short stories

Download Short stories

Post on 01-Nov-2014

177 views

Category:

Documents

31 download

Embed Size (px)

DESCRIPTION

cebuano literature - I just got this from the net.

TRANSCRIPT

Short Stories Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya Ni Ax Realm Mahaba ang gabi. Ang dilim! Unti unting nasisilaw ang aking mga mata kahit nakapikit na ang mga ito. Umaga na pala. Kailangan ng bumangon ng isang bata. Ako si Kaito, isang limang taong gulang, at paborito ko ang araw ng Sabado! Bumangon na si kuya at bumangon na rin ako! Sinundan ko si kuya papunta sa palikuran at kitang kita ko.. mas mahaba ang kay kuya! Nagtaka ako kung bakit mahaba ang kay kuya kumpara sa akin. Bakit mas mahaba ang tootbras niya? Pero masaya pa rin ako dahil sabay kaming nagtootbras ni kuya, paramihan kami ng bula at paputian ng ipin.

Kainan na! Ang aking baso ay mayroon ng gatas at ang aking pinggan ay mayroon ng tinapay! Kakainin ko na ang aking tinapay ng mapansin kong bakit mas mahaba yung tinapay ni kuya? Oo, sinukat ko! Ang daya naman. Ang dami dami kong gutom tapos mas mahaba yung kay kuya. Pero nagdasal pa rin ako dahil mayroon kaming pagkain ni kuya. Tinawag ako ng mga kapitbahay ko! Maglalaro daw kami ng tagu-taguan. Saan kaya ako magtatago? Ah! Alam ko na. Magtatago ako sa likod ng bakod namin. Nakita ko si kuya, maglalaro sila ng basketbol. Gusto ko na tuloy maglaro ng basketbol para magkakampi kami ni kuya. Boom Kaito! Yay. Hindi ko namalayan naghahanapan na pala. Pero tinawag ako ni Mommy. Sabi ni Mommy, Kaito, kailangan mo na mag-aral kung paano magbasa. Bakit ganun? Mas mahaba ang oras ng paglalaro ni Kuya.

Bakit ako kailangan pa mag-aral? Ayoko na nga magtagutaguan o mag-langit lupa. Ayoko na rin kumain ng tinapay. Ayoko na rin magtootbras. Bakit laging lamang si Kuya? Mommy, bakit mas mahaba ang tootbras ni kuya? Kaito, kase mas matanda si Kuya kaysa sa iyo. Daddy, bakit mas mahaba yung tinapay ni kuya? Alam mo Kaito, mas malaki si Kuya kaya kailangan niya ng mas maraming pagkain! Ganoon ba ang sukatan? Kapag mas malaki at mas matanda, mas mahaba na ang kay kuya? Ganito ba talaga ang tunay na buhay.. Nakakalungkot naman ang ganito. Hindi ba pantay ang pagmamahal ni Daddy at ni Mommy sa akin at kay Kuya. Siguro nga mas mahaba ang kanilang pag-aalala kay Kuya kaysa sa akin. Nakatitig ako sa bintana namin at dumating si Kuya. Bakit ka malungkot, Kaito? Eh kase, mas mahaba ang tootbras mo. Mas mahaba ang tinapay mo. Mas mahaba ang oras mo ng paglalaro. Mas mahal ka nila Mommy at Daddy. Inakbayan ako ni kuya. Tumatawa. Kumuha ka ng diyaryo, ng walis tingting. Kukuha ako ng pisi at ng pandikit. At kinuha ko ang mga sinabi ni Kuya. Dalawang pisi ang kinuha niya. Yung isa mas mahaba. Yung isa mas maikli. Siguro sa akin yung mas maikli. Ang galing galing ni Kuya pero hindi ko alam ang ginagawa niya. Para siyang inhinyero. Kaito, tapos na. Tera, pumunta tayo sa labas at paliparin natin itong mga to. Eto ang sa iyo. Mas mahaba ang pisi na gagamitin mo. Eto ang sa akin, maikli lang. Kuya, bakit? ng may halong pagtataka. Bakit mas mahaba ang pisi ko kaysa sa iyo? Mas mahaba ang sa iyo para makarating ng langit. Haha.. Kaito, tera. Paliparin na natin itong saranggola natin. pero napatigil siya, at winika niya ang.. Kaito, kase ako ay Kuya mo. Mas malaki ako at mas matanda ako sa iyo. Kung mahaba ang pagmamahal mo sa akin, mas mahaba ang pagmamahal ko sa iyo.

Bilang Kuya, aalagaan kita at proprotektahan kita. Pag ikaw ay naging kuya na rin, gagawin mo rin ito ha.

KWEN-TONG (ang kwentong may Bugtong)Posted by non-sense etc... KWEN-TONG (ang kwentong may Bugtong) ni Bevs

Paunawa: Ang kwentong ito ay binubuo ng mga bugtong. Nangangailangan ng sintidokumon at masusing pagsasaliksik upang masundan at makita ang kabuluhan. Hinihiling ang pang-unawa sa kakayahan ng may akda.

Maliit pa si Nene marunong ng manahi..Ito ang palagi niyang ginagawa sa ilalim ng manok kong pula, inutusan ko ng umaga, nang umuwiy gabi na. Hindi naman siya nagsasawa sapagkat ito ang kanyang tirahan. Dun siya kalimitang humahabi sa puno ng isang prinsesang nakaupo sa tasa. Habang nagtatrabaho lagi niyang kasama ang kanyang kaibigang makikita kahit saan na gayang- gaya ang lahat ng kanyang ginagawa. Nagsisisilbi niya itong salamin na kanyang kinatutuwaan. Isang araw habang nagpapahinga nakita ng kanyang dalawang bolang sinulid, abot hanggang langit ang isang butot balat, lumilipad. Namangha siya sa ganda ng kulay at sa taas ng naabot nito. Naisip din niya kung paano nakararating ang isang tulad nito sa kalangitan. Saan kaya ito nanggaling at parehas kaya sila ng tinitirahan? Dahil sa mga katanungan ninais niya itong hanapan ng kasagutan. Bumaba siya sa kinalalagyan at nagsimulang maglakbay upang alamin ang mga bagay na di niya nalalaman. Sa kanyang paggagapang napadaan siya sa hindi hari hindi pari ngunit damit ay sari sari. Nakita niya ang isang bata at duon ay kumuha ng isang pinasukan, tatlo ang nilabasan. Sinundan niya kung saan pumunta ang bata suot ang kinuha at inaayos ang suot ng dumaan si tarzan nasira ang daan. Pumasok ang bata sa loob ng tahanan at paglabas nito naupo sa may hagdan. Hawak na nito ang isang makulay na papel at hayan na si kaka, bubukabukaka habang kinukurtehan ang papel katabi nito ang kapiraso ng matapang ako sa dalawa, takot ako sa isa, na kanyang biniyak at pumiraso ng upang gamitin dito at pagkatapos ay ikinabit ang napakahabang tali. Nagpatuloy sa panunood ang maliit na nilalang na ito habang nakapwesto sa yumuko man ang reyna, di malalalag ang korona at matiim nitong pinagmamasdan ang batang kanina pa pawis na pawis sa pagbuo ng butot balat, lumilipad. Dahil tutok ang kanyang

konsentrasyon di niya namalayan ang pagdaan ng kaibigang larawan ng kabagalan, uliran ng kasipagan pasan ang pagkaing iniimpok sa pagdating na tag-ulan. At dito nya naisip na di hadlang ang kaliitan sa pag-abot ng kayaman. Natapos ng bata ang binubuong laruan. Mabilis itong tumayo patungo sa my bakuran. Tag-araw noon at malakas ang ihip ng hayan na, hayan na di ko pa makita kung kayat mabilis na pumataas ang nabuong laruan. Sumayaw-sayaw ito sa itaas hanggang sa maabot ang bulak na bibitin-bitin, di puwedeng balutin. Parang walang nararamdaman kundi kaligayahan at kalayaan. Animoy agila na may malalakas na bagwis at di napapagod sa pagkampay. Namangha ang maliit na nilalang sa nasaksihan at kanyang naisambulat Kaya ko rin kay lumipad at mangingibabaw sa karamihan?. Nagpatuloy sa paglakad ang maliit na nilalalang hanggang makarating sa punong kabit-kabit na uling, tingnat bibitin-bitin. Sa pinakatuktok nito naisipan niyang maghabi ng napakalaking tirahan. Mahirap sa kanyang pakiramdam subalit my pagpupursigi siyang ito ay makamtan. Nais niyang siya ay tingalain ng mga kasamahan kung kaya sa pinakamataas at lantad na lugar niya ito inilagay. Natapos niya ang pinakamalaking bahay na inaasam subalit walang makaabot sa kanyang kaibigan. Sa sobrang tayog ng kanyang kinalalagyan ultimo munting hayop na pangahas, aaligidaligid sa ningas ay hindi maabot ang kanyang tirahan. Isang gabing tahimik, nagtatago ang isang pinggan, laganap sa buong bayan. Masungit ang panahon biglang pumatak ang malalakas na baston ni San Juan, hindi mahawakhawakan. Kasabay ang pagdagundong ng baka sa palupandan, ang unga ay nakakarating kahit saan. Ang malaking tirahan biglang natamaan at ang pobreng naghangad ng katayugan ngayoy basang sisiw at walang masilungan. Noon niya na naisip na kung nakatago sana sa mga malalapad na dahon ang ginawang bahay, sana ito ay matibay at di agad mapapawi anumang unos ang dumaan. Kanya ring napagtanto na hindi parepareho ang ating kakayahan. Kung butot balat, lumilipad ay kayang lumipad, ito naiibang katangian at kakayahan na nababagay sa kanyang kaanyuan. Ang pagmamataas ng hindi karapat-dapat ang siyang agad na kinababagsak. Hindi masamang maghangad at mangarap ng mataas kung abot ng iyong makakaya at limitasyon. Huwag ikumpara ang sarili sa iba at sa nagagawa nila sapagkat tayoy nilikha ng Diyos na hindi pare-pareho at may ibat-ibang katangian na dapat linangin at pagyamanin. Kumapit sa matatag na pundasyon ng hindi madaling mabuwal. Sa aral na nakuha muling nagtayo ng tirahan ang maliit na nilalang dun sa sanga na na may malalapad na dahon nakubli subalit siguradong matatag, mapayapa at angkop sa kanyang laki. Nang gabing iyon mayapa siyang nahimlay sa sapot niyang tirahan habang iniilawan ng liwanag sapagkat eto na si bayaw dala-dalay ilaw.

BUGTONG ni carnivalesque Pinaka-paunang salita Maaaring ito na nga ang aking pormal na unang subok sa maikling kuwentong metapiksyon. Anumang kaganapan o detalyeng kapara ng akdang ito ay pawang nagkataon lamang. Matapos ang mahaba-habang sarilinang pagdedeliberasyon, gusto ko ring malaman (at subukan) kung paano ito tatanggapin ng Saranggola Blog awards. Bugtong ang pamagat ng maikling-kuwento, bagaman gusto kong ibilang na kabahagi rin ng kuwento ang Pauna at Panghuling Salita. Paunang salita 16 Hulyo 2019, Pambansang Aklatan. Kasalukuyan akong nananaliksik ng aking disertasyon na gagamitin sa aking tesis, Ang Sosyolohikal na Pagpapahalaga ng mga Tribong Filipino, Katagalugan at Kabisayaan, sa Animismo ng Ibon at ang Kaugnayan nito sa Sikolohikal na Pag-iisp ng Katutubong Filipino, nang matunghayan ko ang isang manipis na manuskritong nakaipit sa isang librong aking hiniram. May wawalong pahina ito, 611 pulgada ang dimensyon, at sulat-kamay lamang ang teksto. Walang pamagat ang manuskrito bagaman may porma at kabuuan ang nilalaman nito. Minarapat kong sipiin ang ilan sa mga bahagi nito upang magbigay-detalye sa kuwentong ito. Minarapat ko ring ilagay ang iba pa sa aking sanggunian, maliban sa detalyeng aking nalikom gamit ang panayam at pagtatanung-tanong. Bugtong Humigit kumulang dalawang dekada na rin ang nakalilipas mula nang matuklasan ni Alessio Venerani, isang Italyanong ornitologo ang ibong Sinarat. Makikita lamang ito sa hilagang-kanlurang bahagi ng Quezon na pinagigitnaan ng Cordillera at Sierra Madre. May mga nagpatotoong kanilang namataan ang parehong ibon sa Sorsogon, ngunit hindi pa ito napatutunayan. Kadalasan, napagkakamalang Maya (Ori