makasaysayang pook

Upload: bennie-fontanilla

Post on 30-Oct-2015

270 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

makasaysayang pook sa pilipinas

TRANSCRIPT

Aguinaldo Shrine

Proyekto sa Hekasi

Ipinasa ni:

Maria Angelica T FontanillaIpinasa kay:

Ginang Janet Ladesma

Mga Makasaysayang Pook at Gusali

Aguinaldo Shrine Fort Santiago Fort Pilar

Krus ni Magellan

Rizal ShrineKatutubong Sayaw

Binasuan

Itik-itik

maglalatik

Subli

Tinikling

Katutubong Kasuotan sa Pilipinas

Barong Tagalog

Saya

Katutubong PagdiriwangMaraming katutubong pagdiriwang sa Pilipinas. Isinasagawa rin ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Makikita rito ang mga kaugalian at katangiang PilipinoPaskoMahalaga para sa mga kapatid nating Kristiyano ang pagdiriwang ng Kapaskuhan tuwing ika-25 ng Disyembre. Araw ito ng paggunita sa pagsilang ni Jesus, ang Anak ng Diyos ng mga Kristiyano. Misa de gallo o simbang-gabi ang hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16 ng Disyembre. Ang misa de gallo ang magkakasunod na siyam na simbang-gabi hanggang sumapit ang araw ng Pasko. Nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang nito. Marami ang dumadalo sa misang ito. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak dito.Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin tuwing sasapit ang Pasko. Isang araw rin ito para sa mga mahal sa buhay - mga kamag-anak at mga kaibigan - at pati na rin ng mga kaaway. Kailangang maghatid ang bawat Kristiyanong Pilipino ng kapayapaan hindi lamang sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Kung kaya't dapat tandaan na ang mensahe ng Pasko ay pagmamahal at kapayapaan. Tanda rin ito ng pagkakabuklod ng mga mag-anak. Nagsasama-sama rito o nagkakaroon ng reunion ang mga kasapi ng mag-anak.Isa pang napakagandang pagdiriwang kung Pasko ang parada ng makukulay at maiilaw na parol na yari sa San Fernando, Pampanga. Dinarayo ng mga turista ang paradang ito.

Ati-atihanIto ay pagdiriwang sa Kalibo, Aklan. Tatlong araw ito ng pag-awit at pagsayaw sa mga daan. Nagpaphid ng uling o anumang itim na pangkulay sa buong katawan ang mga sumasali sa parada. Nagsusuot pa sila ng makukulay na kasuotan habang nagsasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol sa kalsada. Hawak ang imahen ng Santo Nio ng isang ati habang sumsayaw. Sumisigaw naman ng "viva" ang iba sa kanilang pagsasayaw. "Mahabang buhay' ang kahulugan ng salitang viva.

Mahal na ArawIsang napakahalaga at natatanging tradisyon ito ng mga Katolikong Pilipino. Nagkakaisa ang ito sa pagdaraos nito. Karaniwang makaririnig ng pabasa sa baryo, kapilya, at pati na sa mga tahanan na ikinukuwento ang buhay ni Cristo. Penitensiya naman ang tawag sa ginagawa ng mga Pilipinong nagpapasakit o namamanata tuwing Mahal na Araw, Kanilang pinahihirapan at pinarurusahan ang sarilisa pagdadala ng krus o pagpalo at pagsugat sa kanilang mga katawan. Isang prusisyon ng mga rebulto ni Cristo at iba pang santo ang inilalakad sa mga pangunahing daan ng baryo o bayan tuwing Biyernes Santo. Maingay at masayang naririnig ang kampana ng lahat ng simbahan tuwing Linggo ng Pagkabuhay upang ipabando o ipahayag ang muling pagkabuhay ng ating Panginoon.May isa pang gawaing isinasagawa tuwing Mahal na Araw. Ito ang Moriones ng Marinduque. Isang makulay na kaugalian pang-Mahal na Araw ito. Nagsusuot ng damit ng mga Romanong sundalo at makukulay na maskara ang mga namamanata.

PahiyasIsang tradisyon din ito. Pinararangalan dito ang santo ng mga magsasaka na si San Isidro de Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong pagkain sa pintuan at mga bintana ng kanilang bahay.Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San Isidro ang pagbasbas sa mga kalabaw. Ipinaparada ng mga magsasaka ang kani-kanilang mga kalabaw patungo sa simbahan upang mabasbasan ng pari. Naniniwala sila na malalayo sila at ang kanilang mga kalabaw sa mga sakit at aksidente sa pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang ito na kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing buwan ng Mayo.

Santakrusan Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang santakrusan ay isinasagawa kung Mayo. Isang prusisyon ito na nagpapakita at isinasadula ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus. Maraming naggagandahang kababaihan sa prusisyong ito na kumakatawan kay Birheng Maria at iba pang mga babaing tauhan sa Bibliya at mga akadang kaugnay nito.

Pista ng PeafranciaIsang kapistahan ang idinaraos tuwing Setyembre 17 sa Lungsod ng Naga,Camarines Sur sa rehiyon ng Bicol. Isang prusisyon sa ilog ng mapagmilagrong imahen ng Birhen ng Peafrancia ang dinarayo sa pagdiriwang na ito. Isinasagawa ang prusisyong ito sa Ilog ng Naga at kalalakihan lamang ang lumalahok. Magandang nilagyan ng palamuti ang trono ng birhen na nasa isang kasko.

Araw ng mga Patay o Todos los SantosIpinagdiriwang ito tuwing unang araw ng Nobyembre. Ginugunita at pinararangalan ang mga namatay na kamag-anak sa araw na ito. Karaniwang nagtutungo ang mga Pilipino sa sementeryo upang magsindi ng mga kandila, mag-alay ng mga bulaklak at pagkain, at magdasal para sa namatay na mga mahal sa buhay. Nagkakaisa rin ang mga Pilipino sa pagsasagawa ng mga kaugaliang ito.

RamadanIsang buwang pagdiriwang ito ng ating mga kapatid na Muslim sa Timog tuwing Marso hanggang Abril. Sama-sama at nagkakaisa rin sila sa pagdiriwang ng okasyong ito. Mahalagang pagdiriwang ito sa kanila. Idinaraos ang kaugalian at tradisyong ito ng mga tagasunod ng Islam sa buong mundo. Nagsusuot ng mahabang belo sa kanilang mukha ang mga babaing Muslim kapag nagtutungo sila sa kanilang mosque. Nangingilin or nag-aayuno ang lahat ng mga Muslim sa mga pagdiriwang na tulad nito. Nagdarasal sila kay Allah na kanilang Panginoon. Ginugunita nila ang pakakahayag o rebelasyon ng Koran kay Mohammmed, ang propeta ng Islam. Nagbabasa pa sila ng Koran. Ang Koran ay banal na aklat ng mga Muslim.

Hari Raya PuasaPagkatapos ng Ramadan, ipinagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim ang Hari Raya Puasa. Isa itong pasasalamat nila. Nagsisimula at ginigising sila ng malalakas na ingay ng mga tambol. Agad silang nagbibihis ng kanilang magagarang kasuotan at nagtutungo sa mosque. Nagdarasal sila ng isang oras. Imam ang tawag sa kanilang pari.