mga makasaysayang pook sa pilipinas

13
Mga Makasaysayang Pook sa Ating Bansa MAKASAYSAYANG POOK- Ang tawag sa isang lugar kung saan naganap ang isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan.

Upload: michaela-tandoc-muyano

Post on 01-Nov-2014

952 views

Category:

Documents


65 download

DESCRIPTION

Mga makasaysayang pook sa ating bansa.

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Makasaysayang Pook sa Pilipinas

Mga Makasaysayang Pook sa Ating Bansa

MAKASAYSAYANG POOK- Ang tawag sa isang lugar kung saan naganap ang isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan.

Page 2: Mga Makasaysayang Pook sa Pilipinas

RIZAL SHRINE SA CALAMBA- Itinuturing na makasaysaynang Rizal Shrine sa Calamaba

Laguna sapagkat dito lumaki si Dr. Jose Rizal.

Page 3: Mga Makasaysayang Pook sa Pilipinas

RIZAL SHRINE SA DAPITAN- matatagpuan sa Zamboanga del Norte. Sa lugar na ito ipinatapon si Rizal ng pamahalang Espanyol dahil sa isang

kasalanang ibinintang sa kanya.

Page 4: Mga Makasaysayang Pook sa Pilipinas

FORT SANTIAGO - Nasa Intramurros, Maynila. Dito ikinulong ng mga Espanyol si Rizal bago barilin sa Bagumbayan ( Luneta).

Page 5: Mga Makasaysayang Pook sa Pilipinas

RIZAL PARK- Matatagpuan sa Luneta sa Maynila. Dito binaril ng mga sundalong Espanyol

si Rizal noong ika-30 ng Disyembre 1896.

Page 6: Mga Makasaysayang Pook sa Pilipinas

• AGUINALDO SHRINE-Sa kawit Cavite matatagpuan. Ito ang bahay ni Emilio Aguinaldo. Sa balkonahe ng bahay na ito inihayag ni Heneral Aguinaldo ang kalayaang Pilipinas noong ika- 12 ng Hunyo 1898.Kasabay nito ang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa unang pagkakataun. Sa pagkakataon din ito unang pinatugtog ang Himig ng Lupang Hirang ang ating pambansang awit.

Page 7: Mga Makasaysayang Pook sa Pilipinas

PUGAD-LAWIN-matatagpuan sa Lungsod ng Quezon. Dito naganap ang makasaysayan Sigaw sa

pugad lawin noong ika-23 Agosto 1896.

Page 8: Mga Makasaysayang Pook sa Pilipinas

• KRUS NI MAGELLAN- Sa Lungsod ng Cebu matatagpuan. Isang replikan nalamang ang makikitasa loob ng gusali. May walong dingding o hugis octagon.

Page 9: Mga Makasaysayang Pook sa Pilipinas

• PALASYO NG MALACANANG-matatagpuan sa Maynila. Ito ay opisyal na tirahaan ng Pangulo ng Pilipinas. Itnayo ito noong panahon ng pananakop ng mga Espanyo.

Page 10: Mga Makasaysayang Pook sa Pilipinas

• SIMBAHAN BARASOAIN- Malolos Bulacan matatagpuan, Sa Simbahang ito unang nagpulong ang mga hinirang na kinatawan sa Kongreso ng Malolos noong ika15 ng Setyembre 1898. Dito Binuo ang saligang batas ng Malolos sa pamumuno ni Felipi Calderon.

Page 11: Mga Makasaysayang Pook sa Pilipinas

• CORREGIDOR- Sa isang pookng look ng Maynila ang Corregidor,i to ay sakop Cavite . Naging tangulan ito ng mga Pilipino nang sakupin ng mga Hapones ang ating bansa .Ang mga sundalong Pilipino at Americano ay magkasamang lumaban sa mga sundalong Hapones.. Ipinamalas nila ang kanilang tapang at galing sa pakikipaglaban

Page 12: Mga Makasaysayang Pook sa Pilipinas

• DAMBANA NG KAGITINGAN- Samat Bataan. Isang malaking krus.Ito ay itinayo bilang parangal sa mga sundalong Pilipino at Amerikanona lumaban sa mga Hapones noong ikalawang Digmaan Pandaigdigan.

Page 13: Mga Makasaysayang Pook sa Pilipinas

• EDSA SHRINE- makikita sa Edsa Shrine sa panulukang Ortigas Avenueat Edsa. Nakaharap ang dambana sa Edsa.