ulat sa filipino 4th quarter (group 1)

28
Ready…

Upload: winfred-villaluna

Post on 25-May-2015

19.789 views

Category:

Education


14 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Ready…

Page 2: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Ulat sa Filipino II

Group #1II-Aristotle

Page 3: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Aralin ITalambuhay ni Fransisco “Balagtas Baltazar”

(1788 – 1862)

“Kung minsan, ang kabiguan ay

nagtutulak sa isang tao upang

magsikap at magkamit ng tagumpay”.

Page 4: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Aralin I…

I sinilang si Fransisco Baltazar noong ika-2 ng Abril 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan. Siya ay kilala rin bilang “Kiko” at “Balagtas”. Isang karaniwang maybahay ang kanyang ina at isang panday naman ang kanyang ama

Nakapag-aral siya ng katon at katesisimo ng Doktrina Kristyano sa kumbento ng Bigaa sa ilalim ng pamamahala ng maestrillo ng kura

Ang karalitaan ay hindi naging sagabal kay Kiko upang magtagumpay. Lumuwas siya sa Maynila at pumasok ng utusan sa isang mayamang kamag-anak sa Tondo na nagngangalang Trinidad. Dahil sa kanyang mabuting paglilingkod ay pinag-aaral niya ng Kanores, Kastila, Humanidades, Teolohiya at Pilosopiya. Naging guro niya sa Pilosopiya si Padre Pilapil, isa sa kinikilalang manunulat ng Pasyong Mahal.

Nakilala ni Kiko sa Tondo si Jose dela Cruz (Huseng Sisiw), ang kinikilalang pinakamahusay na makata nang panahon na yaon. Nung minsan siya ay nagpatulong magpaayos ng tula, ngunit hindi siya tinulungan dahil wala siyang dalang sisiw.

Page 5: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Aralin I…Naisulat niya ang Florante at Laura nang siya ay makalaya sa

bilangguan noong 1832, bunga ng kanyang pag-ibig at pagpapakasakit.Simula noon ng kanyang paglipat sa Udyong, Bataan, at dito niya

nakilala si Juana Tiambeng na naging kabiyak niya.Siya rin ay nagsulat ng komedya, awit at korido nag bumalik siya

sa Undyong. Binuhay niya ang kanyang pamilya hanggang sa siya’y mamatay nooong ika 20-Pebrero ng 1862 sa gulang na 74.

Sinasabin maraming komedya at mga tula ang naiwan ni Balagtas sa isang malaking baul, subalit ang mga ito ay tinuok ng apoy noong 1892 sa Udyong.

Kinilala siya bilang “Kikong Balagtas” noong kanyang kapanahunan at nagoing bantog na mandudula at makata ng lahi.

Page 6: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Gabay sa Pag-aaral… Pagpapalawak ng TalasalitaanSa pamamagitan ng context clue, ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa mga sumusunod na pangungusap.

1. Nabilanggo si Kiko sa maling parantang sa kanyaKahulugan: ____________________

2. Nang lumabas na siya sa piitan, minabuti niyang manirahan sa Udyong, Bataan.Kahulugan: ____________________

3. Nakilala niya sa Bataan si Juana tiambeng na naging kabiyak niya.Kahulugan: ____________________

4. Si Kiko ay naging dalubhasa ng hukuman sa Bataan.Kahulugan: ____________________

5. Nagkaroon siya ng asunto dahil sa pagkaputol niya sa buhok ng isang utusan.

6. Pinagluksa ng buong bansa ang kanyang pagkamatay.Kahulugan: ____________________

7. Maraming komedya at tula ang mga naiwean ni Balagtas ngunit ito ay natupon ng apoy.Kahulugan: ____________________

Page 7: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Gabay sa Pag-aaral8. Ang pagsusulat ang binuhay niya sa kanyang pamilya. Kahulugan: ______________________9. Ang Florante at Laura ay bunga ng kanyang pag-ibig at pagpapakasakit. Kahulugan: ______________________10. Wala na si Fransisco Baltazar ngunit nananatiling nakaukit ang kanyang pangalan sa daigdig ng panulaang Pilipino.

Page 8: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Pagsuri sa Akda

A B C D

1. Ilahat ang buhay ni Francisco Baltazar sa tulong ng chain organizer

2. Kilalanin si Balagtas ayon sa mga sumusunod na aspeto.

3. Maituturing bang makulay ang pinagdaanang buhay ni Francisco Baltazar? Patunayan.

Francisco Baltazar

Pananaw sa Buhay

Paniniwala sa Katarungan

Kawagasan ng Pag-ibig

Paninindigan sa Buhay

Page 9: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Pagsusuring PampanitikanAng talambuhay ay kasaysayan ng buhay ng isang tao. Tinatawag din itong kuwentong-buhay ng isang tao. Ang taong pinapaksa ay talambuhay ng maaaring buhay o patay na. Maaari irong masaklaw ang buong buhay. Ng taong pinapaksa. Taglay rin nito ang pinakatampok at pinakamahusay na bahagi ng taong pinapaksa. Ang talambuhay ay maaaring pang-iba o pansarili.

1. Anong uri ng talambuhay ang iyong binasa? Patunayan

2. Paano sinisimulan ang pagsulat ng talambuhay? Nakatulong ba ang paraang ito sa lalong ikakikilala kay Francisco Baltazar? Patunayan.

3. Anu-anong mga katangian ang natuklasan mo sa buhay ni Francisco Baltazar?

Page 10: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Halagang Pangkatauhan

Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagsisikap upang makamit ang pangarap mo sa iyong buhay?

Page 11: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Maikling Gawain

1. Iguhit ang mukha ni Balagtas. Palutaning ang simbolo ng kanyang pagiging henyo.

2. Magsaliksik ng iba pang pangyayari sa buhay ni Francisco Baltazar. Iulat ito sa klase.

3. Bukod sa Florante at Laura, magtala ng iba pang akda na sinulat ni Balagtas.

Page 12: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Aralin IIPag-aalalay kay Selya

“Mahirap iwaglit sa isipan ang lumipas

na pagsuyo”.

Page 13: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Aralin II…K

ung pagsaulan kong basahin sa isipang nangkaraang araw ng pag-ibigmay mahahagilap kayang natititik

liban na kay Selyang namugad sa dibdib

Yaong Selyang laging pinanganganibanBaka makalimot sa pag-iibiganAng ikinalubog nirinig kapalaranSa lubhang malalim na karalitaan.

Makaligtaan ka kayang di basahinNagdaang panahon ng suyuan naminKaniyang pagsintang ginugol sa akinAt pinuhunan kong pagod at hinahil?

Lumipas ang araw na lubhang matamisAt walang natira kundi ang pag-ibigTapat na pagsuyong lalagi sa dibdibHanggang sa libingan bangkasy ko’y maidlip

Ngayong namamanglaw sa pangungulilaAng ginagawa kong pang-alow sa dusaNagdaang pano’y inaalalaSa iyong larawa’y ninitang ginhawa

Sa larawang guhit ng sa sintang pinselKusang inilimbag sa puso’t panimdim

Nag-iisang sanlang naiwan sa akin,At di mananakaw magpahanggang libing

Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalawSa lansanga’t ngayng iyong niyakapanSa ilog beata’t hilom na mababaw,Yaring aking puso’y laging lumiligaw

Di mamakailang mupo ng panimdimSa puno ng manggang naraan natinSa nagbigting bungang ibig mong pitasinAng ulilang sinta’y aking inaaliw

Ang katauhan ko’y kusabg bagtatalikSa buntung-hininga ng ikaw’y may sakit,Himutok ko noo’y inaaring langit,Paraiso naman ang may-tulong silid

Nililigawa ko ang iyang laarawanSa Makating ilog na kinalagianBinabakas ko rin sa masayang do’nganYapak ng paa mo sa batong tinutugtugan

Nagbabalik mandi’t parang hinahanap;Dito ang panahong masayang lumipas;Na kung maliligo’y sa tubig aagapNang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

Page 14: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Gabay sa Pag-aaral

Pagpapalawak ng TalasalitaanBigyang –kahulugan ang mga sumusunod na pahayag

1. Basahin sa isip ________________________2. Namugad sa dibdib ________________________3. Laging pinanganganiban ________________________4. Tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib ________________________5. Nag-iisang sanlang naiwan sa akin ________________________

Page 15: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Gabay sa Pag-aaral Pagsuri sa akda

1. Ano ang tangin alay kay Selya ng may-akda ng tula? Patunayan.

2. Ilarawan kung paano ginunita ng may-akda ang masaya nilang lumipas ni Selya.

3. Patunayang labis ang pagmamahal ng may-akda kay Selya. Pumili ng mga saknong na magpapatunay nito.

Page 16: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Pagsusuring Pampanitikan

1. Magtala ng isang taludtod mula sa tula. Lagyan ng bilang ang bawat pantig sa salitang ginamit. Ano ang sukat ng tula.

2. Pansinin ang taludtod, may tugmaan ba ang huling salita ng bawat taludturan? Patunayan.

3. Itala ang mga saknong na nagpapahiwatig ng mga sumusunod na damdamin.

Ang Florante at Laura ay isang awit na binubuo ng mga salitang marikit, matimyas at malumanay na nagpapahiwatig ng iba’t ibang damdamin at inaawit nag banayad o malumanay. Nakasunod ito sa porma ng sukat at tugma. It ay may apat na taludtod at ang bawat taludtod ay may sukat na labingdalawang pantig.

Page 17: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Halagang Pangkatauhan

Paano maipapakita ang katapatan ng tunay na pag-

ibig?

Page 18: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Malikhang Gawain1. Ihambing ang pag-iibigan ng mga magkakasintahan noon sa ngayon sa

tulong ng isang venn diagram.

2. Iguhit ang isinasaad na paksang-diwa ng aralin. Lakipan ng angkop na kasabihan ang larawan.

Pag-iibigan noon

(pagkakaiba)

Pag-iibigan ngayon

(Pagkakaiba)

Page 19: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Maikling Gawain

3. Ipaliwanag: “Kung maliligo’y sa tubig aagap nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

Page 20: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Aralin IIINasaan si Selya?

Mahirap mawaglit sa isip ang

naunsyaming unang pag-ibig

Page 21: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Aralin III…

Parang naririnig ang lagi mong wika:“Tatlong araw na di nagtatanaw-

tama”At sinagot ko ng sabing may hiwa“Sa isa katao’y marami ang handa”

Anupa nga’t walang di nasisiyasat ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;Sa kagugunita, luha’y llagslas,Sabay ang taghoy kong “O, nasawing palad!”

Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?Ang suyuan nami’y bakit di humawig?Nahan ang pahahong isa niyang titigAng siyang buhay ko, kaluluwa’t langit

Bakit baga noong kami’y maghihiwalayAy di pa nakitil yaring abang buhay?Kung gunitain ka’y aking kamtayan.Sa puso ko’y Selya;y di ka mapaparam.

Itong di matiis na pagdaralitaNang dahil sa iyo o nalayong tuwaAng siyang umakay na ako’y tumulaAwaitin ang buhay ng isang naaba.

Selya’y talastas ko’t malalim na umid,Mangmang ang musa ko’t malumbay ang tinig;

Di kinabahagya kung hindi malaitPalaring dinggin mo ng tainga’t isip

Ito’y unang bukasl ng bait konhg kutadNa inihahandog sa mahal mong yapakTanggapin mo nawa kahit walang lasapNagbuhat sa puso ng lingkod na tapat

Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayopTubo ko’y dakila sa puhunang pagod. Kung binabasa mo’y isa mang humutokAy alalahanin yaring naghahandog

Masasayang Ninfas sa lawa ng BaiSirenas, ang tinig ay kawili-wili,Sayo ngayo’y siyang pipintakasiNg lubhang mapanglaw na musa kong imbi

Ahon sa dalata’t pampang na nagligidTonohan ng lira yaring abang awitNa nagsasalitang buhay may’y mapatidTapat na pagsinta’y hangad na lumawig

Ikaw na bulaklak niring dilidiliSelyang sagisag mo’y ang M.A.R.Sa Birheng mag-ina’y ipamintakasiAng tapat mong lingkod na si F.B.

Page 22: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Gabay sa Pag-aaral

Pagpapalawak ng TalasalitaanPiliin sa kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang sinalungguhitanh sa bawat pahayag.

1. Suyua’y di lumawig ________________________2. Sa puso’y di mapaparam ________________________3. Di matiis na pagdaralita ________________________4. Malalim na unud ________________________5. Birhen mag-ina’y ipamimintakasi ________________________

PinopoonNamatay

Di makapagsalita

NagtagalMawawalapaghihirap

Page 23: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Gabay sa Pag-aaral Pagsuri sa akda

1. Ano ang nagsilbing inspirasyon ng makata sa pagsulat niya ng tula? Patunayan.

2. Ipaliwanag kung sino ang tinutukoy na Selya sa tula.

3. Ano ang kahiligan ng makata bago niya tapusin ang tula?

Page 24: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Pagsusuring Pampanitikan

1. Anong damdamin ang namaani sa tula? Sipiin ang saknong na nagpapatunay nito.

2. Anong kaisipan ang pinalutang sa tula? Ipaliwanag.3. Ibigay ang ibig sabihin ng mga piling pahayag

a. “Sa kagugunita;y luha’y lalagaslas, sabay ang taghoy kong “O, nasawing palad”b. “Bakit baga noong kami’y naghiwalay, ay di pa nakitil yaring abang buhay”c. Kung kasakdalan man ng pula’ pag-ayop, tubo ko’y dakila sa puhunang pagod”.\d. Sa birheng mag-ina’y ipamintakasi ang tapat mong lingkod na si F.B.”

Sa pagsusuri ng tula, pagtuunan ng pansin and damdaming naghahari sa akda. Maaaring ito ay sarili ng makata o ng ibang tao. Sa pamamagitan ng angkop na pagpili ng mga salita at maingat na pagsasama-sama ng mga ito, nakalilikha ng sariling himig o likas na musika. Isa pang katangian ng tula ay taglay nitong talinghaga at tayutay.

Ang talinghaga ay mga pahayag na may malalim at natatagong kahulugan; samantalang, ang tayutay ay talinghagang di tuwiran ang pagpapahayag ng gustong sabihin

Page 25: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Halagang Pangkatauhan

Dapat bang ikalungakot ang naunsiyaming pag-ibig?

Pangatwiranan.

Page 26: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Malikhang Gawain1. Bumuo ng isang diyalogo nina Selya at F.B. ukol sa diwa ng tula

2. Isulat ang angkop na saknong sa mga piling pahayag.a. “Isang pag-ibig na walang hanggan.”b. “Iniisip ang masayang araw”c. “sakit na dulot ng paghihiwalalay”

3. Sumulat ng reaksyon hinggil sa karanasan ng may-akda sa kanyang unang pag-ibig. Bigyang katwiran ang damdamin ng makata.

Page 27: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Mayroon pa bang mga

Katanungan???

Page 28: Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)

Salamat sa Pakikining !!!