ko yatang umakyat na  lang ulit sa kwarto ko. Baka kung anong isipin ni V-jay. Teka, ano naman pakialam ko kung anong iisipin nya diba?

May nagsnap naman sa harapan ko. Si kuya Darren.Akalain nyong natigilan pala ako.    “Umayos ka.Wag parang ewan.” Binulong nya sa akin yun.

As if naman na hindi halata nung dalawa. Pagkatapos noon, umakyat sa kwarto nya si kuya.

“Ah...V-jay si Yuan nga pala.... Yuan si V-jay.”

Nakipagshake hands naman si V-jay kay Yuan.Napansin ko na nakapang basketball si V-jay. Blue and white pa nga yung kulay. As usual, 46 na naman yung number. May dala rin sya na bola.

Maya-maya naman, bumaba na si kuya. Nakapangbasketball din sya. So, I guess... hindi naman ako ang pinunta ni V-jay dito. I thought—yeah right Denise. Asa ka pa. Feeling mo naman ang haba ng hair mo.

“Tara na.” sabi ni Kuya.

“Oh, eto na pala. Sige Denise, mauna na kami...see yah.”

Tumayo na si V-jay nun. Nakipagshake hands naman ulit kay Yuan. Talagang may ‘repeat’ pa ha. Umalis naman na sila. Obviously, maglalaro sila ng basketball.

“Yuan, kailan ka nga pala dumating?Kamusta yung surgery?”

“Successful naman yung surgery. Bawal pa nga lang magpagod masyado. Pero makakapasok na ako sa school. Sa Brayden Johnson High School na rin ako. "

“Ah, talaga. Bakit ka pala nandito?”Teka..parang tinanong ko na yun kanina ah?

“Namiss lang kita.Kaya eto, dinadalaw na kita.”

Parang mali yata yun. Sya yung nagkasakit dito tapos ako yung dinadalaw.

“Loko ka talaga.Baliktad naman yun. Ikaw yung na-operahan, ako pa yung dinalaw mo.”

Nagkwentuhan kami doon tungkol sa pagstay nya sa Amerika. Fall pa lang daw dun kaya hindi naman masyadong malamig.Marami-rami rin yung nagpag-usapan namin. Tumunog bigla yung phone nya kaya nag-excuse sya. May narinig ako na ‘Mom’ kaya malamang yun yung mommy nya. I wasn’t eavesdropping,ok?! Narinig ko lang dahil malakas talaga yung pandinig ko.

“Denise, mauna na pala ako. Tumakas lang kasi ako sa bahay. Bye.”Hinatid ko na lang sya hanggang sa may pinto.

Hayy...Lunes na naman. Another week again. Let’s start it right.Rise and shine, Denise Lauren! Good Morning

18

Page 19: Candy Story Rebound

America...este Philippines pala.

Ginawa ko naman yung daily routine ko. Pagdating ko sa may kanto ng Freemont, nandun si V-jay. Nakisabay naman sya sa paglakad.Tanghali na rin ah. 6:45 na. Dapat nasa school na sya ng ganitong oras.

“Good Morning Denise.” Hay...talagang good ang morning ko.

“Good Morning din. Tanghali ka na yata ngayon ah.” Sabi ko naman.

“Oo nga eh. Hinintay kasi kita. Kanina pa nga ako doon, alas-6.”

“Ako? Bakit mo naman ako hihintayin?” hindi naman nya ginagawa ‘yun dati.

“Wala lang. Gusto ko lang kita makita

agad.” Ay ganun?!   

“Bakit? May kailangan ka ba? Ano? May problema? Tell me.”

Ngumiti lang naman sya sa akin ‘nun. Talaga  bang hindi sya nauubusan ng supply ng smile?

Tiningnan ko naman sya na parang “Huh?”

“Wala.Gusto nga lang kita makita agad.Bawal na ba yun ngayon?”  sabi naman nya.

“Hindi. Sinabi ko bang bawal?”

“Ako na nga magdala nyan.” Sabay kuha nya nung mga libro ko.

“Dumating na yung pinsan ko.” Parang natatandaan ko nga na pinag-uusapan nila yun.

“Oh yeah? Eto ba yung pinsan na kwinento mo sa akin dati?”

Nag-nod lang naman sya noon. Nakarating na rin kami sa school at dahil magkatabi lang din yung upuan namin,hanggang sa loob ng room, magkasabay pa rin kami. Namataan na naman kami ni Leah kaya nanukso na naman sya. Naku naman, pagsinimlan nyan, hindi ako titigilan. Ganyan sya kapag may topak. Idagdag mo pa si Ashley. Tapos na ang full moon ah. Bakit sinusumpong pa rin sila?Usap-usapan naman sa school yung bagong estudyante. Sino pa nga ba? Eh di si Yuan. Hindi naman namin sya kaklase dahil doon sya sa Section C. Pero yung room nila ay malapit lang din ng sa amin.

Paglabas ko ng room para pumunta sa cafeteria, nandun si Yuan. Nagtanong nga sya kung pwede daw sabay kami kumain at pumayag naman ako.Nilibre pa nga ako eh. Spaghetti at garlic bread yung akin. Yung kanya naman eh vegetablesalad.Masyadong healthy eh no?

Chinika ko naman sya tungkol sa first day nya dito sa Brayden High. So far, ayos daw naman. Sabay na din kami papunta sa room. Ang bagal nga lang nyang maglakad. Kabaliktaran ni V-jay na madalas eh kinakaladkad ako.

Dahi mabait naman ako, sinamahan ko na si Yuan  hanggang sa room nila.  Tapos nun sinamahan din nya ako hanggang  sa room namin. In other words, naghatiran

lang kaming dalawa. Hindi ko naman na siya sinamahan hanggang sa room nila.Eh di babalik na naman ako. Para kaming sira na naghatidan.

Wala pa naman yung teacher namin kaya nakipagdaldalan muna ako doon. Nagkumpol-kumpol yung mga kaklase kong babae doon. Ano namang chismis?May dala pala na magazine yung isa naming kaklase. Noong narinig ko nga Yung pangalan na Chad Michael Murray. Napatili na lang ako at nakijoin na rin ako sa kanila. Oh.My.God. Nakakabaliw talaga si Chad. Bago ako, himatayin sa kagwapuhan nya eh bumalik na ko sa upuan ko. OA noh?  Si V-jay naman, nandoon din at naglalaro sa cellphone nya. Nakaball cap pa. Bawal sa loob ng room yun ah.

Teka...Bakit sya nandito? May practice dapat ngayon ah!

Bakit ko alam? Wala lang. 

“Canceled ba ang basketball practice  ngayon?”

“Hindi. Tinatamad lang ako magpractice.” Pwede pala yun. Kapag ayaw nya ,di sya pupunta.

“Nakita kita sa cafeteria kanina ah. Pati yung kasama mo. Magkasundo naman pala kayo ng pinsan ko eh.” Ooh. Right sa caferia kaninang lunch. Wait...pinsan? Hindi ko pa nga nakikilala yun eh.

"V-jay, ipakilala mo naman kami sa pinsan mo...ang gwapo eh.’’Marami ka pa bang pinsan? Mukhang ang ganda ng lahi nyo ah.Pakilala mo naman”

Yun yung sabi ng mga kaklase namin na babae. Basta boys talaga ang pinag-usapan,asahan nyo na sila ay nandun. Tinawanan lang naman ni V-jay yung sinabi nila. Ako naman eh napatawa na rin. Ganun na ba sila ka desperate?

“Kamusta nga pala yung pinsan mo? Kailan ko ba sya makikilala?Dito rin sya nagg-aaral?”

“Kilala mo na. Nasa bahay nyo pa nga nung sabado. Kasabay mo pa kumain kanina.”

Kasabay ko kumain kanina?    Tell me this is a joke.

“Si Yuan? Magpinsan kayo? Pano nangyari? Bakit magkaiba kayo ng apelyido?”

“Anong paanong nangyari? Yung mommy nya,only sister ni Daddy. Kaya Yuan Mercado sya. Hindi naman kailangan pareho ng apelyido di ba?“

“Ah...hindi mo naman agad sinabi. Eh bakit parang hindi kayo magpinsan nung nagkita kayo sa amin?”

“Kailangan bang ganun? Denise, nga pala. May game kami mamaya. Nood ka ha.”

“Ok. Anong oras ba?”

“Hindi nga?Manonood ka talaga?Sigurado ka” sabi tayo at hinawakan yung dalawang balikat ko. Pigilan nyo ako. Sasapukin ko ‘to eh.  Ayaw pa nyang maniwala.

19

Page 20: Candy Story Rebound

“Oo nga. Kaya nga ‘ok’ di ba? Panoorin kita. Anong oras ba?”

“Mamaya,after school. Pwede bang  ihatid na rin kita mamaya sa inyo?”

“Ok.”

Filipino,wala na naman kaming teacher. Ok lang naman sa akin dahil boring naman ang subject na yun. Yung mga girls eh bigla na lang nag-ipop-ipon sa isang sulok ng room except for me and this other girl na sobrang tahimik.

“Denise,halika dito. May gagawin tayo. Masaya ‘to. “ sabi ni Leah. Dahil boring nga eh nakisali na din ako sa kanila.

“Ok, we’re going to play Truth or Dare.” Tama ba yung narinig ko? Ayaw ko na yatang sumali. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at balak ko na bumalik na sa upuan ko.

“Girls, kayo na lang.”

“Hep-hep-hep. Bawal ka umalis. Kapag umupo ka na bawal na. Kung tutuloy ka pa rin, it’s automatically a dare. A terrible dare. Ano aalis ka pa ba?”Naku ha! Terrible dare pa. sige na nga i’ll stay. Baka kung anung idare sa akin ng mga ito eh.

Bumalik na ako sa pagkakaupo ‘nun. No choice naman eh. Kapag natapat sa akin yung bote, truth na yung pipiliin ko.

“These are the rules, sa truth kung tao yung sagot, full name dapat. Kung Yes or No yung question, just answer straightly.

Kung dare, you must do it no matter what. And doon sa magbibigay ng dare,

galingan nyo.” 

Unang natapat yung bote kay Raylene. Dare yung pinili nya kaya dinare sya na ganutan ang pinakakinaiinisan nya na lalaki sa buong klase. Kaya ayun, ginanutan nya  si Jake. Yung ex nya. Patuloy pa rin ang pag-ikot ng bote. May ilan na rin na pumili ng truth at ang mga tanong eh, ‘do you still love your ex?’ or ‘totoo ba na ikaw yung nagcheat sa inyong dalawa?’ kakatakot yung mga tanong. Mostly about sa boyfriends eh. Wala naman akong dapat ikatakot kung tanungin nila ako ng ganun dahil wala naman akong boyfriend at naging boyfriend. But thank God at hindi pa napapatapat sa akin yung bote.

“Denise, pangatlo na 'to.Is it Truth or Dare?” Nyikes.Speaking of the ....bottle.Kanina pa pala ako tinatanong.

“Uhh.....truth na lang!”“Ok, ako na ang magtatanong. Dahil hindi ka masyado nagkwekwento tungkol sa mga boys, eto yung tanong ko.Curious lang ako, parang masyado kasi kayo nagiging malapit ni V-jay, kayo na ba?"   Ano daw? Bigla akong nasamid sa sinabi nyang yun.

"Hindi no, kaibigan ko lang yun."

"E sino pala yung bf mo or kahit crush na lang.” Sasabihin ko na ba? Sige na nga, crush lang naman eh.

“Wala naman akong boyfriend eh. Sa

crush na lang. I have a secret crush,matagal na pero dahil sasabihin ko na eh kaya hindi na sya secret. Si Yuan Mercado po.” Si Yuan naman talaga di ba?

Nung sinabi ko yun eh nagulat pa yung iba.Eto yung mga reaksiyon nila: ‘Akala ko kayo ni V-jay.’’kasabay mo sya kanina ah! ’ ‘si Yuan? Yung bagong student.He’s so hot!’’

Si Leah yung next na tinapatan ng bote. Naks naman. Talagang magkasunod pa kami. Dare ang pinili nya. This time,si Angela ang nagdare sa kanya. Yung pangalan na ‘angela’ eh hindi naman bagay sa kanya dahil opposite sya ng angel.

“Leah! Bestfriend mo si Denise di ba?" Si leah naman ay tumango lang. bakit naman ako kasali?

“I dare you to stand in front of the classroom and tell everyone who Denise’s crush is.”

“What? “Are you crazy?”

“No,that’s my dare. You must  do it.”   Akala mo kung sino makapag-utos. Pero Wala naman akong magagawa dahil dare yun. Tumingin si Leah na parang tinatanong kung ok lang kaya I just shrugged my shoulders and said....

“ok lang.”

Then pumunta na nga sya sa sa harapan. Sa gitna pa mismo. Parang ayoko nga marinig yung sasabihin nya kaya pinikit ko lang yung mata ko. Ang gara no? Ayaw marinig tapos pinikit yung mata?

“Oi, makinig kayo. Ang crush... ni... Denise ay si...si..Yuan Mercado.” Sabi ni Leah.Narinig ko na rin.

“There Angel? Masaya ka na?”

“Yeah. Good Job.” Nagthumbs up pa sya. At may evil grin pa sya. May lihim na galit yata yun sa akin e.

Kilala na ng lahat ngayon kung sino ang crush ko. Gulo ba itong pinasukan ko? Hindi naman siguro. Napatingin na lang ako kay V-jay bigla. Gusto ko lang siguro malaman kung ano yung reaction nya. Pagtingin ko eh nakatingin din sya sa akin pero bigla nyang iniwas yung tingin nya.

Attention: All students, Intrams na next week!!! Don’t forget to buy your t-shirts to show team spirit. T-shirts are available at the Student Council store sa room 205.

Boses pa lang eh kilala na. Si Mariel yung nagsasalita sa intercom. President ng  Student Council. Intrams na pala next week! Masaya yun!!!

After school nga eh dumeretso na ako sa gym kasama ko pa si Leah at Ashley. At si Yuan,nandoon rin. Marian School pala yung kalaban nila. Madami nga din tao dun na taga Marian school. Halata naman kasi sa uniform nila. Doon kami nakaupo sa bleachers sa bandang gitna. Ang magkatabi eh si Ashley at Leah,tapos ako at si Yuan. Kumaway pa si V-jay sa akin nung nakita nya kami kaya kumaway din ako. Nagwink pa nga sya sabay talikod. Naramdaman ko naman na nakatingin si Yuan sa akin ‘nun kaya napatingin na din

20

Page 21: Candy Story Rebound

ako sa kanya.

“Kayo ba ni V-jay?”

“Ha? Hindi pa.” sinabi ko ba talgang hindi ‘pa’? ok,i’ll rephrase it.

”I mean...hindi”

“Nanliligaw ba sayo?” Bakit ka ba interesado?

Umiling lang naman ako ‘nun. Sabay tingin ko doon sa mga naglalaro. Saktong-sakto naman na nakascore si V-jay kaya napapalakpak naman ako. Si Leah at Ashley naman eh nakasentro yung attention sa game. Palibhasa nandun yung mga crush ni Leah.

“Alright then.”   Alright then what??? Isa pa itong mahilig mangbitin. Nagmana din sa pinsan nya.And speaking of pinsan...

“Yuan, hindi mo nasabi sa akin, na magpinsan pala kayo ni V-jay. ” hindi man lang sinabi sa akin. Ako na lang yata ang hindi nakakaalam.

“Ahh..yun ba? Magpinsan nga kami.  The best yang si V-jay. Ang dami ko na ngang utang dyan. He saved my life twice.” Wow. Niligtas nya pala sya. Hindi nya nasabi yun ah. Ang akala ko, lagi lang syang nagpaparaya. But either way, ang bait pa rin nya.

“That’s so nice of him.” Sabi ko naman.

“Yeah! They won!!!”

As usual, nanalo na naman sina V-jay. Hindi na bago yun para sa akin. Hindi naman maipagkakaila na magaling talaga

sila.

Hindi rin nagtagal eh bumaba na kami sa bleachers para i-congrats si V-jay. Sinalubong naman nya kami na dala-dala yung ‘killer smile’ sa mukha nya.

“Hoy Denise, ano na? ” Aray naman. Tama ba namang batukan ako Sa harap pa ng maraming tao. Nandoon din kasi yung mga team mates ni V-jay.

“Ano?!” sabi ko habang hawak ko yung ulo ko.

“Lumilipad na naman yang isip mo dyan. Kanina ka pa tinatanong ni Yuan.”  Talaga? Kinakausap pala nila ako. Ang alam ko nandun pa rin ako sa moment na nakasmile si V-jay eh.

“Ha? Sorry. Ano nga ulit yun?” Nakakahiya ka,Denise!

“Sabi ko, ihahatid na kita sa inyo. Nandyan yung kotse namin sa labas.”

“Ahh..ano kasi...maglalakad ako eh. Tsaka may kasabay na ako.” sabay tingin ko kay V-jay.

“Denise, go ahead.kung gusto mong sumabay na sa kanya, ayos lang naman sa’kin”  sabi naman ni V-jay habang nakahawak sa strap nung backpack nya.Minsan lang nangyayari na makakasabay ko ang crush ko.Hindi ko na papalampasin ‘to.Pero paano naman si V-jay? Unfair naman dahil kanina pa nya sinabi sa akin na sabay kami uuwi. Si V-jay or Yuan?

Nagdial  si Yuan doon sa phone nya.

“Hello, Kuya. Mauna ka na. Maglalakad na lang ako. Ako na bahala kay Mommy.” Then he hang up.

“Oh, Let’s go. I’m walking with you,guys.” Sabi nya sa amin ni V-jay. Magkatabi kasi kami noong time na yun.

“Tara na pala.”  Kinuha nya yung mga libro na dala ko.

“Leah, sabay na rin kayo sa amin.”

“No.Hindi na. Hindi pa ako uuwi. Magha-hi pa ako kay Paulo. Yung taga-Marian. Ingat ka na lang. ” sabi ni Leah.

At  kayong dalawa, ingatan nyo si Denise."sabay dinuro nya yung dalawa.

“Syempre naman. Ako pa!”Lumakad na papalayo si Leah at Ashley. Totoo nga palang magha-hi sya doon kay Paulo.

Naku naman. Ibig sabihin ako lang ang babaeng matitira? Ayoko naman yatang dalawang lalaki yung kasabay ko. At least, hindi ang magpinsan na ito.

***

Natulala na naman ako doon kaya ang sunod kong nalaman eh hinihila na naman ako ni V-jay. Si Yuan eh medyo malayo na rin ang nalakad at naghihintay na doon sa ,ay exit ng gym.

“May sakit ka ba?” hinawakan naman nya yung noo ko. Hawak pa rin nya yung isang kamay ko ‘nun. “Wala ka yata sa sarili mo ngayon.”

“V-jay, yung kamay ko.” sabi ko sa kanya pero mahina lang lang boses ko. Nakakailang kasi na magkahawak pa kami ng kamay tapos nakatingin doon si Yuan.

“Sorry.” Tapos binatawan na nya yung kamay ko.

Naglakad naman na kaming tatlo. Grabe, nakakahiya ‘to. Dalawang lalaki ang kasama ko.Baka isipin ng mga makakakita eh 2-timer ako.  Ako pa yung nasa gitna nilang dalawa. Ang tangkad pa naman nila. Si V-jay eh 5’11” at si  Yuan eh mas maliit ng konti kay sa kanya.

Habang naglalakad kami ay bigla naman may nagtext sa akin.Si Leah. Ano naman ang chikka?

> Denise, 2 mgpinsan yan. Ang hba ng hair mo. Naaapkan q hanggang d2! Ongah pLah...napansin ko yung bRacelet mo ha!preho kau ni V-jay..uyyy!

> Ngek. Luka ka tLga!

May pagkabaliw din eh. Sa bahay naman eh hanggang gate na lang silang dalawa. Talagang hindi ko na niyaya sa loob dahil another explanation na naman kina lola. Pagod na ako. Sabay na rin silang dalawa na umalis. Bahala na sila sa buhay nila basta ako nakauwi na. Hindi rin ako selfish eh no?

Yung mga sumunod na araw, ayos naman. Madalas walang klase kapag hapon.Puro practice kasi para sa Intrams.Bukas na kasi.Ang saya kapag ganun. Walang teacher. Libreng-libre sa

21

Page 22: Candy Story Rebound

chewing gum. Walang nanghuhuli eh.

Minsan eh napatingin ako sa bintana at hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nakita ko o ano. Nandoon kasi si Yuan sa bench kasama yung babae na ‘magnanakaw ng halik’.Mukhang nililigawan yata ni Yuan yun eh.

Marami nga pala sa kaklase namin ay nasa practice at marami din naman yung naiwan lang sa room.Tapos na kasi yung practice nila at isa na ako doon.Volleyball lang naman yung sinalihan ko. Kailangan daw kasi lahat kami ay may salihanYung mga kasamahan ko ayun. Abalang abala na naman sa pagdadaldalan. Kanya-kanyang grupo pa. Dyan naman sila magaling eh at minsan ako din.

Doon sa area namin, konti lang yung tao, ako, yung isa pa naming kaklase na natutulog, at yung magaling kong katabi.  Nakataas na naman yung paa nya at pinaglalaruan nya yung ballpen. Feeling talaga nya eh nasa bahay sya. Hindi na rin nakabutones yung polo nya at yung buhok eh medyo magulo din. Nakangiti na naman ‘nun. Minsan tuloy naiisip ko na may mental problem ito eh.Lagi ng nakangiti. Hindi yata sya marunong sumimangot.

“Baka matunaw ako nyan.” Sabi nya sabay tuminigin sa akin.The nerve! Hindi ko naman sya tinititigan. Tiningnan ko lang ng matagal eh...

“Ang boring naman. Puro daldalan ang naririnig ko.” Puro chismis pa.”Wala man lang bang music?Nasan ba yung casette ni Mam?” Ini-scan ko yung buong room at wala akong nakitang cassette.

Aha! may bigla akong nasisip!

“V-jay, kanta ka kaya.  Any song.”

Maya-maya lang eh narinig ko ng kumakanta yung katabi ko  pero mahina lang. Ayos..may music  na!

"Adik sa'yo", awit sa akin nilang sawa na sa aking mga kwentong marathon Tungkol sa'yo, at sa ligayang iyong hatid sa aking buhay tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw

Sa umaga't sa gabi sa bawa't minutong lumilipas Hinahanap-hanap kita, hinahanap-hanap kita Sa isip at panaginip, bawa't pagpihit ng tadhana Hinahanap-hanap kita...........

Habang kumakanta sya eh tinatapik  nya yung arm chair na parang tambol.Hindi naman natapos yung kanta. Biglang tumigil si V-jay nung dumating si Lizeth. Ang pinakamaarte sa klase namin na feeling lahat ng lalaki ay type sya.Panira naman itong si Lizeth. Ang ganda ganda ng boses ni V-jay eh!

“Hey? Hottie, why did you stop? Nahiya ka sa akin? Siguro para sa akin yung song noh?” sabi nya sabay pumunta sya sa likod ni V-jay at hinawakan yung balikat nya na tipong nagbibigay sya ng massage. Hottie???

"Ano ka ba. Hindi para sa’yo yun. Sige na pumunta ka na dun.Alis.”Sabi nya sabay inalis yung kamay ni Lizeth.

Tama ba namang itaboy nya?Umiiral na naman yung pagkasuplado nya. Umalis na nga si Lizeth nun. Nakairap pa sya habang kumekembot papalayo. Talagang may kembot.

“Grabe naman yun.Hindi ka naman galit ng lagay na yan?”

“Nakakairita naman kasi. May pa massage-massage pang nalalaman! Hindi rin naman para sa kanya yung kanta na yun.” Para kanino nga ba yun?

“Natatandaan mo ba yung sinabi ko sayo nung kinantahan kita sa may payong?”

Yun ba yung I only sing for those who are special to me?

“Ahmm...I think so.”

“Ok then, para sa’yo yung kanta..” so ibig bang sabihin nito eh special ako sa kanya? Hay...gusto kong himitayin sa tuwa.Hmm..OA! Paalala lang Denise, iba yung special sa mahal.

 Yung babae kayang ninakawan sya ng halik? Kinantahan na rin nya? Malamang crush nya nga eh.

“I think you should join the band...may talent ka naman sa music eh.”

“Sinasali  nga nila ako. Pero hindi naman ako pumayag dahil alam mo na kung ano yung dahilan.hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko ngayon.”

“Ewan ko sa’yo. Kailan mo ba ilalabas yung hidden talents mo?Sayang naman.”

Medyo ngumiti lang sya dun sa sinabi ko. Nakakaloka ang lalaking ‘to. Sana lang meron akong dictionary na may defintion ng smile ng tao para nalalaman ko kung ano yung ibig nyang sabihin.

“Class, We have a problem. Walang tayong muse & escort. Bernard is sick. Sobrang nangitim naman si Shayne because of badminton. Walang magsusuot nito.”sabi ni Ms.Reyes..yung adviser namin. Medyo hinihingal pa nga sya habang hawak nya yung dalawang plastic na sa tingin ko eh uniform ng muse and escort.

Paano na yan? Sinong muse & escort namin? Ang pangit naman kung yung first section pa yung wala. Shame on us.

“Sino bang pwede?” sino nga ba?

Nag-look around naman ako at baka may makita rin ako na pwedeng pumalit sa kanila. The next thing i know...nakatingin sa area  namin yung mga kaklase namin. Uh-oh.

Hindi ko gusto  yung mga tingin nila. Si Ms. Reyes eh may evil smile sa face nya...which is ayoko rin.

“Denise,come here.”

“Pero Mam—“ayoko nga!

“JUST COME HERE.” Ok..easy ka lang.

Tumayo ako sa chair ko at lumapit ako kay Mam na malapit sa pinto.

“Patingin nga ng legs mo.” Itinaas nya yung palda ko hanggang sa may tuhod ko.

22

Page 23: Candy Story Rebound

“Mam!!!”

“Hey, calm down. Chineck ko lang kung may peklat ka. Sa hita mo ba wala kang peklat?”

“Meron po.”sabi ko naman. Haha. May palusot ako.

“Tell me the truth. Kung hindi titingnan ko pa ‘yan.” Naku ha. Ang daming lalaki dito sa room. Fine! Sabihin na nga yung totoo.

“W-w-wala po.”

“Ok.You’ll be our muse tomorrow.” Tumigil sya then naglook around ulit sa room.”And V-jay. You’ll be the escort, halika nga dito.”Waa. Ako yung  muse...si V-jay yung escort..Waah! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.

Lumapit naman si V-jay sa amin.Itinabi sya ni Ms.Reyes sa akin.

“Oh my god. You look perfect  together.Ang ganda pati ng height nyo. Thank God...My problem is solved.” Yeah. Ako naman ngayon ang may problema.

“Here , ito yung isusuot nyo bukas ok?” nilabas nya yung mga damit sa plastic.

“Mam. Ang iksi naman nyan. Hindi ako nagsusuot ng ganyan. Hindi yan bagay sa’kin.”Hell no. There’s no way I’m going to wear that. Eh halos parang underwear na yung shorts eh!

“Hindi nyo naman kailangan isuot ito. You can provide your own. Basta kailangan lang eh maroon. That’s the color of III-A. Kayo na ang bahala,ok? I have to go.”

“Pero Mam—”

“Shh..wala ng pero pero. You’ll be fine.See you tomorrow.” Then umalis na sya.

ARRGGGGHH!!!!Ganun na lang ba yun? Sapilitan na lang? Hindi man lang ako pinakinggan? At si V-jay? Ngingiti na lang ba sya?Bakit  parang wala lang sa kanya?Nakakabadtrip naman yun. Hay naku. Bahala sila.Hindi ko kasalanan kapag natalo ang III-A bukas.  Wala din akong balak na sabihin kay lola o kahit sino man sa bahay.

Nag-ring na yung bell kaya nag-uwian na.  Dumaan muna ako sa locker ko para kunin yung juicy fruit na binili ko kanina.  Sa may gate eh medyo siksikan pa. Hindi nga ako masyado makalabas at nasabit pa yata ako sa kung ano. Parang may humila sa akin eh.

“Ano bang --”paglingon ko eh si V-jay pala. Bakit ba hindi ko naisip yun? Tuwing may manghihila naman sa akin eh sya yun. Wala ng iba.

“San ka pupunta?”

“Uuwi na.”   Duh?!

“Bakit?”

“Anong bakit? Syempre, uuwi na ako.

Tapos na yung school di ba?” sabi ko naman. 

Naglakad na kami. Tahimik nga sya eh. May-iniisip yata. Maya-maya eh pumara sya ng tricycle.

“Denise, Sorry.Hindi kita masasabayan ngayon. May pupuntahan pa ako eh.”Saan?

Waka kang pakialam,dEnise.

“Ok.”

“Maggagabi na. MArami pa namang sira-ulo sa daan. Sakay ka na.”

Umarte na sya na akala mo eh binuksan yung pinto at inoffer sa akin.As if may pinto yung tricycle. Teka nga lang, bakit ako yung sasakay eh sya naman yung may pupuntahan? Tiningnan ko sya na parang ‘huh? at ngumiti lang sya. Ayoko pa nga sumakay nun eh kaya lang pinilit nya ako. Fine, sasakay na nga.

“Manong driver, sa  westview lang po.” Sabi nya sa tricycle driver sabay abot nung bayad.“Ingat ha.” Sabi naman nya sa akin habang nakayuko sya doon may pinto ng tricycle.

“Oo. ‘kaw din.”

Umubo na naman si manong driver. Halata naman naiinip na sya  kaya lumayo na si V-jay para makaandar na.

Sa bahay naman eh nanood lang ako ng tv. Wala namin kasing assignments. Chicken Adobo ang ulam namin. Ang sarap nga nung kain ko.Ako daw yung

may pinakamaraming nakain kaya ako yung pinaghugas ng mga pinggan.

“ATE!!! GISING NA!!! INTRAMS NGAYON. WALA NAMAN SIGURO SA BALAK MO ANG MA-LATE.BALITA KO MUSE KA DAW EH.” 

Si Daryll na naman. Napakaingay naman nyang manggising. Eto na naman yung kung kumatok eh akala mo wala ng bukas.

“Oo na. Wag mo naman sirain yung pinto ko.” Asar naman! Ang sarap pa naman ng tulog ko.

Naligo naman na ako. Pagpasok ko sa kwarto ko eh nandun si Ate Mye pati yung mga kakikayan nya. Nakabalot lang ako sa tuwalya nun.

“Denise Lauren! At bakit hindi mo sinabi na muse ka pala ngayon? Hindi tuloy tayo nakapaghanda. What were you thinking? Hindi ka papasok sa school ng basta na lang.” paano ba nya nalaman?! Sino naman kayang  madaldal ang nagsabi?

Hinila ako ni Ate Mye at pinaupo sa salamin. Inalis nya yung towel sa ulo ko. At nagsimula syang mag blow dry.

“Ate Mye, baka naman pwedeng magbihis muna ako. Nilalamig na ako eh.” Sabi ko na medyo inis.

“Oops...sorry. Go ahead magbihis ka na. Bilisan mo. Eto yung isusuot mo.” Sabay kinuha nga yung damit na nakahanger sa

23

Page 24: Candy Story Rebound

handle nung cabinet ko.

“Wow.San naman nanggaling yan?” ang ganda ha.

Parang damit ng cheer leader pero mas simple at mas maganda. Maroon yung kulay tapos may konting white.

“Dumaan  dito si V-jay kanina. Dala nga nya ‘to eh.Ang galing ng taste mo.” so si V-jay pala ang nagdala at nagsabi sa kanya ng tungkol sa ‘muse’ thing na ito.  kainis na yun.

“Wala akong gusto sa kanya.” Wala nga. Si Yuan nga ang crush ko di ba?

“Ayoko din magmuse.”

“Asus! In denial ka pa.Halata naman na. Anong hindi ka magmumuse? Move your ass,Denise.”

Alam mo hindi naman na nakapagtataka kung mahulog ka sa kanya.”Tiningnan ko sya ng masama.Anong pinagsasasabi nya? Friends lang kami ni V-jay  no.

 “Hay naku. Bahala ka nga.Magbihis ka na  at lalagyan pa kita ng make up.”

Make up? Ayoko nga!

“Wag ka mag-alala,konti lang naman, para simple. ”

Nagbihis na  nga ako ‘nun at pagkatapos ay inayusan na ako ni Ate Mye. I hate this pero dahil extra points din eh pwede na.

Pagdating ko sa school eh marami na rin tao. Excited kasi sa Intrams kaya hyper

na naman sila. Habang papunta ako sa room namin eh nararamdaman kong nagtitinginan yung mga tao. Parang mga nakakita ng alien. Grabe, kakahiya yun. Buti na lang nakaball cap ako ‘nun kaya medyo takip yung mukha ko.Mamaya ko na lang aalisin.

“Ayy! Ang taray ng lola mo. Ang ganda ng outfit mo. Dalian mo na,magsisimula na ang iyong pagrampa. Galingan mo ah.”

Talagang nagmamadali na si Leah kaya binilisan ko na rin para may kasabay ako papunta sa line namin. Ayoko naman dumaan sa gitna ng mag-isa no. Habang naglalakad kami eh nakatingin na naman yung mga tao. Naririnig ko pa nga yung iba na nag ‘wow’. ANg lakas ng loob nilang sabihin yun. Yung iba naman eh shocked na ako yung muse. Nadaanan pa nga namin si Yuan. Escort din pala sya.

“Hey Denise. You look good.” Kakahiya ah. Ang lakas ng boses nya.Pero hello? Si Yuan and I look good? EEekk! Kumpleto na araw ko.

“Thanks, Yuan.”  Salida talaga eh no?

Nagsmile na lang ako sa kanya. Nakakahiya naman yung sinabi nya.And hulaan nyo kung sino yung partner nya. Yung girl na humalik kay V-jay.

“Hi Denise.”

“Hi - - -” what’s her name?

“Trisha.Trisha Farnan.”

“Oh,Hi. Nice meeting you. Sige pala, punta na kami dun. Bye Yuan. Bye

Trisha.”Then pumunta na kami ni Leah sa pila.Sa line ng III-A. Nakamaroon na t-shirt lahat.

‘you go girl!’‘ikaw pala ang muse natin.’ ‘Denise, ang ganda mo!’ ‘Bagay sayo ang damit mo’ Kanina ka pa namin hinihintay’ ‘ang ganda pala ng legs mo’ ‘ang sexy mo...naiilnlove na ako sa’yo’  Yun yung sabi ng mga kaklase namin. Mga !@#$ rin eh.Sarap sapukin! Ang lakas mangbola.

Nung nakita ko si V-jay na escort ko eh wala akong nasabi. Speechless ako. Grabe. Nastarstruck yata ako. Bigla na lang may nagsnap sa harapan ako. Gosh! Kakahiya.Natulala pala ako. Mukha siguro akong tanga.

“Denise, hindi ako nagkamali sa pagpili. Look how pretty you are. Bagay pa kayong dalawa.Come on, follow me. Magpupunta na tayo sa gym. Doon gaganapin eh.” Sabi ni Ms.Reyes.

 Hay naku, masyadong maraming papuri ang pumapasok sa tenga ko ngayon. Baka masanay ako nyan. Naglakad na kami papunta sa gym. Ako at si V-jay yung nasa unahan tapos sa likod eh yung buong klase namin. Simula nung dumating ako kanina eh wala pa akong naririnig mula kay V-jay. Binati nya lang ako kanina with his ‘killer smile.’ No wonder, natulala na naman ako.

“Denise, this is how you will walk.” Naglakad sya tapos pinagawa sa akin. Bwisit. Kailangan ba talaga nun?!!

“Ikaw naman V-jay, just walk like

normal. I like it like that.” May pagnanasa pa yata si Ms.Reyes kay V-

jay. Hahaha!!!

Nakatayo lang kami doon sa gym habang naghihintay na dumating yung mga importanteng tao sa school. Like the principal , and all that.Nangagalay na nga ako eh.

“Oi, Salamat nga pala dito sa damit. Tahimik ka yata ngayon.” Sabi ko kay V-jay.

“Wala lang. Ano kasi...Uhmm....You look so beautiful.” Sya pa lang ang nagsabi nun of all the people na pinansin yung hitsura ko ngayon. Feeling ko nga namula ako eh.Nagsmile na lang ako dun sa sinabi nya. Maya-maya naman eh nagsimula na yung program. National Anthem, tapos School Hymn, at kung anu-ano pa. Nagspeech pa yung principal at yung may-ari ng school. Si Mr. Larry Johnson. Son ni Brayden Johnson na founder ng Brayden Johnson High School. Minsan nga lang yan nandito eh.Dun daw kasi nakatira sa New York.

Sa wakas natapos din yung pagkahaba-habang ceremony. Salamat naman at malapit na  i-declare na simula na nung intrams. Sino kayang torch bearer? Last year eh yung Martial Artist na 4th year. Lagi naman nilang pinipili eh yung crush ng bayan at syempre sports-related.

‘TO ALL THE TEACHERS AND STUDENTS OF BRAYDEN JOHNSON HIGH SCHOOL, I NOW OPEN THE FIELD AND THE GYMNASIUM FOR THE 200* INTAMURALS. ‘  Mr. Johnson

24

Page 25: Candy Story Rebound

announced.

Nagsigawan na yung mga estudyante. Ako eh nakisigaw din naman. Kahit paano eh excited din ako sa intrams. Napansin ko na lang na  wala na yung katabi ko. Nasaan na naman ang V-jay na yun? Kung hindi biglang susulpot eh biglang mawawala. Hinanap ko sya sa paligid and guess what?

‘V-jay Radley Rivera from III-A. The Basketball team captain.’ Sabi nung emcee.

Nagtatatakbo sya around the gym with a torch???Sya yung torch bearer??? Ahhh!!! Nakangiti sya habang tumatakbo. Nangingibaw yung tilian ng mga babae.Nakakabingi. Parang bigla namang nagslow motion ang mundo ko. Grabe, nakakabaliw ‘to.

“Napagod ako ‘dun. May tubig ka ba dyan?”

Binigay ko naman yung mineral water na bigay sa akin ni Yuan kanina. Hindi rin naman ako masyadong nauuhaw.

At eto na nga yung pinakaayaw ko. Eto na yung part ng muse and escort. Kinaya ko na magsuot ng ganitong maiiksi pero hindi ko yata kakayanin na maglakad  doon sa gitna. Kinakabahan talaga ako.Waah. II-D na. Dalawa na lang, III-A na yung sunod. Kami na yun. Si Ms.Reyes eh sumesenyas mula sa malayo  na ngumiti daw ako.  Pano  ka naman ngingiti ng lagay na ito at idagdag mo pa na yung katabi mo eh nakatitig pa sayo.

“Denise, Kaya yan.”

Nilapit nya yung kamay nya kaya humawak na rin ako. Mahigpit yung pagkakahawak nya then ni-let go na nya nung tinawag na kami.Nag-iba na ngayon yung position ng kamay nya. Naging yung tulad ng sa escort na talaga.

‘From III-A, (screams) Denise Lauren Arellano  and V-jay  Radley  Rivera (screams)’

Then we walked around just like how Ms.Reyes told us. Kailangan pang nakangiti. Asar.  Pagkatapos namin eh may isa pang section bago sina Yuan at yung partner nya. OA naman yung partner nya. Pakembot kembot pa. Hindi naman nagtagal eh natapos na din yung intro na yun.Salamat naman no. Para magkaalaman na kung sinong nanalo at makapagpalit na ako ng damit. Hindi naman ako interesado manalo at kating-kati na ako magpalit ng damit.

“Nahihirapan yatang magdecide ang mga judges natin kung sino ang mananalo na muse and escort. Ah.” Sabi ng emcee.

Biglang tumayo si Mr.Larry Johnson at hiniram yung mic:

“We are having a hard time deciding who are going to win. You’ve got good-looking muses and escorts here . How about we they perform something for us, right? So we could decide.”

 What? You’ve got to be kidding me!

“Ok,we heard the verdict. They want the muses and escorts to perform something. Big shocker there, huh? They want  the

one  who has got the looks and the talent. On-the-spot ito. Let the game begin!”

Nagsigawan na yung mga estudyante. Halatang  Na-excite sila. Yung ibang mga muse and escort eh nagpanic. Kahit ako naman ako eh magpapanic. Biglaan naman kasi  ‘to. Anong gagawin ko?Naykupo!  Lola.Sunduin mo na ako!

“What the heck? Anong klase naman ‘to! Patay na,” sabi ko kay V-jay.

Aba, at nakangiti na naman sya? Talagang hindi nauubusan. Bigla naman lumapit si Ms.Reyes sa amin.

“Guys, on-the-spot ito. I hope you know any dance moves,poems, drama, declamation or whatever. Kayo na bahala. Kahit ano na lang.”

“Opo, Mam.No problem.” Sabi ni V-jay then umalis na si Ms.Reyes.

Anong no problem ang pinagsasasabi nya. Big problem nga ito eh.

Sa pagkakaalam ko eh intrams ngayon. Hindi ito star search. Hindi ko maintindihan kung bakit may talent portion ‘to. Biglaan pa masyado. Sana man lang sinabi nila agad no.

Nauna magperform yung mga freshmen tapos yung mga sophomore. Kung anu-ano na yung pinaggagawa. May isang pair na kumanta.Nag-rap. Meron din nag-acting. Merong tumula at marami ang sumayaw. May hiphop, breakdancing, at yung basta na. Itik-itik sa manila zoo.

Pagtingin ko sa tabi ko eh wala na naman si V-jay. Nasaan na naman sya nagsuot?

Don’t tell me iiwan nya ko magperform mag-isa dun. Sasakalin ko sya. Nagtingin-tingin ako dun.Maya-maya eh dumating na sya at may dala pang gitara. Mukhang alam ko na yung gagawin nya.

“Kakanta ka?”

“Hindi lang ako. Ikaw at ako."Sabi nya habang tinuro nya ako tapos yung sarili nya.

”Kakanta tayo.” Huwaat???

“Hindi pwede. Hindi ako marunong.” Hindi ako kumakanta. Not in front of many people.

Nilabas nya yung phone nya.

“Denise tingnan mo yun oh.” Sabay turo nya doon sa taas then’ click.’ Narinig ko na lang yun bigla.

“Para saan naman yun? Talagang stolen pa ha. Delete mo na nga. Pangit ako dyan.”

“Paano mo nalaman? Hindi mo naman nakita.Cute mo nga eh.Oh sige isa pa.” then nagtingin-tingin sya sa paligid.

“ Ms. Sharlyn,kunan mo naman kami oh.” Sabay abot nya ng phone nya.

“Ok....smile.” Biglang umakbay si V-jay sa akin kaya masyado akong napalapit sa kanya. Hindi ko na ginawang big deal pa yun kaya nagsmile na rin ako,just like what Ms.Sharlyn said. Kakahiya naman yata. Ginawa pa nyang photographer yung student teacher.

“Let’s witness it from III-A with V-jay

25

Page 26: Candy Story Rebound

and Denise.” Waah!Pwede bang time-out muna?

Nagsigawan na yung mga kaklase namin nun. Nangingibabaw pa yung boses ni Leah. Kailangan ba talagang ganun? Pihado, halit ang lalamunan ‘nun.

Nagstep forward na kami ‘nun. Wala na talagang choice. Mapapasabak yata talaga ako sa kantahan ng lagay na ito. I can’t believe this.

Kumuha si V-jay ng dalawang mic at isang stool. Ako yung pinaupo nya. Malamang sya eh tatayo na lang. Aba! Mala Juris and Chin ng MYMP ang dating namin ah. Wait, ano nga bang kakantahin namin?

“We’re going to sing If We Fall In Love.”  Yun yung kanta sa koreanovela ah!

Nagsimula na syang tumugtog ng gitara. Nagsigawan na naman yung mga tao.

“There will be no ordinary days for you...Coz there is someone who cares like I do...You will have no reason to be sad anymoreI am always ready with a smileWith just one glimpse of you..”

 Maya-maya eh tumigil sya.  Napatingin na lang ako bigla sa kanya. Nag-ingay naman yung mga tao.

“That was just a testing." Sabi nya habang nakangiti.

“Denise, ikaw yung magsimula.” Binulong nya sa akin. The nerve! Bakit

ako?

“Ok, everyone, this is for real. This is for the girl I ..uh..adore." 

Umingay yung mga tao. Nacurious yata sa sinabi nya. Who is the lucky girl nga ba?

Tumugtog na sya sa gitara. Ok, for real na talaga ‘to. Para matapos na ‘to. Ako na nga yung magsisimula. God, help me get through with this.

If we fall inlove  << Listen to the song.

Finally, natapos na din. Nakahinga din ako ng maluwag. Dapat kanina pa nya tinapos eh. Nakakahiya yung ginawa ko na yun.Pero in fairness,maganda naman yun. Naging acoustic yung kanta . May drums din kaya binack-up-an kami ni Rj.Yung mga estudyante naman eh lalong nagsigawan. Nakakakilig daw. OA!

‘Eeeek! Oh my gosh...halos mangisay na ako sa kilig.’ Sabi nung isa naming kaklase.Bandang huli, kami rin yung nanalo. Naggustuhan daw yung performance namin, Unique daw. Kami lang kasi yung gumawa nun. Ginamit din nilang criteria yung audience impact. Starstruck na starstruck ang dating.

Tuwang-tuwa naman si Ms.Reyes at yung mga kaklase namin. Syempre, bwena mano kami. Unang araw pa lang ng intrams eh may panalo na ang III-A.

“Natapos din. Thank God. ”

“Galing mo palang kumanta. Congrats!”

“Buti na lang kamo, alam ko yung lyrics. Halos ako yung pinakanta mo eh.”

Tumawa naman sya.“Ang ganda ng message ng kanta na yun eh.Hindi ko nga lang alam yunglyrics, pero hindi naman nila nahalata. nakasabay naman ako di ba?Congrats na rin sa akin.”oo na sige na. Magaling ka na din.

Usap-usapan naman kung sino nga yung girl na pinag-alayan nya ng song kanina.

“Bakit ba big deal sa kanila kung sino yung girl?” oops. Inside thought dapat yun.

“Hello? Si V-jay Radley yan. Crush ng bayan. Syempre gusto namin malaman kuung sinong pinagpalit nya sa amin no..” sabi nung mga babae.

Hay naku, alam ko na kung sino yung girl. Si Trisha yun.

Kinatuwa ko naman na natapos na yun kaya nakapagpalit na ako ng damit. Eto na talaga yung tunay na intrams. Go Me!

“Congrats.”sabay tapik nya sa balikat ni V-jay. “Congrats din,Denise. Ang galing nyo.” Inabot ni Yuan sa akin yung dala nya na mineral water at hamburger. Ang galing naman. Alam nya kung kailan ako nagugutom. Ayos ah!

“Thanks Yuan.”Nakaupo kami ‘dun sa may payong. Sa dating tambayan. Bigla namang dumating si Leah na kanina pang

sigaw ng sigaw.

“Denise, grabe. Ang galing nyo kanina.Parang tunay. Alam mo, bagay kayo ni V-jay.Kakakilig.”Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya tapos bigla akong napakunot.

“Leah!” sabi ko sa kanya. Kung anu-ano kasi yung sinasabi. Nginitian lang nya ako ng nakakaloko.

Umalis na rin si Leah ‘nun dahil kasali sya  sa chess. Kami na lang ang natira ni Yuan doon sa may payong. Nakapagkwentuhan din kaming dalawa dun. Hindi naman ako nabored. Komedyante rin naman kasi si Yuan.Corny nga lang kung minsan. Yung mga tao naman sa school eh busy dahil intrams nga.Sigawan ng sigawan. Yung intercom maya’t maya eh gumagana. Hindi na nga masyado magkarinigan. Ang saya nga ng araw na ito. Nanalo pa ako sa singles ng badminton. Narealize ko  rin na yung ‘muse’ thingy is not bad at all. It’s kinda cool. Nakakabaliw na experience.

2nd day ng intrams, ano pa nga ba? eh di laro dito,laro doon. Takbuhan,sigawan, tulakan, lahat na. Ang gulo nga eh. Pero masaya naman. Sa badminton nga eh lumaban ako kahapon at nanalo naman kaya ngayon kinalaban ko naman yung isang classmate ko  na lalaki. Unfortunately, natalo nya ako. Kaya ayun, the end na ng career ko sa badminton ngayong intrams. 2nd placer ako.

After ng laro ko sa badminton eh gumala kami around the school. Kasama ko si Leah, si Ashley, at si Yuan. Nilibre nya

26

Page 27: Candy Story Rebound

ako ng meryenda eh. Syempre, damay na rin yung dalawa kong kaibigan.Sa kalalakad namin ay napadpad kami sa  track Sakto naman na magsisimula pa lang yung 100 meter dash. Nakaready na doon yung mga runners. Nagulat na lang ako ng biglang nakita ko yung isang lalaking nakapwesto doon. Nakatalikod sya sa amin eh. Pero by heart, alam ko na kung sino.

“Go V-jay!!!” nagcheer si Yuan.

Nagtaka siguro kaya biglang lumingon. Ngayon eh nakatingin na sya sa direksyon namin. Medyo may kalayuan din kami at madami din tao kaya there’s no way na makausap namin sya. Instead, kumaway lang sya at as usual, yung pamatay nya na killer smile.Grabe din eh no? Hindi pa nakuntento sa basketball. Pati running eh kinarir na nya.Masyadong athletic eh. Ang bilis ng mga pangyayari nun. Narinig ko lang yung pistol na pumutok then nagtakbuhan na. Ang sunod kong nalaman eh tapos na.  2nd place si V-jay. Ang first eh yung isang senior na hindi ko kilala.

3rd day ng intrams. Ngayong yung game namin sa volleyball. Excited na ako and kinakabahan at the same time.

“Good Lu ck, Denise.”

“Thanks,Guys.”

Kalaban namin ang section B. So III-A versus III-B ang laban. Kasama ko sa team si Leah at yung iba pa naming kaklase. Halos lahat yata sila eh may kneepads. Ako lang yung wala. Malay ko bang kailangan pa nun. Hindi naman

nabanggit sa akin yun eh. Pang-arte lang din naman yun.

Nakapwesto na kami ‘dun sa gym. Hinihintay na lang namin dumating yung coach ng kabilang team. Kinakausap ko si Leah ‘nun habang naghihintay kami ng may biglang humila ng kamay ko. Sino pa nga ba ,it’s none other than ... V-jay.

“Denise, bakit wala kang kneepads? Here, use this.” Inabot nya yung knee pads.  Napansin ko na suot pa rin  nya yung bracelet na pinili ko for him. Yung akin naman eh obviously hindi ko suot dahil sa volleyball. Pero lagi ko din suot yun.

“Kailangan ba talaga to? Pwede namang wala di ba?”

“Of course kailangan yan. Para yan sa safety mo. Baka mamaya kung anong mangyari, mabuti na yung handa.”

“Wag ka mag-alala, bago lang yan. Kay Reese dapat pero meron na pala sya. Isuot mo na...please?It’s for your own good.”

“Oo nga naman Denise,isuot mo na. Pakipot ka pa eh.” Hmmpf! Pakipot ka dyan!

“Oh sya sya...isusuot na nga po.” Then sinuot ko na nga. Nagsimula na nga yung game at suot ko yung knee pads na pinahiram ni V-jay. Naupo lang silang dalawa ni Yuan doon sa may bleachers.  Mukhang may pinag-uusapan nga eh. Napansin ko din na paminsan-minsan eh tumitingin  sila akin. Ako kaya yung pinag-uusapan nila? Pinagkukwentuhan

nila ako? Tungkol saan? Bakit?

“Denise, tira!!!”Aaahhhhhhhhh!!!!! Booog!!!!!!

“Nice one,Denise!!! Are you alright?” sabi nung coach.

“Naku, ok ka lang ba?” Inalalayan naman ako ni Leah sa pagtayo.

Natira ko nga yung bola ,ang sakit naman ng tuhod ko. Nung tinira ko kasi eh napaluhod ako ng diretso. Parang nagslide yung tuhod ko ‘nun. Ang sakit talaga. Ngayon ko lang narealize na tama yung sinabi ni V-jay. It’s for my own good nga. Buti na lang talaga naka kneepads ako kaya pasa lang ang nakuha ko.

Panalo naman kami sa set na yun. Hay naku.Dapat lang ‘no. Sakit ng tuhod ko eh. Umupo muna ako sa bleachers para tingnan yung mga tuhod ko. Si Yuan naman at V-jay eh bumaba at tumabi sa akin. Ako yung nasa dulo. Nasa gitna eh si Yuan.

“Ei, ayos ka lang ba? Kaya mo bang lumaro ulit?” sabi ni Yuan.

“Oo naman. Nagkapasa lang naman ako. Malayo ba sa bituka. May kneepads kasi.  V-jay,Salamat nga pala dito ah.”

“I told you kakailanganin mo yan.” Oo na...sabi ko nga e.Tama ka, mali ako.

Tumayo na ulit ako para ituloy yung game. Dahil hindi naman ako yung pinakamagaling sa team namin, nanalo ang III-A.  Hindi naman ako naging sagabal sa kanila. Nakatulong pa rin ako

kahit paano.

Kanina pa ako nagpapakalat-kalat sa school dahil inutusan ako sa admin na ibigay yung notice sa mga coaches. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na lang ipatawag yung lahat ng coach at doon ibigay yung kung anong letter na yun. Pinapagod pa nila ako.Sa pag-ikot ikot ko sa kahahanap kung saang sulok ng Brayden High nandoon yung mga teachers/coaches eh ilang beses akong dumaan sa bench na malapit sa room namin. Ilang beses ko din nakita doon si Yuan and V-jay. Masyadong seryoso ang dalawang yun eh. Well, at least V-jay is.I could see it in his face. Sa sobrang serious eh hindi na ako lumapit. Ano ba yun? Quality time siguro.

Nung natapos ko yun eh sobrang napagod talaga ako. Gawin daw ba akong messenger. Hindi rin madali no! Naupo muna ako sa pinakamalapit na upuan na nakita ko which is yung malapit sa  cafeteria.

Sobrang init talaga dito sa Pilipinas. Buti pa sa States malamig. (As if nakarating

na ako dun.)

“Denise, tamang tama I was just looking for you.” Hinahanap ako?

“Inutusan ako sa admin eh. Ginawa nila akong messenger.”   Pinunasan ko yung noo ko dahil sobrang pawis na. Ang init talaga.

“Do you want any drinks?”

27

Page 28: Candy Story Rebound

“Yeah. Sige,bibili muna ako dun.” Sabay tayo at turo sa cafeteria.

“Ako na. Dito ka na lang.Ano ba yung gusto mo?”

“Tubig na lang.” sabi ko naman at sya ay pumunta na dun sa cafeteria.

Nagpahinga lang ako dun habang hinintay ko si Yuan. Hindi nagtagal ay dumating na sya dala yung mineral water. Medyo frozen pa nga kaya ang lamig.

“Mag-4 na."sabi nya pagkatapos tumingin sa watch na.”Ngayon yung tie-breaking nina V-jay. Tara, nood tayo.”

Naglakad na kami papunta sa gym. Sa lahat yata ng game na pinanood ko ngayong intrams eh dito sa basketball ang pinakamaraming nanood. Shocker pa ba yun? Hindi na. Ang shocker eh yung fact na ako as in A.K.O. ay nanonood ng basketball. Na naman. Kinain ko na talaga yung mga sinabi ko about basketball for the past few years. Lahat ng yun ay dahil kay V-jay.

Nagsisimula na yung game ng dumating kami ni Yuan. Patapos na yung 2nd quarter yung nadatnan namin. Pero ang pinagtataka ko lang, lumalamang yung kabilang team kina V-jay. Bakit ganun? School level lang ito. Dapat eh sisiw na lang sa kanila. Lalo na sa kanya.

Humanap lang si Yuan ng mauupuan namin tapos ay nagpunta sya ng CR.Nasa left side kami ng gym nakahanap ng upuan . Kaya nung napadpad si V-jay doon sa left side ay todo sigaw yung mga katabi ko na freshman. Sumigaw pa nga yung isa na ‘V-jay!!!’ kaya napatingin

sya sa area namin. Kumaway naman ako at sya eh ngumiti din. Pero iba yung ngiti nya ngayon parang malungkot tapos ng biglang dumating si Yuan ay tuluyan na nyang inalis yung smile sa mukha nya at tumakbo na papunta sa kabilang side.

Anong probelema ‘nun?

Nanood na nga kami ng game. Matatapos na nga eh mukhang wala  pa rin  sa kondisyon si V-jay. Halos sa kanya kasi sila umaasa since varsity player sya. Pero tingin ko wala naman silang aasahan sa kanya ngayon.Bigla naman pumito ng mahaba at malakas yung referee. Nagkapikunan kasi yung mga players. May tulakan pang nangyari. Si V-jay yung tinulak nung isa.

“HOY,UMAYOS KA  NGA!” yun yung sabi nya kay V-jay.

Ang lakas nga siguro ng pagkakatulak nya dahil talagang napatumba si V-jay sa sahig. Lalaban pa nga sana sya eh kaya lang inawat na sila. Inilabas muna sya sa game. Kaya yun, tuluyan ng natalo yung

team nila.

Pagdating ko sa bahay eh dun ko lang naramdaman na masakit yung tuhod ko dahil sa pagkakabagsak ko kanina sa volleyball. May malaking pasa din nga. Pero ok na yun kaysa naman sa sugat.Nakahiga ako sa kama ko nun nang biglang nagvibrate na naman yung phone ko.

> Mzta? Ndi na kta nkita knina.Lam mo ba ntalo tau sa bsktball?Syang tLga. > Uu nga. Napanood q nga eh. Ndi m n q nkta knina...inu2san kc aq sa admin. > Ah,gnun ba? grbe c Vj no? Muntik p

mag-away. Nwei,nag-ubos lng me ng loAd.Last q na 2...tke care...mwaah ..

Ngek. Nag-ubos lang pala sya ng load. After 5 minutes nagvibrate na naman yung phone ko. Aba! Marami nakakaalala sa akin ngayon ah.

“Hello?”

“Denise,pwede ba tayong mag-usap?” nag-uusap na nga ang tawag sa ginagawa namin ngayon eh.

“Saan? Dito sa phone o personally?”

“Personally,kung ok lang sayo.”

“Sure.” Sabi ko naman

“Nandito na ko sa labas.” Whoa!Ang bilis naman!

Bumangon na ako at pumunta na ako sa labas. I wonder what brings him here.

 “Oh, naligaw ka yata.Upo tayo.” Umupo naman kami dun sa malapit sa garden ni lola. Dahil marami na naman akong stock ng juicy fruit, binigyan ko sya. Alam nyo ba, sisiw na lang sa akin yung pagpapatunog na malakas.  Galing!

“Congrats nga pala kahapon. Hindi ko alam na runner ka din pala.”

“Hindi naman talaga. Napilitan lang ako kasi walang contestant yung section natin.” Ganun? So hindi pa sya handa ‘nun? Impressed ako ha.

“Kamusta yung tuhod mo?” here comes the doctor..

“Eto, may pasa.Sakit nga eh.” Pinakita ko naman yung tuhod at  binti ko na parang may purple na map sa sobrang laki ng pasa.

Tinitigan naman nyang mabuti. Lumuhod pa sya sa harapan ko at ininspection nya yung part na may pasa. Umiiral na naman yung pagkadoktor nya.

“Tayo ka nga.” Tapos kinuha nya yung kamay at tinulungan nya akong tumayo.“Ipatong mo sa unan kapag natulog ka.”  Binalot ko na yung juicy fruit ko at itatapon ko na sana. Kaya lang kinuha naman nya at shinoot doon sa basuraha. Itulad daw ba sa basketball. Pero infairness, nagshoot naman sa basurahan.

Niyaya ko sya sa terrace doon sa taas ng bahay namin. Maganda dun eh. Nakakarelax.

“Doon tayo sa may bubong, mas maganda ang view doon eh. Kita yung buong lugar.”Inalalayan nya ko papunta doon sa may bubong.Pareho kaming umup doon. Hindi naman siguro kami mahuhulog. Ang dami ngang stars ngayon eh. Ang ganda nilang tingnan.Habang nakaupo kami doon napansin ko yung braso nya. May sugat.

“Napano yan?” sabay hawak ko dun sa braso nya.

“Wala yan.Kanina yan basketball.” Speaking of basketball...

“Ano bang nangyari kanina? Parang hindi ikaw yung naglalaro dun.”

“Denise, you like  Yuan right?” Huh?

28

Page 29: Candy Story Rebound

Pano naman yun naging sagot sa tanong ko?“ Yeah.” Sabi ko na lang sabay napatungo ako.

“He’s nice and you’re nice too. You two will make a good couple.” Ouch! Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako doon sa sinabi nya na yun. Uhm..pasensya na ah. hindi ako nakakaintindi ng Greek or Frence or whatever language he said.

“Ang gulo mo.”

 “Yung stuffed toy nga pala, nakaisip ka na ba ng pangalan?” tagal na nun ah! Seryoso pala talaga sya sa sinabi nya na bigyan ko ng pangalan.

“Err..wala pa eh.”

“Ako na lang magbibigay ng pangalan. Hmm...” tumingin sya sa langit nun. Halatang nag-iisip sya ng pangalan tapos tumingin naman sya sa akin. Then nag-isip ulit.

“Why don’t we name it, Jayden.” Sabi nya habang nakangiti pa.

“Jayden?Ok ah. San mo nakuha ‘yun?”

“V-jay and Denise. Jay-Den.  Ipromise mo,iingatan mo sya ha.Kasi yung remembrance mo nung date natin, nakatago dito. ” Anong dito? Pagtingin ko sa kanya eh nakahawak sya sa dibdib nya. Doon sa may tapat ng puso.

“Oo naman. Kahit hanapin mo pa sa akin yun after 10 years,nasa akin pa din yun. May problema ka ba?  Iba ka ngayon.”

Napansin ko lang ah. Parang ang lungkot nya ngayon.“Sabihin mo sa akin, baka matulungan kita.” Tapos tumingin sya sa akin. “Ok,kung wala akong maitutulong, just say it. Baka mas makabawas kung maishare mo.”

“Pareho na naman kami ng gusto. But this time, we can’t have it both at once. I mean, isa lang sya. Wala na kaming makikitang katulad nya. Isa ang kailangan magparaya. At ako  yun.”

“Bakit naman ganun? Laging ikaw?” kapag yung word na ‘magparaya’ eh narinig ko kay V-jay, alam ko kung sino ang tinutukoy dun.Napakaspecial naman ng bagay na yun at isa lang sya sa mundo. Pwede naman siguro gawan ng duplicate di ba?

“I don’t have a choice.Mahal ko sila eh. And I think they’re going to be happy together.”

“So you mean, tao ang pinag-uusapan natin dito?”

“Yup.” 

Hindi ko na tinanong kung sino. Alam ko na rin naman na. My gosh. Si Trisha din pala yung gusto ni Yuan. Swerte naman nya. Si V-jay at si Yuan sya yung gusto. Ano bang meron sa kanya?

“V-jay, kung sa tingin mo, magiging masaya yung dalawang tao na mahal mo, hayaan mo na lang. Kasi kung ako makikita ko na masaya yung taong mahal ko,sapat na yun para maging masaya ako.” Totoo yan. Sumasaya ako kapag nakikita ko silang masaya. “Pero

syempre, kailangan mo din dumistansya sa kanila. Pero wag naman yung tipong lilipat ka na sa North Pole.”Napatawa sya doon sa sinabi ko. Bakit nga ba napasingit yung North Pole? Seryoso yung usapan eh. Napangiti din ako ‘nun dahil kahit paano I made him laugh.

“Ok lang yan. I’m sure may makukuha kang reward kay God. Kasi di ba, kapag may ginawa kang mabuti sa kapwa mo ay magandang kapalit na darating sa’yo. The time will come for that moment. Darating yun sa tamang panahon.”  Sinabi ko ba talaga yun? Well, natutunan ko yan doon sa ale sa simbahan.

Pagkatapos kong sabihin yun ay niyakap nya ako ng mahigpit.As in parang ayaw nya akong pakawalan. Ang bango nya. Hindi ko na napigilan yung pagpatak ng mga luha ko. Yumakap na din ako sa kanya. Feeling ko nga may ibig sabihin yung yakap na yun. Alam mo yung tipong nagpapaalam. Ganun yung yakap sa akin nina Mama nung umalis sila.

And I don’t like it.

“V-jay, uhh...hindi na ako makahinga.”

“Sorry.” Then inalis nya yung pagkakayakap nya tapos tumingin sya sa watch nya. “9 na pala.Pasok na tayo sa loob.Baka inaantok ka na. Ako naman eh uuwi na rin.”Pumasok na kami sa loob. Hinatid ko na rin sya hanggang gate. Nagpaalam din naman sya kina Lola at Ate Mye. Pagdating sa gate eh niyakap na naman nya ako. Nakakadami na ‘to ah

.

“Denise, thank you so much.”

“Wala yun.” Hindi nga yata nakatulong eh.

“Bye na. Wag mo pahirapan si Yuan ah.” Say what? Pahirapan si Yuan?

Umalis na sya nun at ako naman ay pumasok na. Akala ko nga magagalit na si Lola dahil ang tagal namin sa taas. Pero hindi naman pala. May tiwala daw sya sa akin at kay V-jay na wala kaming gagawing masama. As if naman meron. Katabi ko naman pagtulog si Jayden. Niyayakap-yakap ko pa nga eh. At syempre, pinatong ko nga sa unan yung binti ko tulad ng sabi ni V-jay.

Natapos na yung masasayang araw namin. Ang intrams. Awarding na kanina.May mga award din naman ako kahit paano. Sa badminton kahit 2nd lang at sa volleyball na kami ang champion. May remembrance pa nga na pasa di ba? At ang nakakabaliw ay yung ako na yung muse ng buong Brayden High. Ang dami ng pumapansin sa akin compared sa dati. Naiirita na nga ako eh.Dahil nga tapos na yung intrams eh may mga assignment na naman ako para sa school newspaper.Balik na rin ulit sa dati yung klase namin. Tuwing breaktime, balik na naman kami sa payong. Dati ang nandito eh si Leah,Ashley at ako lang. Tapos naging si V-jay din na ngayon eh parang medyo wala sa mood dahil may problema yata sa pag-ibig. At ngayon,si Yuan,andito na rin.Nagkwekwentuhan kami dun ng biglang dumaan si Trisha.

‘Hi Yuan,Hi V-jay, Hi Girls’ yun yung sinabi nya tapos umalis din sya. Ngumiti lang naman ako sa kanya.

29

Page 30: Candy Story Rebound

“Pinsan, paano ba manligaw?” sabi ni Yuan kay V-jay.

Tumingin sa akin si V-jay nun. Kasi ako yung may alam ng tungkol kay Trisha eh. Love triangle nila. Tapos tumingin ulit kay Yuan. Tingin ko hindi maganda na napadaan pa si Trisha sa area namin. At hindi rin maganda na si V-jay pa yung  pinagtanungan nya. Sakit siguro nun sa kanya. Teka, bakit ba ako affected?

“It depends to the girl.Bakit hindi sya yung tanungin mo”sagot ni V-jay. Oo nga naman. Bakit hindi si Trisha yung tanungin nya.

“Or ask other girls’ opinion.” Sabi naman ni Leah. Salida talaga eh no? Siniko ko nga.

“Ikaw Denise, ano sa tingin mo? Paano ba manligaw.” Ako pa yung tinanong. Mukha ba akong nanliligaw? Pero sige na, opinion lang naman.

“Hmm...be nice to her? Make sure na  nandyan ka pag kailangan ka nya. Kwentuhan mo?” Ay ewan ko!”And yung pinaka the best na magagawa mo... ask other girl’s opinion.” Sabi ko na lang. Hehe. Ginaya ko lang si Leah.

Maya-maya lang ay dumaan ulit si Trisha. Kaya si Yuan eh tumayo na at sumunod sa kanya. Baka nga tatanungin na nya kagaya nung sinabi ni V-jay.

Yung mga sumunod na araw,ilang beses  ko nakikita si Yuan at Trisha na magkasama. . Nung isang araw nga eh dumaan pa silang dalawa sa room namin. Kitang-kita ko sa bintana at alam ko na

nakita din yun ni V-jay. Tiningnan ko lang din kung anong magiging reaksyon nya. Pero wala lang naman. Ang gulo din ‘nun eh. Kapag kaharap si Yuan at ako, napapansin ko na affected sya pero kahit ganun, wala lang. Tahimik pa rin sya. Hay, ewan. Basta ang alam ko, nasasaktan ako kapag nakikita ko si V-jay na nasasaktan dahil kay Yuan at Trisha. But on the other side, natutuwa din ako kasi nung nalaman ni Yuan na sya yung crush ko, hindi naman sya nagalit or something.

Dahil nga madadaldal yung mga kaklase ko ay mabilis na nakarating  yung balita na sya yung crush ko. Palagi nga nila akong tinutukso. Si V-jay nga lang yata yung hindi. Lately eh masyado syang seryoso sa buhay.Ako naman, nakikisakay na lang. Alangan naman i-deny ko pa. Eh sa bibig ko na mismo nanggaling di ba?  Isa pa, alam ko din naman na walang pag-asa dahil si Trisha nga yung gusto din ni Yuan.

Pero minsan nalilito ako dahil kay Leah. Sabi nya kasi mukha daw may gusto si Yuan sa akin dahil sa mga kilos nya  nitong nakaraang mga araw gaya nito:

Lunch time... naglalakad kami ni Leah papunta sa cafeteria ng biglang sumabay sa amin si Yuan.

“Hey girls, kakain na ba kayo? Sabay na’ko. ”  Nasan si Trisha? Or V-jay?

“Oh sige Yuan. Basta ililibre mo kami.”

“Leah?!?” tiningnan ko sya na parang ‘what the hell are you saying?’

“Sure. Yun lang pala eh.” Sabi naman ni

Yuan. “Ako na magdadala nyan,Denise.”sabay kuha nya doon sa binder ko.

Pagdating namin sa cafeteria eh puna na sya. Natagalan pa ng konti bago makahanap ng mauupuan. Dahil may katangkaran din si Yuan ay nakakita sya doon sa may dulo.

“Ayun pala, kina V-jay. May space pa.”

“Tamang-tama. Pero bago ang lahat, Cr muna ako. Burger steak yung order ko.”

“Ok.”sabi nya kay Leah.”Denise,go ahead. Upo ka na ‘dun.” Sabay turo nya doon sa lugar nina V-jay.

Naglakad naman na ako papunta sa table nina V-jay. May dalawa syang kasama na varsity din. Nag-hi lang sila dahil busy sa pagkain.

“Kasabay mo si Yuan?”

“Yeah. Ang saya di ba?”sabi ko habang nakangiti pa. Makasabay mo ba naman yung crush mo eh hindi ka ba matutuwa?

“Ikaw? Kaya mo pa?”   nag-sip sya sa pepsi nya tapos tumango.Bigla ko naman nakita si Trisha  na dumaan. Glass door kasi. ”Talagang nagpapalamang ka sa kanya no?” medyo natagalan pa sya sumagot.

“Ayos lang sa akin. Basta masaya sya.” Sabi nya.Tapos dumating na sina Leah at Yuan dala-dala yung food. Actually,ngayon ko lang naalala na hindi ko sinabi kay Yuan kung ano yung order ko.

Binigay na nya sa akin yung pagkain.Rice at tsaka...pork barbecue???

“Yuan, paano mo nalaman--”

“-na favorite mo yang pork barbecue? Tinanong ko kay V-jay.” Nagslight tap sya sa likod ni V-jay.

“Wow. Galing ah.Yuan,nanliligaw ka ba?” Ngumiti lang si Yuan.Tapos tumingin sa akin ng matagal tapos kay Leah ulit.

“Kung sabihin ko na oo nanliligaw nga ako. Ang tanong, may pag-asa ba ako?” Nakakainis naman. Bakit napunta dun yung usapan. Nahiya tuloy ako.

Bigla naman tumayo si V-jay na ikinagulat naming lahat na nasa table. May hindi ba sya nagustuhan sa sinabi ni Yuan?

“Uy, san ka pupunta?”

“Sa North Pole. Sige,una na ‘ko. Bye Denise.” Tinapon nya yung pagkain nya tapos umalis na sya.

Nagkatinginan na lang kami nina Yuan dun. Natawa na lang sila. Saan daw sya pupunta? North Pole?

“Oo nga pala, birthday ko sa Saturday.May konting celebration. Punta kayo ha. Tayo-tayo lang naman. People from this school din yung mga invited.”

“Sure.”

“Advance Happy Birthday pala. Anong gusto mong regalo?”

30

Page 31: Candy Story Rebound

“Kahit wala na. Basta pumunta ka lang sa birthday ko.”

“Naks naman.” Sabay siniko ako ni Leah. Kanina pa sya ha!

“Teka lang, paano ba yung papunta sa inyo? Hindi ko kasi alam yung bahay nyo.”

“Don’t worry. Susunduin na lang kita sa inyo. Ikaw din Leah.”

“Oh sige. Pupunta na lang ako kina Denise. Para dun mo na lang kami sunduin.”

“Ok. That’s a good idea.” Sabi naman ni Yuan. Wala na akong nasabi kung hindi ‘ok’.

Wala naman sigurong masama doon. Birthday party lang naman.It’s not like I’m gonna die, right?

Nung hapon na yun ay dumeretso ako sa mall para bumili ng gift. Hindi naman ako pupunta sa party na yun ng walang dalang gift. Hindi naman yata tama yun. Naglakad-lakad ako dun sa mall habang nag-iisip kung anong pwedeng mairegalo kay Yuan nang biglang may dalawang lalaki na humarang  sa akin. Feeling ko nga kanina pa nila ako sinusundan.

“Hi Miss. I’m Raf. Mukhang mag-isa ka. Sama ka na lang  na sa’min.” sabi nya sabay hawak sa braso ko.Eh kung sampal-sampalin ko kaya ang mokong na ito. Ano bang mga sinasabi nya? Bakit naman ako sasama sa kanya eh hindi ko naman sya kilala.

“Sorry, hindi pwede.” Ang taray ng pagkakasabi ko sabay inalis ko yung braso ko sa kamay nya. Sabay talikod at lakad palayo sa kanila. Ang kapal ha!

“Uy, saglit nga lang. Bakit ba ang sungit mo?! Come on, I’m sure you’ll enjoy.” Lumapit pa sya sa akin. As in 4 inches na lang yung layo nya.Umatras naman ako.

“Hindi nga pwede eh. Ayoko. Tanga ka ba at hindi mo maintindihan yung simpleng tagalog ko?”

“Pare, tanga ka daw oh. Papayag ka ba ‘nun?”sabi ng isa nyang kasama.

“Hindi nga daw pwede. Alin ba yung hindi mo maintindihan? Tigilan nyo nga sya.” Sabi nung boses sa likod ko.

“Di maintindihan? Di ko maintindihan kung bakit ka nakikialam dito. Sino ka ba, ha?! Anong pakialam mo sa gagawin ko sa kanya?”

Lumingon naman ako kaya nakita ko na kung sino. Lumapit sya sa akin tapos umakbay.

“ Girlfriend ko sya. Bakit may angal ka? Sinasabi ko sa’yo, lumayo ka na. Baka samain ka pa.” sabi nya.

“Ang yabang mo! Akala mo kung sino ka.” Tapos tumingin sya sa akin.”Pa’no mo ba nagustuhan ‘to?” sabi nya yun sa akin. Talagang ayaw nya akong tigilan.

“Talaga ka bang hindi ka titigil o baka naman gusto mong hindi na masilayan ang bukas?”

Bigla naman umatras yung dalawang lalaki at tumakbo na palayo. Sumigaw pa yung isa na: ‘Kala mo, ang angas mo. Malaki ka lang kaysa sa amin.’

“Yun na nga, kayang-kaya ko kayo ibitin patiwarik. Mga duwag.” sabi naman nya sa kanila na medyo natatawa pa.”Ayos ka lang ba?”

“Ha? Oo. Buti na lang dumating ka. Thanks ha...pero yung sinabi mo--”

“Ah...yung girlfriend? Ayos naman di’ba?Pwede na akong artista.”tapos tumawa sya.

Tapos may binulong sya....it was something like.....

”Sana nga tunay na lang.”

Magkasama na nga kaming dalawa na naglakad dun. Maya-maya ay napansin ko na yung kamay nya ay  nasa balikat ko pa rin. Bakit ngayon ko lang napansin

yun? Nag-enjoy ba ako?

Denise...sari-sari ka!>

“Ahmm...V-jay...” tapos tumingin sya sa akin. Tiningnan ko naman yung balikat ko. Nalaman naman nya yung ibig kong sabihin kaya inalis na nya yung kamay nya. Nagsorry pa nga sya. Sa akin naman eh walang kaso yun.

“Bakit mag-isa ka lang? Hindi ka sinamahan ni Yuan?” sabi nya tapos humawak sya sa tiyan nya. Nagugutom yata.

“Hindi. Hindi pwede. Bibili kasi ako ng

regalo para sa kanya.” Total pinsan naman nya, malamang alam nya yung mga gusto ni Yuan.

“Ei, naiisip mo ba yung naiisip ko?” sabi ko naman.

“Ano? Na nagugutom ka rin? Kanina pa nga ako eh. Tara,kain tayo. Libre ko.” Hinila na naman nya ako habang hawak yung kamay ko. Grabe talaga ang habit nitong manghila ng kamay. Pero sabi nga ni Tito Vic. Masaya sya kapag ganun.

Teka, dapat bibili ng regalo para kay Yuan ah? Oh well...

Nagdecide kami na sa jollibee kumain para maiba naman daw. Lagi na lang kaming KFC eh.

‘Baka tubuan na tayo ng feathers nyan sa KFC’ sabi ni V-jay.

Eh ganun din naman di ba? Manok din sa Jollibee. Pero iba daw doon.Mas madaming bata.Masaya daw sa Jollibee.Oh sya, sige na nga pabigyan na. Mukhang masaya talaga eh. I don’t wanna ruin it. For some reasons, natutuwa din ako kapag masaya sya. Ang ayoko lang, kapag naaalala ko yung tungkol kay Trisha. Bumibigat yung pakiramdam ko.

Pagkatapos kumain ay nagpatulong na ako pumili ng regalo. May naisip naman na ako. Shirt and  a book. Shirt kasi wala lang. Gusto ko lang. Yun nga lang hindi ko alam kung anong klase yung gusto nya.Alam ko mahilig sya magbasa kaya book na lang. Nabanggit nya kasi sa akin na balak daw nya bumili nung latest book ng Harry Potter. So yun, sa bookstore

31

Page 32: Candy Story Rebound

kami nagpunta. Luckily, tatlo pa yung natira.

“Geez, I wonder kung gaano nya katagal binabasa yung ganito. Ako siguro ,100 years later na hindi pa ko tapos.”

“Ako nga first page pa lang inaayawan ko na. Hindi ako mahilig magbasa. I’d rather watch movies.”

“Same here. V-jay, may bibilhin pa tayo. Shirt naman.” Ayos naman sa kanya kaya sinamahan nya din ako sa favorite store daw ni Yuan. Sa Hollister.

Nalaman ko kay V-jay na mahilig sa polo style si Yuan. Yung mala’Lacoste’. Pero dahil hindi kaya ng budget ko yung Lacoste eh dito na lang sa hollister. Dahil maputi naman si Yuan, madaling ihanap ng damit. Teal yung napili ko na kulay.  As far as my imagination can go, bagay yun sa kanya.

Gabi na rin kaya umuwi na kami. Mga 45-50 minutes away pa yung bahay namin sa mall. Pumara na sya ng jeep at swerte naman dahil maluwag pa. Kasabay pa nga namin sa pagpara yung isang matandang babae ba about 70 years old. Tinulungan pa nga namin sya umakyat sa jeep dahil marami din syang dala. Doon sya umupo sa katapat namin. Si V-jay naman ay katabi ko.

“Salamat mga apo ko.” Sabi nya habang nakangiti.

“Ayos lang po yun,lola.”sagot ni V-jay.

Ang sarap ng hangin. Sariwang sariwa pa. Ako naman ay  inaantok-antok na. Bumabagsak na nga yung mata ko. Sunod

kong naramdaman,umakbay sya sa akin at sinandal nya yung ulo ko sa balikat nya. Hmm....ang bango nya. Madalas nangyayari sa akin yung ganito kapag nasa biyahe. Sobrang inaantok ako. Nakapikit nga yung mata ko pero yung ibang senses ko eh half-awake. Kung minsan tuloy kung anu-anong naririnig ko. Mostly yung usapan ng iba.

“Apo ko, kailan mo ba sasabihin sa kanya? Hanggang kailan ka magpaparaya? Hanggang saan ang kaya mong ibigay.”

“po?”   alam ko, boses yun ni V-jay.

“Hijo.Alam ko, alam mo yung tinutukoy ko.”

“Hanggang kaya ko po,Lola. Iba po kasi yung gusto nya.”

“Sabihin mo sa kanya. Kahit tulog sya. Baka makakabawas sa lungkot mo.Naku, dito na pala ako.”

Naramdaman ko na medyo gumalaw si V-jay.

“Tulungan ko na po kayo.”

“Shh...wag na.Kaya ko na. Baka magising sya. Sabihin mo na ha, bago pa sya magising.”

Naramdaman ko na umaandar pa rin kami. Nagkakapit pa rin yung mga mata ko. Pero half-awake pa rin ako. Alam ko na may nag-uusap sa paligid ko pero hindi ko na maintindihan yung mga sinasabi nila. Minsan nga hindi ko na alam kung alin ang panaginip sa totoo.

“I love you,Denise and I always will.”

Aahh!!! Akala ko tumalsik na ako ng malakas. Bigla lang pala pumreno yung jeep. Naman oh! Ang ganda nung panaginip ko eh.  Naputol tuloy.

Teka, panaginip nga ba?

“Nandito na tayo.” Sabi ni V-jay.

Bumaba na kami nun at naglakad na pauwi. Yun nga lang ang hindi maganda sa lugar namin. Hindi dumadaan yung mga jeep.

Habang naglalakad kami, pilit kong inaaalala yung kung ano man yung kanina sa jeep.

“Uy, ok ka lang? Natigilan ka.”

“Ha? Sa jeep kasi kanina... ano—wala. Nanaginip lang siguro ako.” Sabi ko na lang. 

“Panaginip nga lang ba?” 

“Ha?” may sinabi ba ako? Inside thought dapat yun eh.

“Wala. Wala yun.” Nag-fake smile naman ako.

Hindi naman talaga ako sigurado kung ano yun. Malamang, panaginip nga lang...

pero paano kung hindi?  Waaaah!!!!!!!

Next day,ordinary day pa rin naman sa school. Nagtest pa nga kami sa Science tungkol sa  Gay-lussac’s Law. Ayaw ko yun dahil may math na involved. Hindi

man perfect score yung nakuha ko, pasado pa rin naman kahit paano.

Noong lunch, kasabay ulit namin si Yuan. Libre na naman nya. Mapilit sya eh. Well, ano pa nga ba? Eh di  Naka-save na naman ako. Nanukso naman si Leah habang bumibili ng drinks si Yuan.

“Uy, Denise ha. Grabe na si Yuan. Mukhang interesado talaga. Ang cute pa.” sabi nya. No comment naman ako sa sinabi nya.

“Mukhang kailangan na kitang sampalin para magising ka. Ni-minsan ba hindi mo naisip kung bakit ganyan si Yuan sayo?”

“Ano? Syempre, kaibigan. Normal lang yun di ba?” 

Ni-rub nya yung mukha nya gamit yung dalawang kamay nya. Alam nyo yung parang  naiirita na. Ganun sya.

“Ano ka ba,Denise? Yuan likes you. Halatang halata. Hindi lang sya. Si V-jay din napapansin ko. Wag mong sabihing hindi mo rin ramdam yon? Mahid ka ba o ano? “

Ako? Manhid? Hindi no. In denial siguro...oo.

Hindi ko na lang pinansin yun sinabi ni Leah. Pero somehow, na-stuck sa utak ko yung mga sinabi nya. Nung hapon na yun, binalot ko na rin yung regalo ko para kay Yuan. Nakapagtext-text pa ako ng matagal since Friday na. Wala na rin akong masyadong gagawin.

Saturday. Pumunta si Leah sa bahay. Nagpasama pa sa akin bumili ng regalo.

32

Page 33: Candy Story Rebound

Kaya napasugod tuloy kami sa mall ng hindi oras.  Madali lang naman kami sa mall.  Una namin pinuntahan yung tunay na pakay namin. T-shirt din yung napili ni Leah. Bumili din si Leah ng flip-flops. Ako din napabili eh. Pano naman kasi, sale sila ngayon.

Pag-uwi namin ng bahay, binalot nya yung regalo. Ako naman, naligo at nagbihis ng panibago. Maya-maya nagtext na si Yuan.

>girls, get ready na po.sunduin ko n kau.

Naghintay na kami ni Leah nun kay Yuan. Hindi rin nagtagal ay dumating na sya. Namangha nga si Leah sa kotse nina Yuan. Mercedes  Benz kasi. First time daw nya makasakay sa mamahalin na car eh. Ako naman, mga limang beses ko na siguro nakasakay sa kotse na ito.

Pagdating namin sa bahay nina Yuan, may mga tao na rin.  Nandoon si Tita Racquel,Reese at V-jay. Mawawala ba naman sila eh sila lang yung pinsan ni Yuan. Tapos yung marami sa kanila, alam ko mga kaklase nya ngayon sa Brayden High. Halos lahat ng nandoon  eh produkto naman ng BJHS kaya hindi na nakakailang hanggang sa dumating din si Trisha.

“Happy Birthday, Yuan.” Sabi nya sabay may beso-beso pa. May dala pa nga sya na tray ng pagkain.

“Hi Denise.”

“Hello.” Sabi ko naman. Haba ng conversation namin no? Hi and Hello.

“Where’s Tita Juliet?”

“Umalis lang saglit si Mommy. May pahabol pa yata sya na dessert eh.”   Sagot naman ni Yuan. Juliet pala yung pangalan ng mommy niya.

“Oh.Ok. Dalhin ko na lang ito doon sa kitchen.” Then pumunta na sya sa kitchen. Mukhang alam na nya yung pasikot-sikot dito sa bahay nina Yuan ah.

Si Leah, nakahanap na ng kadaldalan doon sa ibang bisita ni Yuan.Dating kaklase namin kasi ang iba dun. Sinamahan naman ako  ni Yuan kumuha ng pagkain. Ang dami nyang handa.As in puno na yung table.Yung iba nga hindi ko na alam yung tawag. Masyadong pangmayaman siguro.

Tinawag naman ako nina Tita Racquel na doon na daw umupo sa katabi nila ni Reese. Ang bastos ko naman kung ako pa yung tumanggi kaya doon na ako umupo. Si Yuan naman, syempre, ine-entertain pa rin yung ibang dumarating.

“Hi Denise.” Dumating naman si V-jay at umupo din sa table namin.

“Anak,bakit ganyan? Wala kang ulam?" sabi ng mommy nya.

“Hinihintay ko pa po yung luto ni Manang Luz.”tapos nagtingin-tingin sya doon.

May dumating naman na matanda na may dalang isang bowl na kare-kare sa table namin. Hmm....ang bango. Mukhang masarap.

“thanks po,Manang.Yan, kakain na ako.”

Nagsimula na syang kumuha ng kare-kare tapos sumubo na sya.Ako din eh kumakain na doon.Bigla naman pinalo ni Tita Racquel yung kamay nya.

“Aray Ma. Bakit? ” tanong naman nya sa mommy nya.Innocent effect pa sya.

“Hindi mo man lang ba aalukin si Denise nyang ulam mo? Don’t tell me uubusin mo yan lahat.”

“Eh Ma, Kare-kare to di ba? Allergic si Denise dito kaya useless lang kung alukin ko sya.” Oo nga naman. Wait...Paano naman nya nalaman? Wala akong naaalala na nasabi ko sa kanya yun.

“Oh...really? Sayang naman,Denise.”

“Oo nga po eh. Gustuhin ko man kumain eh hindi pwede. Ako din po ang magsusuffer.” ***

Nung natapos na kami kumain, tinawag naman kami ni Yuan para pumunta doon sa entertainment room para magkantahan. Nanlaki na lang yung mata ko sa nakita ko. Ang laki ng entertainment room nila. Yung tv nila ay plasma pa na sobrang laki din. Astig! parang sinehan. Sobrang High-tech. Kita doon yung PS3 nila na para daw sa mga bisita. Kaya yung iba naglaro doon sa separate room. Tapos ang daming remote para sa mga appliances na nandoon. Grabe, more  than ten yata. Kahit siguro nakatira ako dito, hindi ko mamememorize which one is which.

After i-set up ni Yuan yung magic sing nila, tumabi na sya sa akin. Kita mo sa mukha nya na masaya sya kahit pagod. Unang kumanta yung si Lara,tapos sunud-sunod na. Ewan ko ba dun.Maya-

maya lang,may dumating na isang babae. About 35 years old sya. Base sa matinding calculation ko, sya yung Mommy ni Yuan.

“Hi guys, kamusta naman kayo dito? Ayos ba?” ‘Ayos na ayos nga po eh.’ Sabi naman nila.

“Mom, ngayon ka lang ba?” see, Mommy nga nya. Tama ako.

“Yes. I had to buy something. Tapos traffic pa kaya nagtagal.” Tapos tumigil sya then “ Son, where is she? Nasaan na ang babaeng nagpapatibok ng puso ng anak ko?”    sabi nya habang nakasmile. Lahat natahimik. Naramdaman ko na tumingin sa akin si V-jay tapos biglang iniwas nya. Anong ibig sabihin ‘nun?

“Mom, here she is. Si Denise po.” Huwwaat?!? Did I just hear my name? pakiramdam ko nag-apoy yung mukha ako.

“I knew it!” sabi ni Leah.

“Uyy, Denise ha, kelan pa?”

“Ha? Ewan. Hindi ko naman alam eh.”

“Now you know, right? I’ve been courting you for 3 weeks now.” Tapos may kinuha sya sa may likod at binigay sa akin. “Flowers for you.”

“Thanks, pero teka lang. Akala ko ba si Trisha yung nililigawan mo?” hindi ba?

Tumawa lang sya.”Trisha is my childhood friend, best bud ko yan, bukod kay V-jay. Trisha is just my friend. Ikaw yung gusto ko.”

33

Page 34: Candy Story Rebound

“Yeah,Denise. Yuan is right. Ako lang naggaguide sa kanya sa panliligaw sa’yo. He really likes you...”

Nag-‘uyyy’ naman yung mga tao. Kainis no? Akala naman nila nakakatuwa itong nangyayari. Sobrang nahihiya na talaga ako at  kinabahan at nalilito.

“Nice meeting you,Denise. You’re such a pretty girl.” Tapos hinug nya ako. “ Oh sya, pupunta na muna ako sa kitchen at may lulutuin pa ako. Ituloy nyo lang yung kantahan nyo.” Then umalis na sya.

Si Yuan naman ay masyadong gentleman at pati yung uupuan ko ay inayos pa. Tapos nanunuko pa rin sila.grabe ha! Pigilan nyo ko. Mamaya lang sasapukin ko na sila.

 Itinuloy lang nila yung kantahan nila. May kumanta ng ‘Narda’ kaya tumaas yung energy at nabaling na yung atensyon nila sa kanya at hindi na sa amin ni Yuan. Kumanta din si Leah at ang song ay ‘Especially For You’ .

“Sino ba yung sunod?” tapos walang sumagot.

“Oi, Yuan, kayo nga ni Denise dyan ang nagliligawan. Magduet naman kayo.” Naku, kung hindi ko lang talaga kaibigan ‘to,matagal ko nang nabatukan eh. Ayos na eh. Wala na yung atensyon nila sa amin tapos ibinaling na naman nya.

‘Oo nga naman. Pare, pagkakataon mo na ‘to.’ Sabi nung isang lalaki.

“Denise, ano? Ok lang ba sayo?” Tatanggi sana ako kaya lang nagsigawan

sila, ‘Denise, sige na, birthday naman nya.Maawa ka na.’ Oh sige na nga. Ako na naman ang masama kapag tumanggi ako.

Kinanta namin ni Yuan ay ‘I’ll be’. Ano ba naman yan. Yun pa yung pinili nyang kanta. Lalo tuloy dumami yung mga nanukso.  Naka- 97 kami.Lahat sila niloloko kami, maliban lang dun sa isa na tahamik lang na nakaupo doon. There’s something sa mukha ni V-jay na biglang nagbago. Paano ba idescribe yun? Nalumbay siguro. Tama. Ganun nga ata. Kanina lang ang saya nya eh. Bakit nalungkot? Di ba dapat masaya na nga sya kasi available pala si Trisha?

Hay, bakit ba ako affected?

Ang sunod na kumanta ay si Michael. Pambato daw sa kantahan. Ang kinanta nya...’Jealous’?

‘Guys,gagawin kong male version ‘to.’ ok.Male version pala.Infairness, ang galing nga nya kumanta. Pero ayoko nung song. Parang feeling ko kasi sinasaksak ako sa dibdib. Napatingin ako kay V-jay at nakita ko na  katabi nya si Trisha. Nag-init yung mukha ko nun. Waah! Nagseselos ba ako sa kanila?

‘Jealous of the one who'se arms are around youIf he's keeping you satisfiedJealous of the one who finally found youMade your sun and your stars collide ....'

Nasa gitna pa lang ng kanta si Michael ng biglang tumayo si V-jay. Napatingin nga kami. Gumalaw kasi yung upuan nya pagtayo nya kaya naggawa ng noise.

“Oh,San ka pupunta?”

“Lalabas na muna ako. Masikip na dito.”

“Hindi ka pa kumakanta ah! Mamaya na lang.” sabi ni Trisha.

“Nah, I don’t sing.” Tapos lumabas na sya. At binagsak pa nya yung glass door. Halos mabasag na nga. Galit ba sya?

Napatingin nga din si Yuan pero wala na lang syang sinabi. Tuloy pa rin sa pagkantahan hanggang sa gumabi na at nagsimula ng mag-alisan.

Isang malakas na ‘Happy Birthday Yuan!’ ang sinabi nila bago maghiwa-hiwalay lahat.Si V-jay, hindi na bumalik sa entertainment room. San kaya yun nagpunta. Nag-aalala na ako dun eh.

“Denise, halika na. Ihahatid ko na kayo ni Leah.” Tapos naglakad na kami palabas ng bahay nila. Nandoon naman sina Tita Racquel,Reese, at yung mommy ni Yuan.

“Aalis na po kami. Thank You po.” Sabay pa kami ni Leah.

“Your welcome mga hija.Ipapahatid ko na kayo sa driver. Gabi na, mga babae pa man di kayo.”

“Mom,ayos na po yun.I took care of that already.”

“Bye po, Tita Racquel. Bye Reese.”

“Ate, nakita mo ba si Kuya?Kanina ko pa sya tinatawagan eh,hindi naman sumasagot.”sabi nya nun habang

kinakalikot yung phone nya,

“Hindi eh. Kanina ko pa rin sya hindi nakikita.” 

“San ba kasi yun nag-suot?! Anyway, sige pala, bye, Ate Denise.”

“Sige Denise, take care,ok?” sabi ni tita Racquel.tumango naman ako tapos sumakay na kami sa kotse. Himala  nga at tahimik itong si Leah. Nakatingin pa sa bintana.

“Hoy Leah, ok ka lang? Masyado ka bang nabusog at hindi ka makapagsalita dyan?”

“Ano ka ba, on-diet ako ngayon pero masarap talaga yung mga pagkain nila.Super. Tahimik lang ako kasi may iniisip ako.” Aba! Seryoso ah!

“Uy, Di ba si V-jay yung naglalakad na yun?”

“Onga no. Manong, tigil muna tayo.” Sabi ni Yuan tapos binaba nya yung bintana.Si Leah din ay binuksan yung sa amin.

“V-jay, sakay na. Papunta kami kina Denise.”

“Hindi, wag na. Maglalakad ako.” Pagkatapos nun ay nagkatinginan kami pero wala naman syang sinabi. Ano ba naman yan, bagong style na ba yun ngayon?

“Are you sure?  Maluwag pa naman eh.”

“Maglalakad talaga ako. Sige, ingat na lang kayo.”

34

Page 35: Candy Story Rebound

“Ikaw mag-ingat. Gabi na oh. Sige ah, una na kami. Ayaw mo talgang sumakay?” Umiling lang si V-jay. Tapos nun tumingin lang sya ulit sa akin. Ok, I’ll take that as a “Bye Denise.”

Nagdrive na kami, este si manong driver pala ,pauwi sa amin. Si Leah naman,sa bahay na rin yan matutulog. Bumaba din si Yuan sa kotse.Ako naman,binuksan ko na yung gate. Nahirapan nga ako dahil may dala pa akong bulaklak na binigay ni Yuan kanina.

“Ehemm...pasok na ko sa loob ha...para hindi ako istorbo sa inyo.” Sabi ni Leah. “Akin na muna ‘to, mukhang nahihirapan ka na eh.”sabay kinuha naman nya yung boquet.hayy..salamat. Matagal-tagal ko rin nasa kandungan yun.Pagkatapos ay pumasok na sya sa loob ng bahay.

“Yuan, happy birthday ulet ha. Thanks sa paghatid. Sana magustuhan mo yung gift ko.”

“Your welcome. Basta galing sayo,magugstuhan ko. Uhh..Denise, hindi ka ba galit sa nalaman mo kanina?”

“Hindi. Mukha ba akong galit sa hitsura ko? Shocked siguro,oo.” Nliligawan na pala ako ng crush ko,hindi ko man lang alam.

“Thanks. Sige pala, see you sa school na lang. Good night.” Then lumapit sya at hinalikan ako sa pisngi.Whoa! Another shocker!

“Sige, good night din.” Then pumasok na ako sa loob ng bahay.

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyari kanina sa birthday ni Yuan. Una, ako pala yung gusto nya. Pangalawa, nililigawan nya ako. Akalain mong may gusto pala sa akin yung crush ko. Swerte no? Pero bakit walang kuryente? Pangatlo, available pala si Trisha. Pero bakit ganun na lang yung reaksyon ni V-jay? Sa halip na magsaya dahil solong-solo na nya si Trisha, nagwalk-out pa. Pero ok din siguro na nagwalk-out sya.Dahil nakita ko lang sila na magkatabi ni Trisha ay biglang sumama yung pakiramdam ko. Idagdag mo pa si Michael, talagang natamaan ako dun sa kanta nya kanina.Wahhh! Parang awa nyo na, sumasakit ulo ko. Pinanganak yata ang dalawang magpinsan na iyon para bigyan ako ng migraine!

Umabot sa 913 yung nabilang kong tupa bago ako nakatulog. Well, at least nakatulog di ba? Feeling ko talaga kinailangan ko ng pahinga eh. Napagod yung katawan ko at lalo na yung utak ko.

Sunday.Nagising na lang ako ng wala na si Leah. Hindi man lang nagpaalam ang bruha! Tanghali na nga ako nagising kaya hindi na rin ako nakasama kina lola sa pagsimba.

Monday, wala naman masyadong nangyari maliban sa nakasabay kong umuwi si Yuan. Este, hinatid nya pala ako. Napadaan ako sa room nila  kaya yung mga invited sa birthday nya ay kung anu-anong panunukso ang ginawa.

 P.E. time. Soccer unit kami kaya sa field kami ngayon.  Kapag sinuswerte ka naman oh. Ngayon pa kung kailan mataas yung araw.

“Boys and girls, dito lang kayo sa left side. Doon kasi sa kabila ang Section C. Ok, I need two teams. Kayo na bahala.” Sabi ng teacher.ano ba yan, palagi yata akong napapatapat sa kanila ngayon. “V-jay, dyan na kami sa inyo.” Sigaw ni Leah sabay hila sa akin papunta kina V-jay.

“Tama pala, guys kumpleto na tayo.” Wala man lang bang ‘hi’? Suplado naman nito.

Pumwesto na kami at maya-maya lang ay nagsimula na yung game. Hindi naman ako magaling sa soccer pero ako yung ginawa nilang goalee. Ayos lang naman sa akin basta wag akong tamaan ng malakas dahil kung hindi gaganutan ko sila.

“Guys, dahan-dahan lang ah. May mga girls tayo. Hinaan nyo lang yung pagsipa at baka masaktan yung goalee namin.”   Tapos tumingin sya sa akin. Mukhang balak lang nyang tumitig at ayoko ng ganun kaya iniwas ko na lang yung tingin ko.

Napansin ko din yung kabilang section doon. Class yun nina Yuan at as usual, noong nakita nya ako ay kumaway sya sa akin. Nagwave back lang din ako.

Naglaro na nga kami nun. So far, hindi pa naman napapalakas yung sipa nila sa bola kaya ayos pa naman ako. Dahil kung matamaan nila ako sa mukha or sa dibdib. Naku, kawawa naman si Denise!

20 minute-game lang naman yun at sa kasamaang palad natalo pa kami. Pero

hindi na rin masama dahil 5 -6 naman yung score. (In favor of the other team).

Libre naman na kami ngayon kung ano man ang gusto namin gawin. Yung iba, mas pinili na ituloy ang paglalaro ng soccer.  Nakita ko si V-jay na nakaupo doon sa damuhan at nanonood  sa kabilang section kaya linapitan ko naman.

“Oist! Anong ginagawa mo?” sabi ko sabay upo na din sa damuhan.

“wala lang. Watching, I guess.” Nakatingin pa rin  sya doon sa mga naglalaro. Tsaka ko lang napansin na nandoon pala si Trisha at nakatayo naman kasama yung mga kaklase nya.

“Bakit ka nandito? I mean, bakit hindi mo lapitan si Trisha. Malaya mo nang magagawa ang gusto mo.Wala ka nang karibal. Pwede mo nang ligawan.” Sabi ko sa kanya.Geez. That kinda hurts me.

“Dito na lang ako sa tabi mo. Hindi naman bawal di ba?”

“Hindi naman.”

“Kapag bawal na, sabihin mo sa akin ha. Para hindi na kita guguluhin.” Seryoso yung mukha nya nung sinabi nya yun.

“Eh bakit ba kanina ka pang bawal ng bawal dyan? Bakit magiging bawal?”

“Kapag sinagot mo na yung pinsan ko, bawal na kasi girlfriend ka nya. Kapag nangyari na yun, sabihin mo sa akin ha. I’ll have to stay away from you two.” What? Bakit naman?

“Why would you do that?” sabi ko

35

Page 36: Candy Story Rebound

naman.

“Dahil dito.”sabi nya sabay hawak sa dibdib nya. Sa left side.

“Denise, sana maging masaya kayo ni Yuan.” Pagkatapos ay tumayo na sya at biglang tumango. Tiningnan ko naman kung sino yung tinanguan nya na yun.

“Pinsan, aalis ka? Kaarating ko pa lang ah.” Sabi ni Yuan.

“Kailangan eh. Sige ha. Una na ‘ko sa inyo.” Tumayo naman ako dahil parang may dalawang higanteng nag-uusap kung nakaupo ako. ‘Bye’ lang ang sinabi ni V-jay sa akin at umalis na rin sya. Nagweirdohan ako sa kanya at talagang sinundan ko sya ng tingin. Kaya lang hindi na sya lumingon. Naramdaman ko naman na may nakatingin sa akin. Sino pa ba? Eh di si Yuan. Sya lang naman ang nasa tabi ko eh.

“Bakit ganyan ka makatingin?”

“Wala naman. I was just curious.” Curious about what? Itatanong ko nga sana kaya lang bigla naman napadpad yung soccer ball sa amin kaya nagyaya na si Yuan na umalis sa lugar na iyon. Baka daw kasi masaktan pa ang isa sa amin mamaya.

Dumating yung mga kaibigan ni Yuan,tapos dumating pa sina Leah. Hindi ko na tuloy naitanong yung gusto ko itanong sa kanya.

Katulad  kahapon, hinatid na naman ako ni Yuan. Sakay na naman ako sa chedeng nila. Katulad din naman ng kahapon, ang pinagkaiba lang ngayon, pinapasok ko

sya sa loob at pinakilala kay Lola. Wala naman syang sinabi na kung ano. Nagtaka lang kung bakit hindi na si V-jay ang kasabay ko ngayon kapag umuuwi. Pero wala din naman syang sinabi na kung ano. Basta tulad ng lagi nyang sinasabi sa amin, ‘Imulat ang iyong mga mata. wag mong hahayaang diktahan ng isip ang iyong puso.’ Ewan ko ba. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin naman lubos maintindihan yun. Lalo na pagkakataong ito. Ano namang koneksiyon di ba? Pero siguro nga, tama si Kuya, may pagka-engot din talaga ako.

Nung isang araw nga pala, I’m so proud of myself. Na-overcome ko yung isang fear ko. Fear of dogs. Naglalakad  kasi ako nun sa may park at hindi ko inaasahang may aso na humarang sa akin. Nililick na nung aso yung legs at paa ko. Tahimik lang ako pero sa loob sumisigaw na ako. Una kong naisip, tumakbo ako. Pero humabol pa rin sya.

“O my god. O my god. Wag mo ko habulin.” Lumiko ako nun sabay…

“Ou ch!”  aray naman. Nagkabanggaan pa kami.

“Why are you running?”

“E kasi yung…yung…” tinuro ko yung aso.”hinahabol nya ako.”

“Milo! Nanghahabol ka lang palang aso ka. Kanina pa kita hinahanap.”

“yan…yan si..Milo?”

“yup. Nakalabas sya ng gate.Kasalanan ni Reese. Bakit ka nya hinabol? Tumakbo ka no?”

“E kasi naman no. Takot ako sa mga aso.” Nakasimangot pa ako nung sinabi ko.Tumawa naman sya.

“He won’t bite. Kapag mabait ka sa kanya, ayos din sya sa iyo. Basta wag mong papahalata na takot ka. Here..bagong linis sya.”tapos pinakarga nya sa akin si Milo.

Waah! Noong una gusto kong sumigaw e. Pero hindi nagtagal, ayos din pala. Ang cute at ang bango naman ni Milo. Natatawa nga ako kapag nililick nya yung face ko. Nakakakiliti kasi. Si V-jay naman, nagkakalikot doon sa phone nya habang ako e tawa ng tawa noong naglalaro kami ni Milo. Dog’s aren’t that bad pala.

Ano ba yan, gusto ko  tuloy magkaroon ng sarili kong aso.

This week nga pala, 3 days lang kaming papasok sa school dahil may pupuntahan na four day-conference lahat ng teachers. As in L.A.H.A.T! Hay, ang saya!

“Guys, meron kaming resthouse sa Sta. Teresita. Balak ko doon magstay during weekend. Gusto nyo sumama?”

“Sure. Game ako dyan!”

“Pare,sama rin ako ha.” Sabi ni Ian na kaibigan din ni Yuan. ‘ako din.’ Sabi ni John.

“Ok guys, 1 hour away lang naman yun. Magpaalam kayo sa inyo ng ayos ha. 2 to 3 nights tayo doon.”

“Ayy...ang saya nito.May beach naman di ba?  Sasama talaga ako.” Sabi nya kina Yuan.”Denise, samahan mo ko magpaalam sa amin ha. Di bale, sasamahan din kita magpaalam kay Lola Martha.”sabi naman nya sa akin.

“Bakit ako? Hindi naman ako sasama. Puro lalaki sila doon. Alam mo bang ikaw lang ang babae dun?”

“Sus. Ang KJ nito. Sumama ka na.” sabay tulak sa balikat ko. "O sige isama natin si Ashley para may girls din. Oi, ikaw nga Ian ang magyaya dun. Crush mo naman di ba? Pagkakataon mo na.” sabi naman ni Leah. Nag-agree naman si Ian kaya nagtatakbo na doon papaunta kay Ashley.Ang galing din ni Leah mag-utos eh no?

“Oo nga naman,Denise. Sumama ka na. Minsan lang naman mangyayari ito. Parang outing na rin. Sama ka na oh,please? If you want, I’ll ask your Lola Martha for you.” Payagan kaya ako ni Lola? Sana.

“Ok,I’ll go with you guys. Basta may permission ‘to ng parents mo ha?” sabi ko kay Yuan.

“Of course. Si Daddy pa nga yung nagsabi na magsama daw ako ng friends ko dun. Hindi na kasi nabibisita yung ibang resthouse namin.” Ganun?  Ilang resthouse meron sila?

“Ah sige. Ako na bahala kay Lola.” Bahala na din kung papayagan nya ako. Hindi naman sya masyadong strikto. Pero hindi ko pa rin sigurado kung papayagan nya ako.

36

Page 37: Candy Story Rebound

“Pssst! V-jay. Halika dito.” Sabi ni Yuan kay V-jay na nagbabasketball doon sa kabilang side. Lumapit naman sya at nagdridribble pa habang naglalakad. Bigla naman akong kinabahan. Hindi ko nga alam kung bakit. Nakakaasar.

“Bakit?” sabi nya tapos ako naman eh nginitian nya. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko nun. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ako at naisipan ko na tumakbo.Ang sabi ko na lang ay “Una na ko sa inyo.” Then off I went. Parang tanga no? Kahit free time namin yun ay pinili ko na lang mag-stay sa classroom. May konting tao din naman doon. At least, nawala na yung kaba ko dun.

Nagring naman na yung bell na ikinatuwa ko rin. Malas nga lang at wala na pala akong juicy fruit kaya  naglakad muna ako papunta doon sa may tindahan. Habang naglalakad ako ay may humila na naman sa kamay ko. Masyado na akong nastretch.Paglingon ko, may hawak sya sa kamay nya at inaabot nya sa akin.

“Ooh, thanks. Bibili nga sana ako eh.” Kinuha ko naman yung juicy fruit.

“I know.” Tapos nagsmile sya. “Are you coming?” coming where?

“Saan?” sabi ko naman.

“Kina Yuan. Sa Sta.Teresita.”   oh, that!

“I think so.”

“Alright then....sasama na rin ako.” Tapos tumigil sya. “Uwi ka na? Wala kang kasabay?” hindi ba halata?

“Yup.” Tapos tumingin sya sa phone nya.

gabihin.Sorry.” “Ok lang no. Kaya ko naman.Sige bye.” Then naglakad na ako.Maya-maya lang eh may humila na naman sa akin. Ano namang nakalimutan nya?

“Denise, ingat ka ha.” Sus! Yun lang pala.

“Akala ko naman kung ano na. Opo,mag-iingat ako.” Ngumiti lang ulit sya at ako naman ay naglakad na ulit. In fairness, ang bait ha. Napangiti din tuloy ako. Buti na lang at walang tao masyado kundi napagkamalan na akong baliw.

Tuloy pa rin ako sa paglakad habang nakangiti. Hindi ko naman napansin na may hump nga pala doon. Natakid tuloy ako. Muntik pa ako mapasungaba doon sa daan.Badtrip! Hindi na ako lumingon dahil ayaw ko rin naman makita yung mga nakakita sa akin. Baka pinagtatawanan na nila ako.

Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. May tumatawag.

“Hello?”

“Denise,kasasabi ko lang kanina.

“Sorry. My bad.”

“Pwede tumingin ka sa nilalakaran mo?”

“Yes sir. Sige na po. Magpractice ka na. Bye.” Then binalik ko na yung phone sa bulsa ko.At umuwi na ako.Pagdating sa bahay, balak ko ng sabihin kay Lola agad. Kaya lang natatakot ako. Baka sigawan ako eh. Nagbihis muna ako

at nagsnack habang iniisip ko kung pano ako magpapaalam.  Nilapitan ko sya doon sa silya nya at nagcrocross stitch sya doon.

“Lola, ahmm...may outing po kami ng barkada sa Sta.Teresita. 2 nights daw...pwede ba akong sumama? ” Tiningnan nya ako nun ng masama.

“Kaninong resthouse yan?”

“Kina Yuan po.”

“Hindi pwede. Hindi ko pa masyadong kilala ang batang yun.” Sabi na nga eh, hindi ako papayagan. Pero hindi ako sumuko at kinulit ko pa rin.

“La, marami naman po kami. Kasama din sina Leah at Ashley. Pumayag na po kayo.”

“Sinu-sino yung mga lalaki doon?”

“Si Yuan po. Tsaka yung dalawa nyang kaibigan. At si V-jay.”  Sila lang yung sigurado ako na kasama.

“Ah,kasama ba si V-jay? Sige, mag-iingat ka doon ha.”

“Ibig po bang sabihin payag na kayo?”

“Oo, pero ipangako mong wala kayong gagawing masama doon ha.” Yes! Napapayag ko din. Niyakap ko si Lola at pagkatapos ay umakyat na ko sa kwarto. Tinext ko si Leah at tsaka si Yuan para ipaalam na pinayagan ako. Hinanda ko na yung mga damit at iba ko pang kailangan doon. Isang bag lang naman ang dadalhin ko at wala naman akong balak dalhin

yung buong cabinet ko no.Teka, saan nga ba at anong oras kami magtatagpo ng mga yun?

Tinext ko si Yuan, tinawagan, at lahat na pero hindi naman sumagot. Kung kailan naman may itatanong pa ako na importante, saka pa hindi sumagot. Si Leah naman, hindi rin sumagot. Wala na siguro yung load. Ano ba yan,nagcellphone pa sila! Si Ian naman at John na alam kong kasama rin ay hindi ko alam ang cell number.

Ah! Alam ko na.May isa pa nga pala na hindi ko nasusubukan tawagan.Nagdial ako doon sa phone ko.

“Hello?”

“Oh, napatawag ka.”

“Itatanong ko lang kung alam mo kung anong oras tayo aalis bukas at tsaka saan yung meeting place. Hindi kasi sumasagot si Yuan eh.”

“Ang sabi nya sa akin 10:30 ng umaga daw. Sa kanila na lang daw yung meeting place.”

“Ah...ok. Paano nga ulit yung papunta sa kanila? Hindi ko alam eh.”tapos tumawa sya.Tama ba namang tawanan ako.

“Wag mo na alalahanin yun. Sunsunduin na lang kita bukas. Sabay tayo pupunta sa kanila.” Oh ok. That’s a better idea.

“Sige. Mas ayos nga yan.Oh pano, see you tomorrow na lang. Thanks ha.”

“Anything for you.” Sagot nya sa akin.

37

Page 38: Candy Story Rebound

“Nge, thanks talaga.Bye na po.” Tapos nag-hang up na ako.

Kinabukasan, ang aga ko naman nagising. Excited? Inulit ko pa yung pagkakaayos ko ng gamit ko. Nilagay ko na rin yung toothbrush at yung mga panglinis sa katawan. Hindi ko kasi agad nilagay dahil ginalmit ko pa kagabi. Nagbihis na ako. Simpleng shirt lang naman at saka denim shorts at flip-flops.Suot ko pa din yung bracelet. Hindi ko naman na hinuhubad yon.

Tumama naman si Lola sa lotto ng 500 pesos kaya binigyan nya ako ng 200. Naging 1000 tuloy yung perang baon ko. In case, something happens, at least di ba may pera ako. Baka mamaya mawala ako dun or maiwan. Waah. Wag naman po sana.

Maya-maya lang 10:30 a.m. na. At eksakto naman na nandoon na si V-jay papasok ng gate. Naks, Yan naman ang gusto ko. Laging on time!

“Kamusta po, Lola.”aba.Nauna pang pinansin si Lola Martha kaysa sa akin.

“Bakit ngayon ka lang ulit napadalaw. Namiss kita ah.” Eh? Namiss daw.Close?

“Ehem-ehem....” Sabi ko naman.

“Madalas po kasi yung basketball namin ngayon. Tsaka may nakakasabay na po si Denise.” Tapos tumigil sya. “Oh, nasaan ba yung gamit mo? Ito ba?” tinuro nya yung bag na nasa sofa. Tumango naman ako. Kinuha na nya at sinabit sa likod nya. Nakakatuwa yung hitsura nya. Dalawa yung dala nyang bag. Yung sa

kanya at sa akin.

“Lola, alis na po kami.” Hindi naman ako nagmamadali no? Excited na ko magswimming at makita na rin si Yuan at yung resthouse nila.

“Oh,sige. Mag-iingat kayo ha. Denise, magtetext ka para malaman namin kung anong nangyayari sayo doon.” Sabi nya sa akin. 

“ikaw na ang bahala dyan kay Ate Denise ha. Pagpasensyahan mo na kung engot yan minsan.AY! madalas pala.” Bigla naman nagsalita si Daryl. Halatang bagong gising. Talagang siniraan pa ako eh no? Tiningnan ko lang sya ng masama nun at tinawanan lang naman ako ng loko.

“Oo, ako bahala dito sa ate mo.” Tapos umakbay sya at tinapik yung balikat ko.Pero inalis din nya agad. Pagkatapos nun ay nag bye na kami kay Lola.

Dinaanan pa namin si Leah sa bahay nila dahil nagtext na hindi  nya daw alam ang papunta kina Yuan. 11:20 na rin ng nakarating kami kina Yuan. Nandoon na nga sina Ian, John, at Ashley.

“Sino pa ba hinihintay natin?" tinanong ko naman dahil mga 30 minutes na kami naghihintay doon.

“Oh, yan na pala sya. Sa wakas dumating din.” NApatingin naman kami lahat sa pinto.

“Sorry Guys, I’m late.Hinintay ko pa si Daddy eh.”

Waaaah!!! Si Trisha? Kasama saya???

Parang gusto ko ng umatras at umuwi na ulit sa amin. Ayoko yatang makasama sya doon. Habang nandoon rin si V-jay. Pero tumuloy na rin ako. Hindi naman kapanipaniwala kung mag-reason ako na bigla akong nagkasakit. Baka sabihin nila kanina lang excited ako eh. Tapos ngayon biglang ayaw ko na.

Nagsakayan na sila sa van nina Yuan. 10 kami lahat. Si manong driver at yung anak nyang batang babae. Mga 5 years old siguro. Tapos si Yuan, Ako, si V-jay, Ian, John, Ashley, Leah,  at Trisha.

Katabi ko si Yuan tapos si Leah then yung anak ng driver.Nagdrive na si kuya Bong. Yung driver. Komedyante nga yun kaya hindi boring ang biyahe. Tawanan at kainan kami dun.  Pero medyo ilang ako eh. But dahil si Denise ako, kinaya ko pa rin.

Ang traffic naman pala ngayong araw na ito. May nagkabanggaan pa kaya lalong tumagal. 2pm na rin kami nakarating sa resthouse nina Yuan. Yung mga boys ay parang mga nakawala sa hawla. Kulitan sila ng kulitan doon. Ang gaslaw nga nila eh. Samantalang si Yuan, parang dalagang pilipina pa rin. Mahinhin pero nakikigulo din.

Ang ganda rin nung resthouse nila. Bungalow house sya tapos malapit sa tabing dagat. Simple pero maaliwalas. May tatlo na bedrooms. Syempre, sama-sama ang mga girls sa isang kwarto. At yung boys sa katabing kwarto. Sa katapat naman ay si Kuya Bong at yung anak nya na si Arlan.

“Ang ganda pala dito. First time ko dito

eh.”

“Yeah. It’s really nice here. Ilang beses na rin ako nakapunta dito.” Sabi naman ni Trisha.Nilapag ko yung bagpack ko doon sa gilid.

“Ei, tayo na doon sa terrace.” Sabi ni Ashley. Nagpuntahan na nga doon sa labas sina Ashley at Trisha.

“Denise, Tara na. Ayoko magkulong dito hanggang mamaya no.”

“Sige na, mauna ka na dun. Cr lang ako.” Sabay na kami lumabas ng kwarto. Sya ay dumeretso na doon sa terrace at ako naman sa CR. Naiihi na talaga ako eh. Pagkatapos ko ay dumeretso na rin ako sa terrace. Feeling ko nga may mumu doon kaya binilisan ko yung lakad ko. Takutin daw ba ang sarili?

Pagdating ko sa terrace, nagkakainan na naman ang mga yun. Street foods naman.Ang takaw rin eh. Si John at Ashley naman, mukhang nagkakaintindihan. Naku, parang gusto kong mahilo. Bakit sinusubuan ni Trisha si V-jay?

“Oh eto na pala. Denise, anong gusto mo? Fishball, squidball, or kikiam?” sabi naman ni Yuan.

“Fishball na lang.” Sagot ko naman. Ang takaw ko din. “Guys, kelan ba tayo uuwi?”

“Oi Denise, wag ka nga. Kadarating pa lang natin, uwi agad yung iniisip mo. Hindi ka na lang sana sumama.” Sabi naman ni Leah. Hay naku, bakit ba may kaibigan akong ganito? Pero sana  nga

38

Page 39: Candy Story Rebound

hindi na lang talaga ako sumama. Kung alam ko lang.

“Yeah, Denise. Leah’s right. Enjoy the moment muna. Hanggang Saturday pa naman tayo.”   yeah.ok! paano kaya yun

kung nandyan ka?    joke..

"Tara, swimming na tayo. Langoy na langoy na ako eh!” sabi ni Ian. Nag-agree naman lahat kaya nagtakbuhan na sila papunta sa dagat.

“Hoy saglit lang, yung phone ko, itatago ka muna.” Nagpahintay ako pero hindi na yata ako narinig. Grabe naman ang mga yun. Pumasok ako sa kwarto para itabi yung phone ko. Mahirap na. Baka mawala yun or mabasa pa. Pagsarado ko naman ng pinto,may biglang nagsalita.

“Let’s go. Nandoon na sila.” Aww.hinintay naman pala nya ako.May natitira pa palang mabait dito. Sabay na kami naglakad papunta sa dagat.

“Hindi mo ba tatanggaling yang bracelet mo?”sabi nya. Napatingin tuloy ko sa bracelet ko. Ayun yung bigay ni V-jay.

“Nope. Hindi ko naman tinatanggal  ‘to eh. I always wear it. Mahal ko kasi ‘to...” Tuloy pa rin kami sa paglakad.

“Napansin ko nga eh. You know what, I’ve seen someone who has the same bracelet as yours. Iba nga lang yung pendant. I think it was a key. Hindi ko na nga lang maalala kung saan ko nakita. Basta alam ko meron eh.”  Ahh...kay V-jay nya siguro nakita.

Lumusong na din kami ni Yuan sa tubig. Naggagaslawan na naman sila at si Ian at John ang pasimuno. Ang kulit talaga ng dalawang iyon.Nabasa tuloy ako agad.

“Denise, marunong ka daw lumangoy sabi ni Leah? Let me see how far you can go.” Aba! Hinahamon ba ako nito? Marunong yata akong lumangoy

“I can go as far as you can go or maybe farther.”Sabi ko naman

“Oh sige...hanggang doon sa may lubid kaya mo?”  

“Sure.” Tapos nagrace na kaming dalawa. Ang bilis ko gumalaw nun.  Syempre ayoko naman mapahiya no.  Halos sabay lang kami nakarating doon sa may lubid at ganun din pabalik.

"Wow Denise, ang tindi mo. Daig mo pa ‘ko.” Sabi naman ni Ian.  

“Sabi ko sa’yo John eh, marunong yang si Denise.”

“Pwede ka na sa swimming team. I wish I could swim,too.” Sabi naman ni Yuan.Hinihingal pa rin ako kaya hindi ako nakasagot. Teka lang, nasaan ba sya. Hindi ko yata nakikita. Napahanap tuloy ako ng di-oras.

Ay sus! Nandoon naman pala sa kabilang side. Kasama si Trisha. Mukhang tinuturuan nya syang lumangoy. Well, good for him. Gumawa na sya ng move. Bigla naman akong sinabuyan ng tubig ni Ian.

“Baka matunaw sila nyan sa ginagawa mo. Nasa dagat pa naman tayo.” Ang

lakas naman yata ng pagkakasabi nya kaya lahat ay nagtinginan. Ako naman....i faked a smile. Pinunasan ko yung mukha ko at feeling ko,basang basa na.

Pagpunas ko napatingin ako sa braso ko. Waah!!!! Anak ng pating! San napapunta ‘yun?

[author:   ano yung nawawala? ??]

“Leah!!! Yung bracelet ko...nawawala.” yun na lang nasabi ko sa kanya at nag-ala dyesebel na ako doon. Sinisid ko sa pagbabaka sakaling nahulog sya doon. Oh Lord, hindi pwedeng mawala  yun. Sumisisid  din ako pabalik doon sa pinanggalingan namin ni  John kanina. Baka nahulog doon eh. Kailangan ko talaga makita yung bracelet na yun.

Alam ko na malalim na rin yung nararating ko pero hanap pa rin ako ng hanap doon. Malinaw naman yung tubig kaya hindi mahirap makakita sa ilalim.I was fine until  hindi ko na maigalaw yung mga binti ko.

“Le..” sinubukan kong humingi ng saklolo. Pero masyado ng malalim at ang sakit talaga ng binti ko. Aaah! Hindi na ako makahinga.   Malulunod ba ako, paano yung bracelet?!! Oh my God! Patawarin nyo po ako sa mga kasalanan

ko.Napapikit na lang ako at pakiramdam ko ay nandoon si Dustin.

Ang sunod ko na lang nalaman, nakahiga na ako sa buhangin. Ganito pala sa langit. Teka, buhangin nga ba?

*coughs*

“Thank God she’s alive.”

“Denise, ok ka lang ba?” lumapit sa akin si Leah. Ang sakit pa rin ng binti ko.

“Leah... yung...bracelet ko”  yun na lang ang nasabi ko then everything went black.

Pagmulat ko, puting-puti lahat. Ang lambot ng kinalalagyan ko. Bigla akong kinabahan.Oh my! Totoo na ba ‘to? Nasa

langit na ba ako?

Pagbangon ko, may tao pala sa side ko. Nakaupo sya sa tabi ng kama.

“Denise, how do you feel? Ayos lang ba?” sabi nya  sa akin tapos lumapit sya.

“Uhh...yeah.” napahawak na lang ako sa ulo ko. Medyo masakit kasi. ”Ano bang nangyari?”

“Muntik ka ng malunod. .....I mean, nalunod ka na pala.”

“Ganun ba? Muntik na pala ako mamatay no? Wait, nasaan sila Leah at tsaka si Yuan?” I gotta thank them. Sila lang naman ang maaring nakakita sa akin kaya isa sa kanila ang siguradong sumaklolo sa akin.

“Nasa bayan. Namamalengke. Wala kasi

39

Page 40: Candy Story Rebound

tayong pagkain eh. Nagugutom ka na ba? Meron naman akong pagkain dito.” Tapos inilapit nya sa akin yung malaking pack ng Oreo. Kaunti pa lang naman yung bawas. Kumuha na rin ako dahil umaangal na yung tiyan ko. Ang pinagtataka ko lang parang syang ewan ngayon. Parang naiilang na hindi mo maintindihan.

“Bakit hindi ka sumama sa kanila? Iniwan mo si Trisha dun.”

“Kasi po, binantayan kita. Kapag sumama ako,wala kang kasama dito. Hindi naman ako papayag ng ganun.” that’s so nice of him naman. Nahiya naman ako kaya nag ‘thank you’ naman ako.

“Kanina pa  ba sila?”

“Mag 2 hours na.” Kanina pa nga sila. Ibig sabihin kanina pa rin nya ako binabantayan? Ang boring naman yata nun! Inabutan naman nya ako ng bottled water at uminom naman ako. Grabe, ganito pala ang feeling ng nalunod.Nakakauhaw. Ang weird no?

Maya-maya lang umingay na. Dumating na siguro ang tropa. Dahan-dahan pang pumasok si Leah sa kwarto.

“Oi gaga. Gising na ako.Ok lang mag-ingay.”

“Denise alam mo bang tinakot mo ko kanina .  Akala ko mawawalan na ako ng best friend.” Tapos niyakap nya ako at nag-sob sya doon. Pumasok naman si Yuan. Tapos si V-jay naman yung lumabas. May sinabi pa nga si V-jay kay Yuan bago sya lumabas pero it’s not of my business.

“Wag ka ng umiyak. Hindi naman ako namatay, buhay nga ako oh. Thanks sa inyo.”then umalis na si Leah sa pagkakayakap.

“Denise, ayos lang pa ang pakiramdam mo? Sabihin mo lang kung may masakit sa’yo ah. May clinic na malapit dyan. Eto nga pala yung bracelet mo oh.” Oh my God! Yung bracelet ko. Nahanap nya. Sobrang tuwa ko nun at talagang napatayo ako tapos niyakap ko sya.

“Thanks Yuan. Thanks talaga. Akala ko mawawala na ito sa akin.”

“Maiwan ko muna kayo ha. Tutulong lang ako sa pagprepare ng food.” Tapos lumabas na si Leah.

“I got so scared noong nalunod ka. Hindi ko malaman yung gagawin ko.” Tapos hinawakan nya yung kamay ko. “I don’t know what I’m gonna do if something else happened to you. Hindi ka pwedeng mawala.” Masyado syang seryoso nung sinabi nya yun. Hindi ko naman alam kung anu bang isasagot ko kaya natuwa naman ako ng kumatok si Ashley at sinabing ready na yung pagkain.

Sabay na kami ni Yuan pumunta ng kitchen at inakay pa nya ako. Everybody was treating me like  a princess. Pinaglalagay pa nila ako ng pagkain sa plate. Naku naman, baka masanay ako nito.

“Ano ba yan. Nakakahiya naman. We went here to have fun and I kinda’ ruined it.Sorry guys.”

“Ok lang yun no. Aksidente yung

nangyari. Wala naman may gumusto nun.” Sabi ni Ian.

“Sorry talaga. Paano ko ba babayaran ang atraso ko sa inyo? Sa halip na nandoon tayo sa labas at nagsasaya, nastuck kayo dito sa loob dahil sa akin. Ano? Balik tayo sa labas.”  Tapos nagtinginan sila sa akin ng masama. “Anu ba?! Hindi na ako magswiswimming ulit no.”

“We are your friends Denise. Hindi ka namin pababayaan.. Anyway, magandang idea yun. Balik tayo sa labas. What about the guys, set up a campfire. Tapos doon tayo sa labas. Boring dito sa loob eh.” Oh. Ayos yun ah.

“Sure. I like how you think Trisha.”sabi nya kay Trisha. “Denise, kaya mo ba?”

“Ako pa. game ako dyan!” sabi ko naman.

Binilisan namin ang pagkain para makapag set-up na sila ng apoy sa labas. May dalawang klaseng ulam kami. Corned beef at tocino. (gara no?) Pero may soup din na alam kong si V-jay ang nagluto. Simula nga  kanina hindi pa nya ulit ako kinakausap.

Nalaman namin na birthday pala ni Arlan ngayon. 6th birthday nya.

“Mas lalo pala tayong dapat lumabas eh. Magcelebrate tayo.” Sabi ni John.

“Oo nga. May binili si Kuya Allan eh. Ibabarbecue daw nya.”

Si Leah at Ashley ang nagvolunteer na magligpit ng pinagkainan. Yung guys

naman, lumabas na at magseset daw ng apoy. Kami ni Trisha ay naupo doon sa sofa.

“Ang bait talaga ni V-jay no? Gwapo pa.He’s available,right?” sabi ni Trisha habang nakadungaw sya sa bintana.  ako ba kausap nito? Malamang kasi kami lang naman dalawa dito eh.

“A-huh.”

“Ang swerte naman yung magiging girlfriend nya..... Hmm...di bale,magiging akin ka rin.” Nakakatakot naman ‘to.Pero malamang nga tama sya. Magiging kanya rin sya. Lalo pa at sya rin ang gusto ni V-jay. Hayy....Denise, your hopeless. Buti na lang, nandito si Yuan.

“Tayo na sa labas, nakaset na yung fire.” Tapos sabay na kaming tatlo lumabas. Sina Leah at Ashley naman sumunod na rin. Hindi ko naman alam na ganito pala kalamig dito kapag gabi. Sana pala sinuot ko yung jacket ko. Napahawak  na lang ako sa mga braso ko. Ang sunod kong nalaman, inaabot na ni Yuan yung jacket nya sa akin.

“Eto, music trip tayo.” Sabi ni Ian habang hawak nya yung gitara. Ngayon ko lang naalala na may dala nga pala sya nun. 

“Ashley, may sasabihin daw nga pala si John sa’y- -” Hindi na nya natapos yung sinasabi nya dahil biglang tinakpan ni John yung bibig nya.

“Hinde. Wala. Wala yun. Mahilig magawa ng storya ‘to.” Sabi ni John habang nakatakip pa rin yung kamay nya sa bibig ni Ian. Tiningnan lang nya sya at

40

Page 41: Candy Story Rebound

inalis na rin yung kamay nya. “tumugtog ka na nga lang.”

Tinanong nila si Arlan kung anong request nya na kanta. “Kuya, gusto ko Narda. Kanta tayo lahat.”  And that was his request.  In fairness, magaling din tumugtog si Ian. Si Arlan naman ay parang nagwawala doon. Ginagawa nya daw si Jay ng Kamikazee. Pasaway din eh no? Lahat kami ay nakisabay sa pagkanta maliban lang kay Trisha. Kesyo hindi daw nya alam yung kanta.

“Happy Birthday, Arlan.” Sabi namin. Nahiya naman ako ng lahat sila ay may regalo. Hindi ko naman kasi alam no!

“Salamat Pare!” sabi ni Arlan kay V-jay. Teka, Pare??? Hindi ba bata pa sya para tumawag ng pare?   Nagpasalamat sya dahil binigay na sa kanya ni V-jay yung ball cap na suot nya. Halata namang bago pa yun pero binigay na nya.

“Tay, ang saya ng birthday ko ngayon. Buti na lang sinama mo ko dito.” Sabi nya sa tatay nya na nag-iihaw doon. Halatang tuwang tuwa nga sya.

“Pinakamasayang birthday man lang din ang pinag-uusapan, kailan ba yung pinakamasayang birthday nyo? Ako nung 5 years old ako. Niregaluhan ako ng ninong ko ng motor na pambata. Tuwang –tuwa ako nun!” sabi ni Ian.

“Ay oo, naaalala ko yun. Pinagmamalaki mo pa nga sa amin eh.Pinakamasayang bitrhday ko naman nung nakatanggap ako ng Playstation. Nakatago pa nga yun hanggang ngayon. Ikaw V-jay?”

“Akin? Pinakamasaya yung 15th birthday

ko.” 15 na sya? Cool, malapit na rin ako mag-15.

“hindi ka naman daw nagcelebrate ah.” Sabi ni Yuan. Yung itsura nya ay halatang nagtataka.

“Walang party o kahit ano man. Kasama ko lang yung mahalagang tao sa buhay ko.It was the best day ever.”

“Pare, kailan ka ba nagbirthday?” tanong ni John.

“August 24th.”   Say what?  August  24th? Best day ever? Yun yung date na nasa ribbon ni Jayden ah. That was the day of our...

our...

 date? Waaaah!!!! Birthday nya pala nun?!?

Tinukso naman nila si V-jay like: ‘oi,ikaw ha.Malihim ka.’ ‘Bat di mo naman sinabi sa’kin?’ ‘Oi ha, sino yan, kilala ba namin?’ Hindi naman sya sumagot. Instead tumingin lang sya sa akin. Kaya lahat tuloy sila, tumingin din sa akin. Ano ba yan. Pakiramdam ko tuloy gusto nila akong kainin.

“Uhh...guys, salamat nga pala kasi hindi nyo ko pinabayaan. Hindi ko na maalala kung anong mga nangyari. Pero thank you talaga, especially to you, Yuan. Hinanap mo pa talaga yung bracelet ko

and I suppose, ikaw din yung nagsave sa akin.” Sabi ko naman. Wooh! Muntik na ko dun ah!

“Ahh, Denise hi- - ” may sasabihin yata si Yuan ng biglang  tumayo si V-jay.

“Kuya V-jay,saan ka pupunta?” sabi ni Arlan habang suot nya yung cap na bigay sa kanya ni V-jay.

“Sa loob. Mag- CR lang ako.”  Tapos tumayo din si Trisha at may kukunin naman daw sya sa loob. Talagang sumabay pa eh. 

“Denise, ahmm...hindi naman...ako yung nagsave sa’yo. I’m not a good swimmer. Malalim na yung napuntahan mo. It was V-jay who saved you. Wala ka ng malay nun. Nobody knew how to resuscitate. Si V-jay lang kaya sya talaga nagsave

sa’yo.” What? Resuscitate? As in Mouth to mouth resuscitataion?

“Isn’t that like a... a...”

“a kiss Denise. Yes! May first kiss ka na. Yun nga lang hindi mo alam.”

“Denise, don’t get him wrong. He did that to save you. ”

“Oo nga Denise. Ayaw pa nga nyang malaman mo at baka daw magalit ka.” Sabi ni Ashley.

“Yeah, but we thought na dapat mong malaman. And yung bracelet nga pala, he looked for it,too. It was all him. Sa kanya ka dapat mag thank you.”

Speechless ako dun sa sinabi nila. Nangilid yung luha ko noon.Sya pala yung nagligtas sa akin. Bakit ba hindi ko naisip yun? Ang engot mo talaga Denise.

Napatingin naman ako sa suot kong damit.

“wag ka mag-alala. Ako nagpalit ng damit mo.” Si Leah naman pala ang nagpalit sa akin. Hindi na big deal. Kinuwento pa rin nila  yung mga nangyari sa akin.  Nakakaasar talaga dahil nalunod pa ako. Eh marunong naman akong lumangoy. Kundi sana ako nagka muscle cramps, hindi naman mangyayari yun. Nalaman ko na na ang buong pangyayari pero sina V-jay at Trisha ay hindi pa rin bumabalik doon. Hanggang sa nagkayayaan ng pumasok sa loob ng resthouse.Pagpasok namin doon, nakaupo sa terrace yung dalawa. Mukhang may pinag-uusapan eh.

“Hoy, masyado kayong seyoso dyan.” Nanggulo naman si Ian. Si Yuan na kasabay ko maglakad eh tiningnan ko lang. Sasabihin ko sana na mauna na sya sa loob at kakausapin ko pa si V-jay. Pero wala pa akong nasasabi ay tumango sya at nagsmile. Nagkaintindihan na kami nun. Hindi rin nagtagal ay pumasok na si Trisha sa loob kaya ako na lang at si V-jay ang nandoon sa terrace. Nakatayo sya doon habang nakasandal sa balustrade kaya lumapit naman ako.

“Bakit hindi ka na bumalik kanina?” hindi naman sya sumagot.“Naks naman. Kasama mo si Trisha.Nagiging close na kayo ah. Congrats.” Tapos tinapik ko sya sa balikat. Again, hindi na naman sya sumagot. Ano namang drama nito at hindi ako pinapansin?

41

Page 42: Candy Story Rebound

“Hoy, galit ka ba? Ayaw mo kong kausap?” tahimik pa rin sya doon. Fine. Sabi ko nga eh. Ayaw nya. Saka na lang nga ako magpapasalamat. Tumalikod na ko sa kanya para pumasok na sa loob. Pero hinila nya yung kamay ko.

“Denise, saglit lang.” eh di  nagsalita ka rin. Yun lang ang sinabi nya tapos lumapit sya sa akin. Malapit na malapit. Pagkatapos ay bigla nya akong niyakap ng mahigpit. Para namang ang tagal kong nawala.

“Tinakot mo ko kanina. Please don’t do that again. Pinakaba mo ako ng sobra.”   Sabi nya sa akin habang nakayakap pa rin.

“A-a-ano hindi na ako makahinga.” Sabi ko naman. Nag-let go naman sya agad.Ngayon naman, hawak nya ako sa dalawang balikat ko.

“Sa susunod,Wag kang pupunta sa hindi mo na kayang languyin!” Opo itay! Nakakatakot naman ito. Tumango na lang ako doon sa sinabi nya.

“Salamat. I owe you my life. About the resuscitation thingy, - -” hindi pa ako natatapos eh nag-salita  na sya. Hindi naman sya masyadong defensive no?

“Denise, I’m sorry. I just had to do it. If not, baka kung ano pa ang mangyari sayo.” Nakatingin lang ako sa kanya nun. At naiiyak na naman ako. Ang bait naman kasi nito.

“Don’t worry about it.” Ayoko na rin yung pag-usapan. “ Oh, thanks for finding my bracelet.” Muntik ko ng

makalimutan. Ito yata ang dahilan kung bakit muntik na akong mawala sa earth. Lalo tuloy naging memorable.

Niyaya ko sya na pumasok na sa loob. Lumalamig na rin kasi at inaantok na ako. Pinansin pa nya yung suot ko na jacket. Nung sinabi ko na kay Yuan yun, ngumiti lang sya. Sabay na kami pumasok sa loob at sya pa yung naglock ng pinto. Nakasalubong pa namin si Yuan habang papunta kami sa kanya-kanyang kwarto. Nagkatinginan naman kaming tatlo. I hated that situation.

Dahil mas unang madadaanan yung girls’ room, makikita pa nila ang pagpasok ko. Si  Yuan nga eh pinagbukas pa ako ng pinto.

“Thanks. Good night sa inyong dalawa. ” sabi ko na lang. hindi ko naman mabuksan ng todo yung pinto at baka may nagbibihis sa kwarto.

“Goodnight girls!” sinigaw na lang ni Yuan doon sa pinto. Narinig din naman nila kaya nagsigawan din naman ng ‘goodnight.’ Sinisigaw na pala yun ngayon.

Sa girls’ room, hindi kami agad natulog. Nagkwentuhan muna kami sandali. Hayy... unang araw pa lang namin dito, ang dami ng nangyari. Lalo na sa akin. I wouldn’t be here right now kundi dahil sa kanya. Thank God he was there. Na-imagine ko tuloy yung mga nangyari kanina although hindi ko naman talaga alam. Base lang sa mga nakwento nila sa akin. And the whole resuscitation thing- - it freaks me out! First kiss na nga ba yun gaya ng sabi ni Leah? Nyikes!

Sa aming lahat, ako yata ang unang nakatulog. At dahil ako yung unang natulog, ako din ang unang nagising. Pinatay ko na rin yung aircon. Kaya naman pala parang nasa freezer sa sobrang lamig. Nasa ‘high’ pala. 

Paglabas ko sa kitchen, nandoon na si Yuan at umiinom ng iced tea? Ngee! Ang joker naman nun! Parang hindi tama eh. Dahil tulog pa yung iba, nagpunta kami ni Yuan doon sa tindahan para bumili ng breakfast. May kalayuan din yung bakery kaya may kahabaan din yung nilakad namin. Mainit-init pa nga yung mga nabili namin na pandesal. At may mga kung anu-ano rin kaming binili. Mga pang breakfast pa rin syempre. Hanggang sa pagbalik namin ay tulugan pa rin sila. Sinimulan naman namin ni Yuan ang paghahanda ng breakfast para ready na paggising nila.

Ako yung nag fry ng hotdogs and egg at si Yuan ang nagluto ng rice. May kanin na may pandesal pa.

“Denise,gaano karami alam mo tungkol sa pinsan ko?” nagulat naman ako doon sa tinanong nya.

“Maram-rami din. Pero depende kung tungkol saan.” Sagot ko naman habang nagpipirito pa rin ako.

“Like personal stuff. Alam mo ba kung sinong gusto nya? I’m sure you do.” Sabi nya sa akin.

“Yeah...si Trisha di ba?” hininaan ko yung boses ko. Kinakarir ko pa rin yung pagluluto. Hanggang sa naramdaman ko lang na parang matutunaw ako. Kung

makatingin  naman kasi eh. Ibinaling ko nga yung mukha nya palayo sa akin. “Ano ba?Wag ka ngang ganyan makatingin.” Sabi ko naman.

“Eh bakit humina yung boses mo? Are you sure si Trisha?”

“Yun yung sinabi nya sa akin dati kaya sure yun. Teka, eh bat hindi sya yung tanungin mo? Kayo yung magpinsan ah.” Tumawa lang naman sya at sinabing ‘I alreaday did’Nabago naman yung usapan nang umingay na. Gisingan na kasi ang tropa. S\At si Leah, (as usual malakas ang boses) at yung ibang girls ay sabay-sabay lumabas ng kwarto. Si Ian at John ay gising na rin. Ang aga pa nga lang nangungulit na sila.

“Naks naman. Kayo pala ang nagluto. Parang mag-asawa. May Mommy and Daddy.” Sabi ni John.

“Oo nga. Lalo tayo. Itaw ang kuya , tapos sila mga girls ,ate. Tapos sila mommy shaka daddy.Hi-hi-hi” Sabi naman ni John. Ang kulit talaga. Nagbatabataan pa sya. Sinakyan naman ni Yuan yung joke nila. Kaya lahat tuloy eh Mommy ang tawag sa akin.

“Oh mga anak, kainan na.” tapos nilapag na nya yung fried rice. Yung tropa eh akala mo mga anak nga namin kung umasta.

“Daddy, kulang yata kami ng isa. Si V-jay wala pa.” sabi ni Leah kay Yuan.

“Oo nga no. Natutulog pa siguro--” bigla naman nagsalita si Trisha.

42

Page 43: Candy Story Rebound

“Ako na lang ang gigising sa kanya.” Sabi nya.Tatayo na sana sya nang sinabi ni Yuan na...

“No. Hindi na. Kumain na lang kayo. Ang mommy nyo na ang bahala kay V-jay.”sabi nya sa kanila. “Oh, Denise...gisingin mo na si V-jay.” Sabi nya sa akin. Sumagot naman sila na ‘oo nga mommy.’ Naman! Kailangan ba talaga ako gumising sa kanya? Baka akala nun pinapasok ko sya sa kwarto nila. Sinubukan ko pa na mag-excuse pero wala din akong nagawa.

“Sige na po,mommy. Pumasok ka na lang po doon sa loob.”

Kumatok na ako dun sa pinto pero walang sumagot. Binuksan ko na lang ng dahan-dahan. Nakita ko sya doon at nakahiga.Natutulog pa at soundless naman sya. Napabuntong hininga na lang ako eh. Gosh. Hanggang sa pagtulog ba naman dala nya yung pagkagwapo nya.

Inalog ko sya doon hanggang sa nagising. Halatang gulat sya nang nakita ako. Kinusot pa yung mata nya tapos ngumiti.

“ Good Morning,Denise.”

“Good morning din.Bangon na po. Breakfast is ready.” Sabi ko na lang. Tapos lumabas na ako. Maya-maya eh sumunod na rin sya sa kitchen. Medyo magulo pa nga yung buhok nya.

“V-jay, suklay ka naman. Gulo buhok mo eh.” Sabi ni Ian.

“Pabayaan mo. Nanahimik yung buhok ko eh. I like it this way.” Tapos umupo na sya.

“’Morning everyone. Uy, sunny side up. Favorite!” nanlaki na lang yung mata ko nung sinabi nya yun. Favorite din nya yun? Ano ba yan. Nung una, chicken tapos sunny side up naman ngayon. Nagkakataon lang ba talaga o sinasadya na nya?

“Luto yan ni Mommy.”

“Syempre kaya luto yan ni Mommy kase favolit din nya yan!” dagdag ni Leah.

“PAreho pa pala kayo ng favorite eh.”

“Oo nga Daddy. Peybolit din mo ba yan?” nalito na yata si V-jay. Kung makikita mo yung expression ng mukha nya eh parang ‘what the hell is going on?’

“ Bat ganyan kayo magsalita?” sabi nya. Inexplain naman ni Yuan kung bakit. Natawa lang sya eh nung nalaman na naglalaro kami.

 Hindi pa rin tumigil yung laro na yun hanggang sa umalis kami ng bahay para magstroll. Tumigil lang sila nung nakarating kami doon sa may basketball court sa plaza. Nakita kasi ni Yuan yung best friend nya dito noong bata pa sya.

“Kiko, Long time no see. Musta?”

“Yuan.Ikaw na ba yan? Di ka pa rin nagbago. Long time no see na nga.”

Pinakilala naman kami ni Yuan isa-isa kay Kiko. At dahil nadatnan namin sya na nagbabasketball doon, niyaya nya kami na makilaro din. Nagjoin nga silang lahat pati yung mga girls. Ako lang yung hindi.

Manonood na lang ako. Wala naman akong alam dun eh. Sila na lang. At isa pa...naaalala   ko si Dustin noong nag out-of-town kami dito rin sa Sta.Teresita. TApos may basketball pa! Hayy...Sad Memories nga naman.

Dinala kami ni Kiko doon sa restaurant nila para maglunch. Parang katulad sya ng Barrio Fiesta pero syempre iba yung pangalan. It was named after Kiko. Napakarelaxing ng lugar na iyon. At talagang ang sarap ng pagkain. Sobrang nabusog nga ako dun eh.

Pagkatapos ay sumakay kami ng ferry boat para makarating doon sa mga shopping booths sa kabilang island. Yung hitsura ni Trisha eh parang ahas na nakapulupot kay V-jay. Kesyo natatakot daw sya. Hello? Ako rin naman natatakot no. Pero hindi ako pumupulupot kay Yuan.

Marami din kung anu-ano ang mabibili dun sa mga tindahan. Nagkahiwa-hiwalay na nga kaming lahat. Syempre, iba’t-iba naman kasi yung gusto namin bilhin. Ang nabili ko ay key chain at t-shirt na may naka print na pangalan nung beach. Binilhan naman ako ni Yuan ng small stuff toy na nakasuot ng shirt na katulad ng nabili ko. Si Leah,marami rin nabili. Pero pinakamadami ay kay Trisha. Halos binili nya yata yung buong tindahan.

Pabalik sa resthouse ay sumakay ulit kami ng ferry boat. Umupo na lang ako sa kabilang side para hindi ko  makita yung pagpulupot ni Trisha. Nakakasira ng view.5pm na rin kami nakabalik sa resthouse. Hindi ko pa rin maiwasan na mapatingin sa kanilang dalawa. Pero buti

na lang, super galing na komedyante ni Ian kaya tawa kami ng tawa.

Nagkasundo na na bukas kami uuwi sa kani-kanilang bahay. So ibig sabihin, mag stay pa rin kami dito for one night.

Hay...ano na naman kayang pwedeng mangyari? Basta ang alam ko, hindi na ako pupunta sa malalim kung sakaling magswimming ulit.

“Guys, ayaw nyo ba magswimming ulit? Let’s go na. Last night na natin dito. Kami ni V-jay mag-swim ulit.”   Sabi yun ni Trisha. Pagkatapos ay hinila na nya si V-jay papunta sa dagat. Si V-jay naman, parang ayaw pa. Ang ewan talaga nun. Halos si Trisha na nga ang gumagawa ng moves eh tapos parang ayaw pa nya. 

Hay..ang gulo talaga ng mga lalaki na yan.

“Uy, lumulutang ka na naman sa kalawakan. Tayo na nga dun.” Nagulat naman ako kay Ashley. Bigla na lang kasi ako siniko.

Tumakbo na kami papunta sa dagat. Halos lahat pala sila eh nandoon na. Paulit-ulit naman sila sa pagremind sa akin na wag daw ako pumunta sa malalim at baka daw malunod ulit ako. Nakulitan nga ako eh.

“Opo.” Sabi ko na lang.

Hindi na talaga kami pupunta sa malalim. Tsaka madilim na rin kaya nakakatakot na. Baka mamaya may kung anong halimwaw pa dito, mamaya nyan lamunin ako. Waaah!

43

Page 44: Candy Story Rebound

Si V-jay naman lumipat pa sa side ko. Natuwa naman ako nun.

“Ang dilim na. Are you scared?” sabi nya sa akin.

“Hindi no. Para yan lang.” yun naman ang sabi ko. Pero ang totoo, nakakatakot talaga. Ewan ko ba, basta takot ako sa open spaces lalo pa at madilim tulad ngayon. May ilaw nga pero ang liliit naman.

“Parang kasi eh. Ok lang yan. I’m here.” Nagslight tap sya sa balikat ko. Lumipat din naman si Trisha sa tabi nya. Tsk. Ok na sana eh.

Hindi ko naman napansin na kulang pala kami ng dalawa hanggang sa napansin ni Leah na wala si Yuan at Ian.

“Si Yuan nagpapahinga na. Alam nyo na, hindi sya pwede magbabad masyado. Baka magkasakit yun.” Pinaliwanag ni V-jay.

Nagkwentuhan lang kami doon.May halo pang gaslawan. Splash fight! Dun ako napagod eh. Naubos yung energy ko. Hindi rin nagtagal eh pumasok na kami sa loob. Medyo naging mahirap yung pagbanlaw. Isa lang kasi ang bathroom sa resthouse eh. Pero kahit naman ganun, nakatapos pa rin naman kaming lahat. Inabot nga lang ng siyam-siyam.

Saturday. Bigla na lang ako hindi nakapaghintay na makauwi sa amin. Paano naman kasi, kagigising ko lang. At pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto, eh napakaganda ng bumulaga sa akin. Parang linta naman si Trisha na nakadikit kay V-jay. Ang aga-aga eh nilalandi na

nya.  Argghh! Nakakainis. I hate this feeling!

Nang pauwi na eh dun ako umupo sa malayo sa kanila. Ayoko na lang silang makita na dalawa. Masakit ha.

Tahimik pa rin ako hanggang sa makauwi. Bukod sa pakiusap ko sa kanila na huwag ng sabihin kay lola yung nangyari sa akin, tipong ‘’oo’ at ‘hindi’ lang ang lumabas sa bibig ko. Pagdating sa bahay namin, nagpasalamat naman ako sa kanilang lahat. Sa pagasikaso sa akin at sa pagsama na rin nila sa akin sa outing na yun.

Ako naman ay pumasok na sa loob ng bahay. Tinanong pa nga ako ni lola kung kamusta daw yung outing.Sinabi ko na lang masaya. Pero para sa akin, hindi eh. Sila siguro,nage-enjoy talaga. Lalo na si Trisha at V-jay. Ako, hindi na lang yata dapat ako sumama. Nagstay lang ako sa kwarto nun. Wala akong balak lumabas ngayon. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko. Not phyiscally but emotionally. Nakahiga lang ako nun sa kama ko. Nag-iisip ng bagay bagay.

Patay! Ito na nga yata. Bakit ngayon pa?

Bigla naman bumukas yung pinto kaya napabangon ako ng di oras. Pagpasok nya eh lumundag naman agad sa kama ko kaya tumalbog talbog kaming dalawa. Mag-7 pm na yata yun.

“O naligaw ka yata.”

“Hindi. Ampon nyo muna ako hanggang lunes. Umalis sina Mama papuntang

probinsya. May namatay daw na kamag-anak.Hindi na ako pinasama eh.”

“Ah.”

“Oi, bakit ganyan ang mukha mo? May problema ka no?” kapag true friend mo nga naman, alam agad kapag may problema ka.

“Ano? Wala kang load? Bumabagsak ka sa klase? Namura ka ni lola? Nag-away kayo ni Daryll? Oh mommy at daddy mo na naman?”

“Hindi yun. Mas komplikado pa nga yata.” Napabuntong hininga na lang ako nun. Si Leah , nakatingin pa rin sa akin.

“Oh my gosh! Parang alam ko na.”yung mga kamay nya eh nasa mukha nya. "Don’t tell me...”

“In love na yata ako...” sabi ko sa kanya. “kay...kay...” shocks. Hindi ko mabigkas yung pangalan nya.

“V-JAY!” malakas yung pagkakasabi ni Leah. Nag-sign pa ako ng ‘wag ka maingay.’

“E di ayos pala. Sabi ko na nga ba. Ang galing ko talaga. Napansin ko na yun eh. Dati pa. Halatas sa kilos nyo.”

“Nyo?”  sinabi ba nya talaga yun?

“Yeah. ‘nyo’  Kayo ni V-jay. Wag mong sabihing hindi mo alam?”

“Ang alin?”

“Naku. Magpacheck-up ka nga.

Namamanhid ka na. Hindi mo talaga alam na may tama din yang si V-jay sa’yo?”

“Wag ka nga.Imposible yun. Si Trisha nga daw eh. At tsaka hindi yun ang inaalala ko. Ako...I can wait.I think.”   Naalala ko naman yung sinabi ko sa kanya dati. ‘God has plans. If it’s meant for you,darating yun sa tamang panahon.’  Pero sa pagkakataong ito, mukhang it’s not meant for me. or is it?

“Ano yung inaalala mo?”

“Kay Yuan dapat. Siya nga yung crush ko di ba at sya rin yung nanliligaw. Ayoko na nga syang paasahin. Pero hindi ko naman kayang sabihin yung totoo sa kanya.”  Ang bait bait nun sa akin tapos gaganunin ko lang. Ang sama ko naman. Eh kung si V-jay nga nagpaparaya para sa kanya tapos ako? Babalewalain ko lang.

“Anong plano mo?”

“Ewan.” Hindi ko rin alam. Bahala na si batman.

“Tingin ko dapat malaman nila. Kung hindi mo kaya, ako ang gagawa.” Sabi ni Leah. Yan naman ang hindi pwede mangyari. 1st of all, baka mapaano si Yuan. 2nd, yung magiging reaksyon ni V-jay eh siguradong negative. And 3rd, mas masasaktan pa ako lalo.

“Leah, No! pLease ipa-ubaya mo na sa akin ‘to. And promise me, you will keep this as a secret.” Nagmakaawa ako sa kanya. Pahirapan pa bago napapayag.

Hindi na kami kumain ng dinner nun. Wala din naman akong gana. Hanggang

44

Page 45: Candy Story Rebound

sa maghatinggabi eh gising pa rin ako. Si Leah eh nananaginip na samantalang ako, hindi na yata makakatulog. Lahat yata ng pwesto naitry ko na. Pero wala. Si V-jay talaga yung nasa isip ko. Si V-jay na nagbabasketball, si V-jay na tumatakbo na may dalang torch, sya na kumakanta,sya na kasabay kong umuwi, sya na kasama ko sa mall, sya na dinala ako sa bahay nila, sya na nagsave sa akin nung nalunod ako. At sya na hindi ko alam kung kaya ko talagang  ipaubaya na lang sa ibang tao.

Sunday. Nagsimba kaming lahat. Si Kuya nga eh nandito pala. Ngayon ko lang nalaman. Mainit sa simbahan habang nagmimisa. Kahit may mga electric fan eh mainit pa rin dahil sa dami ng tao. Habang papalabas eh naharang pa si lola ng kumare nya. Kami ni Leah ay nauna na palabas. Nasa plaza na kami. Malayo-layo na rin sa simbahan pero katapat lang talaga sya.

Kapag sinuswerte ka nga naman, makikita mo pa si Trisha at si V-jay. Hindi na ako nagtaka kung bakit sila magkasama. Malamang nagsimaba siguro. Sana lang hindi nila kami mapansin. Tiningnan ko naman si Leah at mukhang hindi naman nya nakikita. Kaya ako, straight ahead lang din ang tingin. 

So yun nga, dadaan na kami sa tapat nila.

One...

Two...

Thr--

“Denise, Leah”     aww! Ang swerte

talaga. Napatigil tuloy kami ni Leah. Nag hi naman sa akin si V-jay. My God. Talagang ngayon pa kami pinagkita nito.

“O Bakit kayo nandito?”

“We went to church. Tapos niyaya ko sya na kumain. Gusto nyong sumama ni Denise? Ok lang sa akin.” Inunahan ko naman si Leah sa pagsagot.

“Naku hindi na. May gagawin pa kami ni Leah. Di ba Leah?”   inemphasize ko pa yung last sentence. Kagagaling ko lang sa simbahan. Mapatawad sana ako ni Lord sa pagsisinungaling ko.

“Ha? Ah..Oo...Oo nga.Tama. May gagawin pa kami.”

“Sige pala. Una na kami ah. Bye. Enjoy.” Hinawakan ko na si Leah sa braso at umalis na kami. Hindi naman talaga tunay yung dinahilan ko. In fact, wala nga akong idea kung anong gagawin namin pagkatapos.

Nanood na lang kami ni Leah ng sine na tumagal din ng two hours. Pagkatapos eh naisipan namin magstarbucks. Ewan ko ba. Natripan ko lang din na magcoffee. Hapon na  rin nga kami nakauwi ng bahay. Si Leah eh nagtatakbo sa banyo. Paano kasi tinawag ng kalikasan.Pwede ba naman tanggihan yon?Nadatnan ko naman si kuya na nagsasapatos at yung bagpack nya eh nasa likod na nya.

“Kuya, aalis ka?”

“Yeah.Punta na ko ng dorm. Sigurado traffic na bukas.”

“Ganun?”   Ang bilis naman yata.Hindi

pa nga kami nakakapag-usap masyado. Nalungkot naman ako. Kahit naman ganyan si kuya eh nakakamiss din kahit paano. Malambing din yan at kahit hindi halata, alam ko mahal ako nyan.

“Bakit, may kailangan ka ba?”

“Wala. Next time na lang.” tapos umakbay sya sa akin. Naglakad kami hanggang sa pinto.

“Kung kailangan mo ng kausap, tawagan mo lang ako. I heard everything last night. Kahit anong mangyari, follow your heart. Tsaka yung laging sinasabi ni Lola. Wag mo kalimutan...Sige, bye na.” niyakap nya ako tapos umalis na sya...and that’s my brother. Tingin ko naihipan lang yan ng masamang hangin eh. Sa palagay nyo, seryoso kaya? Pero narinig nya yung kagabi... Waaah! Tinext ko lang siya.

> Kuya, kung ano mAn ang nRinig mo kgbe..skret na lng ntin un..plz...tNx nga pla. Tc

Kinabukasan, ang aga naman namin ni Leah pumasok. May meeting din kasi sya sa club nya. Ako naman, hindi ko alam na meron din palang meeting sa newspaper hanggang sa nabasa ko yung nasa bulletin board.

"Posted:   200*” Last week pa pala yun nandoon. Hindi ko naman napansin. Ano naman kayang meron sa Newspaper Club? Kainis naman. Bakit hindi na lang during class hours yung meeting.

Naghiwalay na kami ni Leah since nasa magkaibang direksyon yung pupuntahan namin. Sya eh sa east. Ako sa west kung

saan madadaanan ko pa ang gym namin.

Geez...ang lamig ngayon. Kung alam ko lang nagdala sana ako ng jacket para hindi ako mukhang ewan na nakahalukipkip habang naglalakad. Tahimik naman dahil konti pa ang mga tao. Walang anu-ano eh may sumigaw ng pangalan ko.

“Denise!”  boses pa lang, alam ko na agad kung sino. Paglingon ko eh nakita ko sya na nandoon sa pinto ng gym.

“Ano?” sumenyas sya na parang “halika dito” kaya ako naman,lumapit at pumasok nga sa loob sa ng gym. Ang nandun eh yung mga barkada ni V-jay which happens to be his teammates too. Ang kilala ko lang doon eh si Ian, John, at yung dalawa na classmates ko din. Nagprapractice yata sila.Si V-jay eh naka basketball uniform pero there’s a white shirt underneath.Cute nga din tignan. Well...Kelan ba hindi?

Nakafold pa rin yung mga braso ko nun. Eto namang si V-jay hinubad bigla yung jersey nya at inabot sa akin.

“Aanhin ko naman ‘to?” Hinawakan ko lang sa dulo yung jersey. Umarte ako na parang kadiri pero hindi naman talaga kadiri yun.

“Para hindi ka lamigin.” 

Nag-insist naman ako na hindi ko yun susuotin. Hindi naman sya mapawis or something. Mabango pa nga eh. Pero hello? Ang laki kaya nun sa akin. Imagine na lang kung anong magiging hitsura ko. Nakaschool uniform tapos may nakapatong na jersey? Parang tanga

45

Page 46: Candy Story Rebound

naman yun.

Mapilit pa rin sya. Kahit di ko na daw isuot. I-wrap ko na lang daw sa braso ko para hindi ako lamigin.

“Uyyy” Tinukso naman ng ibang players si V-jay sa akin. Nakakainis nga eh. Ang sarap batukan.  Pero mas nakakainis yung sinabi nung isa.

“Ipagpapalit mo ba si Trisha dyan. ”  Ouch! Akala mo naman kung sino ang kuto na ‘to.

“Shut up Conrad. ” binatukan naman nya yung Conrad.

“Mahal ko si Denise..” nagulat naman ako dun kaya napatingin akong bigla sa kanya. Actually, pati mga yung mga teammates nya.

“- - as... a friend. Of course. What else?” Dinagdag nya. Man! Ouch again!

Tumawa pa ng malakas nun yung Conrad. Parang gusto kong sampalin eh pero dahil mahahalata ako ni V-jay eh hindi ko na lang itinuloy. Sa halip, sinabi ko na kailangan ko ng umalis para sa newspaper club. Late na rin naman ako kaya useless na ang tumuloy pa sa meeting. Nangingilid yung luha ko nung lumabas ako sa gym. Nung alam kong hindi na nila ako nakikita eh nagtatakbo ako sa girls’ bathroom at dun ko hinayaan ang sarili ko na umiyak. Malas naman at wala pa akong panyo kaya ginamit ko na lang yung jersey nya.

 Naghilamos muna ako pero walang kwenta rin dahil halata naman na umiyak ako. Lumabas na rin ako ng CR dahil in

few minutes eh magtatime na .This time, napuno na ng estudyante ang paligid. Nakasalubong ko pa nga si Trisha at binati pa nya ako. Naluluha pa rin ako pero pinipilit kong pigilin.Kaya lang tumutulo pa rin sya.

“Hey, umiiyak ka ba?” Pinahid ko yung luha ko gamit ang kamay ko.Sinabayan naman ako ni Yuan sa paglakad.  “Here, sayo muna.” Inabot nya sa akin yung neatly folded nyang hadkerchief.

“What’s wrong?”  sasabihin ko ba sa kanya?

“Yuan ano kasi...ahmm...ano.. pwede saka na lang?”

“If that’s what you want. Basta I’m always here for you. Feel free to share.” Seryoso sya nun. Sabagay,lagi naman syang seryoso. I felt bad. Pinilit kong ngitian sya bago kami maghiwalay ng room. Sa akin daw muna yung panyo nya. In case daw na kailanganin ko ulit.

“Thanks Yuan.”

“See you later.”

Tinanong ko na lang sa isa kong kaklase kung anong nangyari sa meeting ng newspaper club.  Hindi naman masyadong mahalaga. Nagka Pop Quiz naman kami sa math. Dahil biglaan yun eh nagmukhang massacre scene yung papel ko.

Kakahiya ka Denise!

Sa ngayon, kung meron man akong ayaw makasabay sa pagkain eh si V-jay na yun. Kaya lang wala ng bakanteng upuan

kundi yung nandoon kina V-jay. Kahit ayoko man eh doon na rin ako napaupo dahil doon ako dinala ni Yuan.

Magandang balita naman eh yung tungkol kina Ashley at John. Nagkalakas ng loob na kasi sya magtapat kaya kahapon eh officially na naging sila na. Hayy...buti pa si Ashley masaya na.

“Wow pare. I bet gusto mo ng tumalon sa tuwa nyan.” Sabi ni Yuan.

“Ehemm...Ehemm.. Denise. Kelan mo daw ba kasi sasagutin si Yuan?” bakit naman napunta sa akin yung usapan? Tumingin naman ako kay John pero syempe hindi ko pa rin naiwasan na masagi yung tingin ko kay V-jay since magkatabi sila. Naalala ko naman yung kanina sa gym. Dang! That hurt.

“Soon.” Sagot ko naman kay John habang may fake smile pa ako sa mukha. Ramdam na ramdam ko naman yung pagtingin ni V-jay ng biglaan. Pero pagbaling ko, lumingon sya sa kabilang side kung saan may mga 4th year na bumabati sa kanya.

“Yuan, narinig mo yun? Soon daw.” Ngumiti lang din naman si Yuan.

Sa bahay naman, ang dami kong nakain noong dinner.Ganito naman talaga ako kapag hindi ako okay. Dinadaan ko na lang sa pagkain. Pagkatapos nun eh nagtulong na kami ni Leah sa paggawa ng homework na madali rin naman namin natapos.

“Akala ko ba eh si V-jay ang mahal mo?” kung umasta sya eh daig pa si Lola.Nasa baywang pa nya yung kamay nya. Nag-

nod lang naman ako.

“Bakit mo sinabi kay Yuan na sasagutin  mo sya ‘soon’???Oh Please! Akala ko ayaw mo na syang paasahin. Sa ginawa mong yun eh lalo mo syang pinaasa!”  hindi naman ako nakasagot nun at napa buntong hininga na lang ako. May point din si LEah eh. Patay na naman. Wrong move Denise! Pinalo ko lang yung noo ko nun.

Kinabukasan, tamad na tamad akong pumasok sa school. Pero hindi naman masama yung naging araw ko hanggang sa dumating ang subject na P.E. Nilayasan na naman kami ng teacher namin. Ewan ko ba,dapat yata humanap na sila ng ibang P.E teacher. Pero hindi mo rin naman masisi dahil yung anak nya eh parating nagkakasakit.

Pinasali na lang kami doon sa class nina Yuan. Same period kasi yung P.E namin. Nakakabadtrip naman dahil nandun di yung si Conrad. Hindi ko malaman kung bakit parang ang init ng dugo sa akin nun. Dahil nga madami kami,free time kami nun. Bahala na daw kami kung anong gusto namin gawin sabi nung isang teacher nila. Naglabas sya ng mga kung anu-ano na pwedeng mapaglaruan. Ano yung mga yon? They are basically balls. Different kinds of balls. May basketball,volleyball.,baseball,football,soccer ball...fishball!

Mas lalong nakakatamad pag ganito. Wala kasing purpose. Lumapit naman ako kay Yuan na nakaupo doon sa wooden bench. Tinabihan ko sya at nagkwentuhan kami doon.  Nagpapay pa ako gamit yung panyo ko nun dahil mabanas sa gym.

46

Page 47: Candy Story Rebound

“Ooh...alam ko na kung sinong kapareho mo ng bracelet na yan.” Tinuro nya yung bracelet na suot ko.

“Sino?” tanong ko naman. Baliw no? Tinanong ko pa eh alam ko naman na ang sagot.

“BAKIT BA AYAW MO MANIWALA? ANO,KAILANGAN KO LANG BA MANALO? GAME NA!”   BOOOOOGGGG!

Whoa! Katakot  naman. Galit ba sya?

 Malamang sumisigaw eh.At ang lakas nagpag ‘chest pass’ nya kay Conrad.  Naks..chest pass daw oh? Ano ba yan...basketball terms na ang gamit ko.

Teka... si Conrad?  Ang laki talaga ng probelema ng bulate na yun!

Pinaligiran naman sila ng mga tao. Ang daming chismosa e. Kami naman ni Yuan eh ilan lang sa mga hindi nakigulo doon. Baka kasi magkapikunan doon eh.Mahirap na. Parang ang bigat ng tension sa one-on-one na yun. Kahit malayo ako eh nakikita ko yung mukha ni V-jay. Namumula nga sya eh.

“May sa demonyo talaga ‘tong si Conrad. Ayaw nyang maniwala sa sinasabi ni V-jay. Kanina pa nya ayaw tigilan.”

“Baka naman ano... hindi kapani-paniwala.” Yun na lang ang lumabas sa bibig ko. May dumaan kasing dalawng lalaki sa harapan namin. At narinig ko yung sinabi.

“Pustahan daw yun,pare.Si V-jay at

Conrad. Pinagpustahan daw si Mendoza,yung Denise...”Sino daw? Pangalan ko ba? Nabingi ako bigla.

Kung kanina eh tinatamad ako, baliktad naman ngayon. Biglang nabuhay ang mga kalamnan ko. At nagsimulang maging stove ang ulo ko. Binilisan ko yung paglakad papunta doon sa may ring. Kung pinagpustahan nila ako, gusto Kong malaman yung dahilan. Ang KAPAL ng mukha nila para pagpustahan ako. Sa dinami-dami nilang pwedeng pagpustahan sa mundo eh ako pa ang pinili. Ano ko? Laruan? Manok na pangsabong?

“Denise,sandali.” Sumunod si Yuan pero mas lalo kong binilisan.

“Excuse me lang,miss!”  Nakisingit ako doon sa mga tao.  Ang dami pa rin tao doon kahit mukhang tapos na yung match. Si V-jay ay seryoso ang mukha habang kausap si Conrad. Pawisan pa nga silang pareho. Mahinahon na yung pagsasalita nya pero ito na lang narinig ko:

“---but the truth is I do- - - “

“V-jay!” sumingit naman si Yuan. Napatingin tuloy si V-jay sa side namin.

“not... like... Denise.” 

 

Ouch! Hindi yata tama na lumapit pa ako sa kanila. Nagtagal bago mag-sink in sa utak ko yung sinabi nya. Tiningnan ko lang sya pero blurry na dahil nangingilid yung luha ko. Ang ginawa ko naman,

lumakad ako ng mabilis palabas ng gym at doon ako nag-iiyak sa may bench kung saan walang masyadong tao. Naiiinis talaga ako kay V-jay. . He said it in my face. Parang sinampal na rin ako. Kung alam nyo lang kung gaano kasakit yun sa akin. Sumunod naman si Yuan sa akin at umupo sa tabi ko. Pinahid ko naman yung luha ko ng kamay ko. Hindi ko kasi matandaan kung nasaan yung panyo ko. Nasa locker ko yata.

“Hey, ok ka lang ba? Bakit ka umalis?” halatang naguguluhan na si Yuan. Pero kung i-eexplain ko naman sa kanya yung dahilan, lalo lang syang maguguluhan at tiyak na masasaktan. Madodoble pa yung sakit na nararamdaman ko dahil alam kong may nasasaktan ako. My gosh! Laganap ang sakit ngayon.

“Ok lang ako...ok lang talaga. Medyo masakit lang yung sinabi nya.”

“B-bakit?” Hindi naman ako nakasagot.Sa halip, naiyak na naman ako.

“Hey,please don’t cry. Wala akong panyo.”

“Ayos lang.Wag mo ng alalahanin.”

“Wait,umiiyak ka dahil sa sinabi nya? Do you......like him?” sabay ring ng bell for the next class. Wala na naman akong naisagot sa kanya. Kinailangan ko ng umalis para sa next class.

Dumaan muna ako sa locker ko para kunin yung panyo ko na wala pala doon. Wala rin naman akong kleenex kaya wala akong choice kundi gamitin na naman yung jersey nya.

Pagbalik ko sa klase, ano pa nga ba? E di sya na naman ang makakatabi ko. Kinakausap nya ako ng parang normal lang. Parang wala lang yung nangyari kanina. Bakit ba wala lang sa kanya?!Helloooo??? Wala man lang bang SORRY?

Noong labasan nung araw na iyon, nagkita pa rin kami ni Yuan. Habang papalabas nga kami ay nakita pa namin sina Conrad at yung tropa nya na nakatambay doon sa may gate.

“Pare eto, V-jay’s  style, but the truth is I do NOT like Denise. ”   Tapos tumingin sya sa akin at tumawa ng nakakaasar. Nakakapikon na sya pero dahil naman ako violent eh hindi ko na lang pinansin. Tiningnan ko lang ng masama. Eh kulang yata ng turnilyo sa utak yun e.

Nakasalubong pa nga namin si You-know-who. Ayoko banggitin ang pangalan nya ngayon. Kasama pa nga si Trisha at sya pa yung may dala ng bag nya. Kinaya ko pa naman na makita ang napakagandang view na iyon hanggang sa nakita ko na umakbay si Trisha sa kanya.Napahinga na lang ako ng  malalim eh.

“Matagal na tayo magkaibigan Denise. Wala naman sigurong masama kung magshare ka sa akin. I know something’s wrong.”

“Wala. Hindi naman mahalaga.”   Yun lang ang sinabi ko at pinili naman nya na wag na lang magtanong. He didn’t say any thing but I know he was trying to cheer me up. Dinala nya ako sa mall at naglaro kami doon sa arcade.

47

Page 48: Candy Story Rebound

Yung mga sumunod na araw, ayos lang naman. Nag-uusap kami ni V-jay. Alam mo yun, school stuff. As classmates ,we’re okay. Kapag may sinasabi sya or ginagawa na sa tingin ko ay sweet, iniisip ko na lang na wala lang. Sa kanya na nga nanggaling di ba? Kaibigan lang.Malungkot sa part ko dahil parang biglang nag-iba yung samahan namin. Hindi na tulad ng dati na alam kong nandyan lang sya sa tabi ko. Ngayon kasi, madalas ko silang nakikita ni Trisha na magkasama. At dahil doon, mas na-aappreciate ko naman si Yuan. Siguro naman kaya kong matutunan. I mean...you know..na mahalin sya. Hindi naman siguro mahirap.

Kaya ngayon, kadalasan eh pag nakikita ko si V-jay iniiwas ko na yung tingin ko.At minsan hindi na ako tumitingin talaga. Minsan din tumatawag at nagtetext sya. Ako naman, madalang lang mag-reply. Mga ilang araw ko na rin ginagawa yun.

Parati pa rin nya sinasabi sa akin kapag may game sila. Tulad ng dati, gusto pa rin nya na manood ako. And again, kung anong dahilan na naman ang sinabi ko. Baka kasi makatulong kung ganito.

Free peiod namin.Nasa labas ako ng room malapit sa bench. Nagmumuni-muni lang ako dun. Kaya lang this person came at may dala pa syang bola. Hindi ko na hinintay na lumapit pa sa akin kaya pumasok na ako sa loob. Kaya lang pinigilan nya ako. Hinawakan nya ko sa braso.

“Bakit?”

“May problema ba tayo Denise?” 

tayo???Ako meron..ikaw! 

Ewan ko lang sa’yo.

“Iniiwasan mo ba ‘ko? Ang hirap kasi ng ganito.” Sino kaya ang mas nahihirapan sa atin ngayon?!

“Busy kasi ako. Marami akong ginagawa. Alam mo na sa bahay at tsaka dito sa school. Bakit may kailangan ka?!”

“Wala.” Tapos humina na yung pagsasalita nya at ni-let go na nya yung braso ko.

“Semi-finals na next week. Sana makarating ka.”

“Hindi ko maipapangako.”

Nakatulong naman yung mga sumunod na araw dahil naging busy ako. Ang dami kasing schoolwork. Pero ayos yun.At least hindi laging sya ang iniisip ko.Although naiisip ko pa rin minsan.

Kainis di ba?

Nagkagulo naman nung nag-quit yung vocalist ng school band. Actually band ng mga 3rd year. Paano naman kasi, ang gwapo noon at ang ganda ng boses. Kinailangan nya na mag-quit kasi magmigrate na yung family nila sa Australia. Kaya ayun, naghahanap na yata sila ng bagong vocalist. Papalapit pa naman yung battle of the bands.

“Sayang si Gerald. Sino na magiging vocalist ngayon?” pumasok sya sa room kasabay yung isa naming kaklase.

“Ikaw kaya V-jay.”

Siguro galing sa practice ‘to. Nakabukas pa yung polo at tsaka hawak pa nya sa kamay yung face towel. Medyo hinihingal pa nga. Nag-lean sya doon sa upuan at halata kong pagod sya.

“Denise...”

“Hmm?”   Ano na naman?

“Would you want me in the band?”

“Why not? Magaling ka naman e.” ugh!pinuri ko na naman ba sya?!

Hindi na ako nag-react ulit. Kung pwede nga lang wag na muna nya akong kausapin. Umiiwas nga ako di ba? Tapos sya naman ang lumalapit ngayon.

Ahhhh!! Kakaloka ang life!

Nag-celebrate naman kami ng birthday ni Lola Martha. At dahil nga kilala naman nya yung mga kaibigan ko, pina-invite na rin nya. Ang masaklap pa ay yung request nya.

“Wag na wag mong kakalimutan sabihan si V-jay ha.”

Dahil para kay Lola naman at birthday nga nya e sinabihan ko na rin sya. Ewan ko ba kung bakit ganun na lang ka-fond si Lola sa kanya.Syempre, invited din si Yuan, Leah,Ashley at iba pa.

Masaya naman yung birthday ni Lola Martha. Umuwi nga si Kuya Darren para doon.  Ganun din yung mga tito at tita ko na nakatira pa sa ibang lugar. Syempre,

kasama din yung magugulo ko na pinsan. Actually, mga second cousins ko na sila. Nandun din yung ibang mga kaibigan ni Ate Mye at may mga barkada din si Kuya at si Daryll. Over all, kumpleto naman. Labis pa nga e. Kulang na lang sina Mama.

Si Tito Michael nag-rent pa ng videoke machine kahit meron na kami noong magic sing. Makaluma daw kasi yung mga matatanda at mas gusto nila yung videoke. Na-solo tuloy namin yung magic mic.Si Lola Martha naman, pabalik-balik. Punta sa kitchen, tapos sa terrace at dito sa amin,sa sala.

“Aruy. Kay sakit ng paa ko. Pwede ba akong mag-request? V-jay, hijo...kumanta nga kayo ng apo ko.”

“Lola??” naman! Ayoko nga.

“Sige na. kaarawan ko naman hindi mo pa ako pagbigyan. Hala V-jay pumili ka na nga riyan. Yung mabagal-bagal para naman nakakarelax.”

At pumili na nga sya ng kanta. Inoffer pa nya yung kamay nya sa akin para tumayo ako. Si Lola naman,todo ngiti at may pagpalakpak pa na nalalaman. Nag-play naman na yung song na pinili nya. Oh no! Bakit naman yun?

click here for the song    <<- (ndi na right here waiting..check it out)

It feels like a lifetime,A thousand days have passed by

48

Page 49: Candy Story Rebound

Since I held you close to meIf I could see that smile from my friendI know that I could live againI need you here with me

Heaven knows what to sayEven though for rightNow you're so far awayI hope and I praySomewhere in your heart I'll always stay

Nakangiti pa rin doon si Lola Martha. Sya na lang lagi ko tinitingnan at yung screen. Yung ka-duet ko naman kasi, para akong natutunaw na ice cream sa mga tingin nya. Masyado naman yata nyang sineseryoso yung kanta.

Girl, lately my sun doesn't shine without youNever noticed what it feels like to be without youFeels like I took my last stepAnd my last breath in my life endingHad to say just what i was feeling girl'cause my sun doesn't shine,Sun doesn't shine without you

This is more for me than for youGirl, I finally see there's no substituteFor what we haveDo you know how much I love you

And what we share I can't forgetGirl a love like yours I'll never let just slip awayJust promise that you'll stay

Heaven knows what to sayEven though for right now you're so far awayGonna tell you and show you

Do whatever I can do to get back to you

Girl, lately my sun doesn't shine without youNever noticed what it feels like to be without youFeels like I took my last stepAnd my last breath in my life endingHad to say just what I was feeling, girl'cause my sun doesn't shine,Sun doesn't shine

Have you ever seen a flower that never blooms?Seen a starless night without the moonWell that's me without youSo come back and turn my nights into days

Girl, lately my sun doesn't shine without youNever noticed what it feels like to be without youFeels like I took my last stepAnd my last breath in my life endingHad to say just what I was feeling, girl'cause my sun doesn't shine,Sun doesn't shine without you

Laking tuwa ko nung natapos yun.

“kay gandang kanta.” Sabi ni Lola.

“Happy Birthday po ulit.”  Nakangiting sabi nya kay Lola.

Gabi na rin ng unti-unting nag-alisan yung mga tao. Si Yuan ay sinundo ng driver nila. As usual. Si V-jay, nagstay pa ng konti dahil hinarang ni kuya at Daryll.  Ang daya nga nila eh. Paalisin daw ba ako? Hindi ko daw dapat marinig ang

usapan nila dahil usapang lalaki daw iyon. Wala daw akong maiintindihan. Hmpf! Sexual Discrimination!

“Ate aalis na si kuya V-jay. ” Tinawag lang ako nung tapos na sila mag-usap. Gusto kong batukan si kuya Darren dahil may evil grin pa sya. Si V-jay naman, nakangiti doon. Ano ba yan, kailangan ko pa bang makita ulit ang smile na yan? Oo na nga di ba..pamatay na nga ang ngiti mo. Nanghihina nga ako eh.

“Hoy Denise! Tatayo lang ba dyan? Samahan mo na magpaalam kay lola.”

 Ayun! Sabi ko nga e hindi na naman ako natulala.

Sinamahan ko na nga sya  para magpaalam kay Lola. Hinatid ko pa rin hanggang gate. Maglalakad lang kasi sya. Syempre naman babantayan ko hanggang sa makalayo. Kahit naman ganito ang sitwasyon namin ngayon, concerned pa rin ako.Nag-reach sya doon sa bulsa nya. Hinahanap yata yung cellphone nya. Na-excite naman ako nung may nakita akong falling star.

“Uy tingnan mo yun. May falling star. ” pinalo ko pa nga sa braso pero gentle naman.

“Saan?”

“Doon.” Tinuro ko pa kaya lang nawala na sya.

“Wala na. Bagal mo kasi.” May sinabi pa sya e kaya lang di ko narinig masyado. Pabulong kasi.

“You still have the bracelet...” sabi nya. Sya din naman eh. He still has the bracelet.

“Oo naman. Ikaw din naman e.”

“Oo naman. Sayo yata galing.” e kung tadyakan kaya kita? dapat nga galit ako sayo dahil sa bet na yun e. 

“Hoy, ingat sa mga sira ulo.” Ang galang ko di ba?

Tumango lang sya at nagsmile. Mga nakalima na hakbang na siguro sya nung bigla syang lumingon ulit.  Nagulat na lang ako ng yakapin nya ako. Diyos ko, ang bango naman ng tao ‘to.

“V-jay, para san ‘to?”

“Lately, nasa weakside ako. Ouf of bounds mga diskarte ko.” Ano daw? Weakside? Out of bounds? Talagang basketball ang laging nasa utak eh no?

 Alam ko yung sinabi nya pero ganun pa man, naguguluhan pa rin ako. Umalis na sya sa pagkakayakap sa akin. Ngayon naman, hinawakan nya yung kamay ko. Wala lang. Hinawakan lang nya for minutes. Hindi ko nga maintidihan kung matatawa ba ako o maiiyak. But I ended up, crying anyway. Di ko rin alam kung bakit. Sabi lang nya...“Pangako, babawi ako.”Naglalakad ako papunta sa cafeteria eh may narinig ako na mga first year na nag-uusap. Nasa likod ko kasi sila.

“Ewan.. Chismis lang naman.”

49

Page 50: Candy Story Rebound

“ Pumunta na lang tayo sa gym mamaya. Kukunan ko ng picture si ano...si number 46. cute yun eh. Sino nga yon?”

“Rivera. Tungek. V-jay Radley.”

Napalingon ako bigla eh. Lumalakas ang sagap ng satellite kapag naririnig ko ang pangalan na ‘V-jay Radley’.  Si Yuan naman eh tumitig lang sa akin. Wala na rin akong sinabi at tumuloy na lang sa paglakad.

Hindi naman nya nabanggit na may laro sila ngayon. Usually kasi eh sinasabi nya sa akin. Siguro nga chismis lang. Steak ang kinain ko for lunch. Nilibre pa nga ako ni Yuan. Nag-insist naman ako pero talagang mapilit.

Saktong pag-ring ng bell ay sabay pasok ni V-jay sa classroom. Hindi naman nagalit yung teacher sa kanya. Seryoso ang klase nung hapon na ‘yun. Puro bago nga yung mga lessons namin. Hay....kakaloka.

Noong freetime, ang boring. Yun mga kaklase ko kasi,di ko alam pinag-uusapan nila. Yung katabi ko nman, kakausapin ko na sana kaya lang nakatakip yung cap nya sa mukha. At nakataas pa yung paa nya sa upuan nung isa naming kaklase. Kaya ayun, hindi ko na lang inistorbo. Natutulog yata. Sa halip eh nagsusulat na lang ako doon ng kung ano-ano. Hindi rin nagtagal, klase na ulit. Nag-interrupt naman yung intercom.

“Basketball players please report to the gymnasium now.” 

Nag’bye’ lang sya sa akin at umalis na dala na rin yung mga gamit nya. Himala

yata ngayon at hindi nya ako ininvite na manood. Teka nga. Bakit ba ako nag-eexpect?

“Denise, for the third time, will you give me the answer to number 5!”

Nagtaas na ng boses yung  teacher namin. Nainis na yata sa akin. Nag-sorry naman ako then binigay ko din yung sagot. Fortunately, my answer was right. 15 minutes na lang at uwian na pero may pinasulat pa sya sa amin na pagkahabahaba. Inabot na nga ng uwian eh marami pa rin ang hindi tapos. Ako naman, binilisan ko magsulat. Halos sabay nga kami ni Leah natapos. Sabay na rin kami nagpunta  sa locker namin. Sa malapit sa gate eh hinarang naman kami ni Yuan.

“Hey uuwi na kayo?”

“Yeah. Bakit?”

“Wag muna. Manood muna tayo ng game.”

“Sino daw kalaban?”

“I forgot pero narinig ko kay Ashley team daw ng crush mo.”

“Oh my gosh.Kailangan pala nandoon ako..” Sabi nya kay Yuan habang kinikilig pa.“Ano Denise? tara nood na tayo.” Tanong nya sa akin.

“Kayo na lang kaya. Ayoko eh.Tsaka ano ba yan? Basketball? Sabihin nyo na lang sa’kin kung ano resulta.” Sagot ko naman kay Leah.

“eh hindi naman pare-pareho ang takbo ng mga game no. Halika na. Si V-jay nandoon.”   Yung last sentece na yata ang worst na excuse na pwedeng sabihin sa mga oras na ito. Lalo pa at kaharap si Yuan.

“May homework pa ako eh. Kayo na lang talaga.” Tuloy pa rin ako sa paglakad ko.

“Come on Denise. It’s the semi-finals. Hindi mo ba papanoorin yung pinsan ko?” Napahinto naman ako. Semi finals? Ngayon na pala yun. How can I be so stupid?

“Kahit na may home— -“ hindi na naman ako pinatapos ni Leah. Sasabihin ko sana na kahit na may homework eh manonood na rin ako.

“May homework din naman ako. Pero Denise kaunti lang naman yun. Madali na yun mamaya kaya halika na.Manonood na tayo.” Hinatak na nya ako papunta ng gym.

May nakareserve na upuan na pala para sa amin. Pinareserve ni Yuan kay Trisha. Ayun, magkakatabi tuloy kami kaya naman super naiilang ako. Nasa pangalawa na row kami ng bleachers kaya ang lapit namin sa mga players ng Brayden High. No wonder why Trisha picked these seats. Lumapit naman si V-jay. Nakausuot na sya ng uniform nya. Black and green pa rin. Yun naman talaga ang color ng school namin. Pero this time hindi 46 ang number kundi 66. Kakaiba yata ngayon. Sa pagkakaalam ko eh 46 ang number ng lahat ng jerseys nya. Bakit kaya iniba?

“Denise, nandito ka?”  obvious ba? Hindi

naman ako multo dito noh.

“Obvious ba V-jay?” tumawa lang si Yuan at sina Leah.Hindi naman na sumagot si V-jay dahil biglang may itinanong si Trisha.

“Hey are you thirsty na? ihahatid mo ba ako mamaya?” tapos pinunas-punasan nya pa si V-jay. Nairita na lang ako eh. Paano naging thirsty eh ni hindi pa nga nagsisimula yung game kaya wala pa rin sweat or kung ano man. May sinabi ako kay Yuan kaya hindi ko na narinig yung conversation nila.

Nambulabog naman itong si Ian.Pinalo pa nga sa likod si V-jay pero mahina lang naman.

“Aray!” tapos bumawi lang din sya at binatukan lang nya.

“Tsk.Tsk.Kaya naman pala nilalanggam dito.” Tapos tumingin sya sa amin ni Yuan then kina Trisha ng nakakaloko.

“Tara na nga. Magsisimula na yung game.”

“Good Luck insan.”  Nagshake hands silang magpinsan.

“Bye Denise.”  Nagulat naman ako. Hindi ko naman kasi ineexpect na mag ‘bye’  sya sa akin.

“Ha...ah....bye. ...Good luck.”

Nagsmile lang sya at tumakbo na sila ni Ian papunta sa gitna. Nag-sigawan nga yung mga tao eh. Sus. Para nakita lang tumatakbo si Rivera. Sabagay, MTV effect nga naman.kahit ako eh I found it

50

Page 51: Candy Story Rebound

attra...nevermind.  Noong napatingin ako kay Trisha eh nakatingin din sya sa akin pero bigla nyang iniwas. Medyo nakasimangot nga eh.

Nagsimula na nga yung game nila. Si Leah eh nakakatawa dahil sa halip na sa warriors sya kumampi eh doon nagchecheer sa kalaban. Sira talaga eh no? Kinakabahan ako kapag may natutumba sa kanila. Halos lumukso nga yata yung puso ko nung napahiga si V-jay dahil sa pag-iwas nya na makuha yung bola. Napapadami yata ang inom ko ng coffee at masyado akong nagiging nerbyosa.

Patapos na yung 3rd quarter ng tumayo ako para mag-CR.

“Samahan na kita. Madilim na kasi.”

“Kaya ko naman na. Dito ka na lang.” narinig yata kami ni Trisha kaya nagsalita sya.

“Punta ka ng CR? Sama na ako. Naiihi na rin ako.” Sabay na kami ni Trisha nagpunta sa CR. Dumidilim na rin noon pero hindi naman nakakatakot. Pumasok kami sa tig-isang cubicle. Nauna naman syang lumabas sa akin kaya paglabas ko eh nakikita ko sya doon at nagreretouch yata. Ako naman, hindi ako naggamit ng make-up kaya nag-hugas lang ako ng kamay.

“Denise, kamusta na kayo ni Yuan? Kayo na ba?” nagsalita sya habang naglalagay ng eye shadow.

“Hindi pa.Ikaw ba...kamusta kayo ni V-jay?”  hindi pa sya sumagot nun dahil naglalagay sya ng lip gloss. Ang daming

arte sa katawan nito.

“We’re great.” Sabi nya habang nilalagay yung mga make-up nya sa purse nya. Nalito naman ako sa sinabi nya. Ang labo di ba? “What do you mean ‘great’?” “He’s mine now. Boyfriend ko na sya.”Suddenly, I was still. Hindi ako nakagalaw dun sa sinabi nya. Para akong binagsakan ng 12 tons na package dahil may parang kung anong mabigat sa dibdib ko at hindi ako makahinga.

“Denise, Let’s go.” Nagsnap sya sa harapan ko. Nakasmile pa sya nun. At tumingin pa ulit sa salamin bago kami lumabas ng CR. Bumalik naman na kami sa gym pero speechless talaga ako nun.

“Ok ka lang ba? Namumula ka kasi.” Sabi ni Yuan sakin. Tumango lang naman ako nun sa kanya at tuloy pa rin kami sa panonood ng game. 4th quarter  na at hindi ko na alam ang nangyayari sa game.

Sunod ko na lang nalaman, nanalo na sina V-jay. Bumaba na kami ng bleachers,dahil hindi ko alam. Nakisunod lang ako kina Leah. Nag-aalisan na rin naman yung mga tao. Ako naman, gusto ko ng umuwi talaga pero si Leah mukhang may balak pang mag-stay.

“Ano bang problema? Nanggaling ka lang sa CR nawala ka na sa sarili.”

“Si...Tri..sha.”   Ayoko talagang umiyak. At least hindi dito sa gym.

Narinig ko naman yung boses ni Yuan pero hindi ko naintindihan yung sinabi. Basta narinig ko na lang si Trisha.

“Nothing. I just told her na boyfriend ko na si V-jay.” Malinaw yung salita ni Trisha kaya rinig na rinig ko. Ayoko na rin naman na marinig pa yung iba nyang sasabihin kaya umalis na ako.

“DENISE! Where are you going?” nahabol naman ako ni Yuan.

“Home.”

“Denise!! Sandali lang.” Arggh!! Talaga bang kailangan pa nya ako habulin? Wala na ring sense kung lalo pa akong tatakbo dahil kayang kaya nya akong habulin. Nung nakalapit sya ay medyo hinihingal pa.

“Yung tungkol kay Trisha...Let me explain.” Wow. Explain dawo!

“You don’t have to explain. So what kung kayo ni Trisha? Ano naman sa akin? You don’t like me right? I’m just your friend. So kahit nagkagirl friend ka pa...wala akong pakialam sa’yo. Wala ka din namang pakialam sa akin eh. Palibhasa kasi, manhid ka! Kaya pwede ba, JUST LEAVE ME ALONE!”   dinuro-duro ko pa sya nun. Sabay talikod ko. Ewan ko kung natanim ba sya doon sa kinatatayuan nya o ano. Basta alam ko si Yuan, sumunod sa akin.

“Ihahatid na kita.”

“Maglalakad lang ako. Baka mapagod ka.”

“Hindi.Sasamahan na kita.”  

Dahil gusto ko na talagang umuwi eh pumayag na rin ako sa sinabi ni Yuan. Ayoko makipagtalo sa kanya. Madilim na rin kasi. Alam kong hindi naman nya ako gaanong maipagtatanggol kung may sira-ulong humarang sa amin sa daan. Pero ayos lang, at least may kasama ako. Nahihiya na nga akong kausapin si Yuan kaya ang tahimik ko lang habang naglalakad. Tungkol sa sinabi ni Trisha kanina, nabigla talaga ako. Ang inaasahan ko kasi, sasabihin man lang sa akin ni V-jay kung sila na nga.Since sa akin din naman nya unang sinabi ang mga bagay-bagay na tungkol doon. Di ba as a friend masasaktan din kayo?

Umiiyak na ako sa daan pero di ko naman masyadong pinapahalata kay Yuan. Syempre si Yuan pa rin yan. Lagi na lang sya. Sya yung walang kinalaman pero sya yung mahihirapan. Nakarating naman kami sa bahay. Tahimik na sa kalye namin. As usual. Akala ko sa kalye lang, yun pala pati sa loob ng bahay. May note doon.

‘Denise, nagpunta kami kina Ninang Betty. Gagabihin kami. Lock mo na lang ang pinto.’

Dahil wala nga sila, kami lang yung tao sa loob. Ang gulo ng nararamadaman ko. Gusto kong magalit. Gusto kong sumigaw. Pero gawin ko man yun, wala pa rin akong karapatan.

“Denise, there’s nothing wrong if you cry out. Pwedeng pwede ka ng umiyak ngayon.Dito.” Inakbayan nya ako kaya

51

Page 52: Candy Story Rebound

napasandal na rin ako sa balikat nya. At ayun, yung kaninang pilit kong pinipigilan ay hindi ko na kinaya pa. umiyak na ako talaga. Wala naman syang sinabi nun kahit na nabasa ko na yung polo nya.

Hinayaan lang nya akong umiyak ulit hanggang sa tumawag na sa kanya yung mommy nya. Pinapauwi na sya. Sinabi ko naman na pwede na nya akong iwan at ayos na ako. (kahit hindi) Baka kasi hindi pa sya umalis. Sinamahan ko pa rin hanggang sa may gate para abangan yung sundo nya.

“Ei nabasa ko na polo mo. Sorry ah....kung nagkakaganito ako. It’s just that...nahihirapan na ‘ko.”  Tapos niyakap nya ako.Dahilan kung bakit umiyak na naman ako.Hindi na ba titigil ang pagpatak ng mga luhang ito?

“Wag ka na umiyak” Tapos nag-let go na sya at pinunas nya yung luha ko.

“Please? And you know I’m always here right? All you have to do is tell me and I’ll do anything for you.”

Nilock ko na yung mga pinto pagkaalis ni Yuan. Naglinis ako ng katawan at nagkulong na sa kwarto. Halatang halata na umiyak ako dahil sa mata ko. Ang pula-pula.

Eto na ba yung sinasabi ni V-jay na babawi sya? Bakit naman sa ganitong paraan? Para nya akong sinasaksak sa dibdib. Napakaiyakin ko talaga kaya hanggang sa pagtulog ko, iyak pa rin ako ng iyak. Sino ba naman kasi ang hindi maiiyak sa lagay na ‘to. Na-touch ako sa sinabi ni Yuan pero lalo lang akong

naguilty.

Nalilito na tuloy ako. Ano bang dapat kong gawin? Sino dapat kong piliin? Yung mahal ka pero hanggang kaibigan lang ang tingin ko o yung mahal  ko na may iba na kaya most likely hanggang kaibigan na lang din kami (kung kakayanin ko pa.)

Dapat talaga hindi na ako papasok sa school kinabukasan dahil I don’t feel like it. Pero naisip ko naman na panahon na yata para gawin ko ang dapat. At isa pa, naalala ko rin na bukas nga pala yung battle of the bands yata yun.

The next day napagdesisyonan ko na sabihin na kay Yuan ang totoo. Kung bakit ako nagkakaganito at kung ano ba talaga sya sa buhay ko. Ang dali lang no? Kaya nga iniisip ko pa lang, kinikilabutan na ako.Paano ko nga ba sasabihin kay Yuan. Kakayanin ba ng powers ko? Oh Lord. Help me!

Naglalakad na ako papunta ng room namin at ngayon nasa may tapat ako ng gym.

“Kaya mo yan,Denise. Kaya mo. Teka, sasabihin ko na ba talaga...(sighs) Tama. Sasabihin ko na kay Yuan.”  Tuloy pa rin ako sa paglakad ng bigla na namang may humila ng kamay ko. Anak ng timawa. Isang araw, makikita nyo, putol na kamay ko.

“Anong sasabihin mo kay Yuan? Sasagutin mo na sya?! ” ang higpit naman ng hawak nito sa akin. Bakit ba ganito maka-react ‘to?

“E ano naman sayo kung sasagutin ko

nga sya? Wala ka ng pakialam dun. Pwede bang bitawan mo ‘ko? Masakit sya ..kung hindi mo alam.”

“Sorry.” Tapos binitawan nya na ako. Ako naman umalis na without saying a word.

Kung ano-anong announcement ang sinasabi sa intercom tungkol sa battle of the bands na yan. Di ko alam kung sino-sino ang mga kasali doon pero manonood na rin ako. Si V-jay, hindi ko alam kung saang sulok na ng school napasuot. Kanina ko pa kasing hindi nakikita e.

Nung tanghali at lunch break na namin, nakahanap ako ng chance para makausap si Yuan. Nilapitan nya ako at tumabi sya sa bench. Pasan ko na naman daw kasi ang mundo.

 Oh my gosh. Chance ko na ito para sabihin sa kanya.Parang galing sa freezer yung kamay ko sa lamig. Kinakabahan na ako.

This is it. Kayanin mo, Denise!

“Yuan..ano kasi..I think kailangan mo na talaga ‘to malaman. Naguiguilty na kasi ako. Ayoko ng magpaasa pa......” Hinga ng malalim.

” I’m so sorry  but I don’t see you more than a friend.  Yuan ...sorry talaga. Pero sinubukan ko naman e, kaya lang ...” walang tigil ang pagpatak ng luha ko nun. Isang dahilan siguro, alam kong nasasaktan ko ang isang tao na walang ginawa kundi ang i-comfort ako all this time.

“kaya lang--”  nagsalita na agad sya kaya

di ako nakatapos.

“kaya lang ... you love V-jay instead.” Nagulat ako doon sa sinabi nya. Ibig sabihin ba nito alam nya? 

“alam mo?”  

“Yeah.”  Tapos tumango lang sya. Di ko maintindihan yung facial expression nya. Parang malungkot na nakatawa. Nakakaguilty talaga ito.

“S-sorry...”

“Denise, ok lang sa akin. I don’t want you to be forcing yourself to love me. I want you to follow your heart...”

“Follow my heart? True. Pero paano? Narinig mo naman dati di ba? Kaibigan lang nya ako.  At tsaka May girlfriend na sya. ” this is hopeless. Pinunas ko yung luha ko. Salamat naman at may panyo ako ngayon.

“hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasubukan ko na ang umiwas at magmahal ng iba..pero wala talaga.”

“Well, you didn’t let him explain yet...did you?” umiling lang ako nun. Hindi ko naman talaga sya pinag-explain. For what? Para malaman ko every detail tungkol sa kanila ni Trisha? No way.

“Pasensya na talaga Yuan. It’s really my fault. Sana hindi masira yung friendship natin.”

“Ayos lang. I can’t deny I’m hurt but ayos lang sa akin.  Basta ikaw.”  Niyakap ko naman sya nun. Sobrang bait talaga ng

52

Page 53: Candy Story Rebound

taonag ‘to.

“Thank you so much.”  Nag-time na nun kaya kinailangan na namin maghiwalay.

“Denise, pupunta ka ba mamaya sa battle of the bands?”

“Uhmm... hindi ko pa alam. Bahala na siguro.”

Back to class na kami pero konti lang yung ginawa namin. Hanggang ngayon wala pa  rin ni-isang anino ni V-jay ang nakikita ko. Teka, bakit ko nga ba hinahanap eh galit nga ako dun?!

Nung bandang hapon na, biglang nagtext sa akin si Yuan.

>Denise,u hve 2 go.kailangan mo pmunta sa battle of the bands m2ya.

Kung ano man ang dahilan hindi ko alam. Pero dahil si Yuan naman ang nagsabi,hindi kalokohan yun for sure. Battle of the bands last year was good. Ewan ko lang ngayon na wala na ang vocalist ng magaling na band sa batch namin.

After school nga, nagpunta na kami doon sa auditorium. Ang daming tao. Sa 3000+ na estudyante ng Brayden high e 98% yata ang nandun. May bayad pa nga sa entrance. Pero ayos lang dahil fund-raising naman yun. Kasama ko sina Yuan, Leah, Ashley at John. Halos siksikan na papaunta sa mga upuan. Buti na lang, air-conditioned doon kaya di mainit.

In no time, nagsimula na rin ang “Battle of the bands.” Syempre, bago yung actual

na laban, marami pang seremonya ang magaganap. May mga nagsalita pa galing sa Music Department, judges, at kung sinong galing doon sa cancer assoc. Matapos ang mahaba-habang paghihintay, nagsimula na talaga. Parang nakawala sa koral yung mga tao. Ganito na talaga kalakas ang impact ng music sa mga kabataan ngayon. Tatlong bands daw ang kasali bawat year. Yung mananalo, idodonate daw yung prize sa cancer patients.

Nauna yung banda na ‘Mary Lou’  2nd year sila. Nagbunutan lang kasi e.Ayos din naman ang performance nila. Tapos sunud-sunod na. May mga kumanta ng Chiksilog, Gitara, at Prinsesa. May kumata rin ng ‘The Black Parade’. Medyo natakot ako sa group na kumanta nun. Parang zombie e. Nagulat ako dun sa ‘Jairus’. Paano naman kasi, all-girl band sila. Ang galing. Pero mas nagulat ako sa ‘Defy Gravity’ band.

“Good evening everyone. I’m Miggy. As we all know, Gerald migrated to Australia. And now,we’re here to introduce you the new vocalist of Defy Gravity. Kilalang kilala nyo na sya. Known as the Warrior’s captain ball... V-jay Radley Rivera!”

Whoa! Pati pagbabanda, pinasok na rin nya. Nagsigawan naman yung mga tao. Dalhin nyo ko sa EENT doctor. Nabasag na yata yung ear drums ko. Gulat na gulat ako nun, pero sina Leah at Yuan, nakangiti dahil alam na nila. Ano ba yan, parang napagkaisahan yata ako. Napasimangot ako nun.

Narinig ko na lang na nagsimula ng kumanta si V-jay. Unang kanta ay Tuliro

ng Spongecola.  Yung sunod ay ‘Magbalik’ ng Calla lily. Oh-em-gee. This guy has  so many talents.

“Ang galing ng choice of songs! Go V-jay!”   sinigaw ni Leah sa tenga ko. At sa tenga ko pa talaga.

Tulad ng mundong hindiTumitigil sa pag-ikotPag ibig di mapapagodTulad ng ilog na hindiTumitigil sa pag agosPag ibig di matatapos

Hinihingal –hingal pa si V-jay nun. Nakita kong uminom sya ng mineral water na nasa tabi ng drums set.

“Hoo. Singing is just like playing basketball. Nakakapagod. Anyway, our next song is  Just Can’t Say,for a very special girl  in my life.” Ok, that’s Trisha. Sabi ko nga e dapat wala ako dito.

"Denise Lauren Mendoza. This is for you.”

It's not that, I think you are numbOr you just don't feel all the things I do for youBaby that's a clue that I am trueIt's just unspoken but i mean it, yeahBut if you look into my eyesYou will see what's insideI won't have to say it

 All the things that you want to hear from meAnd all the things that you want me to say

Baby say it,

Well if you want to hear me say itThat I want youI would say it a hundred times a day'Til your hurt will drown awayJust tell me, do I have to

It's not that i'm too shy to sayAbout the words that come out my wayAll the tears that you shedI guess I have to pay forIf I can only see

 All the things that you want to hear from meAnd all the things that you want me to sayBaby say it

Well if you want to hear me say itThat I want you, I need you, I love youA hundred times a day (I would say it)'Til your hurt  will drown away (I would say it)Just tell me (I want to say it, Yes I'm gonna say it)Do I have to I will say it“I love you Denise.”Is this some kind of a joke? Kung oo, gusto ko syang sakalin.Ayoko ng ganitong feeling. Yung tipong ikaw pinag-uusapan ng mga tao. Halos lahat nakatingin sa iyo. Idagdag mo pa yung mga kaibigan mo na hindi naman nakakatulong yung mga pinagsasasabi.

“Ayyy! Denise.Narinig mo yun? Grabe..nakakilig sobra.”

Pakiramdam ko parang gusto kong

53

Page 54: Candy Story Rebound

bumalik sa sinapupunan ng nanay ko. Di ko alam kung dapat ba akong matuwa o lalong magalit sa kanya. Ano ba ‘to,lokohan? Girlfriend nya na si Trisha tapos ngayon sasabihin nya na mahal nya ako? 

That’s ridiculous!

Naguguluhan talaga ako ng mga oras na yun kaya the moment na lumapit si   V-jay sa akin, pero pangalan ko pa lang ang nasasabi nya...

I slapped him in his face!

Pagkatapos nun, sabay alis naman ako. I don’t care kung tinatawag pa nila ako. Basta alam ko gusto ko na umalis dito. Bilis bilis akong naglakad nun papunta sa sakayan. Malas nga lang dahil yung huling tricycle, e sinakyan na nung matanda. Ano ba naman yan! Ngayon pa kung kailan kailangan na kailangan.Pag-atras ko nun, di ko sinasadyang may tao sa likod ko.

“Aray!!! Ano ba--” paglingon ko nun, nandoon si V-jay. Worried pa yung hitsura ng mukha nya.

“Denise...” hahawak sana sya kaya lang iniwas ko yung kamay ko.

“Ano bang gusto mo? Bakit mo ginagawa sa akin ‘to? Ano bang kasalanan ko sa’yo,ha?!! Kung balak mong manloko at mag two-time, hwag ako idamay mo.” Naiyak na ako nun sa sobrang inis ko sa kanya.Sumasakit na nga yung lalamunan ko e.

“Saglit la--” at talagang hindi ko sya pinatapos.

 “IF YOU THINK NA MAY PAPALA KA SA AKIN, THINK AGAIN! GEEZ, V-JAY. AKALA KO PA NAMAN,IBA KA. YUN PALA KATULAD KA NILA, YOU’RE SUCH A FREAK.” 

Tiningnan ko lang sya ng ‘how-dare-you’ look sabay talikod. Naramdaman ko nga na susunod pa sya eh. Kaya bumalik ako at sinabi ko na.

“Pwede wag ka munang sumunod.”

This time, mayroon ng tricycle kaya nakauwi na talaga ako. Tinanong pa nga ako nung driver kung ok lang daw ba ako. Umiiiyak kasi ako sa tricycle.Pag-uwi ko sa bahay, si Lola at Daryll lang ang nandoon. Noong una, hindi ako pinansin ni Lola. Si DAryll lang ang may sinabi.

“Ate, ok ka lang?” tumango lang ako nun at nagmano naman kay Lola. Tapos diretso na ako sa kwarto.Medyo gabi na ng may kumatok sa kwarto ko. Si lola Martha.

“Apo, ano ba ang nangyari sa’yo? Pag-ibig ba ito?”

“Akala ko po ba, masarap magmahal? Pero bakit po ganun? May mga tao na basta, nakakaasar. Hindi pa nga sya nagsosorry sa ginawa nya dati, tapos mgayon, meron na namang isa. Nakakainis. Sasabihin nya na mahal nya ako pero parang ..ewan po. Ang labo nya e.” and then we had our talk.  Mahaba rin at ang binagsakan lang ay “Pakinggan mo sya.”

Hindi ako nakapasok noong sunod na mga araw.2 days akong absent.

Nagkasakit kasi ako.  Hindi talaga maganda yung pakiramdam ko. Physically and emotionally. Sabi nga ni Leah, ang sira ko daw. Nagtapat na daw e inaway ko pa. Sabagay, abnormal nga naman.Nagtetxt pa rin si V-jay sa akin at tumatawag. May pagkamaldita nga ako at talagang hindi ko sinasagot.

>Denise, sori na. I’m serious..pLz let me xplain. At least come 2 the champ.

Nakapasok rin naman ako sa school noong nawala na yung lagnat ko. Ayos na ako, I’m back to normal, I guess. Hindi naman na ako galit. In fact, gusto ko na nga na magkausap kami para maayos na ang dapat ayusin. Ang hirap din ng ganito.Hinahanap ko nga dahil hindi ko pa sya nakikita. Nasan nga ba yun?

“out-of-town ang family nila. Next week pa yung balik.ok? Kaya kailangan mong maghintay. Bakit kasi inaway-away mo.” Nakakainis ka Denise! Naiinis ako sa sarili ko. Bakit nga ba inaway-away ko sya? Ang tanga mo talaga.

After 4 days…

“Denise, paano ba yan? Kita na lang tayo sa graduation nyo. Kailangan na ni Daddy bumalik ng U.S  and I decided that I want to come with him. Ingat ka palagi ha. And always remember, that I love you.”Yuan naman.parang hindi mo alam ah.

“pero Yuan, alam mo naman na ---“

“Shhh…ang sabi ko mahal kita. Hindi ko sinabing mahalin mo rin ako. Pero kahit ganun, wala pa rin nagbago. I’ll always

be your friend. Ngayon ko lang na-realize, na simula pa lang nung intrams, nagpaparaya na si V-jay para sa akin. Mga bata pa lang kami sya na yung laging nagpapalamang. And now I believe. it’s my turn.” Ngumiti naman si Yuan.

“I know you love him,  but to sacrifice for this long, I know he loves you even more.”

“Really? I didn’t know that.”

“Well now you do. Kaya kumilos ka na. Nakakulong pa rin sya sa kwarto hanggang ngayon. Walang balak yun lumaro sa championship. Malapit nang mag-start yung game.”

“Ano? Bakit?”

 “Because someone woudn’t talk to him and listen to his explanation. Denise, do me a favor, listen to him. It’s worth it. At isa pa,kailangan sya ng team, at ikaw lang ang siguradong makakapagpapayag sa kanya.”

Pinaiyak ako ni Yuan doon sa mga sinabi nya. Una, dahil aalis sya. Pangalawa, walang nagbago sa kanya even if I turned him down. Pangatlo, he’s ready to be sad just for us to be happy.At pang-apat, mahal pala ako ni V-jay? Geez. Ang hina nga ng  Bluetooth ko. Pero take note, yung mga sinasabi sa akin ni Yuan, they’re actually making sense to me.Panglima,hindi ko na maitutuloy ito dahil kailangan ko nang puntahan si V-jay…

Before the time runs out.

54

Page 55: Candy Story Rebound

“Sige pala Yuan. Pupuntahan ko na sya ha.” Tapos tumalikod na ako kay Yuan. Pero may nakalimutan ako kaya bigla akong bumalik. Sa dami ng pagkukulang ko kay Yuan, I have no clue kung paano ko sya babayaran. So ang ginawa ko, niyakap ko sya.

“Thank you ha. Sobra! I hope you find someone. Someone who deserves your kind-loving heart. ”

Nagbihis naman ako agad nun. Basta na lang  ako humugot ng damit doon sa mga pang-alis ko. After ten minutes, natapos din ako. Nagpaalam na ako kay Lola at sinabi ko na may hahabulin ako na game. Nag-ala Darna na naman ako papuntang sakayan. Umiiyak pa nga ako nun dahil sa mga sinabi ni Yuan. Blurred na yung paningin ko hanggang sa may nabangga ako.Narinig ko pa nga na may tumawag ng pangalan ko.

The next thing I know, pagmulat ko ng mata ko, ang nakita ko lang ay yung sobrang puting liwanag.It feels like….

heaven.. dedz na ba ako?!? it feels like...heaven..NOT! It turned out na nasa hospital pala ako.Ang sakit sakit ng katawan ko. Hindi ko maigalaw yung kamay ko dahil sa nakabalot na cast. Sa forehead ko naman ay may bandage din. Pagbaling ko sa kanan ko, nandoon yung nurse  What am I doing here?   “Yung championship…si V-jay. Kailangan ko pumunta. May sasabihin ako..sa…kanya..”I tried to get up but I couldn’t. Pinigilan din ako ng nurse.

“I’m sorry Ms.Mendoza.Hindi ka

pwedeng umalis. Yung nagbabantay sa’yo, may binili lang na gamot sa pharmacy.Mabuti naman at nagising ka na.” Aba,syempre naman gigising ako no. Kung magsalita naman ‘to parang ilang araw na ako natutulog.

“Almost 2 days ka na ring natutulog.” Ay ganun?! “Yun ngang nagbabantay sa’yo, isang beses pa lang umuwi simula ng dalhin ka dito”Maya-maya naman ay dumating na sya. I was expecting Lola Martha o kaya si Ate Mye…pero sabi nga nila…expect the unexpected!

“V-jay?”hindi mo maintindihan yung reaction nya. Gulat na parang natutuwa na ewan.

“Denise, ayos ka ba lang ba? Anong masakit sa’yo?”nag-aala doctor na naman ito.

“ayos lang. kaya lang ito.” Tinuro ko yung kanang braso ko.”medyo masakit sya. Ano ba nangyari? Bakit ako nagkaganito? Ang naalala ko naglalakad ako nun papuntang Rec.Center.Sa championship nyo.” Bumangon ako nun para nakaupo ako.

“Nabangga ka ng kotse. Magpasalamat tayo at hindi ka namalmaan. Bakit kasi umiiyak ka na nga hindi ka pa nagpapay attention sa dinaraanan mo.”

“Ang dami kong iniisip nun. Hinahabol ko yung championship.So how did you do?”

“Hindi ko alam.”

“What do you mean hindi mo alam?

Didn’t you play?” Umiling lang sya nun. Are you kidding me? Sya? Hindi naglaro sa championship? Imposible.

“hindi ka naglaro? Bakit?”

“Hindi pa naman yun ang championship.that was more like a ‘semi-finals stage 2’.At kung naglaro ako sino po ang  magdadala sa’yo sa hospital? Paano ako mapapalagay kung alam kong nanganganib ka?’” touch naman ako doon sa sinabi nya. Kaya ayun,naluha na naman ako.

“Thank you ah.E kalian pala yung championship? Dapat talaga naglaro ka nung isang araw. Favorite sport mo yun. Importante yun sa’yo di ba? I know how much you love basketball…”

“Ngayon yung championship. And yes that’s my favorite sport. Kaya importante at mahal ko talaga yun. Pero makakapaghintay pa yun. Yung sasabihin ko hindi na makakapaghintay.” mas lumapit sya sa akin at hinawakan nga yung balikat ko. Parang alam ko na yung sasabihin nya sa akin nun. (Woohoo! For the first time, naka-sense din.)

“You probably hate me for waiting this long. Akala ko nung una, kaya kong magparaya para sa inyo ni Yuan. Pero hindi pala. It felt like I’m going to explode. Hindi ko kayang wala ka. I’m sorry Denise.  I love you. I really do.” At doon na bumuhos yung mga luha ko. V-jay naman! Lagi mo akong pinaiiyak. But I guess, it’s different this time. Luha ng kaligayahan. Niyakap naman nya ako nun. And I hugged him back. Kahit isang arm ko lang dahil may cast nga yung isa.

Speechless na ako.Ewan ko ba kung saan napunta yung dila ko pero hindi talaga ako makapagsalita.  I only managed to smile and cry and cry and cry. Siguro nga parang ewan na yung hitsura ko. May panyo naman sya at pinunasan nya yung luha ko.

“Tahan na. Baka mamaya, bumaha dito. Sige ka, ikaw ang maglilinis.” Binatukan ko nga. Tatawa-tawa lang naman sya. Nagulat naming kami pareho nung biglang nagring yung phone nya. Natawa na lang ako sa ringtone nya. Paano ba naman kasi, may babaeng tumatawa. And that girl…Is me.

Malakas yung boses ng kausap nya kaya naman rinig na rinig ko.

“Rivera, nasaan ka na? Nagsimula na yung Championship. Ngayon ka pa ba mawawala? Kailangan ka ng team! Please lang sumipot ka naman.”

“Ma’am, ano po kasi..hindi ako makakapun- -” inagaw ko naman yung phone nya sa kanya at ako yung kumausap.

“Hello Ma’am. Saglit lang po. Darating na po sya dyan. In 30 minutes. Sige po, bye.”then binaba ko na. Ako naman ay tumayo na at sinuot ko yung tsinelas ko. “Ano pang hinihintay mo? Tara na sa Rec.Center. Pupunta tayo sa Championship. Maglalaro ka.”

“Paano ka?”

“Syempre sasamahan kita. Tara na.” pagkatapos nun, hinawakan nya yung kamay ko. At lumabas na kami ng room.

55

Page 56: Candy Story Rebound

Hinarang naman kami ng nurse.

“Oh,san kayo pupunta?”

“hahabol lang po kami doon sa game nya. Championship na kasi.”

“Aba, teka. Hindi ka pa pwede umalis.”

“Sige na po. Please? Ibabalik ko sya mamaya dito. Yung tungkol sa bills,si Daddy na yung bahala. He’s coming here. ” then umalis na kami pareho. Tumatakbo pa nga kami nun e. Ang ewan siguro ng hitsura ko dahil may cast ako sa arm tapos may bandage sa ulo.Oh well. I don’t care.

Nakasakay naman kami agad  kaya lang….traffic. Naman! Bwisit. Another half an hour na naman kami doon. Naku po! Wala na yata syang maabutan sa game nito. Baka pagdating namin, tapos na. Kaya ginawa namin e bumaba na sa jeep. Total, hindi na rin naman ganun kalayo kaya nilakad na namin.

Diretso  agad kami sa gymnasium. Syempre, doon yung laro. Ang dami ngang tao. As in kailangan mo pang sumingit para makapasok. Intense sa loob ng gym.Nandoon din kasi yung mga taga-Saint Paul. Ooh. Ang pinakamabigat na kalaban ng Brayden.  Sabi ko na nga e, late na kami. 4th  quarter na..and much to my surprise, our team is losing.92-89. In favor of St.Paul.Ohh noooo!!!!!!!!!!!!

”magpalit ka  na ng uniform. Uupo lang ako dun. Good Luck.”

May mga sumisigaw naman ng pangalan ko galing sa mga nakaupo sa bleachers. Sina Leah. Tinawag ako para doon daw

ako umupo. E di pahirapan na naman yung pagpunta ko doon. Syempre, inulan ako ng tanong kung paano ako nakarating doon e kahapon natutulog lang ako sa hospital. Pero sabi ko, saka na ang kwento.

Maya-maya naman, ipinasok na si V-jay sa game ng coach. At ayun nga, lalong lumakas yung sigawan ng mga tao. Naka-black and green jersey sya nun. Medyo magulo pa nga yung buhok nya nun. Oh.My.God. Ang cute tingnan. Sabay ganun e no? nawawala na naman ako sa sarili.

“Oh-em-gee! Akala ko hindi na darating si Rivera. Ang pag-asa ng Brayden High.”

“Ayayay! I love that 66 guy...GO WARRIORS!”Yun ang ilan sa mga narinig ko galing sa mga tao sa paligid. Napagod ako dun sa tinakbo at nilakad namin.

“tetererett!!”

Ayt. Back to the game. Grabe, kakaloka ito. Takbo dito, takbo doon. Dribble dito, chest pass, bounce pass, or overhand pass doon. Ang kumplikado ng larong ito. May pag-asa pa ba kaming manalo?!?May nagawang violation yung isang taga-St.Paul kaya may free throw si V-jay. Waahh!! Ako ang kinakabahan dito e. Sana maishoot nya. Nagcheer naman yung mga senior.

“V-JAY , V-JAY , V-JAY!...” tingin ko hindi maganda yun kasi nakaka-pressure. Pero naishoot pa rin nya.Thank God! 9O na score nila. Sana mahabol  nila. Napasimangot naman ako nung

nakascore na naman yung kabilang team. One point lang naman kaya lang, malaki pa rin yun. Hindi ko naman napigilan ang mapasigaw nung naka 3 point shot si V-jay. Ang galing! Tie na sila ngayon kaya lang tumunog na yung higanteng timer.  Waaaaaaaahhh!! Last 30 seconds na lang. Kailangan humabol.

Ano ba Warriors! Kaya nyo yan! Go!

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko nun. Paano naman kasi,  1 point na lang ang kailangan panalo na sila. Half-closed na yung mga mata ko. Nasa kamay kasi ng Saint Paul yung bola. At kung sakaling maiishoot nya, ayoko ko makita.

Ten

Nine

Eight

Seven

Six

Fi---

Ahh!!!He missed at Nakuha ni V-jay yung bola. Then shoot!!

Nagsigawan na kaming lahat doon. Yung mga taga Saint Paul syempre hindi. Pero OH MY GOD!!

“—and the 200* Champion of the High School Basketball association is Brayden Johnson Warriors!!!”

Wow! Ang sarap pakinggan. Si V-jay e nilift nila doon at sya yung may hawak ng trophy. Ang galing naman kasi diba?

Nasa kalaban yung bola, tapos namiss then nakuha nya at nashoot nya. That’s what you call…what to do you call that again?

Rebound? yeah. that.

Bumaba naman na kami nun para i-congratulate sila. Nagmamadali nga kami e. Dala na rin siguro ng excitement.

“Congrats insan! Galing mo talaga.” Nagsimula si Yuan tapos sunod-sunod na sila nagcongratulate. Nandoon din si Reese.

“buti na lang dumating ka kuya. Kundi Tambak na tayo.”

“Oo nga.Teka nga tanong ko lang,” tapos unikutan nya si V-jay.”Nililito mo ko e, di ba dati laging 46 yung number ng jersey mo? Bakit parang laging 66 na ngayon?” Eto naman kung anu-ano napapansin, pero sabagay, may point naman.

“Yun ba? kung bibilangin mo yung letters sa V-jay at Radley,46 yun. 66 naman kung bibilangin mo ang…”

“ang………?”   

“Denise Lauren.” Ooh.that’s my name!

“Uyyy..kayo ha.”Lumapit naman si Trisha nun sa amin.With a smile on her face.

“Congratulations, ndi lang sayo V-jay, kundi sa inyong dalawa. I’m so sorry If I was a burden.Denise, I’m glad you came. Congrats nga pala. Gusto ko lang linawin

56

Page 57: Candy Story Rebound

sa iyo, the ‘me and V-jay part is not true.’ I made it all up. I know I’m crazy.  narealize ko, you can’t force someone to love you and you can’t force yourself to love someone who you really don’t.” exactly! Natumbok mo Trisha.

“Yup.”

“So ..wag mo sya sisihin ha.Wala syang kasalanan. He’s a really nice guy and he loves you.Sobra.” then tinapik nya kami ni V-jay sa balikat.

“Thanks Trisha.”

Kinamusta naman nila ako kung ayos daw ba ako. Dadalaw nga daw sana sila sa hospital pagkatapos ng championship. Pero here I am na, so no need. Si Daryll ay nandoon din na nabigla dahil nandoon din ako. Samantalang kanina, natutulog lang ako sa hospital.

“Sige pala. Kailangan ko pa syang ibalik sa hospital. Basta na lang kasi kami umalis.” Natawa naman kami doon. Imagine that, basta na lang kami umalis at wala ng nagawa yung nurse.

“Naku.Mali yun ah. Pero tama rin kasi kawawa naman yung team natin.Congrats ulit ah. Ikaw, best friend, ayy! Kwento mo sa akin ha.” Ngumiti naman sya ng nakakaloko nun. Siguro nakwento na ni Yuan sa kanya.

Back to the hospital na nga ang drama namin. Ang kagandahan lang, hindi na ako pinagstay.May mga pinapirmahan lang at mga gamot na bilin. Kasama namin nun yung parents ni V-jay at si Reese. Hinatid nila ako sa bahay namin. Ang laking pasasalamat nga nina lola

Martha e. Pero noon pa man, hindi na daw sya nag-alala dahil alam nyang si V-jay ang kasama ko. Sa amin na rin sila pinakain ng dinner ni Lola. Yan ang kagalingan ng magaling magluto. Kinuwento nga namin yung mga nangyari ngayong araw. Simula sa pag-alis na lang basta sa hospital. Nakakatawa na lang isipin.

Wow. This is one heck of a day.

Lalo pa noong nasa garden kaming dalawa habang sa loob ay nagkwekwentuhan sina lola Martha at parents nya. Hindi kasi kami masyadong makapag-usap sa loob kanina kaya lumabas kami. Hindi rin sya mapakali doon.

“Denise, hindi ako magaling sa ganito kaya siguro inabot ng ganitong katagal.”tapos huminga sya ng malalim. Akala ko kung anong sasabihin nya yun pala, “P-pwede na ba kitang …ligawan?”

Whoa! Sinabi nya ba talaga yun? Waaaaaaaaaaah! Pwede na akong himatayin. Asoowz! OA ko naman pala. Natatawa lang ako sa hitsura nya nun. Di mo maintindihan kung nahihiya na kinakabahan na natatawa na ewan.Nakatingin sya sa akin na parang naghihintay ng sagot. Umurong na naman yung dila ko nun kaya yung  ulo ko ay sya na yata mismo ang gumalaw at tumango. Parang reflex e no? Sa kwarto ko,mukha na naman akong sira nung gabi  na nakangiti habang nakapikit. Ang sarap kasi sa pakiramdam ng mga nangyayari. Pero  grabe ha, ang hirap din  pala kumilos kapag isa lang kamay mo.

“And the most valueable player of the year is   Melvin Endrinal” sino daw? Ahh si Melvin pala. Isang senior.

Months na rin ang nakalipas pagkatapos ng Championship. Tapos na ang basketball season sa school namin for this year.Sa kasamaang palad, hindi si V-jay ang Most Valueable Player. Wala kasi sya sa Semi-finals at sa last quarter lang sya ng championship lumaro. Pero ok lang daw yun sa kanya. Sa akin naman, walang kaso yun, dahil kahit hindi sya ang most valueable player, MVP pa  rin sya para sa akin.

Most Valueable Person.  (O ha?!)

Basketball is complicated but then many people choose to play it. Like love, it’s even more complicated but then, even more people choose to love. Like us.Narealize  ko din yung  mga basketball chuva na sinasabi sa akin ni V-jay dati.

‘Basketball…it’s like love.’

 Love is like basketball dahil jumpball sa start, minsan nakakagawa ng violations kaya foul. Free throw para sa second chance at ang rebound-. the act of securing possession of the rebounding basketball after a missed shot. Pinilit mong makuha at hindi na hahayaang maagaw pa ng  iba. Parang second chace din ito.It’s like what happened to me and V-jay. We had each other until other people came in to the game and took the ball. Luckily, nakarecover kami and we got each other back.

“Uminom ka muna.” Inabot ko sa kanya yung Gatorade. At pinunas ko ng towel yung mukha nya. Nasa Rec.Center ulit

kami ngayon.Ang pawis na nya dahil sa kakabasketball. Pero okay lang,mabango pa rin naman.

“Denise..”

“Hmm?” hinawakan nya yung mukha ko para nakatingin ako sa kanya.

“I love you.”

“hmm…I love you too.”tapos kinurot ko sya sa pisngi.

May date nga pala kami ngayon. Kaya lang, nagkataon na may laro siya. Pero I’m willing to wait naman. Enjoy naman ako manood. Dadalawin nga pala namin si Dustin mamaya at mag man-to-man talk daw sila. Magpapaalam din ako,3 months na kasi kami ni V-jay ngayon.

Nasabi ko ba kung paano nya ako niligawan? Well, think about it, kung sa tingin nyo ay sweet na sya dati, ten times of that ang pagkasweet nya. Nalaman ko na rin yung purpose ng bracelet. Medyo corny na nga e but I do appreciate it. Tinanong nya ako 3 days before the prom night pero dun ko sya sinagot sa mismo na prom night. Bawat band ay kakanta ng 2-3 songs so yung last song nya, dedicated daw para sa akin. Sinayaw pa nga nya ako nun.

click here for the song

“I do,too. I love you.” Then we hugged. And that was the best night ever.

Last week nga pala, sinundo namin sina Mommy at Daddy sa airport.Ayee! ang saya. sa wakas nabuo rin ang pamilya

57

Page 58: Candy Story Rebound

namin. And guess what, magkakaroon pa ako ng another baby sister. Magiging ate na naman ako. Si kuyan Ryan naman ay nagpropose na kay Ate Mye so I guess, may kasalang mangyayari di ba?

Yuan left for the states with his Dad. And Trisha? Ang alam ko, nagdedate sila ni Conrad. Si Leah naman, hay naku, salida pa rin kung minsan. But I love her that way. Healthy naman si Lola Martha ngayon which is good dahil the best yang si lola. Sinagot na si Daryll ni Gwen  yata yun. Finally. Ang tagal huh.Masyadong pinahirapan yung kapatid ko.  Ako? Eto..mahilig pa rin sa juicy fruit. Minsan nga, pinasalubungan pa ako ni V-jay ng isang kahon. Lately, pinagkakaabalahan ko ang pag-aalaga kay Jayden- ang baby namin ni V-jay.

Yup.may baby na kami. Jayden finally came true. She’s a lhasa apso. Minsan nasa akin sya or kay V-jay. We take turns sa pag-alaga.

Hayy..ano ba yan, ang dami ko pang sanang gustong sabihin kaya lang kulang na ako sa oras. Naka-offer na yung kamay ni V-jay sa akin at naghihintay na. Remember we have a date?So,I guess, this will be our ending, kahit na hindi naman talaga dito nagtatapos ang kwento namin.For sure, there’s more to us to come. Hope you enjoyed it!

58