sample draft of thesis in fili02-1

66
PISIKAL NA PASILIDAD: EPEKTO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG PILING MAG-AARAL SA UNANG TAON SA KURSONG AKAWNTANSI NG DE LA SALLE LIPA AKADEMIKONG TAON 2008-2009 ___________________________ Isang Pananaliksik na iniharap para kay Bb. Alona D. Catapang Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Siyensya Erya ng Panitikan, Filipino at Pagpapahalaga sa Sining De La Salle Lipa ___________________________ Para sa Pambahaging Pagtupad sa Mga Kailangan ng Asignaturang Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik) Nina:

Upload: zakatsuki

Post on 21-Nov-2014

258 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

PISIKAL NA PASILIDAD: EPEKTO SA AKADEMIKONG PAGGANAPNG PILING MAG-AARAL SA UNANG TAON SA KURSONG

AKAWNTANSI NG DE LA SALLE LIPAAKADEMIKONG TAON 2008-2009

___________________________

Isang Pananaliksik na iniharap para kayBb. Alona D. Catapang

Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at SiyensyaErya ng Panitikan, Filipino at Pagpapahalaga sa Sining

De La Salle Lipa

___________________________

Para sa Pambahaging Pagtupad sa Mga Kailangan ng Asignaturang

Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik)

Nina:

Mary Anne G. AlvarezDanielle Ann H. Perez

Charisse Ann M. Pureza

Marso 6, 2009

Page 2: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay nagpapaabot ng kanilang pasasalamat sa mga

sumusunod para sa maluwalhating pagsasagawa ng pag-aaral na ito.

Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay sa mga mananaliksik ng

determinasyon upang isakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na

kanilang ginamit sa kanilang pag-aaral. Sa pagdinig sa kanilang dalangin lalung-

lalo na sa sandaling sila ay pinanghihinaan na ng pag-asang matapos ito ng

ayon sa itinakdang panahon.

Sa mga magulang ng mananaliksik, na nagbibigay ng moral at pinansyal

na suporta at nagsilbi nilang inspirasyon.

Sa tagpayo, Bb. Alona D. Catapang, sa pagbibigay ng mga ideya at payo

sa paggagawa at pagrerebisa ng pag-aaral.

Sa mga estudyante sa kursong Akawntansi ng De La Salle Lipa para sa

tapat nilang pagsasagot ng sarvey-kwestyoneyr.

Muli maraming-maraming salamat po.

Mga Mananaliksik

Page 3: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Kabanata I Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Introduksyon 1

Layunin ng Pag-aaral 3

Kahalagahan ng Pag-aaral 4

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 5

Definisyon ng mga Terminilohiya 5

Kabanata II Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 8

Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik 11

Mga Respondente 11

Instrumentong Pampananaliksik 12

Tritment ng mga Datos 13

Kabanata IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos 14

Kabanata V, Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Lagom 32

Konklusyon 32

Page 4: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Rekomendasyon 33

Listahan ng mga Sanggunian 35

Apendiks

Liham sa mga Respondente

Sarbey-kwestyoneyr

Resume

Page 5: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAF

A. Talahanayan 1: Distribusyon ng mga Respondente 12sa kursong Akawntansi

B. Graf 1: Distribusyon ng mga Respondente 14 Ayon sa Kasarian

C. Graf 2: Distribusyon ng mga Respondente 14Ayon sa Edad

Talahanayan 2 Distribusyon ng mga Pasilidad Na 15 makikita Sa Paaralan

D. Graf 3: Kasapatan ng mga Pasilidad sa Paaralan 15

E. Graf 4: Distribusyon ng mga pasilidad na 16madalas puntahan ng mga mag-aaral

F. Graf 5: Distribusyon ng mga Gawain ng mga 16 Respondente sa pasilidad

F.1 Graf 5.1a Ang Silid-Aklatan Batay sa 17Presensya ng Kard Katalog

Graf 5.1b Ang Silid-Aklatan Batay sa 17Presensya ng Ensayklopedia

Graf 5.1c Ang Silid-Aklatan Batay sa 18Presensya ng Mapagkakatiwalaang Libro

Graf 5.1d Ang Silid-Aklatan Batay sa 18Bentilasyon

Graf 5.1e Ang Silid-Aklatan Batay sa Laki 19 Graf 5.1f Ang Silid-Aklatan Batay sa 19

Kabilisan sa Serbisyo

F.2 Graf 5.2a Ang Kantina Batay sa Kasapatan 20ng Lamesa

Graf 5.2b Ang Kantina Batay sa Bentilasyon 20 Graf 5.2c Ang Kantina Batay saLaki 21 Graf 5.2d Ang Kantina Batay sa Kabilisan 21

ng Serbisyo

F.3 Graf 5.3a Ang Silid-aralan Batay sa Kasapatan 22sa Lamesa

Page 6: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Graf 5.3b Ang Silid-aralan Batay saBentilasyon 22 Graf 5.3c Ang Silid-aralan Batay sa Presensya 23

ng LCD Graf 5.3d Ang Silid-aralan Batay sa Laki 23

F.4 Graf 5.4a Ang Silid-Pangkompyuter Batay sa 24Kasapatan ng Kompyuter

Graf 5.4b Ang Silid-Pangkompyuter Batay sa 24Bentilasyon

Graf 5.4c Ang Silid-Pangkompyuter Batay sa 25Epektibidad

Graf 5.4d Ang Silid-Pangkompyuter Batay sa 25Laki

F.5 Graf 5.5a Ang Ternstayl Batay sa Epektibidad 26 Graf 5.5b Ang Ternstayl Batay sa Tulong na Hatid 26 Graf 5.5c Ang Ternstayl Batay sa Dami 27 Graf 5.5d Ang Ternstayl Batay sa Lokasyon 27

F.6 Graf 5.6a Ang eleveytor Batay sa Laki 28 Graf 5.6b Ang eleveytor Batay sa Bilang 28 Graf 5.6c Ang eleveytor Batay sa Tulong na Hatid 29

G. Graf 6: Kalagayan ng mga Pasilidad 29

H. Graf 7: Kabutihang Dulot ng mga Pasilidad 30 sa mga Respondente

I. Graf 8: Distribusyon ng Marka ng mga 30 Respondente noong Nakaraang Semestre

J. Graf 9: Kahalagahan ng mga Pasilidad 31sa mga Mag-aaral

Page 7: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Sa oras na ang isang bata ay dumaan sa iba at ibang estado ng buhay, siya

ay nagkakaroon ng mas malawak na pang-unawa at kakayahan, kung kaya ang

pag-unlad ng isang bata ay nakasalalay sa ilang aspeto na kanyang patuloy na

pingadadaanan sa kanyang buhay. Sa pagpapaunlad ng isang estudyante tungo

sa kanilang kabuuan, ang kominidad kaagapay ang paaralan ay nagsasagawa

ng iba at ibang paraan at metodo para makamit ang pangangailangan ng mga

mag-aaral. Nakaisip din sila ng mga posibleng teknik upang mapaunlad ang

paraan ng kanilang pagtuturo. Iba-ibang ebalwasyon din ang itinuring na

epektibo sa pagtukoy ng pangangailangan ng mga estudyante. Sa pagtaas ng

pangangailangan, magkakaroon ng importansya ang mga paraan para sa

kanilamg pagkatuto at pag-unlad. (ano ang source nito?)

Isa sa mga aspeto sa pag-unlad ng isang bata ay ang kanyang pamilya. Sila

ay nakatutulong sa pamamagitan ng mga aral na itinuro at minulat sa mga bata.

Ang pinakamaimpluwensyang aspeto sa pag-unlad ng isang bata ay ang

kanyang paaralan. Ito ang nagsisilbing pangunahing ahensya sa paghubog sa

bata sa pamamagitan ng edukasyon. Ito rin ay nakatutulong sa pamamagitan ng

kaalamang nabuo at nahulma sa isang institusyon.

Ang paaralan ay hindi lamang dapat nagtataglay ng akademikong aspeto

kundi meron ring dapat sapat na pasilidad at mga kasangkapan. Ang mga

pasilidad na ito ay dapat na sapat para sa pagsasanay ng mga estudyante.

Dapat din itong maging kapakipakinabang para sa pagpapaunlad ng isang

estudyante. Ang mga tinutukoy na pasilidad ay matatawag din bilang pisikal na

pasilidad.

Page 8: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

2

Ang pisikal na pasilidad na matatagpuan sa paaralan ay ang laboratoryo,

kantina, gymnasium, silid-aralan, silid-aklatan at iba pa. Ito ay may mahalagang

gampanan sa pagsasanay at pagtulong sa estudyante. Ito rin ay malawakang

ginagamt para mapaunlad at panatilihin ang pangangailangan ng mga

estudyante. Sa ngayon, ang mga pasilidad na ito ay naging kailangan sa isang

paaralan. Ito rin ay nakasama sa mga dapat tugunan ng isang paaralan.

Ang pisikal na pasilidad ay pwedeng maiugnay sa pasilidad pangakademiko.

Ang pasilidad pang-akademiko ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng kaalaman

at edukasyon ng estudyante. Ito ay ang mga kagamitan para sa pagsasanay

gaya ng laboratoryong pang-ispits, laboratoryo, silid-aralan, silid pangkompyuter,

at iba pa. Ang laboratoryong pang-ispits ay kung saan ang mga mag-aaral ay

nageensayo nang tama at magandang pagbigkas. Nakatutulong din ito sa

kanilang kasanayang pangkomunikasyon. Ang laboratoryo ay isa ring

mahalagang pasilidad para sa isang estudyante. Dito isinasagawa ang iba at

ibang eksperimento. Ang silid-aralan, ang pinakapangkaraniwang uri ng

akademikong pasilidad. Ito ang pinakamaimpluwensyang uri dahil dito

nagaganap ang halos lahat ng diskusyon o talakayan at pag-aaral. Ang

makabagong kaalaman ay dulot ng kompyuter. Silid pangkompyuter ay

nagdudulot ng malaking pagbabago sa edukasyon. Ang mga talakayan ay

madalas na gawa sa mga presentasyon. Ito ay napakagaling na paraan para ang

isang estudyante ay maging palaban sa pagharap sa mabilis na pagbabago ng

mundo. (source)

Sa pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay sinusubukang ituro ang mga

epekto ng pisikal na pasilidad sa akademikong pagganap ng mga piling mag-

aaral sa unang taon ng kursong Akawntansi ng De La Salle Lipa.

Page 9: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

3

2. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagtatangkang alamin ang epekto ng mga

pasilidad sa akademikong pagganap ng mga piling mag-aaral sa unang taon sa

kursong Akawntansi ng De La Salle Lipa taong 2008-2009.

Kaugnay nito, susubukan ding sagutin ng pag-aaral na ito ang mga

sumusunod na katanungan.

1. Anu-ano ang paraan ng pagpili ng pasilidad ng mga mag-aaral batay sa:

1.1edad/gulang

1.2kasarian

2. Anu-ano ang mga pasilidad na makikita sa De La Salle Lipa?

3. Gaano kagamitin ang mga pasilidad?

4. Ano ang lawak ng pagiging sapat ng mga pasilidad sa dalubhasaang ito?

5. Anong maimumungkahing solusyon sa pagpapaunlad ng mga pasilidad?

Mga Palagay

Ang mga sumusunod na palagay ay ginawa bilang basehan ng pag-aaral

na ito:

1. Inaasahang nag-iiba-iba ang paraan ng pagpili pagdating sa pasilidad ng

mga mag-aaral batay na rin sa ilang salik tulad ng edad/gulang at

kasarian.

2. Ang mga pasilidad na matatagpuan sa paaralan ay kantina, gymnasium,

mga laboratoryo, silid-aklatan, silid-aralan, eleveytor at ternstayl.

3. Ang paggamit ng mga pasilidad ay inaasahang nagbabago batay sa ilang

salik tulad ng paggamit, lokasyon at iba pa.

Page 10: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

4. Mayroong mga kailangang pasilidad na dapat magkaroon ang isang

paaralan.

4

5. Maraming mga posibleng epekto na batid sa pagkakaron ng di-sapat na

pasilidad.

6. Mayroong mahalagang ugnayan sa pagitan ng mga pisikal na pasilidad ng

paaralan at ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa kahalagahang hatid, ang pananaliksik na ito ay naghahangad na iukol ang

hangarin at intensyon sa iba.

Para sa mga mag-aaral, inaasahang sa pamamamgitan ng pag-aaral na ito

sila ay magkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga posibleng epekto ng mga

pasilidad sa kanila. Mapapagtanto din nila ang kahalagahan nito sa kanila.

Matututunan din nila ang tamang pag-aalaga sa mga pasilidad.

Mahahalaga ang mga informasyong nakasaad dito sapagkat malaki ang

maitutulong nito sa mga magulang. Magaganyak silang tumutok sa

pagpapaunlad ng magandang pasilidad sa isang paaralan na lubhang

makatutulong sa pagganap ng mga mag-aaral pagdating sa pagkakaroon ng

mga pisikal na pasilidad sa isang paaralan.

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro sa pamamagitan ng

pagbabahagi nila ng mga kaugnay na kaalaman na sa kabilang dako ay

makapag huhubog ng mga produktibong mag-aaral. Maaari din nilang malaman

ang ilang mga posibleng paraan ng pagpapaunlad ng kanilang stratehiya sa

pagtuturo kaugnay sa mga pasilidad na ito.

Page 11: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

5

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, magkakadangal ang mga paaralan

sa pagkakaroon ng mga produktibo at mahuhusay na mag-aaral. Magkakaroon

din sila ng kaalaman sa mga pasilidada na kailangan ng isang paaralan.

Bukod dito, mabebenipisyuhan din ang pamayanan dahil mayroon itong pag-

unlad kung kinabibilangan ito ng mga disiplinado, maaalam at mabubuting

indibidwal.

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang damdamin, pananaw,

kaalaman at sitwasyong nararanasan ng mga mag-aaral. Saklaw nito ang mga

mag-araal sa unang taon ng kursong Akawntansi kaugnay sa paggamit ng mga

pisikal na pasilidad ng De La Salle Lipa.

Nalimitihan ang pag-aaral na ito sa mga unang taon lamang ng De La Salle

Lipan na kumukuha ng Akawntansi. Hinahangad din ng pag-aaral na ito na suriin

ang mga epekto ng pasilidad sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa

kanilang klase. Tatalakayin din ng mga mananaliksik ang mga posibleng impak

na makaaapekto sa mga piling mag-aaral at sa kanilang pag-aaral.

5. Definisyon ng mga Terminolohiya

Page 12: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa,

minarapat ng mga mananaliksik na bigyang definisyon ang mga sumusunod na

terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pag-aaral na ito:

6

Akademikong Pagganap. Ito ay tumutukoy sa kaalamang nakukuha o

kakayahang napapaunlad sa mga asignatura sa paaralan, kadalasang idinisenyo

sa pamamagitan ng iskor sa pagsusulit, ng puntos galling sa guro o sa

pamamagitan ng pareho. (Encarta Encyclopedia Volume 13, 2008) Sa pag-aaral,

ito ay tumutukoy sa paraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa kanilang pag-

aaral at kung paano nila isinasakatuparan ang mga gawaing ibinibigay ng

kanilang guro.

Gymnasium. Ang salitang ito ay nangangahulugang isang malawak na kuwarto

o gusali na ginawa para sa pisikal na edukasyon o panloob na laro (Britannica

Encyclopedia Volume 26, 2008) Sa pag-aaral, ito ay isang pasilidad na

pangmanlalaro na ginaya para sa palakasan at pisikal na pagsasanay.

Ternstayl. Ito ay tinatawag ding isang baffle geyt, isang porma ng geyt kung

saan ay nagbibigay daan sa isang tao na dumaan sa isang pagkakataon.

(http://en.wikipedia.org/wiki/Turnstile). Sa pag-aaral na ito, ito ay isang pasilidad

na itinayo upang masiguro ang kaligtasan ng mga pumapasok at lumalabas ng

institusyon.

Silid-aklatan. Ang salitang ito tumutukoy sa isang koleksyon ng mga

impomasyon, mga pagkukunan, yaman, libro, at mga serbisyo, at ang istraktura

na kung saan ito ay isang silid. (http://en.wikipedia.org/wiki/Library). Sa pag-aaral

na ito, ito ay tumutukoy sa pasilidad na pinupuntahan ng mga mag-aaral upang

maghanap ng mga reperesya at makapagaral.

Silid-aralan. Ito ay isang silid na kung saan ang pagtuturo ay nangyayari sa

pamamagitan ng pagtatangkang magbigay ng isang ligtas na lugar kung saan

Page 13: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

ang pag-aaral ay maaaring tumagal sa lugar na walang patid sa pamamagitan ng

iba pang mga distractions. (http://www.answers.com/topic/classroom). Sa pag-

aaral na ito, ito ay tumutukoy sa silid na pinaglalagian ng mga mag-aaral kung

saan dito sila madalas na matatagpuan. Dito isinasagawa ang mga klase.

Kantina. Lugar na kung saan ang pagkain ay nabili sa isang pabrika, barracks

atbp. (http://www.thefreedictionary.com/canteen). Sa pag-aaral nai to, ito ay

pasilidad na matatagpuan sa loob ng isang paaralan kung saan dito bumibili ng

pagkain ang mga estudyante.

Eleveytor. Isang bertikal na sasakyan na mahusay ilipat ang mga tao o mga

kalakal sa pagitan ng sahig ng isang gusali patungo sa itaas ng nito.

(http://en.wikipedia.org/wiki/Elevator). Sa pag-aaral na ito, ito ay isang pasildad

na gamit ng mga estudyante upang mapadali ang kanilang pagpunta sa mga

sild-aralan na nasa itaas ng paaralan.

Mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa sinumang tao na nakaenrol at umaaten ng mga

klase sa paaralan at kolehiyo. (http://education.yahoo.com/reference/

dictionary/entry/student). Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa mga mag-aaral

na kumukuha ng kursong akawntansi sa unang taon sa De La Salle Lipa.

Kard catalog. Ang salitang ito ay isang alpabetikong fayl ng mga may-akda,

paksa, at mga pamagat ng libro sa silid-aklatan. (http://www.library.uiuc.edu/rex/

instruction/cardcat.htm). Sa pag-aaral na ito, ito ay instrumento sa loob ng silid-

aklatan upang mapadali ang pagaahanap ng mga mag-aaral sa mga lirbo.

Lobby. Ito ay nangangahulugang isang entranswey o pasukan sa isang gusali

kung saan pwedeng naghihintay ang mga tao.

(http://www.yourdictionary.com/lobby). Sa pag-aaral na ito, ito ay pasilidad na

matatagpuan sa may entrans ng paaralan kung saan dito naghihintay ang mga

mag-aaral.

Page 14: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Pangkaisipang Panitikan

Ang akademikong pagganap ay tunay na nangangahulugan ng tatlong

bagay: kakayahang mapag-aralan at maalala ang mga katotohanan; magkaroon

ng kakayahang makapag-aral ng mabisa at malaman kung paanong ang mga

katotohanan ay sumang-ayon sa isa at isa upang bumuo ng mas malawak na

huwaran ng kaalaman at isipan ang sarili kaugnay sa mga katotohanang ito, at

pangatlo, kakayahang maipahayag ang sariling kaalaman sa pagsasalita man o

sa pagsulat man sa papel. Ang mabuting akademikong pagganap ay nakaugnay

din sa pagkakaroon ng mabuting pagsasama-sama ng sariling kakayahan na

ang ilan nga ay ang maayos na lugar para sa gawain at maayos na pamamahala

sa oras. Ang lahat ng ito ang dapat na isaalang-alang. (Encarta, 2008)

Ang salitang kantina sa tagalog at canteen sa Ingles ay nagmula sa

salitang Italyanong cantina o istante ng mga alak at orihinal na nangangahulugan

ng isang partikular na lugar sa isang pangmilitar na establisyemento kung saan

makakakuha ang mga sundalo ng mga panghimagas. Patuloy itong ginagamit sa

diwang ito upang ipakita/ituro.ilarawan ang mga lugar ng trabaho kung saan ang

pagkain ay inilalaan mula sa isang sentral na paglilingkod. (Webb, 2000)

Isang lugar kung saan ang siyentipikong pananaliksik at pagpapaunlad ay

isinasagawa at kasama na rin ang mga pagsusuri, ang may kabaligtaran sa

pabrika. Karamihan sa mga laboratoryo ay inilalarawan sa pamamagitan ng

pagkontrol sa kondisyong panlahat (matimtimang temperatura, hanog, kalinisan).

Page 15: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Ang mga modernong laboratoryo ay gumagamit ng malaking bilang ng mga

instrumento at pamamaraan sa pag-aaral, pagsisistema o pagbibilang ng mga

bagay na nasa kanilang atensiyon. Ang mga pamamaraan ay madalas na

9

kinabibilangan ng pagsubok, pagtalakay, pagsukat, pagkakalkyula at ang

presentasyon ng mga resulta; bawat isa ay maaaring isakatuparan sa

pamamagitan ng mga tekniks/istratehiya na isinasaayos mula sa paggamit ng

tauhan ng mga simpleng kasangkapan hanggang sa pagpapatakbo ng

komplikadong sistema ng pagsusuri kasama ang kompyuter, lagakan ng

impormasyon at mga kagamitan sa pagpapaliwanag. (Britannica Encyclopedia,

2008)

Isang lugar para sa pag-aalaga ng permanenteng koleksyon ng libro para

sa pampubliko o pampribadong gamit; sa tahanan, kadalasang binubuo ng isang

kwarto, ngunit sa isang buong gusali. Isang lugar na itinayo upang magkaroon

ng libro, manuskripto, at iba pang materyal para sa pagbabasa, pag-aaral,

panonood, pakikinig o pagpapatnugot, kadalasang mayroon ng mga

organisadong salansanan pati na rin ng mga lugar para sa pagbasa, pagkopya,

panonood o pakikinig sa isang napiling materyal. (Wikipedia, 2008)

Ang mga pisikal na pasilidad ay mayroon ding responsibilidad sa

programing, pagpaplano, pagtatayo, pagpapanatili ng pasilidad upang maibigay

ang mga pinkaposible at pinakmabuting kapaligiran para sa pampaaralang

komunidad. Nagsisikap ang mga pisikal na pasilidad na ito upang makapaglaan

sa mga tauhan ng unibersidad at mga mag-aaral ng komportableng kapaligiran

kung saan makapagtatrabaho at makapag-aaral. Pinananatili nito ang mataas na

kalidad para sa pagpapaunlad at maayos na pagtataguyod. (Encyclopedia

Britannica, 2007)

Pananaliksik Panitikan

Page 16: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Ang akademikong lipunan o matalinong samahan ay nagsimula bilang

mga grupo ng mga akademiko na nagtatrabaho nang sama-sama at

10

ipenepreenta ang gawain sa isa at isa. Ang mga impormal na grupo na ito, nang

nagtagal ay nagging organisado at sa maraming pagkakataon ay

pinayagan/pinahintulutan ng estado. Nakatakda ang pakikiisa, madalas ay

kinakailangan ng pagpayag ng mga kasalukuyang miyembro at kadalasan ding

ang pagmimiyembro ay limitado ng isang partikular na bilang. Ang mga

akademikong lipunan ay nagsisilbi bilang parehong tagapagpresenta at

tagapaglathala ng mga akademikong gawa, ang bahaging gagampanin na ito ay

isinasakatuparan ngayon ng mga tagapaglathalang akademiko at bilang isang

paraan ng pagtangkilik sa pananaliksik at tulong sa akademiko, patuloy silang

nagseserbisyo.(Wikipedia, 2008)

Ang pasilidad ng paaralan ay lubhang mas makabuluhan pa kaysa sa

pagiging isang tahimik na lalagyan ng prosesong edukastonal: manapa ito ay

isang napakahalagang bahagi ng pagkatuto. Ang plano at disenyo ng isang

pasilidad ay nagsisilbing salik sa pagtukoy ng karanasan sa lugar ng mga mag-

aaral, tagapagturo at miyembro ng samahan. Depende sa kalidad ng disenyo at

pamamahala, ang pasilidad ay kayang makapagtukoy sa diwa ng pag-aari,

kaligtasan at kasiguraduhan, kontrol, pagkapribado pati na rin ang

pakikipagsalamuha at ang kaluwagan at kasikipan. Kapag nagpaplano,

nagdidisenyo o namamahala ng pampa-aralang pasilidad, ang mga bahaging ito

ng karanasan sa lugar ay dapat na kung possible, isaalang-alang. (Encyclopedia

Britannnica, 2006)

Ang epektibong pampaaralang pasilidad ay sumusunod sa pagbabago ng

mga sistema ng pagtataguyod ng edukasyon at dapat na makapaglaan ng mga

pisikal na kapaligirang komportable, ligtas, sigurado, maaasahan, may maayos

na pasukan ng hangin at liwanag, at presentable. Hindi lamang binubuo ng mga

Page 17: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

pisikal na istruktura at sistema ng gusali ang isang pampaaralang pasilidad tulad

ng mekanikal, lagusan ng tubig (plumbing) elektrisidad, sistema ng

telekomunikasyon, seguridad at sistema sa pamatay - sunog. (Wikipedia, 2007)

(Note: Nasaan ang mga kaugnay na pag-aaral? Ito ay mga pananaliksik na

isinagawa na at kukuha kayo ng hanngang lima upang ipahayag ang

kaugnayan nito sa inyong pag-aaral.)

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang

descriptive-analitik na pananaliksik. Layunin ng pag-aaral na ito na alamin at

suriin ang damdami at pananaw ng mga respondent hinggil sa impak ng mga

pisikal na pasilidad sa kanilang akademikong pag-aaral.

2. Mga Respondente

Ang mga piniling respondent sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa

unag taon ng De La Salle Lipa sa ikalawang semestre ng taong-akademiko

2008-2009.

Sa kasalukuyan, may apat na pangkat ng mga estudyante sa kursong

Akawntansi. Gumamit ng isandaang bilang ng mga respondent sa kabuuang

bilang ng mga mag-aaral sa nasabing kurso sa pamamamaraang random

sampling upang magkaroong ng pantay na representasyon ang bawat pangkat:

Page 18: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

dalawampu at pitong mag-aaral sa A1A, dalampu at anim sa A1B, dalawampu at

lima sa A1C at dalawampu at dalawa sa A1D. Pansinin ang sunod na

talanahayan:

12

Talahanayan I

Distribusyon ng mga Respondente sa iba at ibang

pangkat sa kursong Akawntansi

Seksyon PopulasyonRespondente sa

bawat seksyonPorsiyento

A1A 38 27 71.05

A1B 36 26 72.22

A1C 35 25 71.43

A1D 30 22 73.33

Kabuuan 139 100 71.94

Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondent sa kursong Akawntansi sa

ikalawang semestre sapagkat sila ang pinakamadaling makatugon sa mga

pangangailangan sa pamanahong-papel na ito at upang magkaroon ng pantay

na representasyon ang bawat seksyon.

3. Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarvey. Ang

mga mananaliksik ay naghanda ng isang sarvey-kwestyoneyr na naglalayong

makangalap ng mga datos upang masuri ang impak ng mga pisikal na pasilidad

sa kanilang akademikong pag-aaral.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga informasyon ang mga mananaliksik

sa iba at ibang mga hanguan sa aklatan katulad ng mga nakaraang pananaliksik,

Page 19: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

dyaryo, at iba pang referensyal. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang

informasyon sa internet.

13

4. Tritment ng mga Datos

Dahil ang pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi

naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tesis at

disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa

pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na

pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng

bawat aytem sa kwestyoneyr ang inalam ng mga mananaliksik. Dahil isandaan

(100) ang mga respondente, naging madali para sa mga mananaliksik ang

pagkuha ng porsyento dahil sa bawat dami ng bilang ay awtomatikong katumbas

sa porsyento niyon.

Page 20: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at informasyon:

Inalam ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian.

Animnapu at lima (65%) sa kanila ay mga babae, samantalang, tatlumpu at lima

(35%) ay mga lalaki.

Pansinin ang kasunod na graf:

Graf I

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Kasarian

Ipinapakita ng Graf 2 ang distribusyon ng mga respondente ayon sa edad.

Walumpu at isa (81%) sa mga respondente ay nasa edad 17-18. Ang labing-apat

(14%) ay nasa edad 15-16. Ang natitirang lima (5%) sa mga respondente ay

nasa 19-20 taong gulang.

Graf 2

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Edad

Page 21: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

15

Isinasaad sa talahanayan na ang silid-aralan (17.69%) ang pinaka-

karaniwang nakikita sa paaralan. Sumunod ditto ang silid-aklatan (15.82%) at

kantina (15.55%). Kabilang din sa mga pasilidad na makikita sa paaralan ang

silid-pangkompyuter (17.75%), eleveytor (14.48%), gymnasium (13.67%) at

tarnstayl (8.04%).

Talahanayan 2Distribusyon ng mga Pasilidad Na makikita Sa Paaralan

Pasilidad Bilang/Dami Porsyento RanggoSilid-aklatan 59 15.82 2Silid-aralan 66 17.69 1Gymnasium 51 13.67 6Eleveytor 54 14.48 5Tarnstayl 30 8.07 7Silid-pangkompyuter

55 17.75 4

Kantina 58 15.55 3Kabuuan 100 100

Walumpu at tatlo (83%) sa mga respondente ang nagsabi na nakasasapat

ang mga pasilidad sa paaralan. Ayon naman sa siyam (9%), hindi nakasasapat

at walong (8%) respondente naman ang nagsabing sobrang nakasasapat. Wala

naman sa mga respondente ang nagsabi na hindi nakasasapat ang mga

pasilidad sa paaralan.

Graf 3.Kasapatan ng mga Pasilidad sa Paaralan

Page 22: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

16

Ayon sa Graf 4, ang silid-aralan (30.11%) ang pasilidad na madalas

puntahan ng mga respondente. Smunod pa ang kantina (25%) at silid-aklatan

(23.86%). Pinupuntahan din ng mga respondente ang silid-pangkompyuter

(10.23%), eleveytor (3.41%), gymnasium (1.70%) at sa iba pa (5.68%) gaya ng

lounge at student’s park.

Graf 4Distribusyon ng mga pasilidad na madalas

puntahan ng mga mag-aaral

Pakikipag-usap at pakikipagkwentuhan (32.93%) ang madalas gawin ng

mga respondente sa pagpunta nila sa pasilidad. Isa rin sa mga dahilan ay ang

pag-aaral (29.34%). Naglalaan din ng oras ang mga respondente sa mga

pasilidad upang mgahanap ng sanggunian/ pananaliksik (22.75%), sa iba pang

dahilan gaya ng pagkain (10.18%) at paglalaro (4.39%).

Graf 5Distribusyon ng mga Gawain ng mga Respondente

sa mga pasilidad sa paaralan

Page 23: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

17

Ayon sa Graf 5.1a apatnapu at apat (44%) na respondente ang

sumasang-ayon na ang kanilang silid-aklatan ay epektibo batay sa presensya ng

kard catalog. Tatlumpu at pito (37%) ang nagsabing napakaepektibo nito at

labing siyam (19%) ang nagpahayag na hindi epektibo ang silid aklatan batay sa

presensya ng kard catalog.

Graf 51.aAng Silid-aklatan batay sa presensya ng kard katalog

Makikita sa Graf 5.1b na apatnapu at apat (44%) ang nagsasabing

epektibo ang silid-aklatan kung ang pagbabatayan ay ang presensya ng

ensayklopedia. Napakaepektibo naman ang nakikita ng apatnapu at dalawa

(42%) sa silid-aklatan at hindi epektibo ayon sa labing-apat (14%) na

respondente.

Page 24: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Graf 5.1bAng Silid-aklatan batay sa presensya ng Ensayklopedia

18

Mahihinuha sa graf 5.1c na karamihan sa mga respondente sa bilang na

apatnapu na tatlo (43%) ay nagsasabi na epektibo ang silid-aklatan para sa

kanilang pagganap dahil sa laki nito samantalang tatlumpu at lima (35%) ang

nagpahayag na napakaepektibo ang silid-aklatan at dalawampu at dalawa ang

nagsabing hindi epektibo ang laki ng lugar g silid-aklatan.

Graf 5.1cSilid-aklatan batay sa laki ng lugar

Hinggil sa palagay ng mga respondente ukol sa silid-aklatan batay sa

presensya ng mga mapagkakatiwalaang libro, apatnapu at tatlo (43%) ang

Page 25: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

nagsasabing napakapektibo, apatnapu (40%) ang nagsabing epektibo at labing

pito (17%) ang nagsabing hindi epektibo.

Graf 5.1dAng sild-aklatan batay sa presensya ng mga mapagkakatiwalaang libro

19

Apatnapu at tatlo (43%) sa mga respondente ang nagsabing epektibo ang

silid-aklatan kung ang pagbabatayan ay ang bentilasyon nito. Ayon sa apatnapu

at isa (41%) respondente, napakepektibo nito at labing anim (16%0 naman ang

nagsabing hindi epektibo.

Graf 5.1eAng silid-aklatan batay sa bentilasyon ng lugar

Page 26: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Hinngil sa kanilang palagay kung epektibo ang silid-aklatan sa bilis ng

serbisyo, apatnapu at siyam (49%) ang nagsabing epektibo ito. Ayon sa

dalawampu at anim (26%) na respondente, ito ay napakaepektibo at dalwampu

at lima (25%) ang nagsabing hindi ito epektibo.

Graf 5.1fAng silid-aklatan batay sa bilis ng serbisyo

20

Ipinapalagay sa graf 5.2a na maayos at epektibo ang pasilidad ng kantina

batay sa kasapatan ng lamesa ayon sa animnapu at pitong (67%) respondente.

Napakaayos at epektibo ayon sa dalawampu at dalawa (22%) respondente

samantalang hindi epektibo para sa labing isa (11%).

Graf 5.2aAng kantina batay sa kasapatan ng lamesa at upuan

Page 27: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Hinggil sa kanilang palagay kung epektibo ang kantina batay sa

bentilasyon nito, limampu at dalawa (52%) ang nagsasabing epektibo ito,

tatlumpu at dalawa (32%) ang nagsasabing napakaepektibo samantalang labing-

anim (16%) ang nagsabing hindi ito epektibo.

Graf 5.2bAng kantina batay sa bentilasyon ng lugar

21

Hinggil naman sa pananaw ng respondente, limampu at tatlo (53%) ang

nagsabing epektibo ang kantina. Dalawampu at pito (27%) sa kanila ang

nagsabing napakaepektibo at dalawampu (20%) ang nagsabing hindi ito

epektibo batay sa laki ng lugar.

Graf 5.2cAng kantina batay sa laki ng lugar

Page 28: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Ayon sa limampu at anim (56%) na respondente, ang kantina ay epektibo

sa kanilang pagganap dahil sa kabilisan nito sa serbisyo, tatlumpu at tatlo (33%)

ang nagsabing hindi ito epektibo samantalang labing isa (11%) ang nagsabing

napakaepektibo nito sa kanila.

Graf 5.2dAng kantina batay sa kabilisan ng serbisyo

22

Ipinapalagay sa graf 5.3a na limampu at siyam (59%) na

respondente ang nagsabing epektibo ang silid-aralan sa kanilang akademikong

pagganap kung ang pagbabatayan ay ang kasapatan ng lamesa. Ayon sa

dalawampu at apat (24%), napakaepektibo nito at hindi epektibo sa labing pito

(17%) respondente.

Graf 5.3aAng silid-aralan batay sa kasapatan sa lamesa

Page 29: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Hinggil sa palagay ng mga respondente kung epektibo ang silid-aralan sa

kanila, animnapu (60%) ang nagsabing epektibo ito, dalawampu at dalawa (22%)

sa kanlia ang nagsabing napakaepektibo at labing walo (18%) respondente ang

nagsabing hindi epektibo.

Graf 5.3bAng silid-aralan batay sa bentilasyon ng lugar

23

Apatnapu at siyam (49%) sa mga respondente ang nagsabing hindi

epektibo ang silid-aralan batay sa presensya ng LCD. Ayon naman sa

dalawampu at anim (26%) sa kanila, epektibo ito samantalang napakaepektibo

para sa dalawampu at limang (25%) respondente.

Graf 5.3cAng silid-aralan batay sa presensya ng LCD, projector

Page 30: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Ayon sa limampu at apat (54%) na respondente, ang silid-aralan ay

epektibo sa kanilang akademikong pagganap, dalawampu at pito (27%) ang

nagsabing napakaepektibo at ayon sa labing siyam (19%) sa kanila ay

nagsabing hindi epektibo.

Graf 5.3dAng silid-aralan batay sa laki

24

Limampu at dalawa (52%) respondente ang ngasabing epektibo ang silid-

pangkompyuter batay sa kasapatan ng kompyuter. Tatlumpu at tatlo (33%) ang

naman ang nagsabing hindi ito epektibo samantalang napakaepektibo para sa

labing limang (15%) respondente.

Graf 5.4aAng silid-pangkompyuter batay sa kasapatan ng kompyuter

Page 31: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Ayon sa apatnapu at limang (45%) respondente, epektibo ang silid-

pangkompyuter batay sa bentilasyon, tatlumpu at lima (35%) ang nagsabing

napakaepektibo at hindi epektibo para sa dalawampung (20%) respondente.

Graf 5.4bAng silid-pangkompyuter batay sa bentilasyon ng lugar

25

Ayon sa limampu at dalawa (52%) respondente, epektibo ang silid-

pangkompyuter batay sa epektibidad nito, dalawampu at pito (27%) ang

nagsabing napakaepektibo nito at dalawampu at isa (21%) ang nagsaad na hindi

ito epektibo.

Graf 5.4cAng silid-pangkompyuter batay sa epektibidad

Page 32: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Limampu at dalawang (52%) respondente ang nagsabing epektibo ang

silid-pangkompyuter sa kanila batay sa laki nito at tatlumpu at apat (34%) sa

kanila ang ngsasabing hindi ito epektibo. Napakaepektibo naman ito para sa

labing apat (14%) na respondente.

Graf 5.4dAng silid-pangkompyuter batay sa laki

26

Ayon sa apatnapu at siyam (49%) na respondente, epektibo ang ternstayl

batay sa epektibidad nito, dalawampu at siyam (29%) ang nagsabing hindi ito

epektibo at dalawampu at dalawa (22%) ang nagsabing napakaepektibo nito.

Graf 5.5aAng ternstayl batay sa epektibidad

Page 33: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Ayon sa limampung (50%) pursyento o kalahating kabuuang bilang ng

mga respondente, epektibo ang ternstayl ayon sa tulong na hated nito, tatlumpu

at isa (31%) ang nagsabing hindi ito epektibo samantalang labing siyam (19%)

na respondente lamang ang ngasabing napakaepektibo nito.

Graf 5.5bAng ternstayl batay sa tulong na hatid

27

Apatnapu at apat (44%) na respondente ang nagsabing epektibo ang

ternstayl batay sa dami nito, tatlumpu at anim (36%) ang nagsasabing hindi ito

epektibo at dalawampu (20%) sa kanila ang nagsasabing napakaepektibo nito.

Graf 5.5cAng ternstayl batay sa dami

Page 34: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Ayon sa apatnapu at walong (48%) respondente ukol sa ternstayl batay sa

lokasyon nito, epektibo ito. Tatlumpu at tatlo (33%) ang nagsasabing hindi ito

epektibo samantalang labing siyam (19%) lamang sa kanila ang nagsabing

napakaepektibo nito.

Graf 5.5dAng ternstayl batay sa lokasyon

28

Limampu at lima (55%) sa mga respondente ang nagsabing epektibo ang

eleveytor sa kanilang akademikong pagganap batay sa laki nito. Dalawampu at

apat (24%) naman sa mga respondente ang nagsabing hindi ito epektibo

samanatalang dalawampu at isa (21%) ang nagsabing napakaepektibo nito.

Graf 5.6aAng eleveytor batay sa laki

Page 35: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Ayon sa apatnapu at walong (48%) respondente, epektibo sa kanilang

akademikong pagganap ang mga eleveytor batay sa dami nito. Tatlumpu at isa

(31%) naman ang nagsabing hindi ito epektibo samantalang dalawampu at isa

(21%) ang nagsabing napakaepektibo nito.

Graf 5.6bAng eleveytor batay sa bilang

29

Apatnapu at walo (48%) sa mga respondente ang nagsabing epektibo sa

kanilang akademikong pagganap ang tulong na hated ng eleveytor at tatlumpu at

lima (35%) ang nagsabing napakaepektibo nito samantalang labing pito (17%) sa

kanila ang nagsabing hindi ito epektibo.

Graf 5.6cAng eleveytor sa tulong na hatid

Page 36: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Ayon sa walumpu at apat (84%) na respondente, nagkakaroon ng

problema sa paggamit ng mga pasilidad samantalang labing anim (16%) ang

nagsabing hindi.

Graf 6Kalagayan ng mga Pasilidad

30

Ipinapakita ng Graf 7 na ayon sa animnapu at isa (61%) respondente,

nakatutulong ang mga pasilidad ng paaralan. Tatlumpu at isa (31%) ang

nagsabing napakalaking tulong nito at isa (1%) naman ang nagsabing hindi

nakatutulong.

Graf 7Kabutihang Dulot ng mga Pasilidad sa mga Respondente

Page 37: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Apatna pu at walo (48%) sa mga respondente ang may 86-91 marka

noong nakaraang semestre. 81-85 ang marka ng tatlumpu at tatlo(33%) sa kanila

at labing siyam (19%) ang mayroong 92 pataas na marka.

Graf 8Distribusyon ng Marka ng mga Respondente

noong Nakaraang Semestre

Page 38: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

31

Ayon sa siyamnapu at walo (98%), lubhang kailangan ang mga pasilidad sa mga mag-aaral, samantalang dalawa (2%) ang nagsabing hindi.

Graf 9Kahalagahan ng mga Pasilidad sa mga Mag-aaral

KABANATA VLAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. Lagom

Page 39: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang epekto ng

pisikal na pasilidad sa akademikong pagganap ng piling mag-aaral sa unag taon

sa kursong Akawntansi ng De La Salle Lipa.

Gamit ang disenyong deskriptiv-analitik, ang mga mananaliksik ay

nagdisenyo ng sarvey-kwestyoneyr na pinasagutan sa isandaang (100)

respondente, 27 sa A1A, 26 sa A1B, 25 s A1C at 22 sa A1D.

2. Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

a. Ang pisikal na pasilidad na pinakakaraniwang nakikita sa De La Salle Lipa ay ang silid-aralan, gymnasuim, eleveytor, ternstayl, silid-pangkompyuter at kantina. Ang pinakadominante sa madalas puntahan ng mga mag-aaral ay ang silid-aralan at ang hindi dominante ay ang ternstayl.

b. Ang mga pasilidad na makikita sa paaralan ay nakasasapat at nakasasabay sa pagdami ng bilnag ng mga mag-aaral.

c. Madalas magpalipas ng oras ang mga mag-aaral sa silid-aralan. Kadalasang ginagawa nila dito ay pag-aaral at pakikipagkwentuhan.

d. Ang silid-aklatan ng De La Salle Lipa ay epektibo sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral batay sa presensya ng kard catalog, ng ensayklopedia, ng mapagkakatiwalaang libro, bentilasyon at kabilisan sa serbisyo.

e. Ang pagkakaroon ng kantina ng De La Salle Lipa ay nagbunga sa pagigng epektibo ng mga mag-aaral. Ang resultang ito ay binatay sa kasapatan ng lamesa at upuan ng pasilidad, bentilasyon ng lugar, laki at kabilisan sa serbisyo.

f. Ang mga silid-aralan ng paaralan ay natuklasang malaki ang naitutulong sa pagigng produktibo ng mga mag-aaral dahil sa kasapatan nito sa lamesa at upuan, sa bentilasyon, kasapatan ng LCD, projector na kalimitang ginagamit sa talakayan at sa laki ng lugar.

33

Page 40: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

g. Ang silid-pangkompyuter na makikita sa De La Salle Lipa ay nagsisilbing malaking tulong sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral dahil na rin sa kasapatan ng kompyuter na mayroon ang pasilidad, sa bentilasyon ng lugar, epektibidad ng mga kompyuter at sa laki ng silid na angkop sa pag-aaral.

h. Ang paglalagay ng ternstayl sa De La Salle Lipa ay nadiskubreng bahagyang nakatutulong sa mga mag-aaral sa kabila ng katunayang mas marami ang nagsasabing hindi ito epektibo kaysa sa nagsabing napakaepektibo nito. Batay na rin ito sa epektibidad ng pasilidad, tulong na hatid, sa dami at sa lugar na pinaglagyan.

i. Ang eleveytor ng institusyon ay napagtantong malaki ang nagagawang tulong sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral batay sa mga sumusunod na kraytirya: laki, bilang at tulong na hatid nito.

j. Karamihan sa mga respondente/mag-aaral ay nagkakaroon ng mga problema kaugnay sa mga pasilidad na matatagpuan sa institusyon dahil ang mga pasilidad ay hindi ganoon kadebelop.

k. Batay sa mga respondnete, ang kanilang marka ay naglalaro sa pagitan ng 86-91 at walang bumaba sa 80 na humantong sa konklusyon na malaki ang epektong nagagawa ng mga pisikal na pasilidad sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

3. Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Nawa ay pag-ibayuhin pa ng pamunuan ng dalubhasaan ang lubos na pagtupad hinggil sa mga kailangan ng mga mag-aaral lalo na sa kasapatan ng mga pasilidad at kagamitan na magreresulta naman ng malaking tulong para sa mga estudyante upang paunlarin ang kanilang mga talento at potensyal.

34

Page 41: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

2. Hikayatin ang mga mag-aaral na maging bahagi ng mga akademikong aktibidades at programa at gamitin nang maayos ang mga paslidad ng paaralan.

3. Magmungkahi ng mga proyekto at kampanya na makatutulong sa pag-unald ng mga pisikal na pasilidad ng institusyon.

4. Suportahan ng mga magulang ang mga proyekto at kampanya ng paaralan sa pagdedebelop ng parehong paaralan at ng kabataan.

5. Lalo pang paunlarin ang mga hakbanging ginamit sa pananaliksik na ito ng mga susunod pang pag-aaral.

35

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

A. Libro (format)

Page 42: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Surname, Given name, Middle initial., Year of Publication. Title. Place of Publication. Publisher

Example:

Garcia, Lakandupil C. et. al., 2008. Kalatas: Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. Cabanatuan City, Philippines: Jimcy Publishng House Encarta Dictionary: English (America)

Encarta Encyclopedia (2008)

Encyclopedia Britannica (2006, 2007, 2008)

B. Internet

Kailangan din ang

Surname, Given name, Middle initial., Year of Publication. Title. Place of Publication. Publisher. website

Example:

Garcia, Lakandupil C. et. al., 2008. Kalatas: Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. Cabanatuan City, Philippines: Jimcy Publishng House. Website

http://www.answers.com/

http://www.about.com/

http://www.google.com.ph/

http://wikipedia.org/

http://yahoo.com/

http://education.yahoo.com/reference/dictionary/entry/student)

http://www.thefreedictionary.com/canteenhttp://www.library.uiuc.edu/rex/instruction/cardcat.htm

http://www.yourdictionary.com/lobby

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL?

Page 43: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Surname, Given name, Middle initial., Year of Publication. Pamagat ng Pananaliksik. School or agency. Address of the school or agency

Apendiks A

Sa mga Respondente,

Bigyang alam na ang aming grupo ay nagsasagawa ng isang pag-

aaral tungkol sa epekto ng mga pasilidad sa akademikong pagganap ng mga

Page 44: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

piling mag-aaral sa unang taon sa kursong Accountancy ng De La Salle Lipa

akademikong taon 2008-2009. Kaugnay nito, naggawa kami ng sarvey-

kwetyoneyr upang makakalap kami ng impormasyon. Ang inyong partisipasyon

sa aming pag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa aming mga sagutan ay

napakahalaga, kung wala ito, ang aming pag-aaral ay hindi makukumpleto.

Sisiguraduhin namin na lahat ng impormasyong makakalap ay walang

makakaalam.

Maraming salamat sa inyong magandang pagtugon at kung kayo ay

interisado, bibigyan namin kayo ng resulta ng pag-aaral.

Sumasainyo,

Charisse Ann Pureza Mary Ann Alvarez Danielle Ann Perez

- MANANALIKSIK –

Apendiks B

MGA PISIKAL NA PASILIDAD: EPEKTO NITO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA KURSONG

AKAWNTANSI SA DE LA SALLE LIPAAKADEMIKONG TAON 2008-2009

Panuto: Lagyan ng markang tsek ( √ ) ang patlang ng inyong sagot.

Page 45: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Unang Bahagi: Pagkakakilanlan ng mag-aaral

1. Kasarian : ( ) lalaki ( ) babae2. Edad: ( ) 15-16 ( ) 17-18 ( ) 19-20

Pangalawang Bahagi: Mga tanong

1. Anu-ano ang mga pisikal na pasilidad na makikita sa paaralan? Maaring magmarka ng marami kung kinanailangan.( ) silid-aklatan ( ) ternstayl( ) silid-aralan ( ) silid- pangkompyuter / kompyuteran( ) dyimneysiyum ( ) kantina( ) eleveytor ( ) laboratoryong pangispits

2. Gaano kasapat ang mga pasilidad?( )napakasapat ( ) sobrang hindi sapat( ) hindi sapat ( ) sapat

3. Sa anong pasilidad ka malimit/ madalas magpunta? ( ) silid-aklatan ( ) ternstayl( ) silid-aralan ( ) silid- pangkompyuter / kompyuteran( ) dyimneysiyum ( ) kantina( ) eleveytor ( ) iba pa; ilahad ____________________ ( ) laboratoryong pangispits

4. Ano ang iyong kadalasang ginagawa sa pasilidad na iyon?( ) paghahanap ng sangunian/ pagsasaliksik( ) pagkain( ) pakikipag-usap/ pakikipagkuwentuhan( ) paglalaro( ) iba pa; ilahad ____________________

5. Lagyan ng tsek ang hanay ng numerong kumakatawan sa inyong sagot; 1 bilang pinakamatass at 3 bilang pinakamababang marka.

5.1 Silid- Aklatan 1 2 3 5.1a Presensya ng kard catalog 5.1b Presensya ng Ensayklopidya 5.1c Presensya ng mapagkakatiwalaang libro 5.1d Bentilasyon ng lugar 5.1e Laki ng silid

Page 46: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

5.1f Kabilisan sa serbisyo

5.2 Kantina 1 2 3 5.2a Kakumpletuhan / kasapatan ng

lamesa at upuan 5.2b Bentilasyon ng Lugar

5.2c Laki ng Kantina 5.2d Kabilisan sa serbisyo

5.3 Silid-aralan 1 2 3 5.3a Kasapatan ng lamesa at upuan 5.3b Bentilasyon ng lugar

(maaliwalas, maliwanag….) 5.3c Kasapatan ng kagamitan sa pag-aaral

(LCD, projector…) 5.3d Laki ng silid

5.4 Silid-Pangkompyuter/ Kompyuteran 1 2 3 5.4a Kasapatan ng mga kompyuter 5.4b Bentilasyon ng lugar 5.4c Epektibidad ng mga kompyuter 5.4d Laki ng silid

5.5 Ternstayl 1 2 3 5.5a Epektibidad 5.5b Tulong sa mag-aaral

5.5c Dami ng ternstayl 5.5d Lugar ng pinaglagyan

5.6 Eleveytor 1 2 35.6a Laki ng eleveytor5.6b Bilang / Kasapatan ng eleveytor5.6c Tulong sa mag-aaral

6. Nagkakaroon ba ng mga problema kaugnay sa mga pasilidad na ito?( ) Oo ( ) Hindi

7. Gaano kalaki ang natutulong ng mga pasilidad na ito sa iyo?( ) napaklaking tulong( ) nakakatulong

( ) hindi nakakatulong

8. Ano ang iyong pangkalahatang marka sa katatapos na semestre?( ) 69-74 ( ) 75-80 ( ) 81-85 ( ) 86-91 ( )92 at pataas

Page 47: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

9. Sa iyong palgay, ang mga pasilidad ba ay isang kailanganin para sa pag-aaral ng mga estudyante? Bakit oo at bakit hindi?

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Maraming Salamat!

Apendiks C

CURRICULUM VITAE

Personal Data

Name: Charisse Ann Montalbo Pureza

Page 48: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Address: San Carlos Rosario, Batangas

Birth date: April 7, 1992

Birthplace: Baybayin Rosario, Batangas

Civil Status: Single

Age: 16

Citizenship: Filipino

Religion: Roman Catholic

Father’s Name: Nelson D. Pureza (deceased)

Mother’s Name: Charito Montalbo

Parent’s Address: San Carlos Rosario, Batangas

EDUCATIONAL ATTAINMENT:

School Year

Pre-elementary education: Christ Faith Child Academy 1998

Elementary education: Sto. Niño Formation and Science School 2004

Secondary education: Sto. Niño Formation and Science School 2008

Sgd. Charisse Ann Montalbo Pureza

CURRICULUM VITAE

Personal Data

Name: Mary Ann Gonzales Alvarez

Address: Brgy. Tipakan, Lipa City

Birth date: 1992

Page 49: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Birthplace: Tipakan, Lipa City

Civil Status: Single

Age: 16

Citizenship: Filipino

Religion: Roman Catholic

Father’s Name: Demetrio Alvarez

Mother’s Name: Josiephine Alvarez (deceased)

Parent’s Address: Tipakan, Lipa City

EDUCATIONAL ATTAINMENT:

School Year

Pre-elementary education: Tipakan Elementary School 1998

Elementary education: Tipakan Elementary School 2004

Secondary education: Pinagkawitan National High School 2008

Sgd. Mary Ann Gonzales Alvarez

CURRICULUM VITAE

Personal Data

Name: Danielle Ann Hombre Perez

Address: Calamias, Lipa City, Batangas

Birth date: November 28, 1992

Page 50: Sample Draft of Thesis in Fili02-1

Birthplace: Quezon City, Manila

Civil Status: Single

Age: 16

Citizenship: Filipino

Religion: Roman Catholic

Father’s Name: Diomedes Perez

Mother’s Name: Rebecca Hombre

Parent’s Address: Calamias, Lipa City

EDUCATIONAL ATTAINMENT:

School Year

Pre-elementary education: St. Luke’s Elementray School 1998

Elementary education: Gapan South Central School 2004

Secondary education: Dr. Juan A. Pastor Memorial 2008National High School

Sgd. Danielle Ann Hombre Perez