filipino · 2020. 11. 10. · filipino – ikapitong baitang support material for independent...
TRANSCRIPT
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)
7 Filipino
Unang Markahan – Modyul 6
Pagsalaysay nang Maayos at
Wastong Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari
GYN A. VALLESTERO
A Joint Project of the
SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the
DIPOLOG CITY GOVERNMENT
Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Telefax: (065) 212-6986
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Gyn A. Vallestero
Editor: Leilane Narvaez
Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagalapat: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent
Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien – Chief, Education Supervisor SGOD
Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS
1
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao.
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.
Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)
AKDANG PAMPANITIKAN NG MINDANAO: (Kuwentong-bayan, Mito, Alamat, Maikling Kuwento)
Mga Pamantayan sa Pagkatuto:
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang;
MELC (Kabanata 1)
Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento, mito, alamat, at kuwentong-bayan (F7PS-Id-e-4)
Inaasahang din na ikaw ay:
a. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang kuwento
b. Nakabubuo nang maayos sa pagkakasunod-sunod na pangyayari sa akda gamit ang grapik organayser.
PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1. Uri ng panitikan na nagsasalaysay sa madali, maikli at masining na paraan.
a. Maikling Kuwento c. Alamat b. Pabula d. Kuwentong -Bayan
Subukin
2
2. Anong tradisyon o seremonya ng mga Katoliko ang kadalasang ginagawa sa bagong silang na sanggol?
a. pinapaliguan c. pinutulan ng buhok b. pinabinyagan d. pinapasyal
3. Siya ang nagsasagawa ng seremonya bang para sa bagong silang na sanggol.
a. pari c. ama b. Imam d. ina
4. Ang huling yugto sa pagislam ng isang sanggol ay naganap sa kanyang _______.
a. ikaaapat taon c. ikaanim na taon b. ikalimang taon d. ikapito hanggang ikasampung taon
5. Ano ang kahulugan ng seremonyang “bang” sa mga Muslim?
a. pagputol ng buhok ng sanggol. b. pagtutuli c. pagbulong ng panalangin sa kanang tainga ng sanggol d. paghahandog ng awit sa bagong silang na sanggol.
6. Ano ang ipinapahiwatig kapag ang ginupit na buhok ng sanggol ay hindi lumubog sa mangkok na may tubig?
a. siguradong magandang kinabukasan ang naghihintay sa bata . b. magiging mayaman.
c. walang magandang kinabukasan d. makararanas ng maraming pagsubok sa buhay.
7. Pagkalipas ng pitong araw mula sa pagkasilang ng sanggol, anong seremonya ang isinasagawa ng mga Muslim?
a. bang c. pagislam b. penngunting d. pagputol ng buhok
8. Paano ipinakita ng mag-asawang Ibrah at Aminah ang kanilang pagpapasalamat sa biyayang natanggap?
a. pag-aalay ng ginto b. sinunod nila ang nakaugaliang tradisyon o seremonya ng pagislam. c. paghahanda ng isang piging. d. pagbibigay ng malaking halaga sa kanilang pinuno.
9. Ano ang isang pangyayaring pinakahihintay ni Ibrah na naganap sa kanyang buhay?
a. maikasal sa babaeng kanyang pinakamamahal b. makilala ang kanyang tunay na mga magulang c. makauwi sa kanilang lugar d. pagkakaroon ng anak
10. Ilang yugto binubuo ang pagislam? a. isa c. tatlo b. dalawa d. apat
11. Ang bata ay nabasahan ng bang sa kanyang ___________. a. pagkasilang c. ikapitong kaarawan b. unang kaarawan d. pagbibinata
3
12. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim? a. Bibliya c. Bagong Tipan b. Qu’ran d. Lumang Tipan
13. Siya ang tinaguriang Diyos ng mga Muslim. a. Mohammad c. Allah
b. Panginoon d. Budha
14. Tawag sa relihiyon ng mga Muslim? a. Katoliko c. Budismo b. Born Again d. Islam
15. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga taradisyon, paniniwala, o kultura ng iyong lugar na kinalakhan?
a. pagsunod o pagsasabuhay sa mga nakaugaliaang tradisyon at paniniwala. b. pagsasawalang bahala sa mga nakaugalian ng matatanda c. pagmamano sa mga matanda. d. pagbibigay galang lalong –lalo na sa nakakatanda sa atin.
B. Panuto: Basahin at suriin ang mga pangyayari sa ibaba. Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa kuwento. Isulat ang bilang 1-5 sa inilaang patlang. _____ 16. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili kaya napasugod siya. _____ 17. Tuwang- tuwa si Ibrah sapagkat naisilang na ang kanyang anak. _____ 18. Wala ni isang hibla ng buhok ang lumubog sa mangkok na may tubig dahil dito napasigaw ang lahat ng mga tao. _____ 19. Maganda ang kinalabasan ng seremonya, kung kaya’t ipinagbunyi ito ng lahat. _____ 20. Abala sa pag -aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng masasarap na kakainin ang mga kababaihan dahil sa magkakaroon ng seremonyang penggunteng.
Modyul
6
Pagsalaysay nang Maayos at
Wastong Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari
PAGISLAM (Maikling Kuwento ng
Mindanao)
4
Panimula at mga Pokus na Tanong Mindanao. Marahil maraming bagay ang papasok sa iyong isipan kung maririnig ang salitang Mindanao. Ngunit gaano nga ba ang iyong alam sa Mindanao? Maraming panitikan ang inilimbag at inilathala na nagging bahagi na ng kamalayang Pilipino. Ngunit tulad ng nakasulat sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi ganap ang pagsasalaysay sa kahalagahan ng lahat ng bahagi ng bansa, maraming bagay pa ukol sa Mindanao ang hindi batid marami: kasaysayan, kultura at panitikan. Sa modyul na ito, malalaman mo ang mga panitikang Pilipino mula sa Mindanao,
inaasahang higit mong maunawaan at mapahalagahan ang iyong pagka-Pilipino. Sa mga aralin at gawain sa modyul na ito, dapat nailipat ang mga impormasyon at nakabuo ng wastong pagkasunod-sunod na pangyayari sa bawat akda na natalakay.
Balikan
Gamit ang impression web, ilahad ang inyong impresyon sa Mindanao sa
pamamagitan nang pagpuno sa apat na kahong maglalaman ng iyong pagtingin o
pagkilala ukol sa Mindanao. Isulat ang inyong sagot sa inihandang grapikong
pantulong.
5
Tuklasin
Suriin mo sa gawaing ito ang iyong pansariling kaalaman
tungkol sa kaugalian ng mga mamayan sa Mindanao. Punan ng
impormasyon ang bahaging K, W at H lamang.
Ngayong nasukat mo ang iyong kaalaman at pananaw, saloobin, at opinyon
tungkol sa Mindanao higit mong makilala at maikintal sa iyong kamalayan ang mga
akdang ito.
6
Sa modyul na ito masusukat ang iyong kaalaman sa teksto o akda na nabasa. Dito rin higit mong unawain ang mga kultura at karanasan ng mga taga –Mindanao sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang mga pabula, Kuwentong-bayan, Epiko, Maikling Kuwento at Dula. Mahaharap ka sa iba’t ibang gawaing gagabay, magpapayaman at susubok sa iyong pag-unawa at pagpapahalaga tungkol sa mga akdang nagmula sa Mindanao.
Naka sentro ang talakayang ito sa isang Maikling Kuwento na pinamagatang Pagislam. Handa ka na bang tuklasin ang isa sa mga akdang pampanitikan ng
Mindanao? Umpisahan na nating alamin at basahin ang akda.
AKDANG PAMPANITIKAN NG MINDANAO
“PAGISLAM”
Sa akdang babasahin ay iyong matutunghayan kung nasunod ba ng mag-
asawang Muslim ang seremonyang ito ng Pagislam.
Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng binate ang ulo ni Ibrah nang
maramdaman niyang rumaragasag yabag ni Tarhatan ang kanyang kapatid. Kipkip
nito ang ilang baru-baruan patungo sa silid na pinagmulan ng nag-iihit ngunit maliit
na tinig ng pag-iyak, batid ni Ibrah na dumating na …. Dumating na ang kanyang
hinihintay. Parang gusto niyang lumundag. Lalakikaya? Babae kaya? Kung lalaki
ay… hindi na niya napigil ang kanyang sarili. Napasugod siya. Totoong sabik na
sabik siyang makita ang bata at si Aminah.
Lalaki! At malusog na malusog! Mataginting na wika ng panday habang
binibihisan ang bagong silang na sanggol.
Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa pa kay Allah. Dininig niya ang ating
panalangin,” wika niyang sabay haplos sa pawisang noo ng asawa.
7
Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa rin ng
panday. Gayon na lamang ang kanyang kagalakan nang Makita niyang parang
nagpupumiglas ang sanggol sap ag-iyak.
“Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak. Manang-mana sa kanyang
ama,” bulong sa sarili ni Ibrah.
Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang may sinabi
ang kanyang ina.
“Mas mainam siguro kung susunduin mo na ang Imam upang maisagawa na
ang bang.”
Hindi pinakinggan ni Ibrah ang iba pang sasabihin ng ina. Magaan ang loob
niyang tinungo ang tirahan ni Imam. Masayang ibinalita niya sa Imam ang
panganganak ng asawa at magalang na inimbita ito para sa seremonyang dapat
isagawa para sa isang bagong silang na anak ng Muslim.
Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang banayad na
ibinubulong ng Imam sakanyang sanngol ang bang.
“Allahu Akbar, Allahbu Akbar
Allahu Akbar, Allahbu Akbar
Ash-Hadu, Allah la Ilaaha
Ash-Hadu, Allah la Ilaaha
Wa ash -hadu, Anna Mohammadur Resullallah
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Resullallah
… ang magandang aral niya”
Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa’y panatilihin mo ang
magagandang aral niya, dugtong pa ng Imam.
“Kailan naman ang paggugunting? Nakangting tanong ng Imam.
“Tulad po ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon, sagot ni Ibrah.
Masuyong inalalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa kanyang
tirahan.
Ang sumunod na mga araw ay lubhang nnaging abala para sa mag-asawa.
Totoong di nila maatim na ang kauna-unahang bunga ng kanilang palad ay hindi pa
mahandugan ng buo nilang kaya.
Ilang araw bago sumapit ang panggunting, napag-usapan ng mag-asawa ang
ipanagalan sa anak.
“Ano kaya ang mabuting ipangalan sa ating anak? Sabik na tanong ni Ibrah
kay Aminah.
“Kay gandang pangalan, Abdullah. Bagay talaga sa ating anak.” Pagmamalaki
ni Ibrah”.
At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay marami nang tao, halos
naroon na ang lahat ng mga kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y kinatay n ani Ibrah
ang limang kambing na sadyang inihanda bilang alay at pasasalamat sa
pagkakaroon nila ng supling. Samantala, ang mga kababaihan naman ay abala sa
8
sap ag-aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng masasarap na kakainin para sa
mga panauhin.
Ilang sandal pa’y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng
Balyanji, isang katutubong awit, sinimulan na ang paggunting. Lumapit ang Imam
kay Abdullah na kasalukuyang kalong ng ina at gumupit ng kapirasong buhok sa
bata. Ang ginupit na buhok ay maingat na inilagay ng Imam sa isang mangkok ng
tubig. Tahimik na pinagmasdan ito ng lahat.
“Wala ni isang hibla ng buhok ang lumubong sa tubig!’ sigaw ng karamihang
nakapaligid.
Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang kagalakan
sa kanilang mga puso. Nakapipiho silang papatnubayan ni Allah ang paglaki ng
anak. Maganda ang hinaharap nito sa buhay.
Ipinagbunyi ng mga tao ang kinalalabasan sa seremonya. Bawat isa sa mga
panauhin ay nagbigay ng pera at regalo para sa bata. Siyang-siya ang mag-asawa sa
kanilang nasaksihan. Abot-abot ang kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa
paggunting ni Abdullah.
“Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang huling yugto ng
pagislam ni Abdullah.” Wika ng isang panauhin.
“Pihong mas malaking handaan iyon, ano Ibrah? Biro ng isa pa.
“Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado kayong muli,”
nakangiting sagoy Aminah.
“Sana, kasabay Maulidin Nabi para masaya,” mungkahi ng iba.
“Tiyak iyon’, halos panabay na wika ng mag-asawa habang masuyong
pinagmasdan ang inaantok na si Abdullah.
Mula sa aklat na Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas
Nina Patrocino Villafuerte, et al.
Mga gabay na Katanungan:
Isulat sa inilaang patlang ang inyong sagot.
1. Ano ang isang pangyayari na hinihintay ni Ibrah na naganap sa kanyang
buhay? Ilarawan ang inyong reaksiyon.
Sagot:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Paano niya ipinakitang nagpapasalamat siya kay Allah sa biyayang natanggap?
Sagot:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
9
3. Isalaysay ang mga pangyayaring naganap nang dumating ang panahon ng
penggunting. Ano ang naidududlot hindi lamang sa buhay ng mag-asawa kundi
maging sa kanilang pamayanan o mga kakilala?
Sagot:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Paano ipinakita sa akda anag pagpapahalaga ng mag-asawang Ibrah at Aminah
sa kanilang tradisyon at paniniwala?
Sagot:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay dapat bang manatili o isabuhay hanggang sa kasalukuyan ang
mga ganitong uri ng panianiwala?
Sagot:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Suriin
Mga mahahalagang kaalaman
Ang Pagislam ng mga Muslim kahalintulad ng seremonya ng pagbibinyag sa
mga Kristiyano. Ang seremonyang ito ay ay karaniwang ginagawa ng mga Muslim sa
Mindanao.
Ang seremonya ng Pagislam ay ay nahahati sa tatlo. Ang unang seremonya ay
ginagawa ilang oras pagkapanganak ng isag sanggol.Dito babasahan ng isang dasal
ng isang Imam (mataas na punong panrelihiyon ng mga Muslim) o pandita (guro
o dalubhasa sa Koran) sa kanang tainga ng sanggol upang maikintal sa isip ng
sanggol ang pangalan ni Allah, ang kanilang Diyos.
Ang ikalawang seremonya ay tinatawag na penggunting. Ginagawa ito sa
ikapitong araw pagkapanganak ng sanggol. Dito binibigyan ng pangalan ang sanggol
at sa seremonya ay ginugunting ang buhok ng sanggol ng Imam o pandita at inilagay
sa mangkok na may tubig. Ayon sa kasabihan kapag ang buhok ay hindi lumubog
sa tubig ay matatamasa ng sagana at maunlad na buhay ang sanggol at kabaligtaran
naman kung ito’y lulubog.
Ang ikatlong seremonya ay tinatawag na Pagislam o ang seremonya ng
pagtutuli. Ginagawa ito kapag ang sanggol ay magdiriwang ng kanyang ikapito
hanggang ikasampung taon kasabay ng isang mahalagang araw sa mga Muslim.
10
Gawain: Panuto: Ilahad sa timeline ang daloy nang wasto at pagkasunod-sunod
na pangyayari sa akda.
Rubrik (Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos)
Pamantayan 5 4 3 2
Lohikal na pagkasunod-sunod ng mga ideya.
Malinaw ang diwa.
Wastong gamit ng mga salita at bantas.
Pamantayan: 5- napakahusay: 4- mahusay; 3- medyo mahusay: 2- nangangailangan pa ng pagpapaunlad.
Pagyamanin
11
Isaisip
Dapat tandaan sa Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari
Kapag ang pangyayari sa kuwento ang pinagsusunod-sunod, madalas ay hindi na ginagamitan ng mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod o time sequence subalit mahalagang nabasa at naunawaang mabuti ang kuwento sapagkat mga pangyayari lang ang ilalahad na kailangan ayusin ayon sa kung paano naganap sa binasa.
Isagawa
Gawain-Panuto: Punan ang story burger sa ibaba ng inyong mga
nasaksihang pangyayari o pagdiriwang sa kasalukuyan na maihahalintulad
sa ating natalakay na akda. (Tingnan ang rubrik sa bahaging Pagyamanin na
maging batayan sa pagmamarka).
Story Hamburger
Pamagat
Nilalaman
Kasukdulan
Wakas
12
Tayahin
PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1. Uri ng panitikan na nagsasalaysay sa madali, maikli at masining na paraan.
a. Maikling Kuwento c. Alamat b. Pabula d. Kuwentong -Bayan
2. Anong tradisyon o seremonya ng mga Katoliko ang kadalasang ginagawa sa bagong silang na sanggol?
a. pinapaliguan c. pinutulan ng buhok b. pinabinyagan d. pinapasyal
3. Siya ang nagsasagawa ng seremonya bang para sa bagong silang na sanggol.
a. pari c. ama b. Imam d. ina
4. Ang huling yugto sa pagislam ng isang sanggol ay naganap sa kanyang _______.
a. ikaaapat taon c. ikaanim na taon b. ikalimang taon d. ikapito hanggang ikasampung taon
5. Ano ang kahulugan ng seremonyang “bang” sa mga Muslim?
a. pagputol ng buhok ng sanggol. b. pagtutuli c. pagbulong ng panalangin sa kanang tainga ng sanggol d. paghahandog ng awit sa bagong silang na sanggol.
6. Ano ang ipinapahiwatig kapag ang ginupit na buhok ng sanggol ay hindi lumubog sa mangkok na may tubig?
a. siguradong magandang kinabukasan ang naghihintay sa bata .
b. magiging mayaman. c. walang magandang kinabukasan d. makararanas ng maraming pagsubok sa buhay.
7. Pagkalipas ng pitong araw mula sa pagkasilang ng sanggol, anong seremonya ang isinasagawa ng mga Muslim?
a. bang c. pagislam b. penngunting d. pagputol ng buhok
8. Paano ipinakita ng mag-asawang Ibrah at Aminah ang kanilang pagpapasalamat sa biyayang natanggap?
a. pag-aalay ng ginto b. sinunod nila ang nakaugaliang tradisyon o seremonya ng pagislam. c. paghahanda ng isang piging. d. pagbibigay ng malaking halaga sa kanilang pinuno.
13
9. Ano ang isang pangyayaring pinakahihintay ni Ibrah na naganap sa kanyang buhay?
a. maikasal sa babaeng kanyang pinakamamahal b. makilala ang kanyang tunay na mga magulang c. makauwi sa kanilang lugar d. pagkakaroon ng anak
10. Ilang yugto binubuo ang pagislam? a. isa c. tatlo b. dalawa d. apat
11. Ang bata ay nabasahan ng bang sa kanyang ___________.
a. pagkasilang c. ikapitong kaarawan b. unang kaarawan d. pagbibinata
12. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim? a. Bibliya c. Bagong Tipan b. Qu’ran d. Lumang Tipan
13. Siya ang tinaguriang Diyos ng mga Muslim. a. Mohammad c. Allah
b. Panginoon d. Budha
14. Tawag sa relihiyon ng mga Muslim? a. Katoliko c. Budismo b. Born Again d. Islam
15. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga taradisyon, paniniwala, o kultura ng iyong lugar na kinalakhan?
a. pagsunod o pagsasabuhay sa mga nakaugaliaang tradisyon at paniniwala. b. pagsasawalang bahala sa mga nakaugalian ng matatanda c. pagmamano sa mga matanda. d. pagbibigay galang lalong –lalo na sa nakakatanda sa atin.
B. Panuto: Basahin at suriin ang mga pangyayari sa ibaba. Ayusin ang mga
sumusunod na pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa kuwento. Isulat ang bilang 1-5 sa inilaang patlang. _____ 16. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili kaya napasugod siya. _____ 17. Tuwang- tuwa si Ibrah sapagkat naisilang na ang kanyang anak. _____ 18. Wala ni isang hibla ng buhok ang lumubog sa mangkok na may tubig dahil dito napasigaw ang lahat ng mga tao. _____ 19. Maganda ang kinalabasan ng seremonya, kung kaya’t ipinagbunyi ito ng lahat. _____ 20. Abala sa pag -aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng masasarap na kakainin ang mga kababaihan dahil sa magkakaroon ng seremonyang penggunteng.
14
Karagdagang Gawain
Gawain A - Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwentong “Reynang
Matapat”. Ilahad nang maayos at wasto ang buod/pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa kuwento gamit ang grapikong pantulong sa ibaba.
REYNANG MATAPAT
Si Reynang Sima ay isa sa mga reyna na namuno ng isang kaharian sa ating
kapuluan. Nakilala siya dahil sa kaniyang katalinuhan, katapatan, at sa mahigpit
at maayos na pamamalakad sa panunungkulan.
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan at dinarayo na ng
mga mangangalakal na Arabe, Tsino, at Hindu ang kaharian ng Kutang -Bato na
pinamumunuan ni Reyna Sima. Ang Kutang- Bato ay siya ngayong Cotabato, isa sa
pinamalaking lalawigan ng Mindanao.
Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana
ang taga Kutang- Bato. Mahigpit na ipinatupad ang mga batas at ang sinumang
lumabag sa ipinag-uutos ni Reyna ay pinarurusahan.
Kabilang sa patakaran na mahigpit ipinatutupad ng Reyna ay ang paggalang
at katapatan ng kanyang mga nasasakupan.
Patuloy na dumarating at umalis ang mga negosyanteng Tsino sa kaharian
ng Kutang -Bato.
Minsan, isang negosyanteng Tsino na nakikipaglaban sa kaharian ni Reyna
Sima ang nakaiwan ng supot nag into sa isang mesa sa palasyo. Hindi pinagalaw ni
Reyna Sima ang supot na ginto sa mesa.Ipinagbilin ng mahigpit ni Reyna Sima sa
kaniyang nasasakupan na walang gagalaw ng naturang supot nag into. Ganito
kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan upang sa gayon ay
muling madatnan ng may-ari sa lugar na kaniyang pinag-iwanan ang supot nag into.
Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan
nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa katapatan.
Mula sa https://bit.ly/3cz0VAC
15
https://educators.brainpop.com/printable/sequence-graphic-organizer/
Gawain B - Isalaysay sa miyembro ng pamilya o kasama sa bahay ang buod
ng kuwento na may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
16
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
AKLAT: Pinagyamang Pluma 7, Alma M. Dayag, et.al
INTERNET:
https://www.slideshare.net
https://www.scibd.com
https://educators.brainpop.com/printable/sequence-graphic-organizer/
https://bit.ly/3cz0VAC
Subukin
1. A
2. B 3. B
4. D 5. C 6. A
7. B 8. B
9. D 10. C 11. A
12. B 13. C 14. D
15. A 16) 2
17) 1 18) 4 19) 5
20) 3
Tayahin
1. A 2. B 3. B
4. D 5. C
6. A 7. B 8. B
9. D 10. C
11. A 12. B 13. C
14. D 15. A
16) 2
17) 1 18) 4
19) 5 20) 3