filipino 8 - znnhs
Embed Size (px)
TRANSCRIPT

Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
FILIPINO 8
Ikatatlong Markahan- Modyul 3: Kontemporaryong Panitikan:
Komentaryong Panradyo at
Pananaliksik
Zest for Progress
Zeal of Partnership
8
Pangalan: _____________________________________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Aileen T. Page
Editor: Lindo O. Adasa Jr.
Tagasuri: Adela S. Luang Maricel B. Jarapan July S. Saguin
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Edgardo Jamilar Jr.
Tagalapat: Peter Alavanza
Tagapamahala:
Felix Romy A. Triambulo
Oliver B. Talaoc, Ed. D.
Ella Grace M. Tagupa, Ed. D.
Lindo O. Adasa Jr.
Jephone P. Yorong, Ed. D.

_________
Alamin
Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Napag-iiba ang katotohanan (facts) hinuha (inference),opinion at personal
interpretasyon ng kausap (F8PN-IIId-e-29)
• Naisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag (F8PB-IIId-e-30)
• Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan/nabasa (F8PD-IIId-e-70)
• Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa radio broadcasting(F8PT-IIId-e-30)
Balikan
5
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.) Ano ang dalawang kategorya ng antas ng wika?
A. Pormal at Impormal C. pampanitikan atpambansa
B. lalawiganin at kolokyal D. balbal at lalawiganin
2.) Ang salitang parak,eskapo at istokwa ay halimbawa ng?
A. lalawiganin C. kolokyal
B.balbal D. pambansa
3.) Ang _____________ na salita ay kalimitang ginagamit sa paaralan at sa iba pang may
pangkapaligirang intelektuwal.
A. pormal na salita C. di-pormal o impormal na salita
B. pambansang salita D. pampanitikan
4.) Ang __________________ ay isa sa mga estratehiya sa pangangalap ng impormasyon.
A. pagbabasa at pananaliksik C. pagsusulat
B. pakikinig ng kuwentuhan D. pag-eeksperimento
5.) Ang _____________ ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa
paraang arbitraryo.
A.wika C. salita
B. kuwento D. komunikasyon

Tingnan ang dalawang larawan sa ibaba.Ano sa palagay ninyo ang koneksiyon at
kaugnayan nito sa paksa na ating tatalakayin.Isulat sa ibaba ang maaaring
kapakinabangan ng mga larawang ito sa mga patlang sa ibaba.
_______________________ _________________________
_______________________ _________________________
_______________________ _________________________
Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng radyo at telebisyon sa atin? Masasabi bang malaki ang naging
bahagi ng kasulukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang
popular? Ipaliwanag. (5 puntos)
Suriin
Basahin ang mga terminolohiyang panradyo.
Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin-Levy, Koordineytor,ZUMIX Radio, ay
ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinion at
saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling
talakayin at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinion ayon kay Levy ay
makatutulong nang Malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita.Ayon pa rin sa kanya ang unang hakbang upang makagawa ng isang
mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na
kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinion o pananaw.
Broadcasting ay ang paghahatid ng mga impormasyon o balita sa mamamayan sa
pamamagitan ng broadcast media na radyo at telebisyon.Ang radyo ay ang kagamitan
para sa audio broadcasting.Nalalaman ng mga mamamayan ang impormasyon sa
pakikinig lamang.
Aralin
3
Ang Komentaryong Panradyo at
Pananaliksik

Iskrip naman ay ang taguri sa manuscrito ng isang audio-visual material na ginagamit sa
broadcasting.
SFX ay ang epektong tunog at ang MSC ay ang musika.
Fade ang unti unting pagkawala ng tunog at ang patalastas ay isang pag-aanunsyo ng
produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba't ibang anyo ng komunikasyong pangmadla.
Ang Radyo at Pananaliksik
Isa sa mga mahahalagang gawain ng mga personalidad sa radyo at telebisyon
ay ang pagpili ng paksang tatalakayin sa palabas.Maaaring isipin na tulad din ito ng
pagpili sa mga sasabihin sa pgsulat ng isang proyekto.Ibig sabihin dapat na mahalaga rin
ang pagpili ng mga makabuluhang paksa sa mga pag-uusap sa radyo o telebisyon. Sa
bahaging ito susuriin natin kung papaano tayo matulungan ng ilang Gawain nila sa ating
pananaliksik. Ilan sa mga paksang madalas na tatalakayin ay ang sumusunod:
a. politika
b. Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar
c. Mga pagdiriwang sa Pilipinas
d. Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas
e. Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang tagapakinig
Hindi mahirap alamin ang interes ng tagapakinig dahil sa iba`t ibang
pamamaraan ng mga istasyon sa pagkilala sa manonood at tagapakinig. Subalit hindi nila
maaaring kunin sa kung saan lang ang kanilang impormasyon. Dahil ditto dapat silang
manaliksik tungkol sa mga gustong mapakinggan ng kanilang mga tagasubaybay. Ilan sa
mga maaari nilang gamitin sa ganitong pananaliksik ay ang survey at panayam.
Survey - gumagamit sila ng survey upang malaman ang mga ito tungkol sa kanilang mga
programa. Maaari din silang kumuha ng mga panayam tungkol sa kanilang mga
programa.
1. Multiple Choice - ito ang mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang survey.
2. Pagkilala sa mga sinasang-ayunan - bukod sa simpleng multiple choice maaari ding
maglagay ng listahan na nagpapahayag ng kanilang mga sinasang-ayunan at di sinasang
ayunan.
3. Likert Scale - ay isa sa mga paraan kung papaanong sinusukat ng isang tao ang
kanyang sarili.
Panayam - Sa paggawa ng isang panayam kailangang planuhin din ang mga dapat na
gawin at tatanungin. Subalit kasabay nito ang pagiging handa rin sa pagbuo ng mga
pagpapalalim na tanong. Totoong may mga gusto tayong malaman subalit minsan ay di natin
makukuha ang nais nating sagot. Minsan may pangangailangan ng pagdedetalye subalit
kailangan pa ring tandaan na dapat ay nasa paksa pa rin ng mga tanong.
Ang mga gawaing ito ang mga pangunahing\
\ mapagkukunan ng impormasyon. Maaaring kumunsulta sa mga libro o internet subalit mas
makatotohanan ang impormasyon na manggagaling mismo sa isang mapagkakatiwalaang batis.
Ito ang tinatawag na pangunahing batis ng impormasyon.

Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo
KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDO OF INFORMATION
BILL (FOI)
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong
pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Rocel Magpantay at Macky Francia at ito ang
Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill
na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay freedom of Income eh
malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit!
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na 'yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan
ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng
gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala 'yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at
pakialamero sa Pilipinas. Isyo ditu, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda
doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba't dapat naman
talaga na walang itinatago 'yang mga politikong 'yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa
bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaaring maging threat daw yan sa mahahalagang
desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila
sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh paano yan partner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tañada III, "Pag
hindi pa naipasa ang FOI bago mag-pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura."
Roel: Naku! Naloko na!
Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay
at Maricar Francia mula sa:
http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09
Alam mo ba na ang komentaryong panradyo ay nakakatulong sa ating araw araw na
pamumuhay sapagkat isa ito sa mga paraan sa pagpapahayag ng katotohanan,opinion , hinuha
at personal na interpretasyon.Ang katotohanan ay mga pahayag na may kongkretong
ebidensiya.Ang opinion ay kuro-kuro o palagay batay sa pananaw ng isang tao.Samantalang
ang hinuha ay pahayag na inaakalang mangyayari batay sa isang sitwasyon o kondisyon at ang
personal na interpretasyon ay batay sa sariling kaisipan o pananaw lamang.

_________
_________
Pagyamanin 5
Panuto: Suriin ang mga pahayag at lagyan ng () kung ito ay positibo at ekis (x) kung negatibo.
_______1. Sang-ayon sa Seksyon 6, ng Panukalang Batas na ito na bibigyan ng
kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal sa
transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno. _______2. Delikado naman pala na di magdiriwang ang mga tsismosa at pakialamero sa
Pilipinas, isyu dito isyu doon, demanda dito demanda doon. _______3. Hindi ba't dapat naman talaga na walang itinatago ang mga politiko dahil sila ay
ibinoto at nagsilbi sa bayan. _______4. Masasabing maging threat yan sa mahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng
pamahalaan.
_______5. Ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tañada III, Pag hindi pa naipasa ang
FOI bago magpasko mukhang tuluyan na itong maibabasura.
GAWAIN 5
Panuto: Isulat kung katotohanan, hinuha, opinion o sariling
interpretasyon ang pahayag sa bawat pangungusap.
________1. Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa
marami.
________2. Bahagi nang ating buhay ang pakikinig ng radyo at panonood ng
telebisyon.
________3. Isang palabas na maaaring maging daan upang mamulat ang
mamamayan.
________4. Pagbibigay ng pahayag tungkol sa napapanahong isyu sa
lipinan.
________5. Pagbabahagi kung ano ang nauunawaan sa komentaryong
panradyo bilang gabay sa kamalayang panlipunan .
.

______
Isaisip _____
5
Piliin sa loob ng kahon ang angkop na mga salita at isulat ang tamang sagot sa mga
patlang sa ibaba.
Positibong pahayag negatibong pahayag
pagbibigay ng oportunidad sa kabataan broadcasting
saloobin kaugnay sa napapanahong isyu
Sa modyul na ito ay nalaman ko ang _______________na pahayag at _____________na
pahayag.
Natutuhan ko rin na ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin - Levy ay
ang ___________________________________________________________________at
_______________________________________________________________________.
Nadagdagan ang aking kaalaman na ang tawag sa paghahatid ng mga impormasyon
o balita sa mamamayan sa pamamaitan ng broadcast media na radyo at
telebisyon ay _____________________.
Tayahin 5
1. Ang listahan ng nagpapahayag ng kanilang mga sinasang-ayunan.
a. pagkilala sa mga sinang-ayunan c. likert scale
b. pananaliksik d. tauhan
I. Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

10
2. Paraan kung papaanong sinusukat ng isang tao ang sarili niya.
a. likert scale c. survey
b. impluwensiya d. maraming sumang-ayon
3. Ang mabilis na paraan ng pagsasagot sa isang survey.
a. multiple choice c. botohan
b. pagtala d. maimpluwensiya
4. Isa sa mahalagang gawain ng mga personalidad sa radyo at telebisyon ay
a. pagpili ng paksang tatalakayin c. pagsulat ng iskrip
b. ihanda ang audio d. sauluhin ang sasabihin
5. Isa sa mga paraan sa pagkuha ng mga datos.
a. pananaliksik c. pakikipagkuwentuhan
b. pakikinig sa nag-uusap d. impluwensiya
Karagdagang Gawain
Magsaliksik ng komentaryong Panradyo na may kaugnayan sa kasalukuyang
sitwasyon. Pumili ng isa sa mga paksa na nasa ibaba.
a. politika
b. mga pangyayari sa isang espisipikong lugar
c. mga pagdiriwang sa Pilipinas
RUBRIK SA PAGSULAT NG SANAYSAY
Krayterya Napakahusay
5
Mahusay
3
Nangangailangan
ng gabay
1
Nilalaman
Napakahusay na naisulat
ang sanaysay na
tumutugon sa kabuuan ng
kuwento batay sa isyung
tinatalakay
Mahusay na naisulat ang
sanaysay na tumutugon
sa kabuuan ng kuwento
batay sa isyung
tinatalakay
Lumihis sa kabuuan ng
kuwento batay sa
isyung tinatalakay
Naiuugnay sa
paksa sa radyo
at telebisyon
Napakahusay na
naiuugnay.ang kuwento sa
paksa sa radyo at
telebisyon
Mahusay na naiuugnay
ang kuwento sa paksa sa
radyo at telebisyon
Hindi naiuugnay ang
kuwento sa paksa sa
radyo at telebisyon
Kalinisan
Napakahusay ng awtput;
walang makikitang bura at
nasusunod ang paksa sa
pagsulat ng sanaysay.
Kakikitaan ng 1-5
pagbura ng mga salita at
hindi nasunod ang paksa
sa pagsulat ng sanaysay
Kakikitaan ng 6 o higit
pang pagbura ng salita
at hindi nasunod ang
paksa sa pagsulat ng
sanaysay

Susi sa Pagwawasto
Balikan Gawain Tayahin
1. A 1. katotohanan 1. Pagkilala sa mga sinang- 2. B 2. Katotohanan ayunan
3. A 3. Hinuha 2. Likert scale
4. A 4. Opinyon 3. Multiple choice
5. A 5. Sariling interpretasyon 4. Pagpili ng paksang tatalakayin
5. pananaliksik
Pagyamanin Tayahin 1. 1. positibong pahayag 2. x 2. negatibong pahayag 3. 3. pagbibigay ng oportunidad sa sa kabataan na maipahayag 4. x Ang kanilang opinion 5. x 4. saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu 5. broadcasting
Sanggunian:
Pinagyamang Pluma Ang Bagong Baitang 8. Quezon CityZ: Phoenix Publishing House., pp. 382-387
Panitikang Pilipino.Filipino. Modyul para sa mag-aaral.pp.140-147
Internet/Websites: Http;//www.tv5.com.ph/ click radyo5 http;//www.interaksyon.com/article/42301/teodoro-l--locsi-jr---why-theyre-afraid-of-foi tunein.com/radio/Radyo-Patrol-630-s14674/radioonlinenow.com/2011/02/25/listen-to-92-3-news-fm-online/

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I
dreamed that I was
walking along the beach
with the LORD.
In the beach, there were
two (2) sets of footprints –
one belong to me and the
other to the LORD.
Then, later, after a long
walk, I noticed only one
set of footprints.
“And I ask the LORD.
Why? Why? Why did you
leave me when I am sad
and helpless?”
And the LORD replied
“My son, My son, I have
never left you. There was
only one (1) set of
footprints in the sand,
because it was then that I
CARRIED YOU!
I think that I shall never
see
A poem lovely as a tree.
A tree whose hungry
mouth is prest Against the
earth’s sweet flowing
breast;
A tree that looks at God
all day,
And lifts her leafy arms to
pray;
A tree that may in
Summer wear
A nest of robins in her
hair;
Upon whose bosom snow
has lain; Who intimately
lives with rain.
Poems are made by fools
like me,
But only God can make a
tree.

1