pinoy chronicle may

8
IKA NGA NI KONSUL PAHINA 3 "VISA FREE SA JAPAN" PAHINA 4 SPECIAL FEATURE PAHINA 5 YOUR WEEKLY HOROSCOPE PAHINA 6 PINOY-BIZZ PAHINA 7 MANGAGAWANG PINOY ARAW MO NGAYON MORE JOBS FOR PINOYS IN SOUTH KOREA AND CANADA PINOY-AMERICAN COMPOSER PASOK SA TIME 100'S MOST INFLUENTIAL IKAW- 5 BABY NI MANNY, ISINILANG NA JESSY MENDIOLA ANG BAGONG "DARNA?" MAY 2014 FIRST ISSUE T housands of jobs are now available for Filipino skilled workers in South Korea and Canada. Young and skilled Filipino wokers, age between 20-25 years old are the most in-demand for small and medium fast growing manufacturing business in South Korea. While in Canada, the only available job listing are from engineering, health and food services. The Canadian government however, will decrease applica- tion process for permanent residency for all Filipino workers 3-6months. POEA's reminder to all Filipinos who consider working abroad especially in South Korea and Canada to make sure that they meet the working experience, age and laguage efficiency requirement. They also added to apply to licensed recruitment agency only. PAHINA 5 Sulat ni irene b. tria OBAMA VISITS JAPAN FOR SUMMIT & SECURITY TIES Page 2 T ila hindi pa rin makapaniwala ang US-based Filipino-American song writer na si Robert Lopez para sa kanyang hit song na “Let It Go” nang mapabilang siya sa Time 100’s Most Influential. Ayon sa mga kasamahan nitong sina Trey Parker at Matt Stone para sa kanilang Time profile “Robert and his wife are both completely steeped in the traditions of Broadway musicals”. Kamakailan lamang ay nanalong Oscars’ Best Original Song si Robert para sa kanyang komposisyon ng awiting “Let it go” na ginamit sa Disney movie Frozen. Isa rin si Robert sa mga maswe- swerteng indibidwal na nagkamit ng grandslam award sa entertainment industry na mas kilala sa tawag na “EGOT”-Emmy, Grammy, Oscar at Tony. Dahil sa pagkilalang ito ng Time, naihanay na ngayon si Robert sa mga ma-impluwensyang tao tulad nina international pop superstar Beyonce, pati na rink ay U.S. President Barack Obama at kay Pope Francis. I pinanganak na ang ika-limang anak ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na pinangalanan nilang Israel. Isini- lang ng kanyang may-bahay na si Vice Gov- ernor Jinkee Pacquaio ang kanilang bunso na nagtimbang ng 8.1lbs sa General Santos City Doctors Hospital. Mismong ang Saranggani Congressman ang nagbahagi ng larawan nilang mag-asa- wa habang nagdadasal. Ito ay bago isalang sa delivery room si Jinkee na nagluwal sa pamamagitan ng Caesarian section. Sa kanyang mga naunang interview, sinabi ni Jinkee na hindi talaga nila plano ang mag- karoon ng panibagong supling. Pero dahil ito ang ipinagkaloob sa kanila ay labis nila itong ipinagpapasalamat. Dahil sa kanyang pagbubuntis ay hindi nakasama si Jinkee sa huling laban ni Manny kay Timothy Bradley Jr, na kan- yang binawian ng World Boxing Organiza- tion (WBO)’s welterweight title. Kapalit ng kabiyak ay nakasama ni Pacman ang kanyang sikat ding ina na si Mommy Dionisia.

Upload: buzz-ng-japan-the-pinoy-chronicle

Post on 23-Feb-2016

367 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

The Pinoy Chronicle May First Issue

TRANSCRIPT

Page 1: Pinoy Chronicle May

DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipino

IKA NGA NI KONSUL PAHINA 3 "VISA FREE SA JAPAN" PAHINA 4 SPECIAL FEATURE PAHINA 5 YOUR WEEKLY HOROSCOPE PAHINA 6 PINOY-BIZZ PAHINA 7

MANGAGAWANG PINOY ARAW MO NGAYONMORE JOBS FOR PINOYS IN SOUTH KOREA AND CANADA

PINOY-AMERICAN COMPOSER PASOK SA TIME 100'S MOST INFLUENTIAL

IKAW- 5 BABY NI MANNY, ISINILANG NA JESSY MENDIOLA ANG BAGONG

"DARNA?"

MAY 2014 FIRST ISSUE

T housands of jobs are now available for Filipino skilled workers in South Korea and Canada. Young and skilled Filipino wokers, age between 20-25 years old are the most in-demand for

small and medium fast growing manufacturing business in South Korea. While in Canada, the only available job listing are from engineering, health and food services. The Canadian government however, will decrease applica-tion process for permanent residency for all Filipino workers 3-6months. POEA's reminder to all Filipinos who consider working abroad especially in South Korea and Canada to make sure that they meet the working experience, age and laguage efficiency requirement. They also added to apply to licensed recruitment agency only.

PAHINA 5Sulat ni irene b. tria

OBAMA VISITS JAPAN FOR SUMMIT

& SECURITY TIESPage 2

Tila hindi pa rin makapaniwala ang US-based Filipino-American song writer na si Robert Lopez

para sa kanyang hit song na “Let It Go” nang mapabilang siya sa Time 100’s Most Influential. Ayon sa mga kasamahan nitong sina Trey Parker at Matt Stone para sa kanilang Time profile “Robert and his wife are both completely steeped in the traditions of Broadway musicals”. Kamakailan lamang ay nanalong

Oscars’ Best Original Song si Robert para sa kanyang komposisyon ng awiting “Let it go” na ginamit sa Disney movie Frozen. Isa rin si Robert sa mga maswe-swerteng indibidwal na nagkamit ng grandslam award sa entertainment industry na mas kilala sa tawag na “EGOT”-Emmy, Grammy, Oscar at Tony. Dahil sa pagkilalang ito ng Time, naihanay na ngayon si Robert sa mga ma-impluwensyang tao tulad nina international pop superstar Beyonce, pati na rink ay U.S. President Barack

Obama at kay Pope Francis.

Ipinanganak na ang ika-limang anak ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na pinangalanan nilang Israel. Isini-

lang ng kanyang may-bahay na si Vice Gov-ernor Jinkee Pacquaio ang kanilang bunso na nagtimbang ng 8.1lbs sa General Santos City Doctors Hospital. Mismong ang Saranggani Congressman ang nagbahagi ng larawan nilang mag-asa-wa habang nagdadasal. Ito ay bago isalang sa delivery room si Jinkee na nagluwal sa pamamagitan ng Caesarian section. Sa kanyang mga naunang interview, sinabi ni Jinkee na hindi talaga nila plano ang mag-karoon ng panibagong supling. Pero dahil ito ang ipinagkaloob sa kanila ay labis nila itong ipinagpapasalamat. Dahil sa kanyang pagbubuntis ay hindi

nakasama si Jinkee sa huling laban ni Manny kay Timothy Bradley Jr, na kan-yang binawian ng World Boxing Organiza-tion (WBO)’s welterweight title. Kapalit ng kabiyak ay nakasama ni Pacman ang kanyang sikat ding ina na si Mommy Dionisia.

Page 2: Pinoy Chronicle May

2 DaloyKayumanggi

Impormasyon ng PilipinoPinoy-localMAY 2014 FRIST issuepage 2

Sa kauna-unahang pagkakataon sabay na idineklarang santo ang dalawang Santo Papa na sina John Paul II at

John XXII sa pangunguna rin ng dalawang living Pope na sina Francis at Emeritus Pope Benedict XVI. Tinatayang isang milyong deboto ang dumagsa sa St. Peter’s Square upang personal na dumalo sa misa habang milyun-milyon naman ang nanonood sa iba’t ibang panig ng mundo sa kanilang mga telebisyon at ang iba naman ay live streaming via Internet.Halos hindi mahulugang karayom ang b u o n g l a n s a n g a n n g R o m a p a t i a n g paligid ng Vatican hanggang sa St Peter’s Square kung saan naganap ang isang napakamakasaysayang kaganapan para sa Simbahang Katoliko.

Ang mga deboto na lumahok upang maging saksi ay may mga kanya-kanyang d a l a n g b a n d i l a a t b a n n e r s , n a m a s nakakarami ang pula at puting bandila na sumisimbolo sa bansang Poland kung saan nagmula si John Paul II. Sa pangunguna ni Pope Francis sinimulan ang seremonya sa pagbibigay ng mga relics nina John Paul II at John XXIII upang halikan at ilagay sa altar.Pagkatapos ng misa ay binuksan ang Stang St Peter’s Basilica para sa lahat ng mga debotong nais makita ang nitso ng dalawang bagong santo. Samantala, nakiisa rin ang Pilipinas sa kaganapan na ito sa pamamagitan ng inihandang tribute at misa sa pangunguna ni Manila Archibishop Luis Antonio.

JOhn paul II at john xxiii canonization

KASONG "SEX FOR FLIGHT" IBINASURAHONG KONG AT PILIPINAS NAGKAAYOS NA!

U.S. president barack obama dumalaw sa pilipinas

Dumating sa bansa noong nakaraang lunes Abril 28, 2014, si U.S. President Barack Obama bilang bahagi ng kanyang 4-nation tour sa mga kaalyadong bansa

sa Asya. Itinaas sa red alert ang buong militar at kapulisan pati na rin ang PSG (Presidential Security Group) na nanguna upang masiguro ang seguridad ni Pres. Obama habang nasa bansa. Ipinatupad din ang no-fly zone sa paligid ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dalawang oras bago lumapag ang sinasakyang eroplano ni U.S. president. Kabilang sa no-fly zone ang mga paliparan ng Sangley, Lipa at San Ildefonso na may 39-72 kilometro ang layo mula Manila patungong NAIA. Kabilang din ang pagpapatupad ng no-sail zone sa Pasig River na tagusan ang palasyo ng Malacanang. Ayon kay PCOO Secretary Hermino Coloma Jr., ang pagdalaw ni Pres. Obama ay naglalayong maisulong ang istratehikong pakikipag-ugnayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. At ang pagnanais na mas lalo pang mapatatag at mapatibay ang relasyon ng dalawang bansa. Kaugnay rin sa pagdalaw na ito, nilagdaan din ni nilagdaan din ni Pres. Obama ang increased rotational presence ng US troops sa Pilipinas na nakapaloob sa Enhanced Defense Cooperation Agreement sa loob ng 10 taon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Dagdag pa rito ay sa ilalim ng kasunduang ito ay mabibigyan ng access ang mga tropa ng Amerika sa mga military camps sa bansa kung saan maaring maglagay ang Amerika ng mga fighter jet at barkong pandigma. Kumpiyansa naman ang American Chambers Philippines na ang kauna-unahang pagbisita na ito ni Pres. Obama ay hudyat ng mas mabuting relasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.

Hindi nagustuhan ng partylist group na Gabriela ang naging desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inabswelto ang isang Filipino labor official sa

Riyadh na nadidiin sa kasong sex for flight. Ayon kay Grabriela Representative Emmie de Jesus, isang “unfortunate gift” para sa mga babaeng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagpapalusot sa dating assistant labor attaché Antonio Villafuerte ngayong darating na Labor Day. Bunga ng kakulangan ng sapat na ebidensya hinggil sa sinampang kaso laban kay Villafuerte ng Committee on Decorum and Investigation ng DOLE ay ni-reprimand lamang ito. Na ngayon ay pinangangambahan nina de Jesus dahil baka mas lalong magkaron ng lakas ng loob ang mga naturang opisyal matapos na paboran si Villafuerte. Matatandaang isinampa ang kaso kay Villafuerte dahil sa di-umano’y nag-aalok ito ng plane ticket pabalik ng Pilipinas sa mga distressed Pinays at ang kapalit ay ang pakikipagtalik sa mga labor official. Dagdag pa rito ay ang mga malalaswang biro ng mga embassy officials kung saan ginamit ang mga salitang “salungki” at “salungso”.

N oong nakaraang Miyerkules, Abril23 ay natuldukan na ang sigalot sa pagitan ng dalawang magkalapit na bansa sa Timog-Silangang Asya ang Hong Kong at Pilipinas. Matatandaan na nagkaroon ng hidwaan ang

dalawang bansa kaugnay sa naganap na 2010 Manila hostage crisis kung saan ikinasawi ng walong foreigners kabilang na dito ang mga Hong Kong national. Matapos tumulak papuntang Hong Kong si dating Pangulo at kasalukuyang Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada upang humingi ng tawad sa mga pinuno ng Hong Kong ay naayos na ang namagitang problema sa dalawang bansa.Mayroong apat na kahilingan ang Hong Kong na dapat matupad ng Pilipinas upang tuluyan nang maayos ang gusot sa pagitan nila: paghingi ng tawad sa pamilya ng mga nasawi at kaukulang compensation sa mga naulila, mapanagot ang lahat ng mga nagkulang sa hostage crisis at siguraduhin ang kaligtasan ng kanilang mga national sakaling maging

turista muli sa Pilipinas. Dagdag pa ng pamahalaan ng Hong Kong na pinawalang bisa na nila ang diplomatic sanctions sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas kung saan tinanggal nila ang 14-day visa-free access. Nagpadala din ng liham ng paghingi ng paumanhin ang Philippine National Police chief Director Alan Purisima sa mga naging biktima ng hostage crisis sa Rizal Park na tumagal nang halos sampung oras.

cedric lee at zimmer, hawak na ng nbi

Hawak na ng mga otoridad ang dalawa sa pito kataong kinasuhan ni Vhong Navarro kaugnay ng pambubugbog at

extortion sa kanya noong Enero 22 taong kasa-lukuyan. Sina Cedric Lee at si Simeon Palma na kilala ring si Zimmer Raz ay sa Oras, Eastern Samar noong Abril 26 nang mahuli ng mga alagad ng National Bureau of Investigation at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP). Ang pagdakip sa dalawa ay may kinala-man sa arrest warrant na inilabas ni Judge Paz Esperanza Cortez ng Taguig Regional Trial Court dahil sa serious illegal detention na isa sa maraming kasong isinampa ni Vhong. Walang piyansa ang illegal detention laban sa dalawang suspek kaya hangga’t hindi sila na-papatunayang walang sala ay makukulong sila. Sa kabilang banda ay nakapagpiyansa naman si Berniece Lee, kapatid ni Cedric na kasama rin sa mauling incident, dahil bailable ang case nito na Grave coercion. Sa ngayon ay nasa detention facility na sila sa loob ng NBI headquarter sa Maynila. Sinabi ng dalawa na kusang loob silang sumuko pero ayon sa ulat ng NBI at panayam kay Justice Sec-retary Leila De Lima ay nagtangka pa umanong tumakas ang mga ito. Sa ibang panayam ay binanggit din ni Sec. De Lima na may isa sa kasama sa umano’y “Oplan Bugbog” ni Cedric ang handang tumestigo laban sa negosyante. Maliban sa illegal detention ay nakahabla rin ang dalawa kasama na si Deniece Cornejo, Berniece, Ferdinand Guerero at iba pa ng black mail, serious physical injuries, grave threat, unlawful arrest, at blackmail. As of press time, pinaghahanap pa rin ang modelong si Deneice at iba pang akusado.

Page 3: Pinoy Chronicle May

3DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipino pinoy-global

OBAMA VISITS JAPAN FOR SUMMIT & SECURITY TIES

EARTHDAY 2014 to fight climate change

FIL-AM FILMAKER shows his new project at wondercon

MAY 2014 FRIST issue page 3

ni Consul- General Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio

ika nga ni

konsul

Kayo po ba ito? Isa po ba kayo sa nagtatanong sa Pasuguan ng Pilipinas: “Paano mapapatunayang ang isang bata ay Pilipino at maaaring makinabang sa lahat ng karapatan at maging

saklaw sa lahat ng pananagutan ng bawat Pilipino?” Sa pamamagitan ng pagrehistro ng kapanganakan, nakikilala ang isang bata bilang mamamayang Pilipino. Ayon sa Saligang Batas ng Pili-pinas, Artikulo 4, Seksyon 1, ang mga sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas: (1) Mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagka-kapatibay ng 1987 Konstitusyon; (2) ang ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas; (3) Mga isinilang bago sumapit ang ika-17 ng Enero 1973 ng Pilipinong ina at namili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at (4) Mga naging mamamayan ayon sa batas. (naturalized Filipinos). Ayon sa batas, obligasyon ng magulang na mairehistro ang bata sa loob ng tatlumpung (30) araw matapos ang kanyang kapanganakan. Kung lampas na ang tatlumpung araw, ang pagtatala sa kanya ay proseso na nang “late registration”. Upang mairehistro ang kapanganakan ng isang mamamayang Pilipi-no sa Japan, kailangang ipasa ng mga magulang ng bata sa Pasuguan ng Pilipinas sa Tokyo ang orihinal at apat (4) na kopya ng mga sumusunod:1. Report of Birth Forms na maaaring makuha sa website ng Pasuguan

o sa Pasuguan. Kailangang pare-pareho ang mga detalye, orihinal ang lahat ng pirma sa apat na kopya ng ulat ng pagsilang sapagkat dadalhin ang tatlo rito sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan – sa DFA, NSO at sa Embahada ng Pilipinas. Ang applikante ang kukuha ng pang-apat na kopya.

2. Birth Certificate o “Shussei Todoke no Kisai Shomeisho” ng bata na may hanko ng City Hall at Ospital kung saan ipinanganak ang bata upang mapatunayan ang mga detalye ng kapanganakan ng bata.

3. Marriage Certificate o Report of Marriage ng mga magulang upang mapatunayang kasal ang mga magulang. Kung ang mga magulang ng bata ay hindi kasal sa isa’t isa, kailangang gumawa ang ama ng “Af-fidavit of Admission of Paternity” upang maipangalan ang bata sunod sa apelyido ng ama. Kung wala ito, hindi mairerehistro ang bata sa pangalan ng ama. Bagkus, ang dadalhin ng bata ay ang apelyido ng kanyang ina at walang panggitnang pangalang ilalagay sa itatalang birth certificate ng bata.

4. NSO-certified Birth Certificate at Valid Passport ng inang Pilipino. Kung ang ina ay hindi Pilipino, maaaring magbigay ng kopya ng kan-yang passport o kahit anong valid ID.

5. NSO Birth Certificate at Valid Passport ng amang Pilipino. Kung ang ama ay hindi Pilipino, maaaring magbigay ng kopya ng passport o ka-hit anong valid ID.

6. “Affidavit of Delayed Registration” kung ang Report of Birth ay ipi-nasa ng lampas sa tatlumpung araw pagkatapos ng pagkapanganak sa bata.

7. “Affidavit of Legitimation” kung ang bata ay ipinanganak bago makasal ang mga magulang. Sa pagkakataong ito, kailangang ang mga magulang ay walang hadlang sa pagpapakasal nang mabuntis ang ina ng bata.

8. Para sa mga batang limang (5) taong gulang at pataas na hindi pa nai-irehistro, kailangang magsumite ng NSO Certificate of No Birth Re-cord upang mapatunayang ang bata ay hindi pa rehistrado sa Pilipinas.

Mangyari po lamang na ang kopya ng mga dokumento ay dapat nasa A4 size ng papel. Itatala ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo ang mga batang ipinanganak sa mga sumusunod na probinsya sa Japan: Nagano, Niigata, Shizuoka, Yamanashi, Gunma, Saitama, Kanagawa, Tokyo, Chiba, Ibaraki, Tochigi, Fukushima, Yamagata, Miyagi, Iwate, Akita, Aomori, Hokkaido at Okinawa. Ang Konsulado sa Osaka ang magtatala ng pagkapanganak ng mga batang galing sa iba pang prefecture sa Japan. Bawat bata ay may karapatang magkaroon ng pangalan at mairehistro sa tamang paraan. Sa pagkakaroon ng pangalan at pagrerehistro ng bata, maaari nang magkaroon ang bata ng karapatang mabigyan ng pasaporte ng Pilipinas. Ang bawat Pilipinong magulang ay may tungkuling ibigay sa bata ang kanyang mga karapatan at ang pagpaparehistro sa bata ang unang hakbang para dito.

Tandaan, kapag ayon sa batas, lutas!

REPORT OF BIRTH

T he people behind Earth Day are pushing their campaign as a viable solution to the problems brought about by climate change.

The Earth Day Green Cities Campaign, launched last year in effort to promote sustainable urban development in cities around the world aims to help foster sustainable growth while making a concerted effort to reduce carbon emission and a city’s carbon footprint in general. The first part of the campaign focuses on the energy where large cities have insatiable appetites for energy, the second focuses on deals with infrastructure, com-pared to the average urban homes, large buildings can have considerate effects on the environment. These large buildings have a large carbon footprints and the third focuses on transportation, increase public transportation options invest in alternative ways of transportation and improve city walkability and bikeability.

Patricio Ginelsa a Fil-Am filmmaker made a splash with his 20- minute short film “Black Tiger” at the WonderCon Comic Book Convention in Anaheim California.

His short film “Black Tiger” was crow-founded via donation though Indiegogo and kickstarter, based on independent comic book created by one of Ginelsa’s college classmates. The movie features world wrestling entertainment diva Angela Gong, Mortal Kombat’s Robin Shou and Rico Anderson of Star Trek Renegades. For now “Black Tiger” even 20 minutes long debuted strong Ginelsa and creator John Hervey are already looking forward into possibility of expanding the film to become full length or a multi-part series.

The US National Basketball Association (NBA) is now investigating a report alleging the L.A. Clippers owner Donald Sterling since 1981 made a racist

remarks. In a recording posted on TMC celebrity website, a man say is Donald Sterling is heard asking a woman not to broadcast her association with black people nor bring them to games or post it in her instagram. In this conversation Mr. Sterling mentioned Magic Johnsons name, due to this magic johnson later re-sponded on his Twitter account, saying "I will never go to a Clippers game again as long as Donald Sterling is the owner. On Sunday, US President Barack Obama said that alleged comments were "incredibly offensive racist state-ment". NBA spokesman Mike Bass said in a statement that

"We are in the process of conducting a full investigation into the audio recording obtained by TMZ". Clippers Owner and staff said in a joint statement pub-lished later by TMZ, "We have heard the tape on TMZ. We do not know if it is legitimate or it has been altered. "But we do know that the woman on the tape- who we believe released it to TMZ - is the defendent in a lawsuit brought by the sterling family". Mr. Sterling feels terrible that such staements are beign attributed to him and apologies to anyone might have been hurt by them.

Wednesday evening at Haneda Airport U.S. President Barack Obama arrived, as the start of his seven-day Asian tour, to reaffirm

America’s commitment in maintaining regional security. Obama stayed in Tokyo for 2 1/2days before moving to South Korea, Malaysia and Philippines to meet with other top leaders. This trip to Asia is to recover U.S. credibility as a regional partner, due to last year’s cancelation which raises doubts among Asian top leaders. Obama hold a 105-minute summit with Japan's Prime Minister Shinzo Abe to issue a joints statement reaffirming the impor-tance of the Japan-U.S. alliance as a stabilizer in the Asia-Pacific region. U.S. President Obama also met with Emperor Aki-hito and Empress Michiko at the Imperial Palace, and enjoyed an informal dinner with with the Prime Minister

Shinzo Abe at a top-rated sushi bar restaurant in Ginza. After the 90-minute dinner with the Prime Minister, Abe quoted Obama that this was the best sushi he has ever had.

L.A. CLIPPERS OWNER IN HOT SEAT OVER RACIST COMMENT

Page 4: Pinoy Chronicle May

4 DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipinopinoy communityMAY 2014 FIRST issuepage 4

M alakas ang ugong ng balita na maaari ng bu-misita ang mga Pinoy sa

bansang Hapon na hindi kailangan mag aplay pa ng VISA. Itinuturing na ang Japan ang isa sa pinakama-higpit at para kang nagdadaan sa butas ng karayom bago kapa maka lusot at maka kuha ng VISA. Kung inyong matatandaan, madali at mabilis ang proseso ng pag aplay ng VISA dito sa Japan kung ikaw ay isang OFW (Over-seas Filipino Worker). Ang Japan ay isang pangarap para sa ating mga kababayan upang maka pag-trabaho at maiahon ang pamilya sa kahirapan. Napakarami sa ating mga kababayan ang naging matagumpay ngunit may ilan ding nabigo ngunit marami pa rin ang hindi sumusuko. Ngunit ito ay na-tigil ng makipag tipon ang dating pangulong Gng. Macapagal-Arroyo at pumirma sa isang kasunduan na ititigil na ang pag papadala ng mga OFW Entertainers dito sa Japan nang may mahigit 10 taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay napa-karaming nawalang ng trabaho hindi lang mga entertainers kundi

ang mga maliliit ng tao sa likod nito gaya ng mga nag tuturo ng sayaw (Choreographers), mga ma-nanahi ng damit o costume, mga talent managers, mga promoters at marami pang iba. Marami din ang nagsaradong mga promotion agen-cies atbp. Dahil dito, nag simulang mag proseso ang mga agencies na mag papunta ng Filipina dito sa Japan sa pag kuha ng VISA bilang turista at pagdating sa Japan ay derecho na sa pag tatago o mag overstay para maka pag trabaho at mabayaran ang ginasta para sa pag kuha ng visa. Ang isa pang katego-rya ng pag kuha ng visa ay ang pag papakasal. Ipapakasal ang Filipina sa Hapon kahit di pa ito nagkikita at ang tawag dito ay arranged mar-riage. Sa ganitong pagkakasundo ang Hapon at ang Filipina ay mag-papanggap na mag asawa sa harap ng mga tao at kapalit nito ay ba-bayaran ang hapon buwan buwan hanggang makakuha ng mahigit sa tatlong taon na visa ang Filipina at saka ito ididiborsyo. Sa isang banda, marami pa rin naman ang naninirahan sa Japan na legal na may asawang Hapon at mga anak at marami di ang mga propesyonal na nag tatrabaho sa malalaking kumpanya. Malaki na ang ipinagbago ng ekonomiya ng ating bansa, ngunit gaya pa rin ng dati, napakarami sa at ing mga kababayan ang naghahangad na makapunta ng ibang bansa upang makakuha ng trabahong mas malaki ang sweldo kumpara sa ating bansa. Naka-kalungkot mang isipin na ipinag-papalit ng ating mga kababayan na manilbihan sa ibang lahi kaysa sa sariling bansa, ngunit alam nating ito ay kanilang ginagawa para mai-taguyod ang sariling Pamilya.

Isang magandang balita nga kung totoong ma ililift ang Visa para sa Pilipino patungo sa Japan. Ito ay isang daan upang maka punta ang mga naghahangad na makita ang Japan. Makatikim ng masarap na pagkain gaya ng la-mang dagat na sikat na sikat sa bansang Japan ang hilaw na isda o Sashimi at Sushi (isda na may kanin). Makakita ng tanawin na gaya ng Cherry Blos-som na katatapos lamang nung katapusan ng Marso . At para duon naman sa gustong magtrabaho ay may pagkakataon sila mag pasa ng kanilang application sa panahon na sila ay nandito at maaring mag pa interview agad upang di masay-ang ang pagkakataon

Ayon sa panayam ng DZMM kay Ambassador Manuel Lopez, darat-ing ang araw na hindi na kailangan ang VISA upang makapasok sa Japan ang ating mga kababayan. Narito ang nasabing panayam na nakalap ko sa official site ng Phil Embassy “Filipinos may travel visa-free to Japan soon, Philip-pine Ambassador to Japan Manolo Lopez said Tuesday."It seems ili-lift na nila," . "Nakikita nila na ang torismo ay nakakatulong sa eko-nomiya nila dito."He said Japanese officials want to take advantage of

the strong economy of Southeast Asian countries."I think with the stronger economy in Southeast Asia, talagang ang gumagatos dito among the tourists are Southeast Asians,”

Ayon naman sa Kyodo News Kyodo: Japan eyeing visa waiver for Pinoy tourists Ang gobyerno na mismo ng Japan ang nakikipag ug-nayan sa kina uukulan para sabi-hin na maaring bumisita ang mga Pinoy sa Japan na hindi kailangan pang kumuha ng Visa. mismong si Prime Minister Shinzo Abe ang syang nag deklara, na ang Japa-nese government ang mismong gumagawa ng paraan upang ito ay maipatupad hindi lamang para sa mag Pilipino. Kundi maging ang bansang Indonesia at Vietnam.Malaki raw ang maari nitong maitulong sa pag hikayat ng mas marami pang dayuhan para sa nalalapit na 2020 Olympics. Inaasahan ito na maip-atupad ngayong Hulyo 1, 2014. Ang gagawing ito ng bansang Hapon para sa Pilipinas ay isang magandang senyales ng pagtiti-wala at sana ay huwag abusuhin ng ating mga kababayan upang mag tuloy tuloy na ang magandang pagkakataon na ito.

Distributer: Publisher:

Chief Contributing Editor: Irene Tria [email protected] Sales and Marketing: jagger aziz [email protected] Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 [email protected] Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 [email protected] jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales [email protected] Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT [email protected]

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at [email protected].

The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044

Email: [email protected]

VISA SA JAPAN

ni oyee barro

TAOID:National Heritage MonthKuha at Tektso ni Jane Gonzales

K ung pagbabasehan ang mga kalami-dad na naganap noong isang taon, tiyak na marami ang magsasabing

kailangan nga ng pagsusuri sa mga cultural heritage sites na nasalanta. Pero bakit nga ba mahalaga ito sa kasalukuyan na pam-mumuhay ng mga Pilipino? Anu-ano ang gi-nagawa ng mga kinauukulan para mapanatil-ing matatag ang mga pamana ng nakalipas? Ngayong buwan ay masasagot ang mga katanungan na ito dahil na rin sa ang Mayo, kung kailan maraming kapistahan na naga-ganap, ay ang naideklarang National Heri-tage Month (NHM) noong Agosto 11, 2013 sa bisa ng Proclamation No. 439. Ang NHM ay nilikha upang manatili ang pagkilala, kama-layan, respeto at pagpapahalaga sa makulay na kultura ng mga Pinoy gayon din ng pag-mamahal sa bayan.

Ang NHM o tinatawag ding Taoid, isang salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay pama-na, ay puno ng sari-saring aktibidad na bin-uo at pinamumunuan nina NCCA chairman Felipe M. de Leon Jr., OIC-executive director Adelina Suemith, and Subcommission on Cultural Heritage (SCH) head Rev. Fr. Harold Ll. Rentoria, OSA.

Hindi masasabing ordinaryo ang NHM da-hil ito ay ang uri ng pagdiriwang na magsu-suri sa mahahalagang pagkakilanlan sa mga Pilipino na kung minsan ay ‘di gaanong na-papansin at kinakalimutan ng marami. Isa pa nga sa tinalakay sa media conference para sa Taoid ay ang malaking ambag ng mga cultural heritage sa turismo at kung bakit minsan mas mahal pa ang travel package sa ilang tourist spot sa bansa kaysa paglipad sa ibang bansa. “ Kapag stable ang kultura hindi na ma-hirap maiangat ang ekonomiya,” saad pa ni Chairman De Leon na malaki ang paniniwala na kailangan na magkaroon ng cultural de-velopment plan ang gobyerno. Ilan sa isasagawa ng mga komite sa ilalim ng SCH ay paglulunsad ng heritage clinic hindi lamang sa mga nasalanta ng bagyo at lindol kundi maging sa iba pang maka-saysayang istraktura, bantayog, gallery at museo. Nagsimula ang selebrasyon ng NHM sa Limasawa Island, Southern Leyte na kung saan pinaniniwalaangunang nagdaos ng misa ang mga Katoliko. Gayon din magkakaroon ng “Bayanihan Project Series” na may clean up drive sa mga makasaysayang lugar at “ Mga Kwen-tong Pamana sa mga Bida” na isang paglalakbay sa iba’t ibang paaralan para manghikayat sa adbokasiya ng pangangalaga sa mga cultural heri-tage. Ang Taoid Heritage Program 2014

ay binubuo rin nina National Committee on Historical Research head- Dr. Stephen To-tanes, National Committee on Monuments and Sites head- Atty. Lucille Karen Malilong-Isberto, National Committee on Museums head Amado Alvarez, at National Committee on Art Galleries head John Delan Robillos. Ilan pa sa interesanteng proyekto na bahagi ng Taoid ay ang pagkakaroon ng Heritage Portal, isang website na nagbibigay ng update sa mga cultural heritage sites, paglulunsad ng local writing history con-test, at pakikipagtulungan na magkaroon ng museum ang bawat lalawigan. Ang tema ng Taoid Heritage Program Celebration ngayon ay Pamanang Pinoy,

(L-R) National Committee on Historical Research head- Dr. Stephen Totanes, National Committee on Monuments and Sites head- Atty. Lucille Karen Malilong-Isberto, NCCA OIC Executive Director Adelina Suemith, NCCA chairman – Prof. Felipe De Leon, SCH Commissioner Fr. Harold Rentoria, National Committee on Museums head Amado Alvarez, and National Committee on Art Galleries head John Delan Robillos.

Page 5: Pinoy Chronicle May

5DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipino SPECIAL FEATUREMAY 2014 FIRST issue page 5

National Heritage Month

Tinatayang nasa 9 .5 -12.5 milyun ang kabuuang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ayon sa t a l a a n n g P h i l . O ve r s e a s

Employment Administration (POEA). Ibig sabihin ang bilang ng mga Pilipinong mas pinipiling mangibang-bansa ay patuloy pa rin na tumataas. Anu-ano nga kaya ang mga dahilan kung bakit napipilitan ang mga Pilipino na sumugal sa ibang bansa? Para sa isang bansang kabilang sa third world country kalimitan sa mga pamilya nito ay napipilitang maghiwa-hiwalay matustusan lamang ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Napipilitang mangibang bansa ang i lan , ang nasa probinsya ay sumusugal na lumuwas ng Maynila at kung hindi pa rin sapat, ang kani-kanilang mga anak ay mapipilitang tumigil na sa pag-aaral upang maghanap ng trabaho o mapagkakakitaan. Isa rin ang patuloy na pagtaas ng populasyon, marami ang nakukulong sa ideya na ang isang relasyon ay binibuo ng pagmamahalan, ngunit ang pagmamahal ba na ito ay maaring bumuhay ng isang

pamilya? Kaya bang punuan ng pagmamahal ang kumakalam na sikmura? Nakakalungkot at nakakabahala na patuloy na tumataas ang populasyon sa Pilipinas ngunit kasabay nito ang pagtaas rin

ng talaan ng mga walang hanapbuhay.Patuloy na tumataas ang bilang ng mga walang hanap-buhay dahi l na r in sa kakulangan ng mga oportunidad lalong-lalo na ang mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Bagama’t is inusulong ngayon ng administrasyong Aquino na ang bawat pamilyang Pilipino ay magkaroon ng isang myembro nito na magtapos ng kolehiyo, hindi pa rin ito sapat upang tuluyang ma-solusyunan ang kahirapan. Sa panahon ngayon, sadyang napakahirap humanap ng trabaho, kahit ultimong mga titulado at tapos ay nahihirapan makakuha ng trabaho. Kung kaya’t napipilitan ang iba na pumasok bilang isang “call-center agent”. Nagtitiis sa hirap ng “graveyard shift” maitaguyod lamang ang kanilang pamilya. Likas na masisipag ang mga Pilipino,

kaya naman kahit saan mang bansa sila mapadpad ay talagang nagugustuhan sila ng kumpanya at ng kani-kanilang mga amo. Ngunti hindi lahat ay nabibiyaan ng mabubuting mga “employer”. Marami pa rin ang nagtitiis mula sa mga malulupit na kamay ng kanilang mga amo. Ang iba pa’y naakusahaan ng hindi naman nila ginagawa ang krimen. Sa kasawiang palad ang iba ay napagsasamantalahan pa. Mga walang kalaban-laban ng mga kababaihan na ang

nais ay kumita ng sapat upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ngayon, Mayo uno, araw ng mga m a n ga gawa n g P i n oy, ka b i - ka b i l a n a n a m a n a n g m g a p a g - p r o t e s t a p a r a i p a g l a b a n a n g k a n i - k a n i l a n g m g a karapatan. Mapapakinggan nga kaya sila ng administrasyon o maihahantulad lamang sa mga nagdaang taon at administrasyon na kinasasanayan na lamang ang mga pag-protesta tuwing sasapit ang Labor Day.

Page 6: Pinoy Chronicle May

6 DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipinopinoy na pinoy

Hukayin mo muna ang lupa bago mo sabihin na may kayamanan dito. Katulad ito ng pagkilala muna sa isang tao bago mo s’ya husgahan ng pangit o maganda. Madaling makasilaw ang pananalita at pisikal na katangian pero kung patataga-lin mo lang ang iyong pagkilala sa kanya ay makikita mo rin kung totoo ito o hindi. Gayon din naman ang ‘di kanais-nais na impresyon. May pagkakataon na

kumukulo ang iyong dugo dahil pinagsabong kayo sa magulong sitwasyon pero iyon naman pala ay masarap siyang maging kaibigan. Sa madaling sabi, bawal maging judgemental.

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

Kung hindi ka sigurado sa iyong pinapasok, huwag mo munang ipilit. Kapag si-nasabi sa iyo at lalo na kung kinukutuban ka na dapat kang maghintay, sundin mo muna. May mga bagay na hindi naman ipinagkakait pero kailangan lang mahinog bago mo makuha. Kung baga sa pagkain, masasarapan ka ba sa hilaw at walang lasang lutuin? Hindi ba’t bukod sa pinagsama-samang rekado ay nag-

lalaan ka rin ng oras para sa preparasyon at panunuot ng mga pampalasa sa iyong niluluto. Ganito rin ang sitwasyon mo ngayon, huwag kang maging mapangahas na makuha ang bagay na hilaw na hilaw pa.

Palaging may kinalaman ang emosyon sa iyong mga desisyon at ito ay hindi nalalayo sa iyong mga plano ngayon. Hindi nga ba’t gusto mong magpasaya at maging masaya kasama ng iyong mga kaibigan na mahilig sa lakwatsa. Puno na ba ang schedule mo ng iba’t ibang aktibidad na gusto mong maranasan kaagad?

Paano mo naman kaya ito magagawa kung may bagay o taong parang bumabalakid sa iyong plano? Relax! Wala naman talagang makakapigil, kapag ginusto mo.

Alam mo sa iyong sarili na mayroon kang mga kahinaan na dapat mong mabago. Ang tanging paraan dito ay patuloy na paghasa sa iyong kakayahan hangang sa maramdaman mo na lang na may kumpiyansa ka na sa iyong sarili. Ang pagsa-sanay mo naman ay hindi basta- basta at ikinasisiya mo ang matuto mula sa mga eksperto kaya mas lalong nadaragdagan ang iyong mga nalalaman. Kailangan

mo lamang na palalahanin ang iyong sarili na maging masigasig parati lalo na’t pinakamalak-ing kalaban mo ay iyong katamaran at kayabangan.

Madaling madala sa emosyon lalo na kung pareho kayong in love sa isa’t isa. Para bang may mahika na pareho kayo ng klase ng tinatawanan, nagugustuhan at pinapangarap. Gayon pa man, sikapin na huwag laging ipagpalagay na pareho parati kayo ng tinatakbo ng iniisip. Palaging mag-iwan ng pagkakataon na hum-

ingi ng permiso at panatilihin ang respesto sa inyong sari-sariling buhay. Ang pinakamagan-dang susi para makamit nito ay huwag mawalan ng komunikasyon sa isa’t isa

Taurus - April. 21 - May. 21

Gemini - May. 22 - June. 21

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19

Minsan ang tangi mo lang kailangan sabihin ay “oo” o “yes” dahil kung palagi ka lang umaayaw sa halos lahat ng bagay, doon na natatapos. Lahat ay natitigil na kaagad at kamalas-malasan ay hindi na nasusundan ang mga oportunidad na minsan lang kumatok. Kung gusto mo, interesante, mukhang may matutuhan kang bago at maganda o magpapasaya naman sa iyo sagutin mo ng matamis

na “oo.” Saka mo na isipin ang susunod na hakbang, tandaan na sa bawat takbo ng oras kapag may isa kang pinapalagpas ay makailang beses kang magsisi sa tuwing maalala mo ito.

Nakakagulat pero marami kang kakilala na nagsasabi ng mga bagay na iba sa kanilang ginagawa. Iyong akala mo ganito ang pananaw nila sa buhay pero kabalintunaan sa lagay ng kanilang pamumuhay. Huwag mo silang husgahan, puwedeng masabing mapagpanggap sila pero hindi ito totoo sa lahat ng pag-kakataon. Wala naman perpekto at panaka-naka kailangan mo rin naman tala-

gang gawin ang sunod na pinakamainam kaysa dun sa naiisip mong ideal. Sadyang may mga lumalabas sa bibig na laman lang ng isipin at puso pero hindi pa nila kayang tuparin. Ikaw man din ay nagkakaganito hindi ba?

Simple lang naman ang formula para manalo sa anumang laro, alamin mo ang kung ano ang mga panuntunan dito. Kung alam mo kung ano ang mga dapat gawin, alam mo na rin kung ano ang dapat pagtuunan ng pansin, hindi puro palagay o maling akala. Ang ilan na dapat mong tandaan pa ay mga ginintuang aral gaya ng panatilihin mo ang iyong tiwala sa sarili, pananampalataya at hu-

wag kang mang-apak ng ibang tao para lang manalo ka. Pero bago ang lahat alam mo ba ang pinagkaiba ng laro sa laban?

Walang masama na magpatuloy sa nakasanayan pero kung hindi na ito epekti-bo para makamit ang iyong minimithi kailangan mong sumubok ng ibang para-an. Kung nais mo ng pagbabago dapat umiisip ka ng ibang ideya at maging matapang na subukan ito. Palaging may consequence sa bawat hakbang pero

mas lalo kang nadadapa, mas lalo kang tatapang na tumayo at maghangad na magtagumpay. Walang mapapala ang pagsasayang sa oras dahil sa takot at kaduwagan. Pero higit sa lahat sayang ang iyong mga pangarap na nabuburo lang at lumalabo ng matupad.

Ika nga ang buhay ay parang gulong, minsan nasa itaas ka at minsan ay nasa ibaba. Kaya sa panahon na akala mo puro kamalasan ang nagaganap sa iyong buhay, makakaasa ka na darating din ang punto na mababago rin ang iyong kapalaran. Pero may kondisyon din ito, kailangan na tulungan mo rin ang

iyong sarili na umangat. Ang mahirap kasi sa ilan ay masyadong nilulugmok ang sarili sa ka-sawian na kahit may tsansa na silang muling makabangon ay halos sila pa itong tumatanggi sa pagkakataon. Sigurado naman na ikaw ay positibong tao, kailangan mo lang mo lang magpursige.

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22

Cancer - June. 22 - July. 22

Leo - July. 23 - August. 22

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Libra - Sep. 24 - Oct. 23Ang problema minsan ay hindi sa kung saan at sino ang iyong malalapitan kung hindi kung paano mo panghahawakan ang pagkakataon na naibigay sa iyo. Isa ka sa lapitin ng suwerte at kung minsan ay tila sobra-sobra ang mga pagpa-palang dumarating. Nakakapanghinayang naman kung basta mo na lang tatali-

kuran ang iba rito. Walang tama o mali, pero ang mainam na matutong magpahalaga at maging mapagpasalamat sa iyong mga natatanggap na biyaya. Kapag dumating ang punto na nasa ibaba ka alalahanin mo na naranasan mo ang maging maligaya at mauulit nang mauulit ito.

Aries - March. 21 - April. 20

Pag-isipan mo rin ang mga pangitain, panaginip at kutob na iyong nararamda-man. Kung ano ang hindi nakikita ng iyong mata ay naipapaliwanag ng iyong puso’t isipan ikaw man ay may malay o nahihimbing. Ginagawa mo lang ba ang isang bagay dahil ito ang nararapat kahit hindi mo naman talaga gusto? Para bang nag-aalangan ka sa tunay niyang nararamdaman pero mas pinaniniwalaan

mo ang kanyang mga sinasabi sa iyo. Hindi mo kailangan ng manghuhula para malaman ang sagot sa iyong mga haka-haka, paunti-unti ikaw na mismo ang nakakaramdam ayaw mo lang pansining maigi.

Pisces - Feb. 20 - March. 20

MAY 2014 FIRST issuepage 6

Page 7: Pinoy Chronicle May

pinoy-BiZzMAY 2014 First issue page 7

JESSY MENDIOLA, ANG BAGONG "DARNA?"

"S ino ba naman ang hindi matutuwa? Sino ba naman ang ayaw na maging Darna? Dati ko pa talagang gustong maging isang superheroine, lagi ko 'yan ini-express, dahil si Darna

ang Number One sa mga Pinoy, saad ni Jessy Mendiola sa usap-usapang siya ang gaganap sa TV incarnation ng Pinoy Superheroine na si Darna. Saad pa ni Jessy, Paborito nya talaga si Darna dahil sa kanyang ka-tangian "She's very feminine yet strong," Tatlong buwang na mula matapos ang kanyang teleserye na Maria Mercedes, hindi naman natetenga si Jessy dahil sa marami paring si-yang mga proyekto kabilang na rito ang kanyang mga commercials at appearances sa iba't-ibang out-of-town shows. Nandiyan na rin naman ang ginagawa nilang pelikula ni John Llyod cruz. S'ya na ba ang magiging next Darna? Ayon sa Lionheart poll maram-ing kalaban si Jessy Mendiola sa role na ito, nan diyan na rin ang ac-tress na si KC Conpection, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Cristine Reyes, Bea Alonza at Angelica Panganiban.

Inamin ni Kat Alano, dating host sa Wowowee at MYX VJ na ginahasa siya may siyam taon na ang nakakaraan ng hindi pa niya pinangangalanang sikat na personalidad. Naganap umano ito sa kan-yang apartment matapos manggaling sa isang bar.

Sa salaysay ni Kat sa podcast show ni Mo Twister na Good times with Mo, nagprisinta umano ang kanyang rapist na ihatid siya sa kanyang tinutuluyan. Nagtiwala naman umano siya dahil ipinakilala ito ng isa sa kanyang mga kaibigan. Pero sa daan pauwi sa kanila ay biglang may kakaibang naramda-man si Kat sa kanyang katawan na noon n’ya lang naranasan. Aniya, noong panahon na iyon hindi pu-masok sa isipan n’ya na baka nilagyan ng droga ang kanyang ininom. Basta nag-black out na lang siya sa mismong pintuan pa ng kanyang tinutuluyan. At habang may ginagawang kababalaghan ang lalaki sa kanya ay walang siyang magawa kundi magising at mawalan ng ulirat. Siyam na taon na kinimkim ni Kat ang masalimuot na kwentong ito at ang nagtulak sa kanya na isa-publiko ito ay dahil sa isyu nina Deniece Cornejo at Vhong Navarro. Wala umanong kinalaman sa kaso ng dalawa ang kanyang kwento pero nais niya lang ilabas ang sama ng loob niya. “I wanted this to go away, I wanted to sweep this under the rug, I wanted it to bury it.I wanted it to die. I wanted to forget. I never wanted to think about it again,” saad pa nito na akala niya wala na ang lahat pero sa nakalipas na tatlong buwan ay nakakaramdam siya ng anxiety attack at naiiyak na la-mang s’ya nang hindi niya alam ang rason. Wala raw siyang balak na kasuhan ang nang-rape sa kanya dahil sa usaping pera at ang nais niya lang ay maibahagi ang kanyang kwento bilang isang biktima ng rape para mapalaya ang kanyang

model-host kat alano, umaming ginahasa ng isang public figure

gAb valenciano, sumubok sa america's got talent

benjamin at jennylyn, nagkakamabutihan na?

Ibinalik kay Claudine Barretto ang paratang niyang pagnanakaw ng kanyang dalawang dating kasambahay na sila Jenifer Mu-rillo at Malou Becher dahil siya naman ang nahaharap ngayon

sa kasong robbery ng mga ito sa Marikina Regional Trial Court. Bago pa man umusad ang kasong ito ay naunang nang ibinasura ng korte ang kasong Qualified Theft ni Claudine sa dalawa na kan-yang pinalayas sa kanilang tahanan. Ayon sa akusasyon ng aktres ay kinuha nina Murillo at Becher ang kanyang Louis Vuitton bag at ilang painting. Pero sa suportang salaysay ng kanyang nakahiwalay-ang asawa na si Raymart Santiago ay sa kanya talaga ang nasabing mamahaling gamit at siya mismo ang kumuha ng mga ito. Bukod sa aktor ay mayroon pang iniharap na saksi laban sa mga paratang ni Claudine na dahilan para mapawalang saysay ito. Konektado sa na-dismiss na kaso ang akusasyon ng dalawang dating kasambahay ni Claudine. Ayon sa ibinaging impormasyon ni Atty. Rico Quicho, legal counsel nila Becher at Murillo, kinumpiska ni Claudine ang mobile phone at iba pang gadgets ng dalawang dat-ing katulong bago palayasin sa kanilang tahanan sa Loypla Grand Villas bandang Agosto 2013. Kung sakali man na maaresto si Claudine ay maaari s’yang makapagpyansa ng Php100, 000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Pero sa pahayag na ibinahagi nito ay sinabi niyang baka makulong na lang s’ya dahil mas nanaisin n’yang mapiit kaysa maibigay ang Php100,000 sa pangangailangan ng kanyang mga anak na sila Sabina at Santino. Dagdag pa nito, patuloy siyang hina-harass ni Raymart at ng kanyang nakatatandang kapatid na si Gretchen na sabwat umano para siraan siya. Sinabi rin ni Claudine na impokrito si Raymart sa pagsasabing mahal nito ang kanilang mga anak gayong hindi ito nagbibigay ng sustento at siniraan siya nito sa madla bilang ina ng mga bata. “AS MY ENEMIES RAISE THE SPECTER OF MY POSSIBLE ARREST AND INCARCERATION, MY FOREMOST CONCERN IS NOT THE DANGER OF JAIL, BUT HOW TO EXPLAIN TO MY CHILDREN THE SITUATION WHERE THEIR FATHER, WHO PUBLICLY CLAIMS TO LOVE THEM, CAN ACTIVELY PARTICIPATE IN ACTS THAT DEMEAN THE PERSON OF THEIR MOTHER AND HUMILIATE HER NUMER-OUS TIMES IN PUBLIC, WHICH ACTS HAVE HAD A PROFOUNDLY HARMFUL EFFECT ON THEIR COMMON CHILDREN—SABINA AND SANTINO—AND WHICH HAVE SUBJECTED THEM TO DEEP EMO-TIONAL PAIN AND TRAUMA, AS WELL AS CRUEL TEASING AND BULLYING, CONSIDERING THAT THEY ARE AT PRESENT BEING RAISED BY THEIR MOTHER AS A SINGLE PARENT, WITHOUT ANY MATERIAL SUPPORT FROM THEIR FATHER,” ang bahagi ng press statement ni Claudine na naka-all caps.

claudine, inakusahang magnanakaw

Marami na ring may dugong Pinoy ang sumubok at nakilala sa iba’t ibang international competition pero sa next season ng America’s Got Talent, ang sikat ng anak ni Gary Valenciano

na si Gab ang sumali. Ang binata na kilala sa galing sa sayaw ay sinusun-dan din ngayon sa mga hit “super selfie” video posts nito sa Youtube. Sa teaser ng nabanggit na programa ay isa sa Gab sa ipinakitang nag-audition mula sa libo-libong nangangarap na makapasok dito. Sa na-sabing teaser ay ipinakita ang kanyang kilalang istilo ng pananamit at pagsasayaw sa kanyang video. Bunsod ng pagsali ni Gab ay mas lalong kaabang-abang ang programang ito na kung saan tumatayong hurado sina Howard Stern, Melanie Brown, Heidi Klum at Howie Mandel. Bata pa lamang ay napapasama na si Gab sa ilang concert ni Mr. Pure Energy kung saan naipapakita niya ang kanyang husay bilang manan-ayaw. Bago siya tumulak sa Estados Unidos noong nakaraang taon para mag-aral sa Full Sail University sa Florida ay isa na siya sa mainstay performer sa ASAP. Bagama’t malayo sa ‘Pinas ay hindi naman siya nawawala sa sirkulasyon lalo na nga’t umaani ng kasikatan ang kanyang mga videos na minsan na ring naitampok sa Good Morning America.

Malakas ang bulong-bulungan na may namumu-ong extra closeness sa pagitan nila Kapuso hunk actor na si Benjamin Alves at TV host actress

na si Jennylyn Mercado. Sinabing isa pa nga ang aktor sa bumisita kay Jen noong naospital ito kamakailan. Siya na kaya ang bagong lalaking nagpapatibok sa puso ng dalaga. Itinanggi ni Jen na may espesyal silang pagtitinginan ng isa lead star sa katatapos lang na Adarna. Noong dumalaw ito sa kanya sa ospital ay hindi naman umano ito nag-iisa. Ipinagtataka rin ng dalaga na nakarelasyon din nila Den-nis Trillo at Luis Manzano kung paano sila nagkaroon ng isyung dalawa. Pero inamin nito na teammate sila ng binata sa pagda-diving na matagal na rin umanong ginagawa nito. Si Jen na nahilig sa pagda-dive dahil sa impluwensya ni Luis ay nahirang na Ambassador of the Ocean ng DENR (Depart-ment of Environment and Natural Resources). Sa nasa-bing posisyon s’ya ang magsisilbing endorser ng clean up operation sa mga karagatan na pasisinayaan ng ahensya.

Samantala, matipid din ang sagot ni Benjamin tungkol dito. Aniya, ayaw niyang bigyang kulay at pangunahan ang mga bagay-bagay pero sa ngayon ay magkaibigan sila ng pangunahing bida sa primetime series na Rhodora X.

Page 8: Pinoy Chronicle May

C

M

Y

CM

MY

CY

CMY

K

Seven Bank 390X255mm_2014JAN_OL.pdf 1 2014/01/30 15:05:26