filipino legit hatdi

5

Upload: angatstreet

Post on 02-Nov-2015

22 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Hi

TRANSCRIPT

Pambungad na SalitaIsinulat ni Carlos DimailigFigure 1

Marami na ang mga Pilipinong wala nang tiwala sa ating bansa. Naniniwala silang wala nang silbing mamuhay rito sa Inang Bayan. Ang paniniwala ng marami ay palaging mas mabuting mamuhay at magtrabaho sa ibang bansa. Sa tingin nila, magiging mapayapa ang mga buhay nila roon. Hindi na sila naniniwalang giginhawa pa ang mga buhay nila sa Pilipinas kayat nangingibang-bansa sila.

Saksakan daw ng kawalang-hustisya rito sa Pilipinas kayat walang mabuting nangyayari. Sa trabaho man daw, mararaming mga mapang-abuso na amo. Kinakamkam lamang nila ang iyong mga tagumpay at hinahamak ka sa bawat kapintasan at mali mo. Tapos saw along oras na pagtatrabaho, hindi pa sapat ang sahod para sa pamilya kayat wala nang ganang magtrabaho ang mga Pilipino. Hindi na sila naniniwala sa katagang Nasa tao ang gawa. Nasa Diyos ang awa. Para sa kanila, Nasa tao ang gawa. Nasa amo ang awa.

Sa pagkabata pa lang daw, may kawalang-hustisya na raw. Sa mga mahihirap, hindi raw nila natitikim ang sapat na edukasyon. Sa tingin nila, dehado maging mahirap sa bawat aspeto. Masungit yung guro, wala man lang papel o lapis sa paaralan at parang sardinas sa lata ang bawat klase sa dami ng mga estudyante. Mainit pa ang kapaligiran. Nawalan nan g sigla ang mga estudyante na pumasok kaya lumiliban na lamang sila kayat hindi sila natututo.

Ngunit ang pinakalumilitaw na isyu ng mga Pilipino ay ang pamahalaan. Ubod ng katiwalian, sabi nila! Sa bawat perang natatanggap ng gobyerno, ibinubulsa ang mga ito. Sila dapat ang maging ehemplo ng mabuting Pilipino! Puro mga kurakot na lamang ang pumupunta sa pamahalaan kayat yan, napakabagal ng pag-usad dito sa Pilipinas. Kung ang mga ibang bansa ay mga ibat ibang hayop ang Pilipinas ang nag-iisang pagong dahil sa katiwalian. Yung mga mayayaman lalong yumayaman at ang mga mahihirap lalong humihirap.Sa mambabasa, sigurado akong narining mo na ang mga reklamong ito sa mga Pilipino. Bihira ka lamang makakakita ng papuri sa ating bansa. Kumakalat na ang ideya rito sa Pilipinas na walang kuwenta ang ating bansa. Hati-hati ang mga ideya nila sa mga ugat ng problema ng ating bansa ngayon kawalang-hustisya, edukasyon, katiwalian, o kayat naiwanan na tayo sa karera ng mga bansa sa mundo, tila pagong. Pero napansin mo ba na ang mga ideya ng isang tao ang umuukit sa kanyan kinabukasan? Halimbawa: May isang Pilipinong naniniwala na ang dahilan sa sitwasyon ng Pilipinas ngayon ay ang katiwalian. Dahil dito, maari siyang magreklamo sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsusulat sa gobyerno. Kung maging manhid man ang pamahalaaan sa kanyang mga liham, maari siyang maging aktibista laban sa pamahalaan. Dahil dito, maaring patayin siya dahil sa kanyang pagiging aktibista. Ngunit sabihin natin na may kaibigan itong Pilipinong ito na kapwa Pinoy rin. Ngunit, naniniwala siyang edukasyon ang nag-iisang ugat sa sitwasyon ng Pilipinas kayat magsusulat siya sa mga punong-guro ng mga paaralan at magrereklamo. Kung magiging manhid ang mga paaralan sa mga reklamo niya, maaaring kasuhan niya ang paaralan sa pagiging pabaya sa kanilang mga gawain. Matalo o manalo man ang Pilipino, nakapagbigay siya ng mensahe sa punong-guro na ayusin ang pagpapatakbo ng paaralan. Napakalayo ng dalawang sitwasyon sa bawat isa diba? Ngunit, magkaibigan nga sila. At kapwa Pilipino. Pero ang nag-iisang pagkakaiba nila ay ang mga ideya nila. Ito ang umuukit sa landas nila sa kanilang mga buhay. Ito ang tunay na sitwasyon sa ating bansa: ibat iba an gating mga paniniwala. Para sa iba, ang pamahalaan mismo ang sanhi ng problema ngunit may naniniwalang ang edukasyon dapat pero para sa iba, manahimik na lamang ang mamuhay nang simple. Pero hindi ba napapansin ng mga Pilipino na ito mismo ang dahilan ng problema ng bansa? Ang ating mga ideya ang nagwawatak-watak sa ating Inang Bayan kayat lalong lumulubha ang sitwasyon. Imbis na ibuklod tayo sa iisang ideya, nawawalan ng kaisahan ang bayan.

Kailangan natin baguhin ito. Kailangan natin ng kaisahan sa bayan. Kailangang baguhin an gating mga ideya. Dapat maniwala tayo na ang kaisahan ng bansa ang kailangan natin sapagkat ito ang magiging saligan ng ating pagtungo sa mas mabuting kinabukasan para sa Pilipinas. Kailangan nating magbuklod-buklod at sakupin ang mga problema ng Inang Bayan. Bigyan natin nga atensyon ang pagkakaisa sapagkat hindi natin kayang lutasin ang mga problema natin na mag-isa. Kailangang umaksyon ang buong bayan. Kailangang bigyang-salikhas ang kaisahan dahil ito lamang ang makakatulong sa sitwasyon n gating Inang Bayan.