ponemang suprasegmental, gr.9-powerpoint presentation

29
PONEMANG SUPRASEGMENTAL TONO , HABA, DIIN AT ANTALA JENITA D. GUINOO Gr.9-

Upload: jenita-guinoo

Post on 12-Jan-2017

47.672 views

Category:

Education


300 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

TONO , HABA, DIIN AT ANTALA

JENITA D. GUINOO Gr.9-Guro

Page 2: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

ARALIN 2.1: GR.9-FILIPINO MODYUL

GRAMATIKA/RETORIKA: PONEMANG

SUPRASEGMENTAL

Page 3: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

MGA LAYUNIN:1.Nakikilala ang pagkakaiba ng gamit ng mga sangkap sa maayos na pagpapahayag ng saloobin, pagbibigay kahulugan, layunin at intensyon2. Napapahalagahan ang paraan ng pagbigkas ng mga salita ayon sa wastong diin, haba, tono at antala3. Nakapagbibigay paliwanag sa mga naging sagot sa bawat gawain bilang pagsasanay

Page 4: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

PANIMULA:Sa alinmang wika, mahalaga ang

mga tunog. Makabuluhan ang mga tunog sapagkat napag-iiba-iba nito ang kahulugan ng salita. Bukod sa pagkilatis sa tunog, may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan ng salita o pahayag gayundin ang layunin, intensyon, at saloobin ng nagsasalita.

Page 5: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Basahin nang wasto ang mga salita at pahayag batay sa bantas na ginamit.

A. 1. Totoo? Maganda siya? 3. Mahal ka niya?

Totoo! Maganda siya. Mahal ka niya.

2. Magagaling? Sila? Magagaling sila.

B.1. May bisita tayo bukas? 2. Ikaw ang may-sala sa nangyari?

May bisita tayo bukas. Ikaw ang may-sala sa nangyari.

Page 6: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Sagutin:1.Ano ang pagkakatulad ng mga pahayag

sa A1 at A2? Ng mga pahayag sa B1 at B2?

2.Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa A1 at a2? Ng mga pahayag sa B1 at B2?

3.Ipaliwanag ang kahulugan, layunin, sitwasyon, o saloobing nais ibigay ng bawat pahayag.

Page 7: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Pagpapayamang PangkomunikatiboSa pagsulat, makikilala ang kahulugan ng salita o pahayag sa tulong ng mga bantas tulad ng tuldok, tandang pananong, o tandang padamdam.

Sa pasalitang pakikipagkomunikasyon, matutukoy ang kahulugan, layunin, o intensyon ng pahayag ng nagsasalita sa pamamagitan ng ponemang suprasegmental o ng mga tono, haba, diin, at antala sa pagbigkas at pagsasalita. Higit nitong napapalinaw o nadaragdagan ang kahulugan ng mga ponemang segmental na bumubuo sa mga salita. Tulad ng pag-awit, may tono rin sa pagsasalita: mababa, katamtaman, at mataas.

Page 8: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

HALIMBAWA:

3_1. 2 ga 2. 3

ta la1 2la ta 1

ga

3_3. 2 pon 4. 3

ka ha1 2ha ka 1

pon

Page 9: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Bago ang talakayan, aalamin na muna natin ang ibig sabihin ng Ponemang Suprasegmental at ano ang pinagbubuhatan ng salitang ito upang lubos na maunawaan natin ang aralin.1. Ano ang ponema?2. Ano ang kahulugan ng suprasegmental?3. Ano naman ang ibig sabihin ng segmental?

Mga gabay na tanong:

Page 10: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Alam mo ba na….Ang Ponolohiya ay tumutukoy sa pag-aaral sa

mahahalagang tunog na nagbibigay kahulugan sa pagsambit ng salita na nagpapabago sa kahulugan ng mga salitang halos magkakatulad ang kaligirang baybay.

Sa Ponolohiya o palatunugan, lahat ng pamamaraan ay ginagamit sa pagsusuri at pag-aanalisa ng mga tunog sa maagham na paraan.

Page 11: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Ang ponema ay tumutukoy sa anumang yunit ng mga tunog o pagbigkas na taglay ang kahulugan samantalang graphemes naman ang tawag sa pagsulat ng salita ayon sa tuntunin ng asimilasyon.

Ponema ang tawag sa yunit ng tunog o pinakamaliit na bahagi ng wika na may kahulugang tunog. Makahulugang yunit ng tunog na nagpapabago sa kahulugan ng isang salita. Ito ay kaiba sa morpema na kung saan ay tumutukoy sa pinagsama-samang tunog upang makabuo ng salita. Ang morpema ay tinatawag na pinakamaliit na yunit ng salita.

Page 12: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Ang salitang “Ponema” ay mula sa salitang Griyego na “Phoneme” na nangangahulugang makatuturang tunog at ng “Phone”na nangangahulugang salitang tinig (boses) na naaasimila sa wikang Filipino bilang Ponema.

Ang segmental ay tinatawag na makahulugang tunog samantalang ang suprasegmental ay tinatawag na pantulong sa ponemang segmental na ang tinutukoy na ginagamit bilang pantulong ay ang tono (Pitch), haba (Length), diin (Stress), at antala (Juncture)

Page 13: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Halimbawa:Sa pagluluto natin ng Sinigang Baboy, alin kaya dito

ang maihahalintulad sa tunog o ponema?Alin ang pinakaprinsipal na sangkap o ang segmental at alin naman ang pantulong sa segmental o ang suprasegmental?

Ang ponema rito ay ang sinigang, ang pinakaprinsipal na sangkap ay ang baboy o ang segmental at ang pantulong sa segmental o ang suprasegmental ay ang lahat ng mga rekados na nagpapasarap sa nilutong sinigang na baboy.

Ibig sabihin, ang tunog ay hindi magiging maayos ang pagkakalahad ng kahulugan, layunin at intensyon kung wala ang mga pantulong sa pagbubuo nito na ginagampanan ng apat na suprasegmental: tono (Pitch), haba (Length), diin (Stress), at antala (Juncture)

Page 14: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

PONEMANG SUPRASEGMENTALIto ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng

suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intension ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.1.Diin- Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa

pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito.

-Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.

Page 15: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Mga halimbawa:a.) /BU:hay /=kapalaran ng tao /bu:HAY / =

humihinga pa lamangb.)/ LA:mang/ =natatangi /la:MANG /=

nakahihigit; nangunguna2. Tono/Intonasyon – Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapgbigay-kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.

Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman, at mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman , at bilang 3 sa mataas.

Mga Halimbawa:a.) kahapon = 213, pag-aalinlangan

Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayagb.) Talaga = 213, pag-aalinlangan

Talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag

Page 16: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

3. Antala/ Hinto- Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis (//), o gitling ( - ).

Mga Halimbawa:a. Hindi/ ako si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay

ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y napagkamalan lamang na si Arvyl.)

b. Hindi ako, si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na

ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Joshua.)

c. Hindi ako si Joshua. (Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na

ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Joshua.)

Page 17: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Karagdagang Kaalaman:

= nangangahulugang hilaw pa ang tuno o hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng salita

= nangangahulugang luto na ang tunog, may taglay na itong kahulugan

? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita ay waring may pumipigil sa hanging galing sa bunganga sa paglabas

halimbawa: /SU:ka?/ =vinegar /BA:ga?/ = lungs / BA:ta?/ = child

h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang hangin mula sa bunganga

halimbawa: /SU:kah/ = vomit /BA:gah/ = for instance, or for example (for

explaining something) / BA:tah/ = robe, damit na sinusuot upang di

malamigan

Page 18: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

: = banayad na pagbigkas na siyang ginagamit sa pagtukoy sa haba sa pagbigkas ng salita

. = ang kagyat na pagbigkas ng salitaHalimbawa: / bu:hay/ = magiging mahaba ang

pagbigkas sa bu kapag ang tinutukoy na kahulugan ng salita ay life

/ bu.hay/ = ay mabilis ang pagbigkas sa salitang bu at ito ay

nangangahulugang humihinga pa. / pu:no?/ = tree / pu.no?/ = full / ta:nan/ = umalis nang walang

paalam / ta.nan/ = nangangahulugang

lahat sa Cebuano na tanggap na sa Filipino

Page 19: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Gawain : Sagutin ang sumusunod na mga halimbawa ng salitang may iba-ibang diin.Ibigay ang isinasaad na kahulugan nito.

1./BU:kas/= __________ / bu:KAS/ = ___________

2./LI:gaw/= __________ / li:GAW/ = ___________

3./GA:lah/= _________ / ga:LAH /= ___________

4./PU:la?/= __________ / pu:LAH/ = ___________

5./BU:koh/= __________/ bu:KOH/ = ___________

Page 20: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Mga kahulugan ng salita ayon sa diin.1./BU:kas/= tomorrow / bu:KAS/ =

open2./LI:gaw/= _to court / li:GAW/ =

_wild3./GA:lah/=long sleeve shirt / ga:LAH /=

palaboy4./PU:la?/= to criticize / pu:LAH/ = _red

color__5./BU:koh/= _coconut / bu:KOH/ = being

discovered

Page 21: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Pagsasanay 1: Bigkasin MoBigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas.1./ SA:ka/ - ________________ / sa:KA/ - ______________2./ BU:hay/-_______________ / bu:HAY/- ______________3./ki:tah/ - ________________/ ki:TA?/- ______________4./ta:lah/-_________________/ta:la?/ - ______________5./ba:lah/-________________ /ba.la?/ ______________

Page 22: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

PAGSASANAY 2: TONOTukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag sa layunin nito.Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas. Isulat sa sagutang papel.1. Kanina = ____, pag-aalinlangan kanina = ____, pagpapatibay, pagpapahayag2. mayaman = ____, pagtatanong mayaman = ____, pagpapahayag3. magaling = ____, pagpupuri magaling = ____, pag-aalinlangan4. kumusta = ____, pagtatanong na masaya kumusta = ____, pag-aalala5. Ayaw mo = ____, paghamon Ayaw mo = ____, pagtatanong

Page 23: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

PAGSASANAY 3: DIINGamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita. Ipakita ang pagbabago ng kahulugan batay sa diin.Halimbawa : /SA:ka/ - bukid , /saKA/ at saka (also)1./BA:ba/ - ____________________ /ba:BA/ -

_________________2./BA:ta?/ - ____________________ / ba:TAH/ -

_________________3./BA:gah/ - ____________________ /ba:GA?/ - _________________4./LA:bi// - _____________________ / la:BI/ -

_________________5./BA:sah/- ____________________ / ba:SA?/ - _________________

Page 24: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Mga Kasagutan sa pagsasanay 3:

1./BA:ta?/ = ____child_ / ba:Tah/ = robe_

2./BA:gah/= ningas ng apoy/ba.GA?/ = lungs

3./LA:bi?/ = ___lips____ / la:BI? / = corpse

4./BA:sah/= ___to read__/ ba:SA?/ = __wet_

5./BA:ba?/= __jaw__ / ba:BA?/ = _go down

Page 25: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

PAGSASANAY 4: HINTO/ ANTALABasahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga pagkakaiba ng kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng hinto at intonasyon.1.Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.2.Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko.3.Hindi siya ang kaibigan ko.

Page 26: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

PAGLALAHAT Paano nakatutulong ang ponemang

suprasegmental sa pagpapahayag ng saloobin, pagbibigay ng kahulugan, layunin at intensyon? Ipaliwanag.

Page 27: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Karagdagang Pagsasanay: A.Isulat ang wastong diin ng mga salitang nasa panaklong ayon sa wastong gamit nito sa pangungusap.(pala) 1. Dumating na ______ siya kagabi na may dalang maraming _________.(kasi) 2. Hindi nakadalo ang kanyang _______ _________ may lagnat ito.(dating) 3. ______ matamlay na ang bata noong bagong _______pa lamang nito.(sila) 4. ______ ay na______ ng malalaking Leon.(lamang) 5. Ako ________ dapat ang maging __________ sa amin.(tabi) 6. ______ po, maaari bang ta______ sa iyo?(taga) 7. Ang lalaking ______ probinsiya ay may ______ sa kanyang mukha.(yaya) 8. Ang aming ______ ay nag- ______ nang mamasyal.(busog) 9. Hindi ko magalaw ang aking ______ sapagkat ako’y sobrang _______.(puso) 10. Ang pagpapaayos ng kanilang ______ ang laging nasa kanyang _____.

Page 28: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

B. Gamit ang natututunan, sumulat ng isang talata gamit ang mga salitang magkakaiba ang kahulugan ngunit pareho ang kaligirang baybay nito.

Mga Mungkahing Paksa:1. Ang Pagdiriwang ng “Buwan ng Wika”2. Paghahanda para sa Bakasyon3. Pamimitas ng Lanzones sa Gawisan4. Panliligaw ng Kabataan sa Bagong Henerasyon5. Sariling Piling Paksa

Mga pamantayan sa PagmamarkaKaangkupan ng mga salita sa kaisipan - 30%Kawastuan ng pagbabago ng diin - 30%Organisasyon ng ideya - 40%

100%

Page 29: Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation

Binabati kita! Matagumpay at maluwalhati mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay.

Maligayang paglalakbay at pag-aaral!

Jen