pinoy weekly special issue, may 1 2013

12
Ipinamalas ng mga manggagawa sa Cavite Export Processing Zone na nagpapatuloy ang pagbarat sa sahod ng mga manggagawang Pilipino. Pinalalala ito nag pagtindi ng kontraktuwalisasyon at pagpapatupad ng two-tiered wage system. Nina Macky Macaspac at KR Guda www.pinoyweekly.org MAYO 1, 2013 MATAPAT, MAPANURI, MAKABAYAN ESPESYAL NA ISYU L abing-anim na taon nang manggagawa sa isang kompanya ng electronics sa Cavite Export Processing Zone si Gina Manzo, 37-anyos. Production operator siya, iyung gumagawa ng coil winding ng maliliit na speakers na nasa earphones at cellphones. Regular siya, pero sa halagang P327 kada araw, pumapatak na nasa minimum wage lang ang sahod niya. Maliban pa rito, nakakatanggap din siya ng P10 na Cost of Living Allowance o COLA. Mahirap ang kanilang trabaho. “Sa loob ng dalawang oras, nakakagawa kami ng 400 na speakers,” kuwento ni Gina. Sobrang istrikto at mataas ang istandard ng kanilang kompanya. “Kailangang nasa tamang lagay ang methanol. Kapag may defect, may kailangan kaming pirmahan.” Tagapangulo rin si Gina ng kanilang unyon. Pinangungunahan niya ang pagmamatyag ng unyon sa kompanya na tila ginagawa ang lahat para tipirin silang mga manggagawa at imaksimisa ang kita. BASAHIN SA PAHINA 6 Nilulutong eleksiyon pabor sa naghahari Pilipinas, isa nang ‘Rising Tiger’? Atake sa mga kawani ng gobyerno Teddy Casiño at progresibong mga partido Sumasahol na lagay ng mga manggagawa NILALAMAN

Upload: pinoy-weekly

Post on 09-Mar-2016

301 views

Category:

Documents


15 download

DESCRIPTION

Pinoy Weekly special print issue for May 1, 2013, Labor Day

TRANSCRIPT

Page 1: Pinoy Weekly Special Issue, May 1 2013

Ipinamalas ng mga manggagawa sa Cavite Export Processing Zone na nagpapatuloy ang pagbarat sa sahod ng mga manggagawang Pilipino. Pinalalala ito nag pagtindi ng kontraktuwalisasyon at pagpapatupad ng two-tiered wage system. Nina Macky Macaspac at KR Guda

w w w . p i n o y w e e k l y . o r g

m a y o 1 , 2 0 1 3m a t a p a t, m a p a n u r i , m a k a b a y a n

espesyalna isyu

Labing-anim na taon nang manggagawa sa isang kompanya ng electronics sa Cavite Export Processing Zone si Gina Manzo, 37-anyos.

Production operator siya, iyung gumagawa ng coil winding ng maliliit na speakers na nasa earphones at cellphones. Regular siya, pero sa halagang P327 kada araw, pumapatak na nasa minimum wage lang ang sahod niya. Maliban pa rito, nakakatanggap din siya ng P10 na Cost of Living Allowance o COLA.

Mahirap ang kanilang trabaho. “Sa loob ng dalawang oras, nakakagawa kami ng 400 na speakers,” kuwento ni Gina. Sobrang istrikto at mataas ang istandard ng kanilang kompanya. “Kailangang nasa tamang lagay ang methanol. Kapag may defect, may kailangan kaming pirmahan.”

Tagapangulo rin si Gina ng kanilang unyon. Pinangungunahan niya ang pagmamatyag ng unyon sa kompanya na tila ginagawa ang lahat para tipirin silang mga manggagawa at imaksimisa ang kita.

Basahin sa pahina 6

nilulutong eleksiyon pabor sa naghahari

pilipinas, isa nang ‘rising tiger’?

atake sa mga kawani ng gobyerno

teddy Casiño at progresibong mga partido

Sumasahol na lagay ng mga manggagawa

nilalaman

Page 2: Pinoy Weekly Special Issue, May 1 2013

EdItoRyal pinoy weekly espesyal na isyu | mayo 1, 2013

57 P. Burgos St. Proj. 4, Quezon City | wwwww.pinoyweekly.org

Email: [email protected]

Editorial poolleo Esclanda Cynthia Espiritudarius r. Galang kenneth roland a. Gudamacky macaspacChristopher pasionilang-ilang d. QuijanoSoliman a. Santos

published by

pinoymedia Center, inc.www.pinoymediacenter.orgEmail: [email protected]

pmC board of dirECtorSrolando b. tolentino (chair)bienvenido lumberabonifacio p. ilaganluis V. teodoroleo Esclandakenneth roland a. Gudailang-ilang d. Quijano

ConSultantrafael G. baylosis

weekly

Kalagitnaan na ng termino ni Pangulong Aquino. Walang

pagbabago sa kalagayan ng nakararaming Pilipino: Tumataas ang presyo ng mga bilihin, nakapako ang sahod, walang sapat na trabaho at natitikmang serbisyong sosyal ang mga mamamayang pinangakuang magiging “boss.”

Lumalala pa nga, sa maraming aspekto, ang kalagayan ng mga Pilipino. Kumpara noong nakaraang taon, lalong lumaki noong Enero 2013 ang unemployment o kawalan ng trabaho (7.2% mula 7.1%) at underemployment o kakulangan ng trabaho (20.9% mula 18.8%), ayon sa National Statistics Office. Pinawawalang-saysay nito ang ipinagmamalaki ni Aquino na paglago diumano ng ekonomiya at pagbansag sa bansa na bagong “tiger economy.”

Malinaw na ang tiger economy ay hindi para sa mga mamamayang nilalamon ng kahirapan na dulot ng kawalan ng pambansang mga industriya na lilikha sana ng mga trabaho, at reporma sa lupa na magpapaunlad sana sa kanayunan. Sa kabilang banda, ang tiger economy ay paglamon ng lokal at dayuhang mga kapitalista sa lahat ng maaari nitong pagsamantalahan, likas-yaman man o murang lakas-paggawa.

Kaya hindi nakapagtatakang wala ni katiting na pag-alwan sa buhay ng mga manggagawa sa ilalim ni Aquino. Mayo Uno, Araw ng Paggawa, noong nakaraang taon nang muli niyang tinanggihan ang matagal nang panawagan na P125 dagdag-sahod, sa gasgas at baluktot na dahilang magdudulot daw ito

Walang maipagmamalaki

ng kawalang trabaho. Hindi niya binabanggit ang totoo: na ayaw lang niyang matapyasan ang dambuhalang tubo ng pribadong mga kompanyang tunay niyang “boss.” Ayaw niyang lumihis nang kahit kaunti sa landas ng neoliberalismo.

Dahil ang neoliberalismo ang kanyang “daang matuwid.” Ito ang madulas, mabilis, at tuluy-tuloy na pagkonsentra ng yaman at kapangyarihan sa kamay ng mga panginoong maylupa, malalaking kapitalista, at siyempre pa, ng Estados Unidos, na sila ring nagluklok kay Aquino sa puwesto noong 2010 sa pamamagitan ng pagbuhos ng malaking pondo sa kampanya at pandaraya para palabasing landslide ang panalo ni Aquino.

Kung gayon, walang maipagmamalaki sa taumbayan ang mga kandidato ng Team PNoy, o kahit ng United Nationalist Alliance, na nagtataguyod ng parehong neoliberalismo. Sa kalakhan, ang

halalan ay halinhinan ng mga bagong luma (miyembro ng political dynasties), lumang bago (trapong naghahanap ng bagong termino), nagpapanggap na bago (pseudo-progresibo), at iba pang porma o anyo ng iisang naghaharing-uri.

Sa kabilang banda, may maipagmamalaki ang mga progresibong kandidato—Teddy Casiño para sa Senado at walong party-list sa ilalim ng Koalisyong Makabayan. Sinikap nilang itaguyod ang pulitika ng pagbabago sa loob ng bulok na mga institusyong pampulitika. Halimbawa, ilang taong binitbit ni Casiño at mga party-list ang P125 dagdag-sahod, kahit paulit-ulit itong ibinasura ng Kongreso at pangulo. Kahit papaano, may boses at kakampi ang mga inaapi at pinagsasamantalahan. Kahit papaano, lumaban sila para sa mga mamamayan sa loob ng gobyernong gagawin ang lahat para ietsa puwera sila.

Ginigipit ang mga progresibo.

Naging istrikto ang Commission on Elections sa postering, na pangunahing paraan ng pangangampanya ng mga walang-pambayad sa mga advertisement sa telebisyon at radyo. Pinagbabantaan ng diskuwalipikasyon ang Kabataan at Piston. Diniskuwalipika ang Courage, party-list ng mga kawani ng gobyerno, gayundin ang Kalikasan. Nariyan pa ang pinakahuling ruling ng Korte Suprema na buong-laya nang ibinukas ang sistemang party-list para pagpiyestahan ng mga trapo, ng mga makapangyarihan, sa madaling salita, ng mga naghaharing uri at mga kampon nila sa bansa. Dehado man sa laban, igigiit ng mga progresibo ang kanilang mga karapatan at magbabantay laban sa pandaraya sa halalan.

Dapat lamang. Susi ito para maabot ang mas malawak pang bilang ng mga mamamayan na ramdam ang kawalan ng pagbabago, sa kanilang buhay at sa pagpipilian sa balota. Pw

Rom

mel

men

dez

Page 3: Pinoy Weekly Special Issue, May 1 2013

3lathalaIN 3pinoy weekly espesyal na isyu | mayo 1, 2013

Nilulutong eleksiyon pabor sa naghahari

katiting na espasyo ang sistemang party-list para sa tinaguriang mardyinalisadong mga sektor ng lipunan para magkaroon ng boses sa kongreso. pero kahit ito ay nakatakdang ipagkait ng gobyerno ni aquino. ni pher pasion

Ibinabandera ng estado bilang pangunahing “demokratikong

ehresisyo” ang eleksiyon. Pero sa bagong mga debelopment sa eleksiyong party-list, tila sinasadya ng estado na panatilihing mardyinalisado ang mga sektor sa lipunan na matagal nang ineetsa-puwera.

Pinakahuli na sa debelopment ang desisyon ng Korte Suprema na ibukas ang party-list elections sa mayayaman at dati nang dominanteng mga grupo sa lipunang Pilipino. Samantala, sa pagkakasulat nito, nakaamba na ang diskuwalipikasyon ng ilang progresibong mga party-list na nagsusulong sa interes ng kanilang mga sektor at ng mga mamamayan.

Pero hindi nanahimik ang naturang mga grupo at sektor. Kamakailan, sinugod ng progresibong mga grupo sa ilalim ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan) ang Commission on

Elections (Comelec), Korte Suprema at Malakanyang para kondenahin ang anila’y lalong pagpapalala ng inhustisyang panlipunan sa eleksiyon.

PanghaharasHindi simpleng paglabag sa mga

alituntunin sa pagdidikit ng campaign posters ang kinakaharap ngayon ng Kabataan at Piston Party-lists. Anila, malinaw na panghaharas ito sa kanila ng Comelec. Sa kabila ito ng pagtugon ng dalawang party-list na tanggalin ang nasabing posters sa ipinagbabawal na mga lugar, nanatili pa rin sa kanila ang atensiyon ng Comelec, ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.

Sinabi naman ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan na nakakita sila ng mga paglabag gaya ng sa Akbayan, na nagdidikit ng posters sa mga flyover at mga poste ng kuryente. Ipinadala ang mga ito sa Comelec pero tila binabalewala ang mga reklamong ito.

“Makikitang ilan isa sa sinasabing top violators ang malalapit sa administrasyong Aquino gaya ng Akbayan at si Risa Hontiveros. Pero walang aksiyong ginagawa ang Comelec sa mga ito; bagkus, ang progresibong mga party-list ang pinagtutuunan ng pansin,” ani Terry Ridon, presidente ng Kabataan.

Dalawang ma-tinding kritiko ng ad-ministrasyong Aquino sa usapin ng taas-presyo ng langis at karapatan sa edukasyon ang Piston at Kabataan. Ito umano ang pangunahing dahilan kung bakit ginagawa ng administrasyon ang lahat ng pamamaraan upang matanggal ang dalawang partido, sabi ni George San Mateo, presidente ng Piston Party-list.

“Lutong-makaw ito. Double-standard ang paghawak ng Comelec sa mga paglabag. Ang daming isyu na kailangang harapin ng Comelec sa darating na eleksiyon gaya ng probema sa PCOS machines. Sa kabila ng pagtugon namin, kami pa rin ang pinag-iinitan. Pero sa paglabag ng malalapit na mga kandidato ng Palasyo, bulag ang Comelec,” ayon kay San Mateo.

eleksiyon ng mayaman, makapangyarihanGinulat naman ng Korte Suprema ang

bansa sa desisyon nito noong Abril 6 na maaaring lumahok sa party-list elections kahit ang hindi mga mardyinalisado.

Ayon kay Satur Ocampo, presidente ng Makabayan, nasa balangkas ng prinsipyo ng hustisyang panlipunan ang kanilang pagsali noon sa party-list elections mahigit isang dekada na ang nakararaan.

Pero sa bagong interpretasyon ng Korte Suprema sa batas sa party-lists, hindi lamang nito binuksan ang pintuan para sa mga mayayaman ang party-list elections. Mas lalong pang inilalayo nito ang ordinaryong mga mamamayan sa partisipasyon sa gobyerno.

“Imbes na patibayin natin ang party-list system para sa tunay na mga mardyinalisado, sa desisyong ito ng

Korte Suprema, tila naging paurong tayo. Mawawala ang kabuluhan ng intensiyon ng party-list system,” ani Ocampo.

Habang binigyan ng legal na basehan ang pagpasok ng mayayaman sa sistemang party-list, tinatanggalan naman ang tunay na mga representante ang mga mamamayan, ayon kay Anakpawis Rep. Rafael Mariano.

“Tila nais nilang magkaroon ng party-list ang malalaking kartel ng langis gaya ng Shell, Petron, at Caltex. Samantala, tatanggalin naman ang Piston na tunay na nagsusulong ng interes ng mga motorista at matagal nang naglalantad sa pagiging ganid sa tubo ng mga kompanyang ito,” ayon kay San Mateo.

Ganito rin ang pinangangambahan ng Katribu Party-list kung magkaroon ng party-list ang malalaking kompanya ng minahan sa bansa.

“Isang maliit na puwang na nga lamang ang party-list para sa tunay na mga mardyinalisado, lalo pang magiging mardyinalisado ang tunay na mga party-list sa pagpasok ng mayayaman at makapangyarihang party-lists,” sabi ni Garry Martinez, pangalawang nominado ng Migrante Party-list. Pw

pagkilos ng progresibong mga party-list sa Mendiola para iprotesta ang panggigipit sa kanilang hanay ng Comelec at administrasyong Aquino.

kaBataang aktibista, sa isang piket-protesta sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Manila.

contRibuted photo

phEr paSion

Page 4: Pinoy Weekly Special Issue, May 1 2013

4 BalIta pinoy weekly espesyal na isyu | mayo 1, 2013

Nagpahayag ng pakikiisa ang International League of Peoples’ Struggle (ILPS) sa mga mamamayang Koreano

at sa Democratic People’s Republic

of Korea (DPRK) na nakikibaka para sa kanilang pambansang patrimonya at teritoryo, laban sa probokasyon at bantang nukleyar ng gobyernong US.

Kinondena ng grupo ang patuloy

‘US nagtutulak ng gera sa Korea’na kontrol ng US sa militar ng South Korea. Binatikos din ng ILPS ang palagiang banta ng armas nukleyar sa mga baseng militar ng US at barkong pandigma, gayundin ang ehersisyong militar ng US at ng papet na gobyerno ng South Korea.

DPRK ang opisyal na ngalan ng bansang tinatawag sa mass media bilang North Korea.

“Malinaw na itinulak ng US ang probokasyon ng papet na mga puwersa ng South Korea,” sabi ni Prop. Jose Maria Sison, tagapangulo ng ILPS.

Sinabi pa ni Sison na ipinapalabas ng mga opisyal ng US at ng mass media na DPRK ang gumagawa ng mga probokasyon. Pero malinaw umano na US ang nagtutulak ng giyera sa pagdeploy ng armadong mga puwersa ng US at mga sandata para sa malawakang paninira (weapons of mass destruction) laban sa DPRK.

Lahat ng ito’y labag sa pambansang soberanya ng mga mamamayan ng Korea, banta sa DPRK at taliwas sa pagnanais ng mga mamamayan ng Korea tungo sa mapayapang reunification (muling pagbubuo ng Korea), sabi pa ni Sison.

Tumindi ang probokasyon ng gera laban sa DPRK at sa mga mamamayang Koreano nang magbaba ng sanction ang UN Security Council sa tulak ng US at sa pagsasagawa ng joint military exercise na nagtatampok sa barko at eroplanong US na may kakayahang nukleyar.

Makatwiran lamang umano para sa DPKR at mga mamamayang Koreano sa Hilaga na kumilos para ipaalala sa US na hindi sila masisindak ng bantang nukleyar ng US dahil mayroon din silang armas nukleyar para depensahan ang kanilang bansa.

Ipinakikita nila ang pagkabigo ng “nukleyar na terorismo” ng US at pagiging handa para pigilan ang anumang tangka ng imperyalista at kanilang papet na sakupin ang hilaga ng Korea, sabi pa ng grupo.

Ayon pa sa ILPS, lalong pinalalakas ng paninidak ng US ang pagkakaisa at paglaban ng mga mamamayan ng Korea at inilalantad ang limitasyon ng imperyalistang lakas ng US at binibigyang katwiran ang pagpapaunlad ng pananaliksik-nukleyar ng DPRK

para ipagtanggol ang kanilang sarili. “Sa di-hamak na mas malaking

probokasyon para sa giyera, inanunsiyo ng US na ipadadala nito sa lugar ang aircraft carrier nito na may armas nukleyar, ang USS George Washington, at ang pulutong ng mga barko, destroyer, at fighter jets na kasama nito, para makilahok sa bagong mga ehersisyong militar at pagbantaan ang DPRK,” sabi pa ni Sison.

Bahagi ng planoSinabi ng ILPS na ang paninindak

ng US ay bahagi lamang ng iskema ng US para ipakita ang kanilang paghahari sa buong Silangang Asya.

Layunin din nito na manduhan at impluwensyahan hindi lamang ang Korea kundi pati Tsina at iba pang bansa sa rehiyon at lalong patatagin ang puwersang militar nito sa Japan, South Korea, Pilipinas at iba pang bansa, ayon sa ILPS.

Gayunman, wala umano sa panig ng US ang panahon sa pagtatangka nitong maghari sa Silangang Asya at sa mundo.

Ang lahat ng ginagawa ng US para sugpuin ang pakikibaka ng mga mamamayan para sa pambansa at panlipunang pagpapalaya at pagpapalawak ng global na kapitalistang ekonomiya sa ilalim ng neoliberalismo ay nagpahina sa US at naglunsad ng mga bagong kapitalistang kapangyarihan.

Sa hinaharap, ang kontradiksiyon sa pagitan ng US-Europe-Japan at ng China-Russia ay lalong titindi.

Ang pagtindi ng inter-imperyalistang kontradiksiyong ito umano ay magluluwal ng mga bagong kontradiksiyon at oportunidad para sa muling pagsilang ng pakikibaka ng mga mamamayan para sa pambansang kalayaan, demokrasya at sosyalismo.

Sa kasalukuyan, ang mahabang krisis ng pandaigdigang kapitalismo ay nagpapalakas na sa pakikibaka ng mga mamamayan at sa paghahangad para sa radikal na panlipunang pagbabago sa mga imperyalistang bansa, lalong higit sa mahihirap na bansa.

Ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mga mamamayan ay magdudulot ng bagong mundo, ayon pa sa ILPS. Soliman A. Santos

Pinaiigting ng mga grupo ng manggagawa, kababaihan, maralita at mga manggagawang

pangkalusugan ang paglaban sa tumitinding pagsasapribado sa serbisyong medikal sa bansa.

Ikinakasa ng Kilusang Mayo Uno, Gabriela, Kalipunan ng Damayang Mahihirap at Health Alliance for Democracy, kasama ang iba pa, ang serye ng mga protesta kaalinsabay ng nakaambang “korporatisasyon” ng 26 pampublikong ospital.

Pinakamalapit nang isapribado ang Philippine Orthopedic Center, na siyang tanging sentro ng paggamot sa mga sakit sa buto sa buong bansa. Nakatakdang matapos ang invitation to bid para sa pagpasok ng pribadong sektor sa Orthopedic bago matapos ang buwan ng Abril.

“Maraming porma ng pagsasapribado ng serbisyong medikal na itinutulak ng gobyernong Aquino sa kapahamakan ng

mga pasyenteng Pilipino. Kasama na rito ang planong Public-Private Partnership (PPP) ng Philippine Orthopedic Center sa iskemang Build-Operate-Transfer,” ani Eleanor Jara, doktor-medikal at convenor ng Network Opposed to Privatization Of Public Hospitals & Health Services.

“Sawa na sa pribatisasyon ang mga manggagawa at mahihirap. Alam nating pahamak lang sa atin at mabuti sa malalaking kapitalista ang pagsasapribado ng pampublikong mga ospital,” sabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Ani Jara, kasama rin sa paiilalim sa PPP ni Aquino ang San Lazaro Hospital, Research Institute for Tropical Medicine at 25 na rehiyunal na ospital.

Nagbabala naman ang Gabriela Women’s Party sa lalong pagkalat ng malulubhang mga sakit tulad ng human immunodeficiency virus (HIV) sa pagsasapribado ng mga serbisyong pangkalusugan sa bansa. Pher Pasion

Paglaban sa pagsasapribado sa serbisyo-medikal, ikinasa

sa isang file photo na ito ng pinoy Weekly, agresibong nag-oorganisa ang mga manggagawa ng pentagon steel Corp. para magbuo ng unyon at ipagtanggol ang karapatan nila. noong abril 13, nagwelga ang humigit-kumulang 130 manggagawa ng pentagon steel Corporation matapos biglaan silang tanggalin ng manedsment para buwagin ang unyon doon. MaCKy MaCaSPaC

Page 5: Pinoy Weekly Special Issue, May 1 2013

5BalIta / oPINyoNpinoy weekly espesyal na isyu | mayo 1, 2013

aquino vs. obrerotaliBa

elmer “ka Bong” laBog

“Sahod, trabaho at karapatan – ipaglaban!” Iyan ang laging sigaw ng Kilusang

Mayo Uno at ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa bansa. At ang bawat aspekto ng panawagang iyan, matinding inatake ng gobyerno ni Noynoy Aquino sa kalahating termino niya. Sa kalagayan ng mga manggagawa at ng ibang maralitang sektor ng lipunan malinaw na makikita na walang tunay na pagbababago sa ilalim ni Noynoy.

Una sa lahat, tumitindi ang kawalang-trabaho sa bansa, sa kabila ng pagyayabang ng gobyerno na ibayong sumulong ang ekonomiya. Noong 2012, sa mismong dinoktor na datos ng gobyerno, halos nanatili lang ang bilang ng unemployed at lumaki pa nga ang underemployed. At brutal na instrumento ang kawalang-trabaho para ipatanggap sa mga manggagawa ang masahol na kalagayan ng sahod, trabaho at mga karapatan.

Sa sahod, tuluy-tuloy ang pagtutol ni Aquino sa panawagan ng mga manggagawa para sa makabuluhang umento. Hindi lang sa malayo ang minimum na sahod sa antas na nakabubuhay para sa karaniwang pamilya, kundi lumalaki pa ang agwat ng dalawa. Ipinataw pa ang Two-Tiered Wage System na sa Calabarzon

ay nangangahulugan ng kaltas sa sahod at sa maraming rehiyon ay nangangahulugan ng pagpako sa sahod.

Kung tutulan ni Noynoy ang panawagang P125 across-the-board na dagdag-sahod sa buong bansa, parang magkakaroon ng matinding delubyo. Pero ayon sa pag-aaral ng Ibon Foundation, 12% kabawasan lang ito sa tubo ng mga kapitalista na tuluy-tuloy na lumobo nitong nakaraang mga taon. Hindi rin sahod ang nagpapahirap sa maliliit na negosyante, kundi ang mataas na singil sa kuryente’t tubig at liberalisasyon ng kalakalan.

Sa seguridad sa trabaho, pinanatili ni Noynoy na legal ang kontraktuwal na empleyo sa pamamagitan ng Department Order No. 18-A Series of 2011. Nang ipatupad ito noong Nob. 14, 2011, ipinagyabang ng gobyernong Aquino na tatapusin nito ang iskemang 5-5-5 o lima-limang buwang kontrata sa empleyo. Pero nananatiling malaganap ang kontraktuwal na empleyo at umikli pa nga ang mga kontrata ng mga kontraktuwal.

Pamilyar ang marami sa salot na kontraktuwalisasyon. Mas mababa ang sahod sa regular, pinagkakaitan ng benepisyo, pu-wedeng tanggalin anumang oras kaya halos walang karapatan. Marami sa mga kababaihang kontraktuwal, wa-

lang natatanggap na maternity benefits kapag nabubuntis. Naglipana ang trabahong kontraktuwal sa bansang katulad ng Pilipinas kung saan ang tampok na mga sektor ay serbisyo, konstruksiyon at elektroniks.

Sa karapatan naman, pinanatili ni Noynoy ang mapaniil na kapangyarihan ng kalihim ng Department of Labor and Employment na mag-assume ng jurisdiction sa mga welga at alitan sa paggawa. AJ ang lisensiya sa masaker sa Hacienda Luisita noong Nob. 16, 2004. Dito, aatasan ang mga manggagawa na bumalik sa trabaho. Kung hindi, sisante sila sa trabaho at puwedeng kasuhan. Pwede ring dalhin ang militar at pulisya sa empresa.

Dinagdagan pa niya ang AJ nitong huli. Bago mag-Semana Santa, pa-Hudas niyang inaprubahan ang

dalawang batas: ang pagbuo ng National Tripartite Industrial Peace Council at pagtatakda ng compulsory arbitration sa mga alitan sa paggawa. Ang una ay pormal na sabwatan ng mga kapitalista, gobyerno at maka-kapitalistang manggagawa. Ang ikalawa naman ay dagdag na hadlang at pahirap sa karapatang magwelga.

At dahil hindi nakakulong ang mga manggagawa sa empresa, dinaranas nila ang matinding atake ni Noynoy sa kabuhayan ng maralita. Nariyan ang tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga batayang bilihin at serbisyo katulad ng langis, tubig at kuryente. Nariyan ang nabubulok at kapos na serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, kalusugan at pabahay. Nariyan ang malawakang demolisyon ng kabahayan.

Sa darating na Mayo Uno at mga buwan, kokondenahin ng mga manggagawa ang atake ni Noynoy sa sahod, trabaho at karapatan, gayundin sa kabuhayan ng mga maralita sa pangkalahatan. Sa tinatakbo ng pamamahala niya, tiyak na lalo pang titindi ang galit sa kanya ng mga manggagawa at maralita. Sa Mayo Uno ngayong taon, ipapamalas ng mga manggagawa, maralita at ng malawak na sambayanan ang pag-igting ng galit na iyan. Pw

Ipinrotesta ng mga maralitang manininda sa pambansang parke ng Pilipinas, ang Luneta Park,

ang sapilitang pagpapaalis sa kanilang naghahanap-buhay lamang.

Sumugod sa opisina ng National Park Development Committee (NPDC) ang mga manininda sa ilalim ng People’s Democratic Vendors and Hawkers Alliance (Pedhva)-Kadamay upang kondenahin ang sapilitang papaalis sa kanila sa Luneta Park.

Bitbit ng mga vendor ang mga larawan nina NPDC Committee Dir. Juliet Villegas at Pang. Benigno Aquino III na parehong sinunog sa protesta.

Ikinagagalit ng mga manininda ang sapilitang pagpapaalis sa kanilang mga tindahan noong Abril 2 dahil umano sa patakarang “Zero Vending Policy.” Sa pagpapaalis na ito, may ilang manininda na nasaktan.

Ayon kay Joel Meralpes, tagapagsalita ng Pedhva-Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), “walang kasing-lupit ang administrasyong Aquino” sa paglabag sa karapatan ng mga manininda ng Luneta Park.

Nasa mahigit 300 manininda sa Luneta Park ang maapektuhan ng nasabing polisiya ng NPDC na sinasabing magbibigay-daan sa Foodbox na pag-aari ng Ksquared Development Corporation. Katuwang nito ang Department of Tourism at NPDC.

Mula umano nang ipatupad ang nasabing polisiya, sari-saring pagbabanta, panghaharas at kumpiskasyon ng mga paninda at

sapilitang pagpapaalis ang nararanasan ng mga manininda, ayon sa Pedhva-Kadamay.

“Hindi lang kami at ang aming mga pamilya ang biktima ng planong pagsasapribado ng Luneta Park. Biktima rin ang ordinaryong mga mamamayan na kakailanging

magbayad ng entrance fee, at mapipilitang bumili ng mahal na pagkain sa itatayong mga food stall sa loob ng Luneta Park. Ito’y kapag tuluyan nang naisapribado ang maituturing na pinakabantog na national park sa bansa,” ani Meraples.

Dagdag ni Meraples, ang Public-Private Partnership na pangunahing programang pangkaunlaran ni Aquino ang siya ring pangunahing salarin sa lumalalang kalagayan ng mga maralitang Pilipino.

“Ang malalaking negosyante na siyang magpapatakbo sa Luneta Park, kabilang na ang mga negosyanteng magtatayo ng mga food stall na papalit sa stalls ng mga manininda, ang tanging nakikinabang sa ipinagmamalaking pag-unlad ng gobyerno,” ani Meraples. Pher Pasion

Pagpapalikas sa mga manininda sa Luneta Park, kinondena

Piket ng mga manininda ng Luneta laban sa NPDC.

kont

Ribu

syon

Page 6: Pinoy Weekly Special Issue, May 1 2013

6 lathalaIN6

Pansin nilang dumarami ang kontraktuwal na mga manggagawa sa kanilang kompanya. Sa ngayon, may 200 silang regular na empleyado. Pero sa kasalukuyan, mayroon nang 70 “trainees” ang kompanya. Mula sila sa isang vocational school. Marami sa kanila, tumutuloy nang magtrabaho sa pagawaang pinagtatrabahuan nina Gina, pero hindi nagiging regular.

Mababa sa minimum wage ang kanilang sahod at walang natatanggap na benepisyo.

Pagpapatupad ng bagong iskemaNoong nakaraang taon, nabalitaan nila

ang inilabas na Wage Order No. 15 ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board sa Timog Katagalugan, na nagsasabing isang two-tiered wage policy na ang ipapatupad sa Rehiyon IV-A.

Sabi rito, magkakaroon ng dalawang tiers, o antas, ang pasahod. Una, ang floor wage, o ang sahod na nakaayon sa poverty threshold (o antas ng kahirapan) sa rehiyon o lugar na pinagtatrabahuan ng manggagawa. Inamin mismo ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) na papalitan ng floor wage ang minimum wage.

Matapos ang floor wage, maaaring magbigay ang kompanya ng productivity wage – na siya na umanong magsisilbing dagdag-sahod ng mga manggagawa. Pero nakadepende ito sa idineklarang produktibidad ng kompanya at mga manggagawa nito, gayundin sa performance ng mga manggagawa. Pero kompanya ang magtatakda nito. Sa madaling salita, ayon kay Jojit de Guzman, pangkalahatang kalihim ng Solidarity of Cavite Workers (SCW), nasa “kagandahang loob” na ng manedsment at ng kapitalista kung magbibigay ito ng dagdag-sahod sa uri ng productivity wage.

Sa ngayon, hindi pa opisyal na inaanunsiyo ng manedsment ng pagawaang pinapasukan ni Gina kung ipapatupad na sa kanila ang two-tiered wage system. “Pero tinitingnan na raw (ng manedsment) ang mga performance namin. May grades na binibigay ang line leader namin sa HR (human resources department),” sabi pa ni Gina.

Kapitalista ang masusunodSa ngayon, abala ang SCW at sina Jojit sa

pagpapapalaganap ng impormasyon sa mga manggagawa ng export processing zone hinggil sa two-tiered wage system. Kahit mahigit isang taon nang inanunsiyo ito ng gobyerno, kakaunti pa lang daw ang nakakaalam

Sumasahol na lagayng mga manggagawahinggil sa maituturing na bagong atake sa karapatan ng mga manggagawa.

Samantalang di pa ganap na naipapatupad ang two-tiered wage system sa Cavite, inaprubahan ng gobyerno ang Conditional Temporary Productivity Allowance (CTPA) na P12.50. “Habang di pa nabubuo ang mga komite na magtatakda ng productivity wage (sa ilalim ng two-tiered wage system), itong CTPA muna ang pinapatupad nila,” paliwanag ni Jojit.

Sa ilang kompanya, pinalalabas pang taas-sahod na ang CTPA. Ito ang iniulat ng mga manggagawang tulad ni Rolando Gonzalez, 33-anyos, na nagtatrabaho sa Daeduct Philippines. Sa ngayon,

pinangungunahan ng dilawang sentrong unyon na Trade Union Congress of the Philippines ang unyon dito, na dikit din sa manedsment, sabi ni Rolando. “Sa negosasyon ng (dilawang) unyon at manedsment, nailusot ng manedsment na bahagi ng “taas-suweldo” ang P12.50 na CTPA—isang hakbang na bawal sa batas,” kuwento pa ni Rolando.

Lumalabas na buung-buong ibinigay ng gobyerno ang kontrol ng manedsment at kapitalista sa kung gaano kalaki o kaliit ang sahod ng mga manggagawa. Lalong walang laban ang mga manggagawang kontraktuwal dahil di sila puwedeng mag-unyon at maaari silang tanggalin kahit anong oras.

Walang ibang magawa ang kontraktuwal na mga manggagawang tulad ni Crispin Recto kundi lumaban. Isa siya sa 37 dating mga kontraktuwal na inireklamo ang Daeduct sa NLRC noong 2009. “Mahirap ang kontraktuwal, kumpara sa pagiging ragular. Nandoon ang pang-aabuso ng kapitalista at superbisor. Walang benepisyo, tulad ng natatanggal na mga regular. Kami ang pinakaunang tinatanggal,” sabi niya, kaya umano siya nakiisa sa paglaban.

Noong Setyembre 2011 nang maglabas ng desisyon ang NLRC pabor sa kanila, tinanggal sina Crispin. Umapela sa Court of Appeals ang kompanya. Samantala, kinasuhan muli nila ang Daeduct ng

PINoy wEEKly ESPESyal Na ISyU | Mayo 1, 2013

paRa sa Mga ManggagaWa, lalo lamang pasasahulin ng two-tiered wage system ang kanilang kalagayan.

MULA sA PAhINA 1

Page 7: Pinoy Weekly Special Issue, May 1 2013

77lathalaIN

Sumasahol na lagayng mga manggagawa

pagkaltas ng P9 o 2% na tax daw. “Kung minimum ang sahod, hindi puwede kaltasan ng buwis. Labag sa batas ang ginawa nila,” sabi pa niya.

Nanalo na rin sila sa kasong ito, ani Crispin. Pero hindi pa rin ipinapatupad ng kompanya ang utos ng korte.

Mas masahol sa kontraktuwalPara di magutom ang kanyang

pamilya, naghanap na si Crispin ng bagong trabaho. Nang isinusulat ang artikulong ito, unang linggo pa lamang niya ng pagpasok sa isang pabrika ng garments o mga damit. “P315 ang sahod ko, mababa pa rin sa minimum. Kahit pa idagdag ang P12.50 na CTPA,” sabi pa niya.

Mayorya ng trabaho sa Cavite Export Processing Zone ay kontraktuwal, ayon kay Jojit. Umabot pa lang sa P315 (idagdag ang P12.50 CTPA) ang minimum na sahod sa mga regular dito, pero mas masahol pa ang lagay ng mga kontraktuwal. “Mayroon pang mga (kontraktuwal na mga) manggagawa na mas maliit pa riyan ang sahod, tulad ng mga manggagawa sa garments industries na may mga helper/trimmer na tumatanggap lang ng 75% ng minimum,” sabi ni Jojit.

Pabalik-balik lang sila na trabaho, hindi nagiging regular. Maliban pa rito, tulad ng kompanya ni Gina, laganap na rin sa mga kompanya ang pagkuha ng trainees, na sa una’y walang sahod at kalauna’y nagiging kontraktuwal na mga manggagawa na.

Maliit na ang kanilang sahod, nababawasan pa ng mga gastusin ng mga manggagawa. “Ang pamasahe (papunta sa pagawaan at pabalik),

Magiging batayan ng floor wage sa ilalim ng two-tiered wage system ang poverty threshold.

Poverty threshold ang halaga na kailangan ng isang pamilya para masabing hindi ito mahirap, batay sa pamantayang itinakda ng gobyerno. May dalawang batayan ito: food threshold (minimum na gastos sa pagkain ng isang pamilya) at non-threshold (gastos sa edukasyon, tubig, kuryente, renta sa bahay, atbp.)

Noong 2011, pinababa ng administrasyong Aquino ang poverty threshold mula P52 patungong P46 kada Pilipino kada araw, kasabay ng paglalabas ng 2009 Family Income and Expenditure Survey (FIES).

Pangunahing mauugat ang pagpapababa ng pamantayan sa pagbabago sa food threshold. Halimbawa, sa food threshold, inakma ang gastusin sa pagkain ng isang

pamilya batay sa pinakamurang food bundle. Pabababain pa ang minimum food bundle batay sa pinakamurang food bundle kada probinsiya at rehiyon.

Sa binagong minimum food bundle, tinanggal ang ilang pagkain o kaya’y pinalitan ng mas murang sangkap. Ibig sabihin, hindi na food-poor ang mga pamilyang kumakain ng mga pagkaing hindi pinakamura ang presyo sa palengke. Hindi pa isinama ang ibang pagkain tulad ng gatas. Mistulang sa mata ng gobyerno, hindi mahirap ang isang pamilyang walang pambili ng gatas sa mga anak. Ang ganitong baluktot na pamantayan ang ginagamit ngayong batayan ng pagtatakda ng napakababang floor wage kada rehiyon.

Mula sa praymer ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o Eiler

PINoy wEEKly ESPESyal Na ISyU | Mayo 1, 2013

paRa sa Mga ManggagaWa, lalo lamang pasasahulin ng two-tiered wage system ang kanilang kalagayan. maC

ky m

aCaS

paC

Bakit hindi ito akmang sukatan ng pangangailan ng pamilyang pilipino

nagpapaliit iyan sa sahod. Siyempre, ’yung mga boarding house (para sa mga malalayo ang inuuwian), dagdag-gastos pa,” sabi pa ni Jojit.

Para sa regular na mga manggagawa, malinaw na banta sa kanilang mga karapatan ang two-tiered wage system. Paliwanag ni Elmer “Ka Bong” Labog,

tagapangulo ng militanteng sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno o KMU, mas masahol pa ang epekto nito sa dumaraming bilang ng mga kontraktuwal.

“Kung ang sahod ng regular na manggagawa ay kinakaltasan at ipinapako ng two-tiered wage system,

mas masahol na pagkaltas at pagpako ang ginagawa nito sa sahod ng mga manggagawang kontraktuwal,” ani Ka Bong.

“Matindi man ang pagsasamantala sa mga manggagawang regular sa bansa, mas matindi pa ang ginagawa sa mga manggagawang kontraktuwal.” Pw

‘Poverty threshold’:

boy

baGw

iS

Page 8: Pinoy Weekly Special Issue, May 1 2013

8 lathalaIN pinoy weekly espesyal na isyu | mayo 1, 2013

Binabati ng rehimeng Benigno S. Aquino III ang sarili sa estadistika

ng gobyerno na nagsasabing kakaiba ang taas (6.6%) ng growth rate ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa noong 2012, mula sa 6.3% noong unang hati, sa 7.1% noong ikalawang hati ng taon.

Lalo pang kinilig ang rehimen nang agad bansagan ni World Bank Country Director Motoo Konishi ang Pilipinas ngayon bilang isang “rising tiger.” Sabi ng rehimen, ang dahilan ng “magandang grado” ay resulta ng pagsusulong nito ng “daang matuwid” at “maayos na pamamahala.”

Pero baliktad ang lumilitaw batay sa mas masusi, obhetibo at totoong pagsusuri ng datos. Ang “outstanding growth rate” ng GDP ng Pilipinas ay nangangahulugan lamang ng higit na paghihikahos ng masang Pilipino, at higit pang pagsama ng salalayang lakas ng ekonomiya sa batayang antas.

Dahil na rin sa nananatiling mala-kolonyal, mala-piyudal, pre-industriyal at atrasado ang agrikultura, malaon nang napag-iiwanan sa Asya ang Pilipinas. Matagal na itong sinasabi ng Asian Development Bank, at kinukumpira mismo ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) Development Center na walang nagbago kahit pa nag-iilusyon na ang rehimen dahil sa “magandang grado.”

Tinukoy din ng OECD Development Center na ang kahirapan sa Pilipinas ang pinakamataas sa limang bansang nagtatag

ng Asean (kasama ang Malaysia, Indonesia, Thailand at Singapore). Tinatayang 25 milyon, o sangkapat ng populasyon ng Pilipinas, ang nabubuhay sa $1 o P45 isang araw na siyang poverty threshold sa buong mundo.

Una pa lamang, ang sinasabing pag-unlad noong 2012 ay isa nang pangitain, dahil nga sa hinugot ang 6.6% mula sa isang mababang baitang, o ang nakakadismasyang 3% growth rate ng ekonomiya ng bansa noong 2011.

Ang naturang 6.6% na “pag-unlad” sa buong 2012 (at kahit pa sinabing 7.1% bago matapos ang 2012) ay hindi nagpakita ng totoong pag-unlad ng mga industriya, kahit pa man sinasabing ngayon lang sa loob ng maraming taon nagkaroon ng tulak (o boost) mula sa sektor na ito. Kalakhan ng sinasabing industrial growth ay may tatlong pinanggalingan.

Una, mula sa construction, na lumukso ng

23% mula 2011, dahil na rin sa pagragasa ng construction activities, pangunahin ang pagtatayo ng mga bagong gusali at “property booms” na dulot ng call centers at iba pang BPO (business process outsourcing) na bumuhos sa bansa.

Pangalawa, may paglaki rin sa bentahan ng mga yunit ng condominium na tulak naman sa pangunahin ng pangalawang pinanggalingan ng “pag-unlad,” ang malawakang pasok ng remittance mula sa higit 12 milyong OFWs (overseas Filipino workers). Ang kabuuang remitans nila na dumaan sa mga bangko (puwera pa sa ibang paraan) ay umangat na sa $12-Bilyon sa isang taon, at ngayo’y pumapangatlo na sa laki sunod sa China at Mexico.

Pangatlo, sa pinagmumulan naman ng sinasabing pag-unlad nitong huling dekada, ay ang re-export (matapos dumaan sa labor-intensive processing sa lokal) ng semi-conductors at iba pang electronic semi-

Pilipinas: Isa nang ‘Rising tiger’?Sabi ng rehimeng aquino, gumaganda raw ang ekonomiya dahil sa “daang matuwid” nito. Pero napakalayo nito sa katotohanan ng kahirapang dinaranas ng mga manggagawa at mamamayang Pilipino. Ni alan Jazmines

manufactures. Mula pa noong nakarang mga taon ay umakyat na ito sa higit $25 Bilyon sa isang taon, at bumubuo ng higit 60% ng eksport ng bansa.

Sa gayon, ang biglang igpaw ng komersiyo at serbisyo, kasama na ang bentahan ng mga yunit ng gobyerno, ang nangunguna na sa ekonomiya ng Pilipinas -- sa halip na mas matatag na produksiyong industriyal at agrikultural para sa kapakinabangan ng mga mamamayan. Nagsimula na ito nang bumugso ang eksport ng sobrang murang paggawa, buhos ng BPOs, at re-export ng semi-processed electronic parts.

Pero kinatatangian ang lahat ng pinagmumulang “pag-unlad” ng pagsasamantala sa murang paggawa ng mga Pilipino, sa loob o labas man ng bansa. Kung wala ang malaking pagluluwas ng lakas paggawa, ang kawalan ng hanapbuhay o ng kulang sa kitang trabaho ay dodoble, o lalala pa nga.

Sa napakalaking disempleyo at kulang sa kitang trabaho ay nagmura nang nagmura ang paggawa sa Pilipinas, at lalo pang nababalewala. Dahil dito at higit pa (kasama ang malawak at papalaking kawalan ng lupa at trabaho ng higit na nakakararami sa kanayunan) kaya ang masa ng sambayanan ay lalo at lalong naghihirap samantalang ang maliit na bilang ng naghahari sa bansa at ang kanilang mga dayuhang amo ay mabilis at mabilis na yumayaman.

Pinatotohanan ito maging

Page 9: Pinoy Weekly Special Issue, May 1 2013

9lathalaINpinoy weekly espesyal na isyu | mayo 1, 2013

atake sa mga kawani ng gobyernokaliwa’t kanan ang birada ni pnoy sa karapatan at kagalingan ng mga manggagawa sa pampublikong sektor. pero nilalabanan ito ng organisadong mga kawani. ni pher pasion

Inaatake ngayon ang mga manggagawa sa pampublikong sektor: ang kanilang mga benepisyo, ang kanilang karapatang mag-organisa,

ang mismong mga trabaho nila. Kahit na ang mga organisador sa kanilang hanay.

Ang nangunguna sa atakeng ito: ang pasimuno ng “daang matuwid” na si Pang. Benigno Aquino III.

Ayon sa Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (Courage), sentrong unyon ng mga kawani ng gobyerno, pinangungunahan mismo ni Aquino ang pag-atake sa kanilang mga karapatan. Binabasbasan niya ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, mula sa lehislatibo hanggang sa ehekutibo, para pigilan ang dagdag-suweldo, ipagkait ang benepisyo, magbanta ng tanggalan at tugisin ang mga organisasyon at indibidwal na naggigiit ng kanilang karapatan.

wala pa ring umentoTaong 2009 nang simulan ng Courage

ang panawagang P6,000 dagdag sa suweldo sa mga kawani ng gobyerno kasabay ng implementasyon ng Salary Standardization Law (SSL).

Bagamat nakakuha ng maliit na tagumpay sa una sa pagkakaroon ng pagtaas sa loob ng apat na taon na

P3,000, hindi pa rin naabot ang kanilang panawagan sa kabuuan.

Bagamat bahagyang umusad sa Kamara at Senado ang panukala, hindi na ito umusad matapos ang first reading.

“Hindi ito ginawang prayoridad ng administrasyong Aquino. Sa halip, kinutya pa ito na hindi raw napapanahon at karapat-dapat, kaya hindi din ito ginawang priority bill,” ayon kay Ferdinand Gaite, pambansang pangulo ng Courage.

Sinabi ni Aquino sa midya na P3.1 Trilyon raw ang mawawala sa ekonomiya kung maisabatas ang dagdag-sahod sa pribado at pampublikong sektor.

“Malinaw na iyung sinabi ni Aquino na P3.1-T ang mawawala, hindi sa ekonomiya mawawala ‘yan, kundi sa kamay lang ng kapitalista. Mananatili ‘yan sa ekonomiya,” ani Gaite.

Nasa Salary Grade 1 (P9,000/buwan) ang pinakamababang natatanggap ng isang kawani sa gobyerno na binabawasan pa ng mandatory deductions gaya ng GSIS, PAG-IBIG, Philhealth, at may buwis sa ibang pagkakataon.

“Pero mas maliit pa ang natitira sa kanilang sahod. Kung ihahambing ito sa nakabubuhay na suweldo, umaabot na sa mahigit sa P31,000 ang kailangan ng isang pamilya na may lima hanggang anim na katao,” ani Gaite.

Sahod pinababa, trabaho may bantaBukod dito, pinatupad ng gobyerno

ang Performance Based Bonus (PBB) o Productivity Based Incentive System (PBIS) sa bisa ng Executive Order 80 ni Aquino noong 2012. Layon nitong pababain ang sahod ng mga kawani ng gobyerno.

Paliwanag ng Courage, sa PBB, kailangan munang makitaan ng productivity bago bigyan ng karagdagang sahod o benepisyo ang mga manggagawa sa gobyerno. Maikukumpara ito sa two-tiered wage system sa pribadong sektor (Basahin ang artikulo sa pahina 6).

“Hindi na nga nakabubuhay, hindi na nga umaabot sa nakabubuhay na antas, sinsikap pang pababain pa lalo ito,” ani Gaite.

Ikinababahala rin ng Courage ang paglobo ng kontraktuwal na mga empleyado sa mga ahensiya ng gobyerno. Kakambal ito ng tanggalan sa trabaho.

Ganito ang nangyari sa Telecommunications Office. Pinag-isa ni Aquino ang tatlong ahensiya ng gobyerno (Information and Communication Technology Office, National Computer Center at Telecommunication Office) sa bisa ng Executive Order 47, Dahil dito, nangangamba ang trabaho ng libu-libong kawani.

ng dating hepe ng National Economic Planning, si Cielito Habito. Aniya, batay sa datos ng Forbes Asia, ang pinagsamang yaman ng 40 pinakamayayamang pamilya sa Pilipinas (tingnan ang box) ay umakyat ng $13-B noong 2010-2011. Ito ay katumbas (sa halaga) ng 76.5% paglaki ng buong GDP ng bansa noon (na sa pera’y tumaas ng $17-B). Kinumpara din ito ni Habito sa Malaysia at Japan. Sa Malaysia, iniulat ng Forbes Asia na ang pinakamayayamang pamilya doon ay may pinagsamang yaman na katumbas lamang ng 5.6% pagtaas ng GDP ng bansa. Samantala, sa Japan ito ay nasa 2.8% din lamang. Patunay ito na ang agwat ng kita sa Pilipinas ay napakalayo kumpara sa iba pang bansa sa Asya.

Ano ngayon ang sinasabi ng World Bank at ni Benigno S. Aquino III na “rising tiger”?

Radikal at pundamental na pagbabago ng buong bangkarote, di-makatarungan, mapagsamantala, bulok at inaagnas nang mala-kolonyal at mala-piyudal na sistema sa Pilipinas ang kinakailangang magawa para maibaliktad ang lumulubhang krisis na sosyo-ekonomiko na malaon nang nagpapabigat sa mga mamamayang Pilipino. Pw

* * *Note: Ang artikulong ito ay pinaigsing bersiyon ng orihinal na artikulo sa Ingles ni Alan Jazmines. Si Jazmines ay konsultant pangkapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), at miyembro ng komite ng Reciprocal Working Committee on Socio-Economic Reforms ng NDFP. Ikinulong siya ng gobyerno ng Pilipinas noong 2011 kahit na saklaw siya ng NDFP-GPH Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (Jasig). Dahil sa pagkulong sa kanya at sa higit isang dosena pang consultant ng NDFP ay natigil ang pormal na usapang pangkapayaan. Hiling ng NDFP na tumalima muna ang GPH na igalang at sundin ang Jasig at iba pang kasunduang pangkapayapaan ng NDFP-GPH. sUNDAN sA PAhINA 11

kilos-pRotEsta ng progresibong mga kawani ng gobyerno sa Mendiola. kR guda

Page 10: Pinoy Weekly Special Issue, May 1 2013

10 ElEKSIyoNG 2013 pinoy weekly espesyal na isyu | mayo 1, 2013

Unang lumahok si Teddy Casiño sa pulitika noong 1986. Pero hindi ito ang

alam nating pulitikang nabubulok, ang pulitika ng patronahe, dahas, salapi. Ito iyung mapagpalayang pulitika ng “kapangyarihan ng mga mamamayan.” Panahon iyon ng pag-aalsang EDSA.

Sa apat na araw iyon sa EDSA, at ang deka-dekadang pakikibaka na humantong sa makasaysayang panahong iyon, nakita ni Teddy kung paanong makapagbubunsod ng pagbabago ang karaniwang mamamayan sa kanilang kolektibong pagkilos. May nabuong paniniwala: “May pag-asa pa. Kung sama-sama, kayang-kaya.”

Ang pag-asang ito at kolektibong pagkilos ang patuloy na nag-uudyok kay Teddy na isulong ang makabayan at demokratikong hangarin ng mga mamamayan hanggang sa kasalukuyan.

Ito ang nagtutulak sa kanya

sa paglahok sa pulitika bilang aktibista, kinatawan ng partidong Bayan Muna at ngayon, bilang nag-iisang kandidato sa Senado ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan o Makabayan.

Sabi ni Teddy, tumatakbo siya sa Senado dahil sa tingin niya, kung ano man ang nagawa niya bilang kinatawan sa Kamara mula pa noong 2004 – ang pagiging tinig ng mga mamamayan, ng mga mardyinalisado at ng mga nagnanais ng tunay na pagbabagong panlipunan – ay mas maisasagawa kung nasa Senado siya. Aniya, anumang oportunidad para isulong ang panlipunang pagbabago ay hindi dapat sayangin.

Tulad ng kanyang ipinaglalaban noong una pa, kabilang sa pagbabagong hangad ni Teddy ang abot-kayang presyo ng pangunahing produkto at serbisyo, mabuting pamamalakad sa gobyerno at

pagbibigay-kapangyarihan sa mga mamamayan, tunay na repormang agraryo, pambansang industriyalisasyon at pagsandig sa sariling ekonomiya, pagrespeto sa karapatang pantao, makamasang sistema ng edukasyon at kultura, independiyenteng patakarang panlabas at komprehensibong pampulitikang pakikiharap sa pag-aalsang Moro at National Democratic Front.

Maaaring sabihing deka-dekada na rin ang pakikipaglaban para sa mga ito. Ang kaibhan, aniya, kapag nasa Senado’y maitataas ni Teddy ang pakikibakang parlamentaryo sa antas na hindi pa nagagawa.

Wala sa angkan ng mga pulitiko si Teddy. Isa rin siya sa pinakamahihirap na kongresista. Pero sa kanya, ang laban na ito’y hindi tungkol sa kanya kundi tungkol sa mga mamamayan at kung anong representasyon ang kanilang nais sa Senado.Pw

Anakpawis

Layunin ng Anakpawis Party-list na palakasin ang tinig ng masang anakpawis sa lehislatura at ang pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya

gayundin ang pagbabagong panlipunan at tradisyunal na kalakaran ng pulitika sa bansa.

Anakpawis ang tinig ng sektor ng manggagawa, magsasaka, mangingisda, mga maralita, sa lungsod man o kanayunan.

Naniniwala ito na kung sino ang lumilikha ng yaman ng bansa’y dapat na may mahalagang papel sa direksiyong tatahakin ng bansa. Kambal na isinusulong ng partido ang tunay na repormang agraryo at ang pambansang industriyalisasyon na siyang magiging sandigan ng pag-unlad ng Pilipinas. Itinataguyod din nito ang karapatan sa trabaho, makabuluhang dagdag-sahod, patas at makataong kondisyon sa paggawa at karapatang mag-organisa.

Para sa mga magsasaka, gusto ng Anakpawis na magkaroon ng karapatan ang mga magbubukid na mag-ari at magbungkal ng lupa.Pw

tEddy CaSIño at PRoGRESIBoNG MGa PaRtIdo: tagapamandila ng alternatibong pulitika

Progresibong mga party-list: Bagong pulitika sa bansaBayan Muna

Pulitika ng pagbabago ang dala ng Bayan Muna kahit noong simula. Sinisiguro nito ang partisipasyon ng mga mamamayan sa lahat ng antas ng pamamahala, taliwas sa tradisyunal na

sistema ng personalidad at personahe na matagal nang namamayani sa pulitika ng bansa.

Pambansang soberanya at kasarinlan ang isinusulong ng Bayan Muna, isang bansang malaya sa tanikala ng kolonyalismo at kawalan ng kaunlaran.

Maliban din sa pagbibigay ng serbisyong panlipunan at kabuhayan sa mga magsasaka, manggagawa at iba pang sektor, nakikibaka ang Bayan Muna para sa tunay na reporma sa lupa at karapatan ng mga manggagawa.

Ilang beses nang nanguna sa boto ng mga party-list ang Bayan Muna, sa kabila ng matinding paninira ng administrasyon noon man ngayon, at pamamaslang sa kanilang mga miyembro at lider. Pw

Kabataan Party-list ang una at tanging grupong party-list sa Kongreso ngayon. Binubuo ito ng malawak na network ng kabataan na lider ng iba’t ibang organisasyon, pormasyon at barkada. Mula sila sa iba’t ibang rehiyon, na may

iba’t ibang background, atbp., na pinagibibgkis ng iisang vision para sa kabataan at bayan.Kasama sa mga grupong nagtatag ang National Union of Students, College Editors

Guild, League of Filipino Students, Student Christian Movement of the Philippines, Anakbayan at Kabataang Artisa para sa Tunay na Kalayaan, masigasig ang Kabataan Party-list sa pangangampanya para sa interes ng kabataan at estudyante, laluna sa usapin ng edukasyon at empleyo.

Pinangungunahan ng Kabataan ang kampanya laban sa taas-matrikula at iba pang singil sa eskuwela, gayundin ang pagtaas ng subsidyo sa edukasyon, sapat na trabaho sa mga bagong gradwado, pangangalaga sa karapatang pantao, karapatan ng konsiyumer at kalusugan, proteksiyon ng kalikasan at soberanya, atbp. Pw

Kabataan

terry Ridon, unang nominado ng kabataan party-list

atty. Carlos Zarate, pangalawang nominado ng Bayan Muna

Page 11: Pinoy Weekly Special Issue, May 1 2013

11ElEKSIyoNG 2013pinoy weekly espesyal na isyu | mayo 1, 2013

“Yung natitirang 3,750 empleyado, nagtatrabaho pa rin at sumusweldo. Pero walang katiyakan kung hanggang kailan. Batay sa EO 366, sa Telof Office pa lang, iyung 3,750 na empleyado magiging 500 na lang. ‘Yung 3,250 ay pinilit na mag-early retirement. Ang iba, tinutulak nila sa ibang ahensiya. Ang problema, paano ka lilipat nagra-rationalization plan (nagtatanggalan) din ang ibang opisina?” sabi ni Rey Zarita, board member ng National Telecommunications Employee’s Union ng Telecommunication’s Office.

Ganito rin ang pinangangambahan ng mga kawaning pangkalusugan sa pampublikong mga ospital sa ilalim ng Public-Private Partnership.

PanunupilSinuspindi ng manedsment nang 90-

araw ang mga opisyal ng Kagalingan ng mga Kawani sa Kalakhang Maynila (KKK-MMDA), unyon ng mga kawani sa Metro Manila Development Authority noong nakaraang taon matapos magprotesta sila para sa kanilang mga benepisyo.

Sa halip na harapin sila ni MMDA Chairman Francis Tolentino, sinampahan sila ng kasong administratibo at hindi pa sila hinaharap para makipag-usap sa

unyon. “Hanggang ngayon, walang malinaw

na sagot si Tolentino kung magbibigay ng cash incentive ng buong kawani. Hindi pa rin kami hinaharap, bilang sole and exclusive negotiating accredited union ng Civil Service Commission at Bureau Labor Relations,” ayon kay Teresa Gonzales, pangkalahatang-kalihim ng KKK-MMDA.

Kasalukuyan pa ring nakapiit sina Randy Vegas at Raul Camposano, organisador ng Courage sa MMDA, dahil sa gawa-gawang kaso. Ayon sa Courage, may malaking kinalaman ang pag-oorganisa nila sa mga kawani ng MMDA sa pagdukot ng militar sa kanila. Kalauna’y inilitaw sila sa Daet, Camarines Norte at pinaratangang sangkot daw sa New People’s Army na nakipag-engkuwentro sa militar noong Abril 2012.

Pati ang karapatan nilang lumahok sa eleksiyong party-list, kinontra ng Commission on Elections ni Sixto Brillantes. Kahit na malinaw na mardyinalisadong sektor ang mga obrero sa pampublikong sektor, hindi inaprubahan ng Comelec ang akreditasyon ng Courage Party-list dahil hindi raw mardyinalisado ang mga kawani.

Sa kabila ng lahat ng ito, habang nanatili ang atake sa mga kawani ng gobyerno, nagpatuloy ang mga kawani sa pagsulong ng pakikibaka para sa kanilang karapatan at kagalingan. Pw

Gabriela

Itinatatag noong 2000, inianak ang Gabriela Women’s Party ng pinakamalaking alyansa ng mga organisasyon ng kababaihan sa bansa, ang Gabriela (pambansang

alyansa ng kababaihan).Mayaman sa karanasan ang grupong ito na nangunguna

sa kilusang kababaihan nang mahigit sa 20 taon na. Unang sumama sa elektoral na larangan ang Gabriela nang tumakbo ang noo’y pangkalahatang kalihim nito na si Liza Maza bilang pangatlong nominado ng Bayan Muna.

Ilan sa mga batas na naipasa sa pangunguna ni Maza ang Anti-Trafficking in Person’s Act at Anti-Violence Against Women and Children’s Act. Noong 2004, nakalikom ng sapat na boto ang Gabriela para maging sektoral na kinatawan ng kababaihan sa ika-13 Kongreso.

Sa kasalukuyan, may higit sa 100,000 miyembro sa 15 rehiyon sa bansa at sa mga komunidad ng mga Pinoy sa ibang bansa ang Gabriela at patuloy ang adbokasiya para sa karapatan ng kababaihan, bata at sambayanan. pw

Katribu

Sa modernong panahon, nananatiling mahalaga ang papel ng mga katutubo sa

ating bansa. Gayundin, malaki ang mga isyung kinakaharap ng pambansang minorya, laluna sa mga polisiya ng pamahalaan na banta sa buhay at kultura nila.

Ang Katribu Party-list ang kumakatawan sa sektor ng mga katutubo na nagsusulong sa karapatan ng mga pambansang minorya sa kanilang lupang ninuno at karapatan sa sariling pagpapasya at kultura. Hangad nitong protektahan ang mga katutubo laban sa mapanirang mga proyekto gaya ng malakihang pagmimina, pagtatayo ng mga dambuhalang

dam, militarisasyon, malawakang plantasyong nakakaapekto o sumisira sa kanilang lupang ninuno at kabuhayan.

Isinusulong ng Katribu ang karapatan ng mga katutubo sa batayang serbisyo gaya ng edukasyon, kalusugan, at kabuhayan. Layon din nito na bigyan ng kaalaman ang mga katutubo sa mga panganib na dulot ng pagkasira ng kalikasan at pagbabago sa klima na nakakaapekto rito gaya ng malalakas na mga bagyo.

Layon din ng Katribu na makilala at respetuhin ang karapatan, kultura, kabuhayan, tradisyon, at identidad ng mga katutubo. Gayundin, tumitindig ito sa katarungan, karapatang pantao, at pagkakapantay-pantay. Pw

aCt teachers

Sa harap ng lumalalang kalagayan ng kanilang propesyon at pagkabulok

ng sistema ng edukasyon sa bansa, tumugon ang mga guro sa pamamagitan ng pag-oorganisa sa kanilang hanay para kolektibong makibaka para sa pundamental na pagbabago.

Ito ang nagtulak sa pagkakabuo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) noong 1982. Sa kasalukuyan, ACT ang pinakamalawak na organisasyon ng mga guro at kawani sa sektor ng edukasyon. Marami umanong problema na kinakaharap ang mga guro na dapat harapin ng Kongreso. Kaya ipinanganak ang ACT Teachers Party-list.

Kabilang sa mga isinusulong ng ACT Teachers sa Kamara ang dagdag-suweldo ng mga guro, pagtanggal ng mga di-makatwirang kaltas sa kanilang kita, pagpapatupad ng Magna Carta for Public School Teachers at Magna Carta for Private School Teachers, sapat na pondo para sa mga benepisyo, karapatang magtayo ng unyon, mataas na badyet para sa edukasyon, at libreng edukasyon sa elementarya at hayskul at abot-kayang edukasyon sa kolehiyo.

Ipinaglalaban din nila ang pagsusulong ng wikang Filipino, maayos na pamamahala sa gobyerno, at pagpapahalaga sa mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon. Pw

Tinipon nina Soliman A. Santos, Pher Pasion at KR Guda

ATAke SA kAwANI mula sa p. 9 akap Bata

Ang Akap Bata ay progresibong party-list na nagtataguyod ng pangkalahatang kapakanan at karapatan ng mga bata, at bilang pagkilala

sa karapatan ng mga bata na likas, di-malalabag at di-mapaghihiwalay na bahagi ng karapatang pantao. Tumatayo ito bilang tagapagtanggol o kampeon ng mga bata lalo na ng mga batang mahihirap, inaapi at marginalized sa lipunan.

Itinatag ang party-list na ito noong 2008. Mula sa pagbibigay ng serbisyo para sa maagang pagkalinga sa bata, napagpasayahan sa Pangkalahatang Asembleya na may pangagailangang magbuo ng partido na magsusulong ng pambansang adyenda ng mga bata at sambayanang Pilipino sa malawak na larangan ng pulitika, ekonomiya at kultura. Binubuo ito ng mga magulang, daycare workers, guro, child care workers, child advocates at mga kampeon ng karapatang pambata at iba pa. Pw

ACT Teachers Rep. Antonio Tinio

gabriela Rep. Emmi de Jesus (nakatalikod), nakikipagkamay sa isang manininda

Page 12: Pinoy Weekly Special Issue, May 1 2013

dalawang sektoral na partidong ito ang kasama sa mga grupong party-list na lalahok ngayong

halalan. ang isa, kampeon ng mga manggagawa sa sektor ng transportasyon; ang pangalawa,

tagapamandila ng karapatan ng mga migrante at pamilya nila. ni darius r. Galang

Migrante at Piston

para sa tsuper at maralita

para sa ofws at pamilya nila

KIlalaNIN:

Sila ang hinihirang pa rin ng estado bilang “bagong bayani” – ang sektor na bumubuhay sa ekonomiya ng bansa. Pero kasabay

nito, pinababayaan ang marami sa kanila. Marami ang nalalagay sa iba’t ibang

panganib sa ibayong dagat. Samantala, patuloy ang patutulak ng gobyerno na mangibang bansa ang manggagawang Pilipino – dahil wala silang maialok na disenteng trabaho sa bansa natin.

Sa nakaraang halos dalawang dekada, matunog ang pangalan ng Migrante bilang tagapangalaga ng karapatan ng overseas Filipino workers (OFWs) at pamilya nila. Sa paglahok nila sa eleksiyong

party-list, ipinagpapatuloy ng grupo sa larangang lehislatibo ang kanilang adbokasiya.

“Pagtatag ng lipunan kung saan di nagkakahiwalay ang mga pamilya para lang mabuhay – isang lipunan na may pantay na oportunidad ang lahat na mabuhay nang disente at makatao.” Ito ang vision ng Migrante Sectoral Party-list (#96 sa balota) sa kanilang muling pagtakbo para sa Kamara. Ngunit hindi lamang representasyon sa Kongreso ang kanilang misyon. Kabilang na rin ang paghikayat nila sa aktibong partisipasyon ng mga OFW sa prosesong pulitikal, para sa pagtataguyod at

pangangalaga ng kanilang mga karapatan.

Laman ng pangkalahatang balangkas ng Migrante ang tatlong sangkap: Una, ang pagpapatibay ng ugnayan ng mga organisasyon ng mga Pilipino sa labas ng bansa at ng kanilang mga pamilya sa loob at labas ng bansa; Ikalawa, ang pangangalaga ng kagalingan at karapatan ng mga OFW sa pamamagitan ng pagpasa ng akma at napapanahong mga panukalang batas; at Pangatlo, paglulunsad ng mga kampanyang edukasyon na nakatuon sa pagtaas ng kamulatan ng mga OFW at kaanak nila.

Ang unang nominado nila, si Connie Bragas-Regalado ay matagal nang lider-migrante, magmula pa ng siya’y magtrabaho bilang domestic worker sa Hong Kong. Kasama niyang nominado rin ng Migrante sina Garry Martinez at Eman Villanueva.

Malaking hamon sa Migrante ang paglahok sa halalan: mayorya ng constituency nila’y nasa ibang bansa, na ang tanging paglahok lang sa halalan ay sa pamamagitan ng overseas absentee voting. Noong nakaraang botohan, dahil sa hirap ng kanilang mga kalagayan, maliit na bilang pa lamang ng mga migrante ang nakaboto. Pero hindi nagpapahadlang dito ang Migrante, na desididong magwagi, sa lakas ng mahabang track record nito ng paglilingkod sa migranteng Pilipino at kanilang mga kaanak. Pw

Hindi lamang kaakibat ng maralitang mamamayan ang mga tsuper ng dyip, kaisa nila ito. Kabilang sila rito. Sa araw-araw na pagpasada nila sa mga kalye upang ihatid ang mga mamamayan sa kani-kanilang

pupuntahan, ramdam nila ang bawat pasakit na dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin at serbisyo.

Damang dama nila ang mga pahirap na ito. Kaya layunin ng Piston Party-list na labanan ang puno’t dulo ng mga problemang ito. Pangunahin dito ang pagbabasura sa Oil Deregulation Law. Dahil kasi sa batas na ito, nawalan ng kontrol ang gobyerno—at nawalan ng silip ang mga mamamayan—sa pagtaas ng presyo ng langis. Buung buong kontrolado ng malalaking kartel at negosyo ang downstream industry ng langis sa bansa. Kung kaya, hindi rin mapigilan ng gobyerno ang naturang mga kompanya ng langis na magpatupad ng overpriced na presyo sa mga produktong ito. Sa kabila ito ng independiyenteng mga pag-aaral na nagsasabing may overpricing sa mga produktong petrolyo.

Sa bahagi ng gobyerno, tutol din ang Piston sa pagpataw ng Value-Added Tax o VAT sa mga produktong petrolyo—bagay na lalong nagpapataas sa presyo nito.

Bitbit ng Piston ang adbokasiya sa langis, gayundin ang kapakanan ng mga tsuper, opereytor at lahat ng bahagi ng

sektor ng transport sa bansa. Pinakamalaking bilang na nito ang mga tsuper ng jeepney, pero marami rin ang nagmamaneho ng traysikel, mga pampasaherong bus, mga pahinante, at siyempre, kahit ang mga sumasakay at nagmamaneho ng mga sasakyan. Ibig sabihin, lahat ng ordinaryong mamamayang may akses sa transportasyon. Kasama sa adbokasiya ng Piston ang paglaban sa pangongotong sa mga drayber sa kalsada, at ang iba’t ibang ipinapataw sa kanilang mga buwis at singil – legal man o hindi.

Bahagi rin ng ipinaglalaban ng Piston ang mga maralitang mamamayan. Karamihan ng mga manggagawa sa sektor ng transport ay mga maralita sa mga lungsod at sentrong bayan. Kung kaya, malaking isyu rin sa kanila ang pabahay, at nilalabanan nila ang mga demolisyon.

Ang pangunahing nominado ng Piston, si George San Mateo, ay isa sa pinaka-kilalang lider-manggagawa at lider-maralita sa bansa. Aktibo siya, hindi lamang sa mga isyu ng transport, kundi sa maraming isyung pambayan. Kasama niyang nominado ang beteranong mga lider-transport na sina Edilberto Gonzaga at Edgardo Salarga. Pw

ElEKSIyoNG 2013 | PINoy wEEKly CovERaGE