10 - znnhs | official site
Embed Size (px)
TRANSCRIPT

Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Zest for Progress
Zeal of Partnership
Edukasyon sa Pagpapakatao
IKATLONG MARKAHAN- Modyul 6
Mga Isyung Moral sa Buhay
Pangalan ng Mag-aaral:
Baitang at Seksyon: _____
Paaralan: ________________
_
10

2
ALAMIN
Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang ISYU ? Anu-ano ba ang ibat-
ibang Isyu na makakaapekto sa ating moral na pagpasiya?Lahat ng mga ito
ay masasagot sa pamamagitan ng mga modyul sa markahan na ito. Ating
simulan sa patalakay ng isyu na malaki ang kinalaman sa ating pagiging tao:
Mga Isyung Moral Tungkol sa BUHAY.
Sa modyul na ito ,inaasahan na makakamit ng kabataang tulad mo ang
malalim na pag-unawa sa ibat-ibang mga pananaw kalakip ng mga ISYU
sa buhay na nasa huli ay makabuo ka ng pagpasiyang papanig sa kabutihan.
a. Nakabubuo ng mga paninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa
paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan. EsP10PB IIId 10.4
SUBUKIN
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag.Piliin ang wastong
sagot at bilugan ito.
1.Ano ang isyung moral sa buhay na tumutukoy sa pagpapalaglag at
pag-alis ng fetus o sanggol na hindi maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kaniyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina?
a. Aborsiyon b. Alkoholismo c. Euthanasia d. Pagpapatiwakal
2.Anong mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na makasalungat at nangangailangan ng mapanuring
pag-aaral ?
a.Balita b.Isyu c.Kontrobersiya d. Opinyon
3.Sa pahayag na “ limitado lamang ang bilang ng Lifeboat at hindi lahat makagamit nang sabay-sabay .Nangangahulugan na may maiiwan at di-tiyak Kanilang kaligtasan “ ano ang dapat na maging kaisipan ng taong may
hawak ng lifeboat? a.Mahalaga ang oras sa pagsagip lalo na kung nasa panganib.
b.Mahalaga ang kontribusyon ng mga tao sa lipunan sa pagpili ng sasagipin.
c.Mahalaga ang buhay anuman ang katayuan o kalagayan ng tao sa lipunan. d.Mahalaga ang edad sa pagsaalang-alang sa pagpili ng sasakay sa lifeboat.
4.Bakit hindi maituturing na mabuting halimbawa ang lifeboat exercise kung
iuugnay sa kasagraduhan ng buhay? a.Dahil susi ito tungo sa mabuting pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay.
b.Dahil nagbigay ito ng positibong pagtingin sa kasagraduhan ng buhay .
c.Dahil balakid ito upang mabawasan ang halaga ng pagtingin sa buhay.

3
d.Dahil daan ito upang maisantabi ang pagpapahalaga ng buhay. 5.Dahil sa isip at kilos-loob,inaasahan na ang tao ay makabubuo
ng mabuti at matalinong posisyon sa kanila ng iba’t-ibang isyung
moral na umiiral sa ating lipunan.Ang pangungusap na ito ay: a.Tama, dahil ginagabayan ng isip ang kilos-loob tungo sa
kabutihan.
b.Tama, sapagkat ang tao ay may isip na nagbibigay ng kakayahang
gumawa, kumilos,pumili,at magmahal. c.Mali, dahil ang tao ay malayang mamili at mamuno sa kaniyang paghusga,
gawi, at kilos.
d.Mali, dahil ang tao ay may kakayahang hanapin ,alamin,unawain,at ipaliwanag ang katotohanan sa kaniyang paligid.
6.Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak
maliban sa : a.nagpapabagal ng isip c.nagiging sanhi ng iba’t-ibang sakit
b.nagpapahina ng Enerhiya d.Nababawasan ang kakayahan sa
pakikipagkapwa. 7.Si Matteo ay mahilig sumama sa kaniyang mga kaibigan sa labas ng
paaralan.Dahil dito,naimpluwensiyahan at nagumon siya sa paggamit ng
ipinagbawal na gamot .Hindi nagtagal nakagawa siya ng mga bagay na hindi
inaasahan tulad ng pagnanakaw.Marami ang nalungkot sa kalagayan niya sapagkat lumaki naman siyang mabuting bata.Ipaliwanag ang naging
kaugnayan ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa isip at kilos-loob ni
Matteo at sa kaniyang maling pagpapasiya. a.Ang isip ay nagiging “blank spot,’’ nahihirapang iproseso ang iba’t ibang
impormasyon na dumadaloy dito-sanhi ng maling kilos at pagpapasiya.
b.Ang isip ay nawalan ng kakayahang magproseso dahil na rin sa pag-abuso rito at di pag-ayon ng kilos-loob sa pagpapasiya.
c.Ang isip at kilos-loob ay hindi natugma dahil sa kawalan ng pagpipigil at
matalinong pag-iisip. d.Ang isip at kilos-loob ay humina dahil sa maraming bagay na humadlang
sa paggawa nito ng kabutihan.
8. Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?
a. Nilikha siyang may isip, kilos-loob, puso, kamay, at katawan na magagamit niya upang makamit niya ang kaganapan bilang tao.
b.Taglay niya ang kakayahang piliin ang mabuti para sa sarili at sa ibang
nilikha ayon sa likas na Batas Moral. c.May kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang mga
katotohan at layunin ng mga bagay-bagay sa kaniyang paligid.
d.May isip at kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang kumilos, gumawa, at magpahalaga sa kaniyang sarili, kapuwa, at iba pang nilikha
9. Anong proseso ang isinagawa modernong medisina upang wakasan ang
buhay ng taong may malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa? a. Suicide b. Abortion c. Euthanasia d.Lethal injection
10. “May tamang oras ang lahat ng pangyayari sa ating buhay. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Sa kabilang banda, hindi nararapat husgahan
ang mga taong nagpatiwakal. Maaaring sila ay may pinagdaraang mabigat na

4
suliranin .Ano ang mahalagang diwa ng isinasaad ng pahayag? a. Ang buhay ay sadyang mahalaga anuman ang pinagdaraan ng tao sa
kaniyang kasalukuyang buhay.
b.May resposibilidad ang tao sa kaniyang sariling buhay. kabigat ang pinagdaanan.
c.Hindi sagot ang mga pinagdaraang suliranin upang magpasiyang
magpatiwakal.
d.Ang pag-asa ay magiging daan sa pagpapatuloy sa buhay gaano man
BALIKAN
Sa nakaraang modyul nalaman mo ang iba’t-ibang pagpahalagang moral na makatulong upang ikaw ay makapagpasiya at makakilos tungo
sa makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos , sa kapwa, sa
bayan at kapaligiran.
GAWAIN 1: PAKIKIPAG-UGNAYAN AY KABUTIHAN!
Panuto: Punan ang Tsart ng tiglilimang sagot kung anu-anong
pakikipag-ugnayan na kabutihan ang iyong nagawa bilang isang tao:
PAKIKIPAG-
UGNAYAN
SA DIYOS
PAKIKIPAG-UGNAYAN
SA KAPWA
PAKIKIPAG-
UGNAYAN
SA BAYAN
PAKIKIPAG-UNAYAN
SA KAPALIGIRAN
1.
1. 1. 1.
2.
2. 2. 2.
3.
3. 3. 3.
4.
4. 4. 4.
5.
5. 5. 5.
1. Ano ang iyong naramdaman habang ginawa mo ang gawain?
Ang pakikipag-ugnayan sa Diyos,sa kapwa, sa bayan,at sa kapaligiran ay nakatulong ba sa iyo bilang isang tao? Sa anong
paraan ka nakikipag-ugnayan

5
TUKLASIN
GAWAIN 1:Panuto: Pag-aralan at tuklasin kung ano ang nasa mga larawan ,
anong uri ito nga mga Isyu ng buhay? At punan ng mga titik ang nasa patlang.
A__OR__I__ON E__TH___N___S___A
P__GG__M__T N__ D__G___ P__G__P__P__T__W__K__L
Mga Gabay na Tanong:
1.Anu-ano ang mga isyu sa buhay ang inyong nakikita sa mga
larawan? 2.Alin sa mga Isyung ito ang madalas mong nababasa at
naririnig na pinag-uusapan ?Bakit?
3.Kung ikaw ang tatanungin ,bakit sinasabing mga isyu sa buhay ang mga gawaing ito? Ipaliwanag ang sagot.
Gawain 2 ISYU MO, ISYU KO, ISYU NATING LAHAT
Panuto:
1.Sa iyong sagutang papel ,isulat ang mga kaalaman sa mga isyung
nabanggit sa gawain 1
2.Itala ang ibat-ibang isyu tungkol sa buhay na nagganap sa
iyong paligid.

6
ISYU
3.Ano ang nadarama mo tuwing pinag-uusapan ang mga Isyung ito?
4.Paano nakakaapekto sa buhay ng tao ang mga sumusunod na Isyu?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
SURIIN
Gawain 3: ISYU KO,ISYU MO,ISYU NATING LAHAT
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap kung anong uri ng ISYU
na nagpapakita ng iba’t-ibang sitwasyon ,katulad
pagpapatiwakal,aborsiyon,Euthanasia,paggamit ng Droga, at alkoholismo.
Isulat sa hulihan ng pangungusap kung anong uri ng isyu o sitwasyon:
Aborsiyon
Euthanasia
Paggamit
ng Droga
Alkoholismo
Pagpapatiwakal

7
1. Naging biktima ng rape si Jodi,sa kasamaangpalad ay nagbunga ang
nangyari sa kanya at ito’y kanyang ipinalaglag._____________________
2. Naging lantang gulay ang buhay ni Agnes simula ng maaksidente ito,at
siya ay nilagyan ng life support system upang madugtungan ang buhay pero wala na itong pag-asa pang mabalik sa normal ang buhay,ayon sa
doktor,kaya napagpasiyahan ng mga kamag-anak na kitlin nalang ang
kaniyang buhay.____________________
3. Nagpakamatay si Marco sa pamamagitan ng pagbigti dalawang buwan
pagkatapos ng kaniyang ikalabing anim na taong kaarawan.____________ 4. Si Jose ay nagsimulang uminom ng alak noong siyay 13 taong gulang pa
lamang hanggang siya ngayon ay binata na.___________________
5. Si Michael ay nalulong sa ipinagbawal na gamot._____________________
Mga Tanong:
1.Ano ang inyong natuklasan sa natapos na gawain?
2.Sa iyong palagay,ano ang nararapat na maging pasiya ng mga taong nabanggit sa sitwasyon?
3.Bakit nararapat na pahalagahan ang buhay?
4. Paano natin mapanatiling sagrado ang buhay na ipinagkaloob sa atin
PAGYAMANIN
Gawain 4: Mga Isyu Tungkol Sa Buhay
Para malaman kung ano ang mga Isyu tungkol sa Buhay
1.Ang paggamit ng ipinagbawal na gamot -ay nagdulot ng masamang
epekto sa isip, at katawan dahil ito ay nakasisira sa isip,at nagiging blank spot ito. 2.Aborsiyon-o pagpalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol ng
sinapupunan sa isang Ina.
May 2 itong uri ,ito ay ang 1.miscarriage at 2. sapilitan o induced
Mga Isyu ng Aborsiyon:
1.Pro-life 2.Pro-choice 1.Pro-life a.Ang sanggol ay itinuring na isang tao mula sa sandali ng paglilihi; ito ay
nangangahulugang ang pagpalaglag sa kaniya ay pagpatay na tuwirang
nilalabag ang mga pamantayang moral at batas positibo. b.Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan ng ina(hal. Hindi niya

8
ginawa ang tamang pag-iingat upang epektibong maiwasan ang hindi nilalayong pagbubuntis kung siya at ang kaniyang asawa ay hindi nais
magkaanak.
c.Kung magiging katanggap-tanggap sa lipunan ang aborsiyon, maaaring gamitin ito ng mga tao bilang regular na paraan para hindi ituloy ang
pagbubuntis.
d.Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensiyal; bawat isa na
ipinalalaglag ay maaaring lumaki at maging kapaki-pakinabang sa lipunan o sa buong mundo.
e.Maraming mga relihiyon ay hindi nag-eendorso ng pagpapalaglag o ilang
mga paraan ng birth control dahil sa paniniwalang ang pakikipagtalik ay para sa layuning pagpaparami (procreation) lamang at ang sinumang
batang nabubuhay ay mga anak ng Diyos. Ang pagkitil sa buhay ng isang
anak ng Diyos ay masama.
2. Pro-choice. Ang mga tagapagsulong ng posisyong ito ay pinananatili na:
a.Ang bawat batang isinisilang sa mundo ay dapat mahalin at alagaan. Ang tamang pagpaplano sa pagkakaroon ng anak ay karaniwang nabubunga
ng mas magandang buhay para sa mga bata dahil may kakayahan ang mga
magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa pisikal, emosyonal, at
pinansiyal na aspekto. b.Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa
itong kakayahang mabuhay sa labas ng bahay-bata ng kaniyang ina. Hindi
maituturing na pagpatay ang pagpalaglag ng isang fetus dahil umaasa pa rin ito sa katawan ng kaniyang ina upang mabuhay.
c. Sa mga kasong rape o incest , ang sanggol ay maaaring maging
tagapagpaala-ala sa babae ng trauma na kaniyang naranasan. d. Kung sakaling ituloy ang pagbubuntis at magpasiya ang ina na dalhin
sa bahay-ampunan.
e. Ang aborsiyon ,sa pangkalahatan ay ligtas na pamamaraan .Mas mababa
pa sa 1% ng Aborsiyon na ginawa bago ang ika 21 na linggo.
3.Pagpapatiwakal-ito ay sadyang pagkitil ng sariling buhay ng isang tao na
humantong sa kamatayan. 4.Euthanasia- (Mercy killing)-isang gawain kung saan napadali ang
kamatayan ng isang taong may matindi at walang lunas na karamdaman.
5. Alkoholismo-ito ay labis na pagkonsumo ng alak, ng isang tao.
GAWAIN 4: BUHAY MO, PAHALAGAHAN KO,BUHAY KO,PAHALAGAHAN
MO Panuto:Sa isang buong papel isulat ang iyong sagot
Suriin ang sitwasyon 1
Isang Ina na limang buwang nang nagdadalang-tao ang nagkaroon
ng malubhang sakit . Sa pagsusuri ng mga doktor ,nalaman niya na
kailangang alisin ang kaniyang bahay-bata ngunit maaari itong
magresulta sa pagkamatay ng sanggol sa kaniyang sinapupunan.
Kung hindi ito isagawa ,maaaring magdulot ito ng komplikasyon at
malagay sa panganib ang kaniyang buhay.

9
Mga Tanong:
1. Ano ang nararapat niyang gawin sa sitwasyong na ito? Nararapat ba siyang bigyan ng pagkakataong sagipin ang sarili kahit maari itong maging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang anak? Maituturing ba itong isang halimbawa ng isang aborsiyon?Pangatwiranan ang iyong sagot. Sitwasyon 2
2.Kung pumayag ang mga doktor sa pakiusap ng maysakit, na tanggalin ang mga kagamitang medikal,kung susuriin ang sitwasyon maituturing bang paglabag sa kasagraduhan ng buhay ?Bakit?
Gawain 5
Panuto: Gamit ang graphic organizer ay buuin ang mahalagang konsepto na
nahinuha mula sa mga nagdaang gawain at babasahin na binasa. Punan ng
wasto o akmang mga salita na nasa ibaba.
a.buhay c.tao e. Sagrado
g. Mahalaga i.pakaingatan j. Mahalin
b.wangis d. Diyos f. Problema h.kakaharapin
Isang lalaki ang may nakakamatay na sakit.Sa ospital kung saan siya
namamalagi
Makikitang maraming medikal na kagamitan ang nakakabit sa kaniya .Sa
ganitong kalagayan hinihintay na lamang niya ang takdang oras.Isang araw
,nakiusap siya na alisin ang lahat na kagamitang medikal at payagan na siyang
umuwi at mamatay sa kapayapaan. Ngunit tumanggi ang mga doktor ,sa
kadahilanang kapag ginawa nila iyon,tiyak na magreresulta sa agarang
kamatayan.
ISAISIP
Ang ___________ ng ______ ay ________ at_________.Kay ________. Kaya dapat itong__________at___________. Dahil tayo ay ________ayon sa kanyang mukha. Bilang kaloob ng_______ay kailangan tayong magiging kontento at masaya,anumang _________na na ating ___________at mararanasan.

10
ISAGAWA
Panuto: Sumulat ka ng isang pagninilay/sanaysay tungkol sa :
Bakit sinasabing ang buhay ay sagrado kaysa iba pang uri ng buhay?
Bilang kabataan ,paano mo mapanatili ang kasagraduhan ng buhay?
Rubriks sa Pagsusulat ng Maikling Sanaysay
Kraytirya
Nilalaman
35%
Naipapakita at
naipaliwanag ng
maayos ang ugnayan
ng konseptong isinulat
sa pahayag
Organisasyon
35%
Mahusay ang
pagkakasunud-
sunod ng mga
ideya, malinaw at
makabuluhan.
Style
(Pagkamapanlikha
at
Pagkamalikhain)
20%
Lubos na
nagpapamalas ng
pagkamalikhain sa
pagsulat ng
maikling sanaysay
at
Orihinal ang mga
ideyang ginamit
Mechaniks
10%
Wasto ang
mga ginamit
na salita at
pagbabantas
BAKIT SAGRADO ANG BUHAY?

11
PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.
1.Ano ang pinakatanging hayop at natatanging nilikha sa ibabaw
ng mundo?
A.tao B.aso C.pusa
2.Ang pagkawala ng isang sanggol sa sinapupunan ng isang ina na
hindi ginagamitan ng medisina o sa natural na paraan ay ang;
A. miscarriage B.induce C.abortion
3.Bakit sagrado ang buhay ng tao ?
A.Siya ay kawangis ng Panginoon.
B.nilalang na may ispiritu
C.madaling matukso
4.Paano mapanatiling sagrado ang buhay?
A.Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o pagkakaroon ng
disiplina.
B.Sa pamamagitan ng pag-aalaga sa sarili na may dignidad at may takot sa
Diyos na kitlin ang buhay.
C.Sa pamamagitan ng pagdarasal.
5.Analohiya: Isip: Kapangyarihang mangatwiran, Kilos- loob:
A. Kapangyarihang magnilay
B.Kapangyarihang pumili
C.Kapangyarihang magpasya
6.Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?
A. Nilikha siyang may isip,kilos loob,puso,kamay,at katawan
na magagamit, niya upang makamit ang kaganapan bilang tao.
B.May kakayahang hanapin,alamin,unawain,at ipaliwanag ang mga
katotohanan at layunin ng mga bagaybagay sa kaniyang paligid.
C.May isip at kilos-loob na nabibigay ng kakayahang kumilos,gumawa
at magpahalaga sa kaniyang sarili ,kapuwa,at iba pang nilikha.
7.Anong proseso ang isinagawa sa modernong medisina upang wakasan
ang buhay ng taong may malubhang sakit na kailanman ay hindi na
gagaling pa?
A.suicide B.aborsiyon C.euthanasia
8.Ano sa mga ito ang hindi kasama sa pisikal na epekto ng labis na pag-
inom ng alak?

12
A.nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapuwa
B. nagpahina sa enerhiya
C.nagiging sanhi ng iba’t-ibang sakit
9. Anong uri ng katanungan na kinapapalooban ng dalawa o
higit pang mga panig o posisyon na magkasalungat at nangangaila-
ngan ng mapanuring pag-aaral upang malutas ito? A.Balita B.Isyu C.Opinyon
10. Alin sa mga Isyung ito tungkol sa buhay ng tao ang gumagamit ng
Mercy killing?
A.Pagpapatiwakal B.Aborsiyon C. Euthanasia
Pagsubok IIA:
Panuto: Piliin ang tamang sagot ng mga salita at bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1.Alin sa mga ito ang nagiging sanhi sa pagkakaroon ng iba’t-ibang sakit.
a.Pag-inom ng alak b. pag-ehersisyo c. Pagtatrabaho
2 .Bakit sinasabing ang tao ay kawangis ng Panginoon ayon sa kanyang
mukha?
a.Siya ay lalang ng Diyos
b. Siya ay pinakadominanting hayop sa ibabaw ng mundo
c. dahil may katangian ang tao na gaya ng katangian Niya
3. Bakit sinasabing pinakadominante ang tao sa lahat ng hayop?
a. dahil ang tao ay may kakayahang mag-isip
b.dahil ang tao ay may ispiritu
c. dahil ang tao ay alam niya kung ano ang tama at mali
4.Alin sa mga salitang ito ang hindi naakit sa kasamaan, hindi nito kailanman
naakit sa kasamaan.
a.kilos-loob b. Dignidad c. Konsinsya
5.Bakit sagrado ang buhay ng tao?

13
a. Bigay ng Diyos b.Nilalang na may ispiritu c. May isip
6.Paano pahalagahan ng isang Ina ang bata sa kaniyang sinapupunan?
a. Tamang pag-iingat b. Paglilihi c. kumain ng masustansiyang
pagkain
7. Alin sa mga paraang ito nang pagkontrol na magkaanak ang mag-asawa
ang sinasang-ayunan ng isang relihiyon ?
a. Rhythm Methods b. Contraceptive Methods c. Aborsiyon
8.Alin sa mga ito ang hindi tumutukoy sa Isyung Pagpapatiwakal?
a.pagbigti b.pag-inom ng lason c. Pagkalaglag ng bata
9.Kung ikaw ay nagiging biktima ng isang rape at ikaw ay nagdadalang-tao at
matakot kang ipalaglag ito dahil matakot ka sa Diyos, Ano ang iyong mas
unang gagawin?
a.tatanggapin na lang ang lahat
b.ipaampon ang bata
c.kusang aalagaan ang bata
10. Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan
ang buhay ng taong may malubhang sakit na kailanma’y hindi na
gagaling pa?
a. Suicide b. Aborsiyon c.Euthanesia

14
KARAGDAGANG GAWAIN
Magbigay ng tatlong sitwasyon na inyong naranasan na maiugnay sa ating
paksa. Ito ay tatalakayin natin sa susunod na linggo. Isulat sa sagutang
papel.

15
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian: Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral,
pp 254-257
PAGTATAYA 1-a 2a 1.a 1.a 2.a 2.c 3.c 3.c 4.b 4.a 5.c 5.b 6.c 6.a 7.c 7.a 8.a 8.c 9.b 9.c 10.c 10. c
SUBUKIN 1. a 2.b 3.c 4.c 5.b 6.d 7.a 8.d 9.c 10.c

16
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Benedicta D. Coraza, T-I
Pagadian City NHS,Danlugan, Pagadian City Division
Editor\QA: Susan S. Baga, HT-I
Pagadian City National Comprehensive HS
Tagasuri:
Tagapamahala: DANNY B. CORDOVA, EdD, CESO VI
OIC-Schools Division Superintendent
MARIA COLLEEN L. EMORICHA, EdD, CESE
OIC-Assistant Schools Div. Superintendent
MARIA DIOSA Z. PERALTA, CID-CHIEF
MA. MADELENE P. MITUDA, EdD
EPS-LRMDS
JOVITA S. DUGENIA, EPS-EsP

11
Regi Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity
on IX: Zamboanga Peninsula Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Hymn – Our Eden Land Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...
My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!,
Gladly now I go to give thee this faded life's best,
And were it brighter, fresher, or more blest
Still would I give it thee, nor count the cost.
Let the sun draw the vapors up to the sky,
And heavenward in purity bear my tardy protest
Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And in the still evening a prayer be lifted on high
From thee, 0 my country, that in God I may rest.
On the field of battle, 'mid the frenzy of fight,
Others have given their lives, without doubt or heed;
The place matters not-cypress or laurel or lily white,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight,
T is ever the same, to serve our home and country's need.
Pray for all those that hapless have died,
For all who have suffered the unmeasur'd pain;
For our mothers that bitterly their woes have cried,
For widows and orphans, for captives by torture tried
And then for thyself that redemption thou mayst gain
I die just when I see the dawn break,
Through the gloom of night, to herald the day;
And if color is lacking my blood thou shalt take,
Pour'd out at need for thy dear sake
To dye with its crimson the waking ray.
And when the dark night wraps the graveyard around
With only the dead in their vigil to see
Break not my repose or the mystery profound
And perchance thou mayst hear a sad hymn resound
' T is I, O my country, raising a song unto thee.
My dreams, when life first opened to me,
My dreams, when the hopes of youth beat high,
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea
From gloom and grief, from care and sorrow free;
No blush on thy brow, no tear in thine eye.
And even my grave is remembered no more
Unmark'd by never a cross nor a stone
Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my
ashes may carpet earthly f loor,
Before into nothingness at last they are blown.
Dream of my life, my living and burning desire,
All hail ! cries the soul that is now to take flight;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ;
To die for thy sake, that thou mayst aspire;
And sleep in thy bosom eternity's long night.
Then will oblivion bring to me no care
As over thy vales and plains I sweep;
Throbbing and cleansed in thy space and air
With color and l ight, with song and lament I fare, Ever
repeating the f aith that I keep.
If over my grave some day thou seest grow,
In the grassy sod, a humble flower,
Draw it to thy lips and kiss my soul so,
While I may feel on my brow in the cold tomb below
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power.
My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved
Filipinas, hear now my last good -by!
I give thee all: parents and kindred and friends
For I go where no slave before the oppressor bends,
Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!
Let the moon beam over me soft and serene,
Let the dawn shed over me its radiant flashes,
Let the wind with sad lament over me keen ;
And if on my cross a bird should be seen,
Let it trill there its hymn of peace to my ashes.
Farewell to you all, from my soul torn away,
Friends of my childhood in the home dispossessed! Give
thanks that I rest from the wearisome day!
Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved
creatures all, farewell ! In death there is rest!
I Am a Filipino, b I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain
future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of
meeting my responsibility to the past, and the task of performing
my obligation to the future.
I sprung from a hardy race, child many generations removed of
ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes
rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in
ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see
them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind,
carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance
of new land that was to be their home and their children’s forever.
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed
that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance.
In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to
battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula
in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and
Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my
manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds
that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand
years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the
insignia of my race, and my generation is but a stage in the
unending search of my people for freedom and happiness.
y Carlos P. Romulo I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The
East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,
was my mother, and my sire was the West that came thundering
across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of
the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for
liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East
must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has
bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give
that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge
that has come ringing down the corridors of the centuries, and it
shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears
when first they saw the contours of this land loom before their eyes,
of the battle cries that have resounded in every field of combat from
Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom
shall have been added unto my inheritance—for myself and my
children and my children’s children—forever.‖